In His Paradise (Completed)

By Sevenelle

17.5K 474 97

Empress Cabrerra, a typical Manilena who'll set foot on a muddy province. Little did she know that she won't... More

Paalala
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Wakas
Author's Note

Kabanata 11

407 15 3
By Sevenelle

Naiinis

Ilang araw na simula nang mag umpisa ang pasukan. Sa ilang araw na iyon ay hindi pa pormal ang naging klase ko. Wala pang instructors sa ibang klase ko lalo na iyong mga subject na kaklase ko sila Michiko, Mabel at Monette. Kaya ang gawain ng tatlo ay itour ako sa loob ng Arnedo College Incorporated.

Maluwag ang Arnedo College pero higit na mas maluwag ang sa Maynila. Libo libo din ang bilang ng mga estudyante rito dahil halos lahat ng estudyanteng kolehiyo sa probinsya ay dito nag aaral.

Sa harap ay dalawang gate, isang para sa tao lang at isang kakasya ang mga sasakyan. Mayroon uling gate bago tuluyang makapasok sa loob ng campus. Katabi nito ang Security Office. Pagpasok sa pangalawang gate ay may maliit na fountain bago ang magkabilaang path walks patungo sa mga hallways at classrooms. Sa gitna ay malawak na field at sa pinakasentro, kabilang bahagi ng field ay ang five storey na main building kung saan makikita ang pangalang Arnedo College Incorporated, nakaukit at kumikinang na mga letrang gawa sa makinang na metal.

Ang lahat ng buildings ay napipinturahan ng kulay creamy white at may maroon na outline. Mapuno ang harap ng mga hallway at may mga benches at study areas sa ilalim ng mga ito.

Ang canteen ay makikita sa kaliwang bahagi ng main building. Sa likod ng main building ay ang may kalakihang gymn at basketball court. Sa tabi nito ay ang Multipurpose Hall at ilan pang classrooms.

"Canteen tayo," anyaya ni Mabel na madalas magutom. Pangatlong beses na naming punta roon ngayong araw at siya lang naman ang kain ng kain.

"May bulate ka ba?" Bara ni Michiko pero nagsimula na itong hilahin kami at diretso lakad sa canteen.

Naupo kami sa malapit sa bintana. Kanya kanya kaming bukas ng pagkain. Kumuha lang ako ng Coke at chichirya.

"In fairness Empress, bagay mo itong uniform ng Business Ad Department", wika ni Michiko at pinasadahan ako ng tingin dahil magkatabi kami. "Uhm.. Medyo hot tignan."

Nagkatuksuhan sila ni Mabel at Monette. Natatawang umirap lang ako sa kanya habang pinapasadahan din ng tingin ang suot kong uniform. Yellowish na office type polo shirt, brown and white printed bow tie, black pencil cut skirt na one inch above the knee, at three-inch black heeled shoes. I didn't bother wear stockings dahil mainit, optional lang din naman ang pagsusuot niyon.

"Yung tipong normal na uniform lang kapag kami ang may suot. Pero kapag ikaw parang nagmomodel ka ng uniform natin. Kainggit lang," nagsitawa sila at nagsitanguan sa komento ni Monette.

"Wag niyo naman ako masyadong pina-flatter," biro ko din pabalik sabay flip sa wavy kong buhok. Wala lang, napagtripan ko lang mag iron curler kanina.

Nasa kalagitnaan kami ng kwentuhan nang tumunog ang screen door ng canteen, hudyat na may pumasok. Napalingon kami rito at nakita si Luke na diretso sa counter at mabilis na sinusundan ng isang magandang babae. Maputi, halos singtangkad ko, lagpas balikat ang rebonded at itim na buhok, naka uniform ng pang BA Communication which is white and black at may red na necktie.

Nang lumingon si Luke para maghanap ng mauupuan ay nag iwas ako ng tingin. Baka sabihin pa stalker ako. Nakita ko sa peripheral vision ko na umupo ito three tables away from us. Umupo din sa harap niya yung magandang babae.

Sinistsitan ko si Michiko na wagas kung makatingin sa pwesto nila Luke at nung babae. Nagtaas siya ng dalawang kilay.

"Sino yung babae?" Patay malisyang tanong ko.

Kumunot ang noo ni Michiko. Mabilis siyang lumingon ulit kila Luke bago tuluyang itinuon ang pansin sa akin.

"Si Violet. Violet Mercado," sagot niya. "BA Com student, anak nung may ari ng pinakamalaking manufacturing company dito sa probinsya. May branch din sila sa Manila. Actually, sa kanila nagpapamanufacture sila tito Carlos."

Halata ngang anak mayaman itong si Violet. Now, what does she have to do with Luke? Wait, bakit ang tsismosa ko? Wala dapat akong pakialam. Pero kasi, there's something interesting about her. 'Something interesting about her' ba talaga o gusto mo lang malaman kung anong ginagawa niya with Luke? A small voice in my head pried.

"Kung nagtataka ka kung bakit magkasama yang dalawang iyan, hindi ko din alam. Baka nagkabalikan na? Di ako sure," dagdag ni Michiko na nagpakunot ng noo ko.

"Nagkabalikan?" Kuryusong tanong ko.

Tumango ito pero hindi agad sumagot dahil ngumunguya ito ng pagkain niya.

"Mag ex iyang dalawang yan," sabat ni Mabel.

"Kaso last year pa sila nag break. Ngayon nga lang namin ulit nakitang magkasama yang dalawang yan eh. Baka nagkaayos na," dagdag ni Monette.

"Ah, okay," sagot ko, my voice came out nonchalantly more than I intended it to be. Itinuloy ko na lang ang pagkain.

What am I supposed to say ba? Ayoko din namang magtanong pa. Baka ano pang isipin ng mga pinsan ko.

So nasaan na yung sinasabi mong 'handa akong kidnapin ka, maidate lang kita'? Napailing ako sa naisip. Ayoko yung ganitong pakiramdam na parang.. naiinis ako! Wala dapat akong reaksyon tungkol dito.

'Sige pa, bolahin mo pa sarili mo Empress', came from that little voice inside my head again.

*****

Huling subject ko na para sa araw na ito. Wala akong kaklase ni isa sa mga pinsan ko. But you know what's so lucky--not? Kaklase ko na naman sa subject na 'to si Luke. Actually, kaklase ko siya sa halos lahat ng subject ko. I don't know if it is just coincidence or what. But I couldn't care less.

Lumabas na ako ng classroom pagka dismiss sa amin. It is almost 5pm and I highly doubt kung nandito pa sila Michiko. Hindi ko alam yung ibang schedule nila. Hindi din nagtext si Toffy at King kaya most likely mag isa talaga akong uuwi. At good luck talaga sa akin dahil magtr-tricycle ako.

Nagmadali akong maglakad dahil bukod sa hapon na ay may iniiwasan ako.

"Manila Girl!"

Speaking of which. Napairap ako at nagtuloy sa paglalakad. Hindi naman Manila Girl ang pangalan ko para lumingon ako.

"Empress.." Tila paos at malalim na boses ang narinig ko sa tabi ko.

Nilingon ko si Luke. Those familiar brown eyes met my gaze. Nagsimula na namang sumayaw ang puso ko. Mawawala na naman sana ako sa sarili ko nang maalala na dapat pala ay inis ako at hindi ko dapat siya kausapin. Nagpatuloy ako sa paglalakad.

"Sungit," narinig kong bulong niya. Straight face pa rin ako. "Mag isa kang uuwi?"

"May nakikita ka bang katabi ko maliban sayo?" Sagot ko nang pasarkastiko. I shouldn't be talking to you but since you asked for it, then bear with my sulky mood.

"Sabay na tayo.." Tahimik na sabi niya at sinabayan ako sa paglalakad nang may tumawag sa pangalan niya. Si Violet.

Medyo napatigil si Luke at nilingon ang tumawag sa kanya. Nagtuloy lang ako sa paglalakad na parang walang narinig.. Na parang walang pakialam. Hell, I really don't care. Kahit mag-PDA sila basta wag sa harap ko! Not if they don't want me to puke right on their faces. Ipinilig ko ang ulo ko para itaboy ang mga mapait na naiisip. God, I feel like I'm so bitter! Kulang ako sa happy hormones nitong mga nakaraang araw simula nung nalaman ko iyong tungkol kay Luke at Violet. Ewan ko ba.

"Wait-- Empress--.."

Hindi ko na siya pinansin at dumiretso sa labas ng gate at paradahan ng tricycle.

"Magsama kayo ng Crayola mo", di mapigilang bulong ko.

Naghanap ako ng bakanteng tricycle. Aarkilahin ko na lang kaysa maghintay ng kasama o makipagsiksikan sa iba.

"Manong, sa Sto. Ignacio. Kila Topher Cabrerra," wika ko sa driver.

"Nako maghihintay pa tayo ng kasama mo ineng. Kung gusto mo doon ka na lang sa kabilang tricycle. Isa na lang ang kulang roon," sagot niya at itinuro ang tricycle sa unahan nito na may apat na sakay. Tatlo sa loob at isa pa lang ang nakaangkas sa likod ng driver.

"Kuya magkano ho ba kapag arkila?" Tanong ko.

"Nako, sigurado ka ba ineng?" Tumango ako. "Singkwenta na lang."

"Sige po, tara na," wika ko at nangapa ulit kung paano pumasok sa loob ng tricycle. Mas mahirap pala dahil nakapalda at heels ako. Todo yuko pa ang ginawa ko.

Nang makasakay ay pinaandar ni manong ang tricycle pero may mabilis na sumakay sa tabi ko. Nalanghap ko ang pamilyar na amoy ng pabango.

"Manong sasama ako rito. Ako na ang magbabayad sa arkila namin. Sa Sta. Terisita ho ang tuloy ko," wika ni Luke at nilingon ako nang nakangiti.

Nakayuko ito ng todo dahil sa tangkad niya. Nakakapit siya sa itaas na bahangi ng pintuan ng tricycle at bumabakat ang mga biyak ng braso nito sa kanyang uniform. Humubog din sa black slacks nito ang matikas niyang mga binti.

Napaiwas ako ng tingin mula sa pagkakatitig sa katawan nito. Shit talaga. Sinasapian ako ng kamanyakan kapag katabi ko ang loko.

"Snob naman nito," pabirong wika niya habang umaandar ang sinasakyan namin. Todo kapit ako sa bakal sa gilid ko dahil feeling ko ay tatalsik ako palabas ng tricycle dahil sa pag alog nito.

"Hindi kayo sabay ng girlfriend mo?" Patay malisya at malamig na tanong ko. Even the words taste like bile in my own tongue.

"Di ba sabi ko sayo ako sasabay?" Sagot niya. Hindi ko siya nilingon kahit kita ko sa peripheral vision ko ang pagtitig niya sa akin.

There! Hindi niya man lang idineny na girlfriend niya yung Crayolang iyon! Siguro nga sila na ulit. Eh bakit nandito ang asungot na 'to at kasama ko? Don't tell me pinaninindigan niya talaga iyong sinabi niya noong 'true to his words- true to his words' na iyon? Pwe! Neknek niya. Single lang ako pero hindi ignorante ano!

"Ang tahimik mo," komento niya.

Pakiramdam ko ay ang bagal ng biyahe. Binago na ba yung daan? O baka mabagal lang talaga ang takbo ni manong? It feels like I couldn't fathom being here, sitting so close with a god like creature inside a very small space. It feels claustrophobic.

"Kailangan ko bang mag ingay?" Inirapan ko siya.

Naiinis pa rin ako. Naiinis ako sa kanya at sa sarili ko. Hindi ko kasi maintindihan kung bakit ako naiinis. Ilang araw ko nang hinahanapan ng tamang rason ang pagkainis ko but I always come up with the reason that he and Violet were most likely back together now-- well, according to what rumors say.

Hindi ako sanay na ganoon kababaw at ka-irational ang dahilan ko para sa nararamdaman ko. Kasi usually, I always figure out rational and valid reasons for what I feel and what I do. These past weeks I find myself and emotions being uncontrollable. I feel like I am a different person when it comes to Luke. Is it bad? God, I'm confused.

"Why are you suddenly being so sarcastic? May period ka ba?" Natatawa nitong sagot. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Wag mong idamay ang regla ko dito Marquez," matigas kong sabi. Ewan ko, bigla akong nakaramdam ng init ng ulo. Goodness, ano bang nangyayari sa akin?

Tahimik na humalakhak si Luke at bahagyang kinurot ang kanang pisngi ko. I sent him a death glare.

"Hindi mo ako masisindak sa tingin mo Manila Girl. Maganda ka pa rin kahit ganyan ka tumingin," ngumiti ito sa akin at itinuon ang paningin sa malawak na bukirin na nadaraanan namin. Hindi naalis ang ngiti nito sa labi.

Nag init ang pisngi ko sa sinabi nito at parang bulang nawala ang pagka inis ko. Hanep, isang compliment lang sa kumag na ito nawawala ang galit ko at nagwawala ang sistema ko. Nilipad yata ng ngiti niya ang lahat ng inipon kong kasungitan.

"Flirt," ismid ko rito at sumimangot. Nilingon niya ako nang nakangiting pang-asar.

"Flirting and appreciating are two different things Manila Girl. Kapag sinabihan kita ng maganda, appreciation iyon. Kapag nginitian kita ng malagkit--..," he paused and smiled flirtatiously. "Flirting ang tawag roon. And what I was trying to do is both."

Halos malaglag ang panga ko. Leche. Leche talaga! Anong karisma ang dumadaloy sa dugo ng Adonis na ito at napapanganga na lang ako sa lahat ng sinasabi at ginagawa niya? At anong klaseng pangungulam ang ginawa sakin para mabaliw ng ganito?!

"Manong diyan lang sa tabi!" Wika ko nang marating ang harap ng bakuran namin. Inihinto naman ni manong ang tricycle.

Kusa nang lumabas ng tricycle si Luke para makadaan ako. Naglabas ako ng pera.

"Bayad ho," wika ko sabay abot ng fifty peso bill.

"Ako na ang magbabayad," pigil ni Luke. Sinamaan ko siya ng tingin. Nalilito naman si manong kung kukunin niya ba ang inaabot kong bayad o hindi.

"Ako ang magbabayad," matigas kong sabi.

"Hindi naman natin hahayaang ang magandang dilag ang magbayad, di ba Manong Tino?" Ngumisi ito sa driver bago humarap sa akin. Pinasadahan niya ng tingin ang kabuoan ko at sumimangot. "Bakit sa ibang kadepartment natin normal naman ang itsura kapag nakauniform?"

Bumulong bulong pa ito ng ibang hindi ko naintindihan. Biglang nag init muli ang ulo ko dahil sa narinig kong sinabi nito. So hindi ako normal sa paningin niya, ganoon?!

"Aba'y bakit? Mukha ba akong abnormal dito sa uniform niyo Marquez?!" Pasinghal kong tanong.

Nanatili siyang nakasimangot at pinag aaralan ang kabuoan ko. Ako naman ay nakatayo lang sa harap niya at nag ngingitngit. Eh di si Violet na ang maganda at normal sa paningin niya! Leche.

"Masyadong bagay at sexy sayo ang uniform mo. Maganda ka na nga, lalo ka pang gumanda. Lintik naman, baka maraming magkagusto sayo. Makapag suggest nga sa Dean na magpalit ng uniform ang department natin," mahina at kunot noo niyang wika saka sumakay na sa tricycle. It was like he was telling this more to himself than me.

Nakaalis na ang tricycle at lahat ay nakatunganga pa rin ako at ipinoproseso ang narinig. Nang marealize ang sinabi nito ay napatirik ang mga mata ko at gumuhit ang kinikilig na ngiti sa mga labi ko.

Damn, did he just complimented me in a jealous way? Napahagikhik ako at pumasok ng bahay.

Continue Reading

You'll Also Like

2.9M 179K 59
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
4.6K 224 47
The goddess of hunt meets her Arrow. And they both conquer the sky. Their love turns, spin and reach rock bottom. But the sky shelter them with color...
3.7K 594 34
Ocean In Your Eyes "Fallin' to the ocean in your eyes..." He's lost but he found her. (unedited)
7.8M 230K 55
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...