The Scorned Lover

By greatfairy

2.8M 70.6K 4.8K

Now a published book under Lifebooks. Available in bookstores nationwide! It takes a second to read the word... More

GOLD REIGN MIJARES
Overview
TSL 1: Jollibee
TSL 2: Viral
TSL 3: Dare
TSL 4: Serenade
TSL 5: Deposit
TSL 6: Date
TSL 8: Traditional
TSL 9: Surname
TSL 10: Kiss
TSL 11: Tricked
TSL 12: Party
TSL 13: Amiss
TSL 14: Revenge
TSL 15: Coincidence
TSL 16: Distant
TSL 17: Vivid
TSL 18: Wrath
TSL 19: Done
TSL 20: No One Else
Ikalawang Yugto
TSL 21: The Truth
TSL 22: Remorse
TSL 23: Mijares
TSL 24: Gaze
TSL 25: Goodbye
TSL 26: Gone
TSL 27: Dream
TSL 28: Boyfriend
TSL 29: Condition
TSL 30: Finale
Epilogue
Special Chapter

TSL 7: Chase

68K 1.9K 81
By greatfairy

TSK! Ang tagal naman ni Pangga! Nilalamok na ako dito sa labas ng men's room. Kanina pa siya sa loob pero hindi pa rin lumalabas. Ano pa bang ginagawa niya?

"Pangga! Matagal pa ka pa ba diyan?" Kinatok ko ang pinto pero walang sumasagot. Pambihira naman oh! Bakit ba kasi magkahiwalay ang CR ng mga lalaki sa mga babae? Sabagay, magkaiba nga pala ang style nila sa pag-iihi. Pero sana naglagay din sila ng CR for couple!

Napabuntong-hininga na lamang ako at sumandal sa pinto ngunit muntik na akong mabuwal nang bigla itong bumukas.

"Ayy! Tipaklong!"

"What the--!"

Mabuti na lang at naagapan akong saluhin ni Pangga.

"What are you doing here? Didn't I tell you to wait for me outside? Tss." Aniya.

"Sa labas naman ako ng pinto naghintay ah. Hindi naman kita pinasok sa loob," tugon ko at hinigpitan ang pagkuyapit sa kanyang leeg.

"Namimihasa ka babae. Bitaw nga!" Napasimangot ako nang bigla niya akong binitawan.Sa susunod tuturuan ko na talagaga siya kung paano maging gentleman.

Nakasunod lang ako sa kanya na pumunta ng counter para umorder.

"What do you want to eat?" Pagkuwa'y tanong niya na hindi tumitingin sa'kin.

"Ginisang sardinas."

"What?!"

"Huwag ka nga sumigaw! Ang lapit-lapit lang natin sa isa't isa naninigaw ka. Gusto ko ng chicken na thigh part, spaghetti, large fries, tsaka isang sundae."

"Ang liit-liit mo ganun kadami ang order mo?" Reklamo niya.

"Ang yaman-yaman mo pero ang kuripot mo! Konti nga lang 'yan. Ang sabi kasi nila masarap kumain pag libre kaya lubos-lubosin ko na."

"Tsk!" Napailing siya at sinunod ang order ko. Hindi ko talaga maintindihan ang trip ng lalaking 'to. Ang akala ko dadalhin niya ako sa isang fancy restaurant para sa first date namin. 'Yon pala dito lang niya ako dadalhin sa fastfood.

Pero...

Sabagay... Mas mainam nga naman dito. 'Yung tipong mararanasan mong pumila sa counter para makaorder ng gusto mong kainin. Yung walang waiter o waitress na nag-aabot sa'yo ng menu para umorder. Yung kahit maingay sa paligid nai-enjoy mo ang pagkain mo kasi paborito mo ang kinakain mo. Yung malaya ka at hindi mo kailangan maging conscious sa pagkain mo kasi lahat may kanya-kanyang mundo. Higit sa lahat, kasama mo ang taong mahal mo.

Simple pero masaya. Nakikipagsabayan ka sa mga taong mababa din ang kaligayahan. Yung tipong hindi mo kailangan na magpademure at kalkulahin ang galaw at paraan ng pagkain mo.

I still remember those days na dinala ako ni Ate Nisyel sa fastfood. Siya ang dahilan kung bakit ako naaadik sa fries.

"Pft!" Napatingin ako kay Pangga at biglang napatigil sa pagkain.

"Anong nakakatawa ha?!"

"Pft! Nothing. You look like an idiot." Naningkit ang mga mata ko. Kung hindi ko lang talaga mahal ang lalaking 'to, hinding-hindi ako magtitiis na kumain sa fastfood na 'to habang pinagtitinginan ng iba.

Alam ko namang pasimple lang na natatawa ang ibang mga customers sa paligid eh. Sino ba naman ang hindi matatawa sa nangyari? Naglive show kami kanina sa harap ng fastfood.

"Isa pang tawa mo, ipapalunok ko 'tong fried chicken sa'yo!" banta ko at ipinagpatuloy ang pagkain. Pagkatapos kasi ng nangyari kanina ay bigla na lang bumangon si Pangga at hinatak ako papasok sa fastfood na parang walang nangyari.

"Kakaiba ka talagang babae ka. You're asdfghjkl---" Kumunot ang aking noo sa ibinulong niya. Nabubuang na yata si Pangga. Nakakainis talaga siya. At lalo pang nakakainis kasi hindi ko siya matitis.

"Kung hindi lang talaga kita mahal, kanina ko pa tinusok ng tinidor 'yang mga mata mo. Kainis!"

"Pft!"

"Isa pa, Pangga! Hahalikan kita!"

"I would love to."

"Ano?!"

"Tss. Ang ingay mo. Ang sabi ko bilisan mong kumain kundi iiwanan kita rito," aniya.

"Subukan mo lang akong iwanan, ipapahabol kita sa aso ko! Kasalanan mo naman kung bakit ako pinagtitinginan ng mga tao. Sana nagpa-deliver na lang tayo kung gusto mong kumain ng pagkaing fastfood."

"Pft! It's not the reason why they're looking at you. You really look like an idiot. Didn't you realize it? Pft!" Tiningnan ko siya ng masama. Kanina pa tawa ng tawa ang probinsyano na 'to.

"Bakit? Ano bang mali sa itsura ko?!" Inirapan ko siya at ipinagpatuloy ang pagsubo.

"Filipiniana gown for a date? Pft! You look insane!" Tingnan mo 'tong hukluban na 'to. Akala ko ba gusto niyang ganito ang isuot ko?

"I did not wear this to please them. Isinuot ko 'to para ipakita sa'yo na seryoso ako sa panliligaw ko sa'yo! Hmp!" Iniripan ko siyang muli at ipinagpatuloy ang pagkain. Bakit ba sa tuwing pumapasok ako sa fastfood na 'to minamalas ako? Sign na ba 'to na si Pangga nga ang soulmate ko? Hindi naman ako galit sa mascot na 'yon, eh. I still owe him though. Kahit minamalas ako rito, espesyal pa rin ang fastfood na 'to sa'kin...

Kasi dito ko unang nakilala si Pangga.

Pagkatapos naming kumain ay tumayo na agad siya.

Iyon lang 'yon?

Pagkatapos naming kumain separate ways na agad?

Date bang matawag 'yon?

"Teka naman Pangga! Hintay! Iyon lang ba 'yon? Hindi ba tayo mamamasyal man lang?" Lakad-takbo ang ginawa ko para mahabol siya. Ang bilis niyang maglakad at haba pa ng mga paa niya. Ang isang hakbang niya yata ay tatlong hakbang ko na.

"WHAT?"

"Pangga naman! Hindi man lang ba muna tayo mamasyal tulad ng mga ginagawa ng ibang couple?" untag ko nang maabutan ko siya.

"May I remind you, we're not a couple. I already gave you the date you asked for, so stop messing my life," malamig na wika niya at tumalikod. Kaasar!

"Pangga!"

Tumakbo ako nang mabilis hanggang sa napunta kami sa parking lot. Mabilis itong pumasok sa kanyang kotse at umalis. Walang hiya...

Hindi ko man lang naabutan...

Akaka niya makakatakas siya sa'kin?

Mabilis akong pumara ng taxi para sundan siya. Ipaparealize ko sa kanya na itinadhana kami para sa isa't isa.

Pagkatapos ng isa't kalahating oras ay tumigil sa harap ng isang Villa ang kanyang sasakyan.

"Manong, ito po bayad. Keep the change." Tinapik ko sa balikat si Manong driver at bumaba.

"Ma'am ang laki naman po nito. Nakakahiya naman sa inyo." Aniya.

"Tanggapin n'yo na 'yan Manong, nagmamadali po ako." Wika ko at tinalikuran siya.

Nakita kong pumasok si Pangga sa entrance ng villa.

Ang sabi nila pag mahal mo ang isang tao, pakawalan mo at hayaan mo siyang sumaya sa piling ng iba, pero ako, hindi ako naniniwala. Pag mahal mo, ipaglaban mo. Pag gusto mo, habulin mo. Huwag kang tanga. HAPPINESS IS A CHOICE.

"Pangga!!!" Napalundag ako sa tuwa nang sa wakas ay naabutan ko siya. Ang bilis niya kasi maglakad eh.

"Ikaw na naman?! How many times do I have to remind you, stop stalking me, Miss!" Napangisi ako nang sa wakas ay kinausap niya ako. Kulang na lang ay magpasabog ako ng confetti sa harapan ko ngayon. Sa susunod magdadala na talaga ako ng party popper para masaya.

"Ilang beses ko din ba dapat sabihin sa'yo na hindi ako stalker, I'm your lover!" nakangising sagot ko. Napahilot ito sa kanyang sentido. Tang*na! Ang gwapo niya talaga!

"Get of my life, woman! Bumalik ka sa kung saang lupalop ka man nanggaling, naiintindihan mo?" madiin at nanggagalaiting wika nito. Halos lumitid na ang ugat nito sa leeg sa sobrang inis.

"Eh di dapat pala hindi ako aalis sa tabi mo kasi nanggaling ako sa puso mo," nakangiting sagot ko na ikinalaglag ng kanyang panga. Dumilim ang kanyang mukha at para itong papatay anumang oras.

"F*ck" Nanlaki ang kanyang mga mata at 'di makapaniwalang tiningnan ako.

"Ay, maaga pa, Pangga. Mamayang gabi na lang."

Namula ang kanyang mukha at mabilis akong tinalikuran. Pero siyempre mabilis din ang reflexes ko kaya hinabol ko siya.

Hinding-hindi ka makakatakas sa akin, Pangga!

"Pangga naman! Ang baduy naman ng date natin. Iyon lang talaga 'yon?"

"Puwede ba ha? Lubayan mo akong babae ka! And will you stop calling me, Pangga?!"

"Ang sungit mo naman! Bakit ba gusto mong lubayan kita? Hindi ako titigil, FYI! Liligawan at liligawan pa rin kita sa ayaw at gusto mo." Nakapamaywang akong humarang sa kanyang dinaraanan.

Pero....

Pakiramdam ko lumipad ang puso ko sa kalawakan at napuno ng bulate ang aking tiyan sa kanyang isinagot.

"Because it's my job to woo you."

I'm gonna die at 12:45!

-GREATFAIRY

Continue Reading

You'll Also Like

61.1M 943K 65
(Formerly "The Playboy Billionaire's Queen") [WARNING: Please be reminded that this story is NOT YET EDITED. This is the FIRST STORY I've ever writt...
Broken Arrow By Cher

General Fiction

3M 114K 23
Si Mia Cara ang pinakaimportanteng kayamanan ni Mariah Rojas. Lahat ay kaya niyang gawin para sa kanyang anak. She is ready to endure pain just to ma...
1.1M 35.9K 31
(Trope Series # 3) Arielle was contented living her quiet life. She's got a job that pays well, a place to live, eats three times a day, and had frie...
4.2M 82.7K 43
Barkada Babies Series #1 This is published under PHR. Visit their online store to get a copy of the ebook version. Price: 142php ------ Hanggang sa...