Power Within II: Bound by a P...

By JuneauXVII

77.3K 2.2K 93

I always have this vague dream, of me dying-and of a girl without a face who keeps on calling me a name I've... More

:PROLOGUE
I:SE7EN
II: KHAOS
III: MAID
V: LURKING
VI: DIFFERENCES
VII:FIANCÉE
VIII: CONCERNED
IX: RESCUED
X: PECULIARITIES
XI: LONGING
XII: CONFUSION
XIII: PROOF
XIV: VAMPIRE
XV: WHO?
XVI: MISTAKE
XVII: REUNION
XVIII: DOOR
XIX: LIGHT
XX: INEVITABLE
EPILOGUE

IV: FEAR

2.3K 101 2
By JuneauXVII

Adelaida



Pasimple kong inilibot ang mga mata sa kabuuan ng living room habang inaabangan ang pagbaba ni sir Khaos. Maaga talaga akong gumising, hindi ko kasi alam kung anong oras siya pumapasok sa unibersidad.



I felt relief that he permitted me to stay—to stay by his side. Kahit pa nagulat ako na gano'n ang naging desisyon niya. Tingin ko, may mga bagay siyang natatandaan tungkol sa dating siya. Unconciously, naaalala niya ang ilan sa nakaraan niya. He even mentioned my name by chance. He's really—



"G-good morning ho, ser. " Halos pautal kong sabi nang bigla siyang makitang bumababa ng hagdan. “Mag-aalmusal po ba kayo, ser? Ipaghahanda ko po kayo.”


Bukod sa hindi siya sumagot, hindi niya rin ako nilingon. Tuloy-tuloy niyang tinungo ang pinto papunta sa garahe kaya mabilis ko siyang sinundan bitbit ang bag ko.



“S-ser, baka ho pwede n'yo 'kong isabay? Hindi ko pa ho kasi kabisado ang daan papunta sa eskuwelahan.”



Nakita ko ang pagkunot ng noo niya mula sa side mirror ng sasakyan. Ang aga-aga niyang magsungit.



“Pramis ho, ser.” Itinaas ko ang kanang kamay na parang nanunumpa. “Bukas alam ko na ang daan."  Lumipas ang ilang segundo na wala na namang sagot galing sa kanya. Para akong hangin na hindi niya nakikita. Narinigko na lang ang tunog ng makina. “Sige na ho ser, mabait naman—”



“Just get in and keep your mouth shut!” Halata ang pagka-irita niya sa kadaldalan ko. Baka nga napilitan lang siyang pumayag para matahimik ako. 



"I-ito na nga ho." Nakangiti kong dali-daling binuksan ang pinto sa likuran.



“Ano ako, driver mo?!”



Naitulak ko na lang pasara ang hawak kong pinto nang makuha ko ang ibig niyang sabihin. “S-sorry naman po.” Taranta kong binuksan ang car door sa front seat.



The gate automatically opened as he pressed a button on a remote.




Nakatutok lang sa rear-view mirror ang mga mata ko, looking at his face the whole time he's driving. Wala siyang imik sa buong byahe. Habang ako, hindi mapakali sa kinauupuan. Hindi ako mapakali na nasa tabi ko siya. His face really didn't change. His expression. His gaze.



Hindi ko namalayan na narating na pala namin ang eskuwelahan kakatitig sa kanya. Pagkaparada niya, agad siyang bumaba.



"Finally!" salubong ni Gerard pagkakita sa kanya.



Mukhang kanina pa siya hinihintay nito. Naro'n din si Gerardine at ang iba pang miyembro ng Se7en.



Matapos ang ilang segundo, naisipan ko na ring bumaba. Bigla silang natigilan nang makita ang paglabas ko mula sa sasakyan.



"Who's she?" nakataas ang kilay na usisa ni Gerardine.



"This is new. May kasama kang babae hanggang eskuwelahan," singit ni Gerard.


Halatang sinusuri ng mga miyembro ng Se7en ang buong pagkatao ko.


“She's pretty.”



“Lahat naman maganda para sa 'yo Jiro,” natatawang kontra ni Byron.



“Don't mind her.” Nagsimulang maglakad palayo ang amo kong halatang walang pakialam sa 'kin.



“Okay, you're the boss.” kibit-balikat na tugon ni Gerard.



Habang sinusundan nila sa paglalakad si Khaos, tila nakita ko ang pag ngiti ni Gerardine bago sila tuluyang nakalayo.



Sinimulan kong hanapin ang classroom ko. Inaasahan kong nando'n din si Khaos. Sinadya ko kasing maging kaklase siya. But to my surprise, he never showed up. Wala siyang pinasukan ni isang subject. How am I going to watch over him if he doesn't attend his classes?



Nang natapos ang huling klase, halos inikot ko ang buong campus makita lang siya.



"Where to?" Narinig kong boses ni Gerard sa 'di kalayuan.



Natanaw ko ang grupo nila sa parking lot na mukhang may balak puntahan. Mabuti na lang at naabutan ko ang saktong pagbubukas ni Khaos sa pinto ng sasakyan niya.



“Ser, uuwi na ho ba kayo? Pwede ho bang sumabay ulit?”



Ayun na naman ang pagkunot ng noo niya. Sa boses ko pa lang yata, naiirita na siya.



“K, I think we have guests,” natatawang pukaw ni Gerard kay Khaos.



Saka lang din namin napansin ang pagparada ng ilang kotse sa tapat mismo ng kinalalagyan ng sasakyan ng mga miyembro ng Se7en. Mula sa mga 'yon, umibis ang ilang lalaking may kanya-kanyang bitbit na tubong yari sa bakal.



“Just what we need! Action!” excited na sambit ni Gerardine. Patalon 'tong bumaba mula sa pagkakaupo sa hood ng kotse nila ng kakambal.




Isinara ni Khaos ang pinto ng sariling sasakyan at lumakad patungo sa harap ng mga bagong dating. Wala siyang nararamdamang kahit katiting na takot. As if on que, Se7en's members lined up right beside him. Nalunok ko na lang ang laway sa nakikita. They're standing a few steps away from brute looking guys. It's definitely a face off!



“So, who do we owe this visit from?” nakangiting tanong ni Gerard.



“I'm Athena's boyfriend, the girl you made out with!” sagot ng lalaking may malaking katawan habang paulit-ulit na mahinang inihahampas ng tubo ang sariling palad.



“Lagot ka, Khaos,” parang batang pang-aasar ni Gerard na walang epekto sa tinutukoy. Ni walang reaksyon ang amo ko.



Sino kaya 'yong Athena?


"You came here just for that?"



Lalong pumangit ang mukha ng lalaki sa harap ni Khaos nang marinig ang sinabi niya. Litaw na litaw kasi ang pang-iinsulto sa pananalita niya.



“I got Athena on the other line,” sabat ni Gerard.



“That's Gerard for you. Mabilis kumuha ng number ng babae,” puri ni Zach.



Ginantihan naman ni Gerard 'yon ng isang kindat bago nagsalita sa hawak na phone. “Hey Athena, your boyfriend paid us a visit. Why don't you say hi to him.” Nakangisi na naman 'to.



"Boyfriend? I don't have a—or maybe it's my ex," dismayadong wika ng babae sa kabilang linya.
The phone was on loud speaker so everyone heard everything. “Philip, we're long over. Move on! Is Khaos there?”



“Apparently, he's listening.”



“I'm sorry for causing trouble, I'll make it up to you in any way possible,” dugtong ng babae na hindi naging maganda sa pandinig ko. “Meet me anytime, alright?" May kasama pang tunog ng tila halik ang huli nitong sinabi.



"Okay, you heard her. Malinaw pa sa sikat ng araw," pagliwanag ni Gerard kasabay ng pagbababa sa tawag.



Imbes na umatras, mas lalong nakitaan ng galit ang ex ni Athena. “You really did mess up my girl. I'm gonna—”



Naudlot ang sinasabi ng lalaki dahil agad siyang sinipa ni Khaos sa mukha. “Stop talking and just get on with it!”


Dahil sa pangunguna niyang 'yon, nag-umpisang magpalitan ng hampas at suntok ang magkabilang grupo. Hindi hamak na mas marami ang bilang ng kalaban kaysa sa Se7en.


“Ser, tama na ho 'yan. Hindi ho maganda ang pakikipag-away,” pilit kong pang-aawat kay Khaos habang kasalukuyang nakikipagbuno sa ex-boyfriend ni Athena.


Muli niyang sinipa ang lalaki kaya napalayo 'to sa kanya pero agad din 'tong umamba ng hampas gamit ang tubo. Nakailag si Khaos kaya tumama ang tubo sa sasakyang nasa likuran niya.



“Ser, baka ho mapa'no kayo n'yan. Daanin n'yo na lang ho sa usapan.”



“Shut the hell up!” sigaw niya sa 'kin na patuloy lang sa pag-ilag sa mga hampas ng kalaban.




“Mali ho kasi 'tong ginagawa n'yo.” Kung siya, hindi natitinag, mas lalo naman ako. Hindi ako titigil hangga't hindi ko siya naaawat.



"You're so fucking loud!” Sa 'kin biglang natuon ang atensyon ng kalaban ni Khaos. Itinaas nito ang hawak na tubo na akmang ihahampas na sa 'kin.



Nakayuko akong napapikit habang balot ng mga braso ko ang ulo ko bilang proteksyon. Ilang segundo na ang dumaan pero wala akong naramdamang kahit anong matigas na bagay. Pagmulat ko, sinalubong ako ng nakatalikod sa 'king si Khaos. Hinarang niya ang tubo kaya sa sarili niyang ulo tumama 'yon. Umaagos ang dugo mula sa sentido niya samantalang wala siyang imik sa kinatatayuan.



“Ser, a-ayos lang ho—”



Bahagya niyang itinaas ang kamay, na para bang hudyat na manahimik ako.



“You guys should start running.” Napalingon ako kay Lyall na nagbigay ng simpleng babala.



“Kapag ganyang tinamaan si Khaos, lalong nagwawala 'yan.” dagdag ni Gerard.



Dahil sa narinig, napabalik ang tingin ko sa wala pa ring kakilos-kilos na si Khaos. Kusa na lang na napahakbang paatras ang mga paa ko. Ilang segundo siyang hindi gumalaw bago iglap lang ay nasipa na palayo ang hawak na tubo ng lalaki sa harapan niya. Sinundan niya agad 'yon ng dalawang mabilis na suntok na nagpahiga sa lalaki sa hood ng sasakyan nito, saka niya 'yon muling sinipa



Hindi huminto si Khaos, tuloy-tuloy niyang inatake ang kalaban hanggang sa mawalan na ng malay ang duguang lalaki.



He then, immediately turned his attention to another enemy. Sinunggaban niya rin 'yon ng walang hesitasyon.



“Potato chips, anyone?” Inialok ni Byron sa mga kasamang nakaupo na lang sa likod ng isang sasakyan ang hawak, habang pinapanood si Khaos na ubusin ang mga kalaban.



“Where's the soda?”


“Kasalanan 'to ng maid,” nakangising sabi ni Zach.



Natutop ko ang bibig. Ako nga yata ang may kasalanan.



“I really like this weird side of Khaos. Getting turned on by his own blood more than the blood of his enemies. It gives me the chills,” natutuwang komento ni Gerardine habang tinititigan ang bawat galaw ng lalaking tinutukoy.



“Sus, alam naman namin na patay na patay ka kay Khaos. Kaya kahit ano pang makita mong ugali niya tanggap mo.”



“Well said,” suporta ni Gerard sa tinuran ni Jiro.


“Ako na naman ang nakita n'yo! Akin na nga yan!" pang-aagaw ni Gerardine sa pagkaing hawak ng kakambal.



Nakakagulat na ganyan sila ka-kalmado. Para bang normal na sa kanila ang maging ganito ka-brutal si Khaos. They're not even planning to stop his rampage.


Hindi ko na rin magawang umawat pa bunga ng nasasaksihan. Nangangatog ang mag tuhod ko dahil sa takot. Naninikip din ang dibdib ko. Khaos is really getting out of control as he continue breaking each of his enemy's face without even saying a single word. His hands are covered with blood while his lips are curved in a smile caused by the bliss of crushing everything he touches.


Cyan, why are you acting this way?

Continue Reading

You'll Also Like

62.2K 5.5K 38
What if Arnav gets a chance to rectify all his mistakes? What if he gets a chance to avoid such situations? What if he gets to know Khushi is his wou...
444K 14.5K 140
Genre: Space, Doting, Farming, Time travel, Healing Synopsis: Xu Linyue from the 21st century crossing over with the heavenly space soul penetration...
1.1M 38K 57
Princess Nymeria is well aware that her kingdom is in decline. It has been for hundreds of years after all. Unlike her ancestors, she's willing to re...
24.1K 1.7K 13
Till yesterday she was marring her brother's friend but suddenly ended up marring his college owner and a cold hearted person