In His Paradise (Completed)

By Sevenelle

17.5K 474 97

Empress Cabrerra, a typical Manilena who'll set foot on a muddy province. Little did she know that she won't... More

Paalala
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Wakas
Author's Note

Kabanata 14

370 10 2
By Sevenelle

It's a Yes

I woke up early in the morning. The sun rays passing through the window beside my bed that gave me a blinding sight. Tumayo na ako mula sa pagkakahiga at dumiretso sa banyo.

After doing quick toothbrushing, I went down the kitchen and made myself a hot chocolate. Eksaktong paglabas ko ng kusina dala ang cup ay nasalubong ko si Papa. He just gave me a quick glance, almost ignoring my presence.

Malamig ang pakikitungo niya sa akin nitong mga nakaraang araw. Ganoon pa rin ang isyu, ang pakikipaglapit ko sa tagapagmana ng mga Marquez. Ilang ulit niya akong pinagalitan at binantaan na huwag nang makipaglapit ngunit panay rin ang tanggi ko. Not until I find an enough reason to do so.

Sa ilang araw na lumipas ay ganoon pa rin ang sa amin ni Luke. Binibigyan ako ng bulaklak, sinasabayan ako sa lunch, hinahatid sa bawat subject, sumasabay sa tricycle pauwi, o kaya naman ay ihahatid ako gamit ang Ranger niya. Walang palya.

Wala sa sarili akong napangiti. Gustong gusto ko siya. Pero humahanap pa ako ng tiempo dahil gusto kong ayusin muna ang gusot sa pagitan namin ni Papa.

Si Violet Mercado naman ay panay pa rin ang buntot kay Luke at ang pagiging bitch niya sa akin. Sobrang bitter niya. At ang nakakainis pa ay sumasawsaw ang mga tao sa eskwelahan. Like they know everything that's happening. Napapangalanan na nga akong malandi at sulotera eh. I just ignored them. Wala naman akong mapapala kung papatulan ko sila.

Linggo ngayon kaya naisipan kong gumawa na lamang ng mga assignments at reports na kailangan ko sa school.

Hapon na nang makatanggap ako ng tawag mula kay Luke. Nagtatanong kung available ba ako at kung hindi ako busy. Sinabi ko namang hindi kaya ang sabi niya ay susunduin niya ako at may pupuntahan kami.

Nagtataka man ay nagbihis ako kaagad. Paglabas ko ng kwarto ay namataan ko na ang Ranger niya sa labas ng bakod namin. Si Aling Mayang lang ang nasa bahay kaya sa kanya na ako nagpaalam na may pupuntahan saglit.

Pagkalapit ko ay nginitian ako ni Luke. I smiled back. Sa isip ko ay pinauulanan ko na naman ng papuri ang kanyang kagwapuhan. Jusko, ang bait ko naman yata para bigyan ako ni Lord ng ganito kagwapo at kabait na manliligaw?

Pinagbuksan niya ako ng pinto kaya sumakay na ako. Nakangiti pa rin siya hanggang makapasok sa driver's seat.

"Ang saya mo yata?" Puna ko. Hindi pa rin naalis ang ngiti niya nang lingunin ako.

"Sino namang hindi sasaya kung kasama ka?" Sagot niya at binuhay ang makina.

"Bolero!" Nakangisi kong sabi at sa loob ko'y talagang kinain na ng kilig ang sistema ko. Damn you, Marquez.

Nagdrive siya patungo sa bayan ay sa Arnedo Eco Park. Bumaba kami sa sasakyan.

"Anong gagawin natin dito?" Kuryusong tanong ko.

"You'll see," sagot niya at hinawakan ang kamay ko. Nagpatianod ako sa paghila niya papasok sa loob at sa pinakadulong bahagi ng park kung nasaan ang tree house.

Nakataas ang kilay ko siyang tinignan ngunit seryoso lang ang loko. Anong gimik nito?

Nang tuluyan kaming makalapit sa tree house ay doon ko lang napansin ang tig isang puting rosas na nakapatong sa bawat apakan ng hagdan paakyat rito.

"Kaya mo bang umakyat?" Tanong niya. Tumango ako. Good thing I wore shorts and flats.

Umakyat ako sa hagdan habang pinupulot ang mga rosas sa bawat baitang. Nakalikom ako ng labing isang rosas.

Tuluyan akong pumasok sa loob at nakita ang nakahanda roon. Nakalatag ang banig na dinadapuan ng mga white at red rose petals. Nakalapag roon ang gitara. Sa gilid ay may maliit na mesang pinapatungan ng pagkain.

I was utterly shocked by the sight. Umupo ako sa banig at ninamnam ang kalambutan ng rose petals sa aking balat.

Umupo si Luke sa harap ko at niyakap ang gitara.

"You liked it?" Tanong niya. Tumango ako.

"Very much," wika ko at ngumiti. Pinisil ko ang mga petals na nasa binti ko. Nagdidiwang ang loob ko. Why does he have to be so sweet?

Kinaskas niya ang gitara. Ang kanyang ekspertong mga daliri ay lumapat sa bawat strings. I watched him intently as he unexpectedly started singing the song Crazy For You.

I stared at him in surprise. My heart slamming hard again my chest as I look at his lips curving and moving from the words.

"...What I'm tryin' to say is that..
I'm crazy for you
Touch me once and you'll know it's true
I never wanted anyone like this
It's all brand new, you'll feel it in my kiss..

He was staring at me intently while singing the song. And I had nothing to do but gulp as he utter the last words of the song..

..I'm crazy for you.."

Ilang ulit niya pang kinanta ang linyang iyon. At ang huling beses ay halos patula niya nang binigkas.

I found it hard to breath. My chest was heaving and I was lightheaded. Paulit ulit sa isip ko ang mga salita.. Ang kanyang malamig na boses.. Ang kanyang malalim na mga mata.

I was lost in my trance until he started strumming another song. Mas mabilis at mas masigla ng kaunti kaysa sa nauna.

"Ano ang 'yong pangalan?
Nais kong malaman
At kung may nobyo ka na ba?
Sana nama'y wala.

Di mo'ko masisisi
Sumusulyap palagi
Sa iyong mga matang
O kay ganda o binibini.."

I wasn't familiar with the song. However, I listened and I was actually entertained. I was swaying my upper body and nodding my head in the beat.

"O magandang diwata
Sana'y may pag-asa
Pag ibig ko'y aking sinulat
At Ikaw ang pamagat..

Sana saman ay mapansin
Himig nitong damdamin
Na walang ibang hinihiling
Kundi ikaw ay maging akin.."

He was'nt looking anywhere but me. Naroon na naman ang kiliti sa kaibuturan ko. Hindi ko maiwasang malunod sa kanyang malalim na tingin. I wondered how I was still alive when I was drowning?

"Di ako naglalaro
Di ako nagbibiro..
Pagbigyan mo lang sinta
Nang sayo'y mapakita..

Na ang isang katulad mo
Ay di na dapat pang pakawalan
Pangako kong pag naging tayo
Araw araw kitang liligawan.."

He started strumming and singing slowly. Tila ba idinidiin ang bawat liriko at sinusubukang itatak sa isip ko.

"O ang isang katulad mo
Ay di na dapat pang pakawalan
Alam mo bang pag naging tayo?
Hinding hindi na kita bibitawan..

Aalagaan ka't di pababayaan
Pagkat ikaw sa'kin ay..
Prin-se-sa.. Prinsesa.."

Tumigil ang gitara. Tumigil ang kanyang pagkanta. Sa likod ng nakabibinging katahimikan ay ang dagundong ng dibdib ko.

Inabot niya ang kamay ko at hinalikan ang bawat buko nito. With that, I stopped breathing. I was having a hard time to process my thoughts.

"Empress Cabrerra," he paused. I waited and almost fainted when he actually said, "Pwede ba kitang maging Prinsesa?"

Paulit ulit akong lumunok. I was trying hard to formulate coherent words. And all I managed to say was "Yes" in a low and muffled sound.

And when I came back to senses, I started chanting, "Yes. Yes. Yes, Luke! Oh my God."

Ngumiti siya at hinalikang muli ang kamay ko. Nag uumapaw ang saya sa loob ng tree house kahit kaming dalawa lang ang naroon. Hindi ko rin maipaliwanag ang sobrang saya sa dibdib ko.

*****

Dumating ang lunes. Sabay kaming pumasok ni Luke. Muntik pa akong malate ng gising dahil hirap akong matulog noong gabi. Paulit ulit sa isip ko ang mga nangyari at ang ideyang kami na ni Luke.

Pagbaba ko sa sasakyan ni Luke ay lumapat agad ang mga nanunusok na tingin ng mga tao. Lalo pa itong tumalim at may kasama ng bulungan nang mapang-angkin na hawakan ni Luke ang kamay ko habang naglalakad kami.

Kaklase kami sa unang subject kaya hawak kamay kami hanggang sa room. Hindi pa rin niya binitawan ang kamay ko kahit nakaupo na kami.

Ang kakatwa pa ay hindi nga niya binitawan ang kamay ko kahit nagkaklase na ang propesor namin. Kahit sa paglabas at pagpunta sa Canteen ay hawak niya ito na tila ba takot siyang mawala ako sa tabi niya.

Umupo kami sa dati naming pwesto ngunit sa pagkakataong ito ay tumabi siya sa akin, leaving the chairs on the other side of the table vacant.

Habang nag uusap kami kung anong kakainin namin ay dumating muli si Violet Mercado. She was in her usual uniform and her hair cascading on her shoulders.

"Hi! Can I join you again?" Ngumiti siya at umupo na agad sa tapat namin kahit wala pa kaming pahintulot.

"Sure," ani Luke at itinuon muli ang pansin sa akin. "So ano? Gusto mo ba ng caldereta?"

Nang tumango ako ay tinanong niya naman si Violet kung anong order nito. Siya na rin ang nagpunta sa counter.

Naghamon ng titigan si Violet ngunit walang gana ko itong pinaunlakan. Nagtaas siya ng kilay.

"Kayo na daw ni Luke?" Tanong niya, mahihimigan ang kapaitan sa boses at mukha niya.

"Ano ngayon sayo kung ganoon nga?" Tanong ko pabalik. Lalong sumama ang tingin niya sa akin.

"Should I say 'congratulations'?" Wika niya at umismid.

"Should I say 'Thank You'?" Sagot ko at ginaya ang tono niya. Her jaw clenched from my answer.

"Wag kang pakampante. Maaaring kayo ngayon, pero malay mo sa isang iglap mawawala rin siya sayo," sabi niya at tinignan ako nang may panunuya.

"Wag kang bitter. Maaaring wala na siya sayo, pero malay mo makamove on ka rin," I said and smirked.

"Pagsasawaan ka rin niya!" Matalim ang boses niya katulad ng tingin niya. Nagtaas ako ng kilay.

"Katulad ng pagsasawa niya sayo?"

Umirap ako at tahimik na itinanong sa sarili kung bakit ko nga ba pinapatulan ang babaeng ito. Siguro'y nakakasawa lamang manahimik lalo na kapag sumobra na ang pagka ingrata nito.

"Mahahanap ko rin ang baho mo na siguradong aayawan ni Luke, tandaan mo iyan Cabrerra," pagbabanta niya. Hindi ako natinag.

"Baho? Siguro nasuffocate sa baho mo si Luke kaya ka niya iniwan," sagot ko at natawa sa aking childish get back. Dumilim ang mukha niya kaya natigilan ako.

"Wala kang alam!" she said through gritted teeth.

Ilang segundo din bago ako nakabawi sa uri ng ekspresyong lumarawan sa mukha niya.

"Tama ka, wala akong alam. At para malaman mo, kung anong namamagitan sa amin ni Luke ay wala kang alam. At wala ka ring pakialam. So kung ako sayo, mind your own business na lang," wika ko at tinaliman ang titig sa kanya.

"Bitch!" Singhal niya. Hindi ako nagulat roon.

"Why thank you," sagot ko.

Dumating si Luke at inilapag ang mga pagkain namin.

"Mukhang close na kayo ah?" Komento niya. Napairap ako sa isip. Nyeta, mali yata ang definition ng 'close' para kay Luke. Close to killing each other baka pwede pa!

Walang umimik sa amin ni Violet hanggang sa matapos kumain. Biglang bumuhos ang malakas na ulan.

"Half day ka di ba, babe?" Malambing na tanong ni Luke sa akin. Tumango ako. "Alright. Is it okay kung may puntahan tayo saglit?"

Sasagot na sana ako nang biglang sumingit si Violet.

"Luke, I still haven't got my car from the auto repair shop. Will you drive me home? Please?" She dragged again that puppy look that everyone who can see it will get sick. I'm glad Luke and I didn't puke.

"Sige, sumabay ka na lang sa amin ni Empress," sagot ni Luke. Hindi naman siya mukhang napilitan pero ako ang napipilitan.

"Yay, thanks!" She chirped and I almost rolled my eyes.

Sabay sabay kaming pumunta sa Ranger ni Luke. Si Luke at ako ay magkapayong.

Akmang bubuksan na ni Violet ang pintuan sa harap nang magsalita si Luke.

"Sa likod ka na lang Violet," aniya. Sumimangot at padabog na binuksan ni Violet ang pintuan sa likod. Nagdiwang ang loob ko.

Una naming ibinaba si Violet sa mansyon nila. Oo, literal na mansyon. Nagpasalamat ito kay Luke at lihim na umirap sa akin. Hindi ko na lang pinansin.

"Saan tayo?" Tanong ko nang malagpasan namin ang aming bahay.

"Sa bahay ni Don Lucas," sagot niya.

"Aah.. Sa bahay niyo," nangingiti kong sambit. Lord, bakit napakahumble ng taong ito?

Pumasok ang sasakyan sa isang matayog na gate. Ipinarada niya ang sasakyan sa garahe ng malaking bahay. Sa garahe ay may tatlo pang sasakyan.

"Tara?" Inilahad niya ang kamay sa akin. Kinuha ko iyon.

Pumasok kami sa double doors at sumalubong sa paningin ko ang marmol na sahig. Simple lang ang disenyo ng bahay. Magara ngunit hindi sobrang gara. Sumisigaw ito ng kaunlaran ngunit hindi ng karangyaan. Taliwas sa tunay na estado ng kanilang buhay.

"Nay Lorna, pahanda po ng makakain. Nasaan po ang Papa?" Wika niya sa isang may katandaang kasambahay.

"Sige hijo, si Don Lucas ay nasa sala sa itaas," sagot nito at ngumiti sa akin.

"Magandang hapon po," bati ko at nakangiti itong tumango.

Inalalayan ako ni Luke paakyat sa hagdan at dumiretso sa sala na nasa pinakadulo nito. May glass wall kaya makikita ang buhos ng ulan sa labas.

Nakaupo sa sofa at nanunood ng TV ang isang may edad na lalake.

"Papa," lumapit si Luke at nagmano sa ama.

"Maaga ka yata, Timothy?" Tanong nito. Bahagya akong nagulat sa tawag nito kay Luke. He calls him by his second name?

"Half day lang po kami. Narito po at kasama ko si Empress," inilahad ako ni Luke kaya nilingon ako ni Don Lucas. Ngumiti ito sa akin kaya bumati ako.

"Nobya mo?" Nakangising baling niya kay Luke. Nag init ang pisngi ko. Nakakahiya naman ito.

Tumango si Luke sa tanong ng Don. Naglahad siya ng kamay sa akin.

"Ako si Lucas Marquez, tatay ni Luke," pakilala niya. Nakatataba ng puso ang pagkakasabi niya na siya ang tatay ni Luke gayong alam ng lahat na ampon niya lamang ito.

"Empress Cabrerra po. Nice to meet you Don Marquez," wika ko at tinanggap ang kamay niya. Tila napaisip ito.

"Cabrerra?" Pag uulit niya. Tumango ako at ginapangan ng kaba sa dibdib. Syempre ay hindi lingid sa kaalaman niya na kakompetensya ang pamilya namin at mainit and dugo ng tatay at mga tiyuhin ko sa pamilya ng Marquez.

"Anak ho ni Christopher Cabrerra, Don Marquez," paglilinaw ko. Tumango tango ito at ngumiti.

"Ikaw pala ang anak ni Topher. Halika rito at maupo," aniya at inilahad ang upuan sa kaliwa niya. Tumabi sa akin si Luke.

Hindi naalis ang kaba sa dibdib ko. Paano kung katulad ni Papa ay tutol rin ito sa amin ni Luke?

"Kumusta kayo ng pamilya niyo hija? Hindi ba't galing pa kayong Maynila?" Mahinahon ang tono niya kaya't bahagya akong nagrelax.

"Opo Don Marquez. Ayos naman ho ang aming pamilya. Nakapag adjust na kahit papaano," sinsero kong sagot.

"Tito Lucas na lamang. Nobya ka ni Luke kaya isantabi na natin ang pormalidad," ngumiti siya at halos makahinga ako ng maluwag nang mapansing wala namang imahe ng disgusto sa kilos at pananalita niya.

Well, it's too early for the both of us to judge, right?

Continue Reading

You'll Also Like

1.4K 853 90
Blue and Jai were cousins ​​and they had a relationship that their family never imagined.
11.3K 1.6K 54
She was the woman who wanted peace, peace that she could hardly achieve because she came from a family where she was hated. She received insults and...
7.8M 233K 56
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
35K 3.1K 45
Escaping an abusive man who claimed to be her husband is an endless nightmare for Gabriella Almarillo.