Dream On!

Autorstwa gee4ever

2.9K 59 16

Just when she thought she's about to reach her goals and dreams, she found out that her long time crush -slas... Więcej

Prologue
Chapter 1 - The Girl
Chapter 2 - The Boy
Chapter 3 - I'm Embarassed!
Chapter 4 - Sick
Chapter 5 - Get Well Soon!
Chapter 6 - Disappointed?
Chapter 7 - Stalker-ish
Chapter 8 - First move; Ate & Kuya
Chapter 9 - Pea brain
Chapter 10 - His "advice"
Chapter 12 - Red CRV
Chapter 13 - New honor student
Chapter 14 - Chosen one
Chapter 15 - Supposed to be "special night"
Chapter 16 - Heaven By Your Side

Chapter 11 - New Crewmate

109 1 0
Autorstwa gee4ever

Chapter 11

 -- New Crewmate --

[Majo’s POV] 

( Ehem, pumi-POV na si MAJO! Yiheeee, HAHA!)

Papasok na ko ng room ko for our 1st subject today nang biglang mag-ring ang phone ko.  Kinuha ko ito sa bag ko at umupo muna sa bench sa labas ng room.

Rhodney calling…

Si Rhod?

Ano naman kailangan neto.. Hmm.. Sa pagkakaalam ko nag-uumpisa na yung first class niya eh.

HEHEHE WAG NIYO NA TANUNGIN KUNG BAKIT KO ALAM.

Close kasi kami. Diba?

DIBA?

“Hello?”

<Marjorie! – Uhh, ano ba?!>

Ano yung.. nasa background…

“Bakit Rhod? Wala ka bang klase?”

<Ha? Ano.. Meron pero – DAMN!! Layuan mo nga ako!>

Weird.. May babae sa background. Katabi niya. I can hear her!

“Oh ano kaylangan mo? At sino yang kasama mo?” ?!

<ARGH!! Marjorie I’ll just talk to you later sa studio. I have an important announcement. --UHH SH1T GET YOUR HANDS OFF MY SHOULDERSS!!!>

*toot..toot…toot...*

Inend na niya yung call. So may linta nanamang dumidikit-dikit kay Rhod?! Dapat kasi hindi na siya bumaik dito sa Pinas at tumira na dun sa U.S eh!! Babalik pa kasi eh!!

Pero ano naman kaya yung sasabihin niyang announcement mamaya sa studio? Parang napaka-importante naman at napatawag pa siya ng ganto kaaga habang may klase. Ah, bahala na nga!

Pumasok na ko sa room naming at as usual..

Wala nanamang pumansin sa akin.

Iniiwas nilang lahat yung tingin nila sa akin.

Lumalayo sila kapag wala silang kailangan.

Bakit?

Dahil feeling ng mga kaklase ko, ako si hitler.

Feeling nila ako ang main kotrabida dito sa room.

Feeling nila kapag kinausap nila ko, anytime susunggaban at sisigawan ko sila.

Mga feeler! CHE ><

Harmful ba ko?!

Oo minsan I cuss.. Ay madalas pala.

Tapos badtrip ako lage kasi.. Kasi.. Ewan ko ba! Madali kasi ako mairita sa mga nasa paligid ko. I’m always not in the mood.

Ganun lang siguro talaga ako. Kaya nasanay na tong mga classmates kong nilalayuan ako kasi natatakot sila sa akin. Whatever. I don’t care. Mas okay na yung lumalayo sila kesa naman na ibibitch nila ko patalikod noh. Ayokong pinag-uusapan ako. Nauubos pasensya ko dun ><

[Lei’s POV]

Pumasok ako sa school na may mabigat na dinadala.

Ow-kay… ? Ano namang iniisip niyo?

KASI NAMAN! Yung movie review hindi ako nakagawa!! Kaya eto, kabadong-kabado na ko.

Tapos eto pang si Sam, napaka-supportive na bestfriend. Sabi niya bahala daw ako sa buhay ko total ginusto ko to. Seriously?!

Pero kasalanan ko naman talaga. Sayang ang yung Romeo and Juliet na binigay sakin ni bebeloves. Nandun lang siya, naka-dispay sa kwarto ko.

Eh diba siya na rin naman ang nagsabi na kung hindi ko kaya, wag na ko gumawa?

I’m just following his advice. I trust him THIS BIG! :D

English time na at kinakabahan na ko dahil baka pahiyain nanman ako sa buong klase.

Pag pasok ni Ma’am, mukang okay naman siya. Hanggang matapos yung prayer, wala naman siyang sinasabi about sa hindi ko pagpasa ng project.

Anyare dun?

Nung pinaupo niya na kaming lahat, nagulat ako dahil bigla niya akong tinawag. Sa pangalan ko, hindi sa apelyido.

“Leila, come here”

*tugudug tugudug tugudug*

Lumapit ako sa table niya at kitang-kita sa mukha niya na ang bright bright ng mood niya. Harajusko, hindi bagay!! Hindi bagay sa isang terror na teacher ang bright na mood! HAHAHA.

“How did you manage to finish such a wonderful movie review in a span of 1 day?”

Bigla siyang may iniabot sa akin folder. Binuksan ko yun at naglalaman ito ng movie review ng Romeo and Juliet..Tinapos ko at pagbuklat hanggang makarating ako sa last page at laking gulat ko nung makita ko ang pangalan ko sa “Passed by : 

HA?

……….

…………….

………………….

Hindi naman ako nag-pasa ah?!

“So… Now, tell me how you did that.” Tumingin ako sa terror na teacher na to at ibinalik sa kanya ang folder.

What now na nga ba?

Ano sasabihin ko?

Eh hindi ko naman gawa to eh!!!

Absolutely not!!!

Eh nag-farmville lang naman ako kagabi, tsaka nag-daydream pati nakipag-telebabad kay Sam. Tapos natulog na ko kasi sabi nga ni Josh wag na daw ako gumawa kung—

Teka..

Si Josh..

Sabi niya wag na daw akong gumawa kung hindi ko kaya.

Hindi kaya… ?

“Uh, hehe. Mangha naman kayo Ma’am?” ^_____^

Kinwento ko kay Sam ang mga pangyayari. Simula nung kahapon sa field at yung nalaman kong may gumawa ng movie review para sa akin. Sabi niya, wag daw akong ambisyosa at assuming dahil bakit naman daw ako gagawan ni Josh ng project eh ang busy busy na nga niya. Haaaay.. May point siya! Pero.. Pero naba-bother talaga ko!!

Sino nga ba ang gagawa ng project para sa’kin? Though alam naman ng buong klase na ang laki-laki kong tamad?!

Pagkabalik ko sa room after naming mag-lunch ni Sam, konti palang ang tao at lahat sila ay busy. Nakita ko si bebeloves na nagsusulat dun sa may corner, kung saan siya naka-upo. Tutal mga wala namang pakielam tong mga kaklase kong nandito, naglakas ako ng loob na lumapit sa kanya.

“Hello!” ^___^

“Hi,”

“ Ano yang sinusulat mo?”

“Uh, lecture?”

“Ooooh. I see. Uhm Josh, thankyou nga pala ah ^____^”

“For what?” Tanong niya habang nagsusulat pa rin. Hindi ba niya talaga ko lilingunin?! Kung hindi lang to matalino, iisipin kong og-og siya dahil kinakausap niya ko eh hindi nga niya kilala yung kausap niya. Kaso hindi eh. Henyo to e T____T

“For… For the movie review? Alam mo Josh you don’t have to do that! Kung busy ka and all, you don’t have to help me! I can handle it naman. Binigyan mo na nga ako ng book, nakakahiya na masyado sa’yo. Pero thankyou talaga ah! Nag-worry—“

“Ha? I don’t know what you’re talking about.”

EH… HAAAAA?!

Anong I don’t know what you’re talking about?!

Ibig sabihin hindi siya yung may gawa nun?!

SHETS NAMAN OH!

NAKAKAHIYA!!!!! ><

“Ah…. Eh…. JOKE LANG!!! HAHAHA to naman! Joke lang eh. Eh, sige ah! Tuloy mo lang yang lecture mo. BABOOSH!!”

At nagmadali na akong bumalik sa upuan ko, saktong dumating na yung teacher namin for our next subject.

KAHIYA! GRRRRRR ><

* @ Studio *

Nandito ako ngayon sa studio, naka-upo at nasa-muka ang dalawang kamay. Iniisip ang mga problema, kahihiyan, at mga kamalasang dinadanas ko ngayon.

Eh kung hinat-hotdog ka nga naman ng malas oh…

Nakakahiya talaga. Minsan ko na nga lang siyang iaapproach ng lively, tapos epic fail pa. ACCCKKKK!!! Naaalala ko nanaman yun! Kainis!

“Okay are we all here?” Sigaw ni Kuya Rhod. Tinext niya kasi kami na magpunta ngayon sa studio dahil may iaanounce daw siyang importante. Wala naman kasi dapat kaming practice ngayon dahil lahat kami ay busy.

Biglang lumabas si Majo from nowhere at tumabi sa akin. Naka-upo kaming lahat ngayon sa sahig at nakaharap kay Kuya Rhod na ngayon at naka-tayo at naka-ngiti dahil… Dahil inlab ata. :>

“Sorry kung na-shock ko kayong lahat. Sorry din kung naistorbo ko kayo sa kung ano mang gagawin niyo ngayong gabi. I just have something to tell you guys,”

“Drop it. NOW.” – Majo. Mukang… Mukang badtrip at seryoso. Ano nanaman kayang nakain neto. PMS nanaman!

“Uh,” Parang nawala sa focus si Kuya Rhod at iniwas ang tingin kay Majo.  “K-Kasi.. We have a new crewmate.”

We have a new crewmate

We have a new crewmate

We have a new crewmate

We have a new crewmate

We have a new crewmate

Hindi pa sinasabi ni Kuya Rhod kung sino pero napa-jawdrop na ako sa sinabi niyang may bago kaming ka-miyembro.

WHAT?! Akala ko ba hindi open ang crew na to for new members at auditions dahil ayaw nilang may dumagdag? Kala ko ba gusto nila kami-kami lang ang sasayaw at magkakasama?

Okay Lei… Chill. Masyado ka kung umakting! Hindi mo pa nga nakikilala kung sino yung dadagdag e.

Nung tumingin ako sa gilid ko, nakita kong mas worse pa ang itsura ni Majo kesa sa naging reaction ko. Parang… Parang gusto niyang sampal-sampalin si Kuya Rhod. If I know, sinasampal na niya to sa isip niya! Si Majo pa.

“Sino naman yan ha Rhod?” – Jason. Ka-batch din nila Majo and Kuya Rhod pero siya ang huling sumali sa grupo along with Jen and Cla. He seems disappointed too.

“She’s…”

Bago pa matapos ang sasabihin ni Kuya Rhod, biglang pumasok sa studio ang isang petite at blondie na babae na….

SHIZZ.

SIYA?!

O_O

Czytaj Dalej