My Fiancé Since Birth(Complet...

By kagome_Annah

9M 136K 7.9K

Van o Vincent? Hindi malaman ni Alex kung sino sa dalawa ang kanyang pipiliin. Si Van na fiance nya mula nan... More

My Fiancé Since Birth<3
One
Two
Three
Four
Five
Six
Seven
Eight
Nine
Ten
Eleven
Twelve
Thirteen
Fourteen
Fifteen
Sixteen
Seventeen
Eighteen
Nineteen
Twenty
Twenty one
Twenty two
Twenty three
Twenty Four
Twenty five
Twenty Six
Twenty Seven
Twenty Eight
Twenty Nine
Thirty One
Thirty Two
Thirty Three
Thirty Four
Thirty Five
Thirty Six
Thirty Seven
Thirty Eight
Thirty Nine
Forty
Extra one: Confirm: Mamamatay na ako!
Extra Two: Maghiwalay na kayo!
Extra Three: Ang Parusa at Premyo
Extra Four: Average Girl
Extra Five: Tiwala
Extra Six: Game on
Extra Seven: Maghiwalay na tayo!
Extra Eight: VAN hindi excited maging daddy?
Extra Nine: Paglilihi
Pinakahuling Extra: Katapusan

Thirty

155K 2.1K 107
By kagome_Annah

'*•.¸(*•.¸♥¸.•*')¸.•*'

♥«'¨'•°..Thirty.°•'¨'»♥

.¸.•*(¸.•*'♥'*•.¸)'*•.

Day 7

Alex POV

Maaga akong gumising .

May pinaplano akong gawin ngayong araw na ito.

Sa tingin ko magiging masaya ako sa gagawin ko.

After ng ilang araw na pag-iyak , lungkot at pagseselos.

It's payback time.

Vincent POV

Nagising ako sa ingay ng iphone ko.

Medyo nakapikit pa ako nang sagutin ko ang tawag.

"Hello!" inis na sagot ko. Alas sais pa lang ng umaga. Sino ba itong istorbong tumawag? Hindi ba niya alam na Linggo ngayon at alas Dyes pa ang gising ko?

"Ah Vincent nakaistorbo ba ako?" boses babae ang caller.

Tiningnan ko kung ano ang nakaregistered na name kasi hindi ko tiningnan kanina, basta ko nalang sinagot.

It's Xandra.

Napaupo ako. Kanina si Xandra ang laman ng panaginip ko . Part pa rin ba ito ng panaginip ko?

Pinitik ko ang noo ko.

Masakit!

Ibig sabihin hindi ako nananaginip.

"H-hindi" nauutal na sagot ko, nautal ako sa tuwa.

Parang gusto kong tumalon sa sobrang tuwa.

Nagawa akong tawagan ni Xandra.

I wonder why?

"Ah pwede bang samahan mo akong magsimba?" medyo nahihiyang tanong nya.

Samahan syang magsimba?

Naghimala na kaagad ang langit. Hindi pa ako nakakapagwish naibigay na kaagad.

Thank you God!

Parang may mga angel na kumakanta ng Halleluya sa aking tenga.

"O-oo n-naman" nauutal na sagot ko.

Napaka saya ko.

Ano kayang nakain ni Xandra at naisipan nya akong yayaing magsimba?

"So sunduin mo na lang ako dito sa bahay namin ha. Bye" sabi nya at binaba nya na kaagad.

Tinitigan ko ang iphone ko. Hindi ako makapaniwala sa nangyari.

Nangmatauhan na ako ay nagmamadali akong naligo at nagbihis.

Susunduin ko sya sa kanila?

Hala! Nandoon kaya ang parents nya?

Anong gagawin ko? Nag-aalala at kinakabahan ako.

Ano kayang pumasok sa isip nya.? Hindi nya pa alam na ako si Van. So kung ipapakilala nya ako bilang si Vincent. Ano kaya ang magiging reaksyon ng parents nya? Napag-usapan namin na itatago muna namin ang pagkatao ko pagkaharap si Xandra.. Anong gagawin ko? Mahirap na humarap sa kanila bilang si Vincent dahil alam nilang si VAN ako.

Ano ba itong ipinasok ko?

Ang dami ko tuloy tanong ngayon at kinakabahan ako sa mangyayari.

Basta bahala na.

Iisipin ko na lang ang brighter side. Take away the negative thoughts that creeping in my mind.

Fvck! Para akong ibang tao. Ako na laging handang humarap sa tao na walang kinatatakutan. Pagdating talaga kay Xandra lumalambot ang pagka badboy ko. Ito ang tadhana ko mula nang pumasok ako sa pintuan ng private room kung saan naglalabor ang Mommy nya. S'ya na ang lahat sa akin.

Alex POV

Nakapagbihis na ako. I'm wearing a skinny jeans, black t-shirt and my chuck.

Ito ang sinuot ko para komportable ako sa buong araw na lakad namin.

Yap. Buong araw ang plano kong pagsasama namin.

Nagpolbo lang ako at lipstick.

I'm ready to go.

I looked again in my mirror and a wicked smile form in my lips.

Vincent POV

Ipinarada ko ang sports car ko sa labas ng gate nina Xandra.

Pagkatapos kong pakalmahin ang sarili ko ay lumabas na ako ng sasakyan ko.

Nagdoorbell ako .

Nakangiting Xandra ang nagbukas.

Breathaking!

I was mesmerized.

" Vincent ! Good morning" nakangiting bati nya.

"Hi!" tanging nasambit ko.

Wala na! Nablangko na ako. Sya lang ang tanging nakikita ko.

It's like...... she's the center of my universe.

"Isn't it a beautiful morning?" dagdag nya pa then she kissed me.

Nagulat ako!

Whoaa! She kissed me pero sa pisngi lang.

I was like an idiot na napatulala habang hawak ang pisngi ko na hinalikan nya.

"Tara pasok!" yaya nya sa akin.

Hinatak nya pa ako papasok sa bahay nila.

Nadaanan namin ang sala kung saan nakaupo ang kanilang kasambahay na nakauniform.

Seryoso syang nagbabasa ng Fifty Shades of Grey.

"Inday" tawag ni Xandra sa kanya.

"Yes senyorita Alex?" tanong nya , hindi man lamang sya lumingon sa amin.

"Inday si Vincent " pakilala nya sa akin kay Inday.

Napukaw ata ang atensyon ni Inday sa sinabi ni Alex. Lumingon sya sa amin.

"Ay! Senyorita bakit nandito si Christian Grey?" Tili nya. Lumapit pa sya sa akin at niyakap ako.

" Senyorita Is this your gift for my birthday? Thank you I really like it. Sana senyorita binalot nyo para enjoy ako habang binubuksan ko!" sobrang sayang tili nya. Ang higpit ng pagkakayakap nya. Nahihirapan akong huminga. Gusto ko syang itulak.

"Hoy! Inday magtigil ka nga dyan. Matagal pa ang birthday mo. At kung reregaluhan kita si Chucky. Pa Christian Grey ka pa dyan. Si Vincent 'yan no! Bitiw nga!" pilit nyang inaalis ang pagkakayakap ni Inday sa akin.

"Bitaw sabi eh!" mariing aniya.

"Hmp! Senyorita kill joy ka" reklamo ni Inday . Nakahinga na rin ako dahil kumalas na sya sa pagkakayakap.

Bumalik na uli sya sa pagkakaupo nya at nagbasa uli.

"Tara sa kitchen tayo" bulong ni Xandra sa akin. Nagtaasan ang balahibo ko sa may tenga. Halos madikit na kasi ang labi nya sa tenga ko.

Sumunod ako sa kanyang maglakad.

"Everybody nandito si Vincent!" announced nya.

Napahinto naman sa pagkain ang mga nandoon. Sabay-sabay silang napalingon sa amin.

Kinabahan ako.

"Cousin ! Bakit nandito ka?" gulat na tanong ni Aria. Ako rin gusto ko syang tanungin kung bakit ang aga-aga nandito sya ?

" Ininvite ko sya . Magsisimba kami" nakaingos na sagot ni Xandra.

"Upo kayo" nakangiting yaya ng Mommy nya.

"Good morning po sa inyong lahat" bati ko sa kanila.

Ito na yata ang kinatatakutan ko? Nagharap-harap na kami . Papaano ba ako kikilos?

"Tara upo na tayo . Gutom na ako eh" yaya sa akin ni Xandra.

Naupo kami sa may bakanteng silya. Magkatabi kami. Sa harapan ko si Xander. Katabi naman ni Xander si Aria na patuloy lang sa pagkain. Sa magkabilang dulo ang parents nila.

"Daddy si Vincent " pakilala nya sa akin sa Daddy nya. Habang nilalagyan nya ng sandamakmak na pagkain ang plato ko. Gusto ko sana syang awatin sa paglagay ng food , kaya lang nasweetan ako sa ginawa nya. Sa harapan pa ng pamilya nya ginawa ito kaya hinayaan ko na lang sya.

"Kumusta Vincent?" tanong ng Daddy nya.

"Okay lang po sir" nahihiyang sagot ko.

"Alex tama na yan ang dami mo nang nilalagay na pagkain. Mauubos ba iyan ni Vincent?" saway sa kanya ng Mommy nya.

Fvck! Ang dami nyang nailagay sa plato ko. Mauubos ko ba ito?

"Mommy kaya nyang ubusin 'yan" sabi nya. " Di ba Vincent uubusin mo 'yan? Kasi kung hindi magdadamdam ako sa iyo." aniya sa akin at ngumiti ng pagkatamistamis. Nakatingin ako sa kanyang mga mata. Para akong nahihipnotismo.

Napatango ako.

" O diba Mommy sa kanya na mismo nanggaling uubusin nya yan" baling nya sa Mommy nga.

"Tsk!Tsk! Vincent siguraduhin mo lang na gutom ka para maubos mo iyan. Pang limang construction worker na ang kakain nyan eh" napapailing na palatak ni Xander. Tingin ko awang-awa sya sa akin.

"Sige na Vincent . Kain na" malambing na sabi ni Xandra. Inabot nya pa sa akin ang kutsara.

Kinuha ko naman.

"Walang kakausap kay Vincent ha! Uubusin nya pang lahat ng pagkain nya" mariing utos nya sa mga kasama namin.

Kaya ko ba itong ubusin? tanong ko sa sarili ko. Kakayanin ko ito.

Awang-awang nakatingin naman sa akin ang mga kasama namin na kumakain. Hindi na nga nila ako kinausap.

Tahimik kaming kumain.

Masuka-suka na ako sa dami ng kinain ko pero mayroon pang natitira. Parang hindi ko na kaya. Kada subo ko ay sinusundan ko ng tubig para malunok ko.

"Vincent okay ka lang?" tanong nya sa akin.

Napatango lang ako.

"Ang lupit mo Alex. Tinutorture mo na si Vincent " seryosong sabi ni Xander.

"Kaya nya iyan" nakangiting sabi nya.

Ang lakas magtrip nitong si Xandra. Pakiramdam ko puputok na ang tyan ko sa kabusugan. Kung hindi ko lang sya mahal hindi ko uubusin itong pagkain na inilagay nya sa plato ko.

Natapos ang torture na almusal. Kaagad na nagpaalam na si Xandra na magsisimba kami sa parents nya.

Nagpaalam na rin ako at nagpasalamat sa kanila.

Niyakap ako ng Mommy ni Xandra . "Mag-iingat ka Vincent kay Alex" bulong nya sa akin .

Napaisip ako kung bakit nya nasabi iyon. Maybe ang ibig nyang sabihin ay ingatan ko si Xandra, baka nagkamali lang ako ng rinig.

Sumakay na kami sa sasakyan ko.

Bumaling ako kay Xandra. Nginitian nya ako.

Nginitian ko rin sya.

Inistart ko na ang kotse ko.

"Vincent sa may Baclaran tayo magsimba ha" sabi nya.

"Baclaran , medyo malayo iyon ha" komento ko. Mayroon namang malapit na simbahan dito sa subdivision . Pero hindi ako nagrereklamo. Masmalayo masmaganda . Mahabang oras kaming magsasama. Napangiti ako.

Gandang araw. Panay ngiti ako. Usually kasi lagi akong nakasimangot.

Xandra makes my day brighter.

" Doon na lang kasi biglang gusto kong magwish sa Birhen doon. Please?" pakiusap nya.

ito nanaman ako. Tumango ako kasi handa kong ibigay sa kanya ang lahat.

"Thank you" masayang sabi nya.

Pakiramdam ko lumubo ang puso ko sa pasasalamat nyang iyon.

"Vincent pwedeng magpatogtog tayo? Ang tahimik kasi eh" request na naman nya.

"Okay" pagsang-ayon ko.

May inilabas syang CD sa kanyang backpack at ipinasok nya sa Cd player.

Gusto kong magwala nang magplay ang kanta.

Seriously? A Rap song at nilakasan nya pa. Dumadagundong ang music sa loob ng kotse .

Alam kong rinig din sa labas. Kasi bawat madaanan naming tao ay napapalingon sa sasakyan namin.

♫♪HERE COMES THE STORM RUSHIN'IN

DONT CARE WHAT OTHER PEOPLE THEY SAY

LIVIN EVERY DAY THE HIPHOP LIFE

WE DONT DIE WE MULTIPLY OH OH

YOU TRYIN TO' QUIT CUZ THE LOVE IS GONE

WITHOUT MUSIC IM FELLIN ALL ALONE

LIVIN EVERYDAY THE? HIPHOP LIFE

WE DONT DIE WE MULTIPLY (OH OH)♫♪

What is this rap song? Hindi ako mahilig sa rap kaya parang ang sakit sa tenga. No offense mean sa mga mahilig sa rap song.

Si Xandra , enjoy na enjoy sya. Sinasabayan nya pa ang rap.

"Anong title nyan?' tanong ko sa kanya. Interesado ako . Kasi kahit masakit sa tenga ko , gumaganda narin kasi sinasabayan nya.

"We Don't Die We Multiply" maikling sagot nya. Sinasabayan nya pa rin. Nakakaaliw syang tignan.

Ang haba ng rap song na ito.

Ano kaya ang nangyari dito kay Xandra parang kakaiba syang kumilos ngayon?

************************

Puputulin ko muna.

Bukas na lang uli.

Salamat sa mga nagbasa.

Kung may mga maling spelling , pasensya na , inaantok na kasi ako.

Annah

Continue Reading

You'll Also Like

5M 78.1K 62
(COMPLETED) NO COMPILATIONS | NO SOFTCOPIES What will you do if you found out that you are soon to be engage? Engage with someone you don't know. Th...
86.5K 4K 49
When A Nobody Fell in love(Book 2) Ano nga ba talaga ang nararamdaman ng isang Allysa Maniego kapag iniwan sya ni Cavill ?At ano ang mararamdaman ny...
957K 25.9K 78
#9 in Teen fiction- highest rank achieved Lalaking mayabang... Rude boy meet Prince Lourence Scott... Ang hot ang gwapong mapang-asar na lalaki, at h...
1.8M 55.7K 47
Gwapo, matalino, magaling magluto pero suplado. 'Yan si Shawn Skyler Santiago ang anak ng legendary Casanova ng SPIA. Sino nga ba ang mag-aakalang...