My Fiancé Since Birth(Complet...

By kagome_Annah

9M 136K 7.9K

Van o Vincent? Hindi malaman ni Alex kung sino sa dalawa ang kanyang pipiliin. Si Van na fiance nya mula nan... More

My Fiancé Since Birth<3
One
Two
Three
Four
Five
Six
Seven
Eight
Nine
Ten
Eleven
Twelve
Thirteen
Fourteen
Fifteen
Sixteen
Seventeen
Eighteen
Nineteen
Twenty
Twenty two
Twenty three
Twenty Four
Twenty five
Twenty Six
Twenty Seven
Twenty Eight
Twenty Nine
Thirty
Thirty One
Thirty Two
Thirty Three
Thirty Four
Thirty Five
Thirty Six
Thirty Seven
Thirty Eight
Thirty Nine
Forty
Extra one: Confirm: Mamamatay na ako!
Extra Two: Maghiwalay na kayo!
Extra Three: Ang Parusa at Premyo
Extra Four: Average Girl
Extra Five: Tiwala
Extra Six: Game on
Extra Seven: Maghiwalay na tayo!
Extra Eight: VAN hindi excited maging daddy?
Extra Nine: Paglilihi
Pinakahuling Extra: Katapusan

Twenty one

184K 3.2K 158
By kagome_Annah

*****Twenty one*****

Alex POV

We're here in the Bay Area in MOA.  

Para kaming  mga sira kasi katanghaliang tapat ay naglalakad kami sa initan. Buti pa si Vincent ang cool cool nyang tingnan .  Mamulamula na ang kanyang mga pisngi at balat. Nakadagdag ng kaguwapuhan nya samantalang ako pakiramdam ko ang dugyot ko na.  Ewan ko ba kung ano ang pumasok sa utak ni Vincent at dito ako dinala. Date? Ito ba ang date na ipinagmamalaki nya? Pinetensya ata ito. Gaano ba kalayo ang gusto nyang lakarin namin? Pagod na ako.

"Vincent pasok tayo sa loob ng mall" aya ko sa kanya.   "Ang init-init dito eh " reklamo ko pa. Kasalukuyang nakaupo kami sa may   fountain.  Tirik na tirik ang araw kaya ipinaypay ko ang kamay ko sa mukha ko. Pero walang hangin na naiproduce ang aking kamay. 

 Humarap sya  sa akin at nginitian nya ako. Dahil sa ngiti nya biglang nawala ang pagkainis ko sa kanya. Parang isang gamot ang kanyang ngiti nakakawala ng pagkainis. Siguro kung binebenta nya ang kanyang ngiti marami ang bibili at isa na ako doon.

"Alex last day na ng usapan natin."   Sabi nya. Oo nga pala one month na at ito na ang huling araw ng paggiging slave ko. Bigla akong nalungkot. Ibig bang sabihin  wala nang dahilan para lagi ko syang makasama?  Basagin ko kaya ang salamin ng sports car nya para may extension ang kontrata.  'Wag na lang pala kasi magmomove on na nga pala ako sa nararamdaman ko sa kanya.

"Hay ! Sa wakas hindi mo na ako alila" kunwari'y masayang sabi ko. Pero sana slave mo na lang ako forlife. At paglilingkuran kita ng bongang-bonga with tender loving care pa. Sabi ng  puso ko pero ang  utak ko gustong magmove on.

"Alam mo  ba na hindi ako naging masaya ng mga oras na slave kita?" wika nya.  Tinitigan nya ako sa aking mga mata. Parang binabasa nya ang iniisip ko.

Nasaktan ako sa sinabi nya.  Pakiramdam ko dinurog na naman nya ang puso ko. Ang sakit-sakit.  Naramdaman ko na babagsak na ang aking mga luha.  Tumingin ako sa dagat para hindi nya makita ang mga luha ko na nagbabantang pumatak. Huminga ako ng malalim.

"Kasi alam mo iyon ang pinakamasayang mga araw sa buhay ko" mahinang sabi nya. Bigla akong napatingin sa kanya.   Kulang na lang ay tumalon ako sa saya. Akala ko  balewala lang  sa kanya ang mga pinagsamahan namin.

"Talaga?" Masayang tanong ko. Hindi ko na mapigilan ang saya ko. Napangiti ako sa kanya. Kulang na lang ay humalakhak ako sa sobrang saya.

Hinawakan nya ang mukha ko ng kanyang mga kamay at inilapit nya ang noo nya sa noo ko. Shocks!  halos magdikit na ang mga mukha namin. Pumikit ako kasi hindi ko matagalan  ang mga tingin nya sa akin. Kinakabahan ako. Ngayon lang na nangyaring ganito  kami kalapit sa isa't isa. Skin to skin.  Ang lakas ng tibok ng puso ko.

"Kaya lang kailangan matapos na ang kontrata natin kasi may mga bagay na kailangan nating harapin" dagdag nya.  Pansin ko ang seryoso nya habang sinasabi iyon. Anong ibig nyang sabihin?  Lalayuan nya  na rin ako.  Ngayong tapos na ang usapan namin haharapin naman nya ang kanyang fiancee. Pangulo lang ba ako sa buhay nya? Isang excess bagage? Pero nanggaling na mismo sa kanya na pinakamasayang araw sa kanya ang  nakasama nya ako. Ano ba talaga Vincent ? Naguguluhan ako sa iyo. Para kang  puzzle na mahirap buuin . Maraming pieces na nakakalito.

Lumayo ako sa kanya.  " Vincent kain tayo. Gutom na ako eh" pagbabago ko na lang ng usapan . Pakiramdam ko kasi hindi ko kayang  sabihin sa kanya ang paglayo ko. Nakapagdesisyon na kasi ako na iiwasan ko na sya at ito na ang huling araw na lalapit ako sa kanya. Kahit sinabi nyang naging pinakamasaya sya sa pinagsamahan namin hindi parin mabubura noon ang katotohanan na mahal nya ang kanyang fiancee. At alam ko kung patuloy akong lalapit sa kanya ay masasaktan lang ako. Kaya hanggat kaya pa ay iiwas na lang ako.  Buhay nga naman. Kung kailan ako nagmahal saka naman hindi pwede . Isn't it ironic sabi nga sa kanta ni Alanis.

Ngayon huling araw na namin pipilitin kong maging memorable ito. Gagawa ako ng maraming memories ngayong araw na ito.

"Tara na kain tayo" hinatak ko sya para makatayo .  Nang makatayo na sya at tumungtong ako sa bato na nakapaligid sa fountain at sumampa ako sa kanya. "Tutal last day na . Ikaw naman ang slave ko" sabi ko habang nakasampa ako sa likod nya. " Slave humayo na tayo. Kain tayo sa Mann Hann"  utos ko sa kanya. Nakayakap ang mga braso ko sa leeg nya . 

"Ang bigat mo Alex" reklamo nya .  Sinusuportahan nya ang likod ko para hindi ako mahulog. 

"Vincent ang bango mo" mayamaya sabi ko habang naglalakad sya at nakapasan naman ako.

"Tsk!Tsk! 'Wag mong masyadong amuyin baka maubos. Kawawa naman ang ibang girls na didikit sa akin. Wala na silang maaamoy."  wika nya.   Ang bango nya talaga kahit nasa gitna kami ng arawan hindi syang nag-amoy araw. Kaya hindi ko mapigilan ang sarili ko na   amuyin sya. Nakakaadik!

"Tigilan mo sabi yang ginagawa mo"  reklamo nya pero nakatawa sya. Alam ko na nakikiliti sya kasi idinikit ko pa ang ilong ko sa batok nya.

" Ngayong araw na ito . Ako lang ang may karapatang umamoy sa iyo at walang ibang girls ang may karapatang dumikit sa iyo. Intinde?"  Nakapout na deklara ko.

"Yes master" sagot naman nya.

"Masunurin ka pala slave eh" masayang sabi ko. Kinikilig ako. Ang sweet ng ayos namin. Nakapiggyback ako sa kanya. Si Manong Guard nakatingin sa amin. Napapailing pa sya. If I know naiingit sya. Gusto rin atang magpapiggyback kay Vincent . Aagawan pa ako. Sorry na lang sya.

"Vincent bababa na ako" sabi ko sa kanya kasi paakyat na kami ng hagdan. 

"Ayaw ko" tanggi nya.  Pero kahit tumanggi sya at ayaw ko rin namang bumaba ay nagpumilit pa rin ako kasi alam ko naman na mahihirapan sya sa pag-akyat.

"Tigas talaga ng ulo mo. Sinabi kong ayaw ko diba?" nakasimangot na sabi nya. Tinawanan ko lang sya. Ang cute nya.  Tingin ko sa sarili ko malala na ako kasi lahat ng expression ng mukha nya nagugustuhan ko dati naman hindi eh.  

Wala na rin naman syang nagawa kaya hinawakan nya na lang ako sa aking kamay. Magkaholding hands kami while walking then inisway-sway ko pa para   HHWWSS ang tawag. Ang higpit ng hawak nya sa kamay ko.  'Yung mga nakakasalubong namin nakatingin sa amin pero wapakels  ako sa kanila.  Kahit ngayong araw lang mafeel ko namang GF ni Vincent. Alam ko pathetic pero kanya-kanyang paraan lang para maging masaya at ito ang alam kong magpapasaya sa akin.

Lakad kami ng lakad papunta sa Mann Hann.

"Vincent stuff toy crane oh" turo ko sa  machine na nadaanan namin." Kuha mo ako. Ang cute ni Doraemon eh. Pretty please" pagmamakaawa ko sa kanya. Pag-ako kasi ay walang pag-asa na makakuha. Laging sablay.

"Okay" pagpayag nya. Yipee! ikukuha nya ako ng  Doraemon toy. 

Pumasok kami sa loob  para bumili ng  token.

"Bilis Vincent galingan mo ha" pagchecheer ko sa kanya.

Naghulog sya ng token then ginalaw nya na ang buttons at control. Nakailang hulog sya kasi dinadahan-dahan nya ang pagkuha at tinatantya nya. After ng 5 tokens na naihulog ay nakakuha sya .

"  Ayan. Sayo na yan. Pinagpaguran ko yan kaya alagaan mo" binigay nya sa akin si Doraemon na stuff toy. Ang laki ng ngiti ko.  Matagal ko na kasing gustong magkaroon ng ganitong stuff toy at gusto ko galing sa crane machine. Ang saya-saya ko kasi si Vincent ang kumuha para sa akin.

"Thank you " pagpapasalamat ko. Niyakap ko ang stuff toy.

"Ano thank you lang . Wala bang kiss"   nakasmirk na sabi nya.

O__O---> me   

"Ayan kiss mo si Doraemon" inilapit ko pa sa labi nya si Doraemon. Sumimangot na naman sya. Ha!ha!ha! Ang cute  nya talaga.

"Gulom lang yan Vincent. Tara kain na tayo" nauna na akong maglakad. Kaya lang hinawakan nya uli ang kamay ko kaya  no choice magkasabay na kaming naglakad.

Sa loob ng Mann Hann.

"We order this ...this...blah..blahh" sabi ni Vincent sa waiter.  Hindi halatang gutom kami kasi ang dami nyang inorder. 

"Kaya ba nating ubusin ang lahat ng inorder mo?"

"Yes. Kailangang kumain ka ng madami kasi ang payat-payat mo na" sabi nya at itinaas nya pa ang braso ko.   Pero sa tingin ko hindi naman.

"Vincent knock knock"  sabi ko sa kanya habang hinihintay namin ang order naming food.

"Whose there?" kulang sa buhay na sabi naman nya. Tipong napipilitan lang  sa trip ko.

"Inday "

"Inday who" lalong walang buhay na sabi nya.

"Inday found the very special love in you" kanta ko.

"Ha!Ha!ha! Alex ang dami kong tawa. Tatlo. "  he said while grinning.

"Pinapatawa lang kita"   inis na sabi ko. Nakakainis sya kasi nilait nya ang  knock knock ko.

"Bwahahahhahhahah! Alam mo Alex hindi mo naman kailangang magjoke ng laos para matawa ako. Kasi makita lang kita masaya na ang araw ko"  How dare him ! Anong tingin nya sa akin clown?

Binato ko sya ng toothpick." Nakakainis ka talaga. Last day na nga nating magkasama ganyan ka pa."

O___O?---> Vincent

"What you mean na last day na lang nating magkasama?"   may diing tanong nya. Bigla naman akong kinabahan. Bakit parang galit sya?

"A-Ah I-I M-mean  last day ngayong araw na ito" nauutal na paliwanag ko.

Bigla syang natawa"  'Yun lang pala akala ko iiwasan mo na ako."

>>___<<----> me

Ayaw nya bang iwasan ko sya? Paano naman ang puso ko? Pag hindi ko sya iniwasan? Hahayaan ko na lang bang magkadurog-durog? Paano pagkasama nya na si Xandra? Iiyak na lang ba ako sa isang tabi?

Buti na lang dumating na ang food namin kaya tumahimik muna kami.

Wow ! Ang daming food. Tinikman ko isa-isa. Masarap! Ginanahan akong kumain. Isa pa gutom na rin ako kaya kumain akong kumain.

'Yung gulay na hindi kinakain ni Vincent nilalagay nya sa plato ko tulad ng  brocolli. Ako naman 'yung sibuyas naman ang nilalagay ko sa plato nya. Ayaw ko kasi ng sibuyas.

May time na sinusubuan nya ako. Ako naman tanggap lang ng tanggap sa isinusubo nya sa akin na food.

 Hindi ako makapaniwala na naubos namin lahat ng  food na nasa mesa namin. Pati dessert. Grabee busog na busog ako.

Matapos nyang bayaran ay  lumabas na kami ng  Mann Hann. Naglakad-lakad kami sa loob ng mall. Para matunaw ang kinain namin. Then nag ice skates din kami. Hindi ako marunong kaya  sa buong duration ng pag -eeskates namin ay nakakapit lang ako sa kanya . Nag-enjoy ako kahit para akong tuod na nakahawak sa kanya. Niyaya ko rin sya sa PowerBooks .  Kumuha ako ng Hunger Games na Trilogy. Magbabayad na ako sa counter nang inabot nya ang credit card nya sa cashier.  Sa madaling salita sya ang nagbayad ng books ko. Ayaw ko ngang pumayag pero tiningnan nya lang ako ng masama kaya nanahimik na lang ako. Baka topakin pa at magyaya agad na umuwi.

After naming bumili ng books bumalik uli kami sa may Bay Area. Medyo papalubog na ang araw kaya marami-rami na ang mga nakatambay sa Bay Area. 

"Alex sakay tayo sa MOA's  Eye" yaya nya sa akin. Curious din ako kung ano ang makikita ko pagsumakay kami doon kaya sumama na rin ako sa kanya.

Sa loob ng car ng MOA's Eye ay ang ganda kasi kitang-kita ang paligid.   Tahimik  kong pinagmasdan ang papalubog na araw. Bigla akong nalungkot. Papatapos na ang araw. Papatapos na ang date namin.   Kinabukasan hindi na kami katulad ng dati. Magkakaroon na ng barrier sa pagitan namin.  Kung sana mahal lang ako ni Vincent hindi ako matatakot na umamin sa kanya ng aking nararamdaman kaso wala pang first step talong-talo na ako.

"Hmp!" bugtonghininga ko uli.

Napatingin ako sa kasama ko. Nakatingin  sya sa akin. Bigla akong nailang.

"Bakit mo ako tinitingnan" pataray na sita ko sa kanya.

"Alex kung pwede lang sanang sabihin ko saiyo ang mga nasa isip ko ngayon kaya lang I need to keep it to myself. This is not the right time to say what's on my mind to you" malungkot na sabi nya. Ayan na naman ang mga magulo nyang salita.

Nginitian ko sya to lighten the mood kasi parang nahihirapan sya. Ano kaya ang hindi nya pa pwedeng sabihin sa akin? Wala akong idea.

" But Alex I promise you that someday you will know everything. And  when that time comes we will talk about everything.  No more secrets" dagdag nya pa. Nakatulala lang ako sa kanya kasi wala nga akong maintindihan. Anong secret?

After sa MOA's Eye ay  sinakyan din namin ang mga rides na nandoon pati  zipline. 

After naming sakyan lahat  ng rides ay bumili ng mineral water at corn si Vincent. Pakiramdam ko tunaw na tunaw lahat ng kinain ko kanina. Buti nga at hindi ako nasuka sa mga rides na sinakyan namin. Tawa  kami ng tawa na parang mga bata noong nakasakay kami sa mga rides. Mauulit pa kaya ito. Atleast nagkaroon ako ng masayang memories na kasama  ang lalaking mahal ko.  

 Hindi rin pala perpekto si Vincent kasi ang kalat nyang kumain ng mais. 

Kumuha ako ngpanyo na nasa bulsa ko at pinunasan ang labi nya. "Ang kalat mong kumain" sabi ko habang pinupunasan ang gilid ng labi nya. Napatulala naman sya sa ginawa ko.

"Thank you" sabi nya after kong punasan ang labi nya.  Napakamot sya sa ulo nya." Nakakahiya naman sa iyo .  Nakita mong makalat akong kumain ng mais."

"Ano ka ba okay lang iyon."  Tinapik ko pa ang braso nya.

"Ayaw ko pa sanang  yayain kang umuwi kaya lang gabi na at baka magalit na ang parents mo."

"Tara na . Gabi na palang masyado"malungkot na sabi ko. Bakit parang ang bilis ng oras? Tiningnan ko ang watch ko at mag teten na pala ng gabi.

Iginiya nya na ako pabalik sa pinagparadahan nya ng sports car nya. Pareho kaming maliliit ang mga hakbang. Sa tingin kopareho kami na ayaw pa sanang umuwi.

Pinagbuksan nya ako ng pinto at sumakay na ako.  Matapos nyang makapasok sa loob ay pinaandar nya na ang sasakyan. Tahimik kaming nagbyahe.

"Pano bukas na lang "  paalam ko sa kanya. Nandito na kami sa parking  sa may condo ni VIncent. Nandito nakaparada ang motorbike ko kasi sinundo ko sya kanina at ang kotse naman nya ang ginamit namin papuntang school.

"Ahm Alex " pigil nya sa akin. "Thank you ha. Best day ever" sabi nya pa.

"Ako rin" sabi ko.   Lumabas na sya ng car at pinagbuksan ako ng pinto. 

Naglakad ako papunta sa pinagparadahan ko ng motorbike. Sumunod naman sya sa akin.

"Bye na Vincent " paalam ko sa kanya.  Hindi sya sumagot. Tahimik lang sya na parang nag-iisip. 

Nagulat ako kasi yung jacket na dala nya na laging nasa kotse nya ay isinuot nya sa akin. Izinipper nya pa.  "Mag-iingat ka ha" bilin nya. Tumango naman ako. Hawak ko na ang helmet ko at nasa aktong susuotin ko na ng bigla akong yakapin ni Vincent at  naglapat ang aming mga labi. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat.

OMG! First kiss ko si Vincent! Overwhelm na isip ko. I can't think clearly. Bakit nya ako hinahalikan ngayon? Sabi ng puso ko 'wag na lang akong magtanong.  Isavor ko na lang ang moment. Ipinikit ko ang aking mga mata at tinugon ang halik nya. OH! MY!  What a feeling. I can't explain. Parang fruit salad ang sarap. Dahan -dahan lang ang paghalik nya sa aking mga labi. Ganito pala ang pakiramdam na mahalikan ng taong mahal mo. Walang best word na makakadescribe kasi  ... basta can't explain .

"Ehem!"  

Napabitaw kami ni Vincent pagkarinig namin sa ehem na iyon.

There looking at us my twin Xander and  Aria. Nakunot ang noo ni Xander while Aria naman ay parang kinikilig . Is it because of our kissing scene?

"Pinapasundo ka na ni Mommy" rinig kong sabi ni Xander. 

Tahimik lang ako. Busted! Nakakahiya nakita nila kami ni Vincent na nag K-I-S-S-I-N-G. Pakiramdam ko ang pula-pula na ng mukha ko. Sana lamunin na lang ako ng semento.

Si Vincent parang natural lang .  Expressionless na naman.

"Let's go na Alex"  sabi ni Xander. " Doon ka na sumakay sa kotse at ako na lang ang magdridrive ng motorbike mo" kinuha nya ang susi sa kamay ko . Si Aria naman ay iginiya na ako papuntang kotse ni Xander.   Sya ang magdridrive . Nang makasakay na ako ay lumapit sa  may pintuan ko si Vincent at tumungo . 

"Bye Alex. Thak you"paalam nya. 'Yung thank you hindi ko alam kung sa date namin o sa halik. "ingat sa pagdridrive Aria" bilin nya pa sa pinsan nya.

"Of course kuya. Iingatan ko si Alex" sagot naman nya na parang nanunukso.

"'Pre salamat sa pagsundo kay Alex" sabi naman nya kay Xander.

"Sige 'Pre alis na kami"  paalam naman ni Xander sa kanya.

Nakatingin lang ako sa kanila . Bakit hindi nagalit si Xander kay Vincent kahit naabutan nya kaming naghahalikan? Then si Vincent parang hindi sya kinabahan na nakita kami ni Xander at Aria? Parang wala lang nangyari. Alam naman ni Xander na may fiancee na si Vincent pero hindi sya nagalit na hinalikan ako.  Nakapagtataka. Well atleast hindi sila nag-away.

Pinaandar na ni Aria ang kotse at umalis na kami.  Nagbyebye si Vincent sa akin at nginitian ko naman sya. Then sumunod na sa amin si Xander.

******

Thanks for reading.

Vote and comment please

Annah

"

Continue Reading

You'll Also Like

2.1M 137K 38
You can't hide anything from him... you just can't. *** Embry's life is smooth sailing until two storms shattered her frame of mind - one in the form...
9M 136K 51
Van o Vincent? Hindi malaman ni Alex kung sino sa dalawa ang kanyang pipiliin. Si Van na fiance nya mula nang isilang sya o si Vincent na kanyang...
557K 28.3K 45
[Politico 1] All eyes are on Serena. Molded into politics since she was young, there was no room for disappointment. She only has one way to go on an...