Chasing That Nerd

By blackhiraeth

22.4K 614 22

A girl who didn't know herself from the past, struggling because of the people who surround her. Until she de... More

Prolouge
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07

Chapter 04

1K 60 0
By blackhiraeth

---

Hah? Belongs to the queen?

"Panong belongs to the queen?" takang tanong ni Eli

"Looks like you guys didn't know this school that much huh?" sagot naman ni Aly

"Malamang transferee kame" pang babara naman ni Eli kaya natawa kaming tatlo.

"Sabagay. Hahaha" natatawang sambit ni Elle.

"Nag search naman ako tungkol sa school na to. Kaso wala namang lumalabas. Masyadong pribado" ngiwing sagot ko

Sa sobrang pribado ay sumuko na kong kumalap ng mga impormasyon tungkol sa school na to

"Pribado tong school na to. Ang tanging pinapakalat lang nila sa publiko ay ang mga achievements ng school na to" biglang sagot naman ni Elle

Tama sya. Yun din yung mga nakita ko nung nag search ako tungkol dun.

"Kwentuhan niyo nga kame about sa school na to. Natatanga kame eh" sambit ni Eli

"Malalaman nyo din naman yun--

Di natapos ni Elle yung kanyang sasabihin dahil may mga nagtilian na mga babae.

"Omgg gurlss!! Dylan is here naa!!" malanding sambit nung isang babae na malapit sa pintuan yung pwesto

Agad kaming napalingon na apat kung saan papasok yung Dylan. Kasama niya si Madeline at hawak niya ang bewang neto.

"Can't you just shut up?!" agad naman na sigaw ni Madeline dun sa  mga babaeng tumitili kanina

"Ayy sorry poo" nakatungong sambit nung mga babae at umalis na na nanlumo

"Don't tell me siya yung Madeline?" nakakunot na tanong ni Eli dahil nakita niyang papalapit sila Madeline at Dylan pati ang kasama nila dun sa gray na lamesa.

"Yes" maikling sagot naman ni Aly sakanya

"Akalain mo nga naman" di makapaniwalang sambit ni Eli

Tumingin ulit ako sa gawi nila. Inaalalayan ni Dylan si Madeline na makaupo at umupo narin siya pagkatapos.

Nagulat ako ng bigla siyang timingin sakin kaya agad akong umiwas ng tingin.

Maya maya pa ay ang mga babae nanaman na impit ang mga tili.

"Andito narin si Dariel gurls! Hihihi" kinikilig na sambit nung sa katabi naming lamesa

"Truu! Dun tayo sa walang jowa gurl!" sambit naman nung isa

Napatingin naman kami sa gawi nila Dariel na kasama si Xian at isang lalake at isang babae na di namin kilala.

"Ang gwapo niya no?" biglang sabi ni Eli

"True ka dyan gurl!" nakangiting sagot naman ni Aly.

Habang nakatingin ako kay Dariel ay napatingin din ito saakin at ngumiti. Agad din naman akong umiwas ng tingin dahil naiilang ako

"Oyy gurl! Ngumiti sakin si Dariel!!" kinikilig na sabi nung babae sa likod ko

"Boba! Sakin! Di sayo!" kontra naman nung isa pang babae

"Sino pala yung dalawang kasama ni Dariel?" biglang tanong ni Eli kaya napatingin ako sakanya

"Ah yung lalaki at babae na yun??" sambit ni Elle at tumango si Eli

"That boy is Aiden. He so maingay" sagot ni Aly sabay irap kaya napatingin ako dun sa tinutukoy niyang Leo

Siya yung pinaka maliit sakanilang tatlo. Moreno ang kulay, matangos ang ilong, Medyo bilugan ang mukha at mukhang pinoy na pinoy, walang lahi. Pero gwapo.

"Eh yung babae?" tanong ko

"Kapatid ni Xian" sagot ni Elle

"Her name is Ximena" sambit naman ni Aly

"Naks. Xian at Ximena. Di nga halatang magkapatid" sambit naman ni Eli

Napatingin ako dun sa babae. Dun ko lang na pagtanto na magkahawig nga sila ni Xian. Medyo maliit, maputi, matangos din ang ilong at medyo singkit ng konti. Maganda in short.

Nag taka pa ko kung bakit papalapit sila samin yun pala ay umupo sila sa katabing lamesa.

Naubos narin namin yung pagkain namin dahil medyo maaga kami pumunta dito sa cafeteria.

Naalala ko bigla na ililibot pala kame ngayon nila Elle at Aly dito sa school.

"Elle, Aly. Diba ililibot nyo pa kami ni Eli dito sa school?" wika ko

"Oo nga pala. Tara naa!" atat na sambit ni Eli

"Okie Let's go" sambit naman ni Aly kaya tumayo na kame. Aalis na sana kami pero biglang pumunta si Dariel sa lamesa namin

"Hi Dariel!" nakangiting bati ni Eli

"Hello" tugon naman niya at ngumiti din pabalik

"Do you need something ba?" tanong ni Aly

"Ah wala naman. May iaabot lang ako kay Lucy" sambit niya kaya napatingin sakin nang nanunukso yung tatlo

"Saken?" nag tatakang tanong ko

"Here" sagot niya sabay aabot ng ibibigay niya kaya napatingin naman ako duun

'band aid?'

"Para saken to?" tanong ko ulit

"Hahaha oo. Napansin ko kasing may sugat ka sa tuhod. Kaya i bought it." sagot niya

"Ay hehe. Nag abala ka pa. Salamat" pag papasalamat ko at kinuha na yung band aid.

"Naks naman. Ang sweet" nang tutuksong sabi ni Eli

"How sweet of you naman Dariel" sambit naman ni Aly

"Hahaha sige na Dariel. Una na kame" sabat naman ni Elle. Tumango naman si Dariel samin at bumalik na sa pwesto nila.

Lumakad na kami papaalis ng cafeteria ng bigla akong tawagin ni Madeline

"Hey Nerd!" sigaw neto kaya napatingin ako sakanya.

"Wag mo ng pansinin. Tara na" sambit ni Eli.

Tumango ako at aalis na sana pero nag salita ulit siya

"I'm talking to you! Wag kang bastos" sambit nya at medyo nag taas na ng boses kaya tumingin ako sakanya

"Come here" ngiting demonyong sabi niya kaya lumapit na ako. Naramdaman ko din na nakasunod sila Eli sa likod ko.

"Bakit?" tanong ko ng makalapit na ko sa table nila

"We're done eating. Pakiligpit na tong pinag kainan namin" utos nya

"Bat ako?" takang tanong ko sakanya

"Diba ikaw yung taga collect ng mga pinagkainan ng mga estudyante dito? Pfftt" natatawang sambit niya. Nakitawa din yung dalawang babae na kasama nila.

"Madeline. Enough" saway naman sakanya ni Dylan.

"What babe? Mukha naman talaga siyang helper dito" nang iinsultong sambit niya

"Ikaw sumosobra ka na talaga eh!" nang hahamon na sabi bigla ni Eli

"Ohh you too! Linisin mo narin yung ibang lamesa. Hahahaha" nang iinsultong sagot neto

Nag simula ng mag tinginan at mag bulungan ang mga estudyante.

"Oh bat di ikaw ang mag ligpit ng pinag kainan nyo?" pabarang sagot ni Eli kaya yung ibang estudyante ay natawa

"Ohh.. Can you teach your friend some manners?" maarteng sabi sakin ni Madeline

"Madeline. Tama na." saway ko sakanya

"Tara na nga Eli. Nababadtrip lang ako dito" sagot niya sabay hila sa braso ko

Aalis na sana kami ng may tumalisod sakin kaya nasanggi ko yung mga napagkainan nila Madeline at sakto pang sakanya natapon yung ibang may laman pa na pagkain

"Oh shiit!!" sabi niya at agad na tumayo

"Hala sorry" agad akong kumilos para punasan yung damit nya

"Don't touch meee!!" galit na sabi niya at tinulak niya ko ng malakas

Pero agad akong nasalo ni Dariel.

"Hey" sambit nya habang nakahawak parin sa bewang ko

Agad namang umugong ang mga bulungan dahil sa nakita. Agad akong humiwalay sakanya na para bang walang nangyari.

"Look what have you done!!! You idiot!!!" sigaw ni Madeline kaya nag simula na ang tensyon sa pagitan namin

Ayoko na ng away please.

"Sorry Madeline. Di ko sinasadya. Hinarang nya kase yung paa nya" sabi ko sabay turo dun sa isang babaeng kasama ni Madeline

"Wow! So ako pa?" agad namang depensa neto.

"Look Madeline. Di niya naman sinasadya." sambit naman ni Dariel

"So sino may kasalanan hah?! Ako?! Ako nag tapon neto sa sarili ko hah?!" sigaw nya sabay turo sa damit niyang natapunan

"S-sorry talaga. Di ko sinasadya" pag papaumanhin ko

"I'm not accepting your apology!!" sigaw niya ulit at binuhusan ako ng tubig sa mukha kaya agad akong natigilan

"Madeline. I said stop! " maawtoridad na saway nung boyfriend ni Madeline.

"You will pay for this!!!! Arggg!!" sigaw niya at binato yung baso sakin pero buti nalang at nakaiwas ako at nabasag nalang ito sa lapag

"Madelinee!!" parehas na sigaw ni Dariel at Dylan dahil sa ginawa niya

Tuloy tuloy na nag lakad si Madeline papalabas ng cafeteria kasunod ang mga kasama niya habang ako ay nakatayo parin.

"Are you okay?" nag aalalang tanong ni Dariel. Tumango nalang ako sakanya bilang sagot.

"Lucy? Okay ka lang ba hah" biglang tanong naman ni Eli pagkalapit nya

"Oo" maikling sagot ko

"Hey. I'm so sorry for what she did" biglang sabi ni Dylan na nasa gilid ko pa pala. Kaya agad akong napatingin sakanya

"Ok lang" tanging sagot ko nalang

Tamango nalang ito at sinundan na si Madeline.

"Lets go na" pag aaya na ni Aly

Umalis na kami at pumunta muna sa locker. Pinahiram muna ako ni Aly ng damit niya dahil wala akong dalang extra na damit.

"Ok lang ba?" tanong ko pagkatapos lumabas sa cubicle dahil hindi ako komportable sa damit na pinahiram sakin ni Aly.

Tshirt siya na plain na color dark red tas vneck kaya medyo kita ang cleavage ko at medyo hapit ito saakin.

No choice ako dahil ganon daw talaga manamit si Aly, yun na daw yung pinaka simple na damit na mapapaheram niya.

"Oo. Bagay nga sayo eh" sambit naman ni Eli

"Sure ka? Di malaswang tignan?" tanong ko ulit na nag aalinlangan

"Oo nga sabe. Anong malaswa dyan?" sagot ulit ni Eli

Agad ko namang tinuro ang dibdib ko na medyo kita ang cleavage

"Oh come on Lucy. Your body is not too expose naman so hindi yan malaswa" sagot naman ni Aly

"Okay sabi nyo eh" buntong hiningang sagot ko sakanila

"Bilisan mo na dyan. Hintayin ka na namin sa labas" sambit ni Eli at lumabas na sila.

Nilagay ko na yung damit ko na nabasa sa bag at inayos na ito. Nilagay ko narin sa tuhod ko yung band aid na binigay ni Dariel sakin kanina.

Nang matapos na ko ay lalabas na sana ako ng may nag sarado ng pintuan at ni lock ito

Agad na nanlaki ang mata ko at kumabog ang aking dibdib dahil pamilyar sakin yung babae

'Yung kaibigan ni Madeline na tumalisod sakin kanina'

"Ohh.. Where are you going huh?" sambit ni Madeline kaya agad akong napatingin sa likod ko

"Please ayoko na ng gulo Madeline" nag mamakaawa ako

"You don't like war? Pwes ako. I do love war. I really love having a war" sarkastikong sambit niya at ngumisi saakin

Lumapit siya saakin at hinaplos ang buhok ko kaya mas lalo akong kinabahan.

"Di ko maisip kung bakit yung mga katulad mo ay nandito" bulong niya sakin

"Please Madeline. Ayoko ng gulo" nanginginig na sambit ko dahil natatakot ako sa gagawin niya.

"Like what I've said earlier.. I do love war" bulong nya ulit sabay hila na ng buhok ko

"A-Arayyy!!" sigaw ko dahil sobrang, sakit ng sabunot niya. Mas masakit ngayon kumpara nung una kaming nag kita.

"You're so stupidd!! Dapat sayo ay wala dito sa school na to!!!" sigaw nya habang kinakaladkad nya ko papuntang cubicle.

Pagpasok namin sa cubicle ay sapilitan niya akong pinaluhod at pilit na nginudngod sa inidoro.

"Tama na pleasee" nag mamakaawang sabi ko habang pinipigilan ang sariling mangudngod sa tubig ng inidoro.

"Anong tama na??!" sigaw nya at sapilitang nginudngod ako sa inidoro

Ilang segundo niya akong nilubog at inahon ulit.

"P-pleasee... T-tama n-naa..." kapos na hiningang pag mamakaawa ko ulit sakanya

Pero walang awang nilubog niya parin ako sa tubig ng inidoro. Pero ngayon ay tinagalan niya na. Kaya pag ahon niya sakin ay nag hahabol talaga ako ng hininga.

Di ko pa nababawi ang hininga ko ay sapilitan niya akong pinatayo at kinakaladkad ulit palabas naman ng cubicle at hinagis na parang laruan sa sahig.

"T-t-tama... n-na... p-pleasee... " nahihirapan kong sabi.

Pwersahan akong tinayo nung kasama nya at pinunta yung dalawa kong kamay sa likod at hinawakan ito ng mahigpit.

"LUCYY?!!" sigaw ni Eli sa labas sabay katok sa pinto

"T-Tulongg---"

"Shut up!" sigaw ni Madeline at sinuntok ako sa tyan

"A-Aray!" kahit nang hihina ay nakuha ko pang sumigaw dahil sa sakit ng pag kakasuntok niya saakin

"LUCY!! ANONG NANGYAYARE DYAN?!!" sigaw ulit ni Eli at habang kinakalabog ang pinto

"Alam mo?! Namumuro ka na saken!! Alam mo ba yon hah?!!" sigaw ni Madeline at sinapak ulit ako sa tyan.

Para akong nalagutan ng hininga saglit dahil sa lakas ng pagkakasapak niya.

"Lucky you! Dahil dito ka nag aral at nakita ko yang pag mumukha mo." Sambit niya at ngumisi sakin.

"MADELINE!! IKAW BA YUNG NANDYAN HA?! ANO NANAMAN GINAWA MO SA KAIBIGAN KO?!!" sigaw ulit ni Eli sa labas at kinakalabog parin ang pinto

"Napaka ingay naman ng kaibigan mo. Dapat dyan.. pinapatahimik" sabi nya ng nakangisi at ngumiti ng pang demonyo

Bigla akong nainis dahil iba ang dating sakin ng sinabi niya.

"Wag mong sasaktan ang kaibigan ko" sambit ko at nag ipon ng lakas para makawala dun sa pag kakahawak sakin nung isa niyang kaibigan.

Nang makakuha ako ng tiyempo ay kumawala ako at tinulak yung kaibigan niya na may hawak sakin. Sa di inaasahan ay napalakas iyon kaya tumama siya sa kanto ng sink at namilipit sa sakit.

"Aba lumalaban ka hah?!" sigaw niya at sumugod sakin at kwinelyuhan ako

"Please Madeline. Ayoko ng gulo" pakiusap ko ulit pero hindi siya nakinig at sinuntok ulit ako sa tiyan at sa pisnge ng malakas kaya nakaramdam na ako ng likido sa labi ko

"Matapang ka hah?! Asan tapang mo ngayon hah?!!" sigaw niya ulit sabay kuha ulit sakin at tinulak ng malakas kaya tumama ang likod ko sa may kanto ng sink.

Napangiwi akong bumagsak sa sahig at namilipit sa sakit dahil sa lakas ng impak ng pagkakatulak niya sakin

"LUCY!!" sigaw ni Eli ng mabuksan na ang pinto. Pero agad siyang sumugod kay Madeline na nanlilisik ang mga mata. Galit na galit.

"Ikaw talagang demonyita ka!!!" sigaw niya sabay sabunot kay Madeline.

Akma namang tutulungan nung isang kaibigan ni Madeline siya pero pinigilan naman yon ni Elle.

Si Aly naman ay tinulungan niya yung isang kaibigan ni Madeline na natulak ko dahil ngayon ay di parin makatayo dahil namimilipit pa rin sa sakit.

Kikilos na sana ako para awatin sila pero agad akong napangiwi dahil sa sakit ng likod ko.

"Hey.. Are you okay??"

Agad akong napatingin sa lalaking nag salita.

Si Dylan

"O-oo. O-kay lang ako" nahirapang sagot ko at napapikit dahil sa sakit

"No. You're not" seryosong sambit niya kaya napamulat ako at napatingin sakanya pero agad akong napaiwas at tumingin ulit kaya Eli.

"Elii! Tama na yan" saway na sabi ko

Buti nalang at dumating yung dalawang kasama ni Dylan para umawat.

"Sa susunod na galawin mo yang kaibigan ko!ako ang makakalaban mo!!" sigaw ulit ni Eli kay Madeline.

"Mag sisisi kayong. Dito kayo nag aral. Tandaan niyo yan!!" sigaw naman ni Madeline pabalik.

"MADELINE! ENOUGH!" Sigaw ni Dylan kaya lahat kami ay napatingin sakanya. Maski ako, dahil ngayon ko lang siyang narinig na sumigaw ng malakas at talagang seryoso.

"D-Dylan. Babe" naging maamo bigla ang mukha ni Madeline at kumalawa sa hawak nung kaibigan ni Dylan at nag lakad papunta kay Dylan.

"Umalis ka na." seryosong sambit ni Dylan

"Pero babe. " sagot naman ni Madeline.

"Pumunta ka na sa klase nyo." seryosong sagot ulit ni Dylan at tumingin na kay Madeline.

"O-okay fine" sukong sagot neto at tinignan pa ko ng masama bago siya umalis at sumunod narin ang mga kasama niya.

Lumapit na agad sila Eli sakin pagkaalis nila Madeline

"Lucy? Ano may masakit ba sayo?" nag aalalang tanong ni Eli

"Should we go to the hospital na ba hah?" nag aalalang tanong din ni Aly

"Wala. Okay lang ako" sagot ko at ngumiti ng pili sakanila para di na sila mag alala.

"Sure ka?" sambit naman ni Elle.

Tumango ako at pinilit tumayo pero wala pa sa kalahating pag kakatayo ay natumba ako.

Agad naman akong nasalo ni Dylan. Kaya agad akong nahiya. Lalayo sana ako pero masyadong nang hihina ang katawan ko.

"I'll take you to the hospital" maawtoridad at seryoso niyang sabi at saka niya ako binuhat na parang ikakasal.

Umalis na kami at nag lakad na kami papuntang parking lot kung saan nandun ang kotse niya.

Marami pang estudyante ang nag tataka at nag bubulungan ng makita kami.

Habang nag lalakad ay nakatitig lang ako sakanya at nakahawak sa may leeg nya habang buhat buhat niya ko.

Ngayon ko lang nakita ng malapitan ang mukha niya.

Matangos, Mahaba nag pilik mata, ang ganda ng kilay. Medyo manipis pero mamula mula ang labi. At higit sa lahat ay.. agaw pansin ang kanyang panga dahil sa perpektong hugis neto.

"Stop staring at me" sambit niya kaya napaiwas ako ng tingin at nahiya.

Ilang minuto pa ay nasa parking lot na kame at sinakay na niya ako sa shotgun seat. Pag tapos nun at sinara na niya ang pinto at umikot at sumakay narin.

Binaba niya yung bintana dahil papalapit sila Eli.

"Sunod nalang ako sainyo. May dala akong kotse" sambit ni Eli at tumango naman ni Dylan.

"Kami na bahala mag paliwanag sa mga prof kung bakit wala kayo. Susunod nalang kame dun pag uwian na." wika ni Elle

"Take care guys! Lucy! Getwell!" sambit naman ni Aly kaya tumingin ako sakanya at nginitian ko nalang silang dalawa ni Elle dahil wala na akong lakas na mag salita.

Tinaas nya na ulit ang bintana at inistart na yung kotse at pinaandar na ito.

May sinabi muna siya sa guard na nakabantay sa gate bago kami pag buksan ng gate.

Pagkalipas ng ilang minuto ay nasa hospital na agad kame. Dahil di naman kalayuan ang hospital sa school namin dahil school din namin ang may ari ng hospital na yon.

Dela Sierra Medical Hospital

Pagka basa ko sa malaking signage na naka lagay dun sa unahan ng hospital.

Bumaba na si Dylan at binuhat ako papasok. Dumiretsyo na siya sa emergency room kaya agad kaming nilapitan ng nurse.

"What happened po Sir?" tanong nung nurse at inasikaso ako at pinahiga sa hospital bed.

"Nabugbog" maikling sagot ni Dylan at tumingin saakin.

"Sige po Sir. Ichecheck ko lang yung vital signs niya and itatransfer na siya sa private room pagkatapos gamutin" nakangiting pag papaliwanag nung nurse kay Dylan pero tinanguan lang siya neto.

Nang hihina ang katawan ko at bumibigat narin ang mata ko kaya pinikit ko ito.

"Sajangnim" sabi ng isang babae na hingal na hingal

"Hmm?"

"Narinig ko na... May pinaplano ang Red Venom na pag sugod dito mamaya"

"San mo nakalap yan?"

"Kay Ruth. Sajangnim"

"Kung ganon ay mag handa na tayo"

"Masusunod. Sajangnim" sambit ng babae at umalis na

"Talagang hindi kayo nadadala, Red Venom." nakangising bulong ng isang babae

Nagising ang diwa ko ng may narinig akong nag uusap.

"Kamusta na daw si Eli?" rinig ko na tanong ni Elle kay Eli

"Stable naman na daw sabi ng doktor. Naubos ang lakas niya kaya kaylangan niya mag pahinga." sagot ni Eli sakanya

"Mabuti naman kung ganon" sagot naman pabalik ni Elle.

Minulat ko ang mata ko dahil sa ingay na narinig ko. Agad kong nakita sila Eli, Elle at Aly.

"Lucy?" tawag ni Eli sakin ng makita ako kaya lumingon ako sakanya.

"Thank god! Your awake na!!" masayang sabi ni Aly at lumapit na ito saakin kasama ni Elle.

"May masakit ba sayo?" tanong naman ni Elle.

Umiling nalang ako bilang sagot.

"Anong oras na?" mahinang tanong ko sakanila pero rinig naman.

"Alas kwatro na ng hapon" sagot naman ni Elle

"Ang haba nga ng tulog mo eh" sambit ni Eli

"Atlease you have rest" sambit naman ni Aly.

Nalala ko nanaman yung panaginip ko kanina. Ilang araw narin ako nakakapanaginip ng di nalalayo dun sa napaginipan ko kanina.

Di ko rin matukoy kung sino yung mga tao sa panaginip ko dahil ang labo ng mga mukha nila.

Pero yung panaginip ko ngayon ay bago. Dahil may nabanggit na pangalan ng parang organisasyon.

Red Venom? .. Sino kayo?

~To Be Continued

--

Hi! Chasing That Nerd have a official page on facebook :) Link on my bio! 

Also follow me on Twitter! @blackhiraeth. For more updates about CTN! Love lots! :>mention a user
- blackhiraeth

Continue Reading

You'll Also Like

152K 6.7K 25
Siddharth singh shekhawat is no·1 business tycoon he is a rude, arrogant,cold gaze men.everyone is talented but he is multi-talented.he knows everyt...
718K 24.6K 25
"မောင် မဆိုးစမ်းနဲ့ကွယ်" "ကျုပ်ကိုမချုပ်ခြယ်နဲ့"
29.1K 1.9K 22
في عمق الغابات الكثيفة، التي تتخفى خلفها الأسرار المظلمة، تجد نفسها فاينا إيفانوف، شابة هاربة من قريتها، تحمل عبء ماضٍ مأساويٍ، حيث هربت من قبضة زوج...
397K 14.4K 43
!Adult/Possessive and Asshole!