׺°”˜'”°º× Twenty four׺°”˜'”°º×
Day 2 na hindi na slave si Alex
Vincent POV
Vacant time namin at nandito lang kami sa may Botanical Garden ng University nagpapalipas ng oras.
" Vincent kailan mo sasabihin kay Alex na ikaw si Van?" tanong sa akin ni Matheo.
Napatingin ako sa kanya. " Sa birthday nya" maikling sagot ko. Wala akong ganang makipag-usap, hindi ko alam kung bakit parang ang tamlay ko. Baka dahil sa climate. Medyo mainit kasi.
"So anong gimik sa birthday nya?" tanong naman ni Caden.
Nagkibit lang ako ng aking balikat. Wala nga kasi akong sa mood na magsalita at sabihin sa kanila ang binabalak ko na gagawin sa birthday ni Alex. Yes, I volunteer to her parents na mag-arrange ng party para sa birthday nya. Doon nya rin malalaman na ako at si Van ay iisa lang. I know na magagalit sya sa big revelation at hinanda ko na ang rin ang sarili ko sa galit nya. I will do anything para mawala ang galit nya sa akin.
" Labo mo naman 'Pre.Bakit ayaw mong sabihin sa amin?" pangungulit ni Caden.
" 'Wag na lang. Baka masabi nyo pa kay Alex" sagot ko. Sa loob ng isang buwan alam ko na napalapit na rin sila kay Alex at may possibility na madulas sila at masabi pa nila kay Alex ang party na binabalak ko . So mas mabuti nang wala silang alam.
" Parang hindi ka kaibigan ah. Samantalang ang tagal na nangpinagsamahan natin. Naliligo pa nga tayo ng walang salawal noong mga bata pa tayo" nakangusong sabi ni Tommy.
" Tommy magtiggil ka nga dyan. Nakanguso ka pa. Para kang bading" sita ni Matheo sa kanya. "Teka 'Pre umamin ka nga bading ka ba?"
" Anong klaseng tanong 'yan ha?" galit na sabi ni Tommy. "Lalaking- lalaki ito!" inambahan nya pa ng suntok si Matheo.
"Kung lalaking-lalaki ka .Anong paborito mong movie?" tanong naman ni Ian.
" Mga bestfriend ko ba kayo? Hindi nyo alam ang paborito kong movie?" naaasar na tanong nya.
"Walang kinalaman dito ang pagkakaibigan natin. Sagutin mo na lang!" si Matheo uli.
"Ang dali naman eh di Twilight Saga" proud na sagot nya.
"Bwahahahhahahhahaha!Hahahhahahahah!" sabay-sabay na tawa na min. Kahit ayaw kong tumawa na tawa na rin ako.
"Bakit kayo natawa ha? Maganda ang movie na iyon" nagtatakang tanong nya.
" 'Pre certified na bading ka nga" maluha-luhang sabi naman ni Caden.
Sa inis ni Tommy pinagbabatukan nya kami. "Sinabing lalaking-lalaki ako eh!" sigaw nya.
"Bwahahahahhaha!Hahhahahah!" patuloy na tawa namin.
"Paghindi kayo tumigil iuupload ko sa facebook, twitter at Instagram ang picture natin na walang mga salawal habang naliligo" pananakot nya.
Nagkatinginan kami at nanahimik. Mahirap na baka totohanin nya.
"May picture ba tayo na walang salawal?" tanong ni Ian kay Tommy.
"Mayroon . Nakatago sa aparador ni Mommy" nakasmirk na sagot ni Tommy. May pagka Mamas boy itong si Tommy at natatandaan ko na lagi nga kaming naliligo sa bahay nila. Baka nga may nakatagong picture ang Mommy nya kailangang makuha namin iyon para hindi na kami mablackmail nitong si Tommy.
Tommys POV
Hahahaaha! tawa ko sa isip ko. Naniwala naman sila na may picture na tinatago si Mommy na wala kaming mga salawal. Syempre wala at kung mayroon man ako ang unang-unang magsusunog non.
Kabaklaaan ba ang manood ng Twilight Saga? Eh iyon ang paborito namin ni Mommy na movie. Tsk!Tsk! sarap talagang bugbugin ng mga ito. Kung hindi ko lang sila mga bestfriend.
Itong macho kong ito , paghihinalaan nilang bakla.
Porket ba nagpout ako , bading na kaagad? Hindi ba pwedeng nag-iinarte lang.
Ay anu ba itong iniisip ko? Bading ba ako?
Matheo POV
Hassle sa chicks pagnalaman nilang naliligo kami ng mga kaibigan ko na walang salawal noong mga bata pa kami . Kailangang makuha ko ang picture na iyon. Madalaw nga si Tita mamaya. Mahirap na baka iupload ng bading na ito ang pictures dapat maunahan ko sya. Sabi ko sa isip ko. Tiningnan ko ng masama si Tommy. Patayin ko kaya ito sa sakal.
Caden POV
Maniwala naman ako na may picture. Kailangan mayroon din akong pangblackmail kay Tommy. Matext nga si Izza ipaparape ko tong si Tommy then vivideohan ko pa.
Ian POV
Ipapadukot ko sya sa mga tauhan ni Daddy at pahihirapan sa pamamagitan ng pagkiliti, hanggang sa hindi nya na makayanan ang pagtawa. Pumasok sa isip ko.
Tommy POV
"Hoy! Ano yang mga iniisip nyo?" kinakabahang tanong ko. Sa sama ng tingin nila sa akin alam kong may mga binabalak 'tong mga ito.
Nakakatakot sila. Parang may dark aura na nakapaligid sa kanila.
"Walang picture. Okay. Kaya kalma lang mga 'pre" pag-amin ko. Mahirap na baka ipapatay ako ng mga ito kahit mga bestfriend ko sila. Masama pa naman silang magalit. Lalo na ang tatay nitong si Ian mataas pa naman ang katungkulan sa PNP.
"Bwahahahahhahaha!" tawa na naman nilang nakakainis. Pag-uuntugin ko ang mga ulo nila eh para magsitigil. Nakakaasar!
" Hi! " narinig kong bati ni Casandra sa amin. Napatingala ako. Ang ganda nya talaga. Nakakainlove sya. Nginitian ko sya.
"Sandra , musta na ?" tanong ni Matheo sa kanya. Napasimangot ako. Uunahan pa yata niya ako kay Casandra.
"Okay lang" nakangiting sagot nya. Sobrang ganda nya talaga Para syang angel na galing sa langit.
Naglakad sya papunta kay Vincent at umupo sa tabi nito pero hindi sila magkadikit may puwang sa pagitan nila.
Hindi ako magseselos kay Vincent kahit sya ang nilapitan ni Sandra dahil alam ko naman kung sino ang mahal ni Vincent. May ipinakita sya kay Vincent at tiningnan naman iyon ni Vincent. Nag-uusap sila ng mahina na parang may itinatago. May kinalaman kaya iyon sa birthday ni Alex? Sa pagkakaalam ko ang business ng Mommy nya ay sa mga events.
.
Biglang nanlaki ang mga mata ko nang makita ko na naglalakad si Alex nakatingin sya kina Vincent at Sandra. Parang may nakikita akong selos sa kanyang mga mata habang nakatingin sa dalawa.
"Hi Alex" malakas na bati ko sa kanya. Sinadya ko talagang lakasan para marinig ni Vincent. Napatingin naman si Vincent sa kanya. Biglang lumiwanag ang madilim na aura ni Vincent. Tsk!Tsk! cornfirm na inlove nga ang bestfriend ko.
Confirm! Ano ba itong word ko kaya napag-iisipan akong bading eh.
Kumaway lang si Alex then dumeretso na uli sya nga lakad then nasalubong nya si Ken ang kanyang stalker. Sinabayan sya nitong maglakad at parang may sinabi na napangiti si Alex.
Ibinalik ko ang tingin ko kay Vincent. Nakakatakot ang itsura nya. Kung may kakayahan lang syang pumatay sa pamamagitan ng tingin baka patay na si Ken. Sa tingin ko pareho silang nakakaramdam ng selos sa bawat isa. Ewan ko ba naman kay Vincent may pasekreto-sekreto pa kasing nalalaman. Mamaya sya ang mabigla pagnagkaroon ng ibang boyfriend itong si Alex.
Sabi nga nila honesty is the best policy.
********************************
Try ko uli mamayang mag-update.
Thanks sa oras dahil binasa mo 'to.
Vote and comment if you want
Annah