JERSEY No. 6 (Completed)

Af quinjinx_06

78.6K 1.9K 135

Love Letter Series#1 "When you stop chasing the wrong one, you give the right one a chance to catch you!" TEA... Mere

Prologue
Chapter 1. "I'm waiting for you"
Chapter 3. "Who is Tyler?"
Chapter 4. "Someday, Somehow"
Chapter 5. "Be with who?"
Chapter 6. "Foundation Week"
Chapter 7. "Unexpected moments with you"
Chapter 8. "Somebody to you"
Chapter 9. "Friend Request"
Chapter 10. "Ignore. Not now. Confirm"
Chapter 11. "Something what we had"
Chapter 12. "Answered thoughts"
Chapter 13. "Something's wrong"
Chapter 14. "Making choices"
Chapter 15. "Mistakenly missing you"
Chapter 16. "Destiny's game"
Chapter 17. "Sebastian's game rules"
Chapter 18. "Sebastian's game rules. Part 2"
Chapter 19. "Farewell"
Chapter 20. "Hurting without knowing"
Chapter 21. "I am happy for you"
Chapter 22. "Catch me, I'm fallen"
Chapter 23. "When reality bites"
Chapter 24. "Feel the pain until it hurts no more"
Chapter 25. "Breaking apart"
Chapter 26. "I am Tyler"
Chapter 27. "Meeting the real you"
Chapter 28. "It's okay, that's love"
Chapter 29. "When two world collides"
Chapter 30. "You know its love when it hurts"
Chapter 31. "The very thought of you"
Chapter 32. "Just you and me"
Chapter 33. "Sebastian <3"
Chapter 34. "Love will lead you back"
Chapter 35. "The Daily Dose of C3"
Chapter 36. "Walk by faith, not by sight"
Chapter 37. "Where do broken hearts go?"
Chapter 38. "Till I met you"
Chapter 39. "Eye to eye"
Chapter 40. "Welcoming Changes"
Chapter 41. "Nice to meet you"
Chapter 42. "Embracing one more chance"
Chapter 43. "Tyrone Zach Medina"
Chapter 44. "Sasha Arrianne Montecillo"
Chapter 45. "Will you still love me the same?"
Chapter 46. "Loving Cecelia Christina Calumpit"
Chapter 47. "Beautiful in White"
Special Chapter. "Honeymoon"
Special Chapter. "Positive"
Special Chapter. "Jersey No. 6"

Chapter 2. "Basketball Team"

2.2K 45 0
Af quinjinx_06



"Cecelia bumili ka na ng shampoo ng makaligo ka na! Ano bang pinag da-drama mo dyan ha?" inagaw ni mama yung unan ko kaya napabangon ako. Diba nga nag-eemo pa kasi ako dahil wala ka sa liga sa kabilang barangay. Almost 2 weeks kong pinaglamayan yun, akala ko nga mababaliw na ako pero nakayanan ko naman kahit papano. Ang tigas rin kasi ng ulo ko eh, sinabihan mo na ngang isang taon pa, assuming pa ring bumalik ka na. Grrr... iisipin kong isang taon pa. Lang'ya! kaya ko ba yun? 365 days? Pero Don't worry napag isipan ko na rin yan kagabi na hihintayin kita whatever it takes.



Nga pala, may liga na naman akong pupuntahan bukas. Alam mo na, umaasa pa rin akong makikita kita. Ilang barangay na nga bang pinuntahan ko? Naku hindi ko na ata mabilang eh. Minsan pa nga sa covered court ako tumatambay pero madalas nakikipanood ako kasama si kuya sa channel 2 NBA. Favorite ko na si Stephen Curry kasi ang cool niya. Idol ko rin si Lebron James kasi ang astig niya, Yung crossover ni Cris Paul, yung mabilis na foot work ni Kyrie Irving, pati kay Deron Williams gusto ko yung mga moves niya. Pero sa kanilang lahat ikaw pa rin ang pinaka favorite ko.



First day of the class na nga pala ngayon, 2nd sem na. Malapit na talaga tayong magkita. Wala naman kasing nangyaring maganda sa 1st sem ko kaya wala akong kwento sayo. Sana lang talaga ngayong 2nd sem may exciting na mangyayari sa buhay ko (cross finger)



"CECELIA!"



"Opo ma." nagmadali akong tumakbo kina aling Tonia.



"Isang sunsilk po saka creamsilk conditioner na pink."



"Ano pa Cecelia?"



"Wala na po! ito po bayad." wala sa sariling naglakad na ako.



"Cecelia sukli mo. Sobra ang binigay mo." napahinto ako sabay simangot.



"Dapat talaga pag sobra ang binigay, binabalik ang halaga. Masakit kayang umasang ibabalik niya ang halagang binigay mo kahit pa willing kang magbigay ng sobra!"



"Eh tweet ko na ba yan bunso? Anong hashtag? hashtag keep the change or give love a chance? hahaha. Emo-emo mukha ka namang engot!" napanguso akong humarap kay kuya na humihithit ng sigarilyo niyang malboro lights. Lang'ya mas naalala kita sa sigarilyo na'yan. Kainis!



"Bakit? may tweeter ka ba?" inirapan ko siya saka hinablot kay aling Tonia ang sukli ko. Ngali-ngali kong sabunutan ang sarili ko habang naliligo ako. Naiinis ako sayo! Oo na, gwapo ka pero masyado ka ng paasa. Ako naman si tanga go with the flow pa. The TANGA AWARD goes to. . . Cecelia Cristina Calumpit a.k.a C3.



Bog. .bog. .bog dribble ng bola. Mabilis pa sa alas kwatro ang pagtapis ko ng tuwalya at tumalilis palabas.



"CECELIA! ANONG GINAGAWA MO SA LABAS KANG BATA KA!" sigaw ni mama saka hinambalos ako ng walis tingting. Tudo ilag naman ako dahil busy ako sa paghahanap sa nag babasketball.



"May basketball ma?"



"Anong basketball? Pumasok ka sa loob, hindi ka pa nga tapos magsabon. Lagot ka sakin CECELIA!" natauhan naman daw akong pumasok ulit sa banyo. Kita mo na! Dahil sayo natutuliro ang utak ko. Kasalanan mo talaga lahat ng to eh. Maloloka ako kakahintay sayo Tyler!




Sa room panay ang halakhak ni Regoberto dahil sa nasaksihan niya ang eksina sa bahay kanina. Kapitbahay ko nga pala siya at pati dito sa school eh ini-envade niya ang privacy ko. Classmate kami kaya hindi ako makawala sa anino niyang makaluma.



"Napapansin na kita Cecelia ah, panay ang bukambibig mo basketball."



"Mas mabuti nayon kaysa sambitin kong pangalan mo maghapon Regoberto Magsalong Jr.!" pinukpok ko sa ulo niya ang lapis saka kinagat ang dulo nito at muling nag sketch ng bola.



"Soooo. . . maganda ang pangalan mo ganun? hah! Cece. . ."



"Subukan mo Regoberto! Makakatikim ka saking hayop ka!"



"Peace yow. . peace yow!" nagtaas pa siya ng kamay at tumayo na animo naka gangster ang kamay. Engot!



Wag kang magtaka Tyler ha kung ganito kami magsalita ni Berto. Sanay lang sa salitang kalye pero mahinhin naman ako. Sa kanya lang kasi lumalabas ang pagiging brutal ko. Wag mo ring isiping may gusto ako sa kanya kasi iba ang gusto ko. Wag mo na ring tanungin kung sino kasi pagkatapos pa ng mga kalahating taon tsaka mo malalaman ang sagot ko.




"Oh my God! You won't believe this girl! Kyaahhh TYLER IS BACKKK...." nahampas ko si Berto bigla dahil sa narinig kong sigaw.



"Cecelia sumusobra ka na ha?"



"Sshhhh... shut up!" dinikit ko ang lapis sa bibig niya.



"KYAAAHHHH. . . TYLER IS BACK!!!" parang may paru-parung naglipana sa paligid ko, kusang naging slow motion ang lahat kasama ang pag nganga ni Regoberto. Tama naman ako ng narinig diba? Tyler is back! In tagalog. . Bumalik na si Tyler!



"Cecelia. . hoy. . "



"TYLER IS BACCKKKK...." halos liparin ko ang daan papunta sa gym. Nalampasan ko pa ang mga babaeng nagsisigaw kanina. Pero wag ka, mas malakas na ang sigaw ko ngayon kumpara sa kanila. Kailangan ko silang maunahan na makita ka. Ikaw naman yun diba? Ikaw lang naman ang Tyler na kilala ko diba? Ikaw na talaga to! Feel na feel ko na eh. Wait for me, malapit na talaga ako sa gym. Oo, sa gym talaga ko pupunta. Basketball player ka kaya malamang sa gym lang kita matatagpuan.



2nd semester na at ngayon ko lang narinig ang pangalan mo dito. Oo nga't nangako kang pagkatapos pa ng isang taon pero anong magagawa natin kung bet tayong paglapitin ng tadhana sa mas mabilis na panahon diba? True love na talaga to. Promise!



Pero hindi ko akalaing sa pagtapak ng paa ko sa loob ng gym magiging ganito ka abnormal ang tibok ng puso ko. Yung tipong halos hindi na ako makahinga dahil sa naghahalong kaba, excitement at happiness na sabay-sabay na nagtatampisaw sa puso ko. Parang sa isang iglap kinabahan akong makita ka ulit. Hindi ko alam kong dahil ba sa posibilidad na makita ka o dahil sa maaring isampal na naman ng tadhana sakin na assuming lang talaga akong makita ka ulit. Tyler, sana ikaw na talaga to!



"Ikaw ba yung nag a- apply? Come here! Kailangan ka na dito as soon as posible." nabigla ako ng may humila sakin at walang ka gatol-gatol na dinala ako sa locker room. Hindi! Isa itong miss understanding.



"Tayka lang po sir, hinahanap ko lang po yung basketball. ."



"Here's our new Manager guys!" kusang tumigil sa pag beat si heart ng sabay-sabay na lumingon ang nag gwa-gwapuhang maskulado, matatangkad at super hot na basketball team. Nagmukha akong unano sa tangkad nila. Literal pa atang halos tumulo ang laway ko dahil sa sobrang yummy nila.



"MANAGER?" napaiktad ako sa sigaw nila. Nagsink in agad sa utak ko ang nangyayari. Lumingon ako sa paligid pero sa akin talaga silang lahat nakatingin. Anong nangyayari dito? Paki explain, labyu!



"What? She's our manager coach? The heck babae siya! Hindi naman ata pwede yun."



"Pero siya lang ang nag apply at no choice na tayo. Wala ng may gustong mag handle sa inyo. She's the one!"



Nag panting naman ang tainga ko sa narinig. Hindi ko talaga alam ang pinagsasabi nila. I don't care kahit mga gwapo sila. Ikaw lang ang gusto kong makita ngayon.



"Excuse me! Hinahanap ko lang naman si Tyler. Nandito ba siya?" This time tumitig na naman silang lahat sakin. Pati ang tinatawag nilang coach eh nakatingin din sakin. Bakit? Gaano ka ba kasikat para magdamdam silang ikaw ang hinahanap ko?



"Did I hear my name?" Literal na nawalan ng oxygen ang utak ko dahil may nagsalita sa likod ko. Tyler ikaw na ba yan? Hindi ko maigalaw ang paa ko.



"Oh you're here. She's the new manager." si coach ata ang nagsalita.



"What? Who? That girl?" kumakabog na ang dibdib ko sa sobrang kaba. Ikaw talaga yan eh. Yung boses familiar at yung kabog ng dibdib ko talagang alam na ikaw talaga to eh.



"Miss. Nag-aapply ka diba?"



"OPO! GUSTO KO PONG MAGING MANAGER NG BASKTEBALL TEAM!" sigaw ko na talaga. Wala ng isip-isip pa dahil makakasama kita buong araw kapag ako ang manager. Lord, thank you po talaga!



"Excuse me! Who the hell are you?"



"TYLER. . ." pero sa pag harap ko, ibang tao ang nakita ko. Umikot ang paningin ko sa kanilang lahat, inaasahang isa sa kanila ikaw ang makita ko. Tayka, mali ba ako?



"Si Tyler? Nasan siya?" nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanilang lahat ng may biglang pumitik sa noo ko. In a split of seconds, I thought I finally saw you. Pero nung kumunot ang noo niya I realized na ibang tao ang nasa harap ko. Oo, gwapo siya, mag kasing tangkad lang kayo, mag kasing katawan, parehong maputi, parang ikaw lang. Pero hindi eh, hindi ikaw ang lalaking nakikita ko.



"He's Tyler, our team captain. Ako naman si Sir Mike, team coach. Ikaw si. . ."



"Cecelia." wala sa sariling sagot ko dahil nakatitig lang ako sa lalaking sinasabi nilang Tyler. Hindi ako maaaring magkamali, yung feelings ko kanina katulad ng feelings ko para sa iyo. Pero the moment na ibang Tyler ang nasa harap ko, nasaktan ako. For the 2nd time naging assuming lang ako na makita kita ulit.



"So Cecelia, from now on part ka na ng team. Kung wala kang gagawin bukas we will have our proper meeting at 5 pm."



"Po? Naku po sir! Sorry po. Nag kamali lang po ako ng pasok." nagmadali akong humakbang palabas pero nahila ako ng coach. Lagot na talaga!



"No! We need you and that's a deal."



"Coach, she's a girl for Christ sake! Anong mapapala natin sa kanya?" out of nowhere this so-called Tyler exclaim.



"We don't have enough time Tyler! At wala ng gustong mag handle sa inyo because of your behavior. Whether you like it or not, she's your manager. Kung ayaw niyo pwes tapos narin ako sa team na'to." at nag walk out si coach. Putragis! Naunahan pa niya akong lumayas dito. Susunod narin sana ako ng biglang humarang sakin si bakulaw. Ayuko siyang tawaging Tyler dahil sayo lang bagay ang pangalang yan!



"Cecelia. . ." Napaatras ako ng wala sa oras. Bakit pag ikaw ang tumatawag sakin ang gandang pakinggan, pero pag itong lalaki sa harap ko parang ang laswa sa pandinig. Ayuko sa kanya! Period!



"Napansin na kita. I even know your name so. . . ." sobrang cool ng pagkakasabi niya pero I tried my very best para hindi ma distract sa kanya.



"So?"



"Tsk! What do you want?" Napapitlag ako ng hawakan niya ang pisngi ko. Tila libo- libong boltahe ng kuryente ang dumaloy sa mukha ko. Oo, sanay akong hawakan ni Regoberto ang mukha ko pero never kong na feel ang ganito. Isa siyang makasalanang lalaki!



"Ano ba?" Winaksi ko ang kamay niya kaya napatawa ang ibang team mates niya. Kinakabahan na talaga ako. Naku Tyler! Kasalanan mo talaga lahat ng to eh.



"Ahh.. baka naman ito ang gusto mo?" Nanlaki ang mata ko ng dahan-dahan siyang humakbang palapit sakin. Tudo atras naman ako pero napasandal ako sa pader. Lintek! paano nagka pader dito? He then smirks at walang pasabing niyakap ako. Hindi ako naka react, ni ang paghinga nakalimutan ko yata. Lahat ng rules about sa gwapo nakalimutan ko dahil hindi naman tayo umabot sa yakapan diba? Parang nawalan ng isip ang utak ko.



"Siguro naman okay na ang yakap sayo?" He whispers right through my ears kaya natulak ko siya ng malakas. Tudo hiyaw at tawa naman ang lahat samantalang siya ay naka smirk lang sakin. Siguro nga may similarities kayo, pero iba ka! Iba ka sa kanya!



"I hate you!" Tumakbo na talaga ako sa labas ng gym. Nakakainis! May lalaki ba talagang kasing presko niya? Hello! He even didn't know me tapos babastusin lang niya ako? Kung umandar ang pagkamaldita ko malamang pinagtawanan na siya ng teammates niya. Tama nga ang sinabi ng coach nila, sobrang bad ng attitude niya kaya walang naglakas loob na maging manager nila. And me? Manager? Hell no!



"Cecelia!" patakbong lumapit sakin ni Berto bitbit ang bag ko. Nakalimutan ko pa tong dalhin dahil sa pagmamadali ko.



"Oy!"



"Oy ka rin!" Pa ismid sa sagot niya. Kinuha ko na lang ang bag saka naglakad na. As usual naka sunod lang siya sakin. Ganyan naman lagi si Berto eh masyadong maalalahanin pero madalas makulit at palaaway. Hindi ata makukumpleto ang araw niya pag hindi niya ako naasar.



"Ano naman Regoberto?"



"Masama bang sumunod sayo?" Na imagine ko pang lumaki ang butas ng ilong niya sa pagsabi nun. Hindi kasi ako nakatingin sa kanya dahil nagda-drama parin ang beauty ko sa pagiging assuming.



"Sa cr ako. Bakit susunod ka?"



"Mag c-cr din ako." Lumingon na talaga ako sa kanya. Naka pamaywang pa kala niya kina gwapo niya. Well, medyo gwapo naman tong kaibigan ko eh, yun nga lang kinulang sa style at porma. Pero kung afford niyang magsuot ng mamahaling damit, lagot na! Nagiging instant celebrity rang si Berto. Nung 3rd year high school Js Prom nga namin he became a human for the 1st time. Abah! Junior King ang title niya.



"Okay!" Nagmakol ako papasok sa cr at ang kumag sumunod nga.



"Hep hep hep. ." Hinarang ko ang kamay ko sa mukha niya.



"Ano na naman Cecelia?"



"Excuse me Regoberto, but you're invading my privacy!"



"Eh gusto kitang bantayin eh! Natatakot ako sa pinanggagawa mo baka bigla ka na namang sumigaw at magtatakbo. Nag promise ako sa nanay mo na babantayan kita kaya ginagawa ko lang ang trabaho ko sayo. Makisama ka na naman!"



"Ah ganun?" Nagmadali akong pumasok sa isang cubicle. Hindi ko sinara at akmang maghuhubad ako ng pants ko. Tingnan lang natin kung saan hahantong ang tagpong to.



"Cecelia. . ah. . anong ginagawa mo?"



"Mag c-cr! Bakit?" Patay malisya ko pang smile sa kanya. Ano ba'to? Ang sikip naman ng pantalon ko.



"CECELIA! LALAKI AKO!" Sigaw na talaga niya. Promise gusto ko talagang matawa pero pang best actress ang drama ko kaya sige lang. Nakakatawa kasi ang reaction ni Berto eh. But don't worry Tyler binibiro ko lang siya. Naka reserve kasi ang body ko sa magiging husband to be ko.



"Eh gusto mo to eh!"



"CECELIAAAAAA!!!!" Tagos hanggang sa kabilang building ang sigaw niya bago nagtatakbo palabas ng cr. Humalakhak na talaga ako. He's face was so epic! Nasarado ko agad ang cubicle at ihing-ihi na rin talaga ako. For sure tatalakan na naman niya ako dahil sa nangyari.


Eh kasi naman Tyler naiinis pa rin kasi talaga ako dun sa katukayo mo, nadamay na tuloy yung kaibigan ko. Kasi naman sa dinami-dami ng pangalan sa mundo bakit magkapareho pa kayo? Ayuko! Hindi ako papayag na dungisan niya ang pangalan mo. Pwee! pangalan lang kasi ang gwapo sa kanya eh. Pero gwapo naman talaga siya. Ah basta! At ang lakas ng loob niyang yakapin ako. Eh ikaw nga hindi mo ako niyakap diba? Isa lang ang ibig sabihin don. That Tyler-whatever his name is, is a total jerk!



Hindi ko na naabutan si Berto sa labas ng school. Ang kapal ng mukha at iniwan pa talaga ako. Gusto ko tuloy siyang eh text pero wala nga pala akong cellphone kaya dadaan nalang ako sa bahay nila. Oo, tama ka ng narinig wala akong cellphone. Pulubi ang peg ko dahil hindi pa daw afford ni mama ang Iphone 6. At ang hinayupak na Berto hindi ako nilabas at ang sabi nagmukmok daw siya sa kwarto. Hay naku! Pag umaabot kasi kami sa ganong biruan nagsisinte ang lolo niyo. Parang siya yung babae eh, maka react kala mo siya yung mawawalan ng virginity. Kaya nagmaktol nalang ako papasok ng bahay, kumain ng hapunan, nanuod ng tv saka pumasok sa kwarto.



But the moment I lay at my bed, naalala kita bigla. Napatingin ako sa medal.


"Ano bang trabaho ng manager sa isang basketball team?" Tanong ko sayo. As usual walang sagot. Napa buntong-hininga ako. Alam mo kasi akala ko talaga ikaw na yung makikita ko kanina, na ikaw yung Tyler na sinasabi nila, na sa wakas bumalik ka na. Nakakawalang lakas kasi yung sobrang nag expect ako tapos ang ending, ayun nganga! Whats worst is napagkamalan pa akong manager. The heck! Manager? Ako? Ni hindi ko nga alam ang basketball diba? Kaya No ang sagot ko! As in malaking NO.



1 reason, kasi hindi ikaw ang Tyler na nandon. Another reason, I don't want to mingle with other basketball players. Oh english yan ha! Saka Tyler gusto ko pag magkita na tayo, wala kang masasabing negative about sakin. Ah basta! Ang gusto ko ikaw lang! Gets mo na yun.! hehehe. Saka malapit na naman tayong magkita eh, kunting kembot nalang kaya hindi ko na kailangang maging manager ng team nila. Bukas kakausapin ko yung coach para naman hindi siya aasa. Ang hirap kayang umasa noh! Sakit sa bangs!



**Loving you desperately,

Cecelia.




<Thanks for reading <3

VOTES & COMMENTS ARE HIGHLY APPRECIATED :)

Fortsæt med at læse

You'll Also Like

Paper Memories Af Muraw

Generel Fiktion

3.2K 819 124
A Filipino- English Novel Note: Chapters are split into three parts Genre: General Fiction. Psychological. Fantasy. Content Warning: Bullying. Harass...
1.4K 129 33
Si Estrella Serafin Salvacion ay kaisa-isang anak ng isang kilalang Senador sa Pilipinas. Pinagdasal niyang maipakasal siya sa kanyang nobyo na si G...
4.8M 76K 77
(The First Installment of G-Clef Song Trilogy) Sa isang tinig, sa isang himig. Sa isang saglit, isang alaalang puno ng sakit. Kailan ka nga ba makaka...
9.9M 169K 66
Meet Janine Park, the leader of the strongest girl gang in the Gangster World. But somehow, someone wanted them DEAD. They hid in the small part of P...