The Devil's Lover โœ…

By SnowSparksJoviie

58K 1.7K 176

A hopeless romantic girl named Sapphire accidentally opens a book about ancient magic. Inaakala niyang isang... More

Synopsis
[1] The book
[2] Spade Valdez
[3] Like us
[5] Pissed
[6] Ripped
[7] Cross
[8] Wounded
[9] Erased Memories
[10] Begin Again

[4] Stuck on him

4.8K 155 8
By SnowSparksJoviie

KABANATA IV

MABILIS ang ginawang paglalakad ni Sapphire habang papauwi siya sa kanyang bahay. May mga pagkakataong nililingon niya ang binatang nakasunod sa kanya sa likuran kung kaya't mas lalo siyang nagmamadali sa paglalakad. Pagkalabas na pagkalabas kasi sa eskwelahan ay sinundan siya nito at mukhang wala itong balak na iwan siya. Bagay na lalo niyang ikinakaba.

Sa tuwing nakikita niya ang binata na papalapit sa kanya'y 'di niya maiwasang mataranta. Hanggat maari, nais niya itong iwasan. Bahagya niya itong nilingon ngunit hindi na niya ito nakita pa. Maya-maya'y nagulat na lang siya nang bumanga sa matigas na bagay.

"Bakit mukhang iniiwasan mo ako?" bumungad sa kanyang harapan ang binatang pilit na tinatakbuhan. Seryosong nakatingin sa kanya habang nakapamulsa.

Napaatras siya ng kaunti. Napalunok ng malalim. Malapit nang sumapit ang gabi ngunit mukhang hindi man lang niya kinakitaan ng pawis ang binata sa buong maghapon. Fresh pa rin tulad ng pumasok ito sa kanilang klase.

"Sinong nagsabing iniiwasan kita?" pagmamaang-maangan niya. "Hindi kaya!"

Wala siyang natanggap na kahit ano rito maliban na lang sa seryosong tingin. Tingin na para bang pati ang kaluluwa niya'y tinitingnan nito. 'Di naman niya maiwasang mailang. Palaging nar'yan ang namumuong takot sa katawan sa tuwing ito'y nasa kanyang harapan.

"H-hindi ka pa ba babalik sa lugar mo? I mean... hindi ka pa ba uuwi?"

"Pauwi na rin."

"Ah..." marahang tumango. Humigpit ang pagkakahawak niya sa kanyang bag at dali-daling dinaanan ang binata. Lakad takbo ang kanyang ginawa. Nagbabakasakaling hindi na siya susundan pa nito.

Itinuon niya ang atensyon sa kanyang paglalakad. Kung susunod man ito sa kanya, ililigaw na lang niya ito. Namilog ang kanyang mga mata nang makita ang pamilyar na likuran sa kanyang harapan. Kulang na lang kuminang ang kanyang mga mata nang makita ang kalahating mukha nito nang lumingon ito sa mga nakaparkeng sasakyan.

Mabilis siyang tumakbo papalapit doon. Ngunit bago pa man tumigil sa pagtakbo'y nilingon niya si Spade sa huling pagkakataon. Ngunit nang makita niya ito'y nakatitig na lang ito sa kanya.

"Hi, Cross!" Napangiti siya sa kanyang isipan. Nakatyamba siya ng pagkakataon para maiwasan si Spade. Idagdag mo na ro'n na nakajackpot siya dahil si Cross pa ang nakita niya sa daan.

"Oh, nar'yan ka pala, Sapphire. Pauwi ka na rin ba?" ngumiti ito sa kanya. Halos lumundag ang kanyang puso nang makita ang ngiting 'yon. Kulang na lang mapunit ang kanyang labi nang ngitian niya ang binata. It was kindda weird. Sa tuwing nakakasama niya ito'y nararamdaman niyang ligtas siya. Napakakomportable ng pakiramdam niya rito.

"Yap. Nakita kasi kitang naglalakad din dito. Hindi ko naman makasabay ang ilang mga kaklase ko dahil alam mo na... abala sila sa kani-kanilang mga boyfriend." Saka siya natawa.

"Humanap ka na rin kasi." Napakagat siya ng labi. Nag-uumapaw na kilig ang namamayagpag sa kanyang sistema. Kung maari lang niyang sabihin ang nararamdaman sa binata'y ginawa na niya. Subalit 'di niya maiwasang matakot dahil baka hindi sila magkapareho ng nararamdaman.

"Sa totoo niyan mayroon na nga akong nagugustuhan kaso nahihiya lang akong magsabi sa kanya." Napakamot siya sa batok. Iniiwasang kabahan sa sandaling 'yon. Pero kahit anong gawin niyang pagpapakalma sa sarili'y 'di niya maiwasang kabahan. Kulang na lang daigin ng puso niya ang lakas ng tambol sa sobrang lakas nito.

Napapitlag siya nang may humila sa kanyang katawan. Tinakpan nito ang kanyang bibig at hinila papalayo mula sa kausap. Pareho silang nagulat sa nangyari. Sa isang iglap, nakakulong na siya sa bisig ng kung sino. Kitang-kita niya kung papaano magbago ang ekspresyon ng kausap. Nang tanggalin niya ang pagkakatakip sa kanyang bibig ay mabilis niya itong nilingon.

"Sino ka? Bakit mo kinakausap si Sapphire?"

Halos pandilatan niya si Spade sa narinig. Panandalian siyang napatanga. Naghalo-halo ang mga salita sa kanyang isipan at tanging pagtulak na lang ang kanyang nagawa. Nagulat ito sa kanyang ginawa—maging siya—dahil na rin sa pagkataranta. Hindi naman niya inaasahang gano'n ang bungad nito kay Cross.

"Ako si Cross. Siya ba ang tinutukoy mo kanina?"

"A-ano... H-hin—"

"Tinatanong kita kung bakit mo kinakausap si Sapphire?"

Napakuyom ang kamao niya sa narinig. Tila ba naiipit siya sa dalawang nag-uumpugang mga bato. Napakagat siya ng labi at dali-daling hinawakan sa kamay si Spade. "Pasensya na talaga, Cross!" saka siya dali-daling hinila ang binata papalayo sa kausap.

Mabilis ang ginawa niyang pagtakbo. Hindi rin siya nakakita ng ilang mga tao sa paligid at sa palagay niya'y malayo-layo na rin ang kanilang natakbo. Namilog ang mga mata niya ang makarinig ng pamilyar na tunog. Saka niya lang napagtanto na wala na sa kalsada ang kanyang mga paa at unti-unti siyang umaangat sa kalangitan.

Mahigpit ang pagkakahawak sa kanya ng binata mula sa baywang. Para siyang sakong dala-dala nito sa himpapawid ng walang kahirap-hirap. 'Di niya maiwasang mapapikit, gusto niyang maiyak dahil sa inis. Humugot siya ng napakaraming bago pa man magsalita.

"Ibaba mo ako!" bulalas niya. "Ibaba mo ako ngayon din!"

Wala pang dalawang minuto'y naramdaman niya ang matigas na simento. Kamuntikan pa siyang matumba dala ng panlalambot. Isa na rin sa kanyang kinatatakutan ay ang matataas na lugar kung kaya't 'di niya maiwasang matakot nang lumipad sa himpapawid ang binata. Nang makahugot ng panibagong lakas ay umayos siya ng tindig at hinarap ang kasama.

"Bakit mo ginagawa 'yon! Sinabi mo sa aking uuwi ka na. Bakit mo pa rin ako sinusundan? Bakit kailangan mong mangielam sa pag-uusap namin ni Cross!" asik niya.

Wala siyang natanggap na kahit ano mula sa binata maliban na lang sa seryosong tingin nito. Nagngingitngit siya sa galit. Isang pagkakataon ang napalagpas niya para makausap at makasama ang lalaking nagugustuhan. At kasalanan 'yon ng demonyong sunod nang sunod sa kanya. Gustong-gusto na niya itong pagbuhatan ng kamay. Ngunit nagdadalawang isip siya at baka lalo lang mapahamak sa maging desisyon niya.

"Hindi ko maintindihan ang tulad niyong mga tao."

"Hinding-hindi mo kami maiintindihan dahil hindi ka naman tao!" Otomatiko siyang napakagat sa kanyang labi. Hindi niya sinasadyang masigawan ang kausap. Para bang may sariling pag-iisip ang kanyang sarili't nagiging pabigla-bigla sa ginagawa.

"Tama." Kumunot ang noo niya sa narinig. "Gusto kong maintindihan ang mga ginagawa niyo."

Sarkastiko ang kanyang naging pagngiti. "Isang tulad mo? Gugustuhin na maging tao? Anong nangyayari sa 'yo?"

Akmang papaalis na siya nang hawakan siya nito. Ikinagulat niya ang ginawa nito. Nararamdman niya ang mahigpit na pagkakakapit nito sa kanyang braso. Hawak na halos 'di na makaraan ang dugo sa kanyang kamay. "Nasasaktan ako!"

"Hindi ko alam kung saan mo nakuha ang lakas ng apog mo na sagut-sagutin ako. Baka nakakalimutan mo ang kasunduan natin?"

"Tandang-tanda ko ang lahat! Sa tuwing nakikita kita, natatandaan ko ang lahat!" Saka niya tinapik ang pagkakahawak nito sa kanya. "Iyon ang araw na pinagsisisihan ko sa buong buhay ko. Naiinis ako sa tuwing naalala ko ang araw na nagkakilala tayo!" umayos siya ng pagkakatayo at hinarap ang binata. "Mas masaya pa ako noong wala ka pa." may diing sambit niya bago tuluyang iwanan ang kausap.

TITIG NA TITIG si Sapphire sa kisame. Buong oras na siyang nakatanga habang nakahiga sa malambot na kama. 'Di mawala-wala sa isipan niya ang nangyari. Napabuntong hininga na lang siya at marahang pumikit. Nakaramdam siya ng kapayapaan, pakiramdam na 'di niya nararanasan sa tuwing nakakasama niya ang demonyong si Spade. At sa tuwing iniisip niya 'to, 'di niya maiwasang mainis.

Napamulat siya nang makarinig ng kung ano. Nagmumula ang ingay na 'yon sa kanyang bintana na nahaharangan ng puti at itim na kurtina. Napabangon siya'y pinakinggan ang sunod-sunod na pagtunog sa kanyang bintana. Kinuha niya ang tambo sa gilid ng kama't dahan-dahang natungo ro'n.

Humigpit ang pagkakahawak niya sa bawat hakbang na kanyang ginagawa. Ilang hakbang mula sa bintana'y kaagad siyang tumigil. Gamit ang dulong bahagi ng walis ay hinawi niya ang kanyang kurtina at ikinagulat naman niya ang nakita.

Isang seryosong tingin ang kangyang naabutan. Kalamdong-kalmado ang mukha nito habang siya'y pinagmamasdan. Napaatras siya nang makita si Spade mula sa labas ng kanyang silid na mukhang kanina pa naghihintay.

"Anong ginagawa mo rito?"

Wala na naman siyang natanggap na sagot mula rito. Sa halip at itinapat nito ang palad sa saradong bintana na kaagad naman bumukas. Kung papaano nangyari 'yon ay wala siyang alam. Sinigurado niyang nakasara ito ng maayos ngunit tila ba napakasimple para sa binata ang buksan ito. Ano pa nga bang aasahan niya sa isang nilalang na 'di naman niya katulad?

Humawak ito sa bintana kasabay ng paglalaho ng itim na pakpak nito. Mahigpit niyang hinawakan ang walis habang pinapanood itong pumasok sa kanyang kwarto. Mabilis siyang natauhan, kumaripas siya ng takbo patungo sa pintuan at siniguradong nakasarang maigi ang pinto.

"B-bakit ka narito? Akala ko ba uuwi ka na sa kung saan ka man mundong nakakulbi. Bakit naririto ka sa silid ko?" saka niya itinutok ang walis dito.

"Nakalimutan mo na bang mananatili ako sa mundong ito? Papaano ako mananatili kung maya't-maya akong bumabalik sa lugar ko?" Dumiretso ito at umupo sa malambot na upuan 'di kalayuan sa kanyang kama.

Pinandilatan niya ito ng mga mata. Nakikipagsukatan ng tingin at nakikipag-usap gamit ang matalim na titig. Hindi naman nagpatinag ang binata at gumanti rin ng tingin. Humigpit ang pagkakahawak niya sa walis, napalunok ng malalim. Sa sandaling 'yon, nabigyan siya ng pagkakataon na tingnan at pagmasdan muli ang pisikal na kaanyuan ng binata.

Kulang na lang kuminang ito sa kanyang paningin. Isang malaking distraction ang makisig na mukha nito. At sa huli, siya na mismo ang unang kumalas sa kanilang mahabang tingin.

"Hindi ka pwedeng manatili rito sa lugar ko. Papaano kung makita ka ng mga magulang ko? Ng kapatid ko? Ano na lang iisipin nila? Na nagtatago ako ng isang lalaki sa loob ng kwarto ko?" Singhal niya.

"Bakit hindi mo sabihin ang totoong nangyari. Sa tingin ko nama'y wala rin silang magagawa." Napanganga siya sa narinig.

"Parang ang dali naman ng sinasabi mo. Baka mas lalong isipin ng mga tao rito na nasisiraan ako ng bait!"

Mabilis niyang tinungo ang kinaroroonan nito at mabilis na hinawakan ito sa braso. Buong lakas niya itong hinila papatayo sa sofa ngunit siya ang hinila nito papalapit. Sa isang iglap, natumba siya sa binata at isang maling kilos ay maari niyang mahalikan ito. Namilog ang kanyang mga mata. Wala naman siyang makitang reaskyon sa mukha nito at kalmado lang na nakatingin sa kanya.

"A-anong ginagawa mo?"

"Ikaw? Anong ginagawa mo?" Sinubukan niyang kumalas mula sa mahigpit na pagkakahawak nito ngunit mas lalo nitong hinigpitan ang pagkakahawak sa kanya. "Hanggat naririto ako sa mundong ibabaw, sasama ako kahit na saan ka magpunta. Hanggang sa dumating na ang araw na mawala ka."

Doon lang siya nabigyan ng lakas ng loob na lumayo sa binata. "Anong ibig mong sabihin? Susundan mo ako kahit na saan ako magpunta? Papaano naman ang hiling ko? Papaano ko matutupad 'yon kung palagi kang nasa paligid!"

"Problema mo na 'yon." Akmang papunta na ito sa kanyang kama nang humarang siya sa dinaraanan nito.

"Hindi ka pwede rito."

"Hindi ikaw ang magsasabi ng dapat kong gawin sa hindi." Saka nito hinarangan ang mukha niya gamit ang palad. Halos masakop nito ang kanyang buong mukha at iginilid siya sa tabi. Matagumpay naman itong nakaupo sa kama at halos ibagsak ang katawan nito sa higaan. "Woah. Kakaiba ang klase ng higaan ng mga tao. Parang mas malambot pa 'to sa makakapal na balahibong may bahid ng dugo."

Halos kilabutan siya sa narinig. Dali-dali niyang hinawakan ang braso nito't halos kaladkarin papaalis ng kama. Dumausdos naman ito pababa hanggang sa mapadpad sa sahig. Kitang-kita niya kung papaano mamuo ang galit sa mukha nito ngunit 'di niya ito pinansin.

"Kung d'yan ka hihiga, saan ako matutulog? At saka hindi pa kita binibigyan ng permiso na manatili rito sa silid ko! Babae rin naman ako 'no!"

Umismid ito sa kanya bago umayos ng tayo. "Ano ngayon kung babae ka? Wala akong pakielam kung babae, bakla, tomboy o lalaki ka. Basta't sinabi kong mananatili ako sa tabi mo, mananatili ako." Kulang na lang umusok ang ilong niya sa narinig. Hindi naman siya makapalag ng gano'n dahil natatakot pa rin siya sa maaring gawin nito sa kanya. Pero gano'n pa man, kailangan niyang ipaglaban ang kanyang karapatan.

"Bakit ba hindi ka makaintindi?"

"Bakit hindi ka rin makaintindi?" Saka siya nito muling hinarap. "Kung ayaw mong manatili ako sa silid na 'to, maghahanap ako ng panibago."

Namulsa ito't dinaanan siya. Halos manlaki ang kanyang mga mata nang makita niyang hinawakan nito ang door knob at pinilit. Mabilis niyang nilapitan ang binata at hinarang ang katawan sa pinto na ikinatigil nito sa pagbukas.

"Umalis ka sa daraanan ko."

"Sinabi ko naman sa 'yo na 'di ka pwedeng makita ng mga tao rito sa bahay. Mas lalo silang magfefreak out na may estrangerong naglalakad sa loob ng bahay!"

"Pinaglololoko mo ba ako, Sapphire?" tumalim ang tingin nito sa kanya kung kaya't nagsimulang gumapang ang kaba sa kanyang sistema. "Pinapaalis mo ako sa silid na 'to pero ayaw mo akong palabasin sa kwartong 'to. Ano bang gusto mo? Manatili ako sa labas ng bahay mo habang ikaw eh komportableng-komportableng nagpapahinga?" napalunok siya ng malamin sa narinig. "Baka nakakalimutan mo kung sino ang kaharap mo ngayon?"

Bumuntong hininga siya. Tila ba iyon ang nagsisilbing alas ng binata laban sa kanya. ni hindi siya makapalag, iniisip pa lang niya ang anyong demonyo nito'y 'di niya maiwasang kilabutan. Gano'n pa man, nagpapasalamat pa rin ito na hindi ito tulad ng mga demonyong nababasa o napapanood niya sa telebisyon. Demonyong mas mabilis pa sa kidlat kung pumatay ng tao. Kahit papaano, masasabi niyang kakaiba 'to—o sadyang over thinking lang ang mga taong tulad niya—dahil hanggang ngayo'y humihinga pa siya.

"Bakit ba palaging wala akong choice."

"Marami kang choice. Ayaw mo lang piliin ang mga 'yon."

"Kasi hindi naman gano'n kadali 'yon!" saka siya napailing. "Bakit ba nakikipagtalo pa ako rito kung hindi naman niya ako naiintindihan? Sayang laway ko sa kanya." isip-isip niya.

"Nagbago na isip ko. Dito na ako mananatili." Saka ito bumalik sa kama at ibinagsak ang sarili. Napanganga naman siya sa nakita.

"At talagang siya pa ang nagbago ng isip? Nakakainis talaga!" bulong sa sarili.

Napapitlag siya nang marinig niya ang malakas na pagkulog mula sa labas. Ni hindi na niya napansin na umiiyak na ang kalangitan nang napakalakas. Saka niya lang naramdaman ang malamig na temperatura sa loob ng kanyang silid kung kaya't pinatay na rin niya ang bentilador. Isinara niya nang mabuti ang mga bintana at tinakpan 'yon ng kurtina.

Nilingon niya ang binata. Tahimik lang itong nakahiga sa kanyang kama. Inuunan no'n ang magkabilang braso at payapa sa pagkakapikit. Maingat siyang naglakad papalapit. Tinitigan ang natutulog na binata.

"Kung takpan ko kaya ng unan 'tong mukha niya? Kaso hindi na siya mamamatay, demonyo 'tong bwisit na 'to eh." Isip-isip niya.

Sinipa niya ng mahina ang nakalaylay na paa ng binata. Hindi naman 'to nagreact sa ginawa niya kung kaya't inulit niya ito. At sa pangalawang pagkakataon, hindi na naman 'to rumesponde. Muli niyang naramdaman ang kakaibang tibok sa kanyang dibdib. Tibok na para bang tumakbo siya mula sa napakahabang daan. Hindi pa niya nararanasan ang kabang 'yon kahit sino. Pero alam niya sa sarili na hindi 'yon gawa ng kanyang takot. Kung hindi ito dahilan no'n, ano ang dahilan ng kanyang kaba?

Nakasimangot lang siya habang kinukumutan ng binata. Iniisip na napakalakas makapanlilang ng mukha nito. Kung ibang tao ang nagkukumot dito'y iisipin na isang normal na tao ang natutulog. Malayong-malayo sa demonyong nakilala. Kung kaya't nais niyang ipulupot ang kumot rito at takpan ang mukha hanggang sa 'di makahinga.

Hindi na niya mabilang kung ilang buntong hininga na ang ginawa niya sa buong maghanapon. At nakakalungkot isipin na matatapos ang kanyang araw, patuloy pa rin siyang bumubuntong hininga.

Umupo siya sa bakantang upuan 'di kalayuan sa kanyang kama. Kinuha niya ang throw pillow at inilagay sa gilid. May kaliitan ang upuan na 'yon kung kaya't 'di niya alam kung papaano siya makakahiga ng maayos. Sa huli, wala siyang magawa kung hindi ang maupo na lang. Marahan niyang ipinikit ang mga mata hanggang sa dapuan ng antok.

Isang oras ang nakalipas, idinilat ni Spade ang kanyang mga mata. Tumambad sa kanyang paningin ang madilim na silid. Dinig na dinig ang malakas na pagtama ng ulan sa bubungan, ang pagsayad ng ilang tankay ng halaman sa bintana. Bumangon siya mula sa pagkakahiga at napansing balot na balot siya sa makapal na kumot. Malinaw pa naman ang buong silid dahil sa naiwang lampshade na nakabukas.

Iginala niya ang kanyang paningin hanggang sa makita ang imahe ng dalaga na tahimik na natutulog sa gilid. Yakap-yakap nito ang throw pillow habang nakasandal sa malambot na upuan. Nakatagilid ang ulo at magulo ang pagkakaayos ng buhok.

Nilapitan niya ito at pinadaan ang kanyang mga daliri sa makinis na pisngi nito. Inayos niya at iniipit sa tainga nito ang ilang hibla ng buhok. Malayang-malaya siya sa sandaling 'yon para pagmasdan ang buong mukha ng dalaga. sa katunayan, dumadalas ang mga pagtataon na gumagawa siya ng bagay na 'di naman niya nakasanayang gawin. Tulad na lang ng pagsunod niya sa dalaga.

Pwedeng-pwede naman niya itong pabayaan hanggang sa dumating ang oras na mamatay ito at makuha niya ang kaluluwa nito. Ngunit sadyang takaw atensyon ang dalaga para sa kanya. Ang pagiging inosente nito ang nag-uudyok para lalo niya itong lapitan. Ang kaluluwang nagtataglay ng napakaraming enerhiya na bihira lang matagpuan sa panahon ngayon.

Napansin niyang mukhang nangagawit na 'to mula sa pagkakatulog sa upuan na 'yon kung kaya't hinawakan niya ito sa balikat at binalak na buhatin. Napatigil siya nang mapasandal ang dalaga sa kanyang dibdib at mapunta sa likuran ang mahabang buhok nito. Mas lalo niyang nasilayan ang buong mukha nito idagdag na rin ang makinis na balat hanggang sa leeg. Ang mahahabang pilit mata, ang matangos na ilong at mapupulang labi.

Bahagya siyang natawa at umiling-iling. Iniisip na kung umepekto rin sa kanya ang sariling mahika. Sa katunayan, ang mahikang ginamit niya ay para makuha ng dalaga ang atensyon nais nito lalo na sa mga kalalakihan. Kung kaya't napapanood niya palagi kung papaano napapatanga ang mga kalalakihan dito. Pero isa na rin ba siya sa nabiktima ng karisma ng dalaga?

Inilapag niya sa kama ang dalaga. Inayos ang pagkakahiga nito at kinumutan. Umupo siya sa tabi nito at pinagmasdan itong matulog. Ibinuka niya ang labi at bumulong sa hangin. Hinihiling na sana'y matupad ang kahilingan na 'yon sa hinaharap. 

_____

Facebook.com/snowsparksjoviie
#SnowsparksWattpad and tweet this work!
| Recommend | Vote | Comment |

Continue Reading

You'll Also Like

381K 8.4K 51
Prologue: How to be a gangster? - Never care - Never have mercy - Fight or die - Kill or be killed - Fight fairly - Never surrender - Be the stronges...
494K 12.9K 55
Everly Sanchez was a she-wolf with an extremely distinctive appearance. Some people thought she was hideous, while others thought she was exceptional...
1.5M 51.7K 99
[COMPLETED] Ako si Eliana, isang college student na aksidente na naging werewolf. To avoid being stuck in a werewolf form, I was forced to marry a we...
26.5K 1.1K 37
(COMPLETED) Hindi naging madali ang pagbabakasyon ni Ayra kasama ang ama sa probinsya,bukod kasi sa malayo ito sa bayan,mahirap ding makasagap ng sig...