Runaway Dad (Under Revision)

By heiressywrites

246K 4.4K 463

Kent Verano and Gabriella Montanes made a mistake at a young age. Kent will be a runaway dad not just with on... More

Synopsis
ONT 1
ONT 2
ONS 3
ONS 4
ONS 5
ONT 6 (CHARACTERS)
ONS 8
ONS 9
ONS 10
ONS 11
ONS 12
ONS 13
ONS 14
ONS 15
ONS 16
ONS 17
ONS 18
ONS 19
ONS 20
ONS 21
ONS 22
ONS 23
ONS 24
ONS 25
ONS 26
ONS 27
ONS 28
ONS 29
ONS 30
ONS 31
ONS 32
ONS 33
ONS 34
ONS 35
ONS 36
ONS 37
ONS 38
ONS The Wedding
ONS 39
ONS 40

ONS 7

4.8K 95 3
By heiressywrites

CHAPTER 6

K E N T

Ilang linggo na rin ang nakalipas nang makarating ako dito sa California. Hindi ako masyado nahirapan mag adjust dahil tinutulungan naman ako ng assistant ni kuya William sa lahat ng kailangan kong matutunan.

Kasalukuyan niya akong binigyan ng trabaho, ang tumulong mag inventory ng wines sa factory at vineyard niya. Hindi ko lubos akalain na ganoon na siya kayaman sa edad niya at nakita ko din kung gaano kahalaga sakanya ang business nila. Humanga nga ako sa angkin niyang talento lalo na sa pakikipag usap, isa na siya sa mga taong hinahangaan ko.

Ngunit, hindi ko ba alam kung ano ang mararamdaman ko lalo na at galing sakanya ang planong iiwanan ko si Gabriella kasama ang anak namin sa nakatakdang panahon.

Hindi ko masabing close kami, hindi ko rin masabing galit siya at iniiwasan ako. Siguro, tama lamang na ganito niya ako tratuhin dahil sa ginawa ko sa kapatid niya.

Si Gabriella.

Paunti-unti nang lumalaki ang tiyan niya. Ang hula nga namin ay lalaki ang magiging anak namin dahil sa laki ng tiyan niya. Matakaw na din at naglilihi ng kung ano-ano.

"Bub, bilhan mo ako ng pakwan mamaya ha? Yung walang seeds."

Napakunot noo ako "Walang buto? Bub, wala namang ganon."

"Meron! Nag tanong ako kay ate Natasha! Meron daw dito sa California! Kung si kuya nga 'eh nakahanap, malamang ikaw din."

Kokontra pa sana ako kaso nakaabang na ang masungit niyang mukha, nakanguso at matalim na mga matang nakatitig saakin. Natawa nalamang ako at hinalikan siya bago umalis.

Natapos na ang trabaho ko ngayon at agad kong nakita ang sundo ko, ang assistant ni kuya WIlliam. Si kuya Piolo.

"Kuya." Bati ko.

Inakbayan niya naman ako "Kumusta?"

"Okay naman po."

Siya ang madalas kong kausap dahil siya lagi ang madalas na ipasama saakin ni kuya William. Dalawa kasi silang assistant, at siguro siya ang naatasan na samahan ako sa lahat ng lakad dito sa California.

"Ah Kent, may pinapasabi pala si Sir William. Kailangan mo daw matutong mag drive para pag nagkataon ay hindi na ako sama ng sama sayo. Nagkakaroon kasi minsan ng problema at kailangang kasama ako palagi sa lakad niya."

Nanlaki ang mata ko "Po? Mag drive?"

"Oo. Kapag natuto ka ay gagamitin mo ang company car. Para naman makagala na din kayo ni Gabriella na hindi ako kasama."

Ngumiti siya at tinapik ako "Wag kang mahiya, tara tuturuan kita."

Madalas talaga namin siyang kasama mamasyal ni Gabriella lalo na kapag iniikot namin ang California para mamasyal. Nagmistula na siyang bodyguard ni Gabriella sa lahat ng lakad namin.

Si kuya Piolo, nalaman kong matalik na kaibigan din siya ni kuya William. Sobrang bait niya sa akin, at madalas din makipag biruan kaya hindi ako masyado nahihiya kapag siya ang kasama.

"Yan! Galing mo 'ah. Nakapag maneho ka na ba dati?"

Umiling ako "Hindi po, tumitingin tingin lang po sa inyo kapag nag da-drive kayo."

"Nako, fast learner ka Kent!"

Napangiti ako at nasisiyahang mag drive kasama siya. Iniikot ikot lang namin ang malawak na lupain sa gilid ng factory ni kuya William.

"Pagbalik mo ng pilipinas, hindi mo na kailangan mag aral. May sariling kotse ka pa."

Nag bago ang timpla ng mukha ko sa sinabi niya. Inihinto ko ang kotse "Ah..kuya Piolo.."

"Ano ka ba!" Tinapik niya ako "Pag nakakuha ka ng lisensiya dito, hindi mo na kailangan mag aral mag maneho pag dating sa Pilipinas. Iyon ang ibig kong sabihin."

Binalewala ko nalang ang sinabi niya at um-oo nalamang.

***

Pag uwi ko at agad kong nakita ang kotse ni kuya William kaya masasabi kong nasa loob na siya ng bahay. Nakaramdam na naman ulit ako ng takot. Siguro ay masasanay din ako sa feeling na ganito.

"You're here!" Sinalubong ako ni Gabriella na nakasuot ng polkadots na maternity dress. Malawak ang ngiti niya at tiningnan ang dala kong pakwan na nasa net.

"Omg! Seedless ba yan?"

Tumango ako at hinalikan siya sa noo "Kumain ka na?"

"Nope! Just about to, buti nalang dumating ka na."

Nadatnan ko ang pamilya nila ate Natasha na nakaupo na sa hapag kainan. Bumati naman ako at diretsong umupo sa katabi ni Gabriella. Nagsimula na din kaming kumain.

"Nag aaral ka na daw mag drive report sa akin ni Pio." Panimulang tanong ni kuya William sa akin.

Tumango naman ako bilang sagot "Opo. Kanina lang po kami nag umpisa."

"That's good. How was it?"

Napatingin ako kay Gabriella na nakangiti habang nakatingin sa akin, binalikan ko naman siya ng ngiti "May alam na din po kahit papaano." Sagot ko "Magaling din po kasi mag turo si kuya Piolo."

"Yeah he is." Tumingin siya sa mata ko kaya agad akong umiwas.

Naalala ko si Hens sa pagka kaibigan nila. May ugali kasi si kuya Piolo na gaya kay Hens. Minsan iniimagine ko na, kasama ko nalamang lagi si Hens para hindi ako ma-homesick masyado.

Pagkatapos namin mag hapunan ay pumunta na kami sa kwarto namin ni Gabriella at agad naman akong naligo. Pag labas ko ay nadatnan ko si Gabriella na nakasandal sa headboard ng kama habang nanonood ng TV na may hawak na bowl ng pakwan.

Pagkatapos kong mag ayos ay naupo ako sa tabi niya habang hinahaplos haplos ang tiyan niyang lumalaki na "Kumusta araw mo?" Tanong ko.

"It went fine. Nakipag laro lang ako with the kids and then I attended my yoga class with other preggies." Nakangiti niyang kwento habang kumakain ng pakwan "You know what? I feel like an adult now. Parang hindi ako seventeen years old. It was like, I am destined to be a mother at the age of eighteen talaga."

Napangiti ako "Pano mo naman nasabi?"

"Because I am acting like one. I am not a kid anymore." Humarap siya sa akin at sinubuan ako ng pakwan "Tsaka I have you." saka niya ako hinalikan.

Sana ganito nalang lagi yung uuwian ko lalo na kapag lumabas na ang baby namin. Hindi ko lubos maisip yung saya na mararamdaman ko habang kasama sila pareho.

"Pwede ba tayo pumunta sa amusement park pag day off mo?"

Tumango ako bilang sagot "Oo naman, kapag marunong na ako mag drive ng tuluyan."

"Yehey! We can do whatever we want na kapag marunong ka na mag drive!"

***

Mahimbing na natutulog si Gabriella. Bumangon ako at kinumutan siya saka lumabas sa veranda ng kwarto namin at agad na tumawag sa Pilipinas.

May klase ngayon si Lian at Kiko kaya si inay nalang ang tinawagan ko. Bandang hapon na din doon kaya pwedeng patapos na siya mag trabaho.

["Kent anak ko!"]

"Hi nay, I miss you.."

["Nako nak! Miss na din kita! Kumusta diyan?"]

"Sus parang hindi tayo nag usap noong isang araw."

Narinig ko ang mahina niyang tawa ["Iba pa din anak ang usap na magkasama kaysa sa usap na magkalayo.]

"Okay lang po ako dito, si Gabriella po ay mahimbing na ang tulog ngayon. Busog na busog sa pakwan na inuwi ko kanina. Iba pala nay ang pakwan dito, may ibang walang buto." Kwento ko.

Kasiyahan ni inay na mag kwento ako sa kanya ng kung ano ano lalo na sa mga bagay na natutunan ko dito o kaya mga kwentong wala sa pilipinas. Nasisiyahan siyang marinig ang boses ko, o kaya ni Gabriella. Kung minsan naman kapag kasama niya si Kiko ay pinapakita namin sakanila ang tiyan ni Gabriella na ikinatutuwa nila lalo.

["Wag ka na mag padala anak. Ipunin mo ang pera na sinesweldo mo jan. Sobrang laki ng pinapadala mo kaya kasyang kasya pa saamin iyon ng mga kapatid mo. Naibili ko na din nga sila ng mga gusto nila, at napaayos ko na ang gate natin! Bakal na, hindi na kahoy."] Masayang boses ang naririnig ko sakanya, kaya masya din ako.

"Salamat inay ko."

["Saan anak?"]

"Sa pag isip ng kapakanan ko, ni Gabriella at ng magiging anak namin. The best lola ka."

Narinig ko ang mahina niyang pag singhot kaya alam kong naluluha nanaman ito ["Ano ka ba! Nasa isdaan ako ngayon, pinapaiyak mo naman ako!"]

"Darating ang panahon na hindi ka na gagalaw para mag trabaho inay. Ako ang mag sisikap para sainyo nila Lian at Kiko kaya hintayin niyo ako bumalik 'ah."

["Oo naman anak ko. Palagi namin kayong pinagdarasal. Mag iingat kayo palagi ha? Wag ka mag isip ng kung anu-ano. Okay lang kami dito at alagaan mo lang riyan si Gabriella.]

Naputol ang tawag sa di ko malamang dahilan, pero makakatulog ako ng maayos dahil narinig ko ang boses ni inay.

***

Nakalipas muli ang ilang linggo nang paunti-unti kong nahahalata ang pag laki ng tiyan ni Gabriella. Mag lilimang buwan palamang ang tiyan niya pero mukhang malaki kumpara sa ibang tiyan ng ibang nanay.

"Okay, I can excuse you anytime when it comes to Gabriella's pregnancy. You may go with her." Sabi sa akin ni kuya William.

Sinabi ko kasi sakanya ang nahahalata ko at gayundin pala ang nahahalata niya. Kaya nag paalam ako kung pwede wag muna pumasok sa trabaho para samahan si Gabriella sa OB nito. Sa araw din na iyon ay pinatingin namin si Gabriella sa OB niya. Mayroon na kami ng copy ng first ultrasound niya. Iyon ang pinaka unang beses na kasama ko siya magpa check up dahil kararating ko lang.

"It's normal. Ang lakas nga ng heartbeat Mr and Miss... Montanes. Wait let me check ha. It's kinda confusing. Let's see how your baby's doing."

Kami lamang ni Gabriella ang kasama ng doktor at ng assistant niyang nasa likod ng curtain sa loob ng clinic niya. Linagyan ng parang gel ang tiyan ni Gabriella at ang equipment na gagamitin sa ultrasound.

"Oh my."

Nagkatinginan kami ni Gabriella at agad na nag focus sa screen. Humigpit din ang hawak niya sa mga kamay ko.

Nakita ko ang pag ngiti ng doktor "Oh my. Now I know why their heartbeat is kinda confusing."

"Why doc? What's the matter?"

"Okay, wait. Maybe I overlooked your records. There's a mistake I guess? Let me excuse myself for a second."

Tumayo siya at agad na kinausap ang ang assistant niya sa clinic. Humarap naman ako kay Gabriella na kasalukuyang namamawis at kinakabahan "Calm down Gab. Everything is fine." Hinalikan ko siya sa labi "Relax."

"Okay." Saad ng doktor sa pag balik niya "On your first ultrasound, I told you that you are already 10 weeks pregnant right?"

"Yes."

Umupo siya at humarap sa amin "Look here." Tinuro niya ang screen "You see this three humans?"

Tinuro niya ang tatlong fetus na unti-unting nagiging malinaw sa screen. Namilog ang mata ko at napanganga sa nakita. Unti-unti kong pinoproseso ang sinabi niya.

"Holy.." Waring si Gab ay napatulala habang nabigla sa narinig at nakita.

"I think you're having triplets."

"Oh my god." Maluha-luhang tumingin sakin si Gabriella. Sa hindi malamang gagawin ay agad ko siyang hinalikan at pagkatapos ay humarap kay Doktora "But they were okay right?" Tanong ko.

"Yes, very very fine." She switched on something at agad naming narnig ang sabay sabay na tibok ng puso na parang nagkakarerang mga kabayo ang tunog. Mas lalong humigpit ang hawak saakin ni Gabriella habang patuloy siyang umiiyak, sa saya.

"We didn't expect this right? Good thing you've observed that this is not usually the normal size of a regular pregnant woman carrying only one baby. You did well Kent."

"Pero panong? Pano nangyari..." Putlol-putol at tulala pa ring tanong ni Gabriella.

"It happens all the time. Fetuses sometimes were not really visible lalo na kapag 6-9 weeks palang. However, the more babies you're carrying, the easier it is for one to get overlooked. I think I've done a mistake from our last ultrasound for not really looking it through---"

"No, no Doc it's okay." Gabriella held her hand and reassured her "You did well and thank you so much for telling us this wonderful news."

"Thank you, but oh my god Gabriella. This is the first time I've handled a case like yours. You are just seventeen years old and yet you were carrying three babies in your womb. May lahi ba kayong kambal?"

Tumango siya at ngumiti "Yes we have, we have."

Naalala ko si Riley at Miley ang pinsan ni Gabriella.

"This is vital for your age, you know that."

Nagaalala akong tumingin kay Gab. Kahit gaano ka saya ang balita, ay iyon din ang balik na takot at pag alala sa kalagayan niya.

"I know, I know Doc. That's why I need to take care of myself triple times." She chuckled then looked at her belly "Oh my god, I just can't believe it."

"Congratulations. We cannot see their gender yet but we will find it very soon since she's in her fourth month already." At kinamayan niya kami pareho "You have to visit me every after three weeks okay? We need to change your schedule since you're carrying triplets. You also need to call me or to come by when you feel something odd in your body, alright?"

"Yes doc." Sagot namin pareho sa kanya.

Pagkatapos ng check up ay binalita namin kila kuya William ang resulta. Waring siya ay hindi makapaniwala sa nalaman. Nagkaroon ng maliit na salo-salo pag uwi namin dahil sa magandang balita.

***

"Couple dapat tayo Kent!"

Isinuot nI Gabriella sakin ang isang headband na kagaya nang sa kanya. Malawak ang ngiti niya ngayon, at makikita mo sa mga mata niya na masaya siya sa lugar na pinuntahan namin.

Ilang beses niya na akong kinukulit pumunta sa isang amusement park dito sa California, pero ako ang umaayaw dahil palagi akong nag o-overtime sa trabaho. Ngayong day off ko siya pinagbigyan na mamasyal kami na kaming dalawa lang dahil marunong na din ako mag drive.

Salamat kay kuya Piolo sa matiyagang pag turo saakin.

"Happy?" Tanong ko pagkatapos kong bayaran ang headbands na binili namin.

"Super!" Bungisngis niya.

Magkahawak kamay kaming nag lalakad habang tumitingin tingin sa paligid. Madalas ko siyang tingnan lalo na ang kanyang tiyan dahil nagrereklamo siyang naguumpisa na itong bumigat. Todo paalala naman si ate Natasha na wag kaming sumakay sa mga rides na pwedeng ikasama ni Gabriella, kaya na pagusapan namin na mamamasyal lang kami at kung may rides siyang gustong sakyan, ay ako nalang ang sasakay.

"I'm getting tired bub. Can we at least eat something?" At tumingin siya sa kanyang wrist watch "Bub! Kaya pala 12 na 'eh! It's time for lunch!"

Natawa ako dahil sa mukha niya, ang cute niya talaga mayamot "Sorry, na enjoy natin mamasyal at lumakad 'eh. Tara kain na tayo."

Nang madaanan namin ang isang buffet restaurant ay di siya nag dalawang isip na pumasok. Nag hanap agad siya ng plato at diretsong kumain. Natatawa nalamang ako dahil halos gusto niya lahat kainin, kaya kumuha nalamang ako ng pa unti-unting putahe sa papilian at pinagkasya sa pinggan.

Grabe, ganito pala katakaw ang mga amerikano. Ang lalaki ng size ng pagkain nila, kumpara sa pilipinas.

"Oh my god! This is what we call a feast!" Tuwang-tuwa siyang kumain. Pinagbawalan siyang kumain ng mga matataba kaya inilayo ko sakanya ang ibang pagkain na alam namin pareho na bawal sakanya.

"Bub?"

Umangat ako ng tingin sakanya "Po?"

"Do you expect these things will happen?" Tanong niya habang kumakain ng pakwan.

"Alin bub? Pagpunta natin dito sa amusement park?"

Umiling siya "No, me being pregnant and you being here with me."

Nang marealize ko ang sinasabi niya ay agad ko siyang nginitian "Hindi, hindi ko ine-expect na may mabubuong tatlong baby sa tiyan mo, at di ko rin ineexpect na papapuntahin ako rito ng kuya mo para alagaan ka."

Nakatulala siyang nakatingin sakin at bigla siyang ngumiti "Oo nga 'eh. Everything happened so fast."

"Ikaw ba?" Balik kong tanong, at nag focus sa pag sagot niya.

"I was really scared at first, you know that." Biglang naging seryoso ang kanyang mukha "I really do not know what to do. Para bang madami nang pumapasok sa isip kong solusyon na hindi dapat."

Alam ko ang ibig niyang sabihin.

"But thankfully, kuya William saved me." She smiled, proudly "If it wouldn't because of him, maybe ...maybe both me and my baby were gone already."

Napakunot noo ako "Don't say that bub."

Biglang namuo ang luha sa mga mata niya at saka tuluyang umiyak. Pinagtitinginan kami sa kabilang table, pero napangiti nalamang ako sakanila at pumunta sa tabi ni Gabriella "Bakit ka umiyak? Baka isipin nila, inaaway kita."

"I'm sorry." Isinubsob niya ang kanyang mukha sa dibdib ko "Oh my god, this is so embarrassing."

Natawa ako at hinarap siya saakin. Pinunasan ko ang luha sa mga mata niya "Wag kang umiyak kasi masisira mood mo. Magiging iyakin ang tatlo nating anak sige ka."

She chuckled "It was just so overwhelming bub you know that."

"I know." Hinalikan ko siya sa noo at tinulungan mag ayos ng sarili bago bumalik sa upuan ko.

Pinagmamasdan ko ulit siya habang kumakain at napaisip ako.

Tuwang-tuwa si Gabriella sa kapatid niyang akala niya sinalba siya sa isang pangyayaring di dapat malaman ng lahat... pero paano kapag dumating ang araw na kailangan na namin siyang iwan?

Matatanggap niya pa kaya ang kuya niya?

Pinipilit kong wag isipin ang mga bagay na hindi ko dapat isipin. Lalo na ang kamuhian si kuya William sa isip ko dahil hindi ko ba alam kung tama ba ang ginagawa namin kay Gabriella.

Bilang isang ama at kasama ni Gabriella, hindi ko alam kung ano pang mukha ang ihaharap ko sakanya kapag nalaman niya ang totoong dahilan nang pag punta ko dito at pag iwan sakanya sa takdang panahon.

"CR lang bubs." Paalam ko sakanya at tumayo.

Mabigat ang damdamin ko habang nag lalakad, namumuo rin ang luha na kanina ko pa pinipigilan.

"Shit." Napamura ang nakabunggo kong tao dahil sa kamamadali ko papuntang CR. Nahulog sa sahig ang dala niyang bag.

"Sorry." Sabi ko at kinuha ito. Nang makita ko siya ay parang bigla akong tumingin sa sarili ko sa salamin.

"Ohh." Gayundin ang reaksyon niya nang makita ako.

Kahit ang lumapit na isang staff ay napangiti saaming dalawa "You two were siblings?"

Umiling kami pareho "No." Sabay naming sagot.

"Oh, isn't it weird? You two looked alike!" Manghang sambit ng staff "Be careful next time Sir."

Ngumiti ako dito "Sorry, I admit it was my fault." Tumingin muli ako sa lalaking ngayon ay nakangiti na sa akin "Finally meet you." Saad niya.

Nakakunot noo lang akong nakatingin sa kanya "Perhaps you know me? Because I think, I really do not know you." Sambit ko.

"I think I know you." Sabi niya pa.

"Kuya." Lumapit sa amin ang isang babae at nang mapa tingin siya sa akin ay bigla siyang napakapit sa lalaking nakabunggo ko kanina "Holy shit." Saka siya nagpapalit palit ng tingin.

"Same reaction sis." Nakangiti ang lalaki at agad na inabot sakin ang isang card.

"I think we both know each other. You look the younger version of my dad. We are in a hurry so I will be expecting a call from you." Sabi ng lalaki at agad na hinatak ang kapatid niya paalis.

Tiningnan ko ang card na iniwan niya sa akin, at bigla kong ibinulsa nang makita ko ang pangalan niya.

"Bub."

Napatingin ako kay Gabriella na nasa tabi ko na pala "Are you okay? Andon ang table natin oh. Nakapunta ka na sa CR? Pabalik ka na ba?"

Umiling ako "No bub. Ikaw?"

"Was about to go to the comfort room too."

"Sige."

Inalalayan ko nalang siya pumunta ng CR. Habang ako ay balisa pa din sa nangyari kanina.

Sa lahat ng lugar, sa lahat ng tao, bakit sila pa ang pwede kong mabangga.

***

Nalalapit na ang 18th birthday ni Gabriella.

May balak sana akong mag propose sa kanya, pero mukhang hindi ako papayagan ni kuya William sa plano ko.

"Where will you be heading after work?" Tanong ni kuya William saakin nang bumisita siya sa factory para mag check ng supplies.

"Diretso na po uwi kuya."

Tumango siya "Gabriella asked for a favor from me on letting her ate Armina come here since the family was starting to get suspicious of me keeping her from them."

Narinig ko na din ang usapan nila tungkol jan dahil may mga kamaganak silang gustong pauwiin si Gabriella para sa birthday nito, ngunit napigilan nila nang nagpalusot si kuya William na pupunta ng New Zealand si Gabriella para sa isang field trip. Narinig ko ang buong usapan nila nang dumaan ako sa office nito sa bahay.

"Sige po, okay lang po."

Tumango siya "Sige. What are your plans for Gabriella's birthday?"

Umiling ako "Wala pa naman po so far. Baka ipasyal at ilabas ko nalang ulit siya."

"You always doesn't have a plan Kent."

Napatigil ako sa pag aayos ng mga bote dahil sa sinabi niya "You always depend on me. Paano nalang kaya kung hindi ko kinuha si Gabriella sa France at hindi itinago rito kasama ka? My poor sister."

Kahit ano naman atang galit ang ipakita ko sakanya, walang wala ako kumpara sa kung anong meron siya. Sa mata ng lahat, o ng mga nakakaalam ng sitwasyon, wala akong karapatang lumaban o sumagot dahil kung tutuusin may utang na loob ako kay kuya William.

"Birthday na birthday ng kapatid ko, wala ka man lang plano."

Ngumiti ako at humarap sa kanya "Actually kuya meron akong plano." Lumakad ako papalapit sa kanya "Balak ko sanang mag propose sakanya, pero mukhang aayaw ka."

Ngumisi siya "Buti alam mo." Lumakad rin siya papalapit sa akin "Kinuha mo ang buhay ni Gabriella. Nag dagdag ka pa ng isa. Hindi ko alam kung matutuwa pa ako kapag malaman kong may balak kang pakasalan siya. Enough of ruining her life Kent."

"Kuya.."

"Shh." Tinapik niya ako sa balikat "Ayoko sanang magalit sayo kaso hindi ko mapigilan. Ayokong ipakita kay Gabriella na na isa akong matapobre dahil halos nagkapareho kami ng sitwasyon. Pero ako, pinanindigan ko ang nabuntis kong asawa at may pambuhay sakanila. Hindi ako umasa sa iba."

Napayuko nalamang ako at pinigilan ang sarili na saktan ang nasa harap ko. Napapikit ako sa sakit, timpi at galit.

"Will." Narinig ko ang boses ni kuya Piolo na nasa likod niya "Tama na yan. Tara na may dadaanan pa tayo."

Naramdaman ko ang daliri ni kuya William sa panga ko at itinaas ang ulo ko para magkaharap kami "Do not ever propose to her, or you will see."

Nang makaalis sila ay napa upo nalamang ako sa sahig. Hinahabol ko ang aking hininga dahil sa emosyon na nadarama. Halo-halong poot at galit.

Agad kong kinuha ang cellphone ko at tinawagan si inay. Nang marinig ko ang boses niya ay hindi ko na napigilan na umiyak kahit hindi niya ako nakikita.

Stress na stress na ako. Sa pagbalanse ng oras ko, emosyon ko, pakikitungo ko sa mga tao sa bahay.

Kailangan ko laging mag suot ng maskara para hindi maipakita na nahihirapan ako sa sitwasyon. Mahal na mahal ko si Gabriella at hinding hindi ko kayang iwanan siya.

Ayokong sirain ang pag tingin niya sa kuya niya, at ayoko rin sirain ang buhay niya. Pero ayoko ring lumaki ang mga anak namin na walang ina.


TO BE CONTINUED...

Continue Reading

You'll Also Like

6.9M 140K 51
PUBLISHED UNDER POP FICTION (SUMMIT BOOKS) The Neighbors Series #2 Highest Rank: #1 in General Fiction ** Meet the rich, gorgeous, hot and sexy Sapph...
258K 14.4K 36
"You're mine Pinky. Makipaghiwalay ka man sa akin ngayon pero sa akin pa rin ang balik mo.." -- Cedric Dalawang taon ng hiwalay si Pinky sa kanyang e...
8M 203K 47
Rugged Series #4 Kill Legrand has everything. Growing inside a prestigiously rich family, she can have whatever she wants in just a blink of her eye...
60.8K 634 34
Heiress Trilogy Series#3 Lea's life been a hell for her... All she can do is to obey her Father want.. Everytime she disobey Him,He punish her... A p...