School Rumble

Por missJlei

80.6K 2.2K 752

Alisha and Jasmine decided to transfer in Lancaster University. Unfortunately, her first day turned out to be... Más

School Rumble
Prologue
1st Punch
2nd Punch
3rd Punch
4th Punch
5th Punch
6th Punch
7th Punch
8th Punch
9th Punch
10th Punch
11th Punch
12th Punch
13th Punch
14th Punch
15th Punch
16th Punch
17th Punch
18th Punch
19th Punch
20th Punch
21st Punch
22nd Punch
23rd Punch
25th Punch
26th Punch
27th Punch
28th Punch
29th Punch
30th Punch
31st Punch
32nd Punch
33rd Punch
34th Punch
LAST PUNCH
Epilogue
Author's Note
School Rumble Playlist
Special Punch: Carolyn
Special Punch: Mason
Special Punch: Jasmine's Letter

24th Punch

1.2K 30 3
Por missJlei

Myka.

One week. At kagaya ng mga nakaraang linggo, walang Ali, walang Jas, walang Axel, walang Darryl at walang John. Lahat ng estudyante nasa gym bukod lang sa akin na nasa cafeteria pero hindi naman kumakain. Wait. Hindi lang pala ako ang nandito. Nandito rin si Ali na nasa pinakadulong table na kumakain ng dalawang box ng french fries.

Hanggang dito, naririnig ko pa rin ang walang katapusan na hiyawan. Malapit din kasi ang building namin sa Gym. Nagising bigla ang diwa ko nang tumunog ang cellphone ko.

From: Ruby

Hoy, Myka! Where art thou? Ang saya-saya rito sa Gym o!

Dinelete ko agad yung message at binulsa uli. Ininom ko na lang ang tubig sa mesa at tumayo. Pero bago ako makaalis, tinignan ko muna si Ali. Ganun pa rin ang hitsura niya- blangko. Lumabas na ako ng cafeteria at nagtungo sa Gym.

Habang papalapit ng papalapit, umiingay lalo ang mga hiyawan ng mga tao sa loob. Wala na akong magawa kundi pumasok at hanapin si Ruby sa mga seats pero nabigo ako. Binunot ko na lang ang cellphone ko sa bulsa at tinext siya.

Saang seat ka?

-Sent-

Naisip ko na maingay sa Gym kaya baka matagal pa siya magreply. Naglakad-lakad muna ako sa labas.

"Why are you here?" a cold voice said

Gusto ko magrejoice dahil sa wakas nagsalita na rin siya. Hindi muna ako sumagot dahil hindi ko rin alam ang isasagot. The next thing I knew, sinasabayan na niya ako sa paglalakad.

"Sorry."

Pagkasabing-pagkasabi niya nun, tumigil muna ako sa paglalakad at hinarap siya. I hugged her.

"Miss ka na namin."

Nararamdaman ko na nababasa ang balikat ko. Umiiyak siya.

"I.... I'm sorry. Dahil sa'kin, nagkawatak-watak kayo,"

"Wala kang kasalanan, Ali. Huwag mo isipin yan,"

Humiwalay ako sa yakap namin. Pero may nahagip sa paningin ko. Isa siyang babae. Hindi ko lang maaninag ang hitsura niya.

"Listen."

Nagtaka ako dahil sumeryoso ang boses niya.

"One will die today."

Nanlaki ang mga mata ko. Kinakabahan ako sa mga susunod niyang sasabihin.

"In the game. May kutob ako. Na si......John yung mapapahamak,"

-----~*~-----

Kasalukuyang kaming tumatakbo patungo sa Gym. Nagreply na si Ruby sa'kin. Ang sabi niya, nasa first row daw siya ng mga gitnang seats. Nang mapuntahan na namin ang loob ng Gym. Sumalubong sa akin ang mga nakakabinging hiyawan at drum rolls.

"Kailangan muna nating mahanap si Ruby,"

Tumango ako sa kanya. Tumakbo uli kami at nakipagsiksikan. Tumitingkayad pa ako para lang makita sina Ruby.

"Myka! Myka! Over here!"

Pilit kong hinahanap ang boses na iyon. Kung kumakaway man siya, hindi ko pa rin iyon makikita dahil sa dami ng nagtataasan ang mga kamay sa cheer nila. Ugh.

"Myka! Tingin ka sa kaliwa mo!"

Sinundan ko naman siya. Pagtingin ko sa kaliwa, nakita ko agad siya. Kasama niya sina Tyson, Darryl at Axel. Napatingin na din si Ali sa amin kaya lumapit siya sa amin. Kumunot ang noo nila.

"A-ali?"

Ngumiti siya.

"It's nice to be back, huh?"

"Pero bakit-----"

"No time to explain. Let's go."

Hinatak niya sina Ruby at Tyson. Habang sina Darryl at Axel naman, nakatulala lang kay Ali. Napailing-iling ako at hinatak na rin yung dalawa.

"Where are we going?" tanong ni Darryl

"To save John's life,"

Nagtataka siyang tumingin sa'kin pero umirap lang ako. Sinundan lang namin sina Ali hanggang sa mapunta kami sa likod ng Gym malapit sa bench na kinauupuan ng team mates ni John.

"Can you please explain?" -Axel

Napayuko lang si Ruby sa kanya.

"Si John ang target," mahinahong sagot ni Ali

"What do you mean?"

"Lately, I've been receiving death threats. And kahapon, meron akong na-receive na text from an unknown number. May mamamatay daw sa game. Si John yun,"

"How can you be sure?"

This time, si Tyson naman ang nagtanong. Pero tumingin lang ng blangko si Ali sa kanya.

"Because I know that we are the target of....Elisha,"

Nagulat ako. Si Elisha ba ang nag-text?

"A-ali...t-totoo ba 'yan?"

Tumango siya.

"I heard her. May kausap siya sa phone niya kahapon. Ngayon na raw nila igagawa ang plano nila. Pero hindi ko alam kung sino pa yung isa na kausap niya."

Natahimik kaming lahat. Tumingin ako muli sa mga naglalaro. Fourth quarter na ng game at lamang kami ng twenty-one points. Isa si John at Royce sa mga naglalaro. Inilibot ko ang paningin at nagbabasakaling mahanap ko ang kung sino man ang kung sino man ang papatay sa kanya.

"Myka...."

Lumingon ako kay Ali. Lumapit siya sa akin.

"I know na nag-aalala ka sa kanya. I'm sorry.... nadamay ko kasi kayo sa gulo namin."

"Ha?"

"Ako ang pakay ni Elisha. I don't know if she's really crazy to do such things pero parang may kung anong ginawa ko sa kanya na hindi ko alam bukod kay Ale---"

"Aaaaahhhh!"

"Oh my god."

"Fafa John!"

Maski kami ay nagulat sa nangyari. Napahawak ako sa bibig ko at kusang tumulo ang luha ko. Si Ali ay seryosong nakatingin kay John na nakahandusay sa sahig.

"Everyone. Please calm-----"

Hindi na natuloy ng announcer ang sasabihin niya dahil nilapitan na namin si John at hinawi ang mga team mates na nakapalibot sa kanya.

"John? John!"

Niyugyog ko pa siya at hinawakan ang pulsuhan niya. Nakahinga ako ng maluwag dahil tumitibok pa ang puso niya. May dugo na umaagos mula sa kanyang tagiliran kaya hinawakan ko ito para pigilan ang tuloy-tuloy na pag-agos.

"Ang weird. Wala man lang akong narinig na putok or what-so-ever," -Ruby

Nakita ko na nahihirapan nang huminga si John at ilang sandali na lang ay bibigay na rin ang mga mata niya.

"Medic! Call the medic!" -Tyson

Lumuhod na din si Ali kay John.

"I saw it."

Awtomatiko akong napatingin sa kanya.

"Dapat matatamaan siya sa puso. Ang nakakaasar lang, napalibutan kasi si John ng mga players nung nasa kanya pa ang bola kaya hindi ko nakita kung sino ang sumaksak sa kanya. Posible na isa sa mga players ang killer."

"Ang ibig mo bang sabihin, isa sa mga players ng kabilang team ang sumaksak sa kanya? How is that possible?"

"Malay mo may connection si Elisha sa kanya. And by the way, wala si Elisha sa Gym. Umabsent."

Nawala ang pag-iisip ko nang biglang humawi ang mga medic sa amin at pinasakay na sa stretcher si John.

-----~*~-----

"How are you?"

"M-medyo masakit pa rin....pero okay na,"

Four days na siya sa ospital. Ngayon lang siya nakarecover. Buti na lang at hindi nadamay ang kidney niya.

"Thank God...."

Hinahanda ko pa ang pagkain niya sa mesa dahil magdidinner time na. Yung iba naman, doon pa sa resto kumain.

"B-bakit mo nga pala ako hindi pinapansin?"

Napatigil ako sa ginagawa at natulala.

"Are you mad or something?"

Natapon ko pa ang sabaw sa mesa kaya pinunasan ko pa ito.

"H-hindi naman...."

"Please tell me,"

Tinignan ko siya at umupo sa kama niya.

"Nung magtetraining sana kayo the last week, kakausapin sana kita. Pero nakita ko na may kausap kang babae and.....sinabi mo na wala kang girlfriend,"

Napayuko ako sa hiya. Alam ko na ngumingisi na siya kaya mas lalo lang ako namula. Hinawakan niya ang kamay ko.

"Wala naman talaga akong girlfriend 'di ba? Not until...."

"Siraulo! Ayoko nga!"

Nagcross-arms pa ako at umiwas ng tingin sa kanya. Ilang minutong katahimikan ang nangyari at naisipan ko na tignan uli siya. Nakapikit ang mga mata niya kaya mas lalo akong lumapit sa kanya. Bahagya ko siyang tinapik sa pisngi pero walang response.

"John....uy...."

Tinusok-tusok ko pa ang pisngi niya pero walang nangyayari. Pinagmasdan ko na lang siya. Ang gwapo talaga..... hindi ko mapigilan na ilapit ang mukha ko sa kanya. Kahit tulog, mabango pa rin ang hininga niya. Nanlaki ang mga mata ko nang idilat niya ang mga mata niya at sumilay ang ngiti sa kanyang labi. Huli na bago pa ako makalayo.

"Waaaah!!! Manyak! Manya---jdjsjdhdnsksj,"

Sinamaan ko siya ng tingin at inalis ang kamay niya sa bibig ko.

"Are you insane?! Kakagising mo lang tapos hinalikan mo ako?!" pabulong kong sinigaw sa kanya

"Mabango naman ang hininga ko, ah."

Umirap na lang ako at pinunasan ang labi ko. Pinipigilan ko pa rin ngumiti.

"Ok fine."

Napatingin siya sa akin.

"Ha?"

"Sabi ko....fine,"

"Para saan?"

Kahit kelan talaga, ang slow naman niya!

"Sinasagot na kita,"

Natahimik siya pero nagsalita rin.

"A-am I dreaming?"

Ngumiti ako.

"Ayaw mo?"

Nagpout pa ako at nagcross-arms. Pero niyakap niya ako sa bewang.

"Thank you...."

Finally. Nakuha na rin niya. Kinurot-kurot ko pa ang tagiliran niya.

"ARAY!"

"Ay hehe. Sorry.....my labs," sabay peace-sign

-----~*~-----

A/N: About po sa question ko nung 23rd PunChapter, sa 1st PunChapter po ang sagot. Check niyo na lang po uli. Tenkyu! ~°^_^°~

Seguir leyendo

También te gustarán

96.3K 4.2K 40
Enchanted Book Series NO.1 Historical fiction/Fantasy/Romance By Señora Starla "What if, ang inaakala mong reyalidad ay isa pa lang ilusiyon?" Isang...
968K 40.3K 55
She is Ashianna Zein Delfox reincarnated as Princess Elseinna Rose. Maraming tao ang naiinggit kay Elseinna dahil binansagan itong "The Goddess Of Em...
593K 16.2K 55
Lancaster Academy is one of the most prestigeous school in Asia. It is said to be one of the best all-boys school in the world. They know how to have...
70.6K 2.6K 73
Lahat naghahanap ng pagmamahal. Kahit anong klaseng tao ka pa, nakilala ka man bilang masama o mabuti. Mayaman o mahirap. Sikat man o hindi, may iisa...