The Despicable Guy Book 2

By shirlengtearjerky

11M 110K 18.7K

Published under Pop Fiction (2014) More

Author's Note
Special Chapter // 1
Special Chapter // 2
Special Chapter // 3
Special Chapter // 4
Special Chapter // 5
Special Chapter // 5.5
TDG Special Chapter // 6
Special Chapter #7
TDG Side Story: Atom & Mara
The Despicable Guy Book 2
TDG Book 2 - Chapter 1
TDG Book 2 - Chapter 2
TDG Book 2 - Chapter 3
TDG Book 2 - Chapter 4
TDG Book 2 - Chapter 5
TDG Book 2 - Chapter 6
TDG Book 2 - Chapter 7
TDG Book 2 - Chapter 8
TDG Book 2 - Chapter 9
TDG Book 2 - Chapter 10
TDG Book 2 - Chapter 11
TDG Book 2 - Chapter 11
TDG Book 2 - Chapter 12
TDG Book 2 - Chapter 13
TDG Book 2 - Chapter 14
TDG Book 2 - Chapter 15
TDG Book 2 - Chapter 16
TDG Book 2 - Chapter 17
TDG Book 2 - Chapter 18
TDG Book 2 - Chapter 19
TDG Book 2 - Chapter 20
TDG Book 2 - Chapter 21
TDG Book 2 - Chapter 22
TDB Book 2 - Chapter 23
TDG Book 2 - Chapter 24
TDG Book 2 - Chapter 25 <3
TDG Book 2 - Chapter 26
TDG Book 2 - Chapter 28
TDG Book 2 - Chapter 29
TDG Book 2 - Chapter 30
TDG Book 2 - Chapter 31
TDG Book 2 - Chapter 32
TDG Book 2 - Chapter 33
TDG Book 2 - Chapter 34
TDG Book 2 - Chapter 35
TDG Book 2 - Chapter 36
TDG Book 2 - Chapter 37
TDG BOOK 2 VALENTINES SPECIAL! ♥
TDG Book 2 - Chapter 38
TDG Book 2 - Chapter 39
TDG Book 2 - Chapter 40
TDG Book 2 - Chapter 41
TDG Book 2 - Chapter 42
TDG Book 2 - Chapter 43
TDG Book 2 - Chapter 44
TDG Book 2 - Chapter 45
TDG Book 2 - Chapter 46
TDG Book 2 - Chapter 47
TDG Book 2 - Chapter 48
TDG Book 2 - Chapter 49
TDG Book 2 - Chapter 50
TDG Book 2 - Chapter 51
TDG Book 2 - Chapter 52
TDG Book 2 - Chapter 53
TDG Book 2 - Chapter 54
TDG Book 2 - Chapter 55
[EXTRA CHAPTER] The Secret Society Interview!
TDG Book 2 - Chapter 56
TDG Book 2 - Chapter 57
TDG Book 2 - Chapter 58 [Wedding Part 1]
TDG Book 2 - Chapter 59 [Wedding Part 2]
TDG Book 2 - Chapter 60
Epilogue
Author's Note | Announcements
ALWAYS AND FOREVER
ANNOUNCEMENT! ;D
After Afterall

TDG Book 2 - Chapter 27

119K 1.2K 296
By shirlengtearjerky

TDG Book 2 - Chapter 27

(May nagtanong sakin sa FB chat, bakit daw ang sipag ko ata mag-update ngayon? Taka naman ako, pag di ako mabilis mag-update ang daming nagdedemand, tapos.. Hahaha! :DD Joke lang, di naman ako galit! So.. ready na ba?)

DECEMBER 28

(Jersey's POV)

Nagising ako dahil sa text ni Amae.

From Amae:

GUYS!!! I NEED YOUR HELP! Tara punta tayo sa Sta. Rosa! I need to know kung ano yung tinatago sakin ni Keith!! Kita tayo sa McDo Katips, 3PM!!

Oh great. Plano ko pa naman ngayon e maglupasay lang buong araw. 12nn pa lang naman e! No need to rush!

Fine. Sinampal ko si Maxene. So what? E ang laki ng galit ko dun sa tao e!! Kunwari walang nangyai sa kanila ni Kevin? Lul nya!! Nakakainis! Bah, sorry sya. Nasaktong masama ang mood ko at galit ako sa mundo kagabi. Kung di lang ako nahiya sa mga tao dun kinaladkad ko pa sya e!!! Uuggggghhhh!!!

Pero.. medyo natakot ako sa sinabi nya. Ako, ginawa kong miserable ang buhay ni Kevin? Talaga? Eh hello, sila ngang magbestfriend ang gumawa nun sakin! May kissing scene pa silang nalalaman!! I'm sure, kasama lang to sa plano ni Kevin. Pag natatandaan ko ngayon yung confession nya sakin sa may fire exit, naiirita ako!!! MAGSAMA SILA!!!

(3 hrs later..)

Nasa isang van kaming lahat: ako, Pao, Kat, Jerro, Jicker, Sath and Amae. Ewan ko ba kung anong sumanib sa kaluluwa ni Amae at nagyaya sya pumunta ng Sta. Rosa.

Sath: Ano Jick? Wala pa rin?

Jicker: *shakes his head* Nope. Tried it 5 times. Waley pa rin.

Kunwari di ko narinig yung usapan nila. Kanina pa kasi nila tinatawagan si Kevin para sumama samin ngayon. Kruuuu kruu na lang ako.

Me: Amae, pwede bang paki-enlighten ako sa kagagawan mong to? Kakatapos lang ng Christmas!!

Amae: Wala lang.. kasi Keith's acting weird these past few months. May nakuha kasi syang project sa Sta. Rosa, and pag tinatanong ko sya ayaw nya kong sagutin.

Kat: Sus Amae! Alam mo naman yang si Keith, may pagkatopak!

Amae: I can sense something else!

Jicker: (o.o) OMG MAY OTHER WOMAN!!!

Me: JICKER!!! *hampas sa balakang*

Jicker: Aray!!! Kung galit ka sa mundo wag mong iunleash sakin lahat!!! Kainis to!!!

Sath: *tumingin kina Paolo and Jerro* Wala ba kayong alam sa project ni Keith?

Pao: Wala! Medyo di na namin sia nakakausap e.

Jerro: Wala naman syang nababanggit.

Sath: Jerome...

Jerro: (--.) WHAT!? I'M NOT HIDING ANYTHING!!

Sath: *himas sa tiyan nya* Baby, sana hindi mo mamana ang pagiging bad liar mo ah. Dapat good kid ka!

Jicker: Grabeng pangaral naman yan! Kung ako yung baby kakapit nako ng mahigpit sa matris mo!!

Kat & Me: WHAT!!! *dies*

Almost 2 hours din ang biyahe namin papunta sa Sta. Rosa, pero ni isa walang nagtanong kung anong meron samin ni Kevin. Buti na lang at ganun, kasi wala naman akong masasabi sa kanila.

Pagdating namin sa Sta. Rosa, nagulat ako nang dumiretso kami sa Bel-Air. Aba, big time tong si Keith ah! Mayaman ang client!!

Jicker: *bulong sakin* By the looks of it, mukhang may rich benefactor tong si Keith. Lumelebel!!

Amae: TUMAHIMIK KA DYAN JICKERSON UUMABAGAN KITA!!

I can see that Amae's nervous and scared. Nakita ko tuloy yung sarili ko sa kanya 3 years ago, habang naglalakad sa Phantasialand, hinahanap si Kevin. I mean, bestfriends nga sina Kevin at Keith, pero I am sure na di kayang gawin ni Keith yung ginawa sakin ni Amae. Nasubaybayan ko kung pano nya pinaghirapan suyuin si Amae, na ang taas taas ng standards pag dating sa lalaki. Naka-jackpot na kamo si Keith nung nadulas si Amae nung isang lecture class nung college. Sasayangin nya yun for this?

Tumigil yung van sa harap ng isang ginagawang bahay. Grabe, ang ganda nung bahay! Tama nga siguro si Jicker, mayaman ang client (benefactor his @ss!) ni Keith. Yaman talaga nila!

Bumaba na kaming lahat, maliban kay Amae.

Me: Amae, tara na!!

Amae: *medyo naiiyak* I can't.. do this.

Me: *lumapit ako sa kanya* Don't be scared, teh! Kanina ang tapang ng text mo samin tapos ngayon, titiklop ka!

Amae: Nagsalita! *laughs*

Me: Look, don't be scared. Hindi katulad ni Keith si.. Kevin. He can never do that to you.

Amae: What if i-

Me: Just go for it. Please?

She smiled at me. Nako, ako naman, feel na feel ang pagbibigay ng advice pero.. di ko naman magawa sa sarili ko. What's wrong with me?

Pumasok kami sa may gate. Nagtinginan nga samin yung mga nagtatrabaho e. Unexpected visitors! Whaaaaat ://

May lumapit saming lalaki, at mukhang sya yung head ng workers.

Kuya: Ano ho yun?

Pao: Aahh. Hinanap lang po namin si Keith Romero. Nandyan ba sya?

Bago pa makasagot si Kuya, may lumabas na magandang babae na may hawak na maraming papel. Halata sa mukha nya na nagulat ito.

Amae: Oh. My. God. Clara?

Clara: Amae!?!

Definre nganga naman kami sa reactions nila. They.. know each other?

Amae: What.. are you doing here?

Clara: Oh gosh. I-i...

"Clar! Nasan na yung d-"

Si Keith yun, lumabas ng bahay. Gulat kami.

Di ko mapinta yung itsura ni Amae. Ganito rin kaya yung itsura ko sa Germany? She looks so devastated and hurt.

Amae: What.. is.. the meaning of this..

Keith: *kinabahan* Look, Amae. I can expl-

Amae: HINDI AKO AALIS DITO HANGGA'T DI KA NAGPAPALIWANAG!!!

Shocks intense! Pati si Jicker natameme sa sobrang kaba! First time kong makita si Amae na sobrang galit. Naiiyak na nga e!!

And dun lang nag-sink in sakin. Bakit di ko ginawa yung ginagawa ngayon ni Amae? Bakit di ako lumapit kina Kevin nun?!

Lumapit si Keith samin, pero umatras si Amae.

Amae: Dyan ka lang. Wag na wag kang lalapit sakin kundi papalamunin kita ng semento!!

Keith: Kalma lang Amae!!

Amae: PANO AKO KAKALMA KUNG DI KA PA MAG-EEXPLAIN!?

Keith: NATATAKOT AKO SAYO EH!!! PWEDE BANG WAG MO KONG SIGAWAN!?!

Hala. Medyo kinakabahan nako dito ah! Pati yung mga trabahador tumigil na rin sa paggawa. OMG scene stealer!!

Huminga muna ng malalim si Keith.

Keith: First of all, I'm sorry. Sasabihin ko dapat sayo to but di pa right tim-

Amae: Ang ba-

Keith: TUMAHIMIK KA NGA MUNA!! *sighs* This is supposed to be a secret. I even asked the office na wag sabihin sayo to o ipahalata man lang. 5 months ko na tong tinatago sayo.. pero nandito ka na e. Nandito na kayo.. wala nang surprise.

Amae: NAKO KEITH KUNG MAY BENEFACTOR KA DYAN SABIHIN MO LANG OKAY LANG SAKIN!! IDADAMAY MO PA SINA CLARA DITO!!! BALIW KA RIN NOH!!! MAGKANO BA BINAYAD SAYO NUN HA!?

Intense na yung scene pero nagawa pa rin ni Keith na tumawa.

Keith: S-sinong benefactor? *tingin kay Jicker* Ikaw nagsabi nun noh!?

Jicker: Hoy di ko knows yang sinasabi mo ah!!

Keith: Alyssa Mae! Grabe to. Benefactor? Seryoso ka? Baliw.

Amae: Eh para san to? Sinong client mo dito ha!?!

Keith: Clara, akin na nga yung envelope.

Binigay nung Clara kay Keith yung envelope, at may kinuhang papel.

Keith: *inabot yung papel kay Amae* Basahin mo nga.

Amae: ANONG GAGAWIN KO SA TITULO NG LU-

OMG. IS THIS.. SERIOUS?

Keith: May eyeglasses ka na nga, di mo pa rin mabasa?!

Sayo tong bahay, baliw.

OMG TAMA BA KAMI NG RINIG?! KAY.. AMAE TONG BAHAY NA TO!! AS IN TO!?! SHEEEEEET LANG!!! DEFINE NGANGA KAMING LAHAT!!!! Ö ö

Amae: For.. me? Are you kidding me?

Keith: Well.. ikaw lang naman ang kilala kong Alyssa Mae Cruz sa buong mundo ah! Unless alien ka or.. something.

Amae: Keith.. what is the meaning of this?

Keith: *sighs* Kainis, dapat di ngayon to e! Masyado ka kasing NBI!! Pasalamat ka dala ko ngayon or else.. nako..

And he did something that shocked all of us.

Lumuhod sya sa harap ni Amae, at may nilabas na red box mula sa bulsa nito.

Keith: Hoy. Pasensya kung eto lang ah. Laspag savings ko sa pagpapagawa ng bahay e! Buti na lang pinamana sakin nina Lola tong lupa..

Dapat sa New Year pa to kaso.. nandito na e.

*opens the box*

Alyssa Mae Cruz..

Will you marry me?

Kaming lahat (as in lahat! Including the construction workers): (O.O) (O.O) (OO.) (-//////-)

Si Amae, ayun napayuko na lang. THIS IS A SUPER OMG MOMENT!!! OMAYGAAAAAAAAAH!!!!! SHOCKING ITEY!!!

Keith: *napakamot sa ulo* Ho Amae, wag mo naman ako ipahiya dito o!

Amae: AND WHAT DO YOU WANT ME TO DO?!?

Keith: Pwede mo rin sagutin kasi.

Medyo natagalan si Amae sa pagsagot.

Amae: 2 conditions.

Keith: O..kay?

Amae: Number 1: I can pick the design of the gown. And two...

I can retain my surname.

Keith: Sus yun lang pala e! Agreed!!!

Teka, pumayag ka na ba?

Amae: Duh. Kay Jicker ako papakasal, you like?

Keith & Jicker: WAG KA NGA!!!

Amae: Oh well.. since it looks like you want me to say it..

Yes, I will marry you, Mr. Romero.

PWEDE BANG MAMATAY SA SOBRANG KILIG!?!? OHMG!!!! THEY'RE GETTING MARRIED!! THEY'RE GETTING MARRIED!!! OMG OMG OMG!!!! Di namin mapigilan na humiyaw sa sobrang tuwa. Yezzzzzz, this is it!!! May ikakasal na naman samin!!! Ayun, masaya kaming lahat. Kitang-kita sa mukha nina Amae at Keith na ang saya-saya nilang dalawa. Shocks, they're getting married!

Sa sobrang tuwa ko, di ko mapigilang umiyak. Ikakasal na rin sa wakas yung isa ko pang bestfriend! Oh my goodness!! Iyak lang ako nang iyak dun, di ko na namalayan na humihikbi na pala ako. Hanggang sa tuluyan nakong umiyak.

Jicker: Je.. okay ka lang?

Me: O-okay lang ako, Jick. I'm too happy for them!

Kat: *umiiyak na rin* Jersey!!! Fudge lang!!!

Sath: Aaaaaahhhhh!! *to Jerro* Alam nyo to noh?!?

Jerro: Di ah! Pramis!!! Nice one, Keith! Nalalabi na ang single days mo!!!

Keith: Lul! *to Amae* Hoy, walang magbaback-out ah?

Amae: Hah. Pag di natupad yung dalawang kondisyon ko, I will divorce you agad.

Jicker: Talaga to, e wala namang divorce dito sa Pinas ah!! Baliw baliw!!

Amae: Tumigil ka nga dyan, Jick! *blushes*

At dahil dyan.. nanlibre si Keith! Umorder sya ng kung anu-anong pagkain para samin ("Bagong sweldo kasi ako, kaya feeling mayaman!")

Naramdaman nyo ba yun? Yung feeling na ang saya-saya ng mga tao sa paligid mo, tapos ikaw parang di ka belong? Ikaw lang yung di contented, di buo. Nakakasuka tuloy! Ang hirap magpretend na wala kang problema kahit pinuputakte ka na nila. Life's a b*tch, I know. Pero nakakainis lang, kung kelan ko gustung-gustong sumaya tsaka puno ng BS ang buhay? Sarap mamato!

Nagpaalam ako sa kanila na may kukunin lang ako sa van. Pero syempre joke lang yun. Iiyak muna ko dun sa loob, mag-eemo.

Mga 3 minutes pa lang ako sa loob ng van nang..

*van door slides open*

Si Paolo.

Paolo: O, anyare sayo? *upo sa tabi ko*

Me: Nating pating.

Paolo: Ows?

Me: *sighs* Ano ba, wala nga eeee

Paolo: Ikaw pa nagsinungaling sakin. What's wrong?

Me: Same old, same old.

Paolo: Mind telling me?

I gave up. I told him everything. Every excruciating detail. Kung pano ko sinampal si Maxene, kung anong inisip ko. Na naiinggit ako sa kanila dahil masaya sila and everything. And to top all these, I finally realized that this is really my fault. Nakinig lang sakin si Paolo, hindi nga sya nagsalita. Ang nakakagulat pa, hindi na ako umiiyak habang nagkukwento ako. Feel na feel ko na talaga to. 

Nang natapos ako, eto lang ang sinabi nya sakin.

"Then talk to him. Ang dami mong tanong na sya lang makakasagot. Mas mabuti pang puntahan mo na ngayon kesa matuluyan kang mabaliw dyan."

----

4 HOURS LATER...

Di ko alam kung ba't nasa labas ako ng condo unit ni Kevin. I don't even know what to say. Fine, tama na si Paolo. As always! Pero.. anong gagawin ko? I am so messed up! Bahala na nga!

*knocks*

*door opens*


"Jersey?" Oh gosh. This is it. This.. I am scared. Biglang sumigla yung aura nya.



Ano ba, magiging mabait ba ako o cold? Ano!?!?! Bahala na nga! "Hi Kevin. We need to talk."

Hindi ko maintindihan yung mukha nya bigla. Kinakabahan ba sya? Pinapasok na lang nya ako sa loob. Aba, ilang linggo lang ako nawala dito pero.. parang iba na yung ambiance. Ay, ang arte ko naman! Ambiance pa kong nalalaman!

We stood there in silence for about 3 minutes. Fine, hintayan? Di ko na to kaya. Ako na nga magsasalita.

Me: Kevin, we need to talk about what happened last week.

Kevin: I know. That's why you're here, right?

Me: And.. other things.

Kevin: *umupo sa upuan* Tss. Ano na naman, paasa ka na naman?

Me: W-wait lang ah. Wag mo nga akong daanin sa init ng ulo mo!

Kevin: Fine. Ano bang pag-uusapan natin?

Me: I don't really know where to start with this. Ang hirap e! You surprised me! And.. and..

Kevin: Madali lang yan, Jersey. Isang tanong: mahal mo pa ba ko?

Me: Hah. Akala mo ang daling sagutin nyan?!? 

Kevin: Madali la-

Me: KEVIN! EH SIRAULO KA PALA E!!! Bakit mo ko pinepressure!?!

Kevin: I'm not pressuring you! Tinatanong ko lang kung mahal mo pa ako o hindi na. Kasi kung hindi n-

Me: Kasi kung hindi na, ano? Kukulitin mo pa rin ako hanggang sa bumigay ulit ako sayo? Ganun ba yun?

Kevin: Hindi.

Kasi kung hindi na, ititigil ko na tong kabaliwan ko sayo.

Me: AYAN ANG PROBLEMA SAYO!!! PALAGI KANG GANYAN!! ATRAS-ABANTE!! NAKAKAPAGOD NA ALAM MO BA YUN!!! IKAW TONG NAGTATANONG KUNG MAHAL PA KITA E IKAW TONG SIRA!!! PANO KO MALALAMAN KUNG SERYOSO KA KUNG GANYAN KA? Please lang Kevin, wag mo naman akong paglaruan. Please lang.

Kevin: Bakit ako atras-abante? Jersey, hindi lang ikaw ang takot. Ako rin! Kung alam mo lang sana kung gano ako natatakot ng-

Me: ISA PA!!! NANDITO SI MAXENE!!! SIGURO MAGSASAMA NA KAYO KAYA SYA NANDITO!!!

Kevin: *shock* Nandito sa Pinas si Maxene? Nagkita kayo?

Me: Hoy. Wag mo kong dramahan na parang wala kang alam! Oo, nandito sya sa Pinas. Sa SM North ko sya nakita. Alam mo sayang e, wala ka dun! Sana nakita mo kung gano kalakas yung sampal ko sa kanya kasi 3 years kong tiniis na gawin sa kanya yun! At sayo rin!!

Kevin: YOU SLAPPED HER!?!?

Me: Ay hindi! Hindi halata! Sinampal ko yang malandi mong bestfriend! At ang kapal pa ng mukha nya para sabihin na sinaktan kita! Na ginawa ko raw miserable yang buhay mo? EXCUSE ME!! Kung may naging miserable ang buhay sa ting dalawa, ako yun Kevin! Never naging ikaw kasi ikaw ang nang-iwan! You cheated on me! Tapos ngayon may pa- I love you ka pang nalalaman dyan! Eh g@go ka pala e! Ikaw tong nang-iwan!! HINDI AKO!!!

Imbes na magalit sakin, huminga muna ng malalim si Kevin. Dun ko lang napansin na umiiyak sya. What is happening to him!?

Kevin: Ako.. yung nang-iwan? Talaga? Seryoso ka dyan?

Me: I saw you and Maxene kissing, Kevin! I am not dumb!! I was there!

Kevin: Jersey, hindi mo alam yang sinasabi mo.

Me: Ayan, dyan ka na naman magaling e. Hindi ko na naman alam kasi wala ka namang sinasabi!!! ANO BA YANG HINDI KO ALAM AH!!! AT GUSTUNG-GUSTO KO NANG MALAMAN PARA DI NAKO MABALIW!!!

Kevin: Gusto.. mo talagang malaman?

Me: BINGI KA BA!!! OO NGA!!!! KEVIN 3 YEARS NAKONG GANITO!!! KUNG LILINAWIN MO E DI SAN-

Kevin: *tumingin sakin ng seryoso* You know what? I used to think of you as somebody that would never, ever hurt me. I believed in that ever since I met you, Jersey. Ever since. Pero.. t@ngina. Bakit mo nagawa sakin yun?

Me: WALA AKONG ALAM DYAN SA SINASABI MO!!! At wag na wag mo ngang baligtarin ang sitwasyon, Kevin! Ako ang nas-

Kevin: TUMIGIL KA NGA! WAG KANG UMARTE NA IKAW LANG ANG NASAKTAN LALO NA PAG IKAW NAMAN TALAGA ANG UNANG NAKASAKIT!!!

Teka.. naguguluhan nako sa sinasabi ni Kevin. Mukhang.. what's happening to him? Seryoso sya sa lahat ng sinasabi nya. Oo, magaling syang umarte pero.. right now? He's not acting. He's telling the truth.

Me: Kevin seriously. I don't know know what you're talking about.

Kevin: You.. you don't have any reason to be mad at me Jersey.

You broke my heart.

Me: W-what? Kev-

Lumapit sya sakin at hinawakan ako ng mahigpit sa braso. I am so scared. I've never seen Kevin like this. He looks so helpless, so scared.. and so hurt.

At ang finale nya? He gave me this stare that would forever haunt me. 

"You're the one who broke up with me, Jersey."

(A/N: OKAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAY. Nakakaramdam ako na maraming maguguluhan sa Chapter 27. HAHAHAHHAHAHA ang sama ko ko talaga noh? Baka iniisip nyo na basta-basta ko lang nilalagay yan ah. Pinagplanuhan ko tong Book 2 ng bongga mga teh! 

Sorry kung magulo to. Actually ang Chapters 26-28 ay 2 chapters lang, kaso napangitan ako sa division ng story, kaya ginawa kong tatlo. Hihihihi.

Sige, i-analyze nyo guys! 

Nagsisinungaling ba si Kevin o hindi?

COMMENT YOUR THOUGHTS! 250 votes bago ang Chapter 28!)

Continue Reading

You'll Also Like

1.7M 74.9K 46
Light Story Only. For Fun Only. BOOK 1 slice of life
2.7M 11 1
Nagsimula lahat sa dyipni. Dun din nagtapos. Parang yung nararamdaman ko para sayo - humihinto, bumibilis, nasisiraan pero patuloy na tumatakbo. Gust...
7.3M 208K 33
Kung ang lahat ng tao sa paligid mo masaya, parang automatic na nagiging masaya ka na. Kung lahat naman sila malungkot, mararamdaman mo yung lungkot...
1M 28.7K 15
"How can I move on when I'm still in love with you?"