Heartless (Published under Si...

By jonaxx

117M 2.8M 1.5M

Elevators. Airplanes. Palaman ng Sandwich. Yung feeling na papunta ka pa lang at excited ka pa lang sa pupunt... More

Heartless
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59
Kabanata 60
Wakas
Heartless is Published Under Sizzle
Notes
Kabanata 39

Kabanata 24

1.5M 43.2K 13.8K
By jonaxx

Kabanata 24

Lies

Magkaholding hands kami habang namamasyal sa nature park. Tama ang hinala ko, puno nga ito ng punongkahoy, mga damo, mga bulaklak, at iilang mga hayop.

Tahimik lang ako. Tahimik din siya. Ang tanging maingay lang ay ang patuloy na naghuhuramentado kong puso.

"Bakit dito mo naisipang pumunta?" Tanong ko.

Nilingon niya ako.

Mabibigat at malalalim parin ang titig niya.

"Peaceful. Walang istorbo." Aniya.

Napatingin ako sa buong syudad, over looking iyon doon. At ang nasa paligid ang puro mga halaman at punong kahoy.

Nilingon ko din si Rozen. Nakatingin din siya sa sa tanawin. Hinayaan ko siyang hawakan ang kamay ko, hinayaan ko siyang halikan ako, hinayaan ko siyang ipadama sakin ang nararamdaman niya. Hahayaan ko siya.

Pinadausdos niya ang kamay niya sa baywang ko at hinila niya ang buong katawan ko kaya napahilid ako sa kanya.

"I wish you're really mine." Bulong niya sa tainga ko.

Hindi na ako umangal o nagsalita. Hahayaan ko siya. Napapikit na lang ako nang naramdaman ko ang labi niya sa ulo ko. Hinahalikan niya ito.

"Bakit ba mahal na mahal mo si Noah?" Tanong niyang bigla.

Napapikit ako. Hindi ako agad sumagot. Hindi ako makasagot. Nahirapan akong mag isip sa sagot. Hindi ko alam.

Kasi gwapo, misteryoso, passionate at kung anu-ano pa. Maraming rason.

"Kailangan ko bang sagutin iyan?"

Ayaw kong sagutin dahil alam kong masasaktan ko na naman siya.

"Kaya nga nagtatanong ako diba, para masagot mo?" Nagawa niya pang mamilosopo.

Humalakhak siya ng marahan sa tainga ko kaya kinurot ko ang braso niyang nakapulupot sa baywang ko.

"Kainis ka talaga." Marahan kong sinabi pabalik sa kanya.

Para kaming naglalandiang magkasintahan. Tumindig ang balahibo ko. Nagpabalik-balik sakin ang tono ng marahan kong pagsaway sa kanya, 'Nakakainis ka talaga.' Shet!

"O edi, sige." Nilakasan ko ang boses ko at humugot ng lakas dito, "Kasi, uhm, gwapo siya... misteryoso... tsaka, passionate. May talent." Dagdag ko.

"Bakit di kasali ang masungit?" Humalakhak na naman siya.

Kinurot ko na naman ang braso niya.

"OW!" Humigpit pa lalo ang pagkakapulupot niya sa akin.

Uminit ang pisngi ko.

"Okay, okay... O sige, bakit ayaw mo sakin?"

Napatingin ako sa kanya. Masyadong malapit ang mukha naming dalawa. Isang pulgada na lang ang layo ng ilong niya sakin. Damang dama ko na ang kanyang hininga. Ang bango! Napatingin ako sa labi niya. Nakita kong umangat ito para ngumisi.

"K-Kasi..." Nag iwas agad ako ng tingin.

Humugot ulit ako ng lakas sa sarili ko para maging buo ang boses ko.

"Kasi mayabang ka, manipulative, mata-pobre, minsan masungit, nakakairita, makulit, nakakainis, bastos, manyak, istorbo, babaero, nakikipag ano sa kahit sino-"

"Oy! Namemersonal ka na." Tumawa siya.

"Eh totoo naman." Umirap ako.

"Hindi naman ako basta-bastang-"

"KAHIT NA!-"

"Huh? Eh diba sabi mo-"

"SHHHHH! I don't wanna hear anything! Ayaw ko ng playboy! Ayaw ko sayo. That's it! Period."

Mas lalo niya akong diniin sa kanyang sarili. Darn! Naramdaman ko na rin ang ilong niya sa tainga ko.

"You can always turn off the switch you put on me, Coreen. Kung ayaw mo, edi hindi ko gagawin. I thought you'll be impressed... and be mad." Humalakhak siya sa tainga ko.

"Be mad? You want me mad at you, Rozen?" Nilingon ko siya.

His evil eyes were blazing. Kinilabutan ako.

"Yeah, minsan. Lalo na pag naiinis ka sakin. At lalo na tuwing nilalambing kita pagkatapos mong magalit."

Nangatog ang binti ko. Pinagpapawisan na ako ng marami dahil sa mga naririnig ko sa kanya. Nagpunta ata ang mga kulisap sa tuhod ko at tinanggalan na ng tornilyo ang tuhod ko para bumigay na at madapa na ako dito.

"Y-You're crazy. Iyon nga ang ayaw ko... yung kinukulit mo ako. Kaya nga ako naiinis, diba?" Umirap ako para itago ang pagkalusaw ng buong sistema ko.

"Eh pano yan, dyan ako nabubuhay. Paano ko titigilan?" Humalakhak siya.

Sinapak ko na ulit ang braso.

"Oww!"

Umirap ako at tumawa na rin.

"Darn it, Rozen!" Napatingin ako sa kanya.

Nakangisi din siyang napatingin sakin.

Ang lakas-lakas ng pintig ng puso ko. Hindi ko alam kung saan nanggaling ang lakas nito para pumintig gayong lusaw na ang buong katawan ko.

Nagkatitigan kami hanggang sa unti-unting niyang nilapit ang labi niya sakin. Pumikit siya ng sobrang higpit, napangisi ako.

"Please, another kiss, wa'g mo muna akong sapakin." Tumawa siya saka pinaglapat ang labi namin.

The same addicting shallow kisses. Wala akong pakealam kung may taong nakatingin o nasa open space kami ng buong nature park.

Nasa mga halik niya ako nakatoon. Ang mararahan at nakakatunaw na halik niya.

"Gusto ko ako lang ang halikan mo... But I think that would be too much to ask."

Walang laman ang utak ko kundi iyon. Iyon lang. Ang buong nangyari doon sa nature park. Hindi ko na matandaan ang mga hayop, ang mga scientific name ng mga bulaklak na nakapaskil sa lupa. Ang tangi kong naaalala ay ang titig ni Rozen at ang kanyang mga halik.

Kailan pa ba na invade ni Rozen ang sistema ko? Hindi ko alam.

"Coreen!!!" Sigaw ni Reina sakin ang bumungad sa Thursday.

Yes. Thursday. Ito ang araw kung saan magsosoot dapat ako ng 'Owned by an Elizalde' T-shirt pero di ko sinunod si Rozen. Hindi ko alam kung bakit.

Yung usapan namin ay magsosoot ako nun, huling favor niya sakin bago mangyayari ang date namin ni Noah. Kaya lang, hindi ko sinoot. Malamang, magagalit iyon. Eh... Kasi... Ayaw kong sootin. Hindi naman sa ayaw kong mag date kami ni Noah. Pero... Ewan ko.

"MAGKAKA ALBUM NA ANG ZEUS THIS YEAR!" Tumalon talon siya sa tuwa.

Nag proseso pa iyon sa utak ko bago ko siya sinabayan sa pag talon.

"OH EM GEE!" Sigaw ko.

Nagtatalon kaming dalawa.

"Iyon pala ang dahilan kung bakit usap-usapan sa school na may victory party pa mamaya? WAAAH"

Panay ang tilian naming dalawa dito sa school grounds. Noong una ay nag alinlangan pang sumama si Reina sa victory party. Pero dahil nagpacute si Wade sa kanya ay madali din itong nakumbinsi.

Napapalakpak ako. Gusto ko ring sumama at makita ang nagdiriwang na Zeus. Lumaki akong nanonood at humahanga sa kanila, natural sobrang saya ko para sa kanila at para kay Noah dahil dito.

Syempre, pinaghandaan ko ang soot ko para sa bar. Tight dress tsaka black killer heels. Hinayaan ko ang buhok kong nakalugay at medyo inakma ang make up ko sa soot. Si Reina naman, sa wakas, ay natauhan na at na i apply na sa sarili ang mga disenyong ginagawa. Magaling na siyang mag accessorize ngayon. Iba talaga ang nagagawa ng pag ibig. Improving!

Napangiti ako habang tinitignan ang buong bar na puno ng schoolmates namin. SCHOOLMATES NAMIN? Hindi kaya nandito din ang isa pang Elizalde? Yung halimaw na kilala ko?

"Asan na kaya si... Noah?" Kinagat ko agad ang labi ko.

Wala ako sa sarili kasi panay ang lingon-lingon ko sa buong bar.

"Ewan ko." Sagot ding wala sa sarili ni Reina.

Umupo kami sa table. Tumatango-tango lang ako sa mga kakilala ko. Nakita namin si Joey at Wade na may kasamang ibang babae sa kabilang table. Umiling ako. Reina won't like this.

Nasa dancefloor parin ang titig ko. Halos humabang parang giraffe na ang leeg ko sa kakatingin.

"Hahanapin ko lang. Dito ka muna." Sabay tayo ko.

Hindi ko na hinintay na sumagot si Reina. Dumiretso na ang lakad ko sa dancefloor. Nakita ko sa may bar si Noah, nakahilig at nakatalikod sa bartender, nakaharap sa buong dancefloor. May kasama siyang isang lalaki at dalawang babae. Nakangisi siya at mukhang may pinag uusapan sila. Pupuntahan ko na sana siya pero may biglang humigit sakin sa dancefloor.

"Sht!" Napasigaw ako.

Muntik na kasi akong madapa sa heels ko. Inalalayan din naman ako ng humila. Tumingala ako gamit ang matatalim kong titig.

"ROZEN!" Sigaw ko kahit halos di na marinig sa ingay.

Nakakunot ang kanyang noo. Walang bahid na ngiti sa mukha. Ramdam na ramdam ko ang kanyang galit. Inilapit niya ang kanyang labi sa tainga ko.

"Thursday at ang huling hiling ko sayo, di mo ginawa?"

Hindi ako makapagsalita.

Umiling siya at nakita ko ang lungkot sa kanyang mga mata sa gitna ng dilim at malilikot na neon lights sa buong bar. Bumitiw siya sa pagkakahawak sakin at tinalikuran ako.

Galit ang mga kulisap. Parang may naghihingalo sa kanila. Nakita ko siyang nilalagpasan ang bawat babaeng nagtatangkang isayaw siya.

"ROZEN!" Sigaw ko.

Napatingin ako kay Noah. Nakangisi parin siya habang kausap ang mga tao.

Nilingon ko ulit ang wala ng si Rozen saka tumakbo patungo sa kanya.

"ROZEN!" Sigaw ko nang nakalabas na ako.

Kakarating niya lang sa sasakyan niya. Alam kong naririnig niya ako pero di niya ako pinapansin.

"ROZEN!" Sigaw ko ulit. "Teka lang!"

Pumihit siya at nilingon ako.

"Ano?" Galit siya.

"Sorry na. Eh kasi naman... masyadong feeling yung t-shirt. Alam kong walang nakalagay na pangalan at pwedeng Noah iyon. Pero nakakahiya kasi... Nakakahiya kay Noah, kay Reina, sayo." Sabi ko sabay pisil sa kamay.

Uminit ang pisngi ko. Hindi ko alam kung bakit.

"You're not true to your word, Coreen. But I am... I'll text you kung kelan ang date niyo ni Noah."

Nalaglag ang panga ko.

Pumasok siya sa loob ng sasakyan niya. Pinigilan ko ang pagsara ng kanyang pinto.

"H-Ha?" Loading... Buffering...

"Yes."

"S-Saan ka pupunta?" Tanong ko.

"Idunno. Uuwi." Nagtangka ulit siyang isarado ang pinto.

Pinigilan ko siya, "U-Uwi na rin ako." Sabi ko.

Mas lalong nagkasalubong ang kilay niya at tinitigan ako, "Noah's there... Bakit di ka manatili doon? It's your time."

Napayuko ako.

"He's busy... and..."

TING!

Humawak agad ako sa tiyan ko.

"Masakit ang tiyan ko. Huhu."

Napangiwi siya, "You liar."

"Hindi no! Totoo!" Sabay inda ko sa kunwareng masakit kong tiyan.

Pinilipit ko ang mukha ko para mas makatotohanan.

"Shit!" Sabay hampas niya ng manibela.

Ngumisi siya at lumabas ng sasakyan. Hinawakan niya ang braso ko at inalalayan papasok sa sasakyan niya.

NAKA BENTA AKO!?

"I know you're lying, Coreen. But damn you're adorable!" Umi-iling iling parin siya nang pumasok siya sa sasakyan at ngumingisi.

Continue Reading

You'll Also Like

2.8K 873 29
College Romance Series # 1 Venusia Kish Ashton lives with her stepsister and stepmother. She explores life while missing her mother's embrace. When s...
26.2M 1.2M 43
Josefa Hanabella Valiente is the ugly girl of Altagracia. She is often bullied because of her ugly looks. Binansagan siyang ng maraming pangit na pan...
96M 2.3M 64
Maria Georgianne Marfori loved Noah Elizalde more than anything in this world. Ganon din halos lahat ng mga babaeng kilala niya. Yes, he's probably t...