Power Within II: Bound by a P...

By JuneauXVII

77.3K 2.2K 93

I always have this vague dream, of me dying-and of a girl without a face who keeps on calling me a name I've... More

:PROLOGUE
I:SE7EN
II: KHAOS
III: MAID
IV: FEAR
V: LURKING
VII:FIANCÉE
VIII: CONCERNED
IX: RESCUED
X: PECULIARITIES
XI: LONGING
XII: CONFUSION
XIII: PROOF
XIV: VAMPIRE
XV: WHO?
XVI: MISTAKE
XVII: REUNION
XVIII: DOOR
XIX: LIGHT
XX: INEVITABLE
EPILOGUE

VI: DIFFERENCES

2.1K 93 5
By JuneauXVII

Adelaida



As I stood in the fourth floor's corridor, my eyes are glued on Cyan— I mean Khaos. Like the usual, kasama niya ang mga miyembro ng Se7en. They're leisurely hanging out in the school's garden without a care in the world. Habang pinagmamasdan siya, hindi pa rin mawala sa isip ko ang nangyari ilang araw na ang nakalipas—His face that's always overjoyed by brutality.


Ang takot na naramdaman ko no'n ay hindi pa rin tuluyang nawawala hanggang ngayon, dahilan para ilang araw ko siyang hindi magawang kausapin. My mind is filled with worries... with undesirable thoughts.



The Cyan I know will never be that violent. He's always composed and logical. He'll never be like a blood thirsty demon. The differences between his former self, and to who he is now are increasing.


Cyan is more approachable than Khaos. Oo, masungit siya pero sumasagot siya kapag tinanong kahit pa pagalit. While Khaos doesn't give a damn to whatever you're going to say or ask. Aside from that, he likes to do meaningless stuff, which Cyan will never waste time on. Khaos doesn't care one bit about studying, but Cyan breathes knowledge.

Khaos' dad owns half of the university. The other half is owned by the twin— Gerard and Gerardine's father, kaya nga nagagawa nila ang kahit anong maibigan. Cyan is the son of a Queen. He's a prince, but he never abused that authority. He even hid the fact that he is of royal blood.


At 'di man aminin ni Khaos, alam kong gusto niyang napapaligiran siya ng ibang tao. Ayaw niyang mapag-isa. That's the very reason why he goes to school even if he's not obliged to. Nandito ang mga taong nakasanayan niyang kasama—nandito ang Se7en. Cyan's the exact opposite, he prefers to be alone. He doesn't need friend. Ako lang ay sapat na para sa kanya.


I really miss him.


I shook my head to make the rushing thoughts in my mind disappear. Nang muli kong ibaling ang paningin sa kinaroroonan ni Khaos, saka ko lang napansin na nakikipag-away na naman ang Se7en.



Libangan na talaga nila ang pakikipag basag ulo araw-araw. Madalas may naghahamon sa kanila. Minsan naman, sila mismo ang gumagawa ng gulo. They bully anyone when they feel like it. Khaos likes breaking rules except from his own, while Cyan will never break any kind of rule. He's always by the book.



Napabuntong-hininga na lang ako sa mga naisip. Bakit ko ba ikinukumpara ang iisang tao lang?



Kasabay ng tanong sa 'king sarili, natapos ang gulo sa ibaba. Se7en won as always. Hindi na 'ko nagtangkang awatin pa si Khaos.


H-hindi ko na kaya.


“Nandito siya!”


Pagkatapos marinig ang sigaw ng kung sino, naramdaman ko ang pagtama ng isang itlog sa mukha ko. Naiiling kong pinahid ang malagkit na pula n'yon. Kahit papa'no nagpapasalamat ako sa dumating na istorbo. Dahil sa kanya, natigil ang walang kuwentang pag-iisip ko.



I have to get my act together. Cyan is Khaos! Whether he changed or not, he is still him! Tinapik ko ang sariling mukha. I should focus in the present not in the past.



Hinarap ko na ang bumato sa 'kin ng itlog. “Hoy, masama magsayang ng pagkain!”


Dumating ang ilan pa na agad din akong pinagbabato ng itlog. Napilitan na 'kong tumakbo. Sinimulan naman nila akong habulin.



Mula no'ng nalaman ng mga estudyante rito na maid ako ni Khaos,  sa 'kin na nila ibinunton ang sama ng loob nila. They began bullying me every chance they can.


Mula sa taas, bumuhos sa 'kin ang tubig na pinagbanlawan yata ng panglampaso. “Sakto!”


Soaking wet, smelling like dirt, and sticky as any adhesive, I continued to run. Inignora ko lang ang pinaggagagawa nila sa 'kin. I'm not the Adria who I used be, I've changed. I will survive all of this without retaliating.

Dahil sa bilis kong tumakbo, nagawa ko silang takasan at makapagtago sa likod ng isang gusali. Hinihingal akong napasandal sa pader. This might need some getting used to.



Akmang ilalabas ko na ang wand ko para sana linisin ang sarili, nang makarinig ako ng tunog ng natatapakang mga tuyong dahon.


“Pwede ka nang scrambled eggs.”


Paglingo ko'y sinalubong ako nang tawang-tawang si Gerard.


“Juice ko po, ser Gerard.” Kunwari akong napakapit sa dibdib ko. “Mamamatay ako sa sakit sa puso sa inyo.” Unang beses ako nitong kinausap.


He chuckled. “I didn't know you're this amusing. We should talk a lot from now on.”


The smile on his face is intriguing me. Palagi kasi talaga siyang nakangiti kahit walang nakakatawa o nakakatuwa. I've noticed that because he's always by Khaos' side.


“May kailangan ho ba sa 'kin si ser Khaos kaya kayo nandito?”


“Wala. Nakita kasi kitang hinahabol at binabato ng itlog. It looked fun so I followed,” he replied in amusement.


“Gusto n'yo ho bang batuhin din ako ng itlog?” Kinapa ko ang balat ng itlog na nakasabit pa sa buhok ko at inilahad 'yon sa kanya.


Napahalakhak siya. “Don't be silly, binibiro lang kita. Take this instead.”


Saglit akong nagulat sa iniaabot niyang panyo galing sa bulsa.


“Naku ser, 'wag na ho. Marurumihan lang po 'yan. Okay lang ho ako. Marumi naman talaga ako bago pa man batuhin ng itlog.”



Tumawa na naman siya bago nagsalita “Take it.” Hinablot niya ang kamay ko at sapilitang ipinahawak sa 'kin ang panyo kaya wala na 'kong nagawa kundi tanggapin 'yon


“P-palitan ko na lang ng bago 'to, ser.”


“No need, keep it.” Walang bakas ng pang-uuyam o pandidiri sa ekspresyon o salita niya.


The kindness he's showing right now is puzzling me, so I wasn't able to stop myself from asking. “Ser, bakit ho parang ang bait n'yo ngayon kahit basagulero kayo?”


“Nice question.” Pagkatapos tumawa na naman, ay tila  napaisip siya. “Bakit nga ba?” balik tanong niya na para bang sa 'kin gustong kumuha ng sagot.


“Aba malay ko ho sa inyo. Si ser Khaos nga ho walang pake.”


What the students do to me every single day doesn't hurt one bit, what hurts is the fact that Khaos doesn't care about it.


He let out a quiet laugh. “Napaisip talaga ako sa tanong mo. I'll get back to you, kapag may nahanap na 'kong sagot.”


“Tanong po uli ser Gerard, bakit parang lagi ho kayong masaya? 'Yong parang laging nakangiti?” Ipinuwesto ko ang dalawang hintuturo ko sa magkabilang sulok ng mga labi saka malawak na ngumiti bilang demonstrasyon. “Parang nakakaloko ho kasi kayo. Wala ho akong masamang ibig sabihin ha.”


Sandali siyang natahimik. For a few seconds I think he looked serious. “Hmm.. a smile can hide the pain. That's what I believe.” Sinundan niya ang sinabi ng isa na namang tawa saka ako tinalikuran. “I should get going, see you later Ade— or maybe Laida's better? Well, whatever.” he murmured to himself as he walked away.


Hindi ako gumagalaw sa puwesto habang pinagmamasdan ang unti-unti niyang paglayo. There's something unsettling about him, but I can't put my finger on exactly what it is.




Continue Reading

You'll Also Like

125K 5.9K 19
စံကောင်းမွန် + တခေတ်ခွန်း ငယ်ငယ်ကခင်မင်ခဲ့တဲ့ဆက်ဆံရေးကနေအကြောင်းတစ်ခုကြောင့်စိတ်သဘောထားကွဲလွဲပြီး ပြန်တွေ့တဲ့အချိန်မှာသူဌေးနဲ့အလုပ်သမားဆက်ဆံရေးဖြစ်သွ...
615K 28.1K 61
Freya Antinea Laphinia woke up from an assassination attempt with memories of her previous life. She reincarnated into a novel she read! It wasn't a...
55.8K 2.4K 25
""SIT THERE AND TAKE IT LIKE A GOOD GIRL"" YOU,DIRTY,DIRTY GIRL ,I WAS TALKING ABOUT THE BOOK🌝🌚
972K 41.7K 87
Kenta Bernard, a seventeen-year-old, died of leukemia in the hospital and was reincarnated in a novel that he has yet to finish. He is the ill second...