The Four Bad Boys And Me (Pub...

By blue_maiden

325M 6.7M 3.3M

[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang... More

Prologue
Chapter 1: First Kiss
Chapter 2: Assuming?
Chapter 3: Detention
Chapter 4: Facebook
Chapter 5: Trouble
Chapter 6: Manwhore
Chapter 7: Guilty
Chapter 8: Curious
Chapter 9: Bad day
Chapter 10: Dougie King
Chapter 11: Mystery Guy
Chapter 12: Prince Charming
Chapter 13: Friends?
Chapter 14: Mall
Chapter 15: Spy
Chapter 16: Why me?
Chapter 17: Yes or No?
Chapter 18: Make Over
Chapter 19: Gandang di inakala
Chapter 20: Music is Love
Chapter 21: Kupal
Chapter 22: Fiancé
Chapter 23: Party
Chapter 24: Confession
Chapter 25: Protective Kuya
Chapter 26: Enemy tayo!
Chapter 27: Date?
Chapter 28: Ice cream
Chapter 29: Sorry
Chapter 30: Preparation
Chapter 31: Pre pageant
Chapter 32: Im your Nurse
Chapter 33: Doraemon
Chapter 34: Birthday Gift.
Chapter 35: You're OUT
Chapter 36: One team
Chapter 37: Permission
Chapter 38: The eldest member
39: Queen Bee
40: Turning tables
41: Fridate
42: Double date
43: In between
44: Slow Motion
45: Ms. Campus
46: Celebration
47: Jeydon's Revelation
48: Her Answer
49: Candice Realization
50: Marky's plan
51: In love?
52: Aso't Pusa
53: New arrival
54: Lil Brother
55: Broken hearted Troy
56: Bet
57: Engagement
58: Officially yours
59: Meet the Father
60: Someone is jealous
61: Phoenix
62: Just a kiss goodnight.
63: Misunderstanding
64: Lover's Quarrel
65: It's a DATE.
66: Troy's Birthday
67: Worried boyfriend
68: I got your back
69: Join forces
70: Meet Red Dragon
71: Red Dragon's Revenge
72: You'll be fine
73: Christmas Gift
74: Forgiveness
75: Family
76: Family Issues
77: Prom Night
78: Sealed with a kiss.
80: Past vs Present
81: Closing time
82: The Fighter (Charles's Special Chap)
83: The player (Marky's special chap)
84: The Womanizer (Troy's special chap)
85: The Bad Boy King (Last chap)
Bonus Chap: Love or Hate?
Epilogue
SPECIAL CHAPTER
Author's Note
FAQ (Frequently Ask Questions)
♫ Playlist ♫
The Four Bad Boys and Me Book!
TFBBAM BOX SET

79: Championship game

2.8M 61.1K 31.6K
By blue_maiden

CANDICE


Ang aga naman yata ni Lucas? Akala ko, mamaya pa siya pupunta sa bahay. Makapasok na nga rin. Tutal, dumating naman na siya, e.

"Mama, alis na po ako!"

"Sige, anak, ingat ka!"

Pumunta muna ako sa kwarto ni Kuya Charles baka gising na siya kaso wala, e, tulog pa. Seryoso pala talaga siyang kailangan daw niya ng maraming tulog kasi championship game na ng basketball mamaya. Sabihin niyang napuyat siya kagabi kakabantay sa 'min kung anong oras kami uuwi ni Jeydon galing EK. Ang daya nga, e. Porke excused sila, sinamantala naman niya. Huhu, gusto ko ring ma-excuse, e, inaantok pa ako.

Lumabas na ako ng bahay tapos binuksan ko 'yong gate.

"Lucas, ang aga mo—" Uh-oh, hindi pala si Lucas 'yong nag-doorbell. "Hubby! Akala ko ba mamaya ka pa papasok?" Ang sama ng tingin niya sa 'kin. Huhu! Patay ako nito, hari pa naman ng selos 'to.

"Gusto kasi kitang kasabay pumasok kaya maaga akong papasok ngayon." Hindi naman siya mukhang galit.

"Wow, ang sweet naman ng hubby ko! Hehe, sige, tara na!" Hinawakan ko 'yong kamay niya tapos hinila ko na siya paalis pero hindi naman siya umalis sa pwesto niya.

"Mabuti pa, hintayin mo na lang si Lucas dito tapos kayo na 'yong sabay pumasok," sabay walk out. Psh! Walk Out King talaga siya.

E, ikaw naman kasi, Candice! Sino bang hindi magseselos do'n? Hay, kung ako rin 'yon, magagalit ako. Wah! Jeydon naman kasi, e! Sabi niya, mamaya pa siya papasok. Hinabol ko na lang siya. Grabe, ang bilis niyang maglakad, ah. Takbo na 'yong ginawa ko tapos siya, naglalakad lang. Mas mabilis ba 'yong pusa kesa sa aso?

"Hubby!"

Hindi niya ako nilingon.

"Uy, hubby naman, teka lang!" Ayaw pa rin niya ako lingunin.

"Hoy, Pusa!"

Ayaw mo talagang lumingon, ha? Ah, alam ko na! Ayaw mo talaga akong pansinin?

"Aray! Aray! Ang sakit." Nagpanggap akong sumasakit 'yong tiyan ko. Umupo pa ako sa sahig para kapani-paniwala. Best actress lang ang peg. Hindi naman ako nabigo kasi nilingon niya na ako tapos lumapit pa siya sa 'kin. Haha! Hindi mo rin ako matitiis, Jeydon.

"Wifey, anong masakit?" Alalang-alala siya sa 'kin. "Ano? Anong masakit sa 'yo?"

"Ito, o. Masakit." Tinuro ko 'yong puso ko. "Sumasakit kasi hindi mo ako pinapansin."

"Aish! Huwag mo na ngang ulitin 'yan. Akala ko, totoo na. Pinag-alala mo ako."

Ikaw kasi, e! Ang snob mo. "'Yon lang ang naisip ko para pansinin mo ako."

Itinayo niya ako tapos niyakap niya ako. E, ano ba, Jeydon? Huwag naman dito sa gitna ng kalsada. Hehe, joke.

"Sorry, nagselos lang talaga ko."

"Sorry din, hubby! Kaya ko lang naman in-expect si Lucas kasi—" Waaa! Hindi ko pwedeng sabihin! "Basta, hehe." Ngumiti na lang ako sa kanya.

Hindi siya nagsalita, nakatitig lang siya sa 'kin. Naka-poker face lang siya. Ihahanda ko na 'yong sarili ko, baka magalit na naman siya.

"I trust you."

"You trust me?"

"I love you, that's why I trust you."

"Huhu! I love you, hubby!"

Hindi niya ako sinagot. Hinalikan na lang niya ako. Ganyan ka ba mag-I love you too, Jeydon?

"Pambihira naman, o!"

Napalayo agad kami ni Jeydon sa isa't isa. Nilingon namin kung sino 'yong nagsalita.

"Ang aga-aga, ang sweet n'yong dalawa? Baka anayin kayo niyan, ah."

Lumapit sa kanya si Jeydon tapos binatukan siya.

"Panira ka rin ng moment." Napakamot na lang ng ulo si Troy. "Bakit ang aga mo, ha, Troy?"

"Wala na kasi sina Ginno at Six sa team kaya kailangan kong i-practice 'yong dalawang bago natin. Tsaka si Coach, e. Kailangan ng expertise ko." Wow, nagising talaga siya nang maaga para lang do'n? Dedicated siya masyado sa game mamaya. At anong sabi ng expertise niya? "Hindi ko pa tuloy makakasabay si Tiffany. Mamaya pa kasi siya papasok, e."

Siguro gumagawa na si Tiffany ng banner para kay Troy. Si Lucas kaya, gumagawa na ng banner para kay Jeydon? Gusto ko sana, ako ang gumawa ng banner kaso hindi ako pwedeng hindi pumasok. Huhu! Bakit kasi 'yong araw na 'yon pa ako magre-report?

"Wifey, anong nangyari sa 'yo? Bakit parang natulala ka?" Naging preoccupied pala ako. "Baka mamaya, may masakit talaga sa 'yo?"

Nilapitan ako ni Troy. Kinapa niya 'yong noo ko para tingnan kung may lagnat ba ako. "Wala ka namang lagnat. Anong masakit, best friend?" Hinila naman siya ni Jeydon palayo sa 'kin.

"Ako ang boyfriend, 'di ba, Troy? Ako?"

"Kahit kailan, selfish ka talaga. Boyfriend ka lang! Best friend naman ako. Ang best friend, hindi naghihiwalay."

"Mas mahal niya ako!"

Hindi pa rin sila nagbabago. Kahit kailan naman talaga, o.

"Tumigil nga kayong dalawa! Gutom lang 'to." Hindi pa pala ako kumakain.

"Ano ka ba naman, best friend? Baka mamaya, magkasakit ka niyan. Jeydon naman, ginugutom mo si Candice, e."

"Alam kong binubusog kita sa pagmamahal ko pero hindi mo pa rin dapat ginugutom 'yang tiyan mo."

Hinila niya agad ako papasok sa loob ng school. Napakamot ulo na lang si Troy sa 'ming dalawa.

Dumiretso kaming dalawa sa canteen. Bumili siya ng napakaraming pagkain, akala mo naman, may fiesta.

"Kumain ka nang marami, you're going to need that later." Nilapag niya 'yong mga pagkain sa harap ko. Akala mo naman, wala nang bukas. Alam kong matakaw ako pero hindi naman ako PG, e. "Kailangan marami kang lakas para makapag-cheer ka sa 'kin nang maayos."

"Don't worry, hubby, aayusin ko 'yong pag-cheer ko sa 'yo."

Kung alam mo lang, nagpatulong pa talaga ako kay Lucas para gumawa ng banner. Buti na lang, binilin ko rin kay Mama 'yong about do'n sa banner na 'yon. 'Yon naman kasing seloso kong boyfriend, e, nagtampo na naman. 'Yon tuloy, hindi ko naabutan si Lucas sa bahay. Bahala na sina Mama ro'n.

Sa dinami-dami ng pagkaing binili ni Jeydon, akalain mong naubos ko 'yon? Muntik-muntikan pa akong ma-late sa first subject ko. Ang bilis kasi ng oras kapag kasama mo 'yong mahal mo. Buti na lang talaga, girl scout ako kaya handa ako sa report ko kahit wala na gaanong time makapag-prepare.

Noong nag-lunch break na, hindi ako dumiretso sa tambayan nina Jeydon. Wala kasi 'yong apat, nando'n na siguro sila sa sports complex. Si Tiffany naman, wala pa rin. Hindi pa rin yata tapos sa banner niya. Mag-isa tuloy akong kumain.

"Girls, nakita n'yo ba 'yong babae kanina?" Nagkumpulan 'yong Powerpuff Girls sa harap ng upuan ko.

"Ano ka ba, Anne? Hindi mo ba siya kilala? Siya lang naman si Kim."

Biglang nagpanting 'yong tenga ko sa narinig ko.

"Siya 'yong dating fiancée ni Jeydon, 'di ba, Blossom?"

Hindi ako nakatingin sa kanila. Nakayuko lang ako sabay nguya sa kinakain ko.

"Oo, siya nga. Alam n'yo, balita ko mahal na mahal daw siya ni Jeydon dati. Hindi ko nga alam kung bakit sila naghiwalay, e."

Hindi ko naiwasang mainis. Nanadya ba talaga sila? Pag-usapan daw ba sa harap ko?

"Muntik pa nga raw mag-suicide si Jeydon dati no'ng naghiwalay sila ni Kim." Mag-suicide? Parang hindi ko alam 'yon, ah.

"Gano'n ba katindi 'yong pagmamahal ni Jeydon kay Kim noon? True love siguro nila 'yong isa't isa." Alam kong may halong pang-aasar 'yong mga tono ng boses nila. Loko 'yong mga 'yon.

"Sino ba namang hindi magmamahal nang gano'n kay Kim, e, sa ganda ba naman niyang pang-diyosa?" E di, siya na ang diyosa!

"Hindi ko nga alam kung bakit biglang bumaba 'yong taste ni Jeydon sa mga babae. From a swan to an ugly duckling."

Pagkaangat ko ng ulo ko para tingnan silang tatlo, nakatingin na pala sila sa 'kin! Pinaparinggan talaga nila ako, ah. Sasagutin ko na dapat sila kaso may bigla namang nagsalita.

"Sa inyo pa talaga nanggaling 'yong salitang ugly duckling? Haha, pinapatawa n'yo ba ako?"

Pumunta siya sa harap ng Powerpuff Girls. Tiningnan niya 'yong tatlo mula ulo hanggang paa. Nakakatakot pa rin 'yong tingin niya.

"Ikumpara n'yo nga 'yong mga mukha n'yong puro retoke sa mukha ni Candice? Baka pati 'yong salitang 'pangit' hindi pa rin mag-fit sa description ng mukha n'yo."

Halatang nagulat 'yong tatlo sa sinabi niya. Kahit din naman ako, e. Napanganga pa yata ako sa ginawa niya, e.

"Kung ayaw n'yong pag-trip-an kayo ng mga alagad ko, better shut your mouth. Umalis na kayo sa harap ko! Ang papangit n'yo!"

Umalis naman agad 'yong tatlo sa harap namin. Grabe, talaga siya. Bilib na talaga ako sa kanya. Kaso bakit kaya gano'n? Pinagtanggol niya ako? Ay, hindi! Inaway ka niya! Haha.

"Stacey, salamat sa pagtanggol sa 'kin."

Hindi siya makatingin sa 'kin. "Ha? A-anong pinagtanggol ka riyan?" Hindi siya mapakali, napahawak pa siya sa leeg niya.

"Sabi ko nga hindi mo ako pinagtanggol, e."

"Hindi naman talaga, e! Ayoko lang na may ibang nagmamaldita rito maliban sa 'kin. Isa pa, between you and Kim, mas gusto kita para kay Jeydon."

Okay, napanganga na talaga ako sa sinabi niya. Hindi ko in-expect na sasabihin ni Stacey 'yon sa 'kin. Wah! Maiiyak na ba ako? Na-touch ako, e.

"Isara mo 'yang bunganga mo, baka pasukan ng langaw.

"Alam mo, panira ka talaga, e! Ang ganda na sana ng scene natin. 'Yon na 'yon, e."

Tumawa siya pero hindi na tawang pang-witch. Bago pa siya makalayo, humarap ulit siya sa 'kin.

"Hoy, Candice! Payag na akong maging magkaibigan tayo pero tandaan mong mas maganda pa rin ako sa' yo!" Nag-behlat siya sa 'kin tapos umalis na siya.

Bastos din 'yong si Stacey. Hindi man lang ako pinagsalita. Bakit, payag ba akong maging magkaibigan kami? Siyempre, payag ako. Malaki naman na 'yong pinagbago ni Stacey. Kahit si Tiffany, sinabi sa 'kin 'yon. Meron akong pakiramdam na masaya ring maging kaibigan si Stacey. Wish ko lang, maging magkaibigan na talaga kami.

"Candice!"

"O, Tiffany. Tapos ka na sa banner mo?"

"Oo, tapos na. Pero teka, bakit ka kinausap ng sister ko? Inaway ka ba?"

Natawa lang ako sa tanong ni Tiff.

"Bakit ka tumawa?"

"E, kasi naalala ko 'yong ginawa ni Stacey kanina. Pinagtanggol niya ko ro'n sa Powerpuff Girls"

Nanlaki bigla 'yong mga mata ni Tiffany. "OMG! Hindi ako makapaniwala pero masaya ako at bumabait na siya."

"Oo nga, e. Ang tao nga talaga, pwedeng magbago nang biglaan."

"I hope magtuluy-tuloy na 'yon. Siya nga pala, punta na tayo sa sports complex. Magsisimula na 'yong game." Hinila-hila pa niya 'yong kamay ko. Naalala ko sa kanya si Troy, nahawa na yata sa kanya si Tiffany.

"Wala na bang klase?"

"Wala na! Kaya tara na, dali!"

Inubos ko agad 'yong pagkain ko tapos pumunta na kaming sports complex.

Nang makapasok kami sa loob, sinalubong agad kami ni Troy.

"Boo, nasaan na 'yong banner ko?"

Nilabas ni Tiffany 'yong banner na ginawa niya. May picture ni Troy tapos may nakalagay na Go, cute and hansome, Troy! "Tadah!"

"Wow, boo, ang ganda! Ang sweet-sweet mo talaga! I labsss you!" sabay kiss sa harap namin.

Tiningnan ko si Jeydon, nakatingin lang siya sa 'kin na parang may hinihintay. Oo, alam kong hinihintay niyang ilabas ko 'yong banner na ginawa ko. Wala pa kasi si Lucas, e. Nasaan na ba kasi 'yong lalaking 'yon?

"Troy and Jeydon, magsa-start na 'yong game," tawag sa kanila ng coach nila.

Ngumiti sa kin si Jeydon pero alam kong disappointed siya sa 'kin. "I have to go."

Wah! Jeydon, sorry! Huhu, patay ka talaga sa 'kin, Lucas. Ang ganda pa naman ng design no'n. May drawing na Doraemon tapos may asong nagchi-cheer do'n sa pusang nagsa-slam dunk. Todo-effort ako no'n, ah! Dinrawing ko 'yon sa iPad tapos si Lucas 'yong tatapos tsaka magpi-print.

***

Nakakakaba na talaga. Fourth quarter na pero lamang pa rin 'yong kalaban. Hindi nga yata lumamang 'yong Blue Dragons basketball team kahit isang point. Malaking kawalan nga talaga si Ginno sa team. Magaling din naman 'yong bagong member ng team, si Mir. Kaso hindi pa kasi niya alam 'yong galaw nina Jeydon. Pagod na pagod na rin sina Marky tsaka Jeydon. Ayaw naman nilang magpapalit kasi hindi pa raw gaanong magaling 'yong mga reserve players nila. Hindi katulad dati na nakakapalitan nila si Six. Ang hirap pala kapag biglaang nawala 'yong mga inaasahan mo. Hirap na hirap tuloy 'yong team. Ang lakas-lakas na nga ng hiyawan at cheer ng team namin parang home court na nga namin 'yon, e. Nagsama-sama na rin lahat ng fangirls no'ng Apat, joint forces na at lahat pero wala pa rin, e.

"Candice, kulang pa yata ang pag-cheer natin, e. Pinabaunan ko naman si Troy ng power kiss kanina." Napakamot-ulo na lang si Tiffany. Maya-maya, naka-shoot si Troy. "Kyaaaaa! Go, boo! Ang galing-galing mo! I love you!"

Hindi pa rin pala naalis sa kanya 'yong pagka-number one super fangirl ni Troy. Mas kinilig pa si Tiffany noong tumingin sa kanya si Troy tapos nag-flying kiss. Ang sweet talaga nila sa isa't isa. Minsan, kinikilig pa ako sa mga kalokohan nilang dalawa.

"Ikaw, hindi ka magchi-cheer kay Jeydon?" bulong sa 'kin ni Lucas.

Buti dumating siya after ng first quarter kasi kung na-late pa siya nang kaunti, sasakalin ko na talaga siya.

"Hindi na, nakakahiya, e."

Nasa taas kami nakapwesto para raw mas kita kami nina Jeydon at Troy. Para rin mas kita 'yong mga banner namin. Talong-talo nga ang mga banner no'ng fangirls. Akala mo, president kami ng fans club. Hindi naman kami nag-effort, 'no? Hehe. Gano'n siguro talaga kapag supportive girlfriend.

Nasa team na namin 'yong bola. Hawak ni Marky 'yong bola. Automatic na todo-tili 'yong fangirls niya. Dalawa 'yong nakabantay sa kanya kaya pinasa niya kay Jeydon. Matangkad tsaka malaki rin 'yong nagbabantay sa kanya pero walang pakialam 'yong hubby ko, dunk kung dunk. Sakuragi, ikaw ba 'yan? Pagka-dunk ni Jeydon, sabay naman ang hiyawan sa buong court. 'Yong mga babae, kilig na kilig. Papatalo ba naman ako?

"Kyaaaa! Ang galing-galing mo, Jeydon! Ang pogi mo! I love you, super duper hubby!"

Noong natapos na ako sa kabaliwan ko, napansin kong nakatingin na pala sa 'kin 'yong mga tao. Napalakas yata ang pag-cheer ko. Hehe. Sorry naman po, nadala lang ng damdamin.

"Nahihiya pala, ha?"

Hinamapas ko nga si Lucas. Kainis siya, inasar pa talaga ako.

"Haha, tingnan mo si Jaydee, o."

Tiningnan ko sila sa baba. Nag-time out pala 'yong kalaban. Kaya hayun si Jeydon, nakatingin sa 'kin. Tawa siya nang tawa sa 'kin pati sina Kuya Charles. Sigeeee! Pagtawanan n'yo pa talaga ako. Maganda 'yan, e! Napahiya na nga ako.

"Candice, mas fangirl ka pa pala sa 'kin." Isa pa 'yong si Tiffany, e. Sige, magsama-sama kayo, ha? Namula na nga ako roon sa hiya.

Bago sila bumalik sa court, nagkatinginan ulit kami ni Jeydon. Nag-flying kiss siya sa 'kin kaya sinalo ko naman. Ang laki ng ngiti niya, nag-heart sign pa siya sa 'kin tapos kinindatan pa ako. Buwiset na pusa 'yon, bakit kailangan niyang maging sobrang hot?

"Ayieee! Kinikilig ako sa inyong dalawa." Kinilig nga talaga siya, ang lakas mangurot, e. Ouchy lang, ah. Huhu, Tiffany talaga. Kapag kinilig siya, expect mo nang may kurot na kasama.

"Haha! Nakakatawa talaga."

Oo nga, Lucas, e. Kanina ka pa tawa nang tawa riyan. Hiyang-hiya naman ako sa 'yo! Ganyan 'yan, e.

"Ewan ko sa inyo, Lucas at Tiffany! Lakas n'yong mang-asar! Mabuti pa, makapag-restroom na nga lang."

Tawa nang tawa 'yong dalawa. Magsama kayong dalawa, mga taksil! Kailangan ko munang umalis do'n, nakakahiya talaga 'yong ginawa ko. 'Yong feeling na todo-sigaw ka with kilig factor pa tapos lahat pala, nakatingin na sa 'yo. Epic fail talaga.

Habang nasa cubicle ako, may pumasok na mga babae. Ay, malamang, pambabaeng restroom 'yon, e. Ano ba 'yan? Hindi na nagfu-function nang maayos ang utak ko.

"Ang laki na nang pinagbago ni Jeydon, 'no?"

Dahil narinig ko ang pangalan ni Jeydon, nag-stay muna ako roon.

"Naalala ko pa noong mga first year tayo, totoy pa lang siya pero gwapo na talaga siya." Si Jeydon ko kaya 'yong pinag-uusapan nila?

"Sayang talaga, nag-break sila ni Kim, 'no? Ang saya-saya pa naman nila dati. Halos hindi mo nga sila mapaghiwalay, e." Si Jeydon nga at 'yon na naman ang mga narinig ko. Kim at Jeydon love story na naman. Coincidence ba 'yon?

"Oo nga, e. Nandito nga si Kim, e. Sinusuportahan niya pa rin si Jeydon."

"Mahal pa rin niya si Jeydon, e. Si Jeydon kaya, mahal pa rin si Kim?"

Natigilan ako sa sinabi niya. Mahal pa nga ba ni Jeydon si Kim? Sabi ni Jeydon, hindi na pero totoo kaya 'yon? O ayaw lang niyang masaktan ako kapag sinabi niya 'yong totoo?

"May girlfriend na si Jeydon, ano ba kayo? 'Yong Candice."

Sabay-sabay silang nag "Ah."

"Pero malay mo naman, kahit may girlfriend na siya, mahal pa rin niya si Kim deep inside. Nakita ko nga silang nag-uusap kanina, e."

"Alam n'yo, tara na. Baka malapit nang matapos 'yong game. Naghihiyawan na sila, o."

Lumabas agad sila ng restroom kaya lumabas na rin ako sa cubicle. Napatingin ako sa salamin. Ano bang panama ko kay Kim? E, mas maganda at mas sexy naman siya kesa sa 'kin. Tsaka bakit nag-usap sila ni Jeydon kanina? Parang kinabahan tuloy ako. Na-realize kaya niyang mahal pa rin niya si Kim? Pwede naman 'yon, 'di ba? Posibleng mahal niya ako tapos mahal din niya si Kim.

Hindi ako nagdududa sa pagmamahal sa 'kin ni Jeydon pero sa totoong nararamdaman niya para kay Kim, hindi ako sigurado.

Ano ba 'yan? Kung anu-anong pinag-iisip ko kay Jeydon. May tiwala siya sa 'kin kaya dapat magtiwala rin ako sa kanya.

Bumalik ako sa court, tied na 'yong score. Nakita ko si Jeydon, mukhang pagod na pagod na talaga siya. Kawawa naman 'yong hubby ko, pawis na pawis pa.

"Bakit ngayon ka lang? Kanina pa tingin nang tingin dito si Jeydon, e, hinahanap ka." 'Yon agad ang bungad sa 'kin ni Tiffany.

"Pumunta ka sa bench nila, magta-time out 'yang mga 'yan mamaya," utos naman sa 'kin ni Lucas.

Nakipagsiksikan ako sa mga tao para lang makapunta sa bench nila. Mabait naman 'yong coach nila kaya pinayagan akong mag-stay doon. Dapat kasi bawal ang ibang tao roon. Nag-time out na 'yong coach nila.

Pagbalik pa lang nila sa bench, lumapit na agad sa 'kin si Jeydon tapos niyakap niya ako nang sobrang higpit. Dinig na dinig ko 'yong paghinga niya, parang hinihingal na nga siya, e. Pagod na pagod na talaga siya.

"Pa-charge, ah. Pagod na ako, e."

"Kaya mo pa ba?"

Habang sina Kuya Charles ay nakikinig sa coach nila kung anong gagawin, kami naman ni Jeydon, nagmo-moment sa isang tabi.

"Nandiyan ka kaya kakayanin ko." Hinarap niya ako. Nakita ko 'yong mukha niyang medyo okay na kumpara kanina. Huwag mong sabihing nakakapag-charge talaga siya ng energy sa 'kin? "I like your banner. Thanks, wifey."

"Nag-effort talaga ako para ro'n tsaka kaya ko inbangan si Lucas kasi sa kanya ko pinatapos 'yon."

"Thanks, best girlfriend." Hinalikan niya 'yong noo ko tapos tinawag na ulit sila. "We will win this. Watch and learn." Kumindat siya sa 'kin na parang hindi na siya pagod.

Pagbalik nila sa game, last two minutes na lang. Kinabahan ako pati sina Coach.

Nag-tandem ulit sina Marky at Jeydon sa laro. Ang power duo na JeyKei. Si Jeydon 'yong pupuntos, si Marky naman sa assist. Nag-fake ng jump shot si Marky tapos ipinasa niya kay Jeydon. Walang nagbabantay kay Jeydon kaya nakapag-three points siya. Ang galing din nina Kuya Charles at Troy, kahit si Mir. Ang liksi ni Troy, palaging siya ang may dala ng bola. Sina Kuya at Mir naman sa rebound. Lumamang na sana kami pero ang daya no'ng kalaban kasi sinisiko nila lahat ng binabantayan nila. Kainis nga 'yong referees kasi hindi man lang tinawagan ng foul. Hindi naman nagpatinag sina Jeydon kaya sa huli, kami pa rin ang panalo.

Grabe, sobrang lakas ng hiyawan ng mga tao. May isinaboy na mga confetti. Nagkumpulan sila sa gitna. Inabot no'ng sports organizers 'yong mga medal tsaka trophy nila pati na rin do'n sa first at second place.

At 'yong napili namang MVP, walang iba kung hindi ang aking hubby. Noong i-aaward na sa kanya 'yong medal niya, nilapitan niya ako tapos hinila niya ako. Noong sinuot sa kanya 'yong medal, tinanggal niya 'yon pagkatapos ay sinabit niya sa 'kin.

"Para sa 'yo 'yang MVP medal ko."

Namula na yata ako, lahat kasi ng mga tao sa paligid, inasar kami.

"Yes, MVP ng buhay ko."

"Hoy! Ang corny n'yo!"

"Tama na nga 'yan! Kaumay na!" sabi ni Kuya Charles tsaka Marky. Hmp! Bitter lang sila! Wahaha.

Nag-picture-picture muna kami. Kasama na rin namin sina Lucas at Tiffany. Ang saya namin, buong school ay masaya rin pati ang school officials. Siyempre, number one lang naman 'yong basketball team nationwide.

After ng game, nagsama-sama 'yong team. Dumiretso kaming lahat sa bahay, este, mansyon nina Jeydon para mag-celebrate. Inaasahan na ba talaga nilang mananalo 'yong team at talagang may handa agad? Paano na lang pala kung talo? Wahaha, epic fail 'yon.

Pagdating namin sa loob, ang daming handa. Mabubusog na naman ako nito, e, hehe. Masaya na sana, e, kaso...

"Congratulations!"

Dumating pa siya.

Continue Reading

You'll Also Like

145K 4.7K 35
{EXO Fanfiction-COMPLETED} Sino ang pipiliin niya? Ang taong mahal niya o ang matagal nang pinapangarap niya? Started: August 25, 2013 Finished: Ap...
240K 8.8K 43
Shan Airelle Luis is a drop dead gorgeous woman who captures the heart of Nathan Clyde Stan, one of the possessive maniacs she'll be living with wha...
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
28.1M 1M 68
(Academy Series #1) The Gonzalez heir, Kairon, was sent to Garnet Academy to ensure his safety against the suspected hierarchy war. Appointed as the...