a/n:
hi guys! eto na ang last nang A RUDE BOY FALL IN LOVE INTO A NERDY GIRL, salamat sa suporta hanggang sa huli ah? sa nagtyaga sa update ko kahit napaka bagal, naghihintay pa rin kayo, i love you all sana napasaya kayo nitong 'ARBFILIANG' kahit may typo at wrong grammars, inintindi nyo pa rin
++++++++++++++++++++++++++++++++++
SPECIAL CHAPTER
"GUMISING KA NA UY!" at may tumama sakin na bagay
"ARAY! NATUTULOG PA YUNG TAO EH!!" sigaw ko at napaupo na din sa kama
"kasi naman po, 9:30 na!" umirap sakin si kylie
1 month ago na pala ang nakakraan nang naging KAMI ulit ni rude boy
hanggang ngayon nga di pa din ako makapaniwala
at saka pala umuwi na ako nang pilipinas, nagkaiyakan pa kami nila luke, sunny at dale bago ako lumayas dun sa london
i admit minahal ko din ang mga kaibigan ko dun sa london
at iniwan ko sila dun
mamimiss ko sila
"maaga pa naman eh!" binalik ko yung irap ko sakanya
"haay! maaga pa ba yun? saka bumangon ka na nga dyan, may pupuntahan tayo" saka hinila nya ako paalis sa kama
"saan nanaman ba?!" irita kong tanong
"basta, sige na! get up!" saka hinila nya ulit ako
bumuntong hininga ako
oh! sige na nga makasama na dito kay kylie, na miss ko din maka-bonding to ehh! tong bruhang ito
"okay! okay! sasama na ako sayo kung saan man tayo pupunta!" saka pumunta ako sa banyo para maligo
habang nakatutok sakin ang shower ay napapaisip ako
okay na kaya ang lahat samin ni rude boy?
okay na kaya kami?
wala na kayang hadlang saming dalawa?
sunod sunod na ba itong nangyayari samin?
huh! sino kayang makakasagot sa tanong ko?
pagkatapos kong maligo ay agad kong sinuot ang dress na kulay purple, above the knee to tapos flat shoe ang ginamit kong sapatos, blinower ko din yung buhok ko tapos pi-nony ito nang lahatan, saka ako nag powder and lipgloss and TADA! i'm ready
paglabas ko sa kwarto ko, agad na bumungad sakin ang...
NAKA-AKBAY NA SI KUYA KAY KYLIE!!!
agad naman na tinanggal ni kuya yung pagkaka-akbay nya kay kylie
bumuntong hininga ako dahil hindi ako makapaniwala sa nakita ko
sheez! kinikilabutan ako sa dalawang ito
"you're ready? steph?" tarantang tanong ni kylie saka lumapit sakin
"yes! i'm ready, let's go?" lumunok si kylie at dahang-dahang tumango
nagpipigil naman ako nang tawa dahil sa pinapakita nya ngayon
nag-taxi kami papunta sa kung san man kami pupunta
"saan ba kasi tayo pupunta kylie?" napatingin naman sya sakin
"basta! secret walang clue!" okay!!?
"hays! edi wow" bumingisngis lang sya at tumingin nanaman sa bintana
mukhang malalim ang iniisip nya ah?!
"nakakatakot talaga yang 'basta mo' haays! nakakainis ah!" irita na ako dito sa bestfriend ko
"hahaha! basta matutuwa ka dun, nuh ka ba? wag kang KJ sa pakulo ko" saka tumawa nang malakas si kylie
"wag ka ngang ganyan tumawa, mate-turn off lalo si kuya sayo eh!" napatigil naman yung tawa nya
"bakit nasali yung kuya mo dito sa usapan?" saka nya ako inirapan at bumaling sa bintana
ano problema nito?!
"wews" tanging nasabi ko sa pagseseryoso nya
bago to ah! nagseryoso si kylie?! bagong bago... magpapa-fiesta na ba ako?!
okay OA na ako dito
habang byahe nasa bintana ang tingin ko, tinitignan ko kung saan kami pupunta
hindi na din nakipagusap sakin si kylie pagkatapos nang kay 'kuya' thing.... napaka seryoso ngayon nang babaeng ito, NAKAKAPANIBAGO!!
bumuntong hininga ako dahil hindi ko talaga alam kung saan kami pupunta, masakit na ulo ko sa kakaisip kung saan ba
natapos ang boring na byahe
nandito kami sa isang malawak na lupa, at may puno sa gilid
parang park lang kaya lang hindi ganun kaganda sa park
simple lang to
"anong ginagawa natin dito?" kumunot ang noo ko kay kylie
ano naman kasi ang gagawin namin dito sa lugar na ito? tatambay?
ang akala ko sa mall at kung saang botique ako dadalhin nang bruhang ito
akala lang pala, sa ganitong lugar pala
okay! naengkanto na ang kaibigan ko
"wait lang!" may kinuha sya sa bulsa nya
"ano ba?!" sigaw ko nang takpan nya ang mata ko gamit yung panyo nyang kinuha sa bulsa kanina
"ssshhh! pag may narinig kang tunog nang violin tanggalin mo na yang nasa mata mo ah?!" sabi ni kylie at alam kong lumayas na dahil naramdaman kong dumaan sya sa gilid ko
"ano bang pakana ito kylie?! pag kung ano lang ito patay ka saking babae ka!" kinagat ko ang labi ko saka bumuntong hininga
ano bang trip nang babaeng yun
may bigla naman tumugtog na violine
'pag may narinig kang tunog nang violin tanggalin mo na yang nasa mata mo ah?!'
ayan ang sabi nang hibang kong kaibigan
unti unti kong tinanggal yung piring nang mata ko
kinusot ko muna yung mga mata ko dahil makati, saka tumingin na sa harapan ko
napahawak ako sa bibig ko nang makita kong nasa harapan ko si rude boy at nakangisi saka nakatitig nang diretso sakin
may dala syang boquet na roses na kulay blue
alam na alam nya talaga ang paborito kong kulay ng rose
ngumiti ako at sya naman ay lumapit sakin
"ikaw ba ang nagutos kay kylie na dalhin ako dito?" tanong ko sakanya
ngumiti sya nang nakakaloko at sya namang kinainis ko
"oo eh! haha! sya lang naman ang hind takot sayo, pati din naman si brix takot sayo eh!" humagalpak sya nang tawa
hinampas ko naman sya sa dibdib nang mahina
pero tawa pa rin sya nang tawa
"pinapunta mo ba ako dito para pagtawanan ang kuya ko?!" iritang tanong ko dahil tawa lang sya ng tawa
"h-hindi naman pfft! sorry, nerdy girl di ko lang kasi mapigilan eh!" saka nya hinawakan yung kamay ko
"anong nasaisip mo at inutusan mo pa si kylie?" nanliit ang mata ko sakanya
"uhmmm..." tumingin sya sakin na parang kinakabahan na nadudumi at pinagpapawisan sya
"ano? at bakit parang natatae ka dyan?" lumunok sya, ako naman ay kung ano ang iniisip dahil kinakabahan sya
"sheez! ngayon lang ako kinabahan nang ganito!" saka tumalon talon sya at pinaghahampas kung saan yung kamay nya
"anong? bakit kinakabahan ka?" naliit ang mata ko sakanya, dahil bakt sya kinakabahan diba?
"uhhm... nerdy girl na mahal na mahal ko?" kumalabog yung puso ko nang sinabi nya yan
"hmm?" wala na akong masabi sa kilig kaya ayun nalang ang sinagot ko sa tawag nya
"w-w" bumuntong hininga sya
pumikt sya, saktong pagpikit nya ay bumuhos ang malakas na ulan
nataranta naman ako saka hinila ko yung kamay nya
"MAY SASABIHIN PA AKO!!" sabi nya habang hinihila ko pero hindi ko naman sya nahihila sa kinatatayuan nya
"ANO YUN! DALIAN MO! ANG TAGAL-TAGAL MO NAMAN KASI! DALIIII!" umiling sya at hinawakan ang dalwang kamay kong nanghihila sakanya
may kinuha sya sa bulsa nyang kulay maroon na box
nanliit ang mata ko sa nakita ko
ano yun?
napatigil ako sa panghihila sakanya at napaharap sakanya
"alam kong wrong timing to..." pumikit sya at nagsalita ulit "nakapagpaalam na ako kay brix, sa mama at papa mo, kay kylie at kay mr. mundell" kinagat nya ang labi nya at unti-unting binuksan ang maliit na box na kulay maroon "pwede ka na ba maging mrs. scott?"
nanlaki naman yung mata ko sa sinabi nya
NAGPRO-PROPOSE SYA SAKIN NGAYON?!
ngayong malakas ang ulan at nandito kami sa gitna at basang basa na
"tinatanong pa ba yan? syempre HINDI!" nalukot naman yung mukha nya
"EH! BWISET KA NAMAN EH! ANG DAMI DAMI NATING PINAGDAANAN! NAGKA LEUKEMIA KA PA TAPOS AKO NA COMATOSE AT AMNESIA! MAY UMEPAL PANG MEISHA SATIN! AT---" i shut him gamit ang labi ko
at dun sa halikan namin nayun ay alam mo talagang may pagmamahal dun
"nagbibiro lang naman ako eh!! ano kaba?! anong akala mo ngayon ako susuko pagkatapos nang lahat? eh! tarantad--"
"don't cuss! so that is a yes?" ngumiti ako
"yes na yes!" masayang sabi ko
"WOOOOOOOOOHHH!" binuhat nya ako at inikot ikot
"I LOVE YOU I LOVE YOU I LOVE YOUUUUUUUUUUUUU!!" sigaw nya pa habangg iniikot ako sa gitna nang ulan
"i love you too" sabi ko
tumingala sya at hinanap nang labi nya ang labi ko
at yun nagtagpo nanaman ang mga labi namin
"so this is the end of our story?" ni-nose to nose nya ako habang sinasabi nya yan
"uh-huh!" pumikit ako nang hinalikan nya ang noo ko
dito ako magiging masaya
dito ako magiging komportable
dito ako magiging maswerteng babae sa lahat
dato lang sa tabi ni rude boy
dito lang sa bisig nya
dito lang kasama sya
i love him, higit pa sa buhay ko
ang dami naming pinagdaanan pero dito din pala ang punta namin
salamat tadhana kahit anong mura ko sayo ganito pa rin ang ginawa mong ending samin
HAPPY ENDING
-end-