The Despicable Guy Book 2

By shirlengtearjerky

11M 110K 18.7K

Published under Pop Fiction (2014) More

Author's Note
Special Chapter // 1
Special Chapter // 2
Special Chapter // 3
Special Chapter // 4
Special Chapter // 5
Special Chapter // 5.5
TDG Special Chapter // 6
Special Chapter #7
TDG Side Story: Atom & Mara
The Despicable Guy Book 2
TDG Book 2 - Chapter 1
TDG Book 2 - Chapter 2
TDG Book 2 - Chapter 3
TDG Book 2 - Chapter 4
TDG Book 2 - Chapter 5
TDG Book 2 - Chapter 6
TDG Book 2 - Chapter 7
TDG Book 2 - Chapter 8
TDG Book 2 - Chapter 9
TDG Book 2 - Chapter 10
TDG Book 2 - Chapter 11
TDG Book 2 - Chapter 11
TDG Book 2 - Chapter 12
TDG Book 2 - Chapter 13
TDG Book 2 - Chapter 14
TDG Book 2 - Chapter 15
TDG Book 2 - Chapter 16
TDG Book 2 - Chapter 17
TDG Book 2 - Chapter 18
TDG Book 2 - Chapter 19
TDG Book 2 - Chapter 20
TDG Book 2 - Chapter 21
TDG Book 2 - Chapter 22
TDB Book 2 - Chapter 23
TDG Book 2 - Chapter 24
TDG Book 2 - Chapter 26
TDG Book 2 - Chapter 27
TDG Book 2 - Chapter 28
TDG Book 2 - Chapter 29
TDG Book 2 - Chapter 30
TDG Book 2 - Chapter 31
TDG Book 2 - Chapter 32
TDG Book 2 - Chapter 33
TDG Book 2 - Chapter 34
TDG Book 2 - Chapter 35
TDG Book 2 - Chapter 36
TDG Book 2 - Chapter 37
TDG BOOK 2 VALENTINES SPECIAL! ♥
TDG Book 2 - Chapter 38
TDG Book 2 - Chapter 39
TDG Book 2 - Chapter 40
TDG Book 2 - Chapter 41
TDG Book 2 - Chapter 42
TDG Book 2 - Chapter 43
TDG Book 2 - Chapter 44
TDG Book 2 - Chapter 45
TDG Book 2 - Chapter 46
TDG Book 2 - Chapter 47
TDG Book 2 - Chapter 48
TDG Book 2 - Chapter 49
TDG Book 2 - Chapter 50
TDG Book 2 - Chapter 51
TDG Book 2 - Chapter 52
TDG Book 2 - Chapter 53
TDG Book 2 - Chapter 54
TDG Book 2 - Chapter 55
[EXTRA CHAPTER] The Secret Society Interview!
TDG Book 2 - Chapter 56
TDG Book 2 - Chapter 57
TDG Book 2 - Chapter 58 [Wedding Part 1]
TDG Book 2 - Chapter 59 [Wedding Part 2]
TDG Book 2 - Chapter 60
Epilogue
Author's Note | Announcements
ALWAYS AND FOREVER
ANNOUNCEMENT! ;D
After Afterall

TDG Book 2 - Chapter 25 <3

132K 1.4K 252
By shirlengtearjerky

TDG Book 2 - Chapter 25

(A/N: Hi guys! Kamusta na? Ready na ba kayo for Chapter 25? :) Sana ready kayo! Medyo umiyak lang ako habang tinatype ko to. Well.. enjoy!)

NOTE: Ang chapter na ito ay umiikot lamang sa 48 hours.

(Jersey's POV)

Nasa studio ako with Jicker that afternoon. Nagpeprepare kami ng gamit for a photobooth para sa isang company Christmas Party. Actually, si Jicker lang ang nagpeprepare. Tumitingin lang ako sa Facebook :)

Jicker: *nag-aassemble* Really, Jersey? Really?

Me: What?

Jicker: Nagpapakahirap ako dito tapos ikaw!! Anong ginagawa mo dyan!?

Me: Uhh.. Researching?

Jicker: Kelan pa naging search engine ang Facebook ha? Sino na namang sinastalk mo dyan?

Me: My students. Baka may feedback sila about Follies.

Jicker: Self-centered! Gusto mo lang malaman kung anong masasabi nila sa performance mo! Kung nagmukha ka bang timang or what!

Me: Whatever.

Todo tingin lang ako ng profiles nila. Wait, dati kaya ginawa ng profs namin to? OMG lang. Nakakahiya!

Pinuntahan ko yung wall ni Shai, yung common student namin ni Kevin. Baka me-

What the fudge is this?

Si SIR KEVIN!!! wrote on Tanya Velasco's wallpost.

Ano to?! Matignan nga tong wallpost!!

Tanya Velasco: OKAY GUYS! Now we'll settle this! Dapat matapos na ngayong taon tong debate: sino mas sa lahat, si Sir Fernan o si Sir Kevin? Comment! :)

Comment 1: Sir Fernan! Hahahah biased XD Di ko pa naging prof si Sir Kevin. But I heard magaling siya magturo!

Comment 2: SIR KEVIN ALL THE WAY!! Parang barkada lang turing samin. Kinakantahan pa niya kami!

Comment 3: SIR KEVIN SIR KEVIN SIR KEVIN SIR KEVIIIIIIIN!

Comment 4: Sir Fernan! Ang gentleman nung tao, lalo na nung nasa Corregidor kami! :">

Comment 5: Mas pogi si Sir Kevin, pero mas kwela si Sir Fernan for me :)

Comment 6: SIR KEVIN!! Bagay sila nung prof sa DevCom. Yung palagi nyang kasama?

Comment 7: Si Ma'am Santiago? Ex nya yun e!

Comment 8: TALAGAAAAA?!?

Comment 9: Yeaaaaah! Batchmate nila yung ate ko. Sila daw yung nag-top sa UPLB Top 100 tapos Lakan and Lakambini! Campus couple daw sila, daming naghahabol sa kanila!

Comment 10: Yeah, kwento rin nung orgmate ko. NF daw sya nung 3rdYear sina Sir. Nakakatuwa raw yung ginawa ni Sir nung Feb Fair! Kumanta sa Ferris Wheel! :">

Comment 11: Eh kasama rin ni Sir Fernan si Ma'am Jersey? Last week nakita namin sila sa Dairymoor e.

Comment 12: Baka naman boyfriend ni Ma'am Jersey si Sir Fernan tapos friends lang sila ni Sir Kevin! Conclusions nyo talaga guys!

Comment 13: Exes as friends? Wow lang. Bilib nako sa kanila! Sila na!!

Comment 14: Wag kayo! Dati nakita namin silang tatlo na magkadinner! Kasama yung recit prof natin sa Econ, si Sir JM!

Tanya Velasco: Grabe, san na napaunta tong usapan natin!? Di ba kina Sir Fernan lang? Layo ah!

Medyo loading pa ako dahil sa nabasa ko. What the heck is that?! Oh my gosh lang ://

Jicker: Oy ano na namang nangyari sa'yo? Namumutla ka ata.

Me: I can't believe this. Students are talking about.. us.

Pinabasa ko kay Jicker yung wallpost. Hindi ko maexplain yung facial expression nya.

Jicker: *shakes head* Tay tayo dyan.

Me: Putek. I.. I d-

Jicker: See? Ayan ang reaction sa inyo ng tao. Naloka ako dun ah! I knew it!!

Me: Sana pinost na lang nila to sa groups or what. Masyado tong lantad!

Jicker: Reklamo ka pa!! Kung hindi ka nagbigay ng motibo e di sana di ka natsismis ng ganyan! Kalokah!

Tinignan ko ang oras, malelate na pala kami ni Jicker.

Me: Tara na, magseset-up pa tayo.

Jicker: Ano, may gagawin ka pa ba?

Me: Of course. I have to. Bahala na kung anong sabihin nila.

---

(NORMAL POV; Same time kina Jersey & Jicker)

Gulung-gulo na si Kevin. Since nung makita nya si Fernan at yung babaeng yun, medyo may naramdaman syang kung ano. Teka, ano nga ba yun? Shemay naman o! Ba't biglang gumulo?

Sasabihin ba nya kay Jersey? Teka, kung sasabihin ko naman.. ano ba Kevin! Ano na naman bang nangyayari sayo!? Sabi mo wala ka nang pakialam ah! Pinaubaya mo na kay Fernan!

Eh lech*, anong klase yon? Kitang-kita mo sa dalawang mata mo (plus contacts) na may kahalikan na iba si Fernan. Alam kaya to ni Jersey? Sasabihin ba nya?

*beep beep*

From: Jicker

Hey. Sama ka ba samin? Tara!

Reply:

Busy ako, Jick. Thesis. Bawi na lang ako next time :))

Kasama si Jersey dun e. Teka ano bang nangyayari sa kanya? Medyo natitimang na sya! Bakit ganito?

*beep beep*

From: Amae

Hey. Are you okay? Heard about the CR thing. Reply please. I'm worried.

Buti pa si Amae nag-aalala. Tinawagan nya ito.

Amae: *relieved* Thank God! Akala ko irereject mo kami buong linggo!

Kevin: Sorry for not calling. I'm a little busy.

Amae: Busy with what? Moping?

Kevin: If you can call my thesis moping.. pwede rin.

Amae: Kamusta ka na?

Kevin: Kaya pa naman. *sighs*

Amae: Sure? Anything bothering you besides.. this?

Hindi alam ni Kevin kung dapat ba nyang sabihin kay Amae yung nakita nya. Bakit pa nya idadamay ang kaibigan? 

Amae: Look Kevin.. Alam kong hindi ito madali para sa inyong dalawa.. lalo nyo lang kasing ginawang kumplikado e. Pero tandaan nyo, hindi lang kayo ang nasasaktan. Kami rin naman. Kaya.. share the pain. This may sound so weird pero.. mahirap kasing ikaw lang ang naghahandle e. Kung ma-

Kevin: I saw Fernan kissing a girl.

Napa-nganga si Amae for awhile. Hindi nya maprocess ang sinabi ni Kevin.

Amae: You.. what!?

Kinwento ni Kevin lahat kay Amae, simula nung confrontation nila sa ICs hanggang sa supermarket. Nawiwindang naman ang kausap nya sa kabilang linya.

Amae: Sinabi mo na ba to kay J..

Kevin: We're not talking. I said it's ov-

Amae: What the hell's wrong with you? It's over? MAY GINAWA KA BA? Look, no offense but this is b*llsh*t. Panong over e wala ka pa ngang ginagawa! Wala!! Bakit ba ang dali nyong sumuko? Kasi nasaktan kayo? Hello, tao tayo! Nasasaktan! Nadapa ka naman siguro nung bata ka diba? Masakit oo, pero pipilitin pa rin nating maglakad kesa sabihing "Shet may sugat ako sa tuhod! Hindi nako makakalakad ever!"

Kevin, alam kong masakit. Pero hindi mo ba kayang tiisin? Tiis lang! Tiis! Susuko ka kasi ano, sinabi nya sayong may off switch? Forget that damn off switch! Wala yan!! Kung tutuusin kayang-kaya mong buksan yan e!! Lahat tayo nasasaktan, hindi lang ikaw, hindi lang kayo. Alam mo sa sarili mo kung anong totoo Kevin. Kung natatakot kang masaktan, e ano ngayon? Sacrifice! Yan diba yung sinulat ni Jersey dati? Sacrifice! My goodness!! Hindi lang kayo ang natatakot masaktan! Pero alam mo.. minsan okay din masaktan kahit sabihin sayo ng tao na t@nga ka na. At least you risked something, kahit ano pa ang outcome nito. Lahat tayo risk takers sa pag-ibig, Kevin. Matitigang kayong dalawa kung ayaw nyong mag-risk. 

Hindi nakapagsalita si Kevin pagkatapos magmonologue ni Amae. Halos 5 minutes silang di nag-imikan.

Amae: Kevin, may 7 billion na tao sa mundo. Yung iba kasama na yung para sa kanila, marami pa ring nahihintay. Yung iba nawalan na ng pag-asang dadating, iba imbis maghintay sila na mismo ang humahunting. 7 billion people, Kevin. 7 billion. Yung sa'yo, nahanap mo na. Nandyan lang. You should be happy that you're lucky. Hindi ka kasama dun sa mga naghihintay. 7 billion people, and sometimes, all you need is one.

Kung si Jersey na ang one na yon para sa'yo, then risk it. If not.. e di maghintay ka. It's not a win-win situation. You should decide.

Buong magdamag na pinag-isipan ni Kevin ang sinabi ni Amae.

DAY 2

Normal POV

Magkasama na naman sina Jicker at Jersey nung umaga. Nasa Fully Booked The Fort ang dalawa, naghahanap ng librong mababasa. Habang tumitingin si Jicker ng photography books, napadpad naman si Jersey sa part ng CDs. Wala lang, namimiss lang nya yung feel ng CDs. 11:30am na nun, saktong nakaramdam sya ng gutom.

She decided to text Jicker.

To: Jicker

Went upstairs. Need dose of caffeine.

Tahimik lang na umupo si Jersey sa Starbucks sa itaas ng Fully Booked. Bad move. Madalas sila dito ni Kevin dati, kahit nung hindi pa sila. Great. Just plain.. great.

Need to distract myself! sabi nya sa sarili. Nilabas nya ang iPad nya at nag-net na lang. YouTube. Nood ng konting music videos hanggang may makita syang video.

Strangers, again.

Natandaan ni Jersey yung time na naging viral ang video na to sa net nung college sila. Syempre, ang ganda nga naman ng video. Totoong-totoo. Di nga nya naiwasang icompare yung sarili nila dun sa dalawang bida e!

Napanood nyo na ba yung video? Tama naman diba, dun nagsisimula ang lahat. Sa Meeting. Tapos tuluy-tuloy na.

May kung anong pumasok kay Jersey na idea. At napamura na lang sya.

*dials Jicker's #*

Jicker: Anong drama na naman to

Jersey: Taas ka!! Dali!!!

Pinapanood ulit ni Jersey kay Jicker yung video pagdating nito sa taas. Naweirduhan naman si Jicker. Anong konek? Sorry si Je, di nya dig ang Chinese guy na bida. Nang natapos ang video, isang nagtataas ng kilay na Jicker ang nagtalak.

Jicker: Ang ganda na ng binabasa ko dun e!! Tapos ayan lang? Anong meron!!

Jersey: It fits!!! It fits!!!

Jicker: Fits what?

Jersey: What's.. happening to us. It fits.

Jicker: Haaaa? Di ko knows yang sinasabi mo!!!

Jersey: *sighs* Balik tayo nang onti ah! First step, The Meeting. Sa timeline namin ni Kevin, nagmeet ulit kami nung June, wedding. Next step: The Chase. After the wedding up to.. before ako tumira sa condo nya, that's the chase. Well.. mukhang chase talaga diba? First, yung sa condo. Second, sa studio. Third, teaching job sa LB. Isabay pa lahat ng pinaggagagawa nyo, that's the chase. Then.. The Honeymoon. Yun na yung tumira ako sa condo nya. Everything's perfect blahblahblahblah... Then.. Comfortable.. Masyado kaming comfortable sa isa't-isa. Ayon nga sa inyo.. "parang kami". Then we're now on the tolerance stage. Nag-aaway kami.. Basta!!! Gets mo?

Jicker: So you mean the bottomline.. Nag-uundergo kayo sa stages na applicable lang sa magboyfriend/girlfriend?

Jersey: What!?? NO!

Jicker: Eh ano yung pinag-eexplain mo dyan? Upakan kaya kita! Hello!! Fine, sakto sa inyo ni Kevin yung stages na yun. Pero may isang maliit na maliit na problema: HINDI NAMAN KAYO!!! ILUSYONADA KA!!!

Jersey: Okay fine! Kung yan iniisip mo!!! Goodness!!

Jicker: Teh, tigang na yang Tolerance stage nyo. OA na.

Jersey: Ano ba. Hypothetical lang naman lahat ng pinagsasabi ko.

Jicker: Sige, hypothetical na kung hypochepar na. What if.. dumiretso na yan? Umabot kayo ng Downhill.. Breaking-u-

Jersey: Jicker, we're not a couple.

Jicker: Sabi nga sa inyo ni JM, na kwento sakin ni Kevin "You're not a couple but you'll always be the couple" something something. What if dumiretso na? Hanggang umabot kayo sa Strangers, again stage? Ha?

Jersey: This is absurd.

Jicker: It's an absurd idea to compare your lovestory to these stages, Jersey. Do you really want that to happen? You and Kevin, strangers again? Ha?

Hindi na makasagot si Jersey.

Jicker: Hoy. You have to choose. Fernan or Kevin. Take it or leave it.

Jersey: I need to go somewhere.

Naiwan si Jicker sa Starbucks na may ngiti sa mukha. Sana pinili ni Jersey yung tama.

--

Normal POV

3:30pm na nang magising si Kevin. Inabot sya ng 6am sa kaiisip. Alam nyang kahit anong gawin nya, may katapat na masakit na consequences. Tinitimbang na lang nya kung ano ang mas kaya nyang tiisin.

After that, he decided.

He will risk it.

Pinuntahan nya si Jersey sa condo nito, walang sumasagot. Sinubukan nyang tawagan ito sa phone, wala rin. Di rin daw nagparamdam kina Amae si Jersey nung araw na yon. He tried to call Jicker pero nakapatay ang phone nya. Anong meron?

Hinanap nya si Jersey sa kung saan, sa Starbucks, UP Diliman, sa Rodic's, McDo, Trinoma.. Kulang na lang libutin na nya ang buong QC sa kakahanap. Nasan ba sya?!?!

Tinawagan nya yung caretaker ng garden sa Tagaytay, wala raw si Jersey dun. Si JM naman walang nasabi, wala si Jersey sa LB. Pumunta sya ng Alabang para icheck sa bahay nila pero wala.

Nakakapagod. Inabot sya ng 11pm sa kakahanap.

Tama kaya si Amae? T@nga Kevin, tama sya. Nasa harap mo na, katabi mo lang! Sasabihin mo na nga lang kaso isa ka pang tanga.

NASAN NA SI JERSEY?!

--

(Jicker's POV)

Gabi na pero nasa studio pa rin ako. Inaayos ko pa kasi yung shots ng previous gig namin ni Jersey. Masyado kasing hapit yung client kaya eto, todo effort ako.

I can't wipe this stupid smile off my face. Ewan, ang weird weird ko lang ngayon. Ang saya ko lang after nung nangyari sa Starbucks kanina. Hello mga teh!?! THIS. IS. IT!!! Jersey's choosing naaaaaa! At last! After almost 6 months of working our asses off, eto na!! Pipiliin na nyaaaaa! I am so excited!!

:DD

Kaso nawala yung excitement ko nang bumukas yung pinto. Si Kevin, na halatang pagod na pagod. Di ko matago sa mukha ko yung lungkot, yung gulat.. How come? Eh nasan si Je-

Oh no. This can't be. Oh no.

Ako: *kunwari chill* Kevin!! Bat nandito ka?

Kev: *punta sa workstation ni Je* May hinahanap lang ako. What happened to your phone?

Ako: Charging. *lapit ako* Anong ginagawa mo?

Kev: Alam mo ba kung nasan si Jersey? *halughog ng drawer*

Ako: Nope. Haven't seen her.

Tuluy-tuloy lang sya sa paghahanap. Ano bang drama nito?! Nako, konti na lang mawawala na rin ako sa sarili!! Nasan si Jersey!

Kev: F*ck!! Where is she!!! *hampas sa table*

Ako: Baka naman...

Tumigin sakin si Kevin, at dun ko nakita sa mata nya na kanina pa nya hinahanap si Je. Na may gustong sabihin ito.

"WHERE IN THE WORLD IS SHE, JICKER!?!"

Di ko alam kung sasagutin ko si Kevin. He's mad.. really really mad. "I swear, di ko alam!"

"Please Jicker, tell me. I'm begging you!" Nagulat ako sa ginawa ni Kevin: lumuhod sya sa harap ko. "This isn't fair. This isn't fair."

I sighed. Wala nakong magagawa dito. "Kevin, I'm sorry."

"Sorry for what?"

"She.. she already did it. I'm sorry, but you're too late." 

Kev: Did.. what?

Ako: The right thing. Okay. I was with her earlier. We talked.. tapos umalis sya. Hindi nya sinabi kung san sya pupunta. Sorry, Kevin. I didn't know.

Napatulala sya saglit, mukhang iiyak na. Tapos bumalik sya sa paghahalughog. Nakita nya yung mini-planner ni Jersey na nakatago sa ilalim ng keyboard.

Ako: Ano yan?

Kev: Her schedule.. Sh*t. She's there. *takbo paalis*

Ako: Kev sagl-

Grabe naman makatakbo yun, ala Flash!! Dinampot ko yung planner at binasa.

Shocks. 

She's with Fernan.

--

NORMAL POV

Kinakabahan si Kevin sa kung anumang mangyayari sa kanya that moment. Ano kaya? Bakit.. nasa Mako's sila? Anong meron?

Conspiracy na naman ba to ng barkada? Naiinis na si Kevin. Masyado nang maraming kalokohang ginawa ang barkada kaya medyo hindi na sya naniniwala sa ibang pinagsasabi nila. Pati ba naman dito may kinalaman sila?

Nagtataka sya nung nakarating sya sa Mako's. Teka.. bakit ang tahimik ata ng lugar? Wala yung usual club music or anything? Hindi naman sarado yung lugar, may mga sasakyan pa nga sa paligid e. He got out of his car with a very confused expression on his face. What in the freaking world is going on!?!

Papasok na sana sya sa loob nang saktong lumabas si Jersey ng Mako's. Parehas silang nagkagulatan. Nagulat si Kevin kasi.. nakacocktail dress si Jersey. Si Jersey naman, nagtataka kung bakit nandun si Kevin.

Jersey: K-kevin?

Di na lang nagsalita si Kevin. Hinigit nya si Jersey papunta sa sasakyan. Wala na ring nagawa si Je kasi.. gulat na gulat sya. Pano nya nalaman na nandun sya?

Nagdrive papalayo si Kevin. Basta drive lang, di nya alam kung saan sya pupunta. 

Jersey: Kevin, I have to go b-

Kevin: Shut up. 

Ginawa naman ni Jersey yung sinabi sa kanya. Tumigil si Kevin sa.. may Manila Bay. He got out of the car first, then Jersey.

Jersey: *binato yung plastic bottle kay Kevin* WHAT THE HELL'S WRONG WITH YOU!!! BAKIT BIGLA-BIGLA MO NA LANG AKONG HIHIGITIN AH!?!?!

Kevin: .....

Jersey: HOY KINAKAUSAP KITA!!! ANO BA!!!

Kevin: Sabihin mo nga, anong meron sya na wala ako.

Jersey: WHAT KIND OF QUESTION IS THAT!?!?

Kevin: Just answer, dammit!

Jersey: I'm not. This is ridiculous.

Kevin: Ano yun. Tss. Jersey, kung anuman yang meron kayo ni Fernan please itigil mo na. Please.

Jersey: You don't have any idea what you're talking about!!

Kevin: I TALKED TO HIM. SABI NYA IKAW NAMAN ANG PIPILI KUNG SINO BA TALAGA SAMING DALAWA E. KUNG KANINO KA SASAYA. SABI KO SA KANYA OKAY LANG SAKIN NA SYA PILIIN MO. PERO NGAYON? WAG, JERSEY. I CHANGED MY MIND. DON'T MARRY HIM.

Jersey: ANO BANG PAKIALAM MO SA BUHAY KO AH?!? KEVIN, KAIBIGAN LANG KITA! HINDI KITA BOYFRIEND OR WHATSOEVER NA MAY KARAPATAN PARA MAG-INARTE!!! BUHAY KO TO! PIPILIIN KO KUNG SAN AKO MAGIGING MASAYA!!

Kevin: NILOLOKO KA LANG NYA!!! JERSEY, CONCERNED LANG NAMAN AKO SA-

Jersey: L*CHE!! MASAKTAN NA KUNG MASAKTAN!!! KAKAMBAL NAMAN YAN NG PAGMAMAHAL DIBA? SO WHAT KUNG MASAKTAN AKO? BUHAY KO TO!! WALA KANG PAKIALAM AT GAGAWIN KO LAHAT NG GUSTO KO!!! I DON'T NEED YOUR DAMN PERMISSION!!

Kevin: I SAW HIM KISSING ANOTHER GIRL THE OTHER DAY! HE'S CHEATING ON YOU!! YOU DON'T DE-

Jersey: WOW!!! CHEATING! KAPAL MO RING SABIHIN YANG CHEATING CHEATING NA YAN!!! KASI EXPERT KA DUN!!!

Kevin: BAKIT MO BA TO GINAGAWA HA?!? DI MO BA INISIP YUNG MGA TAONG MASASAKTAN MO? BARKADA? FAMILY MO? MAGPAPAKASAL KA NANG PATAGO!!! ANO KA BA!!! MAG-ISIP KA NGA!!!

Jersey: HOW WILL I MARRY FERNAN IF HE'S ALREADY MARRIED IN THE FIRST PLACE!?!

Natigilan si Kevin dun. Parang sinuntok sya sa baga.

Jersey: Fernan's.. already married, Kevin. I'm helping with the church wedding preparations. He wants to surprise Nancy, his wife with this church wedding kaya I'm being secretive. Sina Paolo and Kat lang ang may alam ng totoo, kaya ko nakuha yung Mako's. Fine, it's my fault! Akala nyong lahat may something samin ni Fernan. Sinadya ko yun para.. layuan mo ko. There, that's the truth. Can I go back now?!?

Ayaw iprocess ng utak ni Kevin ang lahat ng narinig nya. She's not.. getting married? Lahat ng evidences na nakuha nya, di totoo?

Kevin: This.. this.. Oh f*ck. What am I doing?

Jersey: Natigang ka na dyan!! Masaya ka na ha?!? Hindi ako ikakasal Kevin!! Pwede mo na naman akong paglaruan kagaya ng da-

Relieved na relieved si Kevin sa narinig nya. Sa sobrang.. tuwa..

Di nya napigilan na halikan si Jersey. Sa lips.

Jersey: K-kevin.. Let.. me.. go!!

Sinampal nya si Kevin sa mukha, natauhan naman dun si Kevin.

Jersey: THAT WAS SO UNCALLED FOR!!! BAKIT KA BA GANYAN!?!

Kevin: I.. I'm sorry. I didn't mean to..

Jersey: SORRY!?! SORRY LANG!!! EH G@GO KA PALA E!!! ANO BANG NANGYAYARI SAYO AH!?!? HA!!! ANG GULO MO!!! NAIINIS AKO SAYO!!

Kevin: *sinubukang lumapit kay Jersey* Jersey I'm so-

Jersey: *crying* Kevin.. bakit ka pa kasi bumalik dito? Okay na ko e, okay na. Hindi na kita iniisip. Ang saya-saya ko na nga e!!! Masaya na ko!! Kuntento nako sa buhay ko.. Tapos ayan ka, dumating ka.. Ginulo mo na naman. P*cha, may choice naman ako na iwasan ka e. I tried so hard to forget you!!!

But you know what? Everytime I try to move on, you're right there. You screwed things up! Akala mo walang epekto tong pagbalik mo ha?!? Guess what? MALAKING EPEKTO, KEVIN!! MALAKING-MALAKI!!! KASI SINIRA.. SINIRA MO YUNG BUHAY NA KAKAKAAYOS KO LANG! GANYAN KA BA KAMANHID? HA?!? Kevin, sinira mo na ako isang beses! Gagawin mo na naman?! Ano ka ba!!!

Ngayon lang nakita ni Kevin na galit na galit si Jersey. Ni hindi nya alam kung anong sasabihin o gagawin.

Jersey: *sighs* What do you want from me, Kevin? Tell me, kasi I'm not going through y-

Kevin: I just want you. I want to have everything with you. I want it all. I want us, Jersey.

Jersey: No! YOU HAD ME! Bakit ka ganyan, kung kelan magulo.. kung kelan.. Gusto mo lang ako kung kelan challenging! Kung kelan.. lumalayo nako sayo!! Why are you doing this? I can't u-

Kevin: Basically, I got jealous. Kay Marlo, Fernan, Mong.. even kay Jicker! Wanna know why?

Because I am still in love with you, and I always be. And that's gonna make me do stupid things sometimes because love is crazy.. and I've been crazy.

Jersey: Yeah, you're crazy! Kevin, you don't love me! Natakot ka lang kasi akala mo magpapakasal kami ni Fernan! Natatakot ka lang na.. na.. mawala yung comfort zone mo sakin. This.. oh goodness.. Why now..

Kevin: Jersey, gusto ko na sabihin nung una kitang nakita nung June kaso.. it's very complicated. I got scared.. I just got scared that if I went too fast, things won't work out. And I really really don't want that to happen.. Because I've waited.. I've waited a really really long time for this.

Nagtatalo ang utak at puso ni Jersey kung maniniwala ba sya sa sinasabi ni Kevin o hindi. Oo, ramdam naman nya na sincere si Kevin sa sinasabi nya pero.. the damage has been done. It's too late.

Pero sa kasunod na sinabi ni Kevin, mas.. mas.. hindi nya naintindihan ang feelings nya.

Kevin: It's always been you, Jersey. Always.

Nagkatitigan lang ang dalawa. Hinihintay na lang ang sagot ni Jersey.

Jersey: This isn't supposed to be that easy. Why can't you just leave it alone?

Tumalikod si Jersey at naglakad palayo. Si Kevin? Naiwang nakatayo sa harap ng sasakyan nya, tulala. He took.. the risk. Then this? Eto lang?

Ang nagregister na lang sa utak ni Kevin ay ito:

4 days before Christmas, he was rejected.

(A/N: HUHUHUHUHUHUHUHUHUHUHUHUHUHUHUHUHUHUHUHUHUHUHU /wrist lang. Kamusta kayo?

Waley ako masyado masabi sa update ko. Bigla akong napagod at nadepress. Masakit pa likod ko ngayon :(((

Maikli lang tong note ko, medyo bangag nako e. Kulang sa tulog! (@.@) Worth it naman ba ang paghihintay? I want to hear your thoughts about this chapter. Okay lang ba? 

No Chapter 26 preview muna. Chill muna tayo guys, iprocess muna nating tong 25. Medyo mabigat-bigat para sakin to. Pero mag-uupdate ako next week. Kaso medyo maikli nga lang. Sana okay sa inyo :))

Kayo na bahala kung deserving ba ulit ng 240+ votes ang Chapter 25. Himala na lang kung aabot to ng 300 votes.

Salamat guys! Sana subaybayan nyo pa rin ang TDG Book 2. Mas naexcite tuloy ako after nitong chapter 25! Comment and vote guys :)) )

Continue Reading

You'll Also Like

108K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...
126K 5.9K 39
A series of short stories about 'soulmates'
119K 3.6K 11
The 366 Days is too many parts so, I decided to write another book to continue it. I can't able to add part. I'm forced to do this separated one. Tha...
1M 28.7K 15
"How can I move on when I'm still in love with you?"