Crush lang kita

By Alice_stranger

9 0 0

Have you ever felt that the blood from your heart pumped so fast? More

Broken days

9 0 0
By Alice_stranger

Time check: 12 midnight

*** beep beep! ***

1 message received

From: Maris
"Faye tara! Gala naman tayo oh, boring talaga dito sa boarding house. Urgh!"

To: Maris
"Tara, san tayo?"

From: Maris
"Doon parin, papunta na ako."

To: Maris
"Okay copy!"

This is me, you can't stop me from what I'm doing and being who I am. Faye Senda is my name, 18 years old.

*********************

Faye's POV

I'm a 3rd year nursing student from Augustine Medical School.

Simple lang naman ako na babae, di naman ako ganuong katangkad (5 ft), fair skin lang (di maputi pero di naman maitim), maganda (sabi nila pero humble ako ha), sobrang bait (biro lang, kasi maldita raw ako sabi ng karamihan. Grabe sila 😭), madaling mapikon, outgoing, approachable naman kahit papaano, friendly, loyal friend (kasi mas pinapahalagahan ko yung friendship naming magkakaibigan), di ganuong katalino.

Sobrang hilig sa music (di ko kayang mabuhay na hindi makarinig kahitsa  isang music lang. Hindi ako oa), badminton lang alam ko sa lahat ng sports, magaling kumanta, ayoko ng competitions sa lahat ng bagay, ayoko ng pressure (nakakabaliw yun), chill lang (party girl din ako).

"San na ba yung sapatos ko?" tanong ko sa sarili ko.

Iritang irita talaga ako basta't nagmamadali tapos dun ka pa maghahanap. Asar!

Mga after 2 minutes lang ay nakita ko narin sa wakas. Nagmadali na ako dahil walang patience yung babaeng yun. Plain t-shirt na blue, ma-ong shorts at black shoes. Yan yung suot ko, wala akong pake kung pangit or baduy or what sa paningin ng iba.

I don't need their opinion. Char maldita nga talaga. Haha Anyways nang nakarating na ako sa lugar na laging pinupuntahan namin ni maris (sa Honey's bar) makikita mo talagang nagne-nasal flaring na siya sa kakahintay. Haha


"Duh! kanina pa ako naghihintay dito." biglang sigaw ni maris

"Hay nako, parang 3-4 minutes nga lang yun eh." I smiled

"Duuuh! Uy tara order na tayo, ano sayo?" tanong kaagad ni maris

"Ikaw? Hard? Then fries ha."

"Osige tequila na nga lang." tinawag na kaagad ni maris ang waiter at nagorder.

"Uy fries ko ha!" sabay pacute ko kay maris.

"Ugh! Yeah yeah!"

Habang umiinom na kami ni maris, kwentuhan kami ng kwentuhan tungkol sa kahit na anong ganap sa buhay namin. Nu ba! Ahahaha ganun talaga kapag umiinom. Sobrang daming dapat pagusapan. Sigh!

"Maiba ako, kamusta ang buhay single?" Sabay ngiti ni maris sa akin

"Luh! Sobrang sarap! HAHAHA! 😂 Ang saya pala kapag wala nang sagabal sa buhay mo" sabay tawa ko sa sinabi ko

"Huuuy sama naman neto, sagabal pala si peter sa buhay mo ha? Isusumbong kita! Hahaha 😂"

"Huy di naman sa ganun! Haha ang ibig kong sabihin, wala nang pumipigil sa akin pagdating sa mga ganitong bagay, wala nang magtatanong kung san ako, kumain na ba ako, sino-sino ang mga kasama ko, bawal ako nito, nyan, bat di pa ako umuuwi... yuong mga ganung bagay. Sigh! Finally,we're done!" at napangiti nalang ako

"Oh well! Buhay may pagibig, ganun talaga eh. Anyways matagal na din yun. It's been what? 2 or 3 years ago? Ahahaha" napatawa nalang bigla si faye

"2 years. Antagal na nga, eh ikaw naman tong nagopen-up. Bwiset ka! Haha"

"Sigh! Gusto ko nang magkaboyfriend ulit" sabay tingin ni maris sa paligid at tiyak na naghahanap ng isda sa dagat (gwapo) 🙄

"Heh! Mas masarap maging single no!... pero kung fling, okay lang ahahaha!" bigla kong sabi

"Damn right! Haha!"


At nagtawanan kami ni maris na para bang feel at home kami sa bar at para bang kami lang ang tao sa lugar na iyon. Chill and open place kasi talaga ang Honey's bar, hindi tulad sa iba na for party talaga na may sayawang nagaganap. Anyways, Over a year na ata naming kilala yung bar na yun, madalas din kasi kami tumambay at uminom sa bar na yun. Pati mga crew duon, nakasabay na naming uminom at medjo close na namin sila kaya sobrang komportable talaga kami doon.


Time Checked: 10:37am
-->At Inn

"Maris gumising kana! 10am na pala" sabay hawak ko sa ulo ko habang hinahanap ang bag ko, "Shet ansakit ng ulo ko!"

"Fudge! Bat di moko ginising! Naghihintay na pala daddy ko sa mall. Shet!" sabay suot ng shoes si maris

"Luh! Ayaw mo kayang gumising! Lagot ka! Tara na!"

Si maris, isa sa mga barkada ko na sobrang available pagdating sa inuman. We were classmates back then, sa George University, kaso nagtransfer ako ng school dahil sa financial problem that time. Lima kaming magbabarkada na nabuo nuong 1st year college kaming lahat sa GU, sina maris, sarah, jessie, bea at ako. And itong si bea nagstop ng pagaaral dahil sa financial problem at nagtatrabaho sa isang fast food. I have a lot of friends naman, pero sila yung super duper importante sa buhay ko. Char

Start nung nagtransfer ako ng school (3rd year), I don't know how to manage my time anymore, I really don't care that much sa school works and everything. Sabi nga nila, nagbago na raw ako. Ewan ko sa inyo. Haha

Well, may kasabay naman akong nagtransfer dito sa Augustine Medical School, na galing GU, sina kate at chris. Si kate, classmate ko yan sa GU pero retain siya kaya nalungkot ako at ito namang si chris, ang pagkakaalam ko, nagstop siya ng pagaaral at nagstart ulit sa AMS (1st year). So the three of us get along together, minsan nga lang kami magkakasabay kapag free time talaga naming tatlo.

After 2 days...
--> At School ( break time)

***beep beep!***

Andrew: "Bro may humihingi ng number mo. Ayokong ibigay."

Huminga nalang ako ng malalim. At di siya nireplyan.

Classmate ko si andrew sa AMS, siya yuong madalas kong kasama. Everytime kakain ako sa canteen, magyoyosi sa labas ng school, tatambay sa kubo (sa school). Minsan nga kapag umuuwi ako sa bahay para maglunch, sumasama talaga yan para makayosi or makainom ng isang bote ng beer. Baliw talaga.


"Nakakabaliw dito" agad akong tumayo sa upuan ko sa room, at lumapit sa may bandang aircon para naman kumalma ulo ko.

**door opend**


"Bro!" Sigaw ni andrew at agad na lumapit at umupo sa tabi ko

"Sigh! Ano nanaman?" I glared

"May humihingi ng number mo, pero di ko ibinigay. Pinipilit talaga ako, bahala siya jan." sabay kuha ng isang pair ng earphone na nasa kanang taenga ko

"Sino ba yun? Wag na wag mong ibibigay, maawa ka." sabi ko, sabay kuha ng coke niya at uminom ng konti

"May admirer kana bro! Kaso wag yun, wala akong tiwala ruon."

"Wala akong tiwala sa lahat" at pumikit nalang ako para makapagrelax

"Faye!!!" biglang sigaw ni kate mula sa pintuan ng room namin.

"Oh ingatan mo tong earphones ko" sabay bigay kay andrew ang earphones at lumapit kay kate

"Faye! Tara canteen, libre ni chris" sabay hila sa aking kamay pababa ng hagdan


Di man lang ako pinakinggang magsalita, kulit neto haha.

Actually di talaga kami close ni chris, kasi minsan lang kami magsama. Silang dalawa talaga ni kim ang close. Ever since, di pa kami nagsama ni chris na kami lang dalawa, dapat talaga anjan si kim lol.


***beep beep!***

Maris: "Hoy shot tayo later with sarah and jessie. Just text bea, i think di yun pwede."

Me: "Haha okay see you later"

"Hey chris anong ililibre mo samin?!" tanong kaagad ni kate pagkadating namin ng canteen

"Kayo? Bastat ililibre niyo ako soon!" Agad na sagot ni chris sabay tawa

"Sure! Si faye ang maglilibre sundo!" sabay turo sa akin ni kate

"Huy! Mga baliw wala akong pera." sabay tawa

"Heh! Libre mo sunod!" sabay hug ni kate sa akin

Etong si kim talaga ang cute cute talaga. Haha kaya nga tuwang tuwa ako sa kanya eh.

To Bea: "Pst! Be free tonight! Shot tayo with da barkadas."


"Oh!" sabay bigay ni chris ng extra spring rolls niya

"Ha? Sure? Yes!" agad kong kinuha at kinain

"Huuuuy! Andaya!" sigaw ni kate

"Huli kana!" sigaw ni chris kay kate sabay tawa

***Ring!***
Time Checked: 7:06pm

"Hay salamat, uwian na rin!" sigaw ng isa sa kaklase ko, si jenn

Agad na akong tumayo at kinuha ang bag para makapagayos for tonight.

"Faye! Wait lang samahan mokong kumain ng pastil sa labas please." as jenn pouted at me

"Haha! Okay tara baby jenn" sabay kong inakbayan si jenn

Tinuturing ko talagang kapatid tung si jenn, andami kasing mga bagay na pareho naming gusto.

"Sama kami!" Paawat nina jebby at joy

"Lets go guuuuurls!" sigaw ko

Chika kaagad habang naglalakad palabas ng skwelahan.

"Hey faye, kakain kaba?" joy asked habang kumakain

"Ay ano, bibili lang ako ng chicharon doon sa kabilang tindahan, wait lang." sabay lakad papuntang tindahan

Oh? Si chris yun ah. It's gonna be awkward, di kasi ako sanay makipagusap sa kanya kapag kami lang dalawa.

"Uy!" bigla kong sabi sa kanya habang kumakain siya ng burger

"Uy! Si kate?" agad na tanong niya

"Umuwi na yun, 5pm out nila eh. Hehe"

Yun nalang nasabi ko, at bumili na ako kaagad ng chicharon. Para umali na.

"San ka?" Tanong ni chris nang paalis na ako

"Ah? Ay doon sa kabilang tindahan, sinamahan ko kasi yung classmates ko. Sige!" at umalis na agad ako

Ewan ko, bat parang may something kay chris, that makes me uncomfortable. Sigh! Ewan!




Time Checked: 10:38pm
--> At Honey's Bar

"Oh late nanaman!" sabay sabi ni maris sa akin habang naglalakad ako palapit sakanila

"Heh!" agad na akong umupo sa tabi nila


Nakaorder na sila, mga 20 minutes na pala sila dito. Haha Tequila, fries at garlic chicken ang inorder nila. Agad naman akong kumuha ng fries, gutom eh.


"Teka, tinext niyo ba si bea? Bat wala pa siya?" tanong ni jessie

"Shot mo na jess!" awat ni maris sabay bigay ng glass shot

"Tinext ko na yun kaso wala akong natanggap na reply." i said habang kumakain ng fries

"Lagi nalang siyang wala. Sigh!" agad na sabi ni maris

"Huy jess tama na yan! Wala nang pulutan! Hahaha 😂" sigaw ni sarah kay jessie habang pinapapak ni jessie ang garlic chicken

"Haha! Kulang nalang kanin eh no?" sabi ko habang tumatawa

"Heh! Ikaw na oh!" sabay bigay sa akin ni maris ang shot

"Waaa ang bilis ah, nagmamadali? Haha"

"Bilisan mo, uhaw na ako. De joke lang haha" as sarah said

"Speaking of! Hi bea, nandito kami!" sigaw ni jessie nang nakita niya si bea sa may entrance door banda


Agad naman siyang lumapit at umupo sa tabi ko wearing that cheesy smile. Sabay kain ng fries. Itong babaeng tooooo. Haha


"Bat ngayon ka lang ha?! At wala pa talagang reply ha." sabi ni sarah kay bea

"Hihi (pabebe) Wala akong load, it's better to be late that never. Haha" bea said while eating fries


Syempre we're chitchatting about everything like, literally everything. Di mawawala ang lovelife na usapan mga ate at kuya basta't kaharap si tequila. Haha

Si sarah, di maputi, di rin maitim, tama lang naman, sobrang ganda nito dahil din siguro sa korean-like niyang mga mata, laging nakaponytail ang mahaba niyang buhok, funny at napakatalinong bata pero tamad din minsan. Siya nga pala ang tumuro sa akin sa lahat ng bisyo namin lol. Haha may jowa na yan, si joseph, na classmate lang din namin sa GU. 1 year na sila ng jowa niya kasi nung 2nd year naging sila. Alalang-alala ko pa nuong naging sila, naging kami din nun ni jeffrey. Ewan ko kung anong nakain ko at sinagot ang isang self-centered na lalakeng yun. Sising-sisi talaga ako na naging jowa ko yung topaking lalake na yun. 3 months lang kami nun, he's so overrated. Ugh! Anyways, happy parin sina sarah at joseph together, forever na ata tung dalawang to.

Etong si jessie, maputi, chubby, short straight hair, maganda siya at kamukha niya si Meghan Trainor. Well, NBSB siya! Ewan bat sobrang maldita nitong taong to, gusto raw niyang magkaboyfriend eh panay iwas niya sa mga lalakeng lumalapit sa kanya. Ang choosy talaga ni ateng. Haha

Bea, my diary friend! Lagi kaming naguusap tungkol sa mga achievements, problems, lovelife, lahat-lahat na. Should I say, she's my other half. Sabi nga ng iba kalook-alike raw kaming dalawa ni bea. Hahaha same kami ng skin color, brown eyes, maganda char, hanggang siko ang haba ng straight na buhok naming dalawa at petit. Kambal ko ata to. Haha 2 years narin tong single like me. Si vince nga pala yuong ex niya na bestfriend lang naman ng ex ko na si peter. 6 months lang kami ni peter nun, at 10 months lang sila ni vince. Babaero kasi tong si vince eh, pero kahit ganun yun, barkada ko parin yun hanggang ngayon.

Si maris naman, maganda, chinese-like eyes (so everytime na tatawa siya, di na siya makakita, haha), maganda, long hair abot pwet ang haba ng buhok niyan, sobrang smart, pero sobra rin pagdating sa inuman. Haha party goer talaga tong babaeng to, ako kaagad ang hinahanap or tinitext niyan kapag gusto niyang uminom, vise vera kaming dalawa haha. It's been 4 years na single siya from a serious relationship. 3 years sila ng ex niya nun, kaso wala eh, di talaga sila para sa isa't isa. Sa ngayon puro nalang fling fling si maris (me too). Wow, kelan kaya to magkakajowa ulit.

At ako, yun ngaaaa! 2 years na akong single, at nagkahiwalay kami ni peter nun dahil sa mga bagay bagay. Let's just say na it didn't work out. Ofcourse pareho kaming nakapagmove on na, after how many months, nagkajowa ata yun. Ewan pero ako? I can't just do that kapag naghe-heal palang puso ko, char. Di naman ako nagho-hope na magkajowa. Fling fling muna ako sa ngayon haha. Chill nalang ako sa buhay ko, ini-enjoy ko talaga ang pagiging single ko. Haha

"Ugh! I'm so drunk, so so so drunk guys!" sigaw ni bea

"Gaaaaad! Ilang shot palang yun bea! Hahaha" agad kong sabi

Continue Reading

You'll Also Like

46.8K 6.2K 53
"ඒයි ඇටිකිච්ච ඔහොම ඉන්නවා" "නේත්‍ර, නේත්‍ර... මගේ නම නේත්‍ර" "මොකද උඹේ කට ඔච්චර සද්දෙ, මට ඔය වයසට වඩා උඩ පනින්න දඟලන ඇටි කිච්චන්ව පේන්න බෑ. ඒ නිසා මට...
49K 85 10
horny တိုင်း ဘယ်လိုထန်လဲဆိုတာ လာလာရေးမယ့် storyပါ။ ဘာအနှစ်သာရမှ မပါပါဘူး။
14.3K 1.4K 17
" ඇයි අයියෙ ඔයා කොයි වෙලෙත් මාව සුදු අරලිය මලකට සමාන කරන්නෙ.." මං අයියගෙ මූන දිහා බලන් අහනකොට එයා මගෙ ඇස් දෙක දිහා බැලුවා.. මගෙ අයියගෙ මූනෙ ඇඳිලා තිබ...
17.6K 2.4K 37
එයා ආඩම්බරකාරයෙක්.. පපුව පුරා ටොන් ගානක් පිරෙන්න ප්‍රේමය හංගපු default title 📌 2024.03.23