SCANDAL(DISCONTINUED)

By eekahn

5.9K 73 33

Paano nga ba sila naging legendary all girl rock band ng Japan? More

PROLOGUE
SCANDAL ONE: Haruna Ono
SCANDAL TWO: MAMi SASAZAKi 1
SCANDAL THREE: Mami Sasazaki 2
SCANDAL FOUR: TOMOMi OGAWA
6: RiNA SUZUKi
6: Rina's Meet Ups
8: Graded Performance
9: First Performance
10: Confiscated

7: Problems

185 2 1
By eekahn

      Katatapos lang namin panuorin ang showing ng Backdancers. At successful naman ito. Marami pa kaming nakasamang mga sikat na artista. Kaya ayun ang dami ding picture, haha! Pero masaya ako ah. Dahil parang abot kamay ko na rin ang mga pangarap ko. Alam mo yung feeling na grabe ang hirap niyo sa pag-ensayo but at the end everything was still worth it. Na-appreciate din ng teacher namin ang effort. At hindi lang teacher ha, pati na rin yung mga taong nanood ng pelikula.

“Gusto ko sanang magpasalamat sa inyo,” sabi ni Sir Nomura.

     “Naku po, sir! Alam niyo naman kung hindi sa mga tinuro niyo sa amin wala kami sigurong break, diba Haruna?” Tanong ni Michiru. “Ah! Oo naman, sir. Kaya kayo ang dapat naming pasalamatan,” pagsasang-ayon ko. “Haaay, kayo talaga..” Nakangiti na sabi ni Sir Nomura. “Saan ba tayo pupunta, sir?” Tanong naman Chika. “Oo nga po, sir. Kanina pa po kayo nagddrive eh,” sabi ni Mika.

“E-lilibre ko kayo,” pag-aannounce ni sir. Natuwa naman kami sa sinabi ni sir, at excited na din kami.

     Nagpark si sir sa isang maliit na diner ata ‘to? Suzuki-chan’s Takoyaki. Tahimik kong binasa ang pangalan ng diner, teka teka. Suzuki? Parang narinig ko na yun ah. Kanino bang pangalan yun? “Hoy, Haru! Kanina ka pang nakatunganga jan! Pumasok ka na nga! Ang lamig jan sa labas,” tawag sa akin ni Michiru. Dali-dali naman akong pumasok sa loob ng diner.

Maliit lang ang diner ah at napakasimple ng design nito. Yung usual Japanese restaurant, puro kahoy ang upuan at may mga paintings ding decoration. Umupo ako habang tumingin-tingin sa paligid.

“Hello po. Ano po ang order niyo?” Napatingin ako sa waitress at nagulat naman ako ng makita ko kung sino ito.

“Suzuki-san?” Nagtatakang tanong ko.

     Ngumiti naman siya sa akin. “Ah! Hello, Ono-san!” Kumaway pa. “Ummm… Ano’ng ginagawa mo rito?” Tanong ko. “Nagtatrabaho, siyempre! Kami kasi ang may-ari nito eh,” proud na proud na sabi niya. “Talaga?” Tumingin-tingin ulit ako sa paligid. At may nakita akong family picture, mukhang totoo naman ata ang sinasabi ni Rina, sila naman talaga ang may-ari ng Suzuki Takoyaki. “Sino ba siya, Haruna?” Tanong naman ni Sir Nomura.

“Siya po si Rina Suzuki. Kaka-enroll lang po niya sa Caless a month ago,” sagot ko.

“Talaga? At ano naman ang inaaral mo, Suzuki-san?” Tanong ni Sir Nomura.

“Drums and vocals po,” nakangiting sagot ni Rina.

     Sandaling nagkuwentuhan sina sir at Rina. “Suzuki-san, alam mo ba ang kaibigan mo itong si Haru ay magiging propesyonal na dancer na?” Pagmamalaki sa akin ni sir. “Sir, hindi naman no. Parang cameo lang kami dun,” medyo napatawa pa ako sa sinabi ni sir sa akin. Nanlaki naman ang mga mata ni Rina, “Talaga, Ono-san? Ibig sabihin makikita ka na namin sa tv at sa mga movies?” Nakangiting tanong niya.

“Ay h-hindi pa noh wala-” Me

“Oo naman, Suzuki-san! Hindi lang naman si Haru ang makikita mo eh pati na rin itong mga kasama ko! Sina Michiru, Chika at Mika,” Sir

“Nakuu! Excited na ako, Ono-san!”

“Hindi pa naman sure-” Me

“Dapat lang, Suzuki-san. Alam mo naman ang produkto ng isang Caless, diba? We’re the best,”

“-___-“ Me

     Masyado na atang nagiging hambog si Sir Nomura sa amin ah. Okay, siya na… Siya na ang dancers. Proud lang naman siguro siya dahil sa na achieve namin. Parang one step forward na yun sa pagiging sikat or propesyonal na mananayaw. Sana wag naman sobrahan ni sir. Nahahalata na siya eh. At si Rina naman… Easily impressed naman ang isang ‘to.

Oh well…

“Rina! Ang tagal mo kumuha ng order ah! Anyare ba jan!?” Sigaw ng isang babae na nasa counter at nakasimangot sa amin.

     “Ma! Sila po pala ang mga kasamahan ko sa Caless! Ito po si Ono Haruna, yung kinuwento ko po sa inyo nung isang araw. At ito naman po yung mga kasama ni Ono-san,” pagpapakilala sa amin ni Rina. Tumayo naman kami at nag-bow. “Hello po,” bati namin pati na rin si Sir Nomura. Lumapit sa amin ang mama ni Rina at sinuot ang kanyang salamin. “Wow. Ang ganda pala ni Ono-san, anak eh. Tignan mo o pang-model ang dating. Hindi talaga biro ang mga estudyante ng Caless noh?” Isa pa ‘tong mama ni Rina eh, wagas din kung makapag-compliment sa liit kong ‘to model? Binibiro niya ata ako. Hanggang balakang lang ng isang propesyonal na modelo siguro ang maabot ng height ko.

Tumawa sina Chika, Mika, Michiru at pati na rin si Sir Nomura, hindi ko na lang sila pinansin at pinilit ngumiti sa harap ng mama ni Rina.

“Ay hindi naman po. Maliit lang po ako,” sabi ko.

     “Ma, alam mo ba may movie na si Ono-san pati na rin yang tatlo niyang kasama. Breakdancers ba yun? Ano ba title nun?” Napa face palm ako sa sinabi ni Rina at tumawa ng malakas sina Sir Nomura. “Backdancers, Rina.” Pag-cocorrect ni Sir Nomura kay Rina. “Backdancers po pala, ma! Tanga-tanga mo talaga ng anak niyo kahit kelan… Pero, magiging artista na po sila ma!” Nakangiting sabi ni Rina.

“Wow naman, anak. Sige, hihintayin ko ang mga upcoming movies nila ah. Sana maging ganun ka din anak. Alam mo na… Maging propesyonal ka ding drummer at lumabas sa pelikula kagaya nila,” nagmo-moment naman masyado ang mama ni Rina ah.

“Ma’am we assure you. Magiging successful po ang anak niyo at malayo ang mararating niya. Ganun ka taas ang standards ng Caless. Teacher po kasi ako dun. Ako rin ang instructor ng apat na ‘to o!” Ayan na naman si Sir Nomura.

     “Ganun po ba? Sige aasahan ko po ang mga sinabi niyo sir ah. At dahil nga kilala kayo ng anak ko 50% off na ang total bills niyo sa maliit naming resto!” Nasiyahan naman kami sa sinabi ng mama ni Rina. Imagine, fifty percent off? Edi naka-libre din ng kalahati si Sir Nomura. “Nga pala, Ono-san. Ilang taon ka na ba?” Tanong ng mama ni Rina. “Eighteen na po,” sagot ko. “Edi ibig sabihin, mag-kokolehiyo ka na?” Pagtatanong niya. Napaisip ako, mukhang hindi ata. “Malabo po siguro yun, mahal ang college eh. Hehehe… Pangarap ko naman po talaga maging sikat na dancer eh,” sagot ko. Tumango siya, “Tama yan, iha. Dapat set your goals na… Pero paminsan-minsan kasi hindi tayo dinadala ng kapalaran sa pangarap talaga natin eh. Kasi may nakalaan pa pala siyang mas maganda sa’yo. Mas higit pa sa na-imagine at pinangarap mo,” aniya.

Natahimik naman ang lahat sa words of wisdom ng mama ni Rina. “Good luck sa’yo, Ono-san. Gambatte!” Kinindatan niya ako tas’ pumunta na siya ng kusina ng resto. Nag-paalam na din si Rina at pumunta na ng kitchen.

Napuno ulit ng ingay ang buong resto dahil sa pagkukuwentuhan nina Sir Nomura.

‘Paminsan-minsan kasi hindi tayo dinadala ng kapalaran sa pangarap talaga natin eh… Kasi may nakalaan pa pala siyang mas maganda sa’yo… Higit pa sa pinangarap mo…’

     Napaisip ako sa sinabi ng mama ni Rina. ‘Higit pa sa pinangarap mo…’ ano kaya ang ibig sabihin nun? Simple lang naman ang pangarap ko ah. Maging propesyonal na dancer, yun lang. Walang labis, walang kulang. Pakiramdam ko maabot ko naman yun ah. Magaling naman ako ah at mahal ko ang ginagawa ko.

“Natameme ka ata Haru? May problema ba?” Tanong ni Michiru.

Umiling na lang ako at nakisali na rin sa kuwentuhan nila.

“Kainis nga eh, namatay ang bida. Alam mo yung feeling na ilang buwan kang naghintay tas’ yun lang ang ending? Pfft…”

     Naglalakad kami ni Tomomi papunta ng locker room habang siya ay nagkukuwento sa latest manga na nabasa niya. “Pero sulit naman ang pera ko ah. May freebies kasi ang nabili kong manga eh,” aniya. Ang gulo ah. Manga may freebies? Binuksan ko ang locker ko at kinuha ang dancing shoes ko. “Manga may freebies? Kelan lang yan nagsimula?” Pagtataka ko. Natigil din si Tomomi at tumawa.

“Hehe… Yung magazine pala. Dalawa kasi ang binili ko eh, sori medyo magulo ang brain cells ni Tomomi ngayon eh. Nauntog ako siguro kagabi,” aniya. Napabuntong-hininga ako at tumawa na lang.

Magsasalita sana ako ngunit natigil ito ng may nag-bukas ng pinto ng locker room.

     “Ohayou, Mami-chan! Pasensya ka na kung hindi kita nasabayan kanina ah. Hinatid kasi ako ni daddy eh, papunta kasi si Kyo nee-chan sa ballet rehearsals niya kaya sinabay na lang kami ni daddy,” aniya. Ngumiti si Mami, “Okay lang noh. A breath of fresh air din kasi para sa akin eh. Biruin mo yun first time in five years na pumunta ako ng Caless na mag-isa na naka-earphones at walang chipmunk,” tumaas-taas pa ang kilay ni Mami. Tumawa ako ng malakas. “Tomo, narinig mo ang sabi ni Mami. Chipmunk ka daw!” Tumawa ako.

Nag-pout si Tomomi.

     Dali-dali naman siyang tinabihan ni Mami at niyakap ito. “At alam mo medyo malungkot din pala… Wala kasi akong aasarin eh,” aniya. Napatawa ulit ako. “So, kelangan mo lang pala ako para may aasarin ka? I hate you, Mami-chan!” Sabi ni Tomomi. “Binibiro lang kita! Eto talagang si Tomo o! Joke lang, joke lang” sabi ni Mami at nag peace sign pa ito.

“Naghihintay si Rina sa taas. Tulungan daw natin siya,” sabi ni Mami habang naglalagay ng gamit sa locker niya.

     “Tulungan?” Tanong ko. “Yep,” sagot ni Mami. “Tulungan, saan?” Nagtatakang tanong ni Tomomi. Nagkibit balikat si Mami at sinara na ang locker niya. “Ewan. Basta sabi niya sa akin tulungan daw natin siya eh, at dalhin daw natin ang instruments natin,” aniya. Ang gulo ah. Hindi na lang ako nagtanong pa. Tama lang na tulungan ko si Rina noh. Sa laki pa naman ng binigay na discount ng mama niya.

“Mauna na kayo. Kukunin ko lang ang gitara ko sa String Room,” sabi ko.

     Pagdating ko sa Drum Room nakita kong pabalik-balik si Rina at hindi mapakali si Mami at Tomomi naman nakaupo at tinitignan lang siya. Wow, ang baet ng nilang dalawa ah? “Suzuki-san, okay ka lang?” Umupo na din ako katabi si Mami. Tumigil si Rina sa paglalakad at tinignan ako na medyo nanginginig.

“Oo, okay ako! Okay, si Rina o! Wohoo!”

Tinignan lang namin siya. Napaupo na din siya sa harap namin at nilagay ang dalawa niyang kamay para matabunan ang mukha niya.

“Huy! Anyare ba sa’yo? Okay ka lang?” Tinabihan siya ni Tomomi at inakbayan.

“I’m doomed!” Sigaw niya.  “Waaaaaah!”

    “Ano bang problema mo? Nandito na kami o, matutulungan ka na namin,” nag-aalalang tanong ni Mami. Tinignan kami ni Rina naka-pout at parang iiyak niya. “T-Talaga?” Bulong niya. Nagkatinginan kami nina Tomomi at Mami tas’ tumango kami. “E-Eh kasi… Eh kasi ngayong araw na ‘to titignan ng upperclassmen ang performance ko eh. Yung solo wala akong problema… Pero wala akong banda!!!!!” So ganun lang? Uber din itong si Rina ah.

     Napaisip ako. Tama si Rina, ngayong araw na ‘to titignan or shall I say bibigyan ng grado ng upperclassmen ang performance ng mga newbies at lowerclassmen. Wala namang masama kung medyo mababa ang grades mo, it’s normal naman for beginners eh. Pero jackpot na talaga kung mataas ang grades mo sa senpais. Mas madali ka kasing e-recommend sa mga teachers eh. You can be closer to being a professional pag maganda ang feedback mo sa kanila. Pero pag mababa, mas galingan mo next time kung may graded performance.

     I remember the time na newbie ako dito sa Caless at napabilib ko lahat ng senpais sa performance ko kaya ayun. Good name ako sa mga teachers. Which reminds me senpai na pala ako ngayon sa dance classes, bukas siguro kami mag g-graded ng performance. Twenty kasi ang senpais na mag g-grade sa inyo eh, milagro na kung lahat sa kanila bibigyan ka ng grade na 5. 5 is the highest and 2 or 1 naman ang pinakamababa. Jackpot na yan kung may 4 to 5 combinations ka ng grades.

Nung time ko nakakuha ako ng thirteen 5’s at seven 4’s sa solo.

     Nahahati din sa dalawa ang performance mo. The solo and the group for the dance. At solo and a band for the instruments. Pahirapan din yan kasi hindi nila ina-announce ang performance day in advance. Dito kasi masusukat ang kagalingan at disiplina ng isang estudyante. Mala slang talaga ‘tong si Rina ilang linggo pa lang ngang nandito performance day, agad.

Binitiwan naman ni Tomomi si Rina at muntik na ito mauntong sa sahig. Sinalo siya ni Tomomi at inakbayan ulit.

“Sus, ang liit lang pala ng problema mo girl!” Sabi ni Tomomi.

“Wag kang mag-alala tutulungan ka namin. Gagawan natin ng paraan yan,” seryosong sabi ko.

     Unti-unting binaba ni Rina ang dalawa niyang kamay at nakita ko ang maluha-luha niyang mga mata. “T-Talaga?” Lumiit ang boses niya. “Oo naman noh. So ayaw mo?” Pananakot ni Mami, isa pa ‘to eh. “H-Hindi! I mean, siyempre gusto! Pero mamaya na yun eh, hindi tayo nakapag-praktis. Sorpresa kasing inannounce ito kaninang umaga eh,” paliwanag niya.

“Don’t worry, Rina-chan. Kaya mo yan, kaya natin ‘to!” Wagas din kung makapag moral support itong si Tomomi ah. Tumango din si Mami.

“Lahat naman tayo nakaranas na ng graded performance, diba?” Tinignan nila ako lahat. Napa-oo sina Mami at Tomomi. I remember na muntikan ng makakuha ng twenty 5’s si Mami a few months ago ah.

“At alam na alam na natin ang mangyayari… Kaya let’s do our best para tulungan si Rina,” desididong sabi ko. Napangiti naman si Rina. Gumapang siya at niyakap ako na siyang kinagulat ko.

“Waaaah! Da best ka talaga, Haruna!” Aniya. Ngumiti na lang ako.

---

Nakikinig ako sa STANDARD album nila ng tina-type ko ito ah. In love na ata ako sa Weather Report nilang kanta, super ganda kasi eh! Na LSS din ako sa Kimi to Mirai to Kanzen Doki nilang song.  Oh! Nakita niyo din ang Robot Scandal nilnag music vid? Gondoo, diba!? Cute ng robots at siyempre ang SCANDAL! Hehe… Si Mami, super laki talaga ng changes noh? Long live, SCANDAL!

All of the events that were mentioned above were all fictional. Meaning, hindi nangyari yun sa buhay ng SCANDAL. I just made it out of my imagination, okay??? o___O

NO reviews & spell check. Kaya pagpasensyahan niyo na kung may maling spellings at grammars. V>___<V REMEMBER I AM NOT A PRo!

Salamat sa pagbabasa!

Comment, vote, follow!

Xoxo,

CHiZUMi

Continue Reading

You'll Also Like

395K 26.1K 33
When tuning in to the parallel world seems to be the only way to explain Liz's sudden disappearance, high school students Maxx, Zero and Axes try eve...
1M 41.6K 100
crush back series #1 ❝crush kita. what if jowain mo ko, ha?❞
51.7K 3.7K 2
This guy is bad news. Pretending to be cute and nice while hiding an evil inside. Although Zandra Asuncion dislikes Michael Jonas Pangilinan, she gra...
170M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...