E.N:D

By simplyfascinated

653K 7.8K 1.8K

Entitled Now: Dead Princess No More| BOOK 1:SCDP| Comment your Thoughts| New book will be untold. New Chapter... More

E.N:D
Prologue
1.1
1.2
2
3: USED TO BE~
4: mine again~
5.1: close to you
EPAL 1
5.2: CLOSE TO YOU
5.3 CLOSE TO YOU
6: LOVE AT WAR (VIBEA)
7.1: (HANNIEL) IT'S GONNA BE LOVE
7.2: (HANNIEL) IT'S GONNA BE LOVE
8.1: CRAZIER
8.2: CRAZIER
9: Barbie Girl~
10: Why Can't It Be
11.1: UNTITLED
12
preview of 13
13.1
...
13.2
13.3
13.4
14.1
----
14.2
15.1
15.2
16
17.1
17.2
18
19.1
19.2
20
LC#1
LC#2
LC#3
LC: FINALE
my thoughts
Epilogue♥

11.2: UNTITLED

15K 148 38
By simplyfascinated

Hi! 

pasensya na kung sablay  yung second pov nawala ako sa drama nung first pov natin eh hahaha ayan tuloy nagkanda-gulo-gulo na yung dulo.

Thank you po sa Pag-suporta!^___^

i hope na ma-enjoy niyo ang chapter na ito pambawi ko na lang na mahaba ito hehe

chungmal biane sa mga errors na maeecounter niyo :)

11.2: UNTITLED

LEANNE

Dalawang oras na rin silang nakaalis at hanggang ngayon hindi ko pa rin makalimutan yung naging pag-uusap namin ni Dwane.

I don’t know kung dapat ba akong magpasalamat dahil sa naaksidente ako dati kaya hindi natuloy yung kasal namin ni Jin or dapat ikasama ng loob ko ang aksidenteng iyon dahil sa posibleng mangyari sa akin.

Higit pa sa kapatawaran ang gusto kong makuha kaso sabi nga ni Dwane ako lang ang masasaktan sa huli kapag ipinilit ko ang kagustuhan ko. Bakit ba kasi sa akin nangyayari ang lahat ng ito. Bakit ako pa?!

Hindi ko na napansin na tumulo na pala ang luha ko.

“…aish! Hindi ka naman iyakin dati diba? Eh bakit ngayon iyakin ka na…” sabi ko sa sarili ko. Ako lang kasi ngayon ang mag-isa dito sa condo dahil nag-party sila Maddy kasama ng mga staff niya.

Wala namang mangyayari kung magmumukmok lang ako dito sa loob kaya nagbihis ako at lumabas ng unit namin. Pupunta na lang siguro muna ang sa 7-eleven sa baba at tatambay doon.

Hinihintay kong mag-stop sa floor namin ang elevator. Ang sabi ni Brea si BAD ang kasama niya nung oras na iniwan siya ni Jin so may tsansang dito rin ang condo ni BAD…tama ba ako? Dito rin ba siya nakatira sa building na tinitirhan ko?

“are you not coming in?” tila nakakita naman ako ng multo ng tiningnan ko yung nagsalita. Bukas na pala ang elevator at siya ang nabungaran ko. Si BAD.

“ahm..”

“come in now…” parang na-magic naman ang mga paa ko at kusa na lang ito naglakad papasok sa elevator kahit pa puno ako ng kaba.

Kaming dalawa lang sa loob ng elevator at katahimikan lang ang tanging namamayani sa pagitan namin. Sinubukan ko siyang tingnan ng hindi niya mahahalata at nakita ko siyang prenteng nakatayo lang at papindot-pindot sa phone niya habang nakangiti ng malapad.

Si Hannah ba ang ka-text niya? O di kaya girlfriend niya?

Naiisip ko palang na maaaring girlfriend niya yung dahilan ng pagngiti niya parang binibiyak na ang puso ko. Naramdaman ko naman ang parang tubig na namumuo sa gilid ng mga mata ko kaya agad akong umayos tsaka pasimpleng pinunasan ang mata ko.

Tiningnan ko kung saang floor na ba kami at tumapat kami sa 10th floor at nagbukas ito tsaka may pumasok na apat na tao kaya napunta ako sa kabilang gilid samantalang siya naman ay sa kabila.

Maingay yung mga bagong pasok pero hindi nakatakas sa pandinig ko yung mga sinabi ni BAD sa katawagan niya…

“hey Babe, yes. I’m on my way now so better get ready…yeah don’t worry I assure you we will have some fun tonight.” Hindi ko na maiwasang mapatingin sa kanya at wala na akong pakialam kung mahuli man niya akong nakatingin sa kanya. Nakatagilid siya habang nakangiting nakikipag-usap.

Dali-dali akong umiwas dahil may tumulong luha sa kaliwa kong mata. Eto na ba yung tinutukoy ni Dwane? Bakit ganon? Hindi pa naman ako nag-uumpisa nasasaktan na ako…paano pa kaya kung harap-harapan ko na siyang nakikitang masaya sa piling ng iba? Hindi ko ata kakayanin. Maingay pa rin sa loob ng elevator pero nangingibabaw pa rin ang boses niya na masayang nakikipag-usap sa ‘babe’ niya. Tila nga hindi niya napapansin na kasama niya ako o talagang wala lang sa kanya ang presensya ko.

Pagkabukas na pagkabukas ng elevator pagkarating sa ground floor, agad akong lumabas at mabilis na naglakad upang hindi ko na marinig ang  pakikipag-usap niya sa kung sinumang babae. Pumasok ako agad sa 7-eleven at nagpunta dun sa lalagyan ng chocolates at kumuha din ako ng ice cream tsaka binayaran at pumwesto ako dun sa upuan na nakatapat sa labas.

Sabi nga nila Maddy, pag masama ang loob mo…eto ice cream at chocolate kainin mo! pakasasa ka hanggang sa magsawa ka na. Kaya sa tuwing masama ang loob ko ganito ang ginagawa ko. Kinuha ko ang phone ko at dinial ang number ng isang kaibigan…

Naka-ilang ring din ito bago tuluyang may sumagot.

“he—“

“HELLO! Ikaw ba ang lalaking umaaligid-ligid sa future wife ko?! pwes sorry na lang! dahil hindi ko siya papakawalan at wala kang aasahan! Naiinitindihan mo?!” nagulat ako sa boses na narinig ko sa kabilang linya at sa mga sinabi niya.

Anong ginagawa niya sa bahay ni Bea sa ganitong oras? Pasado alas-onse na ng gabi huwag mong sabihin na nag-li-live-in na silang dalawa ni Bea?

“ahm—“

“Ano?! Hindi ka makasagot ngayon?—hoy! sinong kausap mo sa phone ko?!” narinig ko ang boses ni Bea sa kabilang linya.

“isa sa mga lapastangang nagtatakang sulutin ka sa akin kaya eto binabalaan ko na haha!—ANO?! Akin na nga yan!” napangiti na lang ako habang kagat-kagat yung chocolate ko. Hanggang ngayon hindi pa rin sila nagbabago. Sabagay, ako lang naman ang nagbago eh…ako lang…

“teka ano palang pangalan mo?! ng maipa-blotter na kita sa mga pulis! Bilis! Magsalita ka!—ASUNGOt!”

“Vin…” nagpipigil tawa kong sabi sa kanya.

“huh? teka! Bakla ka ba?! KITA MO NA BASHY! Pati bakla nagkakagusto sa’yo!—ANO!? HOY! ANONG BAKLA KA DYAN!” mukhang ayaw ibigay ni Vin ang phone kay Bea ah…

“hahaha hindi ka pa rin nagbabago Vin…”natatawang saad ko  at tila nawalan naman ako ng kausap sa kabilang linya. I guess, hindi niya akalain na ako ang kausap niya ngayon napinagkamalan lang niya kaninang mang-aagaw.

“le-le-leanne?!”

“yes it’s me”

“AKIN NA NGA!-helo?Leanne?! bakit ka napatawag ng ganitong oras?”

“bakit? May naistorbo ba ako Bea?” nakangising sabi ko kahit hindi naman niya ako nakikita.

“anong istorbo pinagsasabi mo dyan?! Wala kang na-i-istorbo no!”

“haha then why Vin is still there samantalang gabing-gabi na…”

“ah yun ba? HOY! asungot! Wala ka ba talagang balak umuwi?! Tingnan mo na? kung ano-ano iniisip ni Leanne dahil nandito ka pa!”

“…tulog na ako!”

“anong tulog ka dyan?! May tulog bang sumasagot pa?! alis ka na!!”

“oo! Si Vin Alonzo lang yun ang iyong future husband!”

“ARGh! Bahala ka nga dyan!” may narinig naman akong pagbasak ng pinto sa kabilang linya. Tsk!

“helo? Leanne nandyan ka pa ba?”

“…ah oo nandito pa ako…nakakatuwa kasing pakinggan ang usapan niyo ni Vin..”

“anong nakakatuwa don eh samantalang puro sakit na lang sa ulo ang binibigay sa akin ng asungot na yon!”

“hahaha pero kahit ganon mahal mo pa rin di ba?”

“syempre! Siya lang ang kayang mambwisit sa akin ng ganito kaya nga mahal na mahal ko eh…” halata sa tinig niya ang sobrang saya.

“I see…I’m happy for the both of you”

“wait…bakit ka nga pala napatawag?”

“…wala kasi akong magawa eh kaya ako napatawag sa’yo. Tatawagan ko sana si Kylie kaso naalala ko na may date silang dalawa ngayon ni CJ”

“eh? Paano mo nalamang may date sila?”

“tinext sa akin haha puno pa nga ng exclamation point ang text niya eh parang high school lang kung kiligin.”

“sira talaga ang babaeng iyon. Kamusta na pala? Isang linggo na rin nung nagkita tayo ah…”

“yeah…isang linggo na nga and I’m fine…not totally but I’m fine.”

Nagkita kami noon sa sugar café na pagmamay-ari pala ni CJ. Si Kylie ang nagpangalang Sugar Café sa café na iyon para daw sweet ang dating.  Kasama ko si Kylie nung nagkita kami kaya parang bonding na rin ang nangyari yun nga lang wala si Hannah.

Nag-kamustahan lang kami at nag-usap-usap ng mga bagay tungkol sa mga taon na hindi kami nagkita-kita and I can say…everything is changed. That changed started the day I decided to leave them.

“helo? Hoy…nag-iimagine ka na naman ata dyan Leanne.”

“sira..hindi…”

“aysus! So  anong nangyari sa iyo ngayon at parang down na down ang boses mo dyan…”

“I saw him…”

“him?sino?”

“si BAD..”

“talaga?!nakita ka ba niya? Anong sabi?”

“isa-isa lang Bea…yes nakita niya ako and also Brea..”

“Brea? Yung cute na anak ni Luckie?!” nakita na kasi niya si Brea nung kinuha siyang model ni Maddy and agad silang nag-click ni Brea. Speaking of Maddy and Bea, may inis pa rin sila sa isa’t-isa but they can manage it.

“yeah..and he thought na anak ko si Brea because she called me ‘mama’ in front of him kaya ayun akala niya may anak na ako.”

“ayun lang…sana sinabi mong hindi mo anak yung cute na batang iyon…”

“…nakita niya rin si Jin and Brea called him ‘papa’ kaya ano pa ang dapat kong ipagpaliwanag diba? And besides kapag nagpaliwanag ba ako makikinig siya?” malungkot kong sabi.

“may point ka dyan…hindi talaga makikinig sa’yo si BAD, sa amin na nga lang di nakikinig yun ikaw pa kaya? Kay ano lang naman nakikinig yun eh…”

“who?” hindi ko maiwasang tanong.

“anong who?”

“sabi mo kanina ‘kay ano lang naman nakikinig yun’ so sino? Si Hannah ba? yeah siya nga siguro, kapatid niya diba?”

“si BAD makikinig kay Hannah? Eh samantalang sinabihan nga niya na makipag-break si JD sa babaeng yun kaya ayun! War ngayon yung magkapatid.” Nagulat naman ako sa sinabi niya. Talaga bang sinabihan niya si JD na makipag-break mismo sa kapatid niya? Nahihibang na ba siya?

“nahihibang na ba siya? Bakit niya ginawa iyon? Hindi niya ba alam na masasaktan ang kapatid niya dahil sa ginawa niya?”

“kung ikaw ang nasa katayuan niya Leanne for sure yun din ang gagawin mo dahil ganun din ang gagawin ko. Alam mo kasi…hayy…Hannah is not the Hannah we know anymore…she’s already Sophia, sophisticated Sophia.”

“bakit? Ano bang meron sa kanya? siya pa rin naman si Hannah diba?”

“yeah siya pa rin physically but not mentally. Nagtataka nga ako kay JD kung paano niya natatagalan ang pag-uugali ng babaeng yon but I understand her kung bakit siya ganon. Parang naging possessive kasi siya pag dating kay JD.”

“possessive? Natural lang naman iyon diba? Sa gwapo ba naman ni JD.” sabi ko at kagat ng chocolate ko.

“tsk!  I know that pero yung way ng pagiging possessive niya? To the highest level na ata. Ni hindi ng makapag-trabaho si JD ng maayos dahil lagi na lang ‘bawal’ ‘hindi pwede’ ang sasabihin ni Sophia lalo na kapag babae ang kausap ni JD. Tapos sa tuwing nag-aaway sila ni JD, naghahanap siya ng lalaking dadamay sa kanya…that brat! Konting-konti na nga lang kakalbuhin ko na yun eh kundi lang dahil sa—“

“it’s my fault” putol ko sa sasabihin niya.

“no it’s not! okay, maybe may kasalanan ka but hindi mo naman sinasadya ang lahat di ba?you even sacrifice for the sake of us. naamin ko naman sa’yong nagalit ako sa’yo di ba? but when you told me the truth I understand why you did those things—WOW! BASHY ENGLISH!” napatawa naman ako ng bigla kong narinig yung sabi ni Vin sa kabilang linya at narinig pa ako ng palakpak.

“BAKIT KA NA NAMAN NANDITO?! AKALA KO BA TULOG KA NA?!”

“…ang tagal mo eh..si Leanne pa rin ba yang kausap mo?”

“oo..”

“weh? Baka isa na yan sa mga lalaking yun ah!” haha halatang seloso itong si Vin.

“oh ayan! Isaksak mo sa baga mo!”  narinig kong sabi ni Bea.

“hello? Leanne? Leanne ikaw ba yan?! Natatandaan mo ba ako? Ako ito si Vin! Ang pinakagwapong lalaki sa balat ng lupa haha—KAPAL!!!”

“hahaha yeah Vin…mukhang going strong kayo ni Bea ah…”

“syempre naman! Sinong nagsabing papakawalan ko ang basagulerang ito?! Ayoko ngang magaya sa inyo ni BAD—AARRRAAAYYY!!!”

“siraulo ka ba? talagang kailangan pang sabihin yun?”

“ay sorry naman…uy Leanne wala akong sinabi ah…hehe pero pwede bang balikan mo na yung kaibigan kong iyon ng tumino-tino na! ang sakit na ng ulo namin ni CJ dahil sa kanya eh…na-ha-haggard ang kagwapuhan ko dahil sa kagaguhan ng isang yun!tsk!” balikan….balikan? may babalikan pa nga ba ako?

“akin na nga yan! Dun ka na! girl-talk ang ginagawa namin kaya tsupi-tsupi ka na!”

“oo na! girl-talk girl-talk pang nalalaman baka pinag-uusapan niyo lang kagwapuhan ko—OO NA!see you soon Leanne!”

“hayy…asungot talaga! saan na nga ba tayo?”

“hahahahaha ang kulit niyo kahit boses niyo lang ang naririnig ko…”

“thanks but no thanks..so where are we?”

“about those things…”

“ah oo nga! Aish! Panira kasi ang asungot na yun eh nawala na tuloy sa isip ko yung mga sasabihin ko!ARGH!”

“don’t worry may next time pa naman eh…we better end this call na baka maghimutok na si Vin kakahintay sa iyo sa kwarto niyo haha”

“tse! Kwarto ko yun na inaangkin ng asungot na yun!”

“haha okay okay…sige na…magkikita pa naman tayo eh atsaka anong oras na oh dapat natutulog ka na..”

“okay..basta kung may problema ka tawagan mo lang ako ah…sige goodnight”

“goodnight…”

After kongi-end yung call nakita kong quarter to twelve na pala. Ang tagal pala ng naging pag-uusap namin ni Bea… hayy… ano ng gagawin ko ngayon? Ayoko pang umakyat sa taas dahil wala naman akong kasama.

Umalis na ako ng 7-eleven at naglakad-lakad ng makita ko ang playground sa malapit. Nagtungo ako dun at umupo sa may swing. Dawalang swing siya na magkatabi. Mabuti na lang maliwanag sa lugar na ito kaya hindi ako nangangamba na may masamang loob na magtatangka sa akin.

“hayyy…it’s been awhile Leanne…” sabi ko at tumingala sa langit. Kinusot ko naman ang mata ko dahil nanlabo paningin ko.

“mama papa nakabalik na po ako kaso bakit ganon? Bago po ako bumalik hinanda ko na ang sarili ko sa mga posibleng sakit na mararamdaman ko pero bakit ganon? Bakit parang walang silbi lahat ng panghahandang ginawa ko. Maayos na ang relasyon namin nila Kylie, CJ, Bea at Vin and I know hindi ako mahihirapan kay JD but I doubt kung magiging ganun kadali ang lahat para sa akin pagdating dun sa magkapatid. Hindi naman po siguro kayo tutol sa naging desisyon ko diba? Kasi po si Dwane…kahit hindi niya sabihin I know ayaw niya ang naging desisyon ko even Jin.”

Napatingin naman ako dun sa maingay na sasakyan na nag-park malapit dito sa pwesto ko. Napatulala na lang ako sa nakita ko…and bigla na lang nagsi-unahang tumulo ang mga luha ko.

It is BAD with a girl. They were kissing as if there’s no tomorrow. Hindi ko alam kung nakikita nila ako  pero sila kitang-kita ko. Pilit kong pinupunasan ang mga mata ko dahil nanlalabo na ito pero kusa pa rin nagsisilabasan ang mga luha ko kahit ilang beses ko pa itong punasan. Nung punasan ko ulit ang mga mata ko hindi ko na sila nakita. Parang naglaho na lang sila na parang bula.

“…pwede bang dahan-dahan naman? Bakit isang bagsakan naman ata lahat ngayong araw na ito…” umiiyak kong sabi sa sarili na para bang may kausap ako na iba.

Dali-dali kong kinuha ang phone ko at dinial ang number niya. Dalawang ring palang ay sinagot na niya.

“helo?” sa tono ng pananalita niya mukhang kagigising lang niya.

“J-Jin…” mahinang usal ko habang pinipigilang humikbi.

“umiiyak ka ba?” alarming saad niya.

“ganon naman ang ginagawa ng mga nasasaktan diba? Ang umiyak…”

“tsk! Anong oras na ah…bakit ka umiiyak dyan? Nasan ka ba?”

“nasasaktan kasi ako eh kaya umiiyak ako ngayon…” hindi ko na napigilan ang pag-iyak ko at alam kong rinig na rinig na iyon sa kabilang linya.

“ano namang rason ngayon? Wag mong sabihin na siya na naman?” may pagka-irita sa boses niya.

“bakit ganun siya Jin…bakit parang wala lang ang presensya ko sa kanya? bakit kung umasta siya parang wala lang ako sa kanya…” tila nagsusumbong ako sa tatay ko o sa kuya ko habang umiiyak.

“uupakan ko na talaga ang gagong yan eh…nasan ka?”

“nandito sa playground…”

“wag kang aalis dyan…pupuntahan kita…” hindi na ako sumagot dahil pinutol na niya yung tawag.

Umiiyak pa rin ako habang iniintay si Jin dito. Nanlalabo na nga ang paningin ko pero hindi ko pa rin mapigilan ang pag-iyak.

Mga 20 minutes siguro nung may naramdaman akong umupo sa kabilang swing kaya napalingon ako dito at nakita ko siyang nakaupo doon na sa malayo lang nakatingin.

“I’m here already so better stop crying” tila may sariling isip naman ang mga luha ko at natigil ito sa pagtulo.

“anong nangyari at umiiyak ka ngayon?” tanong niya habang nakatingin pa rin sa malayo.

“I’m just hurt…”

“lahat ng tao nasasaktan Leanne” sabi nito tsaka ako nilingon. I can see sadness in his eyes. Now, I can say na ang kasama kong Jin ngayon ay hindi ang Jin na nakasama ko kanina o nung mga nakaraang araw.

“I know..but this pain is killing me Jin…”

“then get rid of it until you feel nothing…” walang emosyong sabi niya.

 “how? Paano ko magagawa yun…”

“gayahin mo ko” ngiting sabi niya pero halata mong peke ang ngiting iyon. Dahil alam ko na sa likod ng isang ngiti niyang iyon ay may nagtatagong isang libong kalungkutan.

That’s why we understand each other very much because we’re in pain. And people only understand each other when they feel the same way or have same situation.

“I can’t…you know that I can’t Jin.”

“eh di hayaan mo lang na masaktan ka at umiyak ng umiyak dyan hanggang sa mapagod ka na at maging manhid na ang pakiramdam mo”

“ganun ba ang ginawa mo noon?” kung kanina isang pekeng ngiti ang pinapakita niya ngayon naman ay isang ngiting puno ng lungkot…ngiting alam mong may tinatagong sakit.

“hindi…kasi nung puntong nag-decide siyang iwan ako ayun na din ang puntong tumigil ang pagtibok ng puso ko para sa kanya.”

“akala ko ba mahal mo siya?”

“mahal? Oo nga mahal ko siya noon pero ano pa ba ang magagawa ng pagmamahal na meron ako para sa kanya kung hindi naman nun masusuklian di ba? kaya nga nung iwan niya ako nagdesisyon na rin akong kalimutan siya at ibaon sa limot ang pagmamahal ko sa kanya dahil ako lang din ang masasaktan sa huli kapag pinagpilitan ko pa ang sarili ko sa isang babaeng handa akong iwan para sa iba”

“Jin…” napabuntong hininga siya at marahang itinutulak yung swing pero pigil parin iyon dahil nakasayad pa rin ang paa nito sa lupa.

“bilib nga ako sa’yo eh… kung para sa akin past is past …sa’yo past is still your future…hayy… minsan nga iniisip ko na sana ako na lang ang nauna mong nakilala…na sana ako na lang yung una mong minahal at ikaw na lang ang babaeng pinangarap kong makasama noon eh di sana hindi ako nasaktan noon at hindi ka sana nasasaktan ngayon”

“Jin—“

“but I’m glad hanggang ‘sana’ lang ang lahat…dahil kahit naging ganun ang nakaraan ko hindi ko pinagsisihan ang mga nangyari at alam kong ganun ka rin.”

“nope…may mga pangyayaring pinagsisihihan ko ng malaki. Alam mo ba kung ano iyon?” malungkot kong sabi sa kanya at napahinto naman sa pagtutulak sa sarili.

“hurting those people that are important to you and then leave the—“

“it is breaking a promise…a promise that I will never leave them.”

“sabi nga ng marami ‘promises are made to be broken’ so better not be guilty.”

“yeah yan nga ang sinabi ko noon but they keep on trying to keep that promise and here I am… I broke that promise and just leave them in misery…ang sama ko diba?”

“if you were given a chance to go back to the past, what will you choose? Leave them or stay with them and see them suffer?” natahimik ako sa sinabi niya.

“don’t think ‘cause obviously I know what you will gonna do. You will do the same thing nagkataon lang na sa ibang paraan mo ginawa ang pag-iwan sa kanila. Sorry for that…it’s just that…no one can ever fight against my Grandfather’s decision. Isa siyang diktador na ultimo buhay ng isang tao kaya niyang kontrolin mapasunod lang niya sa gusto niya.” Tahimik pa rin ako habang nakikinig sa kanya…

“…I still remember when I was about to go to college. Gusto kong kuning kurso noon ay ang pagdodoctor pero ayaw niya dahil hindi naman daw ito konektado sa mga negosyo ng pamilya pero nagpumilit pa rin ako. Nag-take ako ng mga exams and all of those exams failed. Nanlulumo ako noon dahil sa kinahinatnan ng pangarap ko na hanggang pangarap na lang and then pinamukha niya sa akin na ‘huwag ko na daw pangarapin ang isang bagay na Malabo ko namang makuha’ kaya nag-decide akong kunin ang kursong gusto niya…malapit na akong gumadruate ng college ng malaman kong plinano niya pala ang nangyari noong nagtake ako ng exams at lahat noon bagsak. Noong panahong iyon…galit ang naramdaman ko para sa kanya kasi sino ba namang pamilya ang hahadlang sa pangarap ng kapamilya mo diba?...”

“…then you pursue your dreams?”

“no…dahil nung oras na iyon…nagbago na ang pangarap ko. Pinagpatuloy ko ang kursong gusto niya para patunayan sa kanya na kaya ko at dadating ang panahon na magsisisi siya kung bakit niya hinadlangan ang pangarap ko noon…”

“hanggang ngayon galit ka pa rin ba sa lolo mo?” tanong ko sa kanya at lungkot lang ang nakikita ko sa mga mata niya.

“akala ko dati kaya kong dalhin ang galit na iyon hanggang sa hinaharap pero hindi eh..kasi naiintindihan ko na ang dahilan niya kung bakit niya yun nagawa pero may konting galit lang ako sa kanya dahil sa ginawa niya sa’yo.”

“…tapos na iyon eh..nangyari na kaya wala na tayong magagawa” ngumiti ako sa kanya.

“yeah wala na rin naman tayong magagawa para maibalik ang kahapon eh…”

“…Leanne?”

“hmmm…”

“can you just let him go?” napantingin ako sa kanya na gulat na gulat.

“I see…so you will fight for him hah? Then I’ll support you pero tulad nga ng napag-usapan kapag hindi mo na kaya at sobrang sakit na…puntahan mo lang ako at papakasalan agad kita at sisiguraduhin kong magiging masaya ka sa piling ko…” naiiyak ako sa mga sinabi niya.

“Jin…bakit ba ang dali para sa’yong sabihin ang mga yan?” ngumiti siya sa akin.

“dahil yun ang nakatatak sa isipan ka. Ang pakasalan ka at pawiin lahat ng kalungkutang pumapaloob sa pagkatao mo.”

“kahit hindi mo ako mahal?”

“nagsabing hindi kita mahal? Mahal na mahal kita Leanne”

“per—“

“hahayaan muna kita ngayong ipaglaban yang nararamdaman mo para sa kanya. Kilala kita Leanne, kahit hindi mo sabihin hindi lang ang kapatawaran nila ang gusto mo di ba? sige…ipaglaban mo yang pagmamahal mo para kanya at kapag nagtagumpay ka malugod kitang isusuko sa kanya pero kapag kabaligtaran nun ang nangyari……Hello Mrs. Archangel” hindi ko na napigilan ang sarili tumayo ako sa swing na kinakaupuan ko at agad siyang niyakap na nakaupo pa rin sa swing.

“salamat…salamat…” ginantihan naman nya ako ng yakap at naramdaman kong hinalikan niya ang ulo ko.

“hayyy..napakaiyakin naman ng reyna ko…bakit ba kasi naka-kumplikado ng pag-ibig na yan…” napangiti ako sa sinabi niya dahil tama siya… napakakumplikado talaga ng pag-ibig.

“Jin…nanlalabo na ang mga mata ko…”

“ayan na nga ba ang sinasabi ko eh…iyak ka kasi ng iyak..tahan na nga. Ihahatid na kita sa unit niyo.” Tumayo siya kaya napasunod pa rin ako dahil hindi ko pa rin tinatanggal ang pagkakayakap ko sa kanya.

“...sige na kakargahin na lang kita..” at naramdaman ko na ang pag-angat ko sa lupa. Kinarga niya ako ng kargang-pang-bagong-kasal.

“…hindi ko alam ang gagawin ko kung wala ka sa tabi ko…Harry” nakatingin kong sabi sa kanya samantalang siya nakatingin lang sa dinadaanan namin.

“kaya nga hindi kita iniiwan dahil alam kong kailangan mo ako. Tsaka na lang kita iiwan kapag may papalit na sa pwesto ko. kaya habang wala pa……ako muna ang mag-aalaga sa’yo at magmamahal” punong pagmamahal na sabi niya. Nakaramdam naman ako ng antok dahil nag-ha-hum siya habang naglalakd kami kaya hindi ko na namalayang nakatulog na ako sa mga bisig ng lalaking mahal na mahal ako.

3:39am

10/18/13

BAD

Nasa elevator ako ngayon dahil may importante akong pupuntahan. Yeah, importante para sa akin. Busy lang ako kakatext ng maramdaman kong nag-stop yung elevator sa 15th floor, mukhang magkakaroon na ako ng kasama dito sa loob ah kaya tinago ko muna ang phone ko.

I was taken aback when I saw what’s outside the door. Agad naman akong nakabawi and I don’t think napansin niya ako because it is obvious that her mind is not here. Maybe it took her a matter of seconds to recognize who I was and base of her reaction…she’s like she’d a ghost.

“are you not coming in?” I said bluntly.

“ahm..” I saw hesitation in her eyes. Tsk!

“come in now…” sabi ko ulit at mabuti naman naisipan na niyang pumasok.

It feels great to be with a girl in elevator alone pero hindi iyon ang nararamdaman ko sa mga oras na ito. I hate the feeling! Nararamdaman kong pasulyap-sulyap siya sa akin but I never did the same. Naramdaman kong nag-vibrate ang phone ko kaya tiningnan ko ito and there, I smiled seeing who texted me….my business.

Nagmumukha na nga siguro akong siraulo habang nagtetext. Masisisi niyo ba ako kung ang mga text na nababasa ko ay galing sa isang babae na naghahanap ng makakasama ngayong gabi? I’m just a guy! Guy that can grant a wish of a lady.

Huminto ulit ito sa 10th floor at tsaka may sumakay ulit kaya umurong ako sa kabilang gilid and that’s the only time I saw her. Nasa kabilang side din siya and I caught her wiping something in her face but I don’t care.

Agad kong dinial ang number niya just to talk to her and I can help but to smile while talking to her until we reached the groundfloor. Nakita ko pa ngang nagmamadali siyang lumabas ng elevator at nauuna ito sa paglalakad.

“so she really lives here hah..”

“what? Who? Who are you talking about hon?” geez! Nasabi ko pala ang nasa isip ko.

“nothing…just a random girl. I’m on way, so better get yourself ready.”

“I’m always ready when it comes to you loverboy…”

“okay bye..”

“bye hon..” napailing na lang ako ng natapos na kaming mag-usap.

“what a flirt btch she is…” nakangiting saad ko sa sarili. Siya nga ang importanteng pupuntahan ko dahil kailangan kong mag-unwind. Nagpunta na ako sa kotse ko and started driving. Nadaanan ko ang 7-eleven and I saw her in a corner may hawak na chocolates.

I just can’t help but to stare at her. Naalala ko na naman yung incident namin kanina. Yun ang kauna-unahang pagkakataon na nakita ko siya ng malapitan. Nagkita kami sa bar dati pero hindi kami ganun katagal nag-usap. She really did change a lot! She’s already married and also has a kid.

That girl…that beautiful girl…geez! I can’t even imagine that I’ve took care of my ex child! Then she even named her daughter Brea…tsk!

Nakarating na ako sa destinasyon ko and I already saw my business who’s wearing a very very sexy backless dress. Bumaba agad ako ng sasakyan at saka siya nginitian. Lumapit naman ito sa akin tsaka ako hinalikan sa labi.

“so let’s eat loverboy…”

“later babe don’t be too excited…” mapanuksong sabi ko at ginantihan niya rin iyon ng mapanuksong ngiti.

“haha that’s not what I’m talking about BAD. Let’s eat food and then let’s do that all night long.”

“okay as you wish” ngiting sabi ko tsaka ko binuksan yung pintuan ng kotse para makapasok siya.

Nagpunta kami sa isang mamahaling restau at doon na kumain. After namin kumain ng simulan niya ang pag-uusap namin.

“so BAD what are your plans?”

“plans? Ahmm…aside from enjoying this night I don’t have any other plans. Why?”

“oh come on BAD! We’ve been dating for almost 2 weeks already.” Dating? Yeah we’re dating. Bakit ko nga ba nakalimutan.

Hindi siya yung kasama ko sa mall kanina. But we’ve been seeing each other for I don’t know. She’s Amber, a girl from nowhere.

“anong gusto mong sabihin?”

“I know that you never had a girlfriend that lasted for a week…” nakangiting saad niya. It means she considered herself as my ‘girlfriend’. Hindi ko nga alam na girlfriend ko siya eh. Mukhang isa na namang ‘self-proclaimed-girlfriend’ ang nasa harapan ko ngayon -.-

Ano ngayon kung tumagal siya ng halos dalawang linggo sa akin? As if ginusto ko ito? Asa naman siyang gusto ko, may gusto lang akong turuan ng leksyon kaya ko ito ginagawa.

“and?”

“maybe we could go to the next level!you know…” napangisi na lang ako sa sinabi niya. next level? Maybe…

“how about your lover? You’re staying with him right?”

“oh that bastard! Don’t worry about him. I can get rid of him just to be with you.”

“really? Why don’t you do it now?” nakangiting sabi ko sa kanya at nginitian naman niya ako tsaka kinuha ang phone niya and dialed his number.

Tahimik lang akong nakatingin sa kanya habang nakikipagtalo siya sa kausap sa kabilang linya.

“just go to hell will you?! I don’t want to be with you anymore! No! I just found my right love that’s why I won’t gonna marry you anymore! screw you! ” huling sabi nito sa kausap niya.

Gusto kong tumawa sa nasaksihan ko pero pinigilan ko dahil baka pagtakhan niya pa ako. Sayang! Wala sa harapan ko yung tarantadong iyon eh di sana mas natuwa pa ako. Planado lahat! Mula sa pang-aakit sa babaeng ito para iwan niya ang boyfriend niyang si Max. Wala naman akong balak sulutin ang girlfriend ng gagong iyon eh lalo pa’t engaged  na sila pero kasalanan niya kinalaban niya ako.

Nakaaway ko siya sa bar ni JD. May kasama kasi siyang babae nung oras na iyon at linapitan ako nung babae. sino ba naman ako para tumanggi diba? Sinugod ako nung Max at nasuntok niya ako that’s why I ended up with his fiancée.

“Love…we can go now.”

“where…” malambing kong sabi kahit kanina ko pa siya gustong iwan dahil tapos na rin naman ang gusto kong mangyari.

“hmm..my aunt’s condo. Wala siya ngayon doon and I have the keys so we can do all what we want all night”

“okay…let’s go”

Lumabas na kami ng restau. Sinabi nito kung saan kami pupunta at nagulat ako sa sinabi niya. Sa mismong building ng condo unit ko ang sinasabi niya. Mabuti na lang hindi nito alam na doon ako nakatira, ang alam niya nakatira ako sa bahay ng parents ko. Tsk!

Pinark ko yung kotse ko sa parking space sa labas para safe. May naaninag naman akong bulto ng tao dun sa playground na malapit sa pinagparkingan ko pero hindi ko na ito pinansin. Agad akong bumaba tsaka pinagbuksan ng pinto si Amber.

Pagkabukas na pagkabukas ko ng pinto agad niya akong sinunggaban ng halik kaya medyo na out of balance ako mabuti na lang napahawak ako sa pintuan ng kotse ko. Wala pa rin itong hinto sa paghalik kaya hinyaan ko na lang. Napatingin ulit ako dun sa playground at nagulat ako ng mamukhaan ko kung kaninong bulto yung nakita ko kanina.

Medyo sinide ko itong babaeng humahalik sa akin para hindi niya mahalatang nakatingin ako sa kanya. I don’t know kung umiiyak  ba siya or what pero may mga kumikislap na galing sa mata niya pababa sa pisngi niya. Natatamaan kasi ito ng ilaw at hindi rin naman siya ganon kalayo para hindi ko maaninag ang mukha niya. She’s just staring at us.

“hon…let’s continue this upstairs…” napatingin ako kay Amber na animo’y lasing. Nginitian ko siya at nagsimulang maglakad papasok sa building namin. Hindi ko na ulit nilingon si Leanne sa kinaroroonan niya. Si Leanne nga yung nakita kong nakaupo sa swing sa may playground and if she’s crying maybe because of her husband.

Sa 5th kami nagpunta at agad niya akong hinalikan pagkapasok namin ng unit niya kaya pinagbigyan ko and after a minute of kissing nilayo ko siya sa akin.

“we should take a shower first babe…” sabi ko habang sinusuklay ang buhok niya gamit ang aking kamay.

“nice idea…let’s go” she said while giving me her seductive smile.

“no, you go first.”

“but—“

“sshhh…don’t worry, you have all the night”

“okay just wait me here lover boy!” hinalikan pa niya ako ulit bago nagdiretsong banyo.

“tsk…what a classy whore…” iling kong sabi tsaka nagpunta sa may mini bar ng unit niya. Kumuha ako ng dalawang wine glass and a red wine. Sinalinan ko yung dalawang wine glass at hinintay siyang matapos mag-shower.

Nagpunta muna ako sa glass window at sa pwesto ko kitang-kita ko ang lugar kung saan siya nakaupo. Sht! Bakit ba siya na lang lagi?! Lagi na lang nagkukrus ang landas naming dalawa! Sinasadya niya ba na magkabanggaan kami? Tsk!  

Nakita kong siyang patuloy na may pinupunasan ang bandang mata niya kaya nakakasiguro na akong umiiyak nga siya. Nag-away siguro sila ng asawa niya. haist! Naalala ko na naman yung mga tingin niya kanina nung iiwan ko na siya. I know she’s pleading that time…but I don’t know what it is for.

Naputol lang ako sa pag-iisip ng naramdaman kong may yumakap sa akin kaya agad ko itong hinarap.

“hmmm…katatapos ko lang maligo…it’s your turn hon…” malambing na sabi nito at nakatingin sa mga mata ko.

“sure but first we should have a glass of wine to ease the ambiance” sabi ko at kinalas ang pagkakayakap sa akin tsaka tinungo ko yung mesang pinaglagyan ko nung dalawang wine glass.

“it’s for you babe”

“thanks hon you’re so sweet” nakangiting saad nito tsaka ininom yung wine. After ko uminom nagpunta na akong banyo para mag-shower.

It took me minutes to finish everything. lumabas akong nakabathrobe at ng puntahan ko siya sa may sala….

“sleeptight babe…” nakahiga na ito sa may sofa at mahimbing na natutulog. Nilagyan ko lang naman ng sleeping pills ang iniinom niya kanina dahil masama ang kutob ko sa mangyayari ngayong gabi. I know she’s trying something just to hooked me and I’m not gonna let that happen.

Kinuha ko ang wine glass ko at nagpunta ulit dun sa may glass window and watch her again. She’s not alone anymore…she’s with her husband. I know her husband. Sino ba naman ang hindi nakakakilala sa kanya sa business world. He’s Jin Harry Archangel one of the best businessman in the whole world.

“tsk! So irritating in the eyes…” sabi ko ng makitang nilapitan siya ni Leanne at yinakap. Ginantihan din ito ng yakap ni Jin tsaka hinalikan ang ulo nito.

“they’re so inlove but sooner or later…they’ll fell apart.” Tumalikod na ako tsaka nilapitan at pinagmasdan ang natutulog na si Amber.

“poor Amber…you ditched you fiancée and call-off your wedding just to be with me. I think your forgetting something babe…I don’t do serious relationships…I’m not into commitment…I  just play games…a game that can satisfy me and my needs” sabi ko habang marahang hinahaplos ang  mukha niya.

“….and you know what? Playing you just ended right from this moment. Thanks for the great game.”  Tumayo na ako at nagpunta sa cr para magbihis.

Bago umalis naglapag muna ako ng pera at isang note sa mesa katabi nung wine.

The note says…

‘THANKS FOR THE GREAT GAME! I HOPE YOUR FIANCEE JUST LEARNED HIS LESSON’

Nandito ulit ako sa tapat ng elevator hinihintay ang pagbubukas nito. After a few minutes nagbukas ito at isang romantic scene ang bumulaga sa akin.

I saw a surprise reaction in his eyes but I just smirked and went-in. great! Kanina kaming dalawa lang ang nagsabay sa elevator and now? She’s with her husband.

“it’s nice to see you BAD..” napatingin naman ako sa kanya.

“yeah great to see you Jin.”

“what are you doing here?”

“oh nothing…just accompany someone…I bet you’re wife is so dead tired that’s why she went off to sleep easily.”

“yeah…nag-uusap lang kami kanina sa playground at nung paakykat na kami inaantok na daw siya kaya kinarga ko na lang…”

“how sweet…”

“thanks…I can be sweetest hell just for this girl…for my lovely… wife.”

“good for you”

“how about you? kailan mo ba balak magkaroon ng  matinong karelasyon?”

“soon Jin…maybe she’s just around and I’m just waiting her to come to me” tiningnan ko siya at dumako din ang tingin ko sa babaeng karga-karga niya.

“ohhh bakit hindi na lang ikaw ang lumapit para hindi ka na mag-intay baka matagalan pa siyang makalapit sa’yo.”

“haha she’s just too far kaya hindi ko siya magawang lapitan. Hayaan mo kapag oras na dumating siya at lumapit sa akin hindi ko na siya papakawalan.”

“really? So goodluck for that BAD…” sabi nito at sakto namang nagbukas yung elevator sa 15th floor. Nagngitian lang kami bago nag-sara ang elevator.

“yeah goodluck to me.” After a minute nag-stop na ang elevator sa floor kung nasaan ang unit ko.

I just went inside my unit atsaka humiga sa sofa.

“damn this day! So many sht happened…” ilang minuto din akong nakatingin sa kisame ng tumunog ang phone ko kaya sinagot ko ito ng hindi tinitingnan ang pangalan ng caller.

“he—“

“I SO HATE YOU!!!!”

“woah! I know you love me…” mapang-asar na sabi ko sa kanya.

“no! I hate you like hell!!!~”

“haha it’s okay. I love hell so I’ll accept that my dear….sister”

“ARGH! Bakit mo pa ako ginagaya sa’yo?! I’m so okay with my lovelife then you came along and ruin everything!!!”

“no I’m not.We both know that I’m not the one who ruined everything Sophia. It’s you and your chicken brain.”

“ikaw ang may kasalanan! Ng dahil sa’yo nakipag-break sa akin si JD!”

“oh that! mabuti naman nakinig siya sa akin. You’ll thank me soon because of what I did.”

“thank you?! oh so THANK YOU KUYA FOR RUINING YOUR SISTER’S LOVELIFE!”

“you’re so welcome dear.”

“ARGHHHHH!!!~” sigaw nito sa kabilang linya.

“where are you?”

“the hell you care?!”

“I’m your brother.”

“yeah you’re my brother…my brother who love hell that’s why he did everything just break her sister’s heart!”

“oh come on Sophia. Nasaan ka ngayon? Huwag mo akong paandaran ng sama ng loob mo kung ayaw mong makatikim sa akin. I’m serious. Where are you now?” seryoso kong sabi. Halata sa boses niyang lasing siya kaya nakaramdam ako ng kaba para sakanya.

“huh! thanks for yoyr concern brother. I’m here at *** bar. Since break na naman kami ni JD dahil sa’yo eh di maghahanap na lang ako ng lalaking makakapagpaligaya sa akin at makakapagpalimot sa akin ng lahat. Bye!!~”

“So—sht!” napaupo ako dahil binagsakan niya ako. Damn that brat! Agad kong dinial ang number ni JD.

“he—“

“fck you JD if there’s something happen to my sister tonight! so if you don’t want my sister end-up sleeping in other man’s bed then better get her ass out of that ***bar now!”

“WHAT?!!”

“argh! That brat! She hates me like hell and told me she’s in a bar and searched for a man that can make her happy and forget her heartbreak that I’ve caused.  You’re breakup is just happen today! JD—“

“sht! Pupuntahan ko na siya.”

“thanks bro”

“no need to thank me BAD. Kahit break na kami ng kapatid mo I still love her. I just want her to learn her lesson. And I don’t think I can imagine that he’s sleeping with someone’s bed.” Ramdam ko ang galit niya.

“okay. Be sure to take her home. Oras na may bumastos sa kanya sa bar na iyon tell me at ako ng bahalang magturo ng leksyon.”

“no need to worry. I’ll settle it. Ayokong pinapakialaman ang akin alam mo yun BAD.”

“okay bro…better get your ass there”  naputol na ang usapan namin.

Napakitid talaga ng utak niya! wala pang isang araw silang break tapos kung umasta siya parang argh! That bratty girl just giving me headache!

Masama bang sabihan ko ang boyfriend na makipag-hiwalay muna sa kanya ng tumino-tino naman ang kapatid ko?! akala ko titino pero mukhang mapapasama pa ata eh! langyang buhay to oh! May balak pang mag-hanap ng lalaking magpapalimot sa kanya.

Leche! Oras na may nagtakang hawakan siya makakapatay talaga ako! Hindi lang ako ang makakapatay ng tao pati rin si JD.

That girl…hindi ba siya marunong mag-isip?! Leche! Ang kitid ng utak!!!!

Nag-vibrate naman ang phone ko dahil sa may message ako. Sa pag-aakalang si JD agad ko itong binuksan pero hindi pala sa kanya galing.

FROM: Kylie

HEY! SUGAR CAFÉ NEXTWEEK MONDAY! FOUR IN THE AFTERNOON! BE THERE, OKAY? DON’T BRING A DATE OR ELSE I’LL THROW YOUR DATE OUTSIDE THE CAFÉ!!!!!

P.S. kapag hindi ka pumunta hindi ka imbitado sa kasal namin ni CJ mahlabs ko!

Tsk! Isa pa ito! Hindi pa nga nakaka-graduate kasal na agad ang inaatupag.

Puro na lang silang pag-ibig! Pag-ibig! Kasal!kasal! Why are they not contented of being single and free!

Tumayo na ako at naglakad papuntang kwarto ko. Hahawakan ko na sana yung dooknob ng nag-ring ulit yung phone ko.

“Hello JD—“ sabi ko.

“hey! miss me?” I think I froze after hearing her voice. It’s been months since I’ve heard her angelic voice.

“yeah…a lot” I said smiling.

“don’t worry we’ll see each other soon. I just called you just to hear your voice.”

“ah see..i can’t wait the day to see you. I’ve been dying to see you again”

“me too BAD…I gotta go, my photographer is calling me already.”

“okay just take care of yourself…”

“yeah for you I’ll take care of myself. Bye and I love you…” lalo pang lumapad ang ngiti ko ng marinig ang huling sinabi niya.

“I love you…” sabi ko at naputol na ang tawag.

Miss ko na siya! Hindi kami laging nag-uusap at kapag nag-uusap kami I know there’s something special. If she called today then I guess…she’ll be here soon!

Nakaramdam naman ako ng excitement para sa muli naming pagkikita. I miss my girl…she’s not part of my games.

I tried to include her but she defeated me. She’s just too caring…too sweet that I end up loosing in my own game.

1:16 am

10/22/13

Continue Reading

You'll Also Like

325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
8.2M 105K 89
Drandrei Rogatchevski A.K.A Black. She is a Gangster at her young age..after a long year..., at age of 10, his grandfather recruit her in his MAFIA...
1.8K 237 32
Si Isabel Dela Cruz ay ang bunsong anak ng Pinakamayamang angkan sa San Teodoro Habang si Cassandra Teodoro naman ay anak ng pinakamaimpluwensiya at...
40.1K 875 34
CASE 1 is now CLOSED! - Student in the Hallway Kung sayo ba hihinging tulong ang isang kaluluwa na hanapin ang kanyang katawan tutulungan mo? 'Oo' la...