Want You Naked

By LadyPALE

209K 4.2K 567

Herfranta Series 1 More

WANT YOU NAKED
PROLOGUE
Chapter 1: Arcane*
Chapter 2: Vanish*
Chapter 3: Tyro* SPG
Chapter 4: Enceinte* SPG
Chapter 5: Breadth*
Chapter 6: Fascimile* SPG
Chapter 7: Inkling*
Chapter 8: Chivy*
Chapter 9: Statue*
Chapter 11: Surcease*
Chapter 12: Oppugn*
Chapter 13: Ireful* SPG
Chapter 14: Outré* SPG
ADVERTISEMENT
Chapter 15: Affright*
Chapter 16: Hark*
Chapter 17: Strut*
Chapter 18: Compel*
Chapter 19: Relish*
Chapter 20: Foreboding *

Chapter 10: Recount*

6.6K 173 12
By LadyPALE


"Tapos na Sir." Sabi ko habang tangang nakatitig pa rin sakaniya.

"I know."

Kinuha ko agad ang phone ko at binalik sa bulsa ko nang mabalik ang ulirat ko. I don't know if padramang eexit na ba ako o pauunahin ko siya, since siya ang dalaga dito?

"Yung mga kapatid mo, hinahanap ka na nila panigurado." Naiilang na sabi ko. Pano ba naman kasi hanggang ngayon nakatitig pa rin siya saakin.

Na-statue nga talaga siguro siya sa beauty ko kaya ganon?

"I'm sorry." Panimula niya, "I have so many issues with my life and I'm sorry if I have to get you involve everytime." Oh? Anong nakain niya't nagsosorry siya?

Medyo sinuntok ko yung braso niya at awkward na tumawa, "Wag ka ngang ganyan, sadyang pa-hero lang ako kaya ganun. He-he." Grabe, ang awkward. "Hmm, kung sabihin mo kaya saakin ang problema?" Medyo seryosong sabi ko na.

"Pag nalaman mo, mas mangingialam ka."

"Hala!" Nakakahurt yung nangingialam ako.

Tumawa siya bigla- wait, teka, sandali. Totoo ba to? Mapapanalangin ako nito ng sampong Ama Namin at sampong Hail Mary eh.

Tinitigan ko siya ngayon, tumatawa nga siya! Himala!

"Marunong ka..." tinuro ko siya, "Marunong ka pala tumawa Sir?" I asked in horror.

"I do."

"Eh, bakit ngayon lang kita nakitang tumawa?" Akala ko kasi pa-cool lang siya palagi, tulad ng ibang mga boss.

Nagshrug lang siya kaya napatahimik na kami. Wala niisa saaming kumibo kaya brineak ko na ang ice, haya! "Sir." Sabi ko. "Alam mo, nakakalito." Tiningnan niya ako kaya umiwas ako, "Palagi kitang nakikita kahit saan, destiny na ba to sir?"

"Wala tayong spark, asa ka."

Napatawa ako, oo nga naman. "Seryoso, andami ko kasing question sayo pero kahit isa di mo naman sinagot."

"We're not that close, so why would I?" Pakipot niyang sabi.

Ahhh, close pala ah. Umusog ako sakaniya, "Gaano ka close ba ang gusto mo Sir?" Umusog ako ulit na ikinabahala niya, "Oh, close na tayo."

"Shut up."

"Bakit ikikiss mo na naman ako?" Patukso ko, naalala niya yung nangyari kaya napatawa siya. "Wag ka ngang tumawa, tirisin ko nipples mo dyan eh." Pabulong ko.

"You're saying...?"

Nginitian ko siya, "Wala po. Sabi ko, tsansing ka po." Sabay kaming napatingin sa kamay niyang nasa hita ko, natigilan kami pareho hanggang sa inalis niya na ito.

"He-he." Tumayo ako, ang awkward. "Sige po, trabaho na ako ulit. Kthankssalandianbye." Patakbong lumabas ako, at nang makita ako ni Lani, nagtakang napatingin siya sa akin.

"Bakit ka pinagpapawisan? Nangyari sayo girl?"

Mabilis na umiling lang ako at patakbong pumasok ng CR. Lintek. Napahawak ako sa dibdib ko at pinisil-pisil- joke, umupo ako sa toilet at napahawak sa dibdib ko dahil sumisikip. May heart attack ata ako.

Ugh, mahihimatay yata ako. Ughhh.

*knock knock*

"Dora, hinahanap ka ni Manager."

Bwisit. Nagdadrama pa ako dito eh. Lumabas ako sa cubicle at nakita si Nathalie, "Alam niyo bang masamang dinidisturbo ang taong natatae?"

Tiningnan niya ako ng nakakaloko, "Natatae mo mukha mo, nakita kita hoyyy, lumabas si Sir Current sa Cell pagkatapos mong lumabas."

Natigilan ako. "Marami bang nakapansin?" Kabadong tanong ko.

"Wala, ako lang." Hinampas niya ako sa may pwetan, "Ikaw ha."

Namula ako. Wala namang nangyari sa loob eh. Hinupuan niya lang ako. Char.

"Walang nangyari ah!" Sabi ko, "Kayo nga dun ni Manager eh. Maglock nga kayo minsan."

Napatawa siya at biglang pinakita niya saakin ang kaliwang boob niya na may tatlong hickeys, wow, parang gusto ko din yan. "Kanina lang yan." Proud niyang sabi. "Tinutulongan ko kasi siya." Naging seryoso na ang itsura ni Nathalie ngayon, "Alam mo naman ang nakaraan namin diba?"

I nod at napa sigh na lang.

"So, bakit niya daw ako pinapatawag?" Pag iiba ko.

"Si Sir Current kasi, may iniwan na note para sayo. Sige na." Hinila niya na ako at sabay na kaming lumabas.

Note? Ano na namang drama ng dalaga na yon?




...




"Parmesan, sit."

Excited na nagabang ako sa gagawin ni Parmesan nang biglang humiga lang siya ulit. "Ehhh, Parmesan, dapat may alam ka kahit isang command or trick." Sabi ko at pinilit siyang itayo pero wala yata siya sa mood. "Ugh, you should learn at least just how to sit. Para naman paguwi ng dalaga nating boss eh ma impress siya't marunong ka nang umupo, diba?"

Tiningnan niya ako pero dinedma ulit.

Napahiga na lang ako ulit at gumulong gulong sa kama ni Parmesan. Buti pa ang aso na'to ang lambot ng higaan. Sir Current must be so gallant when it comes to his dog, eh ang gara ng kwarto ni Parmesan eh.

Itong four-poster bed niya na may lace curtains eh ang sosyal sosyal na. He has his own dog bathroom, marami din siyang laruan dito, atsaka may closet din siyang maraming damit. It's like Parmesan is his own child.

May sariling yaya din si Parmesan pero nag off muna kasi nagkasakit kaya ako ang nagtake charge.

Ang swerte ng aso nato, ang sarap ihanger. Kainggit!

Nanatili akong nakahiga sa tabi ni Parmesan at hinihimas-himas ang noo niya. "Are you sick? Gutom ka ba, ha baby?"

Nag roll over siya palapit saakin at hinug ko na lang. Namimiss niya siguro si Sir Current. Ang tagal naman kasi ng tahong na yon. May meeting kasi daw siya sa Ilocos, makakuwi lang daw siya pag 8:00 PM na. Dapat lang di siya mal-late, may trabaho pa naman ako mamaya.

Namimiss na ako panigurado ng Esoteric ko. Hihi

Pinapakain ko ng dog food si Parmesan nang biglang dumating si Howl. Oh? Andito siya?

"Howl." Tumayo ako agad.

Nagsmirk siya. "Hi Dora." Tumingin siya kay Parmesan pagkatapos saakin, "Current asked me to check you guys here." Kalmadong sabi niya. He put the bag he was holding sa may sofa pagkatapos ay lumapit siya saakin. "Mal-late siya, okay lang bang hintayin mo pa siya?"

I pursed my lips, "Hmm, basta ba di super late, okay lang."

"Why, do you have other plans for tonight?" Suspicious na tanong niya. Umupo siya sa sofa at nagcross legs. Ang smooth niya talaga gumalaw, Current smooth version yata siya. Si Sir Current kasi sobrang manly. Yung tipong lahat ng bahagi ng katawan niya, matigas.

Gano rin kaya katigas ang ano niya... okay shut up.

"Ah, wala naman..." deny ko sa tanong niya. If may alam man siya sa Esoteric, ayokong masyadong ipahalata na dun ako nagtatrabaho. Ayokong maging judgmental, pero I should follow my instincts.

Nagkwentohan pa ulit kami ni Howl, like what we did sa bahay niya. After all, Howl is nice to talk to. Weird nga lang siya minsan sa pananalita. Like his words are deep, as if may mga ibang meaning ang mga sinasabi niya. Mga ganun. Pero choks na, atsaka gwapo pa.

"How is Current to you?"

Napalingon ako sakaniya, "Huh?"

"I mean..." kinakain namin ngayon ang dala niyang dried mangoes. First time kong kumain nito kaya nakaubos ako ng 3 packs. "How does he treat you? You two seems to get along well. Legit told me you were there when he got shot."

"Andami mong alam." Sabi ko, "Hmm, okay naman siya. Kaso ang gulo niya. Nasa lahi niyo na yan noh?" Lumamon ako ulit.

Tumawa lang siya at inaming complicated nga daw ang mga ugali nila, moody at indecisive minsan. Pero sinabi niya naman saakin na masarap daw sila magmahal.

Buti sana kung nakakain yang pagmamahal eh.

"Hmm. Pwede ba akong magtanong?"

"Kanina mo pa yan ginagawa Dora."

"Ay oo, tama." Nagshift ako ng position at mas lumapit  sakaniya, "Gano kayo ka close ni Sir Current? May alam ka bang dirty business ng kuya mo?"

Tinawanan niya lang ako at umiling.

"Seryoso? Eh may alam ka ba sa flash drive niya?"

Nakita ko namang biglang nag puzzle ang mukha niya, "What flash drive?"

So di niya alam? Sasagot na sana ako nang biglang tumahol si Parmesan, at sabay nun ang pagbukas bigla ng pinto, "Sir Current." Agad na napatayo ako. His face looks...

"Howl." Sabi niya at biglang naglakad paalis. Oh, nagwalk out?

Sumunod si Howl sakaniya palabas and I was left here alone dahil lumabas din si Parmesan para habolin ang padadrama ng dalaga naming amo.

Ano kayang problema non? Sumilip ako at mula dito sa may pinto ay kita ko silang naguusap. Sir Current's face is damn serious at halata namang chill lang si Howl sa pakikipag-usap sakaniya. Nang biglang...

Anong-!

Walang alinlangang napatakbo ako sa kanila nang biglang nagsusuntokan na ang dalawa. "Tama na! Ano... ba?!" Pilit na hinahatak ko si Sir Current habang nilalayo naman ng mga security team ni Current si Howl.

"Baliw ba kayong dalawa?!" Sigaw ko. I was extremely panting dahil sa pag-awat ko sakanila at tiningnan si Sir Current na hawak-hawak ko. "Nagpromise ka." Mahinang sabi ko na ikinaiwas tingin niya lang.

"Bwisit."

Nilapitan ko si Howl para macheck ang gilid ng labi niyang nagalusan. "Howl..." akmang hahawakan ko ang sugat niya nang umiling siya't nginitian lang ako.

"I'm fine." Tiningnan niya si Sir Current sa may likuran ko, "Don't worry... angel."

Angel? Sinong angel? Napalingo-lingo ako, ako lang naman ang babae rito ha?

"Si Angel ka ba?" Tanong ko sa lalakeng humahawak kay Howl, ngunit umiling lang siya. "Si Dora ako, kailan pa ako naging angel?"

Ngumiti lang siya ulit at hindi ako sinagot.

"Leave my house, Howl." Si Sir Current, "Now."

"Pero Sir, kailangan ko pa..."

"I said be gone!"

Napapitlag ako sa boses niya, first time ko marinig si Sir Current na ganito kagalit. What's wrong between these two? Ano ba kasing nangyari?! "It's alright." Hinawakan ni Howl ang pisngi ko, "Thank you Dora."

Nang makaalis na si Howl, diritsong naglakad na siya kung saan. "Sir Current."

"Sir..."

"Leave me alone."

Napahinto ako. Eh di, leave. Sus, akala niya naman hahabolin ko siya sa pagdadrama niya.

"Ah, manang. Ano po bang gusto na pagkain ni Sir Current?" May tatlong maids dito at kaming lahat eh nasa kitchen para magtsimisan sa nangyari.

"Nako ma'am. Di po siya mapili sa pagkain." Sagot ni Beth na halatang nasa 20s pa.

"As in?" Sabi ko, "Eh ano nga mas napansin niyong nasasarapan siya na pagkain?"

"Kahit ano nga po."

"Nako, hija." Si Manang, "Totoo ang sinasabi ni Beth. Kahit anong hinahanda namin kay Sir, kinakain niya. Wala din siyang mga nirerequest na ulam tuwing naghahanda kami."

Aba aba, hindi pala mapili ang dalaga.

"Hmm, sige. Handaan niyo na lang siya ng kahit ano Manang, ako na maghahatid." Nagluto na si Manang kaya kami na ni Beth at KC ang nagtsismisan.

"Ma'am nakakaloka, bakit kaya nagsuntokan ang dalawa noh?"

"Wag mo nga akong mina ma'am-ma'am dyan KC, nakakatanda para sa beauty ko yan. Mayghad."

"Baka siguro ma'am nahuli kayo ni Sir Current na naglalandian ni Sir Howl kaya na beast mode."

Nalalandian?!

"Gusto mong saksakin kita nitong kutsilyo Beth?! Maganda lang ako, pero hindi ako malandi!"

"Ma'am wag ma'am, nakakaloka kayo ma'am!"

Binaba ko na yung kutsilyo, "Sabing wag ako i'maam eh."

Nilapitan ako ni Jerome The Handsome Bald na palaging kasama ni Sir Current, "Pinapatawag po kayo ni Sir Current sa kwarto niya, Miss Ramirez."

Sa kwarto niya? Agad na napatakip ako sa katawan ko, "Kuya, pakisabi sakaniyang bata pa po ako."

"Wag kayo mag-alala ma'am. Hindi yon interesado sainyo." Sabi niya kaya napahinto ako sa pagdadrama at napahagikhik lang ang dalawang bruha sa gilid ko na sinamaan ko lang ng tingin. "Ibibigay niya lang po ang bayad niyo bilang pagbabantay kay Parmesan."

Pera...

Nagningning bigla ang mga magaganda kong mata. Agad na napatayo ako at kinuha ang phone ko sa mesa, "Ay yun lang naman pala. Tara na Kuya, ituro mo na kung saan ang pera ko- ay este si Sir Current."

Nakaupo si Parmesan sa may paanan ni Sir Current na nanunuod ng TV sa kwarto niya.

"Sir."

Agad namang kinuha ko yung sobre na iniabot niya. He didn't bother to look at me behind him. Nang binilang ko, 3 thousand lang. Ang kuripot talaga nito. Di niya ako kinausap kaya naisipan kong gulatin siya na parang batang inaaliw.

"What the fuck are you doing?" Mahinahin niyang sabi.

"Ginugulat ka po, Manager ni Manager."

Nakatingin pa rin siya sa TV, "You better get workshop for that."

"Marami naman pala kayo dito Sir, pinabantay niyo pa talaga saakin ang alaga niyo eh pwede naman sila."

Di man lang siya nageffort na lingonin ako. Sungit!

"Uuwi na po ba ako?"

Ngayon nakatuon na ang mga mata niya saakin, "Go home. May trabaho ka pa..."

Natigilan ako sa sinabi niya. Bakit alam niyang...

"bukas."

Napahinga naman ako ng maluwag. Akala ko naman... I gritted my teeth, God, Dora, hindi niya alam okay, wala silang alam. Tumahimik ka.

I let a deep sigh, "Okay." Sabi ko.



"With you every battle is worth it."

Seryosong sabi niya habang nakatingin saakin, nilabanan ko naman ang mga titig niya at ngumiti ng bahagya. "Please, wag ka na sana masangkot sa gulo. Natatakot ako para sayo."

He close his eyes in a bit, at nang tiningnan niya ako ulit...

"I promise."





Gusto kong umalis na pero di ko maigalaw ang mga paa ko. "Ano ba kasing nangyari?"

"It's nothing with..."

"Nagpromise ka." I cut him short, nakatayo lang ako dito sa may likoran niya at nanatiling nag abang sa susunod niyang sasabihin. He became silent so I continued, "Current Gregory."

Nakita kong natigilan siya sa pagbanggit ko ng full name niya.

"I told you, I don't want you to get involve."

"But I already am!"

Huminga siya ng malalim tsaka siya tumayo at hinarap ako. His looks is deadly, pasalamat na lang ako sa sofa na nasa gitna namin bilang at least barrier.

"Don't you raise your voice at me Dominique Hearth Dorothy." His tone was firm.

Alam niya ang fullname ko rin. Damn

"I'm sorry po." Sabi ko na lang at umiwas ng tingin, "Uuwi na ako. Salamat dito." Referring to the money.

I was halfway to the door nang biglang tinaholan ako ni Parmesan. He was blocking my way.

"Parmesan." Yumuko ako at kinarga siya. "Aalis na ako. Andito na si Bossxz.26 eh." Pabulong na sabi ko, "Galit pa din siya."

"Baby..."

Napatingin ako kay Sir Current na nakatingin din saakin.

"Let her go."

Agad na napatalon si Parmesan pababa, nilingon niya muna ako bago siya tuloyang lumapit sa amo niya.

Baby

Nang makalabas ako sa kwarto niya ay doon lang ako nakahinga ng maluwag. I don't want to get in that area again, never.

Tse! Paalis na sana ako ng biglang...

"Dorothy."

Napalingon ako kay Sir na nakasungaw ang ulo sa pintoan.

Hah. Gotcha.



...





Lamon lang ako ng lamon habang nakikinig (slight) sa kwento ni Sir Current kung bakit sila nag-away ng kapatid niya. He just simply said  misunderstanding.

"Eh, hindi rin naman tayo nagkakaintindihan ah, sinuntok ba kita?" Tanong ko at uminom ng lemonade.

"That's different, moron."

I tsked. Ang sabihin mo brutal ka lang. "Siguro nagagawa mo lahat ng gusto mo sakanila kasi panganay ka."

"I'm not..." umiwas siya ng tingin, "taking advantage."

"Mabait naman si Howl ah. Alam mo, masyado ka lang nagiging matigas sa mga taong nasa paligid mo... Sir."

"I'm not. Alam ko kasi na mali ang ginawa niya. Just it."

"At sinuntok mo na agad?"

Tiningnan niya ako ng matalim, his brows arched, "He's hardheaded, di mo lang alam."

"Mabait naman siya ah."

"You don't know Howell that much, Dorothy."

Di ko lang alam. Sabagay, gano ko ba kakilala ang lalakeng yon? He's nice to me... pero paano kaya sa iba? Is he trying to tell me may ibang side din siya?

We all do, but...

"Don't get too close to him." Uminom din siya ng soda niya at nagpatuloy, "He's dangerous."

"How about you..." wala sa sariling sabi ko, "Paano naman ikaw?"

"Are you thinking I'm dangerous?"

"Hindi ba?"

Nagtitigan lang kaming dalawa hanggang sa nag exhale siya. "Dorothy."

"Marami din akong hindi alam sa'yo Sir." Seryosong sabi ko.

Napatigil lang kaming dalawa nang pumagitna saamin si Parmesan, humiga siya sa sahig na inuupuan namin.

"Kung di lang kita amo, nako, matagal na kitang pinagmumura." Sabi ko at hiniga ang ulo ko sa sofa na nasa likuran namin.

"I mess up sometimes. Kaya sa tingin ko, I deserve that."

Napangiti ako, "Gago ka." Sabi ko pagkatapos ay sinuntok siya sa braso ng mahina.

Tiningnan niya lang ako hanggang sa napangiti siya, "I did intentionally put the flash drive in your bag. I was getting insentient that moment and all I wanted to do is to keep the flash drive safe. Sorry if I faked the moment we went back, I thought of other ways to make you realize about the flash drive. I should've asked you directly instead. Di ko naman alam na nasundan na naman pala ako."

Nakikinig lang ako sa confession niya, gusto ko magtanong pero tuloy-tuloy kasi ang pagsasalita niya kaya hindi ako makatawid.

"I've heard every time out mo, nag t-take out ka ng Pretzel. I saw you when you entered the convention, I admit I was shocked to see you there. Hanggang sa nakita kita sa booth ni Legit, you're looking at that Pretzel so I got it for you."

Napasinghap ako. Nag effort pa talaga siya, char.

"I was in the coffee shop because my sister was there, sa KFC, Arriety loves their fries that's why we're there. All were coincidence."

Napa ahh lang ako sa bawat confession niya. Coincidence lang ata siguro lahat. Nakakapagtaka lang kasi kung saan ako, nandun siya.

Feeler ka lang kasi.

Bwisit ka!

And also, everytime he's in trouble, palaging nililigtas ko siya. Sa aming dalawa, ako ang hero.

Napaisip ako bigla sa flash drive. "Anong laman ng flash drive?" Tanong ko, "Sana pala tiningnan ko yun." Sayang.

"It's about business. Some people are trying to sneak in our company to gather information. It's just plain trouble we got everytime sa business, and I hate it. It was Howl's job kaya ganun na lang ako kagalit."

Halatang galit nga si Manager ni Manager sa mga sinabi niya. That's the problem with rich people, andami nilang responsibilities, andaming problema. Lalo na siguro kay Sir Current dahil nasakaniyang kamay na ngayon ang malaking negosyo nila, tapos sa Curresto pa. He must do his duty dahil na rin siya ang panganay.

Napunta sakaniya lahat ng pasakit.

Hinahaplos-haplos ko si Parmesan na nakikinig lang saamin. Si Sir Current naman iniinom yung can niya, hanggang sa naubos niya na.

The bruise is still in his face, pero maliit na lang. For sure, pinapaderma niya yan. Sayang naman kasi ang makinis niyang mukha.

"Dorothy... are you listening?"

Napapitlag ako, "Huh? Po?"

Nakita kong napa roll eyes ang dalaga. "I'm talking to you."

"Sorry naman po ah, kinocompliment pa kasi kita sa isip ko."

Tinitigan niya lang ako hanggang sa napangiti siya ng nakakaloko.

Inirapan ko na lang siya, "Honest kasi ako."

Natahimik kaming dalawa sandali nang marealize kong may isang nangyari siyang hindi nakwento. That night when I saw him unconscious in his car.

"Sinong bumogbog sayo?" Tiningnan ko ang sugat sa may labi niya na hinawakan niya saglit.

His face looks subsided. Ayaw niya ba yong pagusapan?

"I understand..."

"I just saved someone." Tumingin na siya saakin, "That's all."

Kung ganon, ako ang hero niya, pero hero din siya sa iba. Ganun ba yon konsensya?

Oo, tanga! Maliit na bagay, di pa marealize.

So, ganun nga talaga. At kaya niyang magpabugbog para maligtas lang yon. I wonder who is that someone.

Ngayon ko lang napansin na may grand piano pala sa loob ng malaki niyang kwarto nang umupo siya dun at nagumpisang tumugtog ng isang piece na di ako familiar.

I can't help but lay my arms and my head sa upuan ng sofa habang nakakikinig sakaniya.

What a sight.

Kung ganito lang kagwapo lahat ng pianist, siguro magkakainteres ako sa orchestra at theatre music.

Medyo malumanay na ang music na tinutugtog niya, pero maganda. The way his fingers touched the keys is so elegant. The melody is so smooth, it's like lulling me to sleep.

To sleep...



...




"Tell her I can't go."

Current instantly hung up the phone and took a glance to a sleeping woman beside his dog. The view of it made his inside ache.

He can't pinpoint precisely what ache he's feeling. For he had been so numb a long time ago.

Tranquilly, he made the ambiance dimmed so Dorothy would feel extra snuggled. His mind wondered if he would lay her in his bed where no one as ever been laid to aside from himself.

Because of course, he can't just let her sleep in that position. That would be very ungenteel of him.

A spare room for visitors are always available. The only thing he has to do is to inform his people to get this lady out of her room.

When he left, a noise from something perked Parmesan up.

The sluggish dog took a glimpse of the phone that made a light flashed into the ceiling above them. It kept ringing that made him unable to get back to sleep. He looked at the sleeping woman on his left for he knew it was hers.

But because he is Parmesan, he didn't bother.








WANT YOU NAKED
L  A  D  Y  P  A  L  E.

Continue Reading

You'll Also Like

826K 27.8K 37
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
50K 3.4K 10
Sta. Maria Series (Herrer Girls- 3rd Generation) ON-GOING
374K 26.6K 232
Rosabella Nataline swore to keep off dating when she got her heart broken two years ago. She kept herself protected and bound by a rule she establish...
347M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...