RD SPECIAL. (My Chance)RICK

By ABCastueras

123K 2.2K 353

More

My facebook boyfriend...for real? RD SPECIAL. (My Chance)RICK:1
My facebook boyfriend...for real? RD SPECIAL. (My Chance)RICK:2
SA NGAYON...
My facebook boyfriend...for real? RD SPECIAL. (My Chance)RICK:4
My facebook boyfriend...for real? RD SPECIAL. (My Chance)RICK:5
My facebook boyfriend...for real? RD SPECIAL. (My Chance)RICK:6

My facebook boyfriend...for real? RD SPECIAL. (My Chance)RICK:2

18.8K 384 65
By ABCastueras

A Facebook Boyfriend..For Real? SPECIAL

THE RED DRAGONS SIDE STORIES

(RICK JASON LLEVA A.K.A. RICK )

 

 

CHAPTER 1: ANONG KALOKOHAN TOH?!

 

Sinong nagsabi na ang lahat ng kalokohan ay nakakatuwa,

Sino may sabing lahat ng kalokohan ay dapat sakyan?

Sinong may sabing ang lahat ng kalokohan ay di dapat bigyang pansin?

Mabili uminog ang mundo,

Habang tumatagal, lalong bumibilis ang mga araw.

Hindi mo nalang namamalayan, ay PASKO NA?

Kaya ang dapat nating gawin ay maging handa.

At bigyang pansin ang lahat ng nangyayari sa atin.

Dahil kung di mo ito bibigyang pansin,

Baka magulat ka nalang,

Nangyari na ang mga bagay na kinakatakutan mo.

RICK’S POV

“ANO?!!! ILABAS MO NA YAN!” Trick

“naghihimutok nanaman yang si Rick, eh katatapos lang ng graduation natin, nakabusugnot ka diyan” Jhick

Kung sila ang nasa kalagayan ko,

Baka di lang ganto ang itsura nila,

“ano ba nangyare ah?” Nick

“tinatanong pa ba yan?! Eh iisa lang naman lagi ang dahilan kapag naging ganyan yan” Jake,

Yung iba hindi sumama,

Kaming anim lang nandito,

Nandito kami  sa bahay nila Luke,

Wala daw rin naman kase sila Adrian at busy sa mga panggulong lovelife na yan,

Dito siya ngayon mags-stay at hindi sa condo niya,

Dahil imo-monitor daw ngayon ng dad niya ang  galaw niya,

Ganun din naman sa iba,

Sila Captain na magiging tagapagman ng mga kayamanan nila,

MARYOSEP!

Hoy Rick! Problema mo nga di mo maayos,

Tapos nagkukwento kapa ng buhay ng iba, UMAYOS KA NGA!

“Si Ella na ang tanging kasalanan lang ay hindi nakapunta ng graduation mo?” Jhick

“Babaw naman. Graduation lang naman pala, magalit ka kapag sa KASAL  niyo hindi pumunta . ahhahaha ” Trick

“Ano nanaman bang ginawa ni Ella ah?”  Jake

“Yun na nga eh, wala siyang ginagawa. At ang mahigpit nito, malalaman ko pa na kasama niya sa pag in-tern niya yung walangyang EX niyang Doctor na pala ngayon.” ako

“Edi ang saya niyan hahaha bibiro lang ako ah.” Trick

“Eh ano naman?” Nick

Tinignan ko si Nick.

“Anong, ano naman? Ikaw kaya tong di mo na halos nakikita ng araw-araw ang girlfriend mo, sinasabing busy lang at malaman mong kasama niya ang EX niya? Tanga lang di magagalit niyan! Tapos nung tumawag ako, sinabi ko na baka naman nagkikita sila ng EX niya bukod sa Ospital, SA’KIN PA NAGALET!?” pasigaw na sabi ko

“Eh sira-ulo ka pala eh sino bang hindi magagalit kung sasabihin mo na baka nagkikita sila ng EX niya. Eh kung di ka ba naman may sapak tol, pinalalabas mong nagtataksil girlfriend mo sa’yo”  paliwanag ni Luke

“Tsaka isa pa Rick, ikaw na nga nagsabi di’ba? EX na nga. Pinapairal mo nanaman yang pagiging Seloso mong dakila” Nick

Natural lang naman magselos ang lalaki,

At wala kong nakikitang masama sa ganon.

Kung hindi nauso ang pagseselos, edi ang daming manhid ngayon.

Ayos lang kahit makipag date o maging malapit ng sobra ang mga karelasyon nila sa iba.

(~~.)!!!

“Ano ka ba naman, ang tagal niyo na ni Ella ganyan ka pa din.” Jhick

“Anong problema nanaman ba sa’kin?” ako

“Yan! Yan ang problema sa’yo pare. Masyado kang possessive, in a way na baka nasasakal na sa’yo si Ella” Jhick

“Masama na bang pangalagaan ko ang girflfriend ko, ah?! 2 years na kami kaya alam ko na kung di ako naging ganito baka hindi kami nagtagal.” ako

“Pare, iba ang pagiging possessive sa pagiging Caring sa relasyon. Walang kwenta yang 2 years na sinasabi mo kung yung buong 2 years na yun, eh sinasakal mo na pala si Ella sa pagiging possessive mo, loko” Luke

“hindi ko siya sinasakal..” ako

“eh bakit ikaw ang sumasagot sa tanong na yan? Ikaw ba si Ella ah? Malay mo naman sa nararamdaman niya.” Nick

“Masyado ka kasing negativistic, Umayos ka nga. Isipin mo na lang yung mga magagandang side ng relationship niyo hindi yang pinag-iisip mo”Luke

Magagandang Side ng relationship,

Sana nga hanggang ngayon ganon,

Kaso, tsk!

 

---------FLASHBACK---------

 

Nandito ako sa Ospital.

Magpapacheck-up ako, hindi maganda ang pakiramdam ko.

Lagi na lang sumasakit tong ulo ko.

Nakakasira ng practice.

“Mr. Lleva? Pinapatawag na po kayo ni Mr. Reyes” Nurse

“ok , thanks” ako, at tumayo na ako papasok ng office ni Doc.

Pagpasok ko sa loob,

“Oh Jason, take a seat, ano problema?” Doc

“Lumala ata Doc yung pag sakit ng ulo ko, hindi na ako makapag concentrate sa ginagawa ko dahil dito.” Ako

“sige baka naman kasi may migraine ka. Pero –undergo kita sa test para malaman pa natin kung may iba pang dahilan yang pagsakit-sakit ng ulo mo.” Doc

At ginawa na nga yung test na sinasabi ni Doc.

“Bumalik ka dito tomorrow para malaman mo yung resulta. Then para mabawasan yang sakit ng ulo mo. Bibigyan muna kita ng pain reliever. Don’t worry; this medicine will bring you no harm. Light medicine lang toh para matanggal yung pagkirot ng Ulo mo. I can’t give you any medicine na iba dahil di pa naman natin alam ang result. ” Doc

“Ok Doc, thanks.” Ako

“wait lang, papasahaman kita para sa gamot na sinasabi ko sa’yo.” Doc

Inangat ni Doc yung Phone niya at may kinausap sa kabilang linya.

Nangiti na lang ako ng may pumasok,

Nice Doc.

 “Yes Doctor Reyes.” Yung babaeng nurse

“ah Ella eto yung gamot na ibinigay ko kay Jason pang samantala. Ikaw na ang magbigay ng gamot sa kanya. Here, take this. Ah Jason, sumama ka na lang kay Ella, don’t worry kahit student pa lang yan, take it from me di ka naman bibigyan ng maling gamot niyan” Biro ni doc

“Sigurado po yun Doc”  Sagot nung Ella.

Tumayo na ako at lumabas ng office.

Sinamahan ako nung babae para mabigay yung gamot na nireseta ni Doc.

“Mr. Lleva, eto po yung nireseta ni Doc. Iinumin niyo po ang isa niyan kapag naramdaman niyo po ulit yung pananakit ng ulo niyo.” Mahinahong sabi niya.

Inabot niya sa’kin yung lalagayn at nilagay ko naman sa dala kong Back pack.

“ok na po sir?” Tanong niya

“wala na ok na, salamat nurse Ella.” Sabi ko

Nagblush pa siya pagkasabi ko ng pangalan niya.

Hindi ganon kahalata yung make-up niya pero maganda na siya.

Maliit siya sa’kin, di ko alam kung mahaba ba o maikli ang buhok niya.

Nakatali kasi ang buhok niya. Singkit ang mga mata niya at  may maliit na labi.

“wala po yun” sagot niya

Nakaka-inis naman pino-po  niya pa ako,

“wag ka na magpo bata pa naman ako.” Ako

“ah sige, may kailangan pa ba, po kayo sir?” ulit niya

Kasasabi ko lang ah.

(~~,) pinalalayas na ako ng isang toh ah.

“sige wala na,”  ako

Palabas na sana ako nung room na yun,

“teka..” ako

Lumingon ako sa kanya na nakatayo lang sa likuran ko,

Halatang nagulat siya sa pagharap ko ulit  sa kanya.

“may nakalimutan ka ba?” tanong niya

“ah, bukas ba nandito ka rin?” ako

Sige Rick, DISKARTE!

“po?” siya

(~~.) kulet sabing wag mag po

“sabi ko kung nandito ka rin bukas,” ako

“nandito pa po, bakit ho?” inis na sagot niya.

Easy lang, nagtatanong lang ako.

“ah wala naman, tinitignan ko lang kung masisipag ang mga Employee dito” sabi ko

“Hindi po ako employee dito. Estudyante palang po ako at nagduduty lang po ako dito.” Sagot niya

“Oh? Ah nag-aaral ka pala. Kaya pala hindi kapa ganon kasanay sa mga gamot dito ang tagal mo bago nabigay sa’kin.  Sang University ka—wag na nga lanag mukhang---” ako

(^^.)…

“Excuse me sir, pero sa pagkakatanda ko po kasi. Wala pang isang minuto bago ko naibigay ang gamot na nireseta ni Doc sa inyo. At isa pa po sir, sa Medical Health Care University ako nag-aaral at proud akong naturuan kami ng maayos sa school ko. “ Mahinahong sagot niya, pero mahahalata mo yung pagka-asar niya.

BINGO!

Sa Medical Health Care University pala siya nag-aaral.

Salamat at sinabi mo.

Hahaha.

“ah sige, wag ka na magalit. Binibiro lang kita. Baka kung ipapagpatuloy mo yan. Magkaroon ako ng impression na masusungit ang mga estudyante ng MHCU. Sige salamata Ms. Johaira Ella”

Pagkasabi ko ay lumabas na ako.

Siguradong bad impression ang meron ako dun sa babae.

Sumunod na araw,

Napapadalas ang pagpunta ko sa Ospital na yun.

One time pa nga ng pumupunta ako don,

“oh Jason? Wag mong sabihing masakit nanaman ng ulo mo?” Doc

Habang pa-upo na ako.

“Doc, mabisa ba talaga ang gamot na binibigay mo? Hindi naman kasi ata effective. Lagi talaga akong babalik sa’yo niyan” ako

Si Ella nandun din sa office ni Doc. May inaayos siya.

“Tsk Tsk, mukhang di talaga tatalab sa’yo yan Jason” sabi noi Doc.

“bakit naman Doc?” tanong ko

“I wont tolerate your childish acts Jason inside this hospital.” Serious na pagsabi ni Doc.

Tsk! Galit na ata si Tito.

Oo, Tito ko nga siya. Kapatid siya ng mom ko.

“…. Ahhh.. should I leave now?” ako

“yeah, You should leave now at sa labas mo na hintayin ang gusto mong hintayin. Right Jason?”  sabay ngiti niya sa’kin at tingin kay Ella na parang walang paki-alam sa gilid na nag-aayos.

“Ah, ok Doc. I think that’s a good Idea. I’m sorry for taking too much of your time” ako

“ok…. After work will be better for you to meet her. Good luck. She’s tough Jason. ” malakas ang pagakasabi niya sa unang sinabi niya, at pabulong naman ang sumunod.

“Don’t you remember I’m tough too, tito?” ako

Tumayo na ako,

At lumabas ng office.

Ang totoo niyan, matagal na akong may gusto kay Ella.

Alam ni Tito yan kahit noon pa.

Yung unang araw na ng-usap kami ni Ella ng binIgyan niya ako ng gamot?

Sinadya niyang si Ella yung magbigay ng gamot sa’kin.

Alam nga kasi ni Tito ang dahilan.

Dumalas ang pakikipag kita ko kay Ella,

At kahit nagulat siya sa unang pagpunta ko sa School nila.

Sinabi ko na sa kanya ang dahilan.

Kungbaga, Crush na Crush ko siya noon pa.

 

----------END OF FLASHBACK----------

 

Tsk!

Kung anong saya nung una.

Malay ko bang magiging ganito.

 

----------END OF RICK’S POV----------

 

 

ELLA’S POV

“NAKAKA-INIS NA SIYA!” Ella

“lagi naman eh..” Lea

“Eh sa sumosobra na siya this time! Inaway niya ako dahil di ako nakapunta ng Graduation niya? Bakit? sasabitan ko ba siya ng medal sa graduation? Inis!” ako

Nandito kami sa dorm ko kasama ang dorm mate ko, si Lea.

“Eh baka naman kasi umoo ka na pupunta ka tapos di ka pumunta. Kaya siya nagalit” Lea

“oo! Nagsabi ako na pupunta ako.” Ako

“Eh kaya naman pala eh..” siya

“Pero kahit na! alam mo naman di’ba yung nangyare bakit di ako nakapunta?” ako

“oo na, dahil kinailangan kayo sa duty nung time na yun. At konti ang mga naka duty na Nurse  sa public hospital na yun, Tama?” Bagot na sabi niya.

“Oh di’ba? So bakit di niya maintindihan? Lagi na lang siyang ganon, tapos pag nag-usap kami, I-brought up niya yung tungkol sa’min ni  Gary.” Ako

“kasi naman, kayo ba naman ang makita ng boyfriend mo, na kasama ang EX mo, na Masaya kayo. Lagi pa kayo magkasama sa School, oh sinong di naman magseselos” siya

“Nako naman Lea, yang selos na yan para lang yan sa mga taong di sigurado sa mga mahal nila na mahal rin sila ng taong yun. Bakit? Sa tingin niya ba ganon na ako kababa para gumawa ng kakaiba with my EX?! For God's sake naman Lea. I’m not that kind of woman” ako

“oo na, napapa-english kana eh. Iwasan mo na lang si Gary” Lea

“Lea naman, EX ko nga siya pero we’ve decided na maging friends kami.  YUN LANG!” sigaw ko

WAAAAAAAAAAAAAAH!!!!!

Nakaka-inis talaga.

I’m getting tired of this scene.

Lagi na lang ganito.

1st year is oh so romantic.

Our second year become oh so irritating.

 

------------FLASHBACK-------------

 

“Thank you Gary, sige sasabihin ko sa head nurse.” Ako

“ok lang. Oh si Rick oh naghihintay na pala” Gary

Napalingon ako sa labas ng sasakyan,

Oo nga noh. Nandito na pala siya.

“Sige, bye salamat ingat ka.” Ako

Lumabas na ako ng sasakyan.

Nilapitan ko si Rick na nakatayo katabi ng Motor niya.

Nasa malayo pa lang,

Nakikita ko na yung expression ng mukha niya.

Paglapit ko,

“kanina ka pa?” ako

“mga isang oras na” siya

“oh? Ang aga mo naman ata dumating kasi.” ako,

“dahil akala ko nandito kana..” sabi niya

“oh? Eh bakit nakasimangot ka? May problema ba?” tanong ko sa kanya

“bakit magkasama nanaman kayo ni Gary” siya

Kaya naman pala,

“Rick naman, nasabi ko na yan di’ba?” ako

“oo nga, ” sagot niya

“eh bakit ganyan ka?” ako

“naiinis kasi ako, dapat nagtext ka na lang sa’kin ako ang maghahatid sa’yo pauwi, wag ka don sumabay Ella.” SIYA

“Hindi naman talaga ako dapat sasabay sa kanya, pero nagkataon na wala akong masakyan. Gusto ko na agad makapunta dito baka nga kasi naghihintay kana.” Ako

“kahit na, alam mong ayoko sa taong yun di’ba!?” siya

Tsk!! Ayan nanaman siya.

“oo nga pero sabi ko nga sa’yo. Gusto ko na kasing umuwi para Makita ka kaya sumabay ako sa kanya. Isa pa, alam mo bang nagsabi pa nga siya na baka magalit ka kapag sumabay ako sa kanya. Pero ang sabi ko, hindi ka magagalit dahil alam mo namang wala na kami. Tapos ngayon ganyan ka? Nagpapaka -childish ka nanaman” ako

Nakaka-inis na kasi kung ganyan nanaman kami ngayon,

Habang tumatagal parang nagiging possessive siya,

Mahal ko siya,

Pero kung ganito lang din siya. Nako

Matuto muna siya, kasi magkakasira lang kami.

------------END OF FLASHBACK-------------

“kung ipagpapatuloy niya yan, baka di na ako magtaka na maging dahilan yan para maghiwalay kami.” Ako

“gusto mo ba yun?” siya

“……..siyempre, hindi.” Ako

Pero nakakapagod kung parati kaming ganito,

*RIIIIIIIIIIIING*

 

(CALLING UNKNOWN NUMBER)

 

“Hello?” ako

(hello Ella sweety!)

“teka.. mama?”

Kunyari di ko nakilala.

(Hindi ka magaling umarte Ella, tayo lang ang magkasama sa buhay kaya kahit ubo ko kilala mong ako yun)

“ok ma, alam ko naman eh. Oh ma kamusta?”

(eto mabuti naman, mainit lang.)

(--.)?? mainit?

“ahh, sabi mo nung isang araw may sasabihin ka sa’kin pero ang sabi mo mas gusto mo sa susunod na raw na lang mas maganda. Sasabihin mo na’ba ma?” tanong ko

(hmm yes.)

“Ano ba yun? Ah teka nga pala ma, bakit iba number mo?”

(ah?pinalitan ko. Hindi na pwede yung dati sweety)

“bakit?”

( Hindi na kasi makakatawag gamit nun kung nandito na ako sa Pinas)

“ahh.. eh bakit yun ang ginamit mo----MA??!!!”

(Oh??? Bakit ka napasigaw naman bigla diy---)

Bigla akong napatayo sa kama ko,

“ano ba yan ang ingay mo Ella” reklamo ni Lea

“MAMA!!! MAMA!!! Nandito ka??? Wag mo ako binibiro kasi maniniwala ako!!” sigaw ko habang tumatalon sa kama.

(Oh really sweety? Hmm, salubingin mo na lang ako dito sa pintuan ng Dorm mo ng makapag-usap tayo ng maayos, at init na init na ako.)

WHAAAAT1!???

Napatalon ako ng pagbabasa sa kama ko.

At daling lumabas ng kwarto at bumaba papunta sa pinto.

Pagbaba ko, lumabas na agad ako.

At nakita kong papalapit na sa pintuan si Mama kasama ni ate Rosy.

Tumakbo ako at niyakapa si mama.

“MAMA!!!!! NAKAKA-INIS KA!!” ako

Habang yakap ko siya,

“ano? Bakit nanaman ako nakaka-inis?” siya

“Eh kasi, uuwi ka na pala. Di mo sinabi para nasundo kita sa Airport.” Ako

Inalis ko yung pagkakayakap ko.

“Oh sige iwan ko na kayo muna diyan.” Ate Rosy

“Salamat ate Rosy” sabi ni Mama

“Mama!” ako

“ANO!? Haha, Ella naman. Alam mo naman ako, masasayangan lang ako  kung dalawa pa tayong mamasahe sa TAXI.” Mama

“Grabe naman mama, hindi naman siguro tayo maghihirap nun.” Ako

“Mahirap ang pera anak ano ka ba naman. Teka papasukin mo naman ako sa loob ng Dorm mo at pagod na pagod na ako” Mama

At pumasok na nga kami,

“ma, hanggang kailan kayo mag-stay dito?” ako

Habang tinitignan-tignan ang lugar,

“Wala palang pinagbago ang lugar na ito..” sagot ni mama

“Ma naman, di mo naman sinagot yung tanong ko.” Ako

“ah I’m staying for good.” Sagot ni mama.

“For good?!??? Di nga?” ako

“Parang ayaw mo naman.” Mama

“Syempre gusto! Pero siyempre nagtataka lang ako. Bakit ata biglaan ma?” ako

Biglang lumapit si Mama sa’kin,

Hinawakan niya ang magkabilang kamay ko.

“Ma?” ako

“Ella, di’ba sabi ko may sasabihin ako sa iyo? Ngayon ko balak sabihin pero wag kang magagalit ah” sabi ni Mama.

Ano ba yan, nakaramdam ako ng kaba ah.

“Ma., kung alam mong magagalit ako. Wag mo na kayang sabihin?” ako

“Nak naman eh” siya

“ok ok sige. Para sa’yo ma, pipigilan ko magalit. Ok sige na” ako

“Anak, I’m married” mama

(,~~)(--.)?

“sabihin mo na Ma” ako

“Sinabi ko na anak..” ako

“ah? Hindi pa Ma, sabihin mo na.” ako

“ANAK… I AM MARRIED” mama

“………………..” ako

“Anak… Ui..Happy ??” Mama

“Ma? Wag mo nga akong biruin.” Ako

“Di kita binibiro. Kinasal ako sa Canada last week. Umuwi ako para sabihin ito sa iyo ngayon. Nak, sana wag ka magalit kay mama” Mama

“Mama? Mama naman!?? Matanda kana ah?” ako

“Anak naman grabe!! Hindi pa ako matanada para magpakasal!” Mama

“Pero Mama! Inunahan mo pa ako? Tsaka, sino naman ang pinakasalan mong Canadian!? Bakit di mo manlang sinabi sa’kin??” ako

“Anak kasi, bugso ng damdamin. Tsaka hindi Candian, Pinoy siya. Anak naman, ikakasal naman kami uli dito sa Pinas kaya walang problema. Makikita mo naman siya” sabi ni mama na nakangiti pa

“mama? Sigurado ka? Alam mo namang hindi ko na pinapakialaman ang desisyon mo kung tungkol sa ganyang bagay. Sabi mo Pinoy? Nagtatrabaho din sa pinagtatrabahuhan mo Ma?” ako

“No,” siya

“Oh sanadali! Wag mong sabihing  nakita mo siyang pakalat-kalat sa daan tapos naawa ka at pinakasalan mo?” ako

“OA nito, Hi Tita.” Si Lea

“Ui Lea gumaganda ka ah.. May Boyfriend ka?” Mama

“wala Tita, nakakatamad yan.” Lea

“Ma! Sagutin mo muna ako.” Ako

“Ok ok.. wag kang mag histerical diyan. Hindi ko siya katrabaho. Kung hindi, siya ang may-ari ng Kumapanyang pinagtatrabahuhan ko.” Mama

“Jackpot tita” Lea

“oo nga, pero mas jackpot siya sa’kin. I’m very hot mama!” Mama

“mayaman?” ako

“hmmm oo?” mama

“Mama , matanda na?—aray!” ako

“Ano ka ba Ella! Kanina ka pa. Anong gusto mo palabasin? Papatol sa matandang mayaman na madaling mamatay para makuha ang kanyang kayamanan? Anak pwede ba!” Mama

(>_<) malay ko ba

“Pero ma, kailan ko siya makikilala? Mamamaya niloloko ka lang niyan” ako

“No, wag ka mag-alala kilala ko siya. Matagal ko na siyang nakilala. Huwag ka mag-alala , at magkikita rin kayo. Sabay lang rin naman kami naka-uwi ng bansa. Mamaya, pupunta tayo sa bahay nila.” Mama

“Pupunta tayo? Sa bahay nila? Teka ma, alam niya ba na may anak ka? Tsaka na mahirap lang tayo?” ako

“Oo alam niya ang lahat ng yan. Mamaya pupunta na tayo. Tutuloy muna ako kina tita mo ngayon tapos dadaanan kita dito mamaya mga alas-singko?” mama

“Oh sige Ma, kahit anong suot lang naman di’ba?” ako

“oo naman Ella. Oi Lea, may dala ako sa’yo galing Canada. ” Mama

“sige po” Lea

Haaay,

Si mama talaga,

Kung ano maisipan.

Di ko na masyadong pinaka-iintindi ang mga ginagawa ni mama,

Ganun din naman siya sa’kin,

Nung naging mag boyfriend kami ni Rick,

Pumayag siya agad,

Sabi niya tiwala naman daw siya sa taste ko,

In 2 years ng relationship namin ni Rick,

Hindi nagkaroon ng pagkakataon na magkita sila ni mama.

One time lang kung umuwi every two years si mama sa sobrang hectic ng sched.

Ng umuwi pa si mama, si Rick naman nag out of town for some reasons.

Kaya di sila nag kita.

pictures lang..

Wala ding alam si Mama kung ano nangyayare sa’min ni Rick,

Haaaay…

Ang mama ko parang bata, kung anong maisipan niya ginagawa niya.

Pero alam ko naman na hindi siya gagawa ng mga desisyon na alam niyang mag-uugat ng problema.

Pasaway ang mama ko, pero matalino siya kaya di yan papaloko noh!

Kaya susuportahan ko siya,

Simula kasi ng iwan kami ng tatay ko nung bata pa ako,

Sinabi ko sa sarili ko na pasasayahin ko si Mama.

Kaya nga nag Nursing ako.

Kasi naman yun yung course na gusto sana niyang i-take noon.

Kaso di siya nabigyang pagkakataon kaya ako na lang ang magtutuloy ng pangarap niya.

Tutal nagustuhan ko na rin naman.

At ngayon na nakikita kong nakangiti si Mama.

Wala akong karapatan na kontrahin pa yun.

Ang dami niyang hirap sa’kin sa pagtatrabho niya sa ibang bansa.

Kahit hindi siya nakatapos ng college,

Nagsumikap siya na makahanap ng trabaho abroad dahil alam naman nating mas malaki ang bayad sa ibang bansa kumapara dito.

Kaya kapag nakatapos ako

Maghahanap ako agad ng trabaho para masuklian ko yung paghihirap ni mama.

Sana pasayahin siya ng bago niyang asawa.

Tsk!

Di ko natanong kung Single yung napangasawa niya.

“Mama..Single ba yung napangasawa mo?” ako

 

----------END OF ELLA’S POV----------

 

 

RICK’S POV

 

Nandito ako sa tapat ng dorm ni Ella,

Ayoko nga sanang pumunta ,

Kaso sabi ng mga yun puntahan ko na daw.

Ayan, papalabas na siya ng gate.

“May lakad ka?” tanong ko

Mukhang may pupuntahan siya dahil nakabihis siya ng pang-alis.

“may pupuntahan kami ni Mama” ako

“Si tita? Naka-uwi na ulit si tita?” ako

“oo, kanina. Bakit ka pala nagpunta dito?”

“parang di ako welcome dito ah” sagot ko

“ikaw tong nakabusangot ang mukha, kung aawayin mo nanaman ako  ng dahil sa di ko pagpunta, ayoko na Rick, naiinis na ako.” Sabi niya

“Naiinis ka na? Di ba dapat ako ang mainis dahil sa nangyare?” ako

“ano nanaman? Yan nanaman ang pag-uusapan natin. Pwede ba Rick ah. Dumating na ang mama ko ngayon dapat Masaya ako” Ella

“hindi ko naman sinabing maging malungkot ka ah.” Ako

“Rick ayoko na ng ganitong usapan, umalis ka na lang kung ganito ka. Ikaw lang ang taong nakilala ko na lagi na lang akong inaway.” Inis na sabi ni Ella

“oo ako nanaman. Tapos yung iba hindi. Tapos si Gary hindi.” Ako

“OO NA! SI GARY HINDI GANON! HINDI SIYA KATULAD MO!”

“edi yun na nga. Edi tama ako” ako

“Ewan ko sa’yo! 2 years na tayo mag girlfriend at boyfriend pero ngayon ko lang masasabi na nakakapagod na tong ganitong usapan Rick. Hindi ka naman ganyan dati ah? Pero siguro nga tama sila. Kapag naging kayo saka mo lang masasabi yung imperfections ng isa’t-isa. Hindi ko naman sinasabi na Perfect ako, pero at least sana naman GROW UP!!!” Sigaw niya

“So anong gusto mong sabihin sa’kin Ella? Na maghiwalay----” ako

“OO! Nakaka-inis na kasi! Baka kasi eto yung tama Rick, alam mo yun? Kailangan nating makita kung ano ba talagang meron tayo para sa isa’t-isa. Nakakasakal na kasi minsan yang pagiging possessive mo sa’kin. Kung ikaw nga ang daming babaeng lumalapit sa’yo but I didn’t complain dahil alam kong lapitin ka lang pero hindi ka lumalapit. Ganon kalaki ang tiwala ko sa’yo, pero ikaw? Hindi ka nagtitiwala sa’kin, alam mo bang ang sakit non para sa’kin? Tama na, ayoko na. Baka kasi magkasama nga tayo pero ang totoo malayo na talaga tayo sa isa’t-isa. Mas mabuti na siguro ito.” Sabi niya

Ano??

OO??

TANG-INA PUMAYAG SIYANG MAGHIWALAY KAMI?

Para akong pinagbabato ng bola ngayon.

Parang gusto kong magawala ng dahil sa narinig ko.

Tama ba yang sinabi niya?

“Sige na,Rick. We need time for each other to think. Eto ang mas tama. Kapag tinuloy natin ito baka magsama na lang kasi tayo para lang masabi na tumatagal ang relationship natin.” Ella

At tsaka siya pumasok sa loob.

Hindi ako nakapag salita,

Teka? Totoo ba to? Baka naman nagbibiro lang siya?

Parang hindi ko pa naisip ang mga nangyayare,

Umalis ako sa lugar na yon na hindi ko alam ang nararamdaman ko.

Eto nga ba ang tama?

Tang-ina kung ito ang tama , Pwede bang sa mali na lang ako!?

Kung gusto niya nito, Edi sige!

Pagbibigyan ko siya

Siya na ang nagdesisyon niyan.

Hindi ako.

Sa tingin niya ba ako lang ang may kasalanan?

Siya? Hindi niya ba naisip na hindi rin tama yung ginagawa niya?

Bwiset!

Nabubwisit lang ako!

Nabubwisit ako sa nangyare pati tong nangyare sa’kin.

Bakit nga ba? Bakit ba ako ganito.

….

Umuwi na ako sa bahay.

Pagpasok ko sa loob ng bahay,

 

“Ate di na ako kakain, medyo pagod ako gusto ko lang magpahinga.” Ako

Habang nagtatanggal ng sapatos sa loob ng salla,

“Galing practice?”

Inangat ko ang ulunana ko,

Teka?

“I’m back”

Napatayo ako,

Ano to? Bakit siya nandito!??

“Wala manlang welcome home? But I'm expecting you, not to do that Rick.” Daniel

“anong ginagawa mo dito?” ako

“Bahay ko rin ito kaya nandito ako, Bawal na ba ako sa sarili kong bahay?” Tanong niya

“Bakit bumalik ka’pa” Rick

“I miss Philippines and I want to see you son” sabi niya

Son!?

Hindi ba siya kinikilabutan sa sinasabi niya?

May gana pa siyang tawagin akong anak?

“Dapat ba akong matuwa dahil gusto mo kong makita Daniel? Aakyat na ako” ako

Papa-akyat na sana ako ng hagdan,

“Wait Rick, Daniel pa din ang tawag mo sa’kin. Hindi mo na ba ako pwedeng tawaging dad?” sabi niya

Humarap ako sa kanya,

“Dad? Wag mo nga akong patawanin diyan. Ang salitang yan ay para lang sa mga taong deserving para tawagin ng ganyan, and you don’t deserve that” ako

“I know, pero hindi mo pa rin pala ako napapatawad. I thought all these years na wala ako dito napatawad mo na ako-------”

“Hindi na kita mapapatawad wag mo ng asahan” ako

“Pupunta siya dito” sabi niya

“siya?” ako

“My wife..” sagot niya

Ano bang gusto niyang mangyare sa buhay ko!??

Nakipag hiwalay si Ella,

Ngayon , ANO DAW!???

WIFE!?

“Mas pinatunayan mo lang na you don’t deserve my forgiveness. Bahala ka wala akong paki-alam” ako

At saka na ako tumuloy sa kwarto ko,

Gusto kong magwala!

Kinuha ko ang picture ng mom ko,

At saka umupo sa kama ko.

“Ma, bakit ba kasi siya ang minahal mo? Bakit siya ang tatay ko? Wala siyang kwenta para sa’yo. Ma, anong gagawin ko? Nagagalit ako sa mga nanagyayare.”

 

----------END OF RICK’S POV-----------

 

 

ELLA’S POV

 

“Ui Ella nandyan na mama mo, Sosyal” Lea

“sige” ako

Tumayo na ako at lumabas .

Pagdating ko sa gate..

(--.)(.--)

Wala naman si mama dito ah?

Loka talaga yung Lea na yun,

(~~.)?? kanino naman yang sasakyang yan?

Dito pa pumarada nakaharang sa gate namin,

Makapasok na nga…

“Ella!”

Lumingon ako.

“Mama??” ako

Teka? Bakit ..

“Tara na dali..” Si mama

Nakasakay siya sa isang napakagandang sasakyan na hindi ko naman pinansin kanina dahil paki ko naman diyan?

Lumapit ako,

“Ma!? Anong ginagawa mo diyan?” ako

“ano pa edi naksakay, halika na.” Mama

“Teka kanino yan?” ako

“Kay Daniel. Bilis late na tayo anak” Mama

Para akong zombie na pumasok sa sasakyang magara na ito,

Pagpasok ko naman sa loob.

Sa bawat tanong ko,

Ang isasagot sa’kin ni mama ay..

“Ella, mamaya na tayo mag-usap pag dating dun”

Kaya ng makatatlong tanong na ako,

Di na ako nagsalita.

Haaay,

Ang ganda ng sasakyan na toh,

Ganito din yung klase ng saskayan ni Rick----

Ayoko na maalala,

Sumasama ang loob ko,

Dahil hindi manlang siya nagsalita ng sabihin kong maghiwalay kami,

Hinayaan niya lang ako,

So yun ang gusto niya ?

Ang maghiwalay kami?

AKO RIN! YUN ANG GUSTO KO, DAMUHO SIYA!

Inis!

Dahil ang tagal ng byahe,

Magpapahinga muna ako,

….

AFTER 2 HOURS

(~_~)

(~~.)(.~~)

“ma? Asan na tayo?” ako

May pinasukang gate yung sasakyan na may lulan sa’min,

“Nandito na nga tayo siguro sa bahay nila Daniel,” Mama

Medyo madilim na ang paningin ko,

Kagigising ko lang,

Di ko masyado maaninag yung lugar,

Nararamdaman ko lang mukhan g malaki yung bahay,

Ang ganda ng garden parang sa bahay nila Rick,

>,< psh!

Sabing wag na intindihin yung damuhong yun,

“Ma’am Jenna, nandito na po tayo” sabi nung nagdadrive,

Bumaba na si mama,

“ui baba na..” Mama

“teka lang ma,” ako

Nagsukalay ako ng buhok kasi naman,

Nagulo na sa pagkakatulog ko kanina,

Nakakahiya naman sa bago kong tatay?

Sana mabait,

Sana..

Bumaba ako ng sasakyan----

(*_______*) teka?

(**,)(,**)

“nak tara na,” si Mama

Sabay hila sa’kin papasok sa pinaka pinto ng bahay,

At hindi pa man kami nakakalapit ay may sumalubong na kay mama,

Na agad naman nitong niyakap ni mama,

“Jenna!”

“Daniel”

(-___-) ano ba yan? Sabi ni Mama sabay sila umuwi dito,

Eh bakit kung magyakapan sila kala mo naman ang tagal di nagkita,

Buti pa sila,

PERO NGA PALA!!!

(~~.)(,~~)

Bakit ako nandito!!!

BAKIT NANDITO KAMI!!!????

EH BAHAY NILA RICK TOH EHH!!!

Bigla akong nakaramdam ng panlalambot ng tuhod,

Pakiramdam ko may maling nangyayare dito ngayon,

“Anak siya si Daniel… Daniel she’s my daughter Ella” Mama

“Hello Ella, sana kahit medyo nagulat ka sa desisyon namin ng mama mo, we’ll have a good time spending our time together in this house.” Sabi nung pinakilala ni mama

ANO DAW!???

SPENDING TIME TOGETHER SA BAHAY NA ITO?

Dala ng pakagulo ko sa mga nangyayari, nagsmile na lang ako.

Dahil bothered pa din ako sa mga nangyayare ngayon,

Ano bang ibig-sabihin nito?

Kamag-anak siya ni Rick??

O C’MON!

Baka siya yung nakukwento ni Rick na nagpupunta-punta sa bahay nila,

Para maging care-taker ng bahay nila kapag wala siya?

Pumasok na kami sa bahay,

Umupo muna ako sa kanilang sofa.

Napasilip-silip ako,

Baka nandito yung damuhong yun.

Baka naman siya yung nakwento niya dati na kaibigan ng mom niya na bumibisita dito sa kanila,

Baka nga?

“Iha, I know gutom na kayo ng mom mo. Kaya mamaya na tayo magkakilanlan kumain na muna tayo,” sabi niya

“sige po” ako

Sinamahan naman niya kami papunta sa dining area

At umupo kami magkatabi ni mommy,

Nasa gitnang dulo naman ang asawa ni mama, na si Daniel na papa ko na?

Haaay!

Mukhang wala naman dito yung isang yun,

Baka sa condo niya yun nagpunta,

Ayoko siya makita baka mawalan ako ng gana,

“Manang hindi na ba baba yung isa sa taas?” tanong ni PAPA? Dun sa nagseserve ng pagkain.

“ah hindi ko po alam sir tanungin ko po ba?”

Nandito siya??? Si Rick?

OO WAG NA SIYA BUMABA KUNG AYAW NILANG MAG WALK OUT AKO!

>,<

“ah wag na manang hayaan niyo siya maguto---”

“Manang pakihanda yung plato ko...”

Napatingin ako sa lalaking DAMUHONG LUMABAS!

SI RICK!!!

Ano ba yan , sana di na lang bumaba!

Hindi niya ata ako napansin,

“Teka? Anong ginagawa mo dito?” Siya

At ayan napansin niya na nga ako,

Ano naman yang reaksyon yan!?

Dapat ata ako pa ang may ganyang reaksyon diba!??

SA TINGIN NIYA BA GUSTO KO SIYA MAKITA KUNG DI LANG NAGING ASAWA NI MAMA ANG KAIBIGAN NG MAMA NIYA!?

Damuho ka talaga seloso!! Mainit ang ulo! Emotero!!!

 

------------END OF ELLA’S POV------------

 

 

RICK’S POV

 

Sino naman kaya yung dadalhin niya ditong babae,

Malamang,

Baka kung san niya lang nakita yan at di niya alam huhuthutan lang siya.

Pero hindi rin nama nagpapaloko yang Daniel na yan,

Tsk!

WAG NA WAG NIYANG GAGAWIN ANG PINAKA-AYAW KONG MANGYARE SA LAHAT,

DAHIL KAPAG GINAWA NIYA YUN,

MAWAWALAN NA TALAGA SIYA NG ANAK!

Gusto kong Makita kung sino ang babaeng dinala niya dito,

Bumaba ako,

Mukhang wala na sila dito sa salla,

Dumiretso ako ng dining area,

At malayo palang naririnig ko ng may mga tao doon,

“ah wag na manang hayaan niyo siya maguto---”

“Manang pakihanda yung plato ko...” sabi ko

Habang naglalakad papunta sa upuan ko,

Umupo ako at---

“Teka? Anong ginagawa mo dito?” ako

SI ELLA!???

Bakit siya nandito naka upo sa harapan ko!??

Teka!??

Napatingin ako sa katabi niya,

Si Tita??

Kahit sa picture ko lang nakita si tita at sa phone ko lang siya naka-usap.

Alam kong si tita yan dahil kamukha niya si Ellang, at yan si tita.

Tinignan ko si Ella,

Nakatingin siya ng masama sa’kin?

Ano nanaman bang ginawa ko!?

Dapat ako ang magalit sa kanya,

Dahil nakipag hiawalay siya, dahil sa ako ang may kasalanan!??

At babalikan niya yung Gary na yun?

EDI DUN SIYA SA DOCTOR NA YON!

Pero teka Rick!

Hindi yang ang usapan,

BAKIT SILA NANDITO!???

WAG MONG SABIHING---

“Be good to your younger sister. They’ll stay here for good.” Daniel

“ANO!!!!????” sigaw naming parehas ni ELLA

ANONG KALOKOHAN TOH!!!???

 ---------------------------------------------------------------------------------------------------------------

 (YUNG SONG-------------------> LOLS AYLABET)


Lols!!1 ang laking ngiti ko eh,

Gusto ko itong story na itech,

New kind of story to read guys.

Nafefeel niyo ba ang story?

Di ko alam kung feel ng iba or not ang magiging plot.

But para sa’kin gusto ko siya!!!

 

NAKAKA-ASAR KA RICK JASON!

Yung mga ganyang lalaki kasi sarap sapatusin eh!

PERO? Siya lang ba dapat ang sisihin sa situation na ito?

 

Well let see. This story will have a different plot again sa iba.

The twist and turns will happen here in this story.

 

WHO’S GONNA ASK FOR CHANCE?

WHO’S GONNA GIVE THE CHANCE?

ARE YOU SURE ? LOLS

 

LAHAT NG COMMENT AY MALUGOD KONG TINATANGGAP! SOBRA

WHAT CAN YOU SAY SA CHAPTER 1 PASABOG HIWALAY AGAD EH!? HOHO

MORE SECRETS TO REVEAL, PANONG NANGYARE SA MGA YAN AT DI MAGKAKAKILALA ANG MGA MAG AMA AT GF BF SA NANAY AY EWAN! HAHAHA

 

VOTE TWEET LIKE!

 

Berna3gurl

IS LOVE SWEETER OR BITTER?

THE SECOND TIME AROUND?

Continue Reading

You'll Also Like

448 65 24
[COMPLETE] Jerlene is one of the anti-social media users. She have an account, but she wasn't going to always use it until her friend convinced her t...
5.9K 454 19
Can love really be found? Or it just comes right at you unknowingly?
1.2K 90 43
May pag-asa ba ako magmahal sa maling tao, maling panahon at maling pagkakataon? ................................................................ Sab...
221K 14.3K 72
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...