A Gangster Daddy Story (COMPL...

By princessKG

445K 10.5K 860

I may not be the epitome of a perfect guy, but I promise to be the best father for her and no one will ever l... More

[AUTHOR'S NOTE]
A GANGSTER DADDY STORY
CHAPTER 1 - MEET THE PYTHONS
CHAPTER 2 - MEET THE LEY SISTERS
CHAPTER 3 - TROUBLE
CHAPTER 4 - THE REVENGE PART 1
CHAPTER 4 - THE REVENGE PART 2
CHAPTER 5 - NEW FRIEND
CHAPTER 6 - MEMORIES
CHAPTER 7 - LETTER
CHAPTER 8 - REUNION
CHAPTER 9 - GUESS WHO!
CHAPTER 10 - HE'S BACK
CHAPTER 11 - DON'T MESS WITH THE GANGSTER
CHAPTER 12 - I HATE YOU KUYA!
CHAPTER 13 - THE ONE AND ONLY
CHAPTER 14 - UNEXPECTED MEETING
CHAPTER 15 - THE REVELATION
CHAPTER 16 - FLASHBACK
CHAPTER 17 - HIS CHILD
CHAPTER 18 - REGRETS
CHAPTER 19 - WELCOME
CHAPTER 20 - SMILE
CHAPTER 21 - CRY
CHAPTER 22 - DAY 2
CHAPTER 23 - CAMP
CHAPTER 24 - PEACE, LOVE & WAR
CHAPTER 25 - SURPRISE
CHAPTER 26 - CHANGES
CHAPTER 27 - PLAN
CHAPTER 28 - FEELINGS
CHAPTER 29 - GUN
CHAPTER 30 - SORRY
CHAPTER 31 - PAIN
CHAPTER 32 - LOST
CHAPTER 33 - SOULMATE
CHAPTER 34 - JEALOUS
CHAPTER 35 - DADA
CHAPTER 36 - SHE'S MISSING
CHAPTER 37 - FOR HER
CHAPTER 38 - GETTING READY
CHAPTER 39 - REAL MOTIVE
CHAPTER 40 - FIRST
CHAPTER 41 - THE TRUTH PART 1
CHAPTER 41 - THE TRUTH PART 2
CHAPTER 42 - HIS SECRETS
CHAPTER 43 - GOODBYE PART 1
CHAPTER 43 - GOODBYE PART 2
CHAPTER 44 - NEW LIFE
CHAPTER 45 - DOUBLE TROUBLE
CHAPTER 46 - START OF SOMETHING NEW
CHAPTER 47 - A DAY WITH HER
CHAPTER 48 - AWAKEN TRUTH PART 1
CHAPTER 48 - AWAKEN TRUTH PART 2
CHAPTER 49 - HER VOICE
PLEASE READ
CHAPTER 51 - PRINCESS
CHAPTER 52 - FAMILY
CHAPTER 53 - PLAYGROUND
CHAPTER 54 - THAT GIRL
CHAPTER 55 - ISSUES
CHAPTER 56 - MOMENT OF TRUTH PART 1
CHAPTER 56 - MOMENT OF TRUTH PART 2
CHAPTER 57 - SOMETHING'S WRONG
CHAPTER 58 - KHIAN
CHAPTER 59 - KIEFER'S PLAN
CHAPTER 60 - WRONG MOVE
CHAPTER 61 - REAL STORY PART 1
CHAPTER 61 - REAL STORY PART 2
CHAPTER 62 - HELP
CHAPTER 63 - SPY
CHAPTER 64 - LOVE OR FAMILY?
CHAPTER 65 - HON
CHAPTER 66 - SAVE HER PART 1
CHAPTER 66 - SAVE HER PART 2
CHAPTER 66 - SAVE HER PART 3
CHAPTER 67 - HAPPY PILL
CHAPTER 68 - GIFT
CHAPTER 69 - BAD DAY PART 1
CHAPTER 69 - BAD DAY PART 2
CHAPTER 70 - HAPPY ENDING!
EPILOGUE
[AUTHOR'S NOTE]
SPECIAL CHAPTER - RAM & ELLE
SPECIAL CHAPTER - DANE
CHARACTERS

CHAPTER 50 - FIND HER

4.1K 95 9
By princessKG







~ Harry's POV ~


Kakauwi ko lang ng Pilipinas galing Dubai.


Nagkaron kasi ng problema sa isa naming company doon at dahil sa may sakit si ninong ay ako ang umasikaso nito.


Nagpapahinga muna ko ngayon dito sa bahay bago pumunta kina Khian mamaya. Kahit anong mangyari ay gagawa ko ng paraan para maging okay na kami ni Khian para kay Ashley. Lalo na ngayon at alam ko ng lahat ang totoo tungkol sa mga parents namin. Isa ito sa nalaman ko sa pag iimbestiga ko sa loob ng dalawang taon maliban sa pag papaimbestiga ko kina ate Irish at Kiefer. Isang malaking misunderstanding lang pala ang lahat. Nakakalungkot lang isiping kailangan pang mamatay ni dad. Parehas kaming nabalot ng galit ni Khian sa isang maling paniniwala. Gusto ko sanang sabihin ito sakanila, kaso baka mabigla pa sila lalo na si Khian. Lalo na at comatose pa ang tatay nila. Wala din akong sapat na ebidensyang mapapakita kaya malabong maniwala ito pag sinabi ko.


Haaayy bahala na mamaya. Matutulog na sana ko ng biglang nag ring yung phone ko.


Unknown number? Sino kaya to. Sabay sinagot ko na ito agad.


"Hel......."


"Let's meet. 10am sharp at Safe Haven"


Huh?


"W-wait? Who's this?"


"Khian"


Sabay binaba na nito yung phone call. Napaupo naman ako bigla sa kinahihigaan ko.


Khian?


Clifford?


Malamang Harry sya lang naman yung Khian na kilala mo. And sa Safe Haven pa kayo magkiki.............


WHAAAAT?!


Anong meron? Bat sya nakikipag meet?? At sa Safe Haven pa? So andun si Ashley? Naguguluhan ako.Chineck ko kung anong oras na at nanlaki yung mata ko ng 9:50 na!


"ANAK NG TINAPA!" – agad akong tumayo sa kinauupuan ko at mabilis na nag palit ng damit! Nakakaloko naman tong si Khian! Magbibigay ng oras 10 minutes before ng time! Ugh!


Agad na kong bumaba sa kwarto at pumunta na sa sasakyan. Nakita ko naman yung driver ko  at ng nakita ako ay akmang papasok na ito ng kotse. Tinawag ko naman ito agad.


"Wait! Jeff!", napatigil naman ito sa pagpasok ng kotse at napatingin sakin.


"Sir?"


"I'll drive for today. Give me the key" – nagmamadali kong sabi sabay inabot na nya sakin yung susi at pinaandar ko na agad yung kotse.


*****


Buti nalang at medyo malapit lang yung bahay ko dito sa restaurant ni Ashley. Buti din at hindi traffic. Kakapark ko lang sa labas ng Safe Haven at chineck ko na yung relo ko.


"SH*T!" – agad akong lumabas ng kotse at tumakbo na papasok ng Safe Haven. Pag kakita ko kasi ay 9:59 na!


Hingal na hingal akong pumasok at lahat ng mga mata ng tao ay nasakin. Nagulat naman ako ng nakita ko ng nakaupo si Khian sa waiting area. Sh*t nalate ba ako? Haay! Wait lang .. Hihinga lang ako.


"Oh? B-bat ka andito?! Bat hingal na hingal ka?" – napatingin naman ako sa sumalubong sakin na si Ashley habang hingal na hingal ako at nakahawak na sa mga tuhod.


Oh God! Ang ganda nya!


F*ck! Ano na kayang itsura ko! Baka nakakaturn off na! Ugh!!


Pinandilatan naman ako ng mata ni Ashley at tinuturo ng mga mata nito si Khian na parang sinasabi ngang bakit ako nandito at malalagot ako sa kuya nya.


Hindi nya alam na magkikita kami ng kuya nya?


"Di ko ineexpect na maaga ka ah" – seryosong sabi nito sabay nakatitig lang samin ni Ashley.


"Maaga? --- H-hindi pa --- ba ---- ko late?" – Hingal kong sabi


Nagulat ako ng biglang ngumisi si Khian. Totoo ba to? Ngumiti si Khian? Di na ba sya galit sakin? A-anong nangyari?


"Table for 3. Ley, sumama ka samin." – sabay tumayo na si Khian sa kinauupuan nya at inasikaso na sya ng isa ng isa sa staff nila Ashley.


"Ba-bat ako kasama? Anong pag uusapan nyo? Paano kayo......... TEKA! Kailangan ka pa nakauwi ha?!"


Andami nyang tanong pero di ko to pinansin dahil nacurious ako sa isang bagay.


"A-ashley. A-anong oras na?" – medyo nawala na kaonti yung hingal ko.


"O-oras? 9:35 bakit?"


9....................


"What?!!!!!" – mahinang sabi ko


SH*T! Oo nga pala! 20 minutes late tong relo ko! NAKOO NAMAN HARRY!!! ANG TANGA! HAYST! BAT DI MO TININGNAN YUNG PHONE MO NUNG TUMAWAG SI KHIAN KANINA!


"Bakit?"


"Wala wala"


"Teka nga! Ano na? Kailan ka pa nakauwi at anong ibig sabihin nito ha????" – pang uusisa ni Ashley.


"Kanina lang. Basta tinawagan nalang nya ko kanina na magkita kami dito. Nagkausap na ba kayo after nung nakita nya tayong magkasama last week?? Di ba birthday ng dad nyo kahapon?" – mahinang tanong ko sakanya.


"Actually hindi pa. Dun nga ako natulog sa hospital kagabi, nagising na kasi si dad"


"Really?" – masaya kong sabi. I'm happy for her. Actually, napatawad ko na din naman yung dad nila since alam ko na lahat.


"Yup. Basta ang weird ni kuya ngayon. Kahapon di naman sya ganyan eh. Nagkagulo pa nga kaming tatlo sa hospital eh. Inexplain na kasi lahat ni dad. Hhmm. Ewan ko lang kung nakita na ba nya yung laman ng safety vault ni dad. Sabi ni dad kahapon, buksan nya yun at malalaman nya lahat ng sagot. Then ayan! Parang okay na sya ngayon.. Nacucurious nga ko kung anong nangyari. Onga pala Harry, may kailangan kang malam....."


"HARRY!! ASHLEY! DI PA BA KAYO PUPUNTA DITO?!" – napatingin naman kami ni Ashley sa sumigaw na si Khian na kanina pa nakaupo sa table namin at hinihintay kami. Napatingin namin samin yung mga customer at kay Khian.


"Sorry po. sorry po" – Sabi ni Ashley sa mga customer nito sabay hinila na ko papunta dun sa table namin.


"KUYA naman eh! Nakakahiya sa mga customers ko!" - pagmamaktol ni Ashley sabay umupo na kami. Nasa tapat ako ni Khian at nasa right ko naman si Ashley.


"Eh ang tagal nyo eh!" - masungit na sabi ni Khian. Umorder na pala ito ng shake para saming tatlo.


"Hindi na ko magpapaligoy ligoy pa. Siguro naman alam mo na lahat no?" - sabi ni Khian na nakatingin sakin.


Sa mga tingin palang nya ay alam ko na ang ibig sabihin nito at tumungo nalang ako.


"Alam mo na lahat?" - gulat na tanong ni Ashley na akmang naintindihan din ang tanong ni Khian.


"Yes"


Oo, alam ko na lahat tungkol sa parents namin. Maging yung sakanila ni ate Irish. Yung reason kung bakit hiniwalayan ni ate si Khian at tunay nitong anak si Rhiri.


"Kailan pa?" - tanong ni Ashley


"1 year ago. Isa sa mga pinaimbestigahan ko maliban kina ate Irish at Kiefer ay ang parents ko and parents nyo. Actually 2 years ago pa ko nag start pero last year ko lang nalaman ang lahat. Pati yung tungkol sainyo Khian ni ate, yung reason nya sa pag iwan sayo at pati na din yung ikaw talaga ang tatay ni Rhiri. Naisipan kong sabihin sainyo pagdating kaso baka di kayo maniwala sakin lalo ka na Khian since wala kong sapat na ebidensya at saka comatose pa ang dad nyo kaya yun."


Nagulat naman kami ni Ashley ng may pinatong sya sa harap namin na envelope. May bitbit pala sya nito? Di ko napansin kanina.


"Wala ka talagang makikitang mga evidence dahil tinago lahat ni dad. Well, ayan lahat ng evidence. Dinala ko dito para ipakita kay Ley."


Agad namang binuksan ni Ashley yung envelope. Nakita namin ang mga medical records ng mom nila, mga hospital na pinuntahan nila, lists ng medicines, mga naging doctor nya pati document na nagsasabing personal nurse nito si mom. Nakita din namin yung iba't ibang pictures ng mom nila. Di naman napigilang umiyak ni Ashley.Nakita din nito yung letter sakanila ni Khian ng mom nila at binasa nya ito kaya lalo syang napaiyak.


"M-mom. I miss you" - umiiyak na sabi ni Ashley at niyakap ko naman ito agad.


"Ssshhh. Tahan na. Tahan na. Sige ka malulungkot mom mo nyan, umiiyak ka eh" - sabi ko. Makalipas ang ilang minuto ay tumigil na ito at pinunasan ko naman ang mga luha nito.


Tahimik lang si Khian habang nakatingin sa shake nito. Siguro ay malungkot din sya. Napukaw naman ng atensyon ko yung isang picture. Parang kahawig ni mo........m


Si mom nga. Ngayon ay hawak hawak ko ang picture ni mom at ang mom nila Ashley. Ang saya saya nila. Di ko namang maiwasang ngumiti.


"Sorry" , napatingin naman ako bigla kay Khian. "Sorry sa mom and dad mo. Sorry din sa masasakit na nasabi ko nun sa mom mo at ate mo."


Napangiti naman ako. I know mom and ate are happy now.


"Sa kanila ka dapat magsorry, you know" - nakangiting sabi ko.


Natawa naman sya sa sinabi ko. First time ko lang syang nakitang tumawa ng ganyan.


"Awww! Kuya" ,nakangiting sabi ni Ashley sabay lumipat sa tabi ni Khian. Pinulupot yung mga kamay nito sa braso ni Khian at sumandal. "Finally! Bumalik na yung kuya ko! Yehey! I love you kuya!"


Ngumiti lang si Khian. Nakakatuwa naman silang makitang ganyan. Mabuti naman at okay na sila.


"So, anong dahilan kaya pinapunta mo ko dito? I know hindi lang tungkol sa parents natin ang sadya mo." - sabi ko sabay uminom ng shake. Umalis naman sa pakakakapit sa braso nito si Ashley at tumingin sakanya.


"Help me find her. Rhiri."


"Oo nga pala. Si baby Rhi! Kamusta na kaya sya? Asan na kaya sya?" - malungkot na sabi ni Ashley.


"Pinapahanap mo yung g*gong Kiefer na yun right? May lead ka na ba?" - seryosong tanong ni Khian.


"Magaling magtago yung g*gong yun. Hanggang ngayon ay wala pa din kaming makuhang sapat na impormasyon sakanya. Isa lang ang nasisigurado ko at yun ay hindi pa sya nakakalabas ng bansa"


"Nakakasigurado ka bang hindi talaga sya nakalabas ng bansa? Baka naman nagpalit sya ng pangalan?" - sabi ni Khian.


"Oo. Chineck na sa lahat ng airport ng mga tauhan ko, pinakita nila yung picture at negative ito. Kaya nakakasigurado akong nasa Pilipinas sya"


"1 year ago, may nakapagsabi sa mga tauhan kong nakita nito si Kiefer sa Baguio, base sa picture na nakita nila. May mga ilang tao ding kumumpirma nito. Tinuro pa sa mga tauhan ko kung san sila nakatira pero nung pinuntahan na ng mga tauhan ko, sinabi nung bagong nakabili ng bahay nito na nakaalis na daw sya at lumipat na ng maynila. Tinanong naman sila kung nakita ba itong may kasamang bata pero hindi daw nila alam dahil yung tauhan daw nito yung nakikipag usap sakanila tungkol sa bahay at di pa nila nakikita yung totoong may ari. Pinagtanong tanong din ng mga tauhan ko sa mga kapit bahay nito pero lagi nilang sinasabi na di nila alam dahil bihira lang ito lumabas at lagi pang gabi. Pagkatapos nun ay sinubukan ulit ng mga tauhan kong hanapin sila sa Maynila kaso nabigo sila."


"Hayop talaga yung g*gong yun. Makita ko lang talaga yun. Mapapatay ko talaga sya."


"Ang hindi ko maintindihan, baka pinilit pang kunin ni Kiefer si Rhiri kung hindi naman nya ito anak? Wala naman atraso sakanya si kuya diba?"


"Yun ang hindi ko pa din alam hanggang ngayon"


"Kaya kailangan na nating makita yung g*gong yun. Siguraduhin nya lang na hindi nya pinapahirapan yung anak ko, kung hindi mapapatay ko talaga sya"


"Wag ka mag alala Khian, tutulungan kita" - sabi ko dito.


"Salamat. Sige una na ko. Makikipagkita pa ko sa apat na gunggong. Mukhang miss na nila yung matinong Khian" - sabi nito sabay tumawa.


"Bye" - sabi nito kay Ashley sabay hinalikan sya sa ulo.


"Maiiyak na talaga ko! Kuya! Ikaw na ba talaga yan!" - natutuwang sabi ni Ashley sabay pinitik si Ashley sa noo.


"Ouch!" - sabay hinawakan nya noo nya at nag pout. That damn lips! Ugh!


Naglakad na ito at tumigil sa gilid ko sabay ginulo yung buhok ko.


"Subukan mo lang ulit saktan yung kapatid ko makakatikim ka ulit sakin!" - sabi nito sabay naglakad na.


W-wait? What?!


So it means.......


"So pwede ko na sya ulit ligawan?!!" - sigaw ko dito.


Hindi sya lumingon pero tinaas nito yung kanang kamay nya at nag sign sa kamay nito ng "okay"


"NAKITA MO YUN DIBA?! UMOKAY SYA DIBA?!" - excited na sabi ko.


Nakangiti naman si Ashley at tumungo tungo. Agad naman akong lumapit sakanya at binuhat sya sabay inikot ikot! Nagpalakpakan naman yung mga customer sa loob.


"FINALLY!!!"


"Harry ano ba. nakakahiya sa mga customer" - nahihiyang sabi nito pero natawa naman ito.. Binaba ko naman sya agad.


"Hoy lalake, manliligaw ka pa no, hindi pa kita sinasagot. Kung makapagsaya naman" -pacute na sabi nito. Haha! Ang cute cute talaga ng future girlfriend ko. Nang future wife ko.


"Alam ko namang sasagutin mo ko! Haha! Well, willing to wait naman kahit kailan pa yan. Basta I know ikaw na ang future ko!" - sabi ko sabi lumapit sa mukha nya at kiniss sya sa ilong. Nag "yyiiiieeee" naman yung mga customer. Hinampas naman ako ni Ashley pero syempre mahina lang haha! Nahihiya lang ito pero nakangiti naman.


Hinila ko naman sya palapit sakin at niyakap. Akala ko ay manlalaban sya pero niyakap din nya ko pabalik. Ay nakooo kinikilig ako ano ba! Normal naman to sa lalaki diba? (^____^)


+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+

[A/N] - Okay! Let the finding Rhiri begins! Asan na kaya si Rhiri? Ano ng nangyari sakanya? (^____^)


Rhiri's POV next chapter! Yehey!


Thanks for reading guys! Please VOTE and COMMENT! Gusto ko malaman if nagustuhan nyo ba tong chapter or not. (T____T) Salamat! I love you all!!


- princessKG

Continue Reading

You'll Also Like

242K 8.8K 43
Shan Airelle Luis is a drop dead gorgeous woman who captures the heart of Nathan Clyde Stan, one of the possessive maniacs she'll be living with wha...
2.8M 53.9K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...
Five Days By Kemay

Teen Fiction

4.1K 300 15
Huling limang araw na kasama kita.. Last Five Days that you show me you really love me... but i know, that you just only pretending, so that after th...
101K 4K 44
[ COMPLETE ] "Three words, Eight letters I LOVE YOU" - Skyliex Alvarez "Four words, Eleven Letters I LOVE YOU TOO" - Reign Fabillar 'Sunflower' --- M...