Sky Paradox: Battle of Gangst...

Door pen_and_ink

278K 5.5K 1.2K

(Tagalog) Sky Paradox. Isang amateur band na unti unting nakikilala sa mundo ng musika dahil sa kanilang mahu... Meer

Sky Paradox
Sky Paradox Band
Red Scorpion Gang/ Section Fire
Minor Characters
Prolouge
Chapter 2: Section Fire
Chapter 3: Sakuragi, ang boy basted
Chapter 4: Deal or No Deal
Chapter 5: It's a Cloud-y Day
Chapter 6: Kinidnap si Kambal
Chapter 7: Black Mask Gang
Chapter 8: "Ex"-Mas Light
Chapter 9: Tour Guide
Chapter 10: Ang Muling Pagbuhos ng "Ulan"
Chapter 11: Makulimlim ang "Langit"
Chapter 12: Ang "Piyansi" ni Blue
Chapter 13: The Warning
Chapter 14: B1 vs B2
Chapter 15: Black Letter
Chapter 16: Ang Katapat ni Grey
Chapter 17: Dilemma of a Womanizer
Chapter 18: Ang Pagbabalik
Author's Note
Chapter 19: Red Strikes Again
Chapter 20: The Clash of Thunder and Lightning
Chapter 21: Teamwork
Chapter 22: Teamwork: The Perfect and the Failure
Chapter 23: Sudden Outburst
Chapter 24: Aftermath
Chapter 25: Revelations
Chapter 26: Teardrops
Chapter 27: A Glimpse of the Past
Chapter 28: Friend or Foe
Chapter 29: Unmasked?
Chapter 30: Ang Nawalang mga Alaala
Chapter 31: Friends
Chapter 32: Intramurals
Chapter 33: Ang Pag-Art-e ni Sky

Chapter 1: Babae po ako...

8.3K 140 8
Door pen_and_ink

eto na po ang chapter 1. VOTE AND COMMENT PO SANA KAYO.  :D

CHAPTER 1 – Babae po ako…

Paglabas ni Sky sa kanilang mansion ay nakita niya nang nakaparada ang kanyang sasakyan, ang dream car na matagal na niyang inaasam. Isang puting Mercedes Benz SLR McLaren. Sa wakas ay masasakyan na rin niya ito. Hanggang ngayon nga ay hindi pa rin siya makapaniwala na pagmamay-ari na niya ito. Akala niya hanggang pangarap na lang na mahawakan man lang niya ang sasakyang lahat na ata ng anggulo ay may larawan siyang nakapaskil sa dingding ng kwarto niya dati.

Akmang hahaplusin na niya ang sasakyan nang makarinig siya ng pagtawag sa pangalan niya.

Sky!

 

Sky! Huy gising! Sky!

Huh? Sino yun? Nagpalingon lingon siya nang may maalala at matigilan. “Teka parang nangyari na ito sa panaginip ko ah. Panaginip na naman ba ito? Hindi ko na naman ba mahahawakan man lang ang dream car ko? Huhuhu…” 

Hui Sky! Ano ba pinagsasabi mo diyan?” Nagtatakang tanong ng taong lumapit sakanya at tinapik siya sa balikat.

Ang bodyguard niya ang nakita ni Sky pagkalingon niya. Kararating lang niya kahapon mula sa Italy na tinirhan niya noong bakasyon kasama ang tunay niyang ama na siyang namamahala ng business nila doon. At kahapon lang din siya na-inform na ito ang magiging bodyguard niya. Pero dahil sa matagal na naman niya itong kilala, gawa ng agent ito ng LSG na pagmamay-ari ng pamilya nila Cloud, ay nagkasundo na agad sila. Bagaman hindi niya sigurado kung paano ito nakuha ng lolo niya dahil sa pagkakaalam niya ay sa Investigation Group ito. Nasa early 20’s pa lang ang lalaki and he really live up to the nickname she gave him. ‘Pogi’ as in gwapo talaga ito na kung naging normal lang siyang babae ay kikiligin na siya sa tuwing makakasama niya ito.

O Kuya Pogi, ikaw pala yan. Eh sabi mo kasi gumising ako kaya akala ko nananaginip na naman ako.” Nakangusong sabi niya at napayuko.

Nabatukan tuloy siya nito. “O ayan siguro naman gising ka na. Hehe tulala ka kasi kanina, muntanga lang haha…” 

Arouch naman. Makabatok naman oh… Sumbong kita kay Lolo Tangkad eh.” Naka-pout pa ring reklamo niya habang hinahaplos ang nasaktang batok. Pambihira naman kasi, naturingang bodyguard niya pero ito pa nananakit sakanya.

Weh baka ikaw pa isumbong ko sa mga kalokohan mo.” Nakataas kilay na sabi ni Kuya Pogi sabay ngisi.

Nanlaki ang mata ni Sky. “Ui Kuya Pogi naman di na mabiro. Bati na tayo, di na kita isusumbong. Hehe…” Agad na bawi niya saka nag-peace sign.

Haha… sabi mo eh. O tara na baka lalo kang ma-late.” Sabi na lang nito at linapitan na ang sasakyan ni Sky na kabibigay lang din kahapon sakanya.

Ay oo nga pala. Sige Kuya Pogi alis na tayo.” Agad siyang sumunod dito.

O sige, ako na mag-drive.” Sagot nito at akmang bubuksan na ang pinto sa may driver’s seat nang harangan ito ni Sky.

Woah. No wey haywey! Ngayon ko na nga lang madadrayb ito eh. Ako na lang magdadrayb.” She said looking at pleadingly.

Napakamot naman sa ulo si Kuya Pogi. “Tsk tsk tsk… Sige na. Tara na.” 

Yahoo!” Tuwang tuwang hiyaw ni Sky at dali-daling sumakay sa sasakyan. Isa sa mga kinahihiligan ni Sky ang mga sasakyan, mapa-motor man o kotse. Sa murang edad ay natuto na siyang mag-drive sa tulong ng mekanikong nag-aruga sakanya. Maalam din siya sa pagkukumpuni ng mga sasakyan at lagi siyang katulong ng tatay niya noon sa pagpapatakbo ng talyer nito. At nang makilala niya ang mga bestfriend niya ay nakasama niya sa hilig na ito sina Cloud, Light at Thunder and because they could have their desired cars or bike they sometimes let her drive them.

Pinaharurot ni Sky ang McLaren niya ng sobrang bilis kaya naman agad silang nakarating sa kanilang pupuntahan. Ito ang first time na pagpunta niya sa kanyang bagong school pero hindi pa siya papasok sa klase ngayon kahit na isang linggo na rin mula nang mag-umpisa ang pasukan. Kukunin niya lang ang kanyang uniform at iba pang gamit sa school at para na din mai-tour siya sa kabuuan ng High School Department ng Howard University. May kalakihan kasi ang school kaya medyo matagal ding libutin ito.

Tahimik ang school pagdating nila dahil katatapos lang ng recess. Pagkapark ng sasakyan niya ay bumaba na sila at dumiretso sa pinakamalapit na building. Tamang tama namang ang napasukan nila ay ang Admin Building. Tinanong nila ang receptionist kung nasaan ang office ng principal at saka ito pinuntahan. Pagpasok sa loob ng office ay agad siyang nagpakilala.

Good Morning po. Ako po si Sky kay-” 

Ah Mam siya po si Princess Aliyah Buenaventura. Kayo po ba ang principal?” Putol ni Kuya Pogi sa sasabihin niya. Hindi pa talaga siya sanay gamitin ang tunay niyang pangalan kaya naman ito na ang nagpakilala sakanya.

Namesmerize ang babae sa taglay na kagwapuhan ng kaharap. Bagay na bagay dito ang messy brown hair nito na halos matakpan na ang mapangusap nitong mga mata kaya naman ganun na lang ang epekto nito sa babae. “Ah g-ganun ba? Ahm s-sige. A-ano… ay teka.” Biglang natauhan ang babae at napalunok muna bago nagsalita. “H-hindi ako ang principal. Secretary niya ako at ibinilin nga sakin si Ms. Buenaventura. P-pero sigurado ka bang siya yan? Mukha kasi siyang lalaki eh.” Anito sabay tingin ng taas-baba kay Sky na nakasuot ng maong shorts na lagpas tuhod at white long sleeve na pinatungan ng makapal na vest. Dagdag mo pa ang chucks nito at ang suot na shades at bonnet, sinumang makakita sakanya ay aakalain talagang lalaki siya.

Ahehe siya talaga yun.”Ani Kuya Pogi saka bumulong kay Sky. “Ui Sky tanggalin mo nga muna bonnet mo at shades, napagkakamalan kang lalaki eh.” 

Ano ba yan. Mukha ba talaga akong lalaki?” Ganting bulong ni Sky saka tinanggal ang mga sinabi nito.

Nang matanggal ang mga ito ay bumaling ulit si Kuya Pogi sa sekretarya. “O ano Miss naniniwala-” 

Naputol ang sasabihin niya sa pagdating ng nakangiting principal. His appearance is the type na tignan mo lang ay matatawa ka na kahit hindi ito magsalita o ngumiti. “Andito na pala si Miss Buenaventura. Welcome sa aming napakaganda at napakalaking paaralan. Tiyak na mag-eenjoy ka sa pag-stay mo dito.” He said with his usual loud voice.

Ahehe thank you po.” Medyo nahihiyang sambit ni Sky.

Ahaha ang cute naman ni Miss.”Tuwang tuwang sabi nito saka binalingan ang sekretarya na agad namang inalis ang pagkakatitig kay Kuya Pogi para harapin ito. O ano pang hinihintay mo diyan. Kunin mo na ang mga kailangan ni Miss. Hindi natin siya dapat pinaghihintay.” Utos nito saka tumingin ulit kay Sky ng nakangiti.

Agad na tumalima ang sekretarya. “Ah o-opo Sir.” 

Nang makaalis ang secretary ay nagpaalam naman ang principal kay Sky. “Ahm Miss maiwan muna kita dito at ipapatawag ko lang yung magtu-tour sayo dito sa school.

Ah ok po.”  

Pag-alis nito ay agad na sinuot ulit ni Sky ang bonnet at shades niya. Umupo na lang muna sila sa may sofa dun habang naghihintay. Maya maya pa ay bumalik na ang secretary at binigay na ang mga gamit niya habang halatang nagpapacute pa rin kay Kuya Pogi.

Kuya pogi pakidala na lang sa sasakyan itong mga ‘to.” Pakiusap ni Sky dito. “Itu-tour pa daw ako dito eh.” 

Sige. Dun muna ako kay Keith niyan. Text o tawagan mo na lang ako kapag kailangan mo ako.” Si Keith o kung tawagin ni Sky ay Kuya KS, short for killer smile, ay isa ding LSG agent under IG na naka-assign bilang security guard ng high school department as of now as part of his mission and at the same time punishment for some misdeeds.

Ayy oo nga pala. Hindi ko pa pala siya nabati. Sabihin mo puntahan ko nalang siya pagkatapos ng tour.” 

Sige. 

Pag-alis ni Kuya Pogi ay siya namang pagbalik ng principal. Nagulat ito sa itsura niya dahil nagmukha na ulit siyang lalaki sa suot na bonnet at shades.

Miss… err.. Miss Buenaventura ikaw ba yan?” Pilit ang ngiting tanong nito.

Ah opo. Bakit po?” Takang tanong naman ng inosenteng si Sky.

Kumurap kurap pa ang principal bago nagsalita. “Ah eh b-bakit ganyan ang itsura-

Hindi na natuloy ang sasabihin nito sa pagdating ng student tour guide na pinatawag. For a girl, she has this strong features. Kung may mga lalaking may pagka-feminine ang mukha, siya ang counterpart nun. May pagka-masculine itsura niya although nagiging soft naman kapag ngumingiti siya. “Ahmm excuse me po sir, pinapatawag niyo daw po ako?” 

Ah Amber andiyan ka na pala. Ikaw ang magtu-tour kay Miss… err… Buenaventura.” Anito sakanya at alanganing sumulyap kay Sky. “Siguraduhin mong mailibot mo siya ng maayos. Okay?” Dagdag na instruction nito saka ngumiti ulit kay Sky.

Sige po sir.” Tugon ni Amber sa principal saka bumaling kay Sky. “Tara na?” 

Sige. Tenkyu Ser. Bye!” 

Tumango lang saka nag-fake smile ang principal. Sabay na lumabas sina Amber at Sky para umpisahan ang tour.

Habang daan ay napaisip si Amber. Hmmm akala ko babae yung transferee. Ah baka meron pang guy. Ang pogi naman niya. Siguradong magiging campus crush na naman ‘to. Pero para sa akin si President pa rin ang the best. Siya lang- 

Ako nga pala si Sky.” Pagpapakilala ni Sky kay Amber kaya naputol ang pagiisip nito. Naglahad siya ng kamay na agad naman nitong tinanggap.

Ako naman si Amber. Isa ako sa mga nagtu-tour sa mga bagong student dito. Scholar lang ako dito kaya kailangan kong tumulong sa school kapalit ng libreng tuition at allowance.” Medyo nahihiya pa nitong pahayag.

Mukhang namangha si Sky sa nalaman. “Ayos ah. May ganun pala dito.

                                                                                                      

Oo nga eh buti na lang.” Tipid na ngumiti ito. “Hmm saan ka ba nag-aaral dati?” 

Sa pub- ehermm.” Natigilan siya sandali nang mapagtanto ang sasabihin niya sanang public school.  Sa ano… sa bahay lang ako. Hindi man siya sigurado kung bakit hindi niya pwedeng ipagsabi na nag-aral siya sa public school at pati ang naging buhay mahirap niya ay sinunod na lang niya ang bilin ng lolo niya.

Ah so home-schooled ka pala.” Pagkukumpirma ni Amber.

Napakamot siya sa ulo. “Oo yun nga tawag dun. Home schooled. Hehe talino mo naman.

Haha kakatuwa ka naman. Hmm dito muna tayo mag-umpisa sa mga classroom. Wag na lang nating buksan para hindi tayo makaistorbo sa mga nagkaklase.” 

Inumpisahan na nga nilang libutin ang buong campus habang pinapaliwanag ni Amber ang bawat building at area na madaanan nila. Malaki ang kabuuan ng school to think na high school department pa lang ito. The whole university was situated on a vast semi-forest land connected to the main road via service road exclusively for Howard University. It mainly caters the member of high society in Metro Manila but accepts students from all over the Philippines as well, as long as they can afford the tuition and pass the entrance exam that is. It was divided into three department: primary (elementary), secondary (high school) and tertiary (college). Majority of the buildings are of white-painted concrete structure, clad at some parts with bricks, combined with full height glass windows. Only newly constructed building, most of which are in the College Department, were built fully in steel and glass materials.

The high school department was composed of 9 main buildings, mostly one storey in height. The building at the front was the Administration Building where Sky went first. Behind are the two 3-storey Lecture Buildings located at each side with the 2-storey Library Building in between. After this was the one storey circular in plan Cafeteria Building strategically situated at the middle of the academic and extra-curricular activities buildings zone. The latter was comprised of the Gym (left side), Indoor Sports Building (mid-left after the gym), Auditorium (middle just behind the cafeteria), and the 2-storey building for clubs (right side). The soccer field was at the left side beside the gym while the track and field and baseball field was right beside the building for clubs. All the buildings are interconnected through covered walkway. And the campus was surrounded with trees at all sides except the forepart for it serves as a parking area but still properly landscaped with trees as shading.

Mukhang nag-enjoy si Sky sa paglibot kaya di nila namalayang lunch time na pala kung hindi lang tumunog ang tiyan niya. Napagpasiyahan nilang magkasama na lang silang kumain sa cafeteria. Papunta na sana sila nang nagring ang phone ni Amber.

*Riiiiiing…  riiiiing… riiiiiiing…

Hello?... o bakit?... Ah ganun ba?... O sige papunta na ako diyan … Sige. Bye.” Anito sa phone saka bumaling sakanya. “Sky pasensiya na kung hindi kita masasamahang mag-lunch ah. Kailangan kasi nila ako sa SSC office eh.

Okay lang. Tapos naman na ang tour eh. Pasama na lang ako kumain kay Kuya Pogi.” Nakangiting sabi niya.

Kuya Pogi?” Ulit nito sa nagtatakang tono. Tama ba ang narinig nito?

Nagkamot sa ulo si Sky habang tumatango. “Ah hehe bodyguard ko.” 

Napangiti at tumango na lang si Amber. She find ‘him’ really cute. “Ahh sige. Sorry talaga ah. Nice to meet you na lang.” 

Geh nice to meet you din.” 

Pagkaalis nito ay tinawagan na ni Sky si Kuya Pogi at inayang kumain sa cafeteria. Napag-usapan na lang nilang magkita sa loob nito para makabili na siya ng pagkain. Pagkapasok niya sa loob ay napatingin sa kanya ang mga estudyante lalo na ang mga babae. Natahimik sandali ang buong cafeteria nang biglang…

Kyaaahhh…. Kyaaaahhhh…

OMG si Sky ba yan?

Waahhh… Si Sky nga!

Si Sky ng Sky Paradox! Waaaahhh...

Nagkagulo ang mga babae at nakisali na din ang ibang mga lalaki na nakakakilala sakanya. Nag-unahan silang lumapit sakanya at pinalibutan siya. Gulat na gulat naman ang kawawang si Sky sa hindi inaasahang pangyayari.

Naloko na. Hindi niya akalaing sikat din pala sila dito. Ano nang gagawin niya ngayon ? Wala pa naman si Kuya Pogi. “Ahehe hello sa inyo.” Bati niya in her masculine voice. She usually uses this voice whenever they are performing on stage but it looks like she needs it now.

Aaahhh ang ganda ng boses niya.

Waaahhh Sky papicture naman!

Ako din Sky! Kyaaahhh…

Nagulat sa nadatnan sa cafeteria si Kuya Pogi. Nagkakagulo ang mga estudyante at pinapalibutan si Sky. Kaya agad niyang pinuntahan ito at hinila patakbo. Sa bilis ng pangyayari ay hindi agad nakapagreact ang mga estudyante. Medyo nakalayo na sila nang matauhan ang mga ito at hinabol sila. Kaya lalong tumakbo ng mabilis ang dalawa.

Bilis kuya. Pabuksan mo na yung gate kay Kuya KS para makalabas na agad tayo.” 

Oo tinext ko na siya. Ano ba kasi ginawa mo at pinagkakaguluhan ka nila dun?” Sagot ni Kuya Pogi na hawak hawak ang cellphone habang tumatakbo. Kung paano siya nakapag-text? Leave it to his ninja skills.

Wala akong ginawa ah.” Depensa agad ni Sky. “Di ko kasi alam na sikat din pala ang Sky Paradox dito.” 

Yung banda niyo? Bakit halos babae yung mga nakapalibot sayo? At tili pa sila ng tili na parang kinikilig.” Takang tanong nito. Hindi pa rin ito makapaniwala sa nasaksihan kaninang pagkakagulo ng mga babae kay Sky.

Yun na nga eh. Ang alam ng lahat all boys ang banda namin. Akala nila lalaki ako.” Paliwanag niya na ikinatawa ng malakas ni Kuya Pogi.

Ahahahaha kasalanan mo pala eh. Pormang lalaki ka kasi. Bakit hindi niyo sinabi na babae ka?” 

Eh pinanindigan na lang namin. Baka daw kasi awayin ako nung mga fans nila kapag nalaman nilang babae ako. Tsk.” She reasoned out as they turned into a corner.

Sabihin niyo na lang na tomboy ka para hindi ka awayin.” Suggestion nito.

Sa tingin mo naman uubra sakanila yun? Siyempre iisipin nilang babae pa rin ako noh.” Katwiran ulit ni Sky. Well, ang mga kaibigan niya ang nag-speculate nito kaya yun na lang din ang sinabi niya.

Haha buti na lang pala pambabae uniform mo kundi hindi ka makakapag-aral ng maayos dito.” 

Pagkarating nila sa parking lot ay agad silang sumakay sa sasakyan ni Sky at pinasibad na ito. Napagod siya sa pagtakbo kaya si Kuya Pogi muna pinag-drive niya. Habang daan ay iniisip niya ang magiging buhay niya sa bago niyang school.

Sana maging maayos naman ang lahat.

~~~

Ang mga nasa section fire, na may 19 na bilang, ay siya ding bumubuo ng Red Scorpion Gang. Sa lahat ng section sa High School Department ay sila lang ang walang babae sa kasalukuyan. Aside from the fact na kaka-convert lang ng school from all-boys to coed ay may mas mabigat pang dahilan kung bakit wala silang classmate na babae.

ANO NA NAMAN BA PINAGKAKAGULUHAN NG MGA BABAENG YUN?” Asar na tanong ni Grey sa mga kasama. Siya ang rank 3 sa gang pero boss ang tawag sakanya ng mga member same with Blue. He’s also the captain for soccer team. At sa inaraw araw ay hindi na ata mawawala ang pagsimangot niya. Sayang naman ang kaguwapuhang taglay.

Nakakita na naman siguro ng gwapo. Tss.” Sagot ng hindi katangkaran na si Nash. Rank 18.

Maya maya pa ay bumalik na si Eugene mula sa pakikiusyuso. Siya ang lalaking daig pa ang babae sa pagsagap ng ‘chismis’ o ayun sakanya ay ‘balita’ nga daw. Nasa number 15 siya sa ranking. “Si Sky dumating.” 

SKY? SINO YUN?” Takang tanong ni Grey na nadagdagan ang linya sa noo.

Mukhang kilala ito ni Jiro, ang record holder ng pinakamaraming naligawan pero isa pa lang ang naging girlfriend, go figure. He’s at the 10th spot in the ranking. “Si Sky ng Sky Paradox?” 

Oo. Pumasok siya sa cafeteria. Kakain ata kaya lang ayun pinagkaguluhan ng mga babae kaya tumakbo na lang. Hahaha…” Sagot ni Eugene pagkatapos uminom.

O ano namang ginagawa niya dito? Dito na ba siya mag-aaral?” Ani Pierro, ang opposite ni Jiro. Wala pa siyang nililigawan ever pero nakarami na siya ng girlfriend or according sakanya ay mga ‘flings’ lang. Pang-12 naman siya.

Lalong naasar si Grey nang walang pumansin dito. “HOY TEKA NGA. MGA TADO KAYO. SAGUTIN NIYO NGA MUNA TANONG KO. SINO YUNG SKY NA YUN AT ANO YUNG SKY BUTTOX NA PINAGSASABI NIYO?” 

Paradox hindi buttox. Lul.” Pagtatama ni Blue saka ito binatukan. Nakuha ang palayaw niyang ito mula sa initials niya sa kanyang pangalang Blake Lindon U. Enriquez. Siya ang kabaliktaran ni Grey dahil lagi lang siyang nakangiti at cool. Bibihira mo siyang makitang nakasimangot. He’s the rank 2.

ARAY! O BASTA YUN. O SINO NGA YUN?” Anito na hindi na siya pinansin.

Si Lei ang sumagot sa tanong nito. He’s a vain model, clean freak at sobrang arte na daig pa ang babae. Rank # 16 lang siya. “Si Sky ang leader at drummer ng bandang Sky Paradox. Pito lahat sila dun. Sila nga yung nanalo dun sa muziklaban nung March eh.” 

Lagi din silang tumutugtog sa isang resto-bar sa Morato at pati ibang school eh iniimbitahan din silang tumugtog. Pero pagkatapos nga nung Muziklaban, wala nang balita tungkol sakanila. Wala na akong update tungkol sa mga gigs nila.” Dagdag ni Eugene na naging dahilan para kantyawan siya ni Pierro.

Asus, halatadong fan na fan ang isa diyan ah. Haha…” 

Siyempre naman. Astig kaya nila. Lalo na si Sky!” Pagmamalaki niya.

Nababakla ka na ata sakanya eh. Haha…” Pang-aasar din ni Jiro.

Asar na binato ni Eugene ng tinidor ito. “Lul. Idol ko lang yun.” 

Aray! Pikon ka talaga kahit kelan. Tsk.” Ani Jiro at hinaplos ang natamaang braso.

OI TAMA NA NGA YAN. PATI KAYO NAG-AAWAY DAHIL SA SKY NA YAN.” Awat ni Grey sa mga ito.

Maya maya pa ay nagsibalikan na sa mga table nila ang mga nagkagulong babae kanina.

Kyaahh bakit kaya nandito si Sky?

Wiiihhh baka dito na siya mag-aaral!

Oo nga. Waahh sana may pag-asa ako sakanya!

WALA! WALA KAYONG PAG-ASA DUN. KAYA MAGSITIGIL NA NGA KAYO! PARA KAYONG KINAKATAY KUNG MAKATILI KAYO AH!” Sigaw ni Grey sa mga ito na napatayo pa. Ayaw niya sa lahat ay may mas maingay pa sakanya.

Tumahimik na lang ang mga babae sa takot sa kung ano ang pwedeng gawin sakanila ni Grey kapag tuluyang nagalit. Hindi kasi lihim sa lahat ang kaya nilang gawin sa mga kumakalaban sakanila. Regardless if you’re a guy or a girl.

Padabog na bumalik siya sa pagkakaupo. “ANG IINGAY TALAGA NG MGA BABAENG YAN. NAKAKAIRITA ANG MGA BOSES NILA.” 

Oo nga. Buti na lang wala tayong classmate na babae.” Sangayon ni Jolo. Prominent features niya ang makapal na kilay na ayon sakanya ay asset niya. Siya ang sinundan ni Eugene sa rank.

Eh paano kung maglagay sila ulit ng babae sa section natin?” Matt suddenly asked. Madalas itong naka-bonnet para maitago ang kulot na buhok. He’s surprisingly at number 6 on the rank and the vice captain of the soccer team.

Shunga!”Sita ni Daniel sakanya sabay batok. May pagkasuplado at seryoso ang vice captain ng basketball team na ito. Siya ang sumunod kay Grey sa ranking bagamat mas matangkad at mas malaki ang katawan ni Arwin, rank 5, sakanya.

Aray bakit ba?” Reklamo ni Matt at inayos ang nagulong bonnet.

Tumayo bigla si Red, the leader and the so called Prime by the members kaya natahimik silang lahat. He’s the grandson of the school owner kaya walang palag ang mga estudyante sakanila. Hanggang ngayon ay wala pa ring nakakaalam kung bakit ang layo ng gusto niyang nickname dun sa pangalan niya, well with the exception of Blue. Most of the time he’s indifferent but nevertheless dangerous when mad. Tinignan niya si Matt with his soulless eyes kaya natameme ito. Umalis din ito agad ng walang sinasabi at sinundan na lang ito ni Blue na iiling iling.

Sinita tuloy sila ni Grey. “MGA GAGO TALAGA KAYO.” 

Matt kasi ang daldal. Sisi ni Daniel dito.

O TAMA NA YAN. MAGSISISI LANG SILA KAPAG GINAWA NILA YUN. KUNG AYAW NILANG MANGYARI ULIT YUNG NANGYARI NOON, HUWAG NILANG IPILIT ANG GUSTO NILA. TARA NA NGA. BALIK NA TAYO SA ROOM.” Pagtatapos ni Grey sa usapan at nauna nang umalis dun.

Ga verder met lezen

Dit interesseert je vast

325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
5.5M 277K 64
(Academy Series #2) Being the son of an acting chairwoman of the academy pushed Jax to keep his identity hidden. Introduced himself as a scholar, he...
174M 3.7M 76
Sa Kingdom High kung saan magkakaaway ang mga lalaki at babae, posible bang may mabuong relasyon at pagkakaibigan? (Completed. Published under Pop Fi...
176M 3.9M 68
[BAD BOY 2] You can't turn a bad girl good, but once a good girl's gone bad, she's gone forever. Yang ang motto ni Candice. Sa pagmamahalan na meron...