III

By ThatGirlIsWanted

476 32 3

"Three girls, three stories, three hearts, one goal and that is to find their way back to love." ThatGirlIsWa... More

1 ||
2 ||
3 ||
4 ||
5 ||
6 ||
7 ||
8 ||
9 ||
10 ||
11 ||
13 ||
14 II

12 ||

31 2 0
By ThatGirlIsWanted


Clarissa

"Clarissa, please pick up your phone or if you really don't want to, turn it off or just throw it." Huminga ako ng malalim saka kinuha ang phone ko at lumabas ng office.

"Hello? I'm at work, so can you please stop calling."

"You want me to stop calling you? You want me to do that? Eversince we got here in NYC I haven't heard a single word from you. Not until now!"

"Renz, I have nothing to say." I said giving up. Wala naman kasi talaga akong sasabihin. Simula nung isang lingo lagi niya na lang ako tinetext, tinatawagan, pinupuntahan sa bahay namin at minsan kahit dito pa sa office. Hindi ako makapagisip ng dapat kong gawin kapag nandiyan siya para kasi akong wala sa katinuan kapag nakikita ko siya.

"Ayan. Diyan ka naman magaling, 'diba? Ang iwan ako. Clarissa, ano pa ba ang dapat kong gawin para ipaglaban mo rin ako. Ano pa ba'ng kulang?" hindi ko siya sinagot dahil tinakpan ko na ang bibig ko para hindi niya marinig ang mga hikbi ko. Oo, umiiyak ako kasi nandito na siya, sinusuyo ako, mahal ako pero hindi parin pwede kasi ngayon mas madaming masasaktan. Kasi mali, laging mali ang timing namin.

"Renz, I'm sorry."

"Bullshit. Iyan nanaman 'yang sorry na 'yan. Everytime you say that word, it's like you're gonna disappear." Then his voice broke kaya lalo akong napaiyak. Lagi ko na lang sinasaktan ang taong mahal ako pero lagi lang siyang nandiyan. Oo, naligaw siya pero sa'kin parin siya bumalik kahit na alam niyang sasaktan ko ulit siya.

"Why do you keep on loving me? Wala naman akong ibang ginawa kundi iwan ka at saktan." Walang sumagot sa kabilang linya kaya tiningnan ko kung naka-end na baa ng call pero on-going parin naman. Napangiti ako ng mapait ng marealize ko na baka ayaw niya lang talaga sagutin 'yung tanong ko kasi hindi na niya ako mahal.

Iniisip ko pa lang na hindi na ako mahal ni Renz parang gusto ko ng magmakaawa sakanya at lumuhod para mahalin ako ulit. Parang napupunit 'yung puso ko sa sakit.

"Why do I keep on loving you?" napatingin ako sa likod ko kung saan nangagaling 'yung boses at nagulat ako ng makita ko roon si Renz na may dalang bouquet of white tulips at milk tea. "You may be the worst thing ever happen to me and I had to face my worst days because of you but I know it's worth it because you're the best of me, the best things in my life is when I'm with you—with my life. It's funny because my endearment for you suits my feelings for you very well. Because like what Marlon did just to find his son, I'll do just to be with you again. Even if I need to face the sharks, jellyfish, and any trials along the way I will just to see you. Crossing a sea is easy but living without you is hard."

Huminto siya ng limang hakbang na lang ang pagitan niya sa'kin. Nakangiti siya habang nakatingin sa'kin and I know I just have to do one thing.

Tumakbo ako papunta sakanya atsaka siya niyakap. Binitawan niya ang milk tea at flowers na dala niya para saluhin ako.

"Now, Nemo, it's my turn to ask you a question. Am I still not worth it?"

Humiwalay ako sakanya ng kaunti pero nakayakap parin ako sakanya. Nakangiting sumagot ako. "You are worth it, every shed of tear, every pain, every heartache, every single day of regrets, every fall, every passed out, every decision, every worry, every wait and everything. You are worth it, way, way worthy, Renz."

Napangiti siya sa sinabi ko. 'Yung ngiti na lalong nakakagwapo sakanya.

"I love you, Clarissa, my nemo."

Ngumiti ako. At alam ko na sa ilang taon na paghihintay niya, the wait is over because now I can finally answer him.

"I love you, too, Renz, my keeper."


Rose

"You might not remember a single thing but I remember everything on that fateful night." Hindi ako sumasagot. Nanatiling nakatingin lang ako sakanya. Paano niya nalaman 'yung nangyari 20 years ago? Kahit ako hindi ko matandaan kung ano ba talaga ang totoong nangyari noon. Sila mama and daddy naman ay hindi na iyon binabanggit kapag nasa harapan nila ako. Hindi na namin iyon pinag-uusapan. Bakit kailangan niya pang ipaalala?

Cold yet politly I answer, "And I don't. Wala narin akong balak alamin pa."

"Not just because you're hurt, you have the license to hurt others. It doesn't work that way, it never did." Lumakad ako papalapit sakanya dahil sa sinabi niya.

"Not just because you know something about me, gave you the permission to ruin everything. It doesn't work that way, it never did."

Tinalukaran ko na siya at aalis na sana ng balcony ng hinawakan niya ang braso ko. "October 30, 1996 around 9 pm at the intersection of Quezon Ave."

Napatingin ako sakanya. Ano'ng pinagsasabi niya?

"Nagtatakbuhan tayong dalawa noon kasi nasiraan ang sasakyan na gamit natin. Galing lang tayo sa halloween party na ginawa sa school, tayong dalawa pa nga ang best in costume. Ang saya natin noon hanggang sa mapagod ka kakatakbo kaya umupo ka sa gutter ng daan. Tinabihan kita at tinanong kung may masakit ba sa'yo sabi mo wala, napagod ka lang kamo..." hindi ko maintindihan pero para siyang nagb-blur pero nakita ko na patuloy parin siya sa pagsasalita. Hanggang sa ibang scene na ang makita ko. Gabi, sa intersection ng Quezon Ave., may dalawang batang naka-costume na nakaupo sa gutter hindi kalayuan sa nasiraan na sasakyan.


"Rose, are you okay? May masakit ba sa'yo?" I looked up to Stone's worried face. Nagsmile na lang ako kasi wala namang masakit sa'kin.

"Napagod lang ako, ayaw mo kasi pataya eh. Daya!" nagsmile rin siya saka umupo sa tabi ko.

"Edi wala ng thrill kung lagi na lang ako papataya sa'yo."

"Kahit na!" nagpout pa ako kasi medyo naiinis ako. Haba kasi ng tinakbo ko pero hindi ko parin siya naabutan. Daya!

"Sige. Ganito na lang. Ako na lang lagi taya pero ikaw ang bestfriend ko na dapat forever."

Nagsmile ulit ako, a big one. "Sige, sige!"

"Promise?"

Kinuha ko ang right hand niya saka inayos ang pinky niya. "Pinky promise!" saka ko initertwined ang pinky namin.


"Stop!" sigaw ko as I pushed him away. Nasalo niya naman ako ng muntik na akong mahulog.

"Rose?"

"Bitawan mo ako!" saka ako ulit lumayo sakanya dahil sumasakit ang ulo ko. Hindi ko alam kung panaginip lang ba 'yung nakita ko o scene sa movie. Panaginip? Baka flashback. Hindi, impossible. Ngayon ko lang nakita si Stone, ngayon ko lang siya nakilala. Hindi pwedeng matagal ko na siyang nakakasama.

Then it hit me hard. Bago ba ako maaksidente parte na siya ng buhay ko? Napahawak ako sa ulo ko ng sumakit ito ng sobra.


"Rose!"


Ellaine

Nginitian ko si Captain na kaharap ko ngayon. Pinuntahan niya kasi ako sa para sabay kaming mag-lunch. Ewan ko ba diyan. Gandang-ganda sa'kin at ayaw akong maalis sa paningin niya. Not to mention na sa Manila ang office niya at ako naman sa Ortigas. Oo, ganoon kasi ako kaganda.

"Akala ko ba hindi ka marunong magluto ng nilaga?" aliw na aliw na tanong niya. Nagbaon kasi ako ng nilaga para iulam namin ngayon.

"Hindi nga. Hindi naman ako nagluto niyan eh. 'Yung cook sa bahay." I said honestly. Hindi ko kaya hobby magsinungaling. Ako talaga ang inspiration ng writer nung teleserye na Honesto.

"Oo nga pala. Mayaman ka." Sinimangutan ko siya. "Hindi ako ang mayaman, 'yung magulang ko."

"Bakit? Magkano ba monthly salary mo?" namula naman ako sa tanong niya at binato siya nung tissue na nasa tabi ko.

"Bakit ko naman sasabihin sa'yo? Tsismoso nito." Tumawa lang siya saka nagpatuloy na kumain. Ayaw ko sabihin dahil baka akalain niya nagyayabang lang ako. Isang tao lang naman ang gusto kong yabangan at hindi iyon si Cameron.

"May balita ka ba kala Rose at Clarissa?" napatingin ako sakanya ng naitanong niya iyon.

"Wala. Wala na akong pakialam sa dalawang gaga na 'yon. Masyadong shonga sa pag-ibig."

"Ellaine," simula niya. "May pakialam ka, ayaw mo na lang makialam kasi masasaktan ka lang. Atsaka love had the same effect eversince that feeling invented."

"Ano?"

"It numb all your senses. It happens that when you fall in love your brain will automatically shut down."

"Your brain can't shut down. Edi namatay ka nun?"

"Exactly. 'Diba kapag nasktan ka dahil sa pag-ibig para ka naring namatay?" he smiled to himself, parang may naalala sa sinabi niya. "Sa sobrang sakit mas gusto mo na lang mamatay para makatakas dito."

"Makasabi ka ah. Bakit? Na-inlove ka na ba?"

"You mean before now?" namula ako sa sinabi niya kaya agad ko siyang nasuntok sa braso. Hinayupak na 'to! Binanatan pa ako ng line sa isang movie.

"Huwag kang ano diyan! Gagawin kitang nilaga."

Natawa muna siya bago sumagot. "Yes, but that was history."

"Kanino?" oh 'diba? Ang tsimosa ko, nahahawa na ako sakanila. Minding the business I shouldn't.

Tiningnan niya ako na para bang nag-aalangan kung sasabihin niya sa'kin o hindi. Kaya ngumiti ako at nagsalita, "Madami ba?"

Tumawa nanaman siya sa sinabi ko saka huminga ng malalim at umiwas ng tingin sa'kin. "Rose Amber."

Napanganga ako sa sinabi niya. Rose Amber? Impossibleng si Rose 'yung sinasabi niya. Baka may kilala pa siyang ibang Rose Amber o kaya naman totoong rosas ang minahal niya. Mas maganda kasi kung pumutol na siya sa rosas kaysa sa best friend ko. Tama na si Rose at Clarissa.

"Jinojoke time mo nanaman ako." Pero kahit na tumawa ako halatang peke at kinakabahan.

"I'm not." Seryoso niyang sabi kaya lalong gumulo ang isip ko. Napangiti ako ng malungkot. Grabe talaga ang pagmamahal sa'min ni Kupido. Ramdam na ramdam ko. Tagos sa puso eh. At doon ko nalaman na—akalin mo 'yun? Hindi pa pala ako tuluyang namanhid sa mga nangyari sa buhay ko.

Kami na lang ba ang tao sa mundo at kailangan lahat ng problema maranasan namin? Ganoon ba kami kasama? Masama na ba ang magmahal?

Kahit na nangangatog ang labi ko I manage to ask, "How?"

Tiningnan niya ako ng mabuti kung itutuloy niya pa ba o hindi saka siya bumtong-hininga at nagsalita. "It happened 15 years ago. 2nd year high school kami parehas, transferee siya, one of the classic jocks naman ako. Lahat ng lalake napansin siya unang araw niya pa lang kasi nga sa simple at ang ganda ng mukha kaya lang mukhang masungit. Kaya isang araw naisipan namin ng mga kabarkada ko na pagpustahan kung sino ang magiging boyfriend niya. Syempre hindi kami lahat pumayag kung walang kapalit kaya napagkasunduan namin na ibigay ang mga kotse namin sa manonolo, anim kaming nag-uusap noon. Bakit naman iyon naisipan? Wala lang, bored lang kami at nagpapayabangan, typical high school jerk.

"Kinabukasan halos lahat kami lumapit na sakanya pero hindi niya naman kami pinapansin, alam mo na may standard at pinag-aralan. Syempre ayaw ko matalo sa kahit na anong bagay—sinong nasa matinong pag-iisip ang gusto matalo sa mga kabarkada niyang ungas—kaya mas dinoble ko ang effort ko para mapansin niya. Hatid sundo—kahit na hindi siya sumasabay sa'kin, dadalhan ng pagkain, teddy bear, flowers sa room nila araw-araw. Hanggang isang araw nagulat ako ng nag-thank you na lang siya sa'kin habang nakangiti. Siya na ata ang may pinakamagdang ngiti na nakita ko noon. To cut the story short, ako ang sinagot niya at oo, ako ang nanalo, at oo, nalaman niya rin pagkatapos ng dalawang taon, at oo, hindi ko tinanggap 'yung mga kotse nila, at oo, huli ko na nalaman na mahal ko pala talaga siya, oo, huli na. Hindi na niya ako tinggap ulit kasi masaydo raw siyang nasktan na ang unang taong pinili niyang pagkatiwalaan ay isang pustahan lang ang tingin sakanya.

"And that was the biggest mistake in my life—until I met you." Napangiti naman siya pero imbis na kiligin ako parang bigla ko siyang gustong bugbugin.

"Biggest mistake of your life is when you met me?"

He shaked his haid while smiling. Well, how jerk he is na nakakangiti pa siya sa sinasabi niya. "Hindi. The biggest mistake of my life is actually thinking it was the biggest mistake of my life when it actually draw me to meet you."

"Huh?"

"Kung hindi ko iyon ginawa, kung hindi ako nasaktan, kung hindi ko nakilala si Rose sa tingin mo ba nandito ako ngayon? Sa tingin mo ba makikilala kita at mamahalin?"

Nakatingin lang siya ng seryoso sa'kin at ganoon din ako. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa sinabi niya. Nagawa niyang lahat iyon kay Rose dahil bored siya kaya ngayon naiisip ko. Bakit niya ito ginagawa sa'kin?

"Bakit mo ako niligawan?"

Napatigil siya sa tanong ko. "Kasi mahal kita."

"Cut the crap, Cameron. Impossibleng mahalin mo ako ng isang araw."

Huminga siya ng malalim knowing I won't believe any lies he says kaya wala siyang ibang choice kung hindi sabihin ang totoo. "Para mapalapit ulit kay Rose."

Napapikit ako. Parang kahit explanation ang sabihin niya walang magj-justify sa ginawa niya sa'min. Niligawan niya ako para mapalapit kay Rose hindi dahil sa'kin kung hindi sa ibang tao. Ginamit niya ako para makalapit kay Rose hindi para mapalapit siya sa'kin. Nage-effort siya para kay Rose hindi para sa'kin. Si Rose ang totoong dahilan kung bakit niya ako niligawan at hindi dahil mahal niya ako o kahit gusto man lang. Wala siyang nararamdaman sa'kin noon dahil si Rose ang totoong rason ng lahat ng ginawa niya.

"Pero mahal na kita, Ellaine." Him saying those words made it feel a lot worser. Na, kasi wala ng option kung hindi mahalin ako? Kasi kawawa naman ako kung walang magmamahal sa'kin bukod sa sarili ko? Kasi si Clarissa merong Renz at si Rose merong Cameron, habang ako wala kaya pinilit niya akong mahalin at makihati kay Rose sa pagmamahal niya?

Napailing ako habang hindi ko na mapigilan ang luha ko sa sakit. I hate crying kasi pakiramdam ko sobrang hina ko kapag umiiyak ako, pakiramdam ko kasi walang magpoprotekta sa'kin kung hindi ang sarili ko kung hindi ako magiging malakas. 'Yung tao kasi na inaasahan ko wala, at 'yung isang tao naman na nagsabing poprotektahan niya ako ay siyang dahilan kung bakit ako umiiyak. Bakit ganoon ang mundo? Sinasayang ang oras natin sa taong sasaktan lang tayo kung pwede namang maging masaya na lang lagi? Bakit kailangan natin pagkaaksayan ng oras ang taong hindi naman itinadhana sa'tin kung pwede namang bigyan na lang tayo ng address ng taong makakasama natin habang buhay. Walang hassle, walang traffic, walang emote, walang lasing, walang adik, walang iyak, walang Sandoval.

Napikit ako at ngumiti ng malungkot habang nakatingin sa mata ni Cameron. "You love Rose so much that you just made me like her."

Umiling siya. "Hindi kita maintindihan."

"Option."

And with that word nagets niya na. "Hindi, hindi kayo parehas ni Rose. Mahal kita at si Renz ginamit niya lang si Rose para kalimutan si Clarissa." Medyo napangiwi siya pagkatapos niyang magsalita. Dahil narin siguro mali ang naging outcome ng sinasabi niya o dahil ginamit niya rin naman si Rose tulad ni Renz. Kahit na gusto ko siyang barilin ngayon ng canyon parang nawalan ako ng lakas sa mga nalaman ko na hindi ko alam na malalaman ko galing sakanya. Oo, magulo. Kasing gulo ng isip ko ngayon at ng sitwasyon namin.



"No, it's the same. The only difference is Rose did love him from the start, and I don't, you just made me."



Malapit ng matapos. Konting kapit na lang mga kapatid. At sa mga nagtatanong kung buhay pa si Den? Oo, buhay pa siya. Makikita niyo narin siya, malapit na.

P.S. Ellaine crying above. Credits to the rightful owner.

Continue Reading

You'll Also Like

87.8K 123 15
Smut May mga wrong grammar lang po dyan pag pasensyahan nyo🙂
TOO LATE By eyynis

Short Story

118K 2.1K 16
"I DON'T LOVE YOU AND I WILL NEVER LOVE YOU!" Bakit naman nya mamahalin ang babaeng gumulo at naging dahilan ng paghihiwalay nila ng taong mahal nya...
2.7K 96 1
Short stories of Romance