The Scorned Lover

By greatfairy

2.8M 70.6K 4.8K

Now a published book under Lifebooks. Available in bookstores nationwide! It takes a second to read the word... More

GOLD REIGN MIJARES
Overview
TSL 1: Jollibee
TSL 2: Viral
TSL 3: Dare
TSL 4: Serenade
TSL 5: Deposit
TSL 7: Chase
TSL 8: Traditional
TSL 9: Surname
TSL 10: Kiss
TSL 11: Tricked
TSL 12: Party
TSL 13: Amiss
TSL 14: Revenge
TSL 15: Coincidence
TSL 16: Distant
TSL 17: Vivid
TSL 18: Wrath
TSL 19: Done
TSL 20: No One Else
Ikalawang Yugto
TSL 21: The Truth
TSL 22: Remorse
TSL 23: Mijares
TSL 24: Gaze
TSL 25: Goodbye
TSL 26: Gone
TSL 27: Dream
TSL 28: Boyfriend
TSL 29: Condition
TSL 30: Finale
Epilogue
Special Chapter

TSL 6: Date

70.1K 1.8K 100
By greatfairy

 "WHAT are you doing here?! And how the hell did you get here?" Lumilitid ang ugat nito sa leeg. Hindi ko tuloy alam kung lalabas ako o aalis.

"A-a-ah... Hehe... Pangga, maghugas ka muna bago ko sagutin ang tanong mo at paki-flush na rin muna ng bowl--"

"Damn! You'll be the death of me!"

Na-realized niya sigurong nakahubad kaya dali-dali siyang umupo muli sa bowl. Hindi siya magkandaugaga sa pagtakip ng kanyang sarili. Bakit pa niya tinatatakpan? Ilang beses ko na yatang nakita 'yan.

"Get out!" Katakot!

"Grabe ka naman, Pangga. Ayaw mo bang i-cheer kita? Tsaka, kanina pa kaya kita pinapanood--"

"Aalis ka ba o sisipain kita palabas?! Hindi na ako natutuwa!" banta niya na may kasamang matalim na tingin. Sana pala hindi na lang muna ako nagpakita.

"Ito naman. Bakit ang init ng ulo mo sa'kin? Tutulungan pa naman sana kitang maghugas ng--"

"Arrgh!" Napasabunot siya sa kanyang buhok sa sobrang inis. Siya pa ang may ganang mainis? Ako nga ang dapat mainis kasi ako ang babae pero ako pa ang gumagawa ng paraan para matupad ang nakatadhana sa aming dalawa.

"Get out or else--!"

"Ayan, aalis na nga! Ang KJ mo naman, Pangga! Hmp!"

Nakasimangot akong lumabas ng kanyang banyo. Umupo na lamang ako sa couch. Inilibot ko ang aking paningin sa buong kwarto. Kumaway rin ako sa camera malapit sa pinakasulok ng kisame. Hindi nga halata kasi pinakulayan ko rin ng puti tulad ng sa kisame.

Napansin kong puro puti ang kagamitan dito. Pati ang mga damit sa loob ng kanyang closet ay halos puro puti. Kakaunti lamang ang mga di-kolor. Weird. Si Kuya Skeet kasi mahilig sa blue at si kambal naman mahilig sa black.

Bading ba si Pangga? Parang malabo naman. Lalaking-lalaki naman siya kung tingnan. Aish! Ano ba 'tong naiisip ko? Bakit ko ba pinagdududahan ang kasarian ni Pangga, my loves?

"You have only twenty seconds to explain how you got inside my unit, woman!" Napapitlag ako nang bigla na lang nagsalita si Pangga. Nakalabas na pala siya ng banyo.

"Grabe naman! Twenty seconds lang? Hindi ba puwedeng twenty minutes--"

"One, two--"

"Hindi ba obvious, Pangga?! Siyempre dumaan ako sa pinto."

"Huwag mong sagarin ang pasensya ko!" Napaatras ako sa sindak. Mukhang mapapasubo yata ang kagandahan ko. Asar na asar ang kanyang mukha at parang gusto niya akong ibitin patiwarik.

"Totoo naman, ah!"

Lalo akong napaatras nang bigla siyang lumapit sa'kin at hinawakan ako sa panga.

"Hindi ako nakikipagbiruan sa'yo. Paano ka nakapasok dito? Magsabi ka ng totoo!"

"Oo na, oo na. Sasabihin ko na." Binitawan niya naman ako at humalikipkip sa aking harapan.

"Paano ka nakapasok dito? Paano mo nalaman ang code ng pinto?"

"Siyempre, sinilip kita nung minsan. Ikaw kasi Pangga, tatanga tanga ka. Alam mo namang may nanood sa'yo, hindi mo man lang tinakpan habang pumipindot-pindot ka." Napaawang ang kanyang mga bibig at hindi makapaniwalang tiningnan ako.

"You're unbelievable!" Napailing siya at frustrated na nakatingin sa'kin.

"Kailan ka ba talaga titigil, ha?!"

"Aba, malay ko sa'yo, Pangga! Kailan mo ba ako idi-date para tumigil na rin ako sa kakasunod sa'yo?"

"Don't provoke my patience, woman. Baka pagsisihan mong pumasok ka sa teritoryo ko." Hay... Bakit ba ang sungit ni Pangga sa'kin? Hindi man lang ba niya na-aappreciate lahat ng efforts ko? Aba! Sinusuwerte siya ,ah!

"Bakit ba kasi ayaw mong makipagdate sa'kin Pangga? Simple lang naman ang hinihingi ko eh, isang DATE. Mahirap bang ibigay 'yon? Promise, ako ang magbabayad ng bills natin"

"Seriously? Ganyan kalakas ang loob mong mag-aya ng date sa'kin? I don't even know you, aside from your're the girl who kissed a mascot, pft!" Ako lang ba o sadyang may amusement sa mga mata ni Pangga?

"Gold Reign ang pangalan ko, at saka huwag mo nga ipaalala sa'kin ang first kiss ko. Isinusumpa kong hindi na ako babalik do'n kahit paborito ko pa ang fries! Hmp!"

Biglang uminit ang ulo ko nang maalala ko kung paano nawala sa'kin ang pinaka-ingat ingatan kong first kiss. Kahit maging color pink pa ang uwak at magkaroon ng pakpak ang kalabaw, hinding-hindi na talaga ako papasok sa kahit saang fastfood.

"Gold Reign..." Napatingin ako kay Pangga nang bigla niyang banggitin ang pangalan ko. Umaangat din ang sulok ng kanyang labi na parang may naiisip na kanais-nais na bagay.

"Uhuh..." Aniya at tumango-tango na parang eng-eng. Nagagandahan ba siya sa pangalan ko? Eh? Nakakakilig namang isipin na na-aamaze siya sa pangalan ko. Sabagay, napakaganda nga naman talaga ng pangalan ko, parang ako.

"Pag makipagdate ba ako sa'yo, titigilan mo na ang paghahabol sa'kin?" Aniya. Nagpanting naman ang aking tenga sa kanyang sinabi. Titigilan? It's a big no, no. Asa ka pa Pangga!

"A-a-ah... H-hehe. O-oo naman, Pangga."

"Good."

"Pero siguradong pagkatapos ng first date natin masusundan pa 'yon, Pangga. Baka nga ikaw pa nga ang mag-aya sa'kin..." Ngumisi ako at tiningnan siya nang may panghahamon.

"We'll see." Ngumisi siya.

"Tomorrow, 10 AM."

Huh?

"Ano kamo Pangga?"

"I said, we'll have a date, tomorrow, 10 AM... But.."

"But?"

"But in my own terms and conditions, I'll be the one to choose the venue and I'll be paying our bills," aniya. Ngumiti ako nang abot tenga. Bibigay din pala 'tong si Pangga. Kailangan lang pala niyang sorpresahin para pagbigyan ako. Sana dati ko pa 'yon ginawa. Pero di bale na nga. Ang importante makikipagdate na siya sa'kin.

"Talaga? Ang sweet-sweet mo naman, Pangga!" Hindi ko talaga mapigilang ma-excite. Finally!

"You promised to stop bugging me once I give you a date. I will hold onto that promise, Reign." Aniya.

Reign.

He called me, Reign!

Bakit parang endearment ang dating sa'kin? Siya palang ang tumawag sa'kin sa second name ko. I am always addressed as Gold, Goldie, Ginto, and Princess.

"Oo naman! Promise, Pangga!" Itinaas ko ang kaliwang kamay ko bilang panata. Ang turo kasi ni Ate Nisyel, 'pag hindi ka raw siguradong matutupad mo ang promise mo, kaliwang kamay ang dapat gamitin kapag nanunumpa.

"Good. You can get out of my room now. I want to get rest." Bigla kong naalalang kararating nga lang pala niya galing London. Aw! Kawawa naman si Pangga,

"Okay, Magpahinga ka na, Pangga. Kailangan mo ng lakas para sa date natin bukas." Tinapik ko pa ang kanyang braso bilang pamamaalam. Pumaling ang kanyang ulo at napailing. Kumurap ako ng dalawang beses.

Tama ba ang nakita ko?

Ngumiti si Pangga?!

Tsk! Nagha-hallucinate na yata ako. As much as I wanted to stay pero kailangang magpahinga ni Pangga kaya tinungo ko na lang ang pinto para lumabas. Ngunit nakalimang hakbang palang ako nang tinawag niya ang pangalan ko.

"And Reign?" Tumagilid ako paharap sa kanyang direksyon.

"Ano 'yon, Pangga?" Nagtaka ako nang umiwas siya ng tingin.

"Y-you look good on that dress.." Hirap na wika niya. Napatingin naman ako sa sarili ko.

"Thanks Pangga! Lalo tuloy akong na-iinloved sa'yo. Ang honest mo talaga!" Ipinadyak ko ang aking paa sa sobrang kilig. Umiwas naman siya ng tingin saka tumalikod.

"Tss. Lumabas ka na nga." Sungit!


KANINA PA ako nagpabaling-baling sa kama ko pero nahihirapan akong makatulog. Maghahating gabi na pero hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Bakit ang tagal dumating ng umaga? Nae-excite na talaga ako sa date namin ni Pangga! Kainis! Kanina pa tulog si Pangga. Nakadapa siya sa kanyang kama nang tingnan ko sa monitor.

Naisipan kong dumapa na lang kama para mas madali akong makatulog.

"Araaaay!" Napamulat ako ng mata nang bigla na lang akong bumagsak sa sahig. Huhuhu. Nahulog na naman ako sa kama! Buti na lang carpeted ang sahig. Tiningnan ko ang oras sa cellphone ko at nanlaki ang aking mga mata nang makitang alas nuwebe na pala ng umaga! Shet! 10 AM pala ang date namin ni Pangga!

Tiningnan ko si Pangga sa CCTV at nanlaki ang aking mga mata nang makitang nakabihis na siya. Nakasuot siya ng blue na polo shirt at casual na parang board shorts. Woah! Kialangan ko na palang magbihis.

Dali-dali akong pumasok ng banyo para maligo. Kiniskis ko ang lahat ng puwedeng kiskisin sa katawan ko. Dalawang beses din akong nagtooth brush at tatlong beses akong nag-conditioner ng buhok.

Pinili kong isuot ang kulay blue na Filipiniana gown para magmatch ang kulay sa damit ni Pangga. Ayi! Magmumukha talaga kaming couple nito. Mabuti na lang hindi pa lumalabas si Pangga sa kanyang unit kaya naunahan ko siya sa labas ng kanyang pinto.

"Good morning, Pangga!" Bungad ko pagkabukas ng kanyang pinto. Nagulat yata siya kaya biglang napamura.

"What the--"

"Bakit ba pasulpot-sulpot ka? Para kang kabute!" Iritadong wika nito.

"Kalma lang Pangga. Ang initin talaga ng ulo mo. Wait, saan ba tayo magdi-date?" Pagkuwa'y tanong. Natigilan naman ito at biglang napangiti.

"It's a surprise."

Whaat? Surprise daw! Para akong nakalutang sa cloud nine nang inalalayan pa niya akong pumasok a kanyang kotse. This is it!

"Seriously?! Pangga naman, eh!" Napapadyak ako nang tumigil kami sa harap ng isang fastfood. Ang malala pa, sa fasfood kung saan kami unang nagkita!

"You asked for this, right?"

"Pero puwede namang sa iba na lang eh. Huwag dito." Sa totoo lang parang gusto ko nang tadyakan si Pangga nang matauhan. Lalo pa akong nainis nang kumaway sa akin ang mascot na kumuha ng first kiss ko. Arrgh!!!

"Ayaw ko nga sabi ditto, eh!" Hinila ko ang kanyang kamay paalis pero hinila niya naman ako pabalik.

"No. Dito tatayo kakain" he said with finality in his voice.

"Ayoko!" Hinila ko ulit ang kamay niya ngunit hinila niya rin ulit ako pabalik.

Pinagtitinginan na kami ng mga tao na nagta-tug of war sa harap ng fastfood.

"Sa iba na lang kasi!"

"No. I told you we'll date in my terms" Aniya. Hinila niya ulit ako kaya buong lakas ko din siyang hinila pero mas malakas pala siya sa akin.

Malakas na singhap ang huli kong narinig bago ko natagpuan ang sariling subo-subo ang harapan ni Pangga. Pareho kaming na-out of balance kaya sabay kaming natumba, with me on top of him

Pero...

Waaah!

Nakangudngud ang mukha ko sa kanyang harapan!

-GREATFAIRY


Continue Reading

You'll Also Like

4.2M 82.7K 43
Barkada Babies Series #1 This is published under PHR. Visit their online store to get a copy of the ebook version. Price: 142php ------ Hanggang sa...
1.1M 36K 31
(Trope Series # 3) Arielle was contented living her quiet life. She's got a job that pays well, a place to live, eats three times a day, and had frie...
1M 32.8K 56
Cyra Lim has been secretly in love with Eli Dasilva for as long as they've been best friends. One problem: Eli is a playboy, and Cyra has resigned he...
3.6M 63.2K 48
Barkada Series #3: Marco Montello Marco values his privacy so much kaya nga target siya ng media. Pero paano siya iiwas lalo na't may isang tao na na...