My Fiancé Since Birth(Complet...

De kagome_Annah

9M 136K 7.9K

Van o Vincent? Hindi malaman ni Alex kung sino sa dalawa ang kanyang pipiliin. Si Van na fiance nya mula nan... Mais

My Fiancé Since Birth<3
One
Two
Three
Four
Five
Six
Seven
Eight
Nine
Ten
Eleven
Twelve
Thirteen
Fourteen
Fifteen
Sixteen
Seventeen
Eighteen
Nineteen
Twenty
Twenty one
Twenty two
Twenty three
Twenty Four
Twenty five
Twenty Six
Twenty Eight
Twenty Nine
Thirty
Thirty One
Thirty Two
Thirty Three
Thirty Four
Thirty Five
Thirty Six
Thirty Seven
Thirty Eight
Thirty Nine
Forty
Extra one: Confirm: Mamamatay na ako!
Extra Two: Maghiwalay na kayo!
Extra Three: Ang Parusa at Premyo
Extra Four: Average Girl
Extra Five: Tiwala
Extra Six: Game on
Extra Seven: Maghiwalay na tayo!
Extra Eight: VAN hindi excited maging daddy?
Extra Nine: Paglilihi
Pinakahuling Extra: Katapusan

Twenty Seven

159K 2.3K 66
De kagome_Annah

╔═.♥. ═════════════════════════╗

Twenty Seven

╚══════.♥. ════════════════════╝

Day 5 being not slave

Alex POV

Tinatamad akong pumasok kaya lang kailangan kasi obligasyon ko bilang isang estudyante ang pumasok.

Pagkatapos kong mag-ayos pumunta ako sa kitchen para mag-almusal.

"Good morning Mommy and Daddy" bati ko sa kanila then kissed sa kanilang pisngi.

"Good morning baby" sabay nilang bati sa akin.

"Xander bakit hindi mo pa ibinabalik 'yung mga pinababalik ko sa iyo?" tanong ko sa kambal ko na busy sa pagkain ng tuyo, itlog at sinangag.

Kumuha ako ng food ko dried pusit, itlog at sinangag. Si Mommy inabot naman ang hot choco na tinimpla nya para sa akin. "Thank you Mommy" pasasalamat ko.

" Busy daw sya kahapon kaya mamaya na lang" sabi nya habang ngumunguya ng pagkain.

"Seguraduhin mo lang na ibabalik mo yun ha pogi kong kambal" pambobola ko. Baka mainis at hindi nya pa isoli.

"Bakit ba naman kasi kailangan pang ibalik? Aanhin naman nya ang mga pangbabaeng bags at yung mga bra at thongs mo?" reklamo nya.

"Hoy! Anong bra at thongs?" gulat na tanong ko. Muntik na akong mabulunan sa kinakain kong pusit. "Walang ganoon!" I hissed.

"Ha!Ha!Ha! " tawa nya. Sarap buhusan ng hot choco. Pati si Daddy tumawa. "Oo nga pala hindi ka non bibigyan ng sexy lingerie, kasi panglalaki ang katawan mo" pang-aasar nya pa.

Napasimangot ako. Anong panlalaking katawan ? Eh ang sexy ko kaya.

"Helloooo soon to be family!" bati ng bagong dating.

"Helloooo Buko Shake!" bati ng kambal kong over kung makangiti sa kanyang baliw na fiancee.

"Morning Buko Pandan" over na ngiti rin ni Aria. Nag kissed pa sila. Kahiya naman sa kanila kasi nakatingin kami nina Mommy at Daddy. Over mag PDA , keaga-aga. Nakakasuka sila. Lalo na ngayong brokenhearted ako sarap nilang pagbuhulin.

"Buko Pandan at Buko shake? Anong endearment yan? Yuck!' nakataas ang kilay na tanong ko.

"Ingit ka lang Alex bestfriend" balik na sabi ni Aria. " Antay- antay lang magkakalovelife ka rin tulad namin" pasweet na sabi nya pa.

"Aria kain ka muna" yaya ni Mommy kay Aria. Umupo na man si Aria sa tabi ni Xander. Sanay na sanay na syang makikain sa amin . Halos araw-araw nandito yan eh.

"Thank you Mommy. Daddy ang pogi mo ngayon" pambobola nya kay Daddy na busy sa pagbabasa ng dyaryo habang kumakain. Everymorning ganyan si Daddy hindi magbrebreakfast hanggat wala ang dyaryo nya.

"Thank you Aria" aniya.

"Aria kung ako saiyo dalhin mo na ang mga gamit mo dito at dito kana tumira" sarcastic na sabi ko.

"Pwede?" nanlalaki ang kanyang mga mata na tanong nya. Parang gusto nya nang tumira dito ah.

"Tch! Sa araw- araw ba naman na nandito ka parang dito ka na rin nakatira eh. Nagpapagod ka lang umuwi sa inyo para magbihis at magpakita sa parents mo. Dito ka na lang tumira at magbayad ka ng upa , kuryente at sa food. Para kumita naman kami sa iyo. Panay libre na lang ang kain mo dito para kang nasa restaurant tapos lagi pa kayong naka aircon ni Xander at ang lakas nyung gumamit ng PlayStation 4. In otherwords ang lakas nyung gumamit ng kuryente at ang lakas nyung dalawang kumain." litanya ko habang sumusubo at ngumuguya ng food.

Uminom ako ng hot choco. Si Aria naman pangiti-ngiti kay Xander, Nagpapacute. Parang wala lang sa kanya ang mga sinabi ko.

"Ang yaman-yaman mo ,nagpapalibre ka dito" dagdag ko pa.

" Mommy , Daddy oh si Alex" sumbong nya sa parents ko. " Mommy ayaw nyo bang nandito ako?" tanong nya kay Mommy na parang iiyak na sya. Si Xander naman niyakap sya para icomfort.

Tsk! Sarap talagang pagbuhulin ang dalawang ito.

"Of course not Aria. Alam mo namang ikaw ang bunso ko" sagot naman ni Mommy.

Benelatan naman ako ni Aria.

"Pero masmaganda nga kung magbabayad ka sa food at electricity" si Mommy uli.

"Bwahahaahahahah!" tawa ko at ni Daddy. Napasimangot naman si Aria.

"Joke lang" nakangiting sabi ni Mommy , nagpeace sign pa sya. Anak na ang turing nina Mommy at daddy kay Aria kasi pagkagraduate nila ni Xander magpapakasal na sila. " Okay nga na lagi kang nandito para itong si Xander hindi gumagala kung saan-saan" dagdag pa ni Mommy.

"Binola nyo pa Mommy yang si Aria. Mamaya dito na tumira yan."

"Tumingil ka na nga Alex" saway sa akin ni Xander. " Kinakawawa mo si Buko Shake. Pagnainis ako sa iyo hindi ko ibabalik kay Van 'yung mga ipinasosoli mo." Banta nya.

"Okay joke lang naman iyon eh. Alam mo namang mahal na mahal ko iyang si bestfriend Aria. Bago mo naging fiancee si Aria bestfriend ko na iyan. Inagaw mo lang sya sa akin" makasmirk na sabi ko. Totoo naman, dati lagi kaming magkasamang tatlo nina Sam. Ngayon si Xander na ang lagi nyang kasama. Para silang aso at garapata.

"Don't worry Alex? Magkakaroon karin ng lovelife" sabi na naman nya. Bakit nya kaya nasabi 'yun?

"Aria nakakapredict ka na ba ng future ngayon?' namamanghang tanong ko.

"Hindi pero sure ako na mangyayari sa iyo yun . Very soon" tumatangong sabi nya..

"Weh?" sabi ko. Ano kayang ibig nyang sabihin?

"Kids malalate na kayo" paalala ni Daddy.

Tumayo na ako kasi magtotoothbrush pa ako eh. Si Aria naman tinulungan si Mommy na magligpit ng pinagkainan. Isa sa mga advantages na nandito si Aria ay ang tulungan si Mommy sa mga gawaing bahay. Hindi totoong nagrereklamo ako na laging nandito si Aria. Masnatutuwa nga ako kasi parang may kapatid narin akong babae. Si Xander kasi lagi akong inaasar. Kaya pagnandito si Aria maykakampi ako. Hindi naman makalaban si Xander . May time nga na nagprapranks kami ni Aria at si Xander ang victim namin. Hindi naman sya makaganti, malaki ang takot nya kasi kay Aria.

Bago sila naging engaged , malaki na ang pagkagusto ni Xander kay Aria. Feeling nya nanalo sya ng lotto nang inannounced na nakaarranged marriage sila.

"Sasabay ako sa inyo ha" sabi ko sa dalawang lovebirds na nakaupo sa couch. Nagsisiksikan sila sa maliit na couch.

" Nasan ang motor mo?" tanong ni Aria.

"Ipapabalik ko na iyon eh" sagot ko. Malulungkot ako pagnaibalik na ang baby ko kaya lang wala akong choice.

"Alex , ibinigay na sayo iyon. Bakit ibabalik mo pa? Ang yaman -yaman ni Van , hindi nya kailangan iyon " paliwanang nya. Parang ipinararating nya sa akin na nasisiraan na ako.

"Basta. Nakakahiya. Hindi naman makapal ang mukha ko."

"Ewan ko sa iyo. Sasaktan mo lang sya."

"Kaya nga tinatapos ko na diba? Para hindi na sya masaktan ng bongang-bongang at para makahanap na sya ng babaeng para sa kanya."

" Impossible yun. " maikling sabi nya. Muntik ko nang makalimutan na pinsan nga rin pala ni Van si Aria kaya kilalang-kilala nya iyong tao. Pero magaling din magtago ng sekreto si Aria dahil kahit anong kulit ko sa kanya ay ni minsan hindi nya pa pinakita sa akin ang picture ni Van. Ayaw daw ni Van. "Aria diba pinsan mo si Van?" tumango sya. "Then pinsan mo rin si Vincent" tumango uli sya. "Magpinsan ba sila?" tanong ko sa kanya.

"Buko Shake malalate na tayo" sabi ni Xander. "Tara na" iginiya nya si Aria palabas ng bahay. Naiwan naman ako. Hindi pa nga nasasagot ni Aria ang tanong ko . Nakakainis talaga 'tong si Xander. Sarap kalbuhin,.

¸.•*¨*•♫♪¸¸.•*¨*•♫♪¸¸.•*¨*•♫♪¸¸.•*¨*•♫♪¸¸.•*¨*•♫♪¸¸.•*¨*•♫♪¸¸.•*¨*•♫♪

Vincent POV

Hindi ako pumasok kasi may inaasekaso ako. Kararating ko lang dito sa condo ko .

Dingdong! Tunog ng doorbell.

Binuksan ko ang pinto.

Napakunot ang aking noo.

"Xander ano ang mga iyan?" tanong ko.

"Mga ibinigay mo kay Alex. Pinapasuli nya na" sagot nya. May mga bitbit syang paperbags. Lalong napakunot ang noo ko.

"Ipinababalik nya lahat ng ibinigay ko?" naniniguradong tanong ko. Baka kasi mali ako ng rinig.

"Yes. Ang dami nito ah" nagrereklamong sagot naman ni Aria. May bitbit din sya. Pumasok sila .

"Saan namin ito ilalagay?" tanong ni Aria.

Napatunganga ako. Bakit ibinabalik ni Alex ang mga ibinigay ko sa kanya?

"Why?" naguguluhang tanong ko.

"Kasi inlove na sya." Masayang sagot ni Aria.

"Saan 'to ilalagay?" tanong naman ni Xander.

"Pakilagay na lang sa pink na room" nakatulalang sagot ko.

"Wait Aria. Anong sinasabi mo?"

"Inlove na si Alex at ayaw nya nang magpakasal kay Van" sagot nya .

Para akong sinaksak sa narinig ko. Ayaw nang magpakasal ni Alex. Pakiramdam ko gumuho ang aking mundo.

"Kanino?" tanong ko. Gusto kong malaman kung sino ang taong iyon na umagaw kay Alex sa akin. Gusto ko syang saktan, gulpihin, itapon sa ilog Pasig at ipakain sa mga janitor fish. Inagaw nya si Alex sa akin!

"Alamin mo" nakasimagot na sabi ni Aria. " Ang dami naming dala . Grabee kang magmahal , sobrang mahal. Ang mamahal ng mga ibinigay mo. Pero pinsan. Hindi kailangan ni Alex yang mga materyal na bagay. Ang kailangan nya ikaw. Bakit ba naman kasi ayaw mo pang magpakilala? Hirap na hirap na ako sa pagtatago ng pagkatao mo" mahabang litanya nya pero hindi ko iniintindi ang mga sinasabi nya kasi para akong nahihirapang huminga. Ang sikip sa dibdib. Ayaw nang magpakasal ni Alex sa akin. Buong buhay ko sya lang ang mahal ko at gustong mapangasawa. Nanghihinang napaupo ako. Para akong unti- unting pinapatay. Ngayon ko lang naramdaman ang ganitong sakit.

"Tsk!Tsk! Kasi Van magpakilala ka na. Kailan pa pag hulog na hulog na sya?" napapailing na sabi nya. Nakatingin lang ako sa kanya.

"Painom ha. Nauhaw ako. 'Yung motor nasa baba na" sabi nya pa then pumunta sya sa kitchen.

Totohanan na ba ito? Ayaw na ba sa akin ni Alex.? Alam ko na gustong-gusto nya ang kanyang motor kaya nga kahit against ako na gamitin nya iyon ay hinayaan ko na lang sya. Tapos ibabalik nya lang. Seryoso talaga sya!

Fvck! Parang gusto kong manakit! Gusto kong umiyak!

"O inumin mo" inabutan ako ni Aria ng beer. Kinuha ko at tinungga ang bote ng beer. Pero nandoon parin ang sakit.

"Alam no pinsan dapat kasi hindi ka na lang nagsesekreto" sabi nya pa.

Magpapakilala naman ako sa kanya pero sa birthday nya pa. Huli na ba ako? Nakatulala lang ako.Nawawala ang pagkabadboy ko nito. Para akong nilindol sa narinig kong inlove na si Alex. Intensity 20 kung merong ganoon. Sobrang niyanig ang pagkatao ko at natatakot ako na mawala sya sa akin. Kahit na may pagkabadboy ako pagdating kay Alex para akong maamong tuta. Bakit nagyari ito? Naubos ko na ang laman ng bote. Tumayo ako at kumuha ng maraming beer. Hindi ko kaya ang sakit kailangang mawala ito.

"Pagod na ako, ang dami namang binitbit ko" reaklamo ni Xander. Nakahilata sya sa sofa , pagod na pagod sya. Ilang beses din kasi syang nagpabalik-balik sa baba para kunin ang mga paperbags. Marami akong naibigay kay Alex kasi doon ko lang maipaparamdam sa kanya ang pagmamahal ko pero mali nga ako. Katulad ng sinabi ni Aria. Dapat noon pa lang nagpakilala na ako. Tulad nilang dalawa ni Xander. Huli na ba ako?

"Xander kanino ?" tanong ko. Hindi ko masabi na kanino inlove si Alex. Ang sakit-sakit na malaman na inlove sya sa iba. Paulit-ulit ako kasi hindi ako makapaniwala.

Xander POV

Napagkasunduan namin kanina ni Buko Shake na hindi namin sasabihin kay Vincent kung kanino inlove ang kakambal ko. Alam kasi namin na nasasaktan si Alex dahil sa kanya so dapat masaktan din sya. Para patas sila. Isa pa itong si Van din naman ang nag-umpisa ng sekreto so sekreto din na sa kanya inlove si Alex.

Talino talaga namin ni Buko Shake.

"Tanong mo na lang sa kanya " sabi ko.

Aria POV

Hindi ako masaya na nakikitang nasasaktan ang pinsan ko pero lesson sa kanya ito para maranasan nya rin ang sakit na naranasan ni Alex. Bestfriend ko si Alex , ayaw kong nasasaktan sya lalo na at pinsan ko pa ang dahilan.

Kasi naman pasekreto-sekreto pa eh. Pareho tuloy silang nasasaktan ngayon.

Balak pa yatang maglasing ni Van ah. Don't worry pinsan magiging masaya din kayo ni Alex.

"Xander tawagan mo ang mga pogitas. Mag-iinuman tayo." utos ko kay Buko Pandan.

******************************

Mamaya uli ang update. Hindi ko sure kung anong time.

Vote and comment if you like this update.

Salamat sa oras mo dahil binasa mo ito.

Annah

Continue lendo

Você também vai gostar

1.2M 13.1K 50
Losing the one she loves the most, Euphy Maniego agreed to marry someone her parent wants for her. But when she finally accepts the fact that she'll...
176M 3.9M 68
[BAD BOY 2] You can't turn a bad girl good, but once a good girl's gone bad, she's gone forever. Yang ang motto ni Candice. Sa pagmamahalan na meron...
380K 25.4K 94
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
172K 5.9K 58
Hi everyone! This is an Aldub fanfiction :)