WANTED: Perfect Daddy

By dillymee

238K 5.8K 120

hindi po ako ang may gawa ng story na ito..isang friend ko po sa facebook named Yssa Balatbat Sunga-Santos an... More

WANTED: Perfect Daddy(chapter one to ten)
chapter eleven :)
chapter twelve :)
chapter thirteen--sino...siya?
chapter fourteen--i am,are you?
chapter fifteen--Gig :D
chapter sixteen--A blast from the past
chapter seventeen--Gig.Part two
chapter eighteen--year book
chapter nineteen--the best of friends
chapter twenty--Get out. :((
chapter twenty one--atensyon
chapter twenty two--Loving kuya
chapter twenty three--resbak
chapter twenty four--Lee
chapter twenty five--Limits..
chapter twenty six--A wonderful gift
chapter twenty seven(part two)--I'm Leaving
chapter twenty eight--five years
chapter twenty nine--Sino kang panget ka?
chapter thirty--Reunion(ending)
chapter thirty one--Epilogue

chapter twenty seven(part one)--I'm leaving

8.3K 223 1
By dillymee

27th - I'm Leaving... part 1 


Ilang buwan na rin ang nakararaan. 

Summer na ngayon at ang mga pangit na nangyari ay natangay na ng nakaraang taon. 

Bukas na ang flight, handa ng talikuran at kalimutan ng dalaga ang lahat. 

Lahat ng masama at mabuting nangyari sa kanilang dalawa ni Ethan. 

Hindi siya bitter. Ayaw niyang linlangin ang sarili niya na hindi naging espesyal sa kanya ang binata. 

Kung maaari nga lang ay siya na lang ang papakasalan niya. 

Ipinaramdam nito sa kanya ang pagkakaroon ng asawa, kahit sa maikling panahon lang. 

At inaamin rin niyang di niya naiwasan at nahulog ang loob niya sa binata. 

Araw ng linggo, araw ng simba. 

"Pula, gising na huy." si Charlie, habang niyuyugyog ang binatang natutulog sa carpeted floor ng kwarto ng dalaga. 

"Hmmm..." saka ito nagtakip ng unan sa mukha. 

"Pula naman eh! Linggo ngayon, sisimba tayo.." pilit ng dalaga. 

"Ayoko. Ikaw na lang." anang binata sabay dapa nito. 

"Pula sige na naman! Maya ka na lang matulog ulit!" anang dalaga. 

Naupo si Red mula sa pagkakahiga at nagkamot ng nagkamot ng ulo. 

"Naman-naman ka diyan! Pinuyat ako niyang anak mo!" 

Napanguso naman ang dalaga. 

"Dali na. Malelate na tayo, bangon na!" pangungulit ng dalaga. 

Napapikit ng madiin si Red sa inis. 

Gusto niyang itapon ang dalaga palabas sa bintana. 

"Oo na! Lumayas ka na sa paningin ko bago kita bangasan diyan!" inis na sabi ng binata. 

Napangiti naman ang dalaga. Tumitig siya sa binata. 

"Ano?!" iritang tanong ng binata ng mapansing nakatitig sa kanya ang dalaga. 

"Di mo naman ako natitiis eh.." sabi sa kanya nito. 

Muli, napakamot na naman ang binata. 

"Yun na nga, di kita kayang tiisin. Nakakainis!" anang binata. 

"Pero hindi mo na 'ko crush, di ba Pula?" 

Umiling ang binata sabay tingin sa ibang direksyon. 

"Come on. Tell me, siya ba 'yung kasama mo sa probinsya nung --" 

Tumango ang binata. 

"Minahal ko siya. Minahal ko si Beatrice. Inalagaan ko siya kahit arteng-arte ako sa kanya. Kahit isinusuka ko ang ugali niya. Pero ano, pinakulong niya 'ko. They even accused me of kidnapping her...di niya rin ako ipinagtanggol." bitter na sabi ng binata. 

"Hey...cheer up! Wag kang magmukmok diyan. Ligo ka na, dali!" anang dalaga. 

Napailing ang binata at tumayo. "Tsk. Gulo mo rin eh no, 'kaw 'tong nagtatanong e." 

**** 

Sa simbahan... 

Umiiyak si Lee. "Pula, ilabas mo muna si Lee." anang dalaga. 

Kinuha naman ng binata si Lee at inilabas ito. 

Sa labas, di inaasahang makikita niya ang babaeng kanina lamang ay pinaguusapan nila ni Charlie. 

Alam niyang nakita siya nito. Ngunit nagiwas ito ng tingin. 

Napatitig ang binata sa babae ng matagal. 

Isa lang ang napansin niya dito. Ang tiyan nitong nakabukol. 

Hindi kaya... 

"Red?" anang isang lalake. "Tol! Huy!" 

Natauhan siya ng sigawan siya ng lalake. 

"Ethan, pare." bati niya rito. 

Tapos na ang misa. Ano mang sandali ay lalabas na mula sa loob ang mga tao, kasama na si Charlie. 

"Si Liethan na ba 'yan?" ani Ethan. 

"O-Oo." wala sa sariling sagot ni Red. 

Di siya mapakali. Gusto niyang sundan ang babaeng nakita niya. 

"Pare, pakarga naman nitong anak niyo. May pupuntahan lang ako, emergency. Bahala ka ng magpaliwanag kay Charlie." at agad itong tumakbo sa tinungong direksyon ng babae. 

"T-Teka! Uy!" habol ni Ethan dito ngunit masyado itong mabilis. 

Napatingin siya kay Lee na karga niya. 

Nakatitig din ito sa kaniya. 

"Ba't kamukha kita, ha? Ba't ang pogi mo, ha?" tanong nito. 

Ngayon lang niya ito nahawakan, mula ng ipinanganak ito. 

"Suuuus. Mas pogi 'yan sayo 'no." anang isang tinig.

Continue Reading

You'll Also Like

96.4K 2K 140
welcome to my kpop imagines. I do take request, hope you enjoy. - Started on June 16th, 2017 - Ended on January 7th, 2019 ◇editor: @kondyliap -Fair...
older crush By <3

Fanfiction

12K 136 35
"a little girl like you cant lift that"
99.4K 1K 20
Rose Styles is Harry Styles' sister, who was paralyzed while Harry was out on tour. Harry has told the guys not to make fun of his sister for her dis...
Lucent By ads ¡¡

Teen Fiction

171K 3.9K 17
lucent (adj); softly bright or radiant ✿ ✿ ✿ My brother's hand traces the cut on my right cheek for some minutes. I have no idea how a cut can b...