Chasing That Nerd

By blackhiraeth

22.4K 614 22

A girl who didn't know herself from the past, struggling because of the people who surround her. Until she de... More

Prolouge
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07

Chapter 03

1.1K 70 1
By blackhiraeth

---

Nag daan na ang mga ilang linggo at pasukan na. Hindi ko alam kung anong maradamdaman ko. Excited ako na kinakabahan dahil andun si Madeline.

At di ko makakalimutan yung sinabi niya sakin nung enrollment. Pakiramdam ko ay may gagawin siya sakin pero binaliwala ko nalang yun.

Wala pa kaming uniform ni Eli dahil transferee palang kame. Baka sa susunod nalang daw na buwan kami mag uniform sabi nung sa registrar office.

6:00 am.

Gumising talaga ako ngayon ng maaga dahil unang araw ng klase. 8:30 pa naman pasok namin pero inagahan ko talaga ang gising ko dahil mag cocommute ako.

Di na ako nag pasundo kay Eli gamit yung kotse nila. Dahil nakakahiya naman kung dadaanan pa niya ako dito para sunduin. Sayang sa gas. Kaya sabi ko kay Eli na mag cocommute nalang ako.

Bumangon na ako at bumaba na para kumain.

"Goodmorning anak!" magiliw na bati ni mama pag baba ko at niyakap ako.

"Goodmorning ma" tugon ko at pumunta na sa hapagkainan at kumain na ng hinain niya na sinangag at itlog at hotdog.

Maya maya pa ay natapos na akong kumain at umakyat na ko sa taas para kumilos.

Naligo na ako at pag tapos ay nag bihis na. Nag suot lang ako ng palda ulit na lagpas tuhod at nag tshit na color black na may design tas nag rubber shoes nalang ako.

Sinuot ko na yung salamin ko at sinuklay ang buhok gamit ang aking mga daliri.

Inayos ko narin yung mga gamit na dadalhin ko at nilagay na sa bagpack ko.

Tinext ko muna si Eli para tanungin kung papunta na ba siya sa school or hindi pa.

To: Eliana
Goodmorning. Papunta ka na ng school??

Ilang saglit pa ay nag reply din ito.

From: Eliana
Goodmorning!! Hindi pa. Nag aayos palang ako eh. Pero mamaya maya ay aalis narin ako. Ikaw ba??

To: Eliana

Paalis na. Mag cocommute pa ko eh.

From: Eliana
Sure kang ayaw mong daanan nalang kita dyan?

To: Eliana
Wag na. Maabala ka pa eh. Dumiretsyo ka nalang sa school tas hintayan nalang sa loob. Dun sa may bench.

From: Eliana
Okie sabi mo eh. Ingat ka ah??

To: Eliana
Ingat ka din.

Kinuha ko na yung bag ko at bumaba na.

"Ma! Alis na po ako" pag papaalam ko

"Ganun ba nak? Oh eto baon mo oh" sabi ni mama sabay abot ng 500

"Nako ma. Okay lang may pera pa naman ako dito" pag tanggi ko sa perang inabot nya

"Nako nak. Kunin mo na. Pang dagdag baon mo" pag pilit niya

"Sige po ma. Thank you" tinanggap ko na ito at humalik sa pisnge niya

"Sige anak. Mag iingat ka hah? Goodluck sa first day mo" wika nya at nginitian ko na lamang siya

Umalis na ako at sumakay na ng tricycle palabas ng subdivision. Pagkarating sa may waiting shed ay nag hintay ako ng masasakyang jeep.

Pagkalipas ng ilang minuto ay may dumating ng jeep. Sumakay na ako at umandar na ito.

Pag lipas ng ilang minuto ay nakarating na ako sa bababaan ko kung saan sasakay ako ng pangalawang jeep.

Ito yung pangalawang jeep na sasakyan ko ng matagal. Mga 30-45 mins depende pa sa traffic

Tinignan ko ang oras dahil baka late na ko.

7:15 am

Maaga pa. Di pa ko late

Nag hintay ako ng ilang minuto at may jeep na. Sumakay na ulit ako at umandar na.

Buti nalang at di ganon kadami ang tao sa loob ng jeep na nasakyan ko. Dahil ayoko ng punuan.

Maya maya pa ay bigla itong huminto sa kalagitnaan ng pamamasada.

"Manong bat po kayo huminto?" tanong nung isang pasahero

"Nahiraan po tayo. Ibabalik ko nalang yung mga binayad nyo at mag hanap nalang kayo ng bagong masasakyan" sabi ni manong at lumabas na para tignan yung sira.

pano na to?

Anong masasakyan dito sa kalagitnaan ng high-way?

7:30 am.

Shet. Baka malate pa ko neto

"Ah manong? San po sakayan dito?" tanong ko

"Duun pa ineng. Mag lalakad ka pa" sabi nya sabay turo kung saan ako makakasakay

"Ganun po ba? Sige po" sabi ko at nag lakad na

Napabuntong hininga nalang ako sa paglalakad. Dahil alam kong medyo mahirap na sumakay sa ganitong oras dahil sa mga papasok sa kanilang trabaho.

Nakarating na ko dun sa pinag hihintayan ng jeep at nagulat ako sa dami ng mga nag hihintay

pano ko makakasakay neto?

Nakita ko pa yung mga ibang jeep na nilalagpasan kami dahil sa punuan na sa loob.

Ilang minuto pa ay may dumating na di gaanong puno na jeep kaya tumakbo ako papunta dun ganun din yung nga ibang tao.

Kaso sa kasamaang palad ay natalisod at natulak ako kaya lumagapak ako sa sahig

"A-aray" mahinang daing ko. Pinagpag ko yung tuhod ko pero nakaramdam ako ng hapdi. Tinignan ko yung tuhod ko at dumudugo ito dahil may sugat

napaka swerte ko nga naman

Napabuntong hininga ako at bumalik na hintayan ng jeep.

Dumating na ang ilang minuto at wala parin akong masakyan na jeep.

7:50 na. Wala parin akong masakyan shet.

Di ko na alam yung gagawin ko dahil malelate na ko. Traffic pa.

40 minutes nalang start na ng klase

Di naman ako makapag book ng grab dahil wala ako nung app na yun.

Maya maya pa ay biglang tumunog ang phone ko

*Eliana is calling*

"Hello?"

Eliana : "Hello! Asan ka na?"

"Nag hihintay ng jeep"

Eliana: "Ah sige. Andito na ko sa school"

"Sige. Pag mga 8:15 wala pa ko mauna ka na ah. Wag mo na kong intayin"

Eliana: "Bakit?"

"Mahirap makasakay ng jeep. Walang masakyan, laging punuan. Traffic pa."

Eliana: "Gusto mo sunduin kita?"

"Wag na baka parehas pa tayo ma late"

Eliana: "Di yan. Text mo nalang sakin yung exact adre--- *tooot-- tooot--*

*shutting down*

Bwiset. Di ko pala na charge to kanina.

napaka malas naman!

Napabuntong hininga nalang ako at binalik nalang ulit yung cellphone ko sa bag.

pano na ko makakapasok neto?

*beep! beep! *

Agad akong napalingon sa kotseng bumusina sa harapan ko.

"Miss! Diba sa DSU ka nag aaral?" wika nung lalaking nasa loob ng kotse.

Lumingon ako sa likod ko para tignan kung sino ang kausap niya pero parang wala naman.

Kaya napatingin ulit ako sakanya. At nakita siyang tumawa

"I'm talking to you miss" sabi neto

"Eh? Ako?" nag tatakang tanong ko at tumango naman siya.

"Wala ka ng masasakyan dito. Besides sa DSU din naman ako nag aaral" sambit niya

Nag isip pa ko pero naging praktikal na ako at di na ko nag inarte. Tama siya, wala ng masakyan dito at pahirapan pa sumakay.

Napabuntong hininga siya at sumakay na ako sa kotse nya

Impyernes gwapo ah

Pinaandar na niya yung kotse at nag patugtog

"Okay lang ba sayo yung ganyang kanta?" pag basag nya sa katahimikan habang nag dadrive

"A-hh oo. Ok lang" awkward na sagot ko.

"Ahmm. Pano mo nga pala nalaman na sa DSU ako nag aaral?" agad na tanong ko.

"Ahm.. Nakita kasi kita dun sa canteen nung enrollment. Kasama mo yung friend mong babae. Then, namukhaan kita kanina" sagot niya

"Ahh" sagot ko

"Mukhang na istruggle ka na sa pag hihintay ng jeep nung nakita kita. Kaya sinabay na kita" sambit nya

"Ah ganun ba? Salamat" pag sasalamat ko sakanya at tumingin nalang ulit sa bintana

"Dariel" sambit nya kaya napalingon ako sakanya.

"Hah? Pangalan mo?" mukha kong tangang tanong kaya tumawa siya at tumango

ang pogi naman nya

"Ah hehe sabi ko nga. Lucy." pag papakilala ko sakanya

Agad siyang ngumiti kaya napaiwas ako ng tingin. Naging tahimik ang byahe namin pagkatapos nun dahil wala ng nag salita.

Maya maya pa ay nakarating na kami ng school. Pinark nya muna yung kotse nya at lumabas na kami.

"Ahm.. Salamat sa pag papasakay sakin" nahihiya ko pang sabi

"No problem" sabi nya sabay ngiti

Tinignan ko ang relo ko para malaman kung late na ba ako.

8:20 am.

Shet. Kaylangan ko ng takbuhin to

Gusto ko ng mag madali kaso di ko naman alam yung mga building at classroom dito. Wala na kong time para maghanap

Naisipan ko na tanungin si Dariel dahil mukhang kabisado naman na nya ang school na to.

"Ahm.. Dariel" pag tatawag ko sakanya habang kinukuha nya pa yung gamit nya sa loob ng kotse nya.

"Hmm??"

"Alam ba kung san yung class room ng A3-2?" tanong ko sakanya

"Hmm yes" sagot nya

"Pwede malaman? Tatakbuhin ko na. Malelate na ko huhu" pag mamakaawa ko kaya natawa nanaman siya.

"Pag pasok mo. Kumanan ka tas makikita mo yung 6 floor na building then 3 floor ka." sagot nya habang nakangiti

"Ah ganun ba? Maraming salamat!! Byee!!" sabi ko at tumakbo na papasok

Wala na masyadong estudyante sa labas kaya mas lalo akong kinabahan.

Nang marating ko na yung building ay mag eelevator sana ako dahil 3rd floor pa daw yung floor ko kaso punuan na. Kaya nag hagdan nalang ako at tinakbo iyon.

Pagka rating ko sa 3rd floor ay hingal na hingal agad ako. Agad ko ng hinanap ang room ko.

"Room 307.. 307... 30--- ayun!!" sambit ko ng mahanap ko din sa wakas yung room ko. Sumilip pa muna ako sa pintuan na may bintana dahil makikita mo yung loob.

Nakita ko na wala pang prof kaya pumasok na ako. Agad na nagsitinginan ang mga estudyante sakin kaya agad akong nahiya.

"Lucy!" mahinang pagtawag sakin ni Eli habang kumakaway pa kaya nakita ko agad siya

Pumunta na agad ako sa tabi nya na may bakanteng upuan at umupo na.

"Oy lucy! Bat ka late? Ang aga aga mong nagising ah?" pang iintriga agad sakin ni Eli

"Minalas ako ngayong araw eh" tanging sagot ko nalang.

"Bakit anyare?" curious na tanong nya

Pinakita ko nalang sakanya yung tuhod ko dahil masyado pa kong hingal para magsalita

"Eh? Ang laki laki mo na nadadapa ka pa? HAHAHAHA" natatawa nyang sabi

"Sakit kaya" sabi ko sabay lumabi

"Sinong tanga? HAHAHAHA" tawa nya ulit

"Bwiset ka." sabi ko sakanya

"Anyare ba kasi dyan? HAHAHA"

"Basta mahabang kwento. Mamaya nalang. May wipes ka ba dyan?" pag iiba kong sagot

Hinalungkat nya ang bag niya at binigyan nya ko ng wipes.

Agad kong pinunasan yung sugat ko para di na ganon mag dugo.

"Mamaya samahan mo ko pumunta ng clinic" sabi ko sakanya

"Sige sig---

Agad kaming napalingon sa dumating dahil nag tilian yung mga ibang babae. Nanlaki ang mata ko dahil kaklase ko pala siya.

Si Dariel

Luminga linga pa sya at mukhang nag hahanap ng mauupuan. Bigla naman siyang napatingin sa dako ko kaya umiwas agad ako ng tingin at tumingin nalang sa harapan.

"Omggg Lucy!! Ang gwapo nilaa! " impit na tili ni Eli sakin

"Is this seat is taken?" biglang tanong ni Dariel dahil bakante yung dalawang upuan sa tabi ko

"Hindi hihi. Walang nakaupo dyan" kinikikig na sagot ni Eli

"Thank you" nakangiting sabi nya sabay umupo si Dariel sa tabi ko at yung kasama nya naman ay sa tabi ni Dariel

"Hi Lucy" bati nya

Agad akong napalingon sakanya

"H-hello" nahihiyang bati ko

Tuloy ay pinag bubulugan kami ng ibang estudyante na babae.

"Omgg lucy kilala mo syaa?!!" nabibiglang tanong ni Eli

"Shh!! Ang ingay mo! Mamaya ko nalang ikwekwento sayo" mahinang sigaw ko sakanya   

"Omgg I'm so exitedd!! Hihihi" kinikilig na sambit nya

Narinig ko na mahinang tumawa si Dariel sa tabi ko kaya may lalo akong nahiya sakanya.

Maya maya pa ay dumating na yung prof na babae.

"Goodmorning class" bati neto

"Goodmorning mam" tugon na pagbati namin

"Since first day niyo ngayon ay wala muna tayong masyadong gagawin" Magiliw na sabi ni Mam

Agad na natuwa ang mga kaklase ko dahil hindi mag tuturo ngayon ng lecture.

"So.. for today ay we have a grouping for you to know each other"

"Ang magiging grupo ninyo ay by row. So kayong anim sa isang row ay kayo ang mag kakagrupo" pag papaliwanag ni Mam.

"Understood?" wika nya ulit

"Yes mam" sagot namin

"Okay. By the way. I'm Mam Laila. Just call me Laila. You may proceed to your assigned group" wika nya at umupo na.

Bumilog na kami nila Eli para mas pagka usap usap kami.

Ka grupo ko pala tong si Dariel

"So sino mag iistart?" pangunguna ni Eli

"Ako na" sabi nung isang babae sa tabi ni Eli

"Ahm.. Danielle. Call me Elle." pagpapakilala nung babae.

Maganda siya. Katamtaman ang kulay nya. Di ko alam kung matangkad sya dahil naka upo siya nang nadatnan ko.

Sumunod naman ay yung katabi nung Elle sa kaliwa.

"I'm Alicia. Just call me Aly!! Hihi" masiglang pagpapakilala nya.

Siya naman ay may paka petite, sexy. Mukhang alaga ang katawan at maganda din. Maputi, maamo ang mukha at rosy cheeks ang kanyang mga pisnge.

Pagtapos niya ay sumunod na si Eli.

"Eliana. Call me Eli! . Nice to meet y' all!! " magiliw na bati ni Eli at sumunod ay ako na.

"Lucille. Tawagin nyo nalang ako na Lucy. Hehe" nahihiyang pag papakilala ko.

Sumunod naman ay si Dariel kaya tumingin ako sakanya. Pero nagulat ako dahil nakatingin siya sakin at nakangiti kaya umiwas ako ng tingin.

"I'm Dariel." ngiting sambit niya pagkatapos ay yung lalaking kasama nya na.

"Im Xian" pag papakilala nung katabi ni Dariel. Maputi at matangkad, mas matangkad nga lang si Dariel sakanya. Medyo singkit din ng konti. Mukhang may lahi katulad ni Dariel.

Pag tapos ng ilang oras ay natapos narin yung subject na yon. Nag pakilala lang sa iba at kame ni Eli ay sinabi namin transferee kame at di pa kami pamilyar sa school na to.

Kaya sabi ni Elle at ni Aly ay sasamahan nila kami sa pag lilibot dito. May naging bagong kaibigan tuloy kami ni Eli dito sa school at masaya naman ako dun.

"Okay class dismiss!" sigaw ni Mam Laila at umalis na ito.

"Uyy Elle, Aly! Sabay sabay tayo kumain mamaya ah?" biglang sambit ni Eli

"Oh sure. No problem" nakangiting sagot ni Aly at tumango nalang si Elle at ngumiti.

Maya maya pa ay dumating na yung susunod na prof namin. Naging tahimik ako sa klase habang nag tuturo siya.

Naging mabilis ang oras at recess na namin. Bumaba na kami sa cafeteria para kumain.

Ang sabi nila ay pag tapos daw namin kumain at pag may time ay ililibot nila kami dito sa school.

Pag baba namin ng cafeteria ay humanap na kami ng upuan at naiwan kami ni Eli dito sa upuan at si Elle at Aly nalang daw ang mag oorder saamin.

"Hoy Lucy!" biglang pag tawag nito sakin.

"Oh?" maikling sagot ko

"Kala mo nakalimutan ko na? Yung chika mo asan na?!" demanding na sabi nya kaya naman natawa ng kaunti.

"Pinaalala mo pa" buntong hiningang sambit ko

"Bili na!!" pangungulit nya. Bumuntong hininga muna ako bago mag kwento.

"Desperada na ko kanina makadakay ng jeep pati yung mga tao. Kaya takbuhan nung nagkaron na ng jeep tas habang tumatakbo ako ay may tumulak sakin at napatid pa ko. Ayon. Ang ending plakda. Tas dead batt pa ko kanina kaya naputol yung tawag natin." pag kwekwento ko sakanya

"HAHAHHAHAHAHAHAHA kawawa ka naman" pang iinsulto sakin ni Eli at inirapan ko nalang siya

"Saglet! May nakakalimutan ka!" biglang sabi niya ulit

"Ano?" inosente kong tanong

"Pano mo nakilala yung Dariel na yon hah? Sabi mo kilala mo?! Dugaa!!" kala mong nag proprotestang sabi nya.

"Sinabay nya kasi ako sa kotse niya kanina nung nalaman nya na wala akong masakyan. Ayon." pag papaliwanag ko

"Omgg talaga?!!" kinikilig na sabi ni Eli.

"Anong pinag uusapan nyo dyan hah?"

Napatingin agad kami kay Elle at Aly na kakadating lang at dala dala ang mga pagkain at nilapag na sa mesa namin.

"True! What's your pinag uusapan ba kase?" tanong naman ni Aly

"Ahmm hehe.." napakamot sa ulo na sabi ko

"Eto kasi si Lucy. Kilala niya pala si Dariel. Yung pogi kaninang pinag uusapan natin sa room" biglang sabat ni Eli.

"Omgg talaga??" namamanghang sabi ni Aly

"Kelan mo yun nakilala?" sambit naman ni Elle

"Ahh e-ehh" nahihiyang sabi ko

"Go spill it!!" kinikilig na sabi ni Eli.

"Ahm.. Kanina lang. Sinabay niya ko sa kotse niya" nahihiya ulit na sabi ko

Napaka ingay kase netong si Eli! Dat samin lang yon eh pero sige na nga. Kaibigan narin naman namin tong sila Elle at Aly. Kaya ok lang naman sigurong mag share ako sakanila.

"Yieeee!!! " Kilig na sigaw nilang tatlo

Kaya nagulantang ako at agad na sinaway sila dahil baka may makarinig pa

"Shhh!! Hinaan nyo lang boses nyoooo" pananaway ko sakanila

Kumain na kami habang nag kwekwentuhan parin. Ang gaan ng pakiramdam ko sa dalawang to. Kay Elle at Aly. Kaya okay lang sakin na maging kaibigan sila

At least dagdag friends diba?? Hehe. Kahit si Eli lang naman yung kaibigan ko at wala ng iba.

"Oo nga pala. Etong lamesang kinakainan natin ay satin na to. I mean, tayo lang ang uupo dito" biglang sambit ni Elle.

"Hah? What do you mean na saatin na to?" naguguluhan na tanong ni Eli

"Eto kaseng school na to ay halos lahat ay may kanya kanya. Ultimo lamesa!" sambit ni Elle

Lalo ako namangha sa school na to dahil may mga paganito pala.

"So lahat ay may mauupuan?" tanong ko?

"Exactly! If it is squad or not. May mauupuan ka dito sa cafeteria. Take note! sayo pa" sagot naman ni Aly kaya napatango nalang kami ni Eli dahil namamangha kami.

Pero may dalawang lamesa ang  nakakuha ng atensyon ko. Yun lang dalawa ang naiiba na lamesa at upuan dito sa cafeteria at nakapwesto sa gitna ng cafeteria.

Yung isa ay dark grey ang mesa at upuan, medyo mas maliit dun sa katabi nyang mesa na color dark red na parang magiging black na ang lamesa at yung mga upuan ay itim.

Malayong malayo sa kulay ng mga karamihang mesa at upuan dito sa cafeteria na color light grey ang mesa at upuan. Tanging yun lang ang naiiba kaya mas lalo ako na curious.

"Ahm Elle.. Aly" tawag ko sakanila habang kumakain parin

"Hmm?" sabay na tugon nila

"Eh dun sa dalawang lamesang iba na yun? Sino umuupo dun? Principals? Teacher?" tanong ko sabay turo dun sa dalawang lamesa

"Ahm. Hindi" sagot ni Elle

"Eh sino?" tanong din ni Eli.

"That dark grey one is own by Madeline's group" biglang sagot ni Aly

Madeline? As in yung bon chon girl?

"Madeline??" tanong ulit ni Eli

"Girlfriend of Dylan De Villa" sagot ulit ni Aly

Shit. Siya nga!

"Di ko naman kilala yun eh!" naiiritang sabi ni Eli

"Omgg you don't know him Eli? He's one of the most handsome in this campus! Other than Dariel!" sagot ni Aly

Kaya lalo naman kinilig si Eli dahil nalaman niya na may mas gwapo pa kay Dariel siya makikita.

"Eh yung isa?" tanong ko ulit sabay turo dun sa lamesa na dark red na medyo blackish ang kulay.

"And that one..." turo ni Elle dun sa isan

"belongs to the queen." dugtong na sabi nya.


~ To be continued

Continue Reading

You'll Also Like

27.5K 3.8K 38
˚✧ Protagonist˚✧ Gemini Kleverron "ជេមមីណាយ ឃ្លេវវើរ៉នន៍" ♡ Fourth Sydenzverd "ហ្វូត សាយឌេនវើត" /////// •Hate to love💅🏻?????
39.3K 1.4K 33
"Come on, come on, don't leave me like this I thought I had you figured out Something's gone terribly wrong You're all I wanted Come on, come on, don...
110K 5.7K 40
مرحبًا بكم في المملكة لا لا، يجب أن أحذرك أولًا من يدخل المملكة لا يخرج حيًا. يمكنك المغادرة الآن.. سأترك لك بعض الوقت للتفكير. حسنًا .. قررت؟ هل ه...
230K 7.8K 41
After years of abuse Anastasia has shut herself within emotionless walls. Even if the physical and mental abuse have broken her to the high extent, h...