Married To My Boss (published...

By Chiquiismynname

5.8M 54.6K 3.8K

EDITING.COMPLETE: Nakita ni Jamie Briana Cruz na may naghahalikan sa loob ng sasakyan sa labas ng kompanya k... More

Married To My Boss
NOW AVAILABLE!
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9 (PART I)
CHAPTER 9 (PART II)
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 40.5
BRENT'S POV
EPILOGUE

CHAPTER 4

200K 2K 47
By Chiquiismynname

 

JAMIE'S POV

 

Ang lakas ng music sa bar, aba't syempre bar nga diba? Gusto naming mag-enjoy at kalimutan ang mga trabaho o problema. Ako lang ang walang partner dito sa mesa pero okay lang naman kahit na-oop ako minsan. I looked at the people dancing and enjoying at the loud music. As usual maraming tao pero hindi naman gaano kasikip. Nakita kong may lalaki na papalapit sa akin.

"Hi miss! Pwede bang makisayaw?" tanong niya. Gwapo naman siya at matangkad pero hindi ko pa rin gusto.

"Sorry, pero pagod ako eh,” pagod na sabi ko. Talagang tinatamad akong sumayaw ngayon, gusto ko lang umupo at uminom. Dismayadong umalis ang lalaki sa table namin pero hindi pa lang siya nakakalayo ay may dumating na naman.

"Hi pretty, pwede bang magtanong?" ngali ngali ko namang sabihin na haller! nagtatanong kana nga eh.

 

"Sure!" Todo ngiti ko pang sagot.

"Titulo ba kita?” Titulo?! Ano bang pinagsasabi nito?! 

"H-ha?!" Nakatingin lang sa amin ang mga kaibigan ko.

"Sa tingin ko kasi pag-aari kita," kumindat at ngumiti pa siya sa akin. Sino ba ‘to? Tumaas ata ang mga balahibo ko dahil sa takot.

 

"Eh, emosyon ka ba?" tanong ko naman.

 

"Bakit?"

 

"Ang FEELING mo kasi,” I arched my brow.

"BOOM!" sigaw ni Althea. Tawa nang tawa ang mga kaibigan ko pati mga kadate nila. Umalis nalang yung pobreng lalaki na kinakamot pa ang ulo niya.

"Mahilig ka pala sa mga banats," tanong ni Cindy habang tumatawa.

"Hindi ah. Nabasa ko lang kasi yun sa internet," umiiling na sagot ko at nagsip sa cocktail drink ko.

"Kaya ka naman pala hindi nagkakaboyfriend kasi lalapit palang eh tinataboy mo na agad," sabi nung kadate ni Zoe.

"Tssss.. Nageenjoy pa po ako sa pagiging single." For sure ako na naman ang target nila ngayon, kaya bago pa nila gawin iyon ay ipagtatabuyan ko na sila. "Pumunta na nga kayo doon! Mga lalaki dalhin niyo na ‘yang mga kaibigan ko sa dancefloor. Alam kong kanina niyo pa gustong magsolo. Haha!" inisang lagok ko ang iniinom ko. Pagsasabihan na naman kasi ako nila tungkol sa BF BF na iyan.

"Kaya mo bang mag-isa?" concerned na tanong ni Althea.

"Oo naman, ako pa." Hello, 24 na po ako. Legal age na, lampas na nga.

"Basta just call us if may kailangan ka, ha?”

"Yeah,yeah. Sige na, shoo." I just waved my hand in a gesture of dismissal. Ginawa na naman akong bata. Napangiti ako dahil sumigaw pa talaga sila at pumunta sa dance floor. Bakit kaya ang hilig nilang magdate? Nakakatamad kaya iyon. Isinalin ko nalang ang alak sa baso ko at nagsip ulit.

 

"Hi sexy.." Hindi ko alam kung sino yung kausap niya. Nagpalinga linga ako para hanapin pero papalapit na siya sa akin. Nakakatakot naman ‘tong lalaki parang lasing na. Hindi ko lang siya pinansin at hinanap nalang yung waiter.

"Iyan pa naman ang mga type ko, mga pahard to get." Umupo siya sa tabi ko at tiningan ako pataas. Umusog ako at hinila ang skirt ko pababa dahil doon nakafocus ang mata niya. Medyo kinakabahan na ako dahil nararamdaman ko na rin ang epekto ng alak.

"Excuse me? Nagkamali ka ata ng table na pinuntahan at huwag mo nga ako hawakan." Pilit kong tinatanggal ang kamay ko sa kanya at nagpapanic na rin ako dahil nasa madilim na parte ang pwesto namin kaya hindi ko alam kung may makakita sa amin.

BRENT'S POV

"Tim, ba't mag-isa ka lang, asan babe mo?" tanong ni Harry. Ito ang isa sa mga libangan namin, ang tumambay sa bar pero hindi naman kami mga lasenggero, mga habulin lang.

"Ha? Anong babe? Wala-" Napatigil si Tim sa pag-inom nung marinig niyang may tumatawag sa cell phone niya. Lumapad naman ang ngiti niya at sinagot iyon.

 

"Genevieve eto si Timmy oh, may bab-" agad na tinakpan ni Timmy ang bibig ni Michael.

"Haha! Babe, huwag kang maniwala dun, medyo nakainom na." Lumabas muna si Timmy para kausapin si Genevieve, ang babaeng nagpatino sa kanya. Babaero rin kasi ito at halos nagkakapareho lang kami pero ang pagkaibahan lang ay hindi ako palaging may kinakama hindi kagaya nila na lahat ng babaeng kilala nila ay naikama na nila.

"Brent, musta s*x life mo?" Diretsang tanong ni Michael.

"G*go!" Ang lakas din ng tawa nila. May nagsulputan na mga babae sa table namin pero hindi ko sila pinansin dahil nakatutok ang attensyon ko sa isang babae na nasa sulok. Nakasuot siya ng short black dress at red blazer. Mukhang ang swerte naman ng lalaking iyon dahil ang hot nung babaeng napili niya. Uminom ako sa baso habang nakatingin pa rin sa kanya at napamura ako ng makilala ko kung sino ito.

 

"Brent! Saan ka pupunta?" Hindi ko na sila pinansin at pinuntahan agad ang babae. Mukhang binabastos na kasi siya ng walang h*yang iyon.

JAMIE'S POV

 

"Hindi ako nagkakamali. Pinuntahan kita cause I guess you need a company." Lasing na talaga ito dahil naamoy ko ang alak sa kanyang hininga.  Aktong hahawakan niya ang pisngi ko kaya inilayo ko agad ang mukha ko.

"May kompanya ako at I don't need your company! B-bitawan mo nga ako." Pilit kong tinatanggal ang kamay ko. Alam ko naman kung ano ang company.

"Leave her alone." Napatingin agad ako sa nagsalita dahil pamilyar ang boses niya. Ang gwapo naman. Matalim ang pagkakatingin niya sa lalaking bastos.

"Huwag ka ngang makialam. Sino ka ba?"

"I'm her fiancé. Leave her alone or else I'll call the security.. 1.." Ansaveh?! Fiaannce daw?! Sumabat na ako. "Aba't oi mister, kailan pa kita naging fiancé? Wala nga akong boypren tapos piance?!"

"O eh hindi ka pala niya fiancé. Pare, huwag ka ng makialam sa amin kung ayaw mo ng gulo."

"Huwag mo akong ma pare pare and don't test my patience.. 2." Ikinuyom ni Mr. fiancé ang kamao niya at mukhang nasindak naman itong bastos na ito kaya lumayo agad. Sino ba ang hindi matatakot, parang umaapoy ang mga mata niya sa galit. “And you lady, what do you think you're doing?!" Nagulat naman ako dahil ako na ang nakita niya ngayon, aba wala naman kasi akong ginagawang masama rito.

"Pwede ba? Huwag mo nga akong maignles ingles and for your information, mamang amobisyoso kahit gwapo ka hindi ka pwedeng magsabi sabi ng kahit na ano dahil baka may makarinig sa’yo."

 

"What? Eh totoo naman ang sinasabi ko. Are you out of your mind?" Nakakunot niyang tanong.

"Hoy, ikaw!" Ibinaba niya lang ang hintuturo ko. Ipinikit ko muna ang mga mata ko dahil biglang nanlabo ang paningin ko. "Sungit?" Nakita ko ang pagkalito sa kanyang mukha. "Brent?" Tinaas niya lang ang kilay niya na para bang nagsasabi -the one and only.

"So you remember now?" Oo nga pala, yung boss ko na pervert at masungit ay fiancé ko na.

"Anong klaseng fiancé ka ba? Bakit wala akong singsing?" Itinaas ko pa ang kamay ko para makita niya. Ang daya naman nito. "Mayaman ka naman. Bakit ‘di mo ko binigyan ng singsing? Huwag ka ngang ngumiti riyan, tinatanong kita!"

Lumapit siya sa akin at bumulong. "Sorry babe, I'll give it to you soon." Napaupo ako ng maayos dahil may naramdaman akong kakaiba sa katawan ko, parang may kuryente na dumaloy. Hindi na ako nakapagreact nung kinuha niya ang kamay ko at idinala sa bar ng counter. Umiling iling ako, dahil sa alak ata to. May sinabi siya sa bartender pero hindi ko naman alam kung ano iyon.

"Ano bang ginagawa mo dun?"  Anong klaseng tanong ba yan. Lasing na rin ata to.

 

"Siyempre, naupo at umiinom. Bar to diba?"

I saw him brushed his copper colored hair using his fingers.  "Ang ibig kong sabihin, ba't mag-isa kalang doon sa sulok?" Matigas na tanong niya sa akin.

"Hehe, actually, kasama ko mga kaibigan ko pero pinasayaw ko lang muna sila,” I pursed my lips.

"Tss.. Para ka talagang bata," pailing iling niyang sagot.

"Ewan ko sayo. May bata bang umiinom ng alak? Kuya! 1 pretty princess please," nginitian ko pa siya ng bongga.

"Naglalasing ka ba? Ito nalang ang inumin mo." Nakataas ang isang kilay niya at inabot sa akin ang isang basong tubig.

 

"Ba't tubig? Hindi naman iyan ang inorder ko. Sayo nalang." Ibinalik ko ang baso sa kanya.

"Iinumin mo ba o hindi?" Kinuha ko agad ang tubig at ininom iyon dahil sa klase ng titig niya at boses. Para kasing kakainin ako ng buhay.

"Good girl" Tumango-tango at ngumiti siya. Nagsmile ba ulit siya?

 

BRENT’S POV

"Hala! Nagsmile ka?" Ipinikit pikit niya pang ang kanyang mga mata na para bang nagmamalik mata lang.

"Ha? Bakit?" Mas lumawak ang pagkakangiti ko may tama na nga itong babaeng ito.

"Kasi sa office itsura mo ganito, para kang lalakeng nagmemenopause." Natawa na ako dahil binago niya ang expression niya. Magkalapit ang mga kilay niya at itinaas niya pa ang isang kamay niya na para siyang may hinahabol.

"Ano?" Ako? Lalaking nagmemenopause? At ganyan ba talaga ang mukha ko sa trabaho?

"Sayang naman kasi ang gwapo mo pa naman!" Tinapik tapik pa niya ang pisngi ko.

"A-ano ba! At kahit nakaseryoso ang mukha ko eh marami rin namang naghahabol sa akin," seryoso kong sabi pero sa huli napangiti na lang ako. Nagwagwapuhan rin palang ‘tong babae sa'kin? Akalain niyo iyon. Hindi ko naman kasi nakikita sa mga mata niya ang paghanga hindi katulad ng ibang babae na handang iwan ang boyfriend nila kapag nakita ako.

"Haha! Yabang mo din noh? Pero dapat palagi kang nangiti para gwapo." Ininom na rin niya ang inorder kong alak para sana sa akin. Naglalasing ba to? Ivideo ko kaya? Pamblackmail, para ipakita ko rin sa kanya sa susunod. Minsan lang kasi ‘to. Hindi na ako nagaksaya ng oras at kinuha na ang phone ko.

"Anong ginagawa mo?" Tanong niya sa akin na medyo mapula pula na ang pisngi niya at mapupungay na rin ang mga mata niya.

"Kinukunan ka ng video," balewala kong sagot.

"Talaga? Sige lang ang cute ko naman diba?" Natawa na rin ako kasi nagpose siya ng mg cute at sexy pose. May nakapout, nakagat labi, may paawa naman. Alam niya ba kung ano ang epekto ng mga pinaggagawa niya sa akin?

---

 

JAMIE'S POV

 

"Jam, the who pala yung kasama mo kagabi?” tanong ni Kate.

"Ha?" Inangat ko ang ulo ko mula sa pagkain ko. Hindi ko alam kung ano ang pinaguusapan nila kasi busy ako sa pagkain. Hindi kaya ako nakapagbreakfast at lunch dahil 1:30 PM na ako nagising. Tinawagan nga lang ako nila na magkita raw kami dito sa Presto Café.

"Sino ba ang kasama mo kagabi sa counter at parang napakaclose ninyo." Si Cindy naman ang nagtanong. Halos maibuga ko ang iniinom kong frappe. Ano raw?! Kaclose ko yung kausap ko kagabi?! Sinooo?!

"Ui, okay ka lang ba? Huwag kang mag-alala hindi pa kayo nagmp,” sabi naman ni Zoe. Inexage niya pa ang pagclamp ng lips.

Nalukot na ang mukha ko. "Babae, huwag mo nga akong pagsabihan na mga kababalaghan na alam ko naman kung ano ang ibig sabihin niyan sayo," tumawa silang lahat. "Sige, punta lang ako sa powder room." Paalam ko sa kanila.

Kinausap ko ang sarili ko habang naglalakad papuntang powder room. "Sino ba kasama ko?" Mabuti nga at wala akong kasabay dahil baka pagkamalan akong baliw dito. Humarap ako sa salamin at nag-isip kung ano ba yung ginawa ko kagabi.

"Ang cute naman ng lips mo, parang ang lambot." Pinilig ko pa ang ulo ko para pagmasdan mabuti ang labi niya.

 

"Malambot talaga iyan, maraming babae ang nag-aaway matikman lang tong labi ko."

"For sure, marami ng experience iyan, haha! Alam mo, may sasabihin ako sayo pero secret lang n-natin, h-ha?" Hininaan ko ang boses ko at may binulong ako sa kanya.

"Ano nga ulit?” Curious niyang tanong.

"Wala pa akong first kiss.." *pout*

"Haha! A-ano? W-wala ka pang--" agad kong tinakpan ang bibig niya dahil baka marinig ng ibang tao.

"Shhh, sabi ng secret eh," naiinis ko namang saway.

"Okay, secret na." Tumingin ako sa kanya at kakaiba ang ngiti niya para bang may naisip siya.

 

"Ano?"

"Gusto mo halikan kita para may first kiss kana?" He wiggled his eyebrows at me.

"Sure. Galingan mo ha!” Excited kong sabi at ipinout ko na ang labi ko. Inilapit na niya ang labi niya pero hindi na natuloy dahil nagring ang phone niya.

"WAH! nakakahiya!" sigaw ko at kagat ko pa ang labi ko. Nag-iinit rin ang mukha ko. Sa dami ng pag-uusapan, iyon pa ang nasabi ko. "Haist! Ang tanga naman kasi eh.." Pinokpok ko pa ang kamao ko sa ulo ko pero syempre mahina lang. "Para ka namang desperada Jam..." Pinakalma ko nalang at inayos ang sarili ko. Siya rin ba ang naghatid sa akin kagabi? Naman ehh. Sino ba iyon? Nakalabas na ako sa powder room pero hindi ko pa rin matandaan kung sino iyon.

"Ang tagal mo naman. Akala namin nag-gown ka pa, " pabiro na sabi ni Althea.

"F-U-N FUNNY!” sarcastic kong sagot at tumawa lang siya.

"Seriously, ano bang ginawa mo?"

"Nagpowder? Kaya nga powder room diba?"

"Ewan ko nga sayo.” Hindi ko pa kayang sabihin sa kanina na may fiancé na ako syempre mashoshock yun , lalo na at wala pa akong boyfriend na ipinakilala sa kanila. For sure, marami silang tanong kaya sa susunod na lang kapag ready na ako.

Continue Reading

You'll Also Like

372M 8.9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
1.8M 36.4K 68
The ruthless, snobbish and cold devil found himself falling for the angel witch.
208K 11.5K 25
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.