Good To You

By winglessbee

165K 5.9K 693

She's full of angst, who wears baggy clothes and despised high heels and dresses. She's the kind of girl who... More

GOOD TO YOU
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59
CHAPTER 60
CHAPTER 61
CHAPTER 62
CHAPTER 63
CHAPTER 64
CHAPTER 65
EPILOGUE

CHAPTER 32

2K 70 6
By winglessbee


Naplot ko na kagabi pa kung paano pumatay ng hampaslupang apa na aksidente ang kalalabasan at sa mga oras na to, pang fifty eight times ko na siyang napatay sa isip ko sa iba't ibang paraan habang nakatitig ng matalim sa kanya. Ang kapal ng mukha nitong magpakita pa sakin at parang walang ginawang masama sakin kagabi kung makakain.

Tumaas ang kilay niya ng mag-angat siya ng tingin sakin "What?" painosente pang tanong nito.

"Bakit nandito ka pa?" naiiritang tanong ko.

Tinagilid niya ang ulo niya saka ngumiti na parang aso. "Papa told me to stay here while he's away. Didn't he mentioned it to you?" tanong niya na parang nang-aasar.

Naikuyom ko na lang ang mga kamao ko at napapikit at napahinga ng malalim. Ayoko sanang masira ang umaga ko dahil lunes ngayon at may pasok pero makita pa lang ang pagmumukha niya ngayon, sirang sira na ang araw ko. Kinginang yan.

Tumalikod na ko at hindi na lang tumuloy sa dining dahil nawalan na ko ng ganang kumain.

"Kikay! Saan ka pupunta? Hindi ka ba kakain?" narinig kong sigaw niya pero hindi ko na pinansin at tuluy tuloy lang ako palabas ng bahay. Pinatunog ko ang kotse ko sabay sakay sa loob at pinaharurot. Wala akong pakialam sa speed limit. Badtrip ako. Kung may pulis na manghuli, bahala na.

Mabilis akong nakarating sa school at tumuloy sa canteen para kumain. Mas mabuti pa dito, kesa naman sa bahay at kainin ang luto ng hampaslupang apa na yun, hindi kaya ng pride ko yun.

Tuluy tuloy lang ako sa counter at bumili ng sandwich saka kape.

"Pamela?" napalingon ako sa tumawag sakin at napakunot ang noo ko ng makita ko si LWB sa likod ko na may dalang tray na may nakapatong na isang cup ng sopas at isang bottled mineral water. "Breakfast mo yan?" tanong niya habang nakatingin sa dala ko.

Nagkibit balikat lang ako at naghanap ng mauupuan. Naupo siya sa harapan ko at wala ako sa mood magsalita ngayon dahil gutom ako.

"Yan lang ang kakainin mo? Bakit hindi ka kumain sa inyo?" tanong niya.

Hindi ako sumagot at nagpatuloy lang sa pagkain na parang walang tao sa harapan ko. Narinig ko ang pagbuntong hininga niya pero hindi ko na sinubukan pang tumingin at nakatutok lang ang mga mata ko sa kape ko.

Tahimik lang kami. Mabuti naman dahil kung kukulitin ako nitong si LWB ngayon, baka masira ang record ko ng wala sa oras.

Inubos ko agad ang kinakain ko saka tumayo na at iniwan si LWB. Pero hindi pa man ako nakakalabas ng canteen, nakahabol na agad siya sa akin.

"Hahatid na kita" sabi nito.

Hindi ko siya pinansin at tuluy tuloy lang ako sa paglalakad papunta sa classroom ko. Napatigil lang ako ng malapit na kami sa claasroom at kumulo na naman ang dugo ko nang makita ko ang hampaslupang apa na nakahilig sa may dingding malapit sa pintuan ng classroom ko habang kausap si Yanna na nasa mismong pintuan.

"Tsk" huminga ako ng malalim bago nagpatuloy sa paglalakad.

Napalingon ang dalawa samin.

"Pam!" sigaw ni Yanna sabay hampas sa braso ko. "Iniwan mo ko! Bakit umalis ka ng maaga?" pagalit na sabi nito habang nakapamewang.

"Wala ako sa mood" sagot ko at pumasok na ko sa classroom at hindi pinansin ang tawag ng hampaslupang apa.

"Masama ang gising? Sabi ni Trystan hindi ka daw nagbreakfast. Sabay ba kayo ni Ian kumain sa canteen? Did you text him? O sinadya mo talagang hindi kumain kasabay namin because you agreed to have a breakfast date with him? Tell me Pam! Answer me!" sabi nito pagkaupo na pagkaupo niya sa tabo ko.

Kingina.

"Magshift ka na ng course. Pwede ka ng maging reporter" sabi ko ng hindi sinagot kahit isa sa mga tanong niya.

Ano ba naman kasing klaseng tanong yun? Breakfast date? Saan niya nakuha yan? Tss. Ang daming alam.

She rolled her eyes. "DUH! Just answer me!" demanding na sabi nito.

Umiling lang ako at hindi siya pinansin.

"Pamela Reyes! Are you ignoring me?" naiinis na tanong ni Yanna.

Bored ko siyang tinignan habang sumasandal ako sa upuan ko. "Yes, Yanna Lee. Im obviously ignoring you" I said sarcastically.

Umikot na naman ang mga mata niya na muntik ko ng tusukin kung may hawak lang akong ballpen. Mata ko ang sumasakit kapag nakikita kong ginagawa niya yun sa totoo lang.

"Whatever! One last question. You should answer it and I'll stop pestering you. Bakit bad mood ka?" tanong niya.

Ikukwento ko ba? Hindi ko naman din kinwento yung una e, so, kailangan ko din bang ikwento yun? Tsk. "Tinatamad ako" nasabi ko na lang dahil totoo naman. Tinatamad akong magsalita at wala rin kasing kwenta yun at lalo lang masisira ang araw ko kaya wag na lang.

"I hate you!" sabi nito sabay hampas na naman sa braso ko.

"Tsk!"

Tumahimik ang paligid dahil dumating na ang professor namin.

*

Maaga kaming nadismiss sa last subject sa morning class. Diretso kami ni Yanna sa canteen kasama si LWB dahil nasa tapat na siya ng classroom namin pagkalabas namin ni Yanna.

Nagkagulatan pa dahil parang mga uod na binudburan ng asin ang iba naming kaklase na nakakita na naman ng 'gwapo' according to them.

"Pam!" tinaas ni Raven ang kamay niya para makuha ang atensyon namin.

Kumapit bigla sa braso ko si Yanna kaya nalipat ang tingin ko dito. "Ayos ka lang?" tanong ko.

Humugot siya ng malalim na hininga habang nakapikit. "Yeah, let's go" sabi nito pagdilat at hinila na ko papunta sa mesa nila Raven.

"For you.." sabi ni Raven sabay abot sakin ng paperbag na may lamang dalawang packed lunch.

"Akala ko ba, tumigil ka na?" tanong habang tinataasan siya ng kilay.

Nagkamot siya ng batok na parang hindi alam ang isasagot.

"Let's eat" biglang sabi ni Yanna sabay hablot sa paper bag at nilabas ang dalawang packed lunch at binigay sakin ang isa.

Naupo siya sa tabi ni Cone at nagsimula ng kumain ng tahimik. Tinitigan ko lang si Yanna saka napailing at naupo na rin sa tabi ni Raven.

Napatingin ako kay LWB na nakatayo pa rin sa gilid ko.

"Bibili lang ako" paalam nito saka umalis at pumunta na sa counter.

Kunut na kunot ng noo ko habang binubuksan ng packed lunch. May mukha na naman ng panda. Ano pa bang aasahan ko? Pero dahil gutom na ko at wala sa bokabularyo ko ang magsayang ng pagkain, walang anumang dinurog ko ang kanin na halatang pinaghirapang ayusin para magmukhang panda.

Nakarinig ako ng pagsinghap at napatingin ako sa harap ko.

"Wala kang puso Kikay!" sabi ni apa habang nakatingin sa kanin hinahalo ko. Wala na ang mukha ng panda.

Sinamaan ko lang siya ng tingin pero hindi ako nagsalita at binalik ang tingin ko sa pagkain. Tahimik kaming kumain hanggang sa dumating si LWB at naupo sa tabi ko at nagsimula na rin kumain.

"Binabasa mo ba yung binigay ko sayo?" tanong ni Raven na nagpabasag ng katahimikan sa table namin.

Nakakunot noo akong napatingin sa kanya.

"Yung nasa jar?" tanong ulit niya.

Saan ko nga ba nilagay yun? Tss. Wala naman kwenta yun kaya nagkibit balikat na lang ako at umiling.

Hindi na siya umimik ulit pero ramdam ko ang titig niya, hindi ko na lang pinansin at nagpatuloy na lang ako sa pagkain.

Mabilis akong natapos pero himala sa himala dahil naunahan ako ni Yanna.

"Let's go Pam" yaya niya saka tumayo na at nauna na sakin umalis.

Tumayo na din ako pero hindi pa man ako nakakahakbang, tinawag na ko ni Cone.

"Wait Kikay. Galit ka ba sakin?" tanong niya pero hindi ko pinansin at tinuloy ko ang paglalakad at sinundan si Yanna.

Naupo kami sa may bench malapit sa classroom namin dahil maaga pa.

Pagkaupong pagkaupo ko pa lang bigla nalang nararant si Yanna. "Ugh! Why of all table, he need to sit there?! Paano ako magmumove on kung palagi ko siyang nakikita?!" naiinis na sabi.

Napailing na lang ako. Sinasabi ko na nga ba may mali kanina. Tsk.

Nagpatuloy lang siya sa pagrarant habang tahimik lang akong nakatingin sa field at hindi siya pinapansin hanggang
sa matanaw ko ang papalapit na si Cone at Raven sa direksyon namin. Siniko ko si Yanna at siniko din niya ko pabalik kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"What? Ikaw ang nauna!" reklamo nito.

"Tsk. Yung lovelife mo papunta dito. Ano? Dito na lang ba tay--" hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil hinila na ko ni Yanna papasok sa classroom. Pambihira.

"He said he'll stop! Bakit hinahabol ka na naman niya?!" naiinis na tanong ni Yanna sakin habang nakatingin sa bintana at tinatanaw ang papalapit na mga asungot.

Napapikit na lang ako at napahilot sa sentido ko. At ayun na naman ang mga tili ng mga kaklase kong babae habang nagmamadaling nagsiksikan sa pinto at bintana.

"Ang gwapo talaga nila syet!" sigaw nung isa.

Hindi ko talaga maintindihan kung bakit may ganitong klase ng babae. Masyadong aggressive. Hindi naman masamang magappreciate ng gwapo pero kailangan ba talagang tumili at maghabol at ipakita dun sa tao ns sobra mong naaappreciate ang kagwapuhan niya? Tsk. Kaya lumalaki ang ulo at mahahangin ang mga lalaki e.

"Excuse me. Can we talk to Pamela Reyes?" narinig kong tanong ni Raven sa labas na nagpasinghap sa mga babae.

May bigla na lang humila sa braso ko at hinila ako palabas ng classroom habang tinitignan ako ng masama.

Nakita kong ngumiti si Raven at Cone sabay hawak sa magkabilang braso ko at kinaladkad ako palayo sa classroom.

"Putcha! Bitawan niyo ko!" sigaw ko habang pumapalag.

Mas lalo nilang hinigpitan ang kapit sa braso ko at mas binilisan ang lakad hanggang sa makarating kami sa classroom na walang tao at sinarado nila ang pinto.

"Hoy! Tangina ano to?!" galit na tanong ko ng bitawan nila ako.

Sinamaan ko sila ng tingin pero nakangiti lang sila pareho habang nakatitig sakin.

"Im sorry Kikay" biglang sabi ni Cone.

Tinaasan ko siya ng kilay habang nakacross arms. Hindi ako tumatanggap ng sorry lang. Tsk.

"Galit ka ba sakin?" tanong niya habang lumalapit sakin.

Hindi ko siya sinagot at matalim ko lang siyang tiningnan.

"Im sorry. Im just teasing you" sabi nito.

Mas nag-init lang ang ulo ko kaya umiling ako at lumabas na ng classroom na yun. Kinginang teasing yan. Pwes hindi nakakatawa.

"Pam!" narinig ko pang sigaw ni apa.

Tuluy tuloy lang akong naglakad pabalik sa classroom nang hindi lumilingon.

"Where have you been? Anong ginawa nila sayo?" tanong agad ni Yanna sakin pagkaupo ko.

"Tsk. Nambwisit lang. Kinginang yan" naiiritang sagot ko.

Tinapik ni Yanna ang balikat ko. "Hayaan mo na lang"

*

Natapos ang last subject at hindi na 'ko nagulat ng makita ko ang tatlong mokong sa tapat ng classroom namin. Nagkagulo na naman kasi ang mga kaklase kong babae.

Hinila na ako ni Yanna at nilagpasan ang tatlo. Tuluy tuloy lang kami sa paglalakad at alam kong nakasunod lang yung tatlo samin.

"Wait" huminto bigla si Yanna kaya napahinto rin kami lahat. Parang domino effect. "Bakit ba tayo nagmamadali?" tanong niya sakin.

Kinunotan ko siya ng noo. "Malay ko sayo. Ikaw tong nanghihila sakin e. Tss"

"Whatever" sabi niya sabay tingin sa tatlo na nasa likod namin "Bakit niyo kami sinusundan?" tanong niya habang nakataas ang kilay.

"We decided to ask you out. Ice cream?" tanong ni Raven habang nakangiting nakatingin sakin.

Tinignan ko si Yanna pero sa malayo siya nakatingin. Napailing na lang ako at tinanggihan ang tatlo. "Uuwi na ko" nauna na kong maglakad sa kanila.

Naramdaman ko naman ang pagsunod ni Yanna. "Wow Pam, may sakit ka ba? Libre yun bakit mo tinanggihan?" tanong niya.

"May pera akong pambili ng ice cream kung gusto ko. Baka ikaw gusto mong sumama sa kanila, hindi kita pipigilan" sagot ko habang tuluy tuloy lang sa paglalakad ng hindi siya nililingon.

"No way!" mabilis niyang sagot.

Napiling nalang ako. Diretso kami sa bahay at parehong tumunganga sa tv habang kumakain ng piatos.

"Im still curious, galit ka ba kay Trystan?" tanong bigla ni Yanna.
Nakatutok lang ako sa tv habang kumakain. Tss. Pinaalala pa niya.

"Hindi" sagot ko.

"Duh? Baka you mean, kailan ba hindi? Seriously Pam, you're so pikon"

Hindi na lang ako umimik. Walang kwentang usapan. At speaking of the devil, dumating na si Cone at naupo agad sa may gilid ko at kumuha pa sa kinakain kong piatos. Kingina.

Sinamaan ko siya ng tingin saka tumayo at pumunta na sa kwarto ko. Mas naaasar ako sa ginagawa niya. Nasaktan ang pride ko dito at hinding hindi ko ibaba yun para sa walang kwentang hampaslupang apa.

Hindi sana ako lalabas ng kwarto kaso hindi ako tinantanan ni Yanna hanggat hindi ako sumasabay sa kanila magdinner. Wala akong nagawa kundi sumunod kung gusto ko ng katahimikan. Pagkatapos kong kumain, tumayo agad ako at pumasok sa kwarto.

*

"Good morning" nakangiting bati ni LWB pagkaupo niya sa tapat ko.

Kumunot agad ang noo ko at tiningnan ang laman ng tray niya. Fried rice, itlog, at ham. "Wala bang pagkain sa inyo?" hindi ko na napigilang itanong.

Imposible naman kasi na wala. Lola niya yung may-ari nung masyon na pinuntahan namjn nung nakaraan, imposibleng walang makakain dun.

"Meron" maiksing sagot niya at nagsimula ng kumain.

"E, bakit dito ka pa nakain?"

Tumigil siya sa pagsubo at tumingin sakin. "How about you? Bakit dito ka nakain? At bakit ayan lang ang kinakain mo na naman?" tanong niya imbis na sagutin ang tanong ko.

"Nauna akong magtanong" sinamaan ko siya ng tingin.

Ngumisi siya habang nakatitig sakin. "Mas gusto ko ditong kumain" kibit-balikat na sagot niya at nagpatuloy na ulit sa pagkain. "Your turn"

Tsk.

"Ayoko lang din samin, may asungot" naiinis na sagot ko.

Nakita ko ang pag-iling niya. "You should be thankful to him" sabi nito na nagpakunot lalo ng noo ko.

Sumandal ako at nagcross arms habang nakatitig sa kanya.

"I don't want to eat in my house because im alone there. You're lucky there's someone who wants to eat with you and never let you feel eating alone in a long table full of delicious foods yet no one wants to share with you" he said without looking at me.

Natigilan ako sa sinabi niya at napatitig sa kanya. "Hindi mo ba nakakasabay ang pamilya mo?" tanong ko.

Umiling siya habang nakatingjn pa rin sa pagkain niya at bahagyang nakayuko. "Mom and Lola are always busy. Bihira kaming magkita kita and Dad passed away last year" sagot nito at nagpatuloy sa pagkain na parang wala lang ang sinabi niya.

"Im sorry.." nasabi ko na lang.

Tahimik naming tinapos ang  pagkain. Minsan napapatingin ako kay LWB at napapaisip ako sa sinabi niya. Grabe palang lungkot  ng buhay nitong si LWB, hindi halata. Tss.

Pumasok na ko sa classroom at nadatna kong masama ang tingin sakin ni Yanna.

"You left me again" sabi niya pagkaupo ko sa tabi niya.

Hindi ako sumagot.

"Seriously Pam. What's with you?" tanong niya habang nakakunot ang noo at nakacross arms.

I sighed.

Sasabihin ko na nga.

"Oh my gosh!" sigaw niya kaya napalingon samin ang mga kaklase namin pero inirapan lang sila ni Yanna. "OMG Pam!" tili na naman niya na parang kinikilig.

"Magtigil ka Yanna. Bakit ka kinikilig? Nakakadiri!" naiinis na saway ko.

"Duh!" she rolled her eyes "Nakakakilig yun lalo na siguro kung natuloy! OMG! Im gonna report it to Tita Honey" sabi nito saka nilabas ang cellphone at nagtext.

Seryoso? Anong meron at nagrereport siya sa nany ni Cone?

Natapos ang morning class at heto na naman kami sa canteen. Hindi pa kami nakakapasok ng canteen, kitang kita ko na agad si Raven at Cone.

"Where's your suitor?" tanong ni Raven pagkalapit namin.

"Di ba ikaw?" tanong ni Yanna.

Kumunot ang noo ko. Anong pinagsasabi nito?

Ngumisi si Yanna at naupo sa tabi ni Cone. "Di ba ikaw ang suitor ni Pam?" tanong niya habang titig na titig kay Raven.

Tumingin si Raven kay Cone  bago tumingin sakin tapos binalik niya ang tingin niya kay Yanna at ngumisi.

Continue Reading

You'll Also Like

10.7K 954 25
Nakamtan ang 2021 Wattys Awards Shortlist Pamilya ang pinaka-importante para sa 22-year-old aspiring screenwriter na si Lindsay, gagawin niya ang lah...
1.1K 144 14
Pagmamahal ang nagbibigay kulay sa ating pamumuhay at baliw sa pag-ibig na siyang nagpapaaliw sa atin. Mga iba't ibang uri ng pagmamahal na matatamas...
7.2K 196 19
Who will survive? Who are the real killers? Let's find out. The story of a girl who has split personality All Right Reserved Nightmare Queen Story St...
12M 285K 55
Nagpakasal ang isang man-hater na si Sapphire sa isang super "friendly" na lalaki na si Johann for the sake na makuha niya ang mana niya. Magkasundo...