Double Danger: Hubby vs Wifey...

By sayonara_chinji

573K 11.4K 951

BOOK 2 of DANGER SERIES *This story contains emoticons. Bakas pa ang jejemon days sa way ng pagkakasulat. *I... More

CHAPTER 1: HOME SWEET HOME COUPLE!
CHAPTER 2: MAID IN PLANET PHEROMONES
CHAPTER 3: NEW HOTTIE ♥
CHAPTER 4: LALALA LAGUNA!
CHAPTER 5: MY PROBLEM
CHAPTER 6: BUSINESS MATTERS
CHAPTER 7: FIRST DAY
CHAPTER 8: EVIL HUBBY
CHAPTER 9: SINGLE?
CHAPTER 10: FIRST WISH
CHAPTER 11: CAUGHT in THE ACT
CHAPTER 12: UNKNOWN CONTRACT
CHAPTER 13: DINNER WITH LOVE
CHAPTER 14: LOCKED UP
CHAPTER 15: TO THE RESCUE
CHAPTER 16: JEALOUS HUBBY
CHAPTER 17: SECOND WISH
CHAPTER 18: LIONDELLE (A)
CHAPTER 19: LIONDELLE (B)
CHAPTER 20: STUPID ENDEARMENT
CHAPTER 21: SMILE
CHAPTER 22: PROTECT ME
CHAPTER 24: TOUCH MY HAND
CHAPTER 25: TV SHOWS
CHAPTER 26: DELIVERY PLEASE!
CHAPTER 27: CALL DAY
CHAPTER 28: 3RD WISH
CHAPTER 29: MISSING RING
CHAPTER 30: NOT MY HUBBY
CHAPTER 31: 4TH WISH
CHAPTER 32: WATCH ME FALL
CHAPTER 33: IN ANOTHER LIFE
CHAPTER 34: WHO WAS I
CHAPTER 35: FAMILIAR
CHAPTER 36: CLONE AT FIRST SIGHT
CHAPTER 37: TOTALLY STRANGER
CHAPTER 38: I AM
CHAPTER 39: I MISS YOU
CHAPTER 40: HE♥RTBE♥TS
CHAPTER 41: HUG
CHAPTER 42: DO YOU REMEMBER
CHAPTER 43: WHAT HURTS THE MOST
CHAPTER 44: HANGGANG DITO NA LANG
CHAPTER 45: DUMB WAYS TO DIE
CHAPTER 46: EYES OPEN
CHAPTER 47: ORANGE is L-O-V-E
CHAPTER 48: DATI
CHAPTER 49: STARTING OVER AGAIN
CHAPTER 50: BAREFOOT CINDERELLA
CHAPTER 51: WE WERE HAPPY </3
CHAPTER 52: WHY DO WE ALWAYS HURT THE ONES WE LOVE
CHAPTER 53: HOW DO I LIVE WITHOUT YOU
CHAPTER 54: I DON'T WANT YOU TO GO </3
CHAPTER 55: KUNG SAKALI MAN
CHAPTER 56: KONNICHIWA!
CHAPTER 57: OKAY LANG
CHAPTER 58: MY PLAN
CHAPTER 59: SET YOU FREE
CHAPTER 60: THERE WAS NOTHING WRONG
CHAPTER 61: FORGIVENESS AND LOVE
CHAPTER 62: NEVER LOOK BACK
CHAPTER 63: MOVE FORWARD
CHAPTER 64: LAST WISH ♥
♥ EPILOGUE ♥

CHAPTER 23: PERFECT FAMILY

8.7K 155 5
By sayonara_chinji

CHAPTER 23: PERFECT FAMILY

"Hindi naman mahirap sagutin ang tanong ko, tama ba Mrs. Vergara?"

Madali nga, pero bakit nahihirapan ako?

"O sige, dahil mukhang nahihirapan ka babaguhin ko ang tanong. Anong pakiramdam ng isang Glazy Jean Himenez na naging instant Vergara?"

Bakit nya tinatanong sa akin yan?

Kailangan ko ba talagang sagutin?

"Mrs. Vergara, nakadalawang tanong na ako. Wala ka bang balak na sumagot?"

I cleared my throat.

Nararamdaman kong nanginginig na ang katawan ko sa di malamang dahilan.

"Okay. Mukhang hindi ka pa handa na sumagot. In the mean time, I'll give you my calling card." Kinuha nya sa wallet nya ang calling card na sinasabi nya tsaka inabot sa akin.

Ako naman wala sa sariling tumanggap.

"Wifey!"

Kelvin.

Hinawakan nya ang kamay ko the moment na nakalapit sya sa akin.

"What's going on here?" Kelvin.

"Ahm wala naman Mr. Kelvin Vergara. Medyo nagkakwentuhan lang kami ng asawa mo." nakangiting sagot ng reporter.

Gusto ko sanang sabihin kay Kelvin ang mga itinanong sa akin ng reporter na to, kaya lang parang may pumipigil sa akin.

Nahihirapan ako.

Tiningnan ako ni Kelvin na parang nagtatanong.

I smiled.. kahit pilit.

"See? Palakwento pala ang asawa mo. Anyway maiwan ko na kayo. Nice to meet you again Mr. Kelvin Josh Vergara."

Nakakainis! Nakangiti pa din syang umalis sa harapan namin.

Bakit ba hindi ko naipagtanggol ang sarili ko?

Buong maghapon akong wala sa sarili.

Natapos ang party at sinamahan ko si Kelvin sa main building ng kompanya ng mga Vergara.

Mabuti na lang busy si Kelvin kaya hindi nya ako napapansin.

Hanggang sa maggabi na, nasa lobby lang ako. Hindi na kase ako sumama pa sa office ni Kelvin.

Alam kong busy sya at magiging disturbance lang ako kapag nagkataon.

Binalikan nya ako around 7pm.

Sa kotse, nagkunwari akong nakatulog. Ayokong mag-alala si Kelvin. Hindi naman kase dapat. Napakawalang kwenta lang ng pinoproblema ko kung tutuusin.

Pero hindi ko maiwasan na hindi yun isipin.

Ginising ako ni Kelvin nang makarating kami sa mansion.

Kumpleto sila.

Ang grandpa ni Kelvin.

Si Mom Vira at ang asawa nya.

Lahat sila nakaupo na sa hapagkainan.

Lahat din sila ngumiti ng dumating kami.

"I miss you Kelvin!" Tumayo si Mom Vira at nagbeso kay Kelvin.

"I miss you too Mom."

Bumaling naman sa akin si Mom Vira.

"And of course you Glazy!" niyakap nya din ako at bineso beso.

Yumakap din kami ni Kelvin sa Dad at Lolo nya.

Magkatabi kami ni Kelvin sa upuan at katapat namin ang mama at papa nya.

"Isn't it lovely? We're complete now." Halatang halata ang tuwa sa mga mata ni Mom Vira.

The past days kase nasa ibang bansa sya. Sobrang busy sa trabaho.

"How's the foundation for the cancer patients?" Biglaang tanong ng grandpa ni Kelvin.

"Fortunately, inaprubahan na ng Doctors group ang proposal. There are a lot of doctors na gustong magparticipate." Sagot naman ng Daddy ni Kelvin.

Oo nga pala doctor ang Daddy ni Kelvin. Pero ang alam ko sya ang nagtrain kay Kelvin sa America. Ang galing naman napagsasabay nya ang business sa pagiging doctor.

"It's a good foundation. You should see it Kelvin." Mom Vira.

"Yes mom." Kelvin.

"Probably Kelvin will be busy this coming days. Bukas na kayo lilipat ni Glazy, right?" grandpa.

Talaga?

I look at Kelvin.

"Yes Grandpa." Kelvin.

"Oh my, isn't it too early?" mom Vira

"Vira, we already talked about this. Let them have a quality time together in their new house. We can't tell, maybe dun nila mabubuo ang grandson natin." Dad

"Hey! Parang hindi mo kaharap ang dalawa kung magsalita ka." saway ni mom Vira.

Then they all laugh.

Ang perfect nilang tingnan.

Paano nga ba ako naging parte ng pamilyang to?

Naalala ko na naman tuloy ang mga tanong nung reporter.

'totoo bang nagpakasal ka kapalit ng pera?'

'anong pakiramdam ng isang Glazy Jean Himenez na naging instant Vergara?'

Pakiramdam ko hindi ako nararapat sa pamilyang ito.

Sobrang hindi.

I found myself standing while lahat sila nabother sa biglaan kong pagtayo.

Nakatingin silang lahat sa akin.

I bow my head.

"Sorry po. Med..medyo sumama lang po ang timpla ng.. ng tiyan ko. Aakyat muna po ako sa taas." Hindi ko na hinintay ang reaction nila.

Tumakbo na ako paakyat sa kwarto namin ni Kelvin.

Alam ko nawirduhan sila sa ginawa ko kanina. Pero wala ng ibang paraan. Ayokong makita nila na bigla bigla na lang akong iiyak sa harapan nilang lahat.

Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko.

Naawa ako sa sarili ko.

Pagkasara ko ng pinto, napaupo na ako sa lapag.

"Mama.." tuluyan ng bumagsak ang mga pinipigil kong luha.

Kinapa ko sa bag ang cellphone ko.

Dinial ko ang number ni mama.

Isang ring pa lang sinagot na nya.

[ Bakit Glazy?! May problema ba anak? ]

"Mama wala po. Gu..gusto ko lang marinig ang boses nyo."

[ Ay ito talagang batang to! Akala ko kung ano ng nangyari dyan sa Mansion at napatawag ka! ]

"Kumpleto nga po ang pamilya ni Kelvin ngayon e. Nandito si sir Vergara, ang mommy at daddy nya. Ang perfect ng family nila nakakainggit."

[ Jusmiyo e parte ka na din naman ng pamilya nila ah! Anong minamaktol mo dyan?! ]

"Ma, nagmamahalan po ba kayo ni Papa noong buhay pa sya?"

[ Abay oo naman! Kaya nga kayo nabuo ng ate mo. Sa tingin mo ba magpapakasal ako sa papa mo kung hindi ko sya mahal? ]

"Pano po kung... ang alam ng iba, nagpakasal kayo hindi dahil sa mahal nyo ang isat isa kundi dahil sa ibang bagay. Ano pong gagawin nyo?"

[ Aba e wala na akong magagawa dun. Isipin nila kung anong gusto nilang isipin. Alam mo anak, ang mahalaga alam mo sa sarili mo na nagpakasal ka kay Kelvin hindi dahil sa kahit na anong materyal na bagay kung hindi dahil sa mahal mo sya at mahal ka nya. Solve na ba? ]

"MAMA?! Pa..pano--"

[ Nako e singhot mo pa lang alam ko na ang ibig sabihin! Glazy wala kang maitatago sa akin. Tumahan ka na at baka kung ano pang isipin ng mga Vergara na problema mo. ]

Pinunasan ko ng palad ko ang basa kong pisngi.

Mama talaga oh.

[ Oh sige na at ibababa ko na itong cellphone. Nagsasaing pa ako at nag-agawan sa kanin ang dalawa mong pamangkin! Babay na. ]

Nakakamiss sila.

Tumayo na ako at umupo sa kama.

Wala ako sa mood na mag-ayos pa.

Pagkalagay ko ng cellphone sa handbag nakapa ko ang calling card na ibinigay ng reporter sa akin kanina sa party.

Hindi ko na sya ineksamin. Inipit ko na lang sa ilalim ng unan.

Then hinubad ko na ang sapatos ko tsaka humiga.

I closed my eyes. Ayoko ng mag-isip ng kahit na ano.

****

Nagising ako dahil may nararamdaman akong humahalik sa leeg ko.

I opened my eyes at umayos ng higa.

"Tinulugan mo talaga ako huh." Parang bata na sabi ni Kelvin.

Nakatagilid sya at nakaalalay ang kamay sa ulo.

"Masakit pa ba ang tiyan mo?" at talagang hinimas himas pa nya ang tiyan ko ha.

"Hindi na. Okay na ako."

"Kawawa naman si baby nasasaktan." He said smiling.

"Ha?"

"Alam mo ba sabi ni Grandpa?"

"Ano?"

"Sabi nya kung pwede na daw natin gawin ang apo nya sa tuhod."

Seryoso?!

"Tumatanda na si Grandpa. I can't remember kung pang ilan beses na nyang sinabi yan saken."

"Hubby.."

"Ano sa tingin mo? Pagbibigyan na ba natin si Grandpa?"

"Kaya lang.. hindi ko maimagine na may mabubuhay sa tiyan ko."

"Oo nga no. Baka kainin lang ng buwaya sa tiyan mo si baby."

"Baluga!"

"Pero wifey, ayaw mo pa ba? Kase ako, gusto ko na."

"Hubby kase..."

"Yes or no? I dont need your explanation."

"Syempre oo, pero--"

"So it's a yes. I wont accept any buts."

Bago pa ako makapagreact, hinalikan na nya agad ako.

KELVIN!!

****

Kinabukasan

Nasaan na ba yung lalaking yun?

Pagkagising ko wala na sya sa tabi ko.

Chineck ko na sa cr, wala pa din.

Pinaasa lang ba nya ako? Ang sabi nya ngayon kami lilipat sa bago naming bahay. Tapos wala sya.

Aisht! Baluga talaga ang lalaking yun!

Pagkababa ko ng hagdan sinalubong ako ng isang maid.

"Goodmorning po ma'm." Naks naman oh ang ganda ng ngiti ni ate haha!

"Goodmorning din. Nakita mo ba ang asawa kong baluga este si Kelvin?"

Natawa naman si ate.

"Nakaalis na po si Sir Kelvin."

Tingnan mo nga naman oh. Excited pa naman ako. Nakakainis!!

I guess papasok na lang ako sa trabaho.

"Pero ma'm may pinapasabi po si Sir."

"Ano yon?"

"Wag na daw po kayong magbalak pumasok sa trabaho kase tinanggal na daw po nya kayo."

"ANO?! Tinanggal na nya ako?! Ugh!"

Dahil sa sobrang inis ko nagmartsa na lang ako pabalik sa kwarto.

Walanjong lalaki yun! Porket sya na ang bagong president ng Global Hotel, tinanggal na agad ako?!

Kinuha ko ang cellphone ko.

Tatawagan ko sya.

Kakaunlock ko pa lang ay bigla ng tumunog.

Lumabas sa screen ng cp ko ang isang unknown number.

Sino naman kaya to?

I answered then..

"Hello? Sino to?"

[ Glazy ako to si Niegel. Nandito ako ngayon sa bahay ng mama mo. ]

"Ha? A-anong ginagawa mo dyan?!"

Hala! Bakit sya pumunta dun?!

XOXO

SAYONARA_CHINJI

COMMMENT naman dyan sa mga nakakaappreciate ng update ko.

:* labyah guyz <3

Continue Reading

You'll Also Like

284K 5.1K 28
(Completed) She's a princess.. No erase that one. She thinks she's a princess.. A priceless.. A precious one.. Bitch among the bitches.. You think yo...
13.6K 884 71
Shuyin Trilogy (II): Isang prinsipe ang na-fall sa'yo, pakakawalan mo pa ba? Kasi ako, pinakawalan ko na. Continuation of "Loving A Weirdo" Read th...
58.6K 1.3K 57
Dapat lang naman mainlove si Michael Jericho Mendez sa isang babae, hindi sana ito big deal kung straight si MJ, dahil sa isa kasi syang beki, baklus...
3.2M 26.3K 81
Started revision. Expect changes like; scenes, names, etc. Revision will be like an update, maybe once a week or twice. Leave new comments for revise...