My Lucky One

By YoonPrincess

236K 977 53

Love is always there you just got to find ways to see it. Dati akala ko hanggang away nalang kami then sudden... More

PROLOGUE
2
3
4

1

16.5K 225 18
By YoonPrincess

Masakit pa rin.

Ilang buwan ko nang pinipilit ang sarili ko na kalimutan siya pero ang hirap. Ang hirap kalimutan ng isang taong minahal mo talaga nang sobra. Kahit anong gawin kong limot ay bumabalik at bumabalik pa rin siya sa isip ko. Na parang isang sirang plaka na patuloy sa pag-ulit sa utak ko.

Pagmulat ko ng mga mata ay gano'n pa rin ang pakiramdam. Siguro, nabawasan lang ito nang konting sakit. 

Tumayo na ko mula sa pagkakahiga at niyakap ang sarili ko. "Ang lamig." Tumuloy ako sa balcony ng kwarto. Pumikit ako at ninamnam ang sariwang hangin mula sa bakuran. Heto na, mabagal nang nagbabago ang klima at patuloy na sa paglabas ang araw.

Napadilat ako ng marinig ang pagbukas ng gate namin sa ibaba. Pumasok doon si Andrea, bestfriend ko. Mukhang nandito ulit siya para malaman kung ayos na ko.

"Hay, ang ganda ng umaga, 'di ba? Sariwang hangin at mukhang masarap 'yang dala mo." Bumaling ako ng tingin sa bitbit niyang plastic.  

Mahina siyang tumawa at nilapag 'yon sa side table ko. "Pwede ka nang manghula." Biro niya.

Ngumiti muna ko bago umupo sa kama. "Bakit ang ganda mo ngayon?" Bati ko sa kanya na todo ang pustura. Nakabistida siya na kapares ang supil na suot. Ang sexy niyang tingnan at talagang hindi mapagkakaila ang taglay na ganda.

"Tinatanong pa ba 'yan? Matagal na kong maganda." Mayabang siyang nag-flip ng buhok kaya natawa ko nang mahina. "Mukhang okay ka na, ha? Pwede na ba ulit masaktan?" dugtong niyang biro na nagpatigil sa pagtawa ko.

Mabilis na napawi ang ngiti ko at napalitan ng lungkot. Kinapa ko ang dibdib ko at muling bumaling sa kanya. "Siguro? Basta gwapo na ang pipiliin ko sa susunod. Para kahit masaktan ako, ayos lang."

"Gwapo naman si Ni—" "Ang sarap talaga ng binili mo!" Hindi ko na siya pinatapos. Ayokong marinig ang pangalan ng bwisit na 'yon. Isinusumpa ko siya.

"Mukhang hindi ka pa okay." Alangan niyang bulong habang nakasimangot. "Nag-aalala na kami sa'yo. Dalawang buwan ka na ring nage-emote diyan kay Nick." Umakbay siya sa akin at seryoso na kong tinignan sa mga mata.

"Okay na ko. Maniwala man kayo o hindi, wala na kong nararamdaman. Basta't huwag mo nang binabanggit ang pangalan ng bakulaw na 'yon."

"Tss, sure ka? Naku talaga naman. 'Wag na 'wag kitang makikita ulit sa harapan ng boarding house niya, na nagmamakaawa kung hindi! Babatukan talaga kita kahit marami pang tao sa paligid!" Nagpamewang siya kaya napatawa ko. 

Tumatawa ko ngayon pero ang totoo. Napapaisip ako sa mga ginawa ko para kay Nick. Ang OA ko, na umiyak pa ng umiyak sa harapan ng boarding house niya para lang magmakaawa. Magmakaawa na balikan niya ko.

"Bakit ko ba kasi minahal nang sobra ang bakulaw na 'yon?" bulong ko sa hangin na ikinatawa naman ni Andrea. Tinapik-tapik niya ko at sinabihan na ayos lang 'yan habang mabagal na tumatango.

Hirap man ako pero kailangan kong pumasok ng school. Hindi ako mapakali habang mag-isa kong umaakyat ng hagdanan. One hundred percent kasi ang chance na magkita kami ngayon. Of course, classmate ko siya pero hinihiling ko lang naman na mamaya na lang.

Kapag nakita ko siya ngayon ay siguradong ang agang masisira ng araw ko.

Napangiti ako sabay tigil sa paglakad. "Andrea!" sigaw ko. Muli akong lumakad pero nahinto rin ng makita si Nick. Kausap niya ngayon si Nick! Bigla akong kinabahan habang nakatitig sa kanilang dalawa.

Tumingin agad ako sa kaliwa't kanan para tingnan kung saan ako pwedeng tumakbo. Ayokong makita nila kong dalawa. Hindi ko alam ang gagawin ko.

Para kong binuhusan ng malamig na tubig nang umakma sa pagharap sa pwesto ko si Andrea. Mabilis akong tumakbo at nag-ala wonder woman para lang hindi nila ko makita.

Nablangko ko. Mabilis akong kumurap-kurap habang nagtataka. Nasaan ako? Anong nangyari?

"Gising ka na? Nandito ka ngayon sa school clinic." Nakangiting bati sa akin ng nurse. Nakaputi kasi siya kaya siguradong siya ang nurse dito. "Ano bang nangyari sa'yo? Mabuti na lang at may nakakita sa'yo kanina at dinala ka dito."

"Ano po bang nangyari?"

"Naabutan ka raw niyang nakahandusay sa lapag. Wala ka bang natatandaan?"

Pilit kong inaalala pero wala akong matandaan na bumagsak ako. "Aray!" Napahawak kaagad ako sa nuo.

"Mukhang masama ang pagkabagsak mo kanina. Pero 'wag kang mag-alala at hindi naman malalim ang sugat mo."

"Okay ka lang ba?" Bulalas ni Andrea habang palapit na dahilan ng pagtingin namin sa kanya.

"Oo naman." Pilit akong ngumiti. Ngayon ko naalala kung bakit ako tumatakbo kanina. Dahil 'yon sa kanilang dalawa ni Nick.

Habang naglalakad kami pauwi. Hindi ko maiwasang sumulyap sa kanya ng tingin. Nasa isip ko pa rin ang nakita ko kanina. Hindi ako mapakali at para bang gusto kong alamin ang seryoso nilang usapan kanina. Ako kaya ang pinag-uusapan nila?

Hindi ko na talaga kaya. Tumigil na ko sa paglakad at hinarap siya na mukhang nagulat sa paghinto ko. "Best, may gusto lang akong itanong."

"Sure," sagot niya.

"Kanina kasi..." Bakit ba ko kinakabahan nang walang dahilan?

"Kanina kasi? Ano?"

Napayuko ako habang pinagmamasdan ang mga kamay ko, na nanginginig sa sobrang kaba. "Ano kasi..." Subok ko ulit pero parang nabuhol na ang dila ko.

Masyadong seryoso ang usapan nila at mga mukha. Na para bang ang hirap itanong dahil baka magmukha akong chismosa. And it's Nick, siguradong tatawanan ako ni Andrea kapag naging interesado ko.

"Ano?" Tumawa na siya sa itsura ko. "Siguro nagkagusto ka sa nagdala sa'yo sa clinic? Balita ko gwapo raw." Biro niya sabay crossed arms sa harapan ko.

"Hindi ko naman siya nakita." Mahina kong sagot habang nag-iisip pa rin kung itatanong ko ba.

"Sayang! Eh, ano ba 'yang itatanong mo? Para ka diyang asong hindi matae."

"Ano, kasi, ahm... Nakita ko kayo ni Nick na magkausap kanina." Papahina kong sabi. Dahan-dahan akong bumaling ng tingin sa kanya at bigla naman siyang naging seryoso. "Pero 'wag mong isipin na hindi pa ko move on, ah! Nakita ko lang naman!" Mabilis kong bawi.

"Ah, 'yon ba?" Mukhang nag-iisip siya.

Tinignan ko na siya nang mabuti dahil sa mukha niya. "Ano bang pinag-usapan niyo? Kung tinatanong niya ko sa'yo, sabihin mo wala na kong pake sa kanya." Mayabang ko kunyaring sabi. Pero gano'n pa rin ang mukha niya.

"May dapat kang malaman."

Kinakabahan ako sa paghawak niya sa braso. Kinagat niya pa ang darili niya na para bang kinakabahan din.

"Ano ba 'yon?"

"Haha! Wala!" Biglang tawa niya kaya napataas ako ng kilay habang takang taka. "Umuwi na tayo at uulan na," dugtong niya lang at hinila na ang braso ko.

Magkalapit lang ang bahay naming dalawa. Pilit ko siyang kinukulit sa naging usapan nila pero hindi ko siya napaamin. Lalo tuloy akong mag-iisip nang mag-iisip. Ano kaya 'yon? Gusto niya kayang makipagbalikan ulit sa akin?

Pero bakit niya pa padadaanin kay Andrea? Dahil ba nahihiya siya sa mga ginawa niya sa akin?

Ngayon lang naglihim sa akin si Andrea. Na akala mo naman na napaka-big deal ng usapan nilang 'yon at ayaw niyang sabihin. Ilang araw pa ang dumaan. Madalas ko pa silang nakikita na nag-uusap. Gusto ko nang lapitan minsan pero nadadala ko ng takot.

Pinanghihinaan ako ng loob dahil sa mga tumatakbo sa isip ko. Bestfriend ko siya at ex ko si Nick. Bakit kailangan nilang mag-usap? Alam niyang sobra kong sinaktan ni Nick at ang nangyari sa relasyon naming dalawa. Nakakatampo naman kung close sila ng ex ko.

"'Di ba naging sila ni Nick?"

"Oo, ang tagal din nila."

"OMG! Hindi niya kaya alam? Kawawa naman si Cryz."

Sunod-sunod nilang bulungan na para bang hindi ko naririnig. Kadaraan ko lang sa kanila para maligo galing sa swimming lesson. Pinatulo ko lang kunyari ang shower at hindi sila pinansin.

"Hindi nakakaawa ang mga taong tanga."

Tanga? Gusto ko silang lingunin at ilunod sa swimming pool. Pero heto ko, nagtitimpi pa at humawak na lang sa pader na malapit. Tumapat ako sa shower at pilit na humuhugot ng maraming pasensya.

"'Wag nga kayong ganyan. Hindi niya yata alam na ginawa lang siyang panakip butas ni Nick."

"Katagal nila tapos hindi niya alam?"

"Hindi ba 'yon ang dahilan ng breakup nila?"

"Balita ko si Andrea ang dahilan kaya naging sila, 'di ba?"

"Sa totoo lang, si Cryz ang kawawa dito."

Sige ituloy niyo pa. Saktan niyo pa ko ng saktan para maging manhid na ko.

Hindi ko maintindihan ang iba nilang sinasabi. Ni hindi nga ako tinulungan ni Andrea para maging kami ni Nick dati. Matagal ko na siyang crush pero hindi 'yon suportado ni Andrea.

Hindi ko na namalayan ang pagtulo ng luha ko dahil sa sunod-sunod pa nilang kwentuhan. Hinintay ko muna silang makayari bago ko umalis ng shower at nagbihis.

Panandalian akong umupo sa labas ng shower room. Inaalala ang bawat masasayang alaala naming dalawa ni Nick. Nakaya naman namin ang mga problema pero bakit iniwan niya pa rin ako? Panakip butas lang ba ko?

Malihim siya pero hindi siya manloloko. 'Yan ang pagkakakilala ko kay Nick.

Napatingin ako sa isang bakanteng classroom ng marinig ang boses ni Nick. Nasa loob din pala si Andrea. Sinampal niya nang malakas si Nick na saktong-sakto lang sa paglingon ko. Nanlaki ang mga mata ko at nanigas ang katawan ko.

Anong nangyayari? Umiiyak si Nick sa harapan ni Andrea at niyakap siya nito nang mahigpit. Ang sakit. Para nilang naapakan ang puso ko at dinurog-durog. Mabilis kong tinakpan ang bibig ko para hindi makagawa ng ingay pero nabunggo ko naman ang basuran sa gilid. Malas.

"Cryz!" sigaw ni Nick. Umalis siya sa pagkakayakap kay Andrea at parehas na sila ngayong mukhang gulat na gulat na tumingin sa pwesto ko.

"Sorry, naabala ko yata kayo." Garalgal na ang boses ko. Pilit ko namang inaayos ang pagsasalita pero malapit na kasing tumulo ulit ang luha ko.

"Best." Humakbang si Andrea kaya mabilis akong napaatras. Tumalikod kaagad ako dahil sa nadurog kong puso at tumakbo nang mabilis. Pero nakalimutan kong runner nga pala siya. Napakasimple lang sa kanya na mahabol ako.

"Ano 'yon?!" Inis kong sigaw sa sobrang sakit.

"Si Nick kasi saka ako..."

"Kayo?" Gulat kong tanong na may panglulumo.

"Ex ako ni Nick at hindi ko magawang sabihin sa'yo kasi masaya ka. Sorry, hindi ko alam na gagamitin ka niya para pagselosin lang ako."

"Ano?" Napahakbang na ko ulit paatras. "Ngayon mo lang sasabihin kung kailan minahal ko siya nang sobra? Kayo na ba ulit? Nagtagumpay ba siya kasi napagselos ka niya?" Mapait akong napangiti habang patuloy lang sa pag-atras.

Hahakbang pa siya kaya sumakay kaagad ako ng jeep. Nakakahiya man sa sakay pero hindi ko na kayang pigilan ang luha ko sa pagtulo. Ang sakit-sakit. Silang dalawa ang kinapitan ko. Silang dalawa ang pinakamahalagang tao sa buhay ko pero ginanito nila ko.

Kinabukasan no'n at pati na ang mga sumunod pang araw ay umiwas na muna ko. Para ngang sila pa ang galit dahil iniiwasan din nila na makipag-usap sa akin. Mukhang sila na ulit dahil sa naririnig kong kwentuhan ng mga chismosa.

"Bakit ba kasi ayaw nilang maalis sa isip ko?! Mga manloloko! Manggagamit!" Inis na inis kong sigaw sabay gigil na sumipa ng bato na nasa harapan ko.

"Tangina! Shit!" Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sumigaw. Humarap kaagad ako sa mukhang tinamaan ng bato at mabilis na lumapit.

Nakayuko siya ngayon at hinihimas ang ulo niya. Pilit kong tinanaw ang ulo niya para makita kung napadugo ko. Malas talaga.

"Sorry."

"Sorry? Anong magagawa ng sorry mo sa ulo ko?! Tangina, bakit ba nangbabato ka?!" Galit na galit siya kaya napaatras ako habang napipikit sa bawat buka ng bibig niya.

"Hindi ko naman sinasadya." Paliwanag ko. 

"Hindi mo sinasadya?!" Napatulala ako dahil sa pagharap niya. Hindi dahil sa galit na galit siya kundi sa mukha niya. Ang gwapo niya at para siyang isang character sa isang libro. Makinis na balat, matangos ang ilong, mapungay ang mga mata at may mapupulang labi.

Sigaw siya ng sigaw pero wala akong marinig. Nakatitig lang ako ngayon sa mala-anghel niyang mukha at hindi ko mapigilan ang sarili ko na mangiti. Ang galing, namamangha ako sa mukha niya.

"Aray!" sigaw ko nang pitikin niya ang nuo ko. Napakasakit! Bwisit!

"Kanina pa ko salita nang salita tapos nakangiti ka lang diyan? Tingin mo ba biro lang 'to? Tingnan mo nga itong ulo ko at may bukol na!" Nagpamewang siya at mukhang nauubusan na ng pasensya kaya nag-peace sign ako sabay ngiti.

"Oh! Oh!" Reklamo ko sabay iwas kaagad nang umamba siya. "Nagso-sorry na nga ako! Hindi ko naman sinasadya!"

"Sorry lang?"

"Bakit? Gusto mo ba idala pa kita sa clinic?"

"Malamang!" Napakamot ako ng ulo sa sagot niya. Kaya niya naman kasing mag-isa pero nagpapasama pa. "Anong binubulong-bulong mo diyan?" Masungit niyang bati kaya napanguso ako.

"Nagpaakay ka pa kasi. Hindi naman kita napilay. Ulo lang 'yan."

"Ulo lang 'yan?" Nag-smirk siya at inirapan ako. Mas lalo pa siyang nagpabigat kaya napipikon na ko sa kanya. Okay sana kasi may akay-akay akong gwapo kaso napakasama naman ng ugali. Nagpapabigat pa. Nakita niya na ngang dala ko pa ang bag naming dalawa.

"Bakit bigla kang tumatawa?" Gulat kong tanong. Huminto siya sa pagpapaakay at pinaningkitan ako ng mga mata habang lumalapit. "Bakit ba? Lumayo ka nga." Ilang ko siyang hinawi pero lalo pa siyang tumawa.

"Kilala kita." Pinasadahan niya ulit ako ng tingin. "Ikaw 'yong tatanga-tangang babae na dinala ko sa clinic noong nakaraan." Natatawa niyang kwento.

"Wow, tatanga tanga." Tumango-tango ako nang mabagal habang napipikon. "Grabe, ang sakit mo namang magsalita. Ni hindi nga kita kilala."

"Mag-thank you ka na lang." Mayabang niyang sabi at nagpamewang pa. 

"Mukhang okay ka naman. Sorry ulit. Alis na ko." Umirap ako pero hinila niya ulit ang braso ko. Nilagay niya 'yon sa bewang niya at muling nagpaakay sa akin. Napapikit ako sa sobrang inis. Hindi ko alam kung anong trip niya o sadyang may sayad lang siya.

"Pasalamat ka nga at kahit hindi kita kilala ay dinala kita sa clinic noong nakaraan. Tapos ako ngayon iiwan mo lang? Samantalang kasalanan mo naman 'tong nangyari sa akin."

"Bakit ba ang daldal mo? Gwapo ka nga kaso para kang babae sa bibig mo."

"Grabe, ikaw pa ngayon ang mayabang."

"Okay na nga. Idadala na kita ngayon sa clinic para kwits na tayo. Tumigil ka na kakasalita kasi kasakit sa tainga ng boses mo." Sarkastiko kong sagot habang pinandidilatan siya.

"Parang kasalanan ko pang ipupunta mo ko sa clinic." Balik niya sa sinabi ko. Tumigil na naman siya sa paglakad kaya napatingin na ko nang masama. 

"Ano bang trip mo sa buhay?"

"Ayoko ng magpadala sa clinic. Isusumbong na lang kita sa Dean's office." Banta niya kaya natigilan ako. Hinila niya ko sa braso kaya napalunok ako sa sobrang kaba.

"Teka, pwede naman natin 'tong pag-usapan. Hindi ko sinasadyang tamaan ka ng bato. Saka salamat kasi dinala mo ko sa clinic." Mahinahon kong tuloy-tuloy na salita. Hindi pa rin siya kumikibo at patuloy lang sa paglakad.

Malapit na kami sa department namin kaya pilit ko pa siyang inuuto. 

"Gusto mo bang ilibre na lang kita? Kahit ano basta 'wag ka nang magsumbong." 

Huminto siya sa paglakad kaya napa'yes' ako. Muli siyang bumaling at umayos naman ako agad sabay ngiti nang malawak. 

"Ano ang ililibre mo?"

"Kahit ano. Bahala kang mamili."

Tumitig siya sa mga mata ko na mukhang nag-iisip. Nakakatunaw ang pagngiti niya kaya natulala ulit ako. Bakit may ganitong klaseng lalaki sa school namin? Ngayon ko lang siya napansin. Ang swerte siguro ng mga kaklase niyang babae dahil lagi siyang nasisilayan.

Kung hindi lang masama ang ugali niya. Ayos na sana.

"Milk tea? At ano pa?" Mabait na mabait kong tanong. Kanina pa nangangawit ang pisngi ko sa pagngiti sa harapan niya.

Ngumuso pa siya ngayon at seryosong tumingin sa itaas na menu. Sa sobrang gwapo niya, nakukuha niya ang atensyon ng mga nasa paligid namin. 

"Ako na ang bibili. Umupo ka na doon." Utos niya. Naglabas ako ng pera para iabot sa kanya pero tinitigan niya lang 'yon. "'Wag na, ako na. Hiyang-hiya naman ako sa'yo." Ang yabang niya talaga at kung makapagpalayas pa wagas.

"Hindi ko alam kung swerte ba ko o malas." Inis kong bulong sa hangin habang binababa ang bag naming pareho. Hindi rin siya gentleman. Nangalay yata ang likod ko sa sobrang bigat ng bag niya.

Tahimik siyang naupo sa harapan ko. Hindi ko alam kung bakit bigla na lang bumilis ang tibok ng puso ko sa pag-upo niya. Parang may biglang liwanag ng araw na dumapo sa pwesto niya at tanging siya lang ngayon ang nakikita ko. Myghad! Nasobrahan na yata ako sa mga drama sa tv.

"Oh." Inabutan niya ko ng order ko. 

"Thank you." Ramdam ko ang pagkabog nitong puso ko dahil sa pagdaplis ng kamay niya sa kamay ko. Sige, sulyap pa more. Tapos iyak later kapag nasaktan ka ulit.

Nabalik ako sa ulirat ng tumunog ang cellphone ko. Tumingin siya sa akin na ngayon ay humihigop ng dark chocolate milk tea na order niya. Ngumiti lang ako at nag-excuse.

Bakit ba ganito ang pakiramdam ko? Parang kakaiba. Ngayon lang ako kumain sa labas na ibang lalaki ang kaharap at hindi si Nick.

"Hello?" sagot ko habang lumalayo sa kanya. 

"Hoy, babae! Nasaan ka na?!" sigaw ni Mars sa kabilang linya kaya mabilis akong napalayo ng tainga sa cellphone. Ang sakit sa tainga.

"Nandito sa tapat ng school. Bakit ba?" Malumanay kong sagot habang nangingiti sa pagsilay sa kasama ko ngayon. Ang sarap niya kasing tingnan doon sa sa pwesto namin. Para siyang batang kumakain ng donut at tahimik na naghihintay.

"Baka nakakalimutan mo na ngayon ang long quiz natin. Dalian mo at mangongopya ko sa'yo."

"Oo nga pala!" Bulalas ko sabay patay agad ng tawag. Tumakbo ko pabalik sa pwesto namin para kunin ang bag ko. "Aalis na ko. Maiwan na kita." 

"Bakit nagmamadali ka?" tanong niya nang mahawakan ako sa braso.  

"Nakalimutan ko kasi na may long quiz kami ngayon. Malapit nang dumating si Sir kaya aalis na ko." Mabilis akong tumakbo sabay hinto para lingunin siya. "Thank you pala dito." Mostra ko habang nakaturo sa milk tea at ngumiti naman siya.

Ngayon lang ulit kumabog nang ganito ang dibdib ko. 

"Ang cute niya." Nahinto ako sa pintuan ng classroom. "Hindi ko man lang nakuha ang pangalan niya." Sayang!

"Saan ka ba galing?" Bungad ni Mars na hinihila na ko sa kalapit niyang pwesto.

Continue Reading

You'll Also Like

25K 422 69
Im an NBSB. Maganda ako pero hindi pa ako nagkakajowa, crush oo pero boyfriend hindi pa at hinding hindi ko na hihilingin pa. Nasa pamilya ako ng hig...
15.8K 893 26
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...
85.9K 2K 47
Mayuri Hannah Valdez is a thoughtful girl. At nang dahil dun ay may na-meet siyang 5 lalaki. At hindi maganda ang naging first impressions nila sa is...
170K 2.8K 53
Makikilala mo ba kung sino talaga sya? malalaman ko kaya kung sino sya? Itinadhana bang mangyari ito? ayoko muna pero alam kong hindi ako ang nagdesi...