Good To You

By winglessbee

165K 5.9K 692

She's full of angst, who wears baggy clothes and despised high heels and dresses. She's the kind of girl who... More

GOOD TO YOU
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59
CHAPTER 60
CHAPTER 61
CHAPTER 62
CHAPTER 63
CHAPTER 64
CHAPTER 65
EPILOGUE

CHAPTER 35

1.8K 72 25
By winglessbee


Question. What is your most embarrassing moment?

Eto yung tanong na pinaka kinaiinisan ko sa slumbook na pinapasagutan sakin nung elementary at highschool ako. Kaya ang palagi kong sagot, 'Nung nakilala kita' kaya ang ending nagagalit sakin ang may-ari ng slumbook. Hahaha. Kaya hindi na rin ako nagtataka kung bakit si Yanna lang ang kaibigan ko dahil may pagkamanhid din yung babaeng yun na kahit anong insulto ko, dikit pa rin ng dikit sakin hanggang ngayon.

So, ano nga ba ang most embarrassing moment ko? Ibinaon ko na to sa hukay pagkatapos mangyari nito e dahil sa sobrang galit at pagkapahiya ko. Si Papa lang ang nakakaalam ng deepest and darkest secret ko kaya naiinis ako dahil sinabi niya yun sa isang hampaslupang apa!

["Baby, hindi ko naman sinasadya. Nadulas lang ako"] sagot ni Papa sa kabilang linya.

"Nadulas? Di ba binaon na natin yun sa hukay at nagpromise ka na kakalimutan mo na yun na parang hindi nangyari?!" singhal ko habang pabalik balik ako sa paglalakad sa loob ng kwarto ko.

["Hindi ko kayang kalimutan na once upon a time, my lovely and adorable baby confessed to her crush at the age of eight."]

Nanlaki ang mga mata ko at kumulo ang dugo ko. "Papa!" sigaw ko.

Narinig ko ang mahinang tawa niya. Ugh!

["Kung alam mo lang na para akong binunutan ng tinik nung mga panahon na yun. Akala ko kasi talaga, gusto mong maging lalaki dahil puro bola at baril ang pinapabili mong laruan"]

"Papa!"

["Sorry anak. Ano bang gusto mo? Babawi si Papa pag-uwi ko dyan"]

Parang biglang kuminang ang mga mata ko sa narinig ko at nakalimutan ko ang inis ko sa kanya.

"Kahit ano?" tanong ko.

["Yep. Anything you want"]

Napangiti ako. Bah! Ngayon lang to kaya magtatake advantage na ko!

"Kailan po ba kayo uuwi?" nangingiting tanong ko.

["Sa Sunday"]

Dalawang araw na lang pala.

"Sige po, sa linggo ko na lang sasabihin kung anong gusto ko. Sige na po, ibaba ko na. Magdidiner na kami" paalam ko.

Malaki ang ngisi ko nang bumaba ako at pumunta sa sala.

"You looked happy compared kanina, what happened?" tanong ni Yanna ng maupo ako sa tabi niya.

Hindi ako sumagot, tinutok ko lang ang mga mata ko sa tv at hindi pinansin si Yanna. Ayoko munang sabihin na motorbike ang hihingiin ko kay Papa, baka hindi na umuwi yun kapag nalaman niya agad. Ayaw pa naman nun na nagmomotor ako. Delikado daw. Psh. Ilang beses ko na kayang natatakas ang motorbike niya.

Natapos kaming magdinner ng walang away na naganap kahit nakikita ko ang mapang-asar na ngising aso ni Cone. Hindi ko na lang siya pinansin dahil ayokong masira ang mood ko. Masyado na tong maganda para siraan lang ng isang hampaslupang apa.

Tuluy tuloy lang ako sa kwarto at nilock agad ang pinto. Nakatulog ako ng payapa kaya maaga din akong nagising. Alas kwatro pa lang kaya bumaba muna ako para magluto ng almusal ko dahil sawa na ko sa sandwich ng canteen. Ayoko na ding sabayan si LWB dahil nagbago na ang isip ko, naawa lang naman ako sa kanya e at ayokong makita ulit ang tingin niyang yun. Tsk.

"Kikay?"

Nagulat ako ng may biglang nagsalita sa likod ko at hinawakan ang balikat ko.

"Tangina! Hoy! Kung pagulungin kaya kita sa hagdan?! Wag ka ngang basta susulpot dyan!" sigaw ko sa gulat.

Muntik na kong atakihin sa puso! Kinginang yan.

At ang walanghiyang hampaslupang apa? Ayun, tawa ng tawa.

Maganda ang gising ko ngayon kaya hindi ko hahayaan na may makasira nito. Iniwan ko na siya at pumunta na ko sa kusina.

"Ang aga mong nagising?"

Naupo ako sa high chair at nagpangalumbaba. "Magluto ka na" utos ko sa kanya.

Tumaas ang magkabilang kilay niya at ngumisi saka napailing bago pumunta sa ref at kumuha ng kung anu ano sa loob. Pinanood ko lang siyang kumilos sa kusina. Kung hindi lang talaga siya masarap magluto baka matagal ko na siyang hindi pinapasok dito. Kahit papaano naman, may pakinabang siya. Nabubusog ako.

"Ano to?" tanong ko ng ilapag niya ang plato sa harap ko.

"Chao fan"

Tahimik lang kaming kumain hanggang sa matapos.

"Namiss mo luto ko sa umaga no?" ngising ngising tanong niya kaya tinaasan ko siya ng kilay.

"Nagugutom lang ako at kung hindi ka biglang sumulpot ako sana ang magluluto" sagot ko.

"Ayaw mo na ng breakfast sa canteen? Hindi ka ba hinihintay ni LWB ngayon?" nangising tanong nito.

Hindi ko siya pinansin. Mas effective ang ganito para hindi masira ang magandang gising ko. Tumayo na ko pagkatapos ko at bumalik sa kwarto para maligo at mag-ayos. Hinintay ko si Yanna na makababa saka kami sumakay sa kotse at umalis ng bahay papunta sa school.

"You remember me now" sabi nito habang nasa byahe.

Hindi ako sumagot.

"May regalo ka na ba kay Troy? Sa Sunday na yun" Tanong ni Yanna.

Bigla akong napapreno at tumingin sa kanya.

"What the hell Pam?!"

"Sa linggo na?!" tanong ko at hindi pinansin ang pagrereklamo niya.

"Kung wala akong seatbelt, I'd surely crashed on the windshield!" she whined.

Napapikit ako at huminga ng malalim. "Sorry. Nabigla lang ako. Fuck! Wala pa kong regalo! Hindi na lang ako pupunta" sabi ko at pinaandar na ulit ang sasakyan.

"What?! Oh no! Hindi pwede. You should attend because you already gave your word. Troy's very excited because he's expecting you there."

I sighed. Dammit!

Hindi ako nakapagfocus sa buong klase kakaisip ng pwedeng iregalo kay Troy. Hanggang sa makauwi kami, ayun pa rin ang iniisip ko.

"Tita wouldn't mind kung wala kang dalang regalo. Presence mo lang daw okay na" sabi ni Yanna ng pumasok siya sa kwarto ko.

Umiling ako. Nakakahiya naman yun. May hiya parin namang natitira sa katawan ko.
Nakatulugan ko na ang pag-iisip.

Kinabukasan nagising ako at bumungad sakin ang mukha ni apa.

"Good morning!" ngiting ngiti pang bati nito.

Pinikit ko ulit ang mga mata ko at huminga ng malalim. Kakagising ko lang tapos mukha pa ng hampaslupang to ang unang makikita ko? Kinginang buhay yan.

Bumangon ako at nagpunta sa cr para maghilamos at magsepilyo. Pagkalabas ko ng banyo, nakahiga pa rin ang walanghiya sa kama ko.

"Gising ka na" sabi pa nito sabay upo sa kama ng nakaindian sit.

Kinalma ko ang sarili ko. Pinakaayoko sa lahat ang nasisira ang gising ko. Kaya hanggat maari ayokong magalit kapag bagong gising ako dahil buong araw na mababadtrip ako. Kailangan ko pang maghanap ng ireregalo kay Troy. Tsk.

"Bakit ka nandito?" kaswal na tanong ko.

"May bisita ka. Kanina pa yun naghihintay, hindi kita ginigising dahil ang sarap ng tulog mo" ngising ngising sabi nito na para bang may nadiskubre na kung ano habang tulog ako.

Sinamaan ko siya ng tingin pero umiwas siya at mas lumawak ang pagkakangisi kaya binato ko siya ng suklay. Kinginang yan. Mababaliw yata ako sa isang to kapag nagtagal pa.

Tumawa siya tapos tumayo at lumabas na ng kwarto ko. Sumilip ulit siya sa pinto "Nasa baba yung manliligaw mo" pahabol nito bago tuluyang isara ang pinto.

Napatingin ako sa kama ko at biglang nanliit ang mga mata ko ng makita ko ang panget na panda. Kaya pala ganun makangisi yung apang yun. Siguro iniisip nun na gusto ko to kasi galing kay LWB. Asa! Wala lang si Papa kaya nandito pa yan. Si Papa ang taga tapon ng mga panda na nakukuha ko. Tsk.

Naligo na ko at nagbihis bago bumaba. Sabado ngayon at wala akong pasok. Gusto ko pa sanang matulog kaso kailangan ko pang maghanap ng regalo. Pag wala talaga akong naisip na maganda, remote controlled helicopter nalang ang ibibigay ko.

"Good morning!" bati ni LWB.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko habang pinanliliitan siya ng mata.

Aga aga, istorbo.

Tumayo siya at ngiting ngiting inabot sakin ang pamilyar na pamilyar na kahon kaya hindi na ko nagdalawang isip pa na tanggapin ito. Sino ba ako para tanggihan ang blueberry cheesecake?

"Salamat" sabi ko saka siya tinalikuran at nagpunta sa kusina para ilagay ang kahon sa ref.

"Kain na Kikay"

Nadatnan ko sa dining ang magpinsan na nag-aalmusal na. Tinaasan ako ng kilay ni Yanna habang nakangising aso si Cone. Napapailing na lang akong naupo at nagsimulang maglagay ng sinangag sa plato ko.

"Bakit hindi mo tinawag si Ian? Hindi mo ba siya yayayaing kumain?" tanong ni Yanna.

Kumunot ang noo ko at tumingin sa sala, nandun si LWB at tahimik na nakaupo. I sighed. Tumayo ako at nilapitan siya para ayaing mag-almusal. Kitang kita ko kung paano nagliwanag ang mga mata niya pagkasabi ko nun. Hindi ako makapaniwala. Para siyang gutom na bata na ngayon pa lang pinayagan makakain.

Natapos kaming mag-almusal at panay kwentuhan lang naman si Cone at LWB. Seryoso. "Kelan pa kayo naging close?" tanong ko.

Sa halip na sagutin ang tanong ko, nginitian lang nila ako ng nakakaloko. Sinamaan ko sila ng tingin at umiling na lang. Wala akong oras sa kalokohan nila.

Tumayo na ko at nagkulong sa kwarto pagkatapos kong kumain. Nagbabad ako sa laptop ko para magresearch ng pwedeng iregalo kay Troy. Magtatype pa lang ako sa search engine, tumunog bigla ang cellphone ko. Hindi ko na sana papansinin kaso nakakarindi ang tunog kaya kinuha ko na at basta na lang sinagot ng hindi tinitingnan ang kung sino ang caller.

"Oh?" tanong ko.

["Hi girlfriend!"] sagot sa kabilang linya.

Sino to? Napakunot ang noo ko ng unregistered number ang nasa screen.

"Sino ka? At sinong girlfriend sinasabi mo? Hindi ako ang girlfriend mo! Tsk"

["Ate Pam! Si Troy po to! And girlfriend po kita"]

Napatitig ako sa cellphone bago nakasagot. "Troy? Bakit ka napatawag?"

["I'll see you tom? Regalo.."]

"Ah. Oo. Kaso wala pa kong regalo.. Bibili pa lang. Ano bang gusto mo?" tanong ko.

Bakit ba hindi ko naisip to? Sana last week pa ko nakabili. Tsk. Pwede naman palang magtanong.

["I want egg"]

Egg? Naalala ko nung nandito siya, ayan din ang gusto niya. Ganun niya ba kapaborito ang itlog?

"Seryoso? Gusto mo ng itlog?"

["Yes!"]

"Okay?" hindi siguradong sagot ko.

["Yes! See you tom! Bye!"]

Binaba ko na ang cellphone.

Napaisip ako. Nakakahiya naman kung itlog ang dala dala ko bukas. Ano na lang ang sasabihin nila Tita Honey? Tss. Kailangan kong mag-isip at pagfunction-in ang utak ko.

Pagkalipas ng ilang minuto wala pa rin akong idea kung paanong magiging presentable ang itlog na ibibigay ko. Kinginang yan. Siguro masyado akong makasalanan nung past life ko kaya ngayon pati itlog pinoproblem ko. Ugh!

Bumaba ako. I need a break! Baka kapag nakakain ako ng cheesecake ko makapagisip ako ng maayos at gumana ang braincells ko.

Pagbaba ko, nakita ko agad ang isa sa mga bwisit sa buhay ko sa kusina na may kausap sa cellphone.

"I told you Mom, im the one who's responsible for his cake. Im going home tonight after dinner. See you po" sabi nito bago ibaba ang tawag.

Cake? Marunong din siyang magbake?

"Kikay, nandyan ka pala" ngumiti na naman to ng ngiting aso.

"Nasaan si LWB?" tanong ko.

Tumaas ang magkabilang kilay niya saka ngumisi ng nakakaloko. "Nagiimprove ka na, hinahanap mo na siya ngayon" sabi nito.

"Pinagsasabi mo?" patay malisyang tanong ko. Tsk. Masama bang tanungin kung nasaan na napunta ang bisita ko?

"Iniwan mo kasi basta yung bisita mo kaya umalis na lang. Babalik daw siya bukas" kibit balikat na sagot nito.

Tiningnan ko siya ng masama "Hindi mo sinabing wala ako dito bukas?" nanliliit na matang tanong ko.

Mas lumapad ang ngisi niya na parang aliw na aliw sa reaksyon ko. Konto na lang masasapak ko na to.

"You're really concern ha. What if I said no, I didn't told him. Magagalit ka ba sakin?" Nagcrossed arms pa to sa harap ko na parang naghahamon hababg hindi nawawala ang nakakaasar na nakakalokong ngisi. Peste.

"Natural! May sira ba yang utak mo? Bakit hindi mo sinabi? Masasayang effort nung tao!" kingina. Ano bang utak meron tong apang to?

"I thought so" sabi nito saka tumawa "Chill Kikay. Sinabihan ko siyang wag nang pumunta bukas kasi aalis ka kaya wag ka nang magalit dyan. Peace na tayo!" sabi nito habang tatawa tawang nagpeace sign pa.

Napahilot ako sa sentido ko at napabuntong hininga. Wala akong masabi. Kingina.

Kumuha ako ng cheesecake at hindi ko na siya pinansin pa. Masisiraan lang ako ng bait kapag ginawa ko yun. Kaya nga ako nagpunta dito para pakalmahin ang utak ko kaya mas mabuti pang wag pansinin ang mga bagay na walang kwenta. Kakain na lang ako, busog pa ko.

"Hindi mo ba ako aalukin?" tanong ni Cone na naupo pa sa tapat ko.

"Hindi"

"Damot" bulong nito pero hindi ko na pinansin. Tsk. "Bukas abangan mo yung cake na gagawin ko, pag natikman mo yun, for sure, malaki ang chance na magsasawa ka at ipagpapalit mo na yang blueberry cheesecake mo"

Tiningnan ko siya ng masama. Ako? Hinding hindi ako magsasawa dito at ipagpapalit? A-S-A!

"In your dreams" sagot ko.

Lumitaw na naman ang ngiti niyang nakakaloko. Ang sarap ingudngod ng mukha sa plato pero hindi ko gagawin dahil hindi worth it ng cheesecake ko yun.

"Are you sure? Let's make a deal then" sabi nito at mas lalong lumawak ang pagkakangiti.

***★***

**Please choose a ship name for Trystan and Pam :3

TrysAm
TrysEla
TryMela
ConEla
PaTrys
PamTan

or any suggestions? Just comment. :)

Continue Reading

You'll Also Like

211K 4.2K 67
Pagkatapos ng napakatagal na pagbuhos ng ulan sa buhay mo, makakakita ka pa rin ng rainbow sa langit. ** Status: Completed Cover by: wp_mariawhyyy (T...
336K 4.9K 23
Isang kasunduan sa pagitan ni Jocas Española at ng ina ni Josef Malavega ang dahilan ng kanilang kasal. Dalawang taong sinubukang mamuhay nang matiwa...
8.1M 73.3K 58
Alysson Jane Rodriguez has everything she wants in her life. Mapagmahal na pamilya, mapagkakatiwalaang kaibigan, at maayos na edukasyon. Sa tatlong i...
4.8K 90 20
Jez is a girl who is willing to go to any length to get her crush, Hans, to notice her, but will she be able to keep chasing him and following his fo...