WRONG SEND (For editing)

By mizshue_lovesyou

19K 166 40

" KAPAG NAWRONGSEND AKO SAYO , MAAARiNG NAMiSS KITA O SA MAS MADALiNG SABi MAHAL NA PALA TALAGA KiTA :) " Kap... More

READ
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 4
Chapter 5

Chapter 3

1.1K 29 0
By mizshue_lovesyou

Nandito ako ngayon sa bahay nila Jade. Abala naman ito sa pagbuklat nang hawak nitong magazine habang nagpapa-pedicure ito sa akin.

Oo sa akin! Manikurista daw ako eh. Isa sa mga talent ko. Haha.

"Alam mo best. Nakakapagtampo ka!" anito at ibinaba ang hawak na magazine. Tumingin ito sa akin at parang isang batang hindi nabigyan ng candy ang itsura nito.

"Bakit naman?" may pagtatakang tanong ko sa inaakto nito. Para kasing ewan lang, bigla biglang umaakto ng ganiyan. Kung baga sa TV eh napindot ng di sadya ang remote kaya nagchange mood. Teka, bipolar ba reng bestfriend ko? Baka mamaya may ganoon nga itong disorder. Nakakatakot. Haha.

"Wala ka nang time para makapag-gimmick tayo!" sigaw nito sa akin. Tss. Bipolar na nga siguro ang babaeng kaharap ko ngayon. Pero hindi, joke lang. Ganiyan naman talaga si Jade kapag tinotopak. At mukhang sinapian ito ngayon ng sakit na iyon.

"Alam mo namang busy ako sa trabaho ko eh," sagot ko nalang dito. Totoo naman kasi, busy ako. May work nga kasi ako 'di ba?

"Pero may day-off ka! Katulad ngayon. Day-off mo diba?"

"Yah," maikling tugon ko. Inirapan naman ako nito. Luh talaga si Jade. May sapi na talaga. Haha. Joke lang ulit.

"Kita mo na?" malungkot na sabi nito. Tss. Kanina parang nagtatampo, sumigaw ng parang galit. Tapos ngayon naman malulungkot. Si Jade na talaga! Si Jade na talaga may kakaibang talent.

"I'll try next time. Okay?"

"Kahit wag na," anitong mas pinasimangot pa ang mukha.

"Hay nako, Jade. Huwag mo akong paandaran niyang sakit mo ah. Hindi effective. Sabihin mo nalang kasi sa akin kung nagtatampo ka. Namiss mo na ako ano? Ayihh," sabi ko dito sa tonong nang-aasar kasabay ng nakakalokong ngiti. Jade rolled her eyes again because of what I did.

"Sus. As if naman magtampo ako sayo?"

"Eh anong inaarte mo diyan?!" I shouted. Yeah. I am losing my patience this time.

"Hmn. Wag na nga eh," she said in a cool way. As if not affected of my mood right now. Teka, ako ata may bipolar disorder eh. Nagkapalit ata kami ng posisyon.

"Give me valid reason para mapaniwala mo kong wag na nga talaga!"

"I heard kasi lagi daw kayo magkasama ni Axel," she grinned and give that KINIKILIG AKO LOOK. I rolled my eyes after seeing that. She talked nonsense here.

"Asus. Parang iba naman si Axel sayo!" malakas na pagkakasabi ko. Pikon na ko.promise.

"Iba talaga! Tinatangi ng puso mo yung taong iyon eh!" ani Jade sa mas dobleng lakas ng boses. Grr. Parang sinubuan ng microphone kung makapagsalita. Nakaltukan ko tuloy si Jade ng wala sa oras.

"Napaka-drama mo. Mang-aasar ka lang pala."

''Bakit. Totoo naman ah?" anitong parang hindi naman ininda ang pangangaltok ko. Okay na ulit kami. Back to normal kung baga. Haha. Bestfriend talaga kami. Okay laugh out loud na. Joke.

"Excuse me. Crush ko lang sya."

"Ows?" ani Jade at akmang kikilitiin ako sa tagiliran ko. Mabilis naman akong nakaiwas.

"Yeah. Nothing more and nothing less. PERIOD!"

Mukha namang hindi nakumbinsi si Jade. Sa halip ay tumawa pa ito ng pagkalakas lakas na parang walang ng bukas.

"Dedeny pa?" tanong nito.

"Bahala ka," aniko na may pagsuko. Kahit naman kasi mag-explain ako, paniguradong hindi ito makukumbinsi sa sasabihin ko.

"Di pa ba tapos yan?" pag-iiba nito sa usapan na ang tinutukoy ay ang pagpe-pedicure ko dito.

"Malapit na po!"

Pagkatapos ko itong i-pedicure, inaya ako nito sa boutique ng kaibigan naming si Gina.

"Good Afternoon,Gina!" nakangiting bati ni Jade ng makarating kami sa boutique nito. Kasalukuyang nag-aayos ng mga nakasampay na damit si Gina ng pumasok kami. Ang hands on talaga nito.

Bineso-beso namin ito.

"Di man lang kayo nagsabing darating kayo," anito matapos naming magbeso.

"Kasi naman 'tong si Jade. Biglaan kung mag-aya," sagot ko dito.

Napatango-tango naman si Gina sa sinabi ko.

"Nakapag-lunch na ba kayo?" tanong ni Gina.

"Ayon na nga ang dahilan kung bakit kami nandito. Day-off kasi nitong workaholic nating kaibigan. Dinagit ko na. Mahirap na at baka hindi na natin makuhakapag iniirog nya na ang kasama," singit naman ni Jade. Nang-asar na naman ang magaling kong kaibigan. Wala na atang ibang alam gawin kundi ang buyuin ako. Kumindat pa si Jade kay Gina at nag high five pa ang dalawa.

"Exactly," nakangiting sang-ayon naman ni Gina kay Jade.

"Shut up," I said as I rolled my eyes to them. Naisip ko lang, napakamalas ko nga ata sigurong kaibigan ko sila. Lagi nalang kasi nila akong pinagkakaisahan.

Oo nga pala, si Gina, ay isa sa mga kaibigan kong never kong inasahang aasarin ako. Sa pagkakatanda ko kasi,may crush ito kay Axel. Pero heto at kalebel na nang bestfriend ko sa pang-aasar. Second year High school kami nang maging kaibigan namin ito ni Jade. Si Gina iyong tipo ng tao na hindi mabarkada. Actually kaming dalawa lang ni Jade ang pinakidikit at pinakikisamahan nitong kaibigan noong high school pa lamang kami. Hindi naman sa iwas o aloof ito sa iba, ang katwiran nito'y kaming dalawa lang kasi ang pinagkakatiwalaan nito at higit sa lahat, hindi ito ganoon kabilis mag-tiwala sa isang tao. Sociable naman itong tao kaya hindi nakapagtatakang lumago at successful naman ang boutique nito. Tulad ko, hindi rin nito masiyadong pinagtutuunan ng pansin ang LOVELIFE, hindi katulad ng ilang kabataan. Ang pinagkaiba lang nila ay lantaran naman at vocal ako sa mga nagiging CRUSH ko. Tanging kay Axel lang talaga ako nahihiya. Hehe.

Kaya nga laking pagtataka ko at binubuyo pa ako ni Gina kay Axel. Samantalang miminsan lang naman itong magsabi ng crush nito. Tandang-tanda ko pa ang sinabi nito nang minsang komprontahin ko ito para tantanan na ako sa pang-aasar.

"Hindi ko talaga crush si Axel. Dala lang iyon ng alak noh!" ani Gina.

Hay, again. Ang malas ko ba talaga sa mga kaibigan kong ito dahil sa lakas mang-asar ? O swerte pa din kasi hanggang ngayon ay hindi pa rin naman nila ipinagkakanulo ang aking nararamdaman?

"Wag na tayong lumabas. Order nalang tayo," suhestiyon naman ni Gina. Halatang wala ito sa huwisyong umalis ng boutique nito.

"Tss. Sige. Mainit eh. I want pizza," sabi ni Jade.

"Oo, sige. Pizza nalang," sang-ayon naman ni Gina kay Jade. Magkasundo talaga sila pagdating sa bagay na iyan. Ang dalawang ito kasi, napakahilig sa tinapay.

After 15 minutes, diniliver na yung inorder naming pizza. Walang kiyemeng kumuha kami ng tig-iisang slice.

"Sarap pala talaga ng pizza sa tanghali!" sabi ko habang ninanamnam ang pizza na nginunguya ko ngayon.

Nagkatawanan nalang kami ng sabay sabay kaming mapatingin sa isa't-isa, para kasi kaming mga bata na ngayon lang nakakain ng pizza. Haha.

"Ang weird. Iba tayo mga sis!" ani Jade at nag-high five kaming tatlo.

"Maaga nga pala akong magsasara ngayon," ani Gina.

"Bakit, saan ang lakad?" tanong ko dito. Hindi naman kasi ito nagsasara ng maaga kung wala itong pupuntahan.

"Magkikita kasi kami ni Mike," kumikislap ang mga matang sagot naman ni Gina.

"Mike?? As in si Mike na nanligaw sa akin dati??" nanlalaki ang mga matang sabi ko ko. Promise. Nagulat ako. Di ko in-expect.

"Exactly!" ani Gina. Ang bruha. Abot hanggang mata ang ngiti.

"Don't tell me kayo -"

Hinampas ako ni Jade. Ni hindi man lang ako pinatapos sa sasabihin ko.

"Aray ko naman!" asik ko kay Jade. Napakaepal kasi.

"Opo. Huli ka na ba sa balita?" sabi naman ni Jade.

Meh gosh! Ang gagang Gina. Kaya pala abot universe ang ngiti! Haha.

"Shocks," ang tanging salita na nasabi ko. As in wow. Natawa naman sa akin si Gina.

"Don't tell me hindi mo pa talaga alam?" tanong sa akin ni Gina.

"Magtatanong ba ako kung alam ko?"

"Ayan. Ayan ang napapala ng mga workaholic na tulad mo. Huli sa balita," singit naman ni Jade.

"Oo nga!" sang-ayon ni Gina.

"Nakakapagtampo di ba?" ani Jade at ngumuso pa.

"Kayo naman. Bakit hindi niyo sinabi? Kailan pa?" sunod sunod na tanong ko.

"KANINA LANG!!" malakas at sabay pang sabi nila Gina at Jade.

Sus, Nakakaloka talaga 'tong dalawa na 'to. At nakakagulat din. Sa pagkakatanda ko kasi ay inis na inis lagi si Gina kapag nakikita nito si Mike. Madalas pa nga kung magbangayan ang dalawa. Parang aso at pusa. Minsan pa nga naming sinabi kay Mike na mas bagay sila ni Gina kumpara sa akin. Ito naman ang mariing sinabi nito noong mga panahon na iyon.

"Hinding hindi ako kailanman magkakamaling manligaw sa mga babaeng katulad niya. Allergy sa tao! Hindi nalang!!"

Haha, grabe. Iba talagang magbiro ang tadhana.

Pagkatapos naming makapagkwentuhan at kumain ay umuwi na din ako. Dali-dali kong tinext si Axel para ibalita ang tungkol kay Gina at Mike.

To: Axel
pssSt..

Ilang minuto akong nag-antay ng reply ni Axel pero walang itong RESPONSE.

"Ano ba naman? Hindi pa din nagrereply?" kausap ko sa cellphone ko habang nakadapa sa higaan.

Tinawagan ko nalang ito. May sumagot naman. At take note, babae!!

"The number you have dial is either unattended or out of coverage area. Please try your call later."

Narinig ko pa ang beep sound pagkatapos sabihin iyon ng babaeng sumagot. Tinext ko nalang ulit si Axel.

To: Axel
Oi Congrats! Sino ung babaeng sumagot sa cellphone mo? GIRLFRIEND mo? 😂

Pagka-sent ay nagpagulong gulong ako sa kama ko. Yike! Tama bang iyon ang text ko?? DIYAHE!

Axel P.O.V

Kapag minamalas ka nga naman! Kanina pa tapos ang interview ko sa firm na ina-aaplay'an ko. Sinabing malaki daw ang posibilidad na matanggap ako. Tuwang-tuwa naman ako at madodoble pa kasi ang magandang balitang maihahatid ko sa mga importanteng tao sa buhay ko.

Noong nakaraang araw kasi ay lumabas na ang resulta ng board exam for Engineer. Nakapasa ako at agad ko namang kinontak ang isa kong kaibigan na nagtatrabaho na sa firm na inapply'an ko, ngayon nga ako ini-schedule sa interview.

Naging maganda ang takbo ng usapan namin. Pinapabalik nga ako bukas para sa Final Interview, nasa meeting kasi ang pinaka-head ng Engineering Department kanina kaya hindi ako naharap.

Pero hindi ata buong araw ang swerte ko. Paano? sa malas, habang nasa kalagitnaan ako ng biyahe pauwi tumirik yung sasakyan ko.

Kinuha ko yung cellphone ko sa bulsa ng polo ko. At nang hihingi na ako ng saklolo ay saka naman na-drain ang cellphone ko. Paano 'to ngayon? Sampung minuto na ko dito sa kalsada. Bagot na bagot na ko. Talagang nakakasira ng araw.

Ilang minuto pa ang lumipas, may dumaang tricycle at agad ko itong pinara.

Thanks God!

Agad namang inihinto ng driver ang tricycle sa harap ko.

"Boss, tumirik kasi 'tong sasakyan ko. Naflat ho ata ang gulong. Nakalimutan ko naman hong magdala ng pamalit na gulong. Hindi ko naman po maiwan itong sasakyan ko para tumawag ng mekaniko. Pwede po bang makahingi ng tulong?" kausap ko dito.

"Aba'y walang problema. Saglit at pupuntahan ko lang ang malapit na talyer at tatawag ako ng mekaniko," mabait na tugon naman ng driver.

"Maraming salamat po," nakangiting sabi ko dito.

Pinaandar na nga nito ang tricycle. Wala pang tatlong minuto ay bumalik na ito at angkas na nito ang sinasabing mekaniko. Agad namang inayos at pinalitan ng mekaniko ang gulong ng sasakyan ko.

"Okay na 'yung gulong," kausap sa akin ng mekaniko matapos palitan ang gulong ng sasakyan ko.

"Maraming maraming salamat po," aniko dito at inabutan ko ito ng P500.

"Aba'y kalaking pera naman nito," anito at napakamot pa sa ulo.

"Okay lang ho. Salamat po ulit."

''Ako nga ang dapat na magpasalamat. Sa susunod, 'wag mo ng kalimutan ang pampalit mo saka-sakaling masiraan ka ulit ng gulong."

This time, ako naman ang napakamot ako sa ulo ko at napahawak pa sa batok ko.

"Ayon na nga ho. Hindi ko kasi inaasahan."

"Ayan naman ang pagkakamali mo. Sa daan, lagi mo nang asahan ang mga ganyang bagay."

"Oo nga ho, eh. Sige po mauna na ho ako."

Pagkauwi ko sa bahay, agad kong kinargahan ang cellphone ko. Nagpalit na din ako ng damit at nahiga na. Gabi na din kasi ng makarating ako ng bahay, nagpipigil lang ako ng antok sa biyahe.

Habang nakahiga, hindi naman ako tuluyang makatulog. Tinignan ko muna ang cellphone ko. Ini-on ko ito at may dalawang text from Claire bukod pa yung ibang text from my friends and family.

From: Claire (2:37pm)
pssSt..

Nakita ko ang oras ng text, kanina pa pala talaga lowbat ang cellphone ko Hindi ko kasi namalayan!

From: Claire
Oi Congrats! Sino ung babaeng sumagot sa cellphone mo? GIRLFRIEND mo? 😂

Napakunot ang noo ko sa huling text nito. Anong pinagsasabi ng babaeng 'to? Agad kong nireply'an ito pagkabasa ko.

To: Claire
WRONGSEND??

Agad namang nag-vibrate ang cellphone ko. Aba't gising pa pala ang babaeng ito, paano siya kasi ang nagreply.

From: Claire
Ha?

To: Claire
Na-wrongsend ka ata kanina?

From: Claire
Ha, hindi ho kita magets?

To: Claire
Oo nga!

From: Claire
Hmn, sige good night. Next time mo nalang explain. Antok na ko eh.

To: Claire
Hays. Sige, good night.

Nadidismayang nag-reply ako sa huling text ni Claire. Dapat di ko na tinext. Tutulugan lang din pala ako. Sabagay, anong oras na din naman kasi?

Kinabukasan, pumunta ako sa bahay ng tiyahin ko para mangamusta. Pagkakita ko kay Tita Lyn, nagmano ako.

"Pagpalain ka."

"Salamat po."

"Tamang-tama ang dating mo. Pinaplano kasi nitong pinsan mo ang nalalapit na debut niya. Gusto kang isama sa 18 roses."

"Aba'y wala hong problema dun. Asan po ba si Cindy?"

"Naandon ata sa likod-bahay. Pakitignan nalang."

Dali dali akong nagpaalam kay Tita Lyn at gumawi na sa likod. Nadatnan ko nga si Cindy doon. Nagdidilig ito ng halaman. Pagkakita sa akin ay agad ako nitong hinalikan sa pisngi at inakap ako.

"Yow, napadalaw ka kuya?"

"Walang magawa. Balita ko kasama ako sa 18 roses mo ah."

"Siyempre naman. Makakalimutan ko ba naman ang pogi kong pinsan?"

"Nang-uto ka pa. Eh, ang boyfriend mo?" tanong ko dito. Napaismid naman ito sa tanong ko.

"Hmp. Ewan ko dun kuya. Ang labo!"

"Ha, bakit mo naman nasabi yan?"

"Eh paano, di ko magets! Kapag sinasabi kong parang wala na siyang pakialam sa'kin lagi nalang tahimik. Ni hindi man lang umiimik. Parang walang naririnig!" may pagmamaktol na sabi nito.

"Baka naman ayaw lang pahabain ang usapan niyo at baka mauwi lang sa away."

"Bakit Kuya Axel. Ganoon ka ba? Ganoon ba talaga ang mga lalaki?" may kuryosidad na tanong nito sa akin. Nagkibit balikat ako.

"I don't know. Just a conclusion."

"Bakit, nagka-girlfriend ka na ba?"

"Oo naman."

"Then how did you able to show your love for her before?"

"Hmn, I just simply respect and care her the way she deserved."

"Then?"

"Wait. Ikaw ang usapan. Bakit nalilihis?"

Tawang tawa naman ito pagkarinig sa tanong ko. "Oo nga, sorry. How about Ate Claire?" anito matapos tumawa. Bahagya akong natigilan sa tanong ni Cindy.

"What about her?" tanong ko kalaunan. Ito naman ngayon ang nagkibit balikat sa tanong ko.

"I like her. Please, also invite her to my debut."

"Okay. I will," sabi ko nalang dito at ngumiti.

Kamusta na kaya yung topaking Claire na 'yun? Ilang araw ko na din siyang hindi nakikita.

Claire P.O.V.

Hayy salamat! Makakauwi na din ako!
Nakakapagod kasi sobra ang trabaho, dagdag pa ang mga tumatakbo sa isip ko kanina. Bakit kaya ganoon? Nakakapagtaka! Ilang araw ko na kasing hindi nakikita si Axel! Ano na kayang nangyari sa isang iyon? Hmm.

Habang tinatahak ko ang daan papunta sa direksiyon ng aming tahanan, may nakita akong isang pamilyar na lalaki. Hindi ko nga lang matandaan ang pangalan nito.

Kumaway ito pagkakita sa akin.

"Kamusta ka na, Claire?" nakangiting bati nito sa akin.

"Ha, excuse me. Sino ka?" tanong ko dito nang makalapit dito. The guy chuckled. Infairness, cute nitong tignan sa ginawa.

"Don't you remember me?" anito sa akin at nakangiti pa din. Tinitigan ko naman ito ng mabuti.

"You're familiar."

"It's me. Gino!" pakilala nito.

Teka. Sinong Gino? Naguluhan ata ako.

"Gino?" tanong ko dito.

"Yah. Your childhood friend. We used to play robots before," sagot nito at bigla ko itong naalala. Namula ako sa huling sinabi nito. Paano? Binanggit nito ang laruang robot. Sorry ha? Mahilig kasi ako sa laruang panlalaki noon. Haha.

Naalala ko na ito bigla at natawa sa sarili ko.

"It's been a decade! Saan ka nag-high school?" masayang tanong ko dito.

"Sa Bulacan. You've changed. What happened?" anito at tinignan ako mula ulo hanggang paa. Tinampal ko tuloy ito sa balikat ng wala sa oras.

"Ikaw naman. It's still me."

"Ang dating robot fanatic ay isa na ngayong kahanga-hangang binibini!" pang-aasar nito at malakas na tumawa.

Habang ako? Nakitawa na din. Hindi para damayan si Gino kundi para tawanan ang pagiging makata nito. De, joke lang. Haha.

"Sus, parang ikaw ah. Ang dating uhugin ngayon binata na," ganting asar ko at dinilaan ito. Tawa lang kami ng tawa sa pagbabalik tanaw namin.

"How's your Mom?" mayamaya ay tanong nito sa akin.

"She is fine. Nagkakaedad na nga eh!" biro ko.

"Naughty!" anito habang tumatawa.

"Gusto mo punta ka sa bahay? Tiyak matutuwa si Mommy kapag nalamang nandito ka," aya ko pero tumanggi naman ito sa alok ko.

"Next time nalang. May dadaanan pa kasi ako. Pakikamusta mo nalang ako sa kanya."

"Ah ganoon ba? Sige una na ko sayo."

"Sige. Salamat!"

Nagpatuloy na nga ako sa paglakad pauwi. Nang makauwi ay nakipagkwentuhan muna ako sa Mommy ko bago tuluyang magpahinga sa kwarto ko. Nabanggit ko sa kaniya si Gino.

"Mom, naandiyan si Gino ah."

"Oh, talaga iha? Kamusta naman siya?"

"Mukha naman pong okay siya eh. Nga po pala kinakamusta ka po niya."

"Ah ganoon ba? Napakabait na bata noon ah," nakangiting sabi ni Mommy nang marahil ay maalala ito.

"Sa pagkakatanda ko po'y lagi siyang nandito sa bahay noon," sabi ko naman kay Mommy.

Natigil kami sa pagkukwentuhan ng biglang tumunog ang door bell. Tumayo ako at nagpaalam kay Mommy.

"Mommy wait. Buksan ko lang po."

"Aba'y, sige."

Pagkabukas ng pinto ay agad naman akong namula. Bigla kong naramdaman ang paghahabulan ng mga kabayo sa dibdib ko. Ramdam ko din ang samu't-saring mga paru-paro na nagliliparan sa tiyan ko. Gusto ko tuloy ipikit ang mga mata ko para masigurong hindi ako namamalikmata lang. Pero hindi eh, siya talaga! Si Axel ang nasa harap ko! At miss na miss na miss na miss ko na talaga siya!

Continue Reading

You'll Also Like

38K 604 41
"Hindi naman ako 'yong klaseng angel na inaakala mo." - Ayara - Date Started: June 06, 2023 Date Finished:
67.8K 2K 55
PUBLISHED UNDER IMMAC PRINTING AND PUBLISHING HOUSE (2023) Highest Rankings: #5 in romance, #1 in comedy, #1 in action, #1 in comedy-drama, #1 in k...
1.9M 95K 36
[NOW A FREE STORY] Peñablanca Series 1: Brave Hearts "Fragile but brave..." Amalia Argueles has adored the charming basketball captain Atlas Montezid...
35.3M 1.2M 37
Agatha suffers from a rare disorder that makes her sleep in a long period of time. But what happens when the modern-day sleeping beauty meets an idio...