The Fake Girlfriend Of The Ca...

By JyPrkPJs

912K 3.5K 486

CHAPTER NINETEEN More

AUTHOR'S NOTE
CHAPTER ONE
CHAPTER TWO
CHAPTER FOUR
CHAPTER FIVE
CHAPTER SIX
CHAPTER SEVEN
CHAPTER EIGHT
CHAPTER NINE
CHAPTER TEN
CHAPTER ELEVEN
CHAPTER TWELVE
CHAPTER THIRTEEN
CHAPTER FOURTEEN
CHAPTER FIFTEEN
CHAPTER SIXTEEN
CHAPTER SEVENTEEN
CHAPTER EIGHTEEN
CHAPTER NINETEEN

CHAPTER THREE

50.9K 183 28
By JyPrkPJs

Busy ako kakalaro ng piano tiles ng mag vibrate ang phone ko kaya tuloy nag lag ang phone ko dahilan para iba ang mapindot ko, "Gadhhhh maaabutan ko na yung rank one.. Konting konti na lang!! Istorbo!" Habang pinupukpok ang screen ng phone ko sa inis. Sino ba kasing mag tetext ng eleven thirty na ng gabi.

Tinignan ko ang screen ng phone ko. Naku! Ano na naman bang kailangan nito!

Handsome king
* Hoy!

Gabing gabi na istorbo!

* O? (Reply ko dito)

Nagvibrate naman kaagad ang phone ko.
Bilis magreply ah.

* Accept mo ako sa FB.

* Why? Pati FB ko gusto mo na ding I invade?

*shut up! Bilisan mo kung ayaw mo I popost ko yung picture mo!

"Ayyy black mailer kang kumag ka!" Sumigaw ako sa kwarto, bale sound proof naman ito hindi ako maririnig ni kuya.

* Oo na! Wait! (Sent)

Binuksan ko ang FB ko at nakita ko ngang may friend request ang kumag. Tinignan ko ang profile nito. Laahhhh ganito ba to kasikat? 500+k likes? Followed by 650,567 people. Wo? Amazing! Hindi pa artista to sa lagay na to.

Ini scroll ko pa ang wall nito. Andaming nagpopost sa wall nito puro babae, mga ka ek ekan sa buhay.... quotes, drawing ng puso, laahhhh may edited pang photo na parang nakahalik ito sa isang babae.. Hahaha epic napaka OA... Madami pang iba scroll lang ng scroll galing umanggulo ng gagong Sandejas na ito. Psshhhh oo na sya na gwapo, alangan namang sabihan ko sya ng harapan lalong lalaki ang ulo nun.

Nagvibrate na naman ang phone ko pero hindi na text iyon, tumatawag ang kumag. Sinagot ko iyon.

"Wéi?" Ako

"Wag mo kong ma way way way dyan!" bakit ba ang hilig sumigaw nito. Oo nga pala! Nasanay kasi akong sumagot ng "Wéi" pag may tumatawag sa akin.

"Tek na Sandejas hanggang sa pagtawag ba naman sumisigaw ka!" Gumulong ako sa kama ko at dumapa.

"Ang tagal mong I accept, nawiwili ka sa mukha ko ano?" Kahit hindi ko nakikita ito na imagine ko ang pilyong ngiti nito.

"Shut up! I a-accept ko na... Tumawag ka lang..." Kasabay non ang pag confirm ko sa friend request nito.

Matagal na katahimikan akala ko binaba na nito ang tawag dahil wala ng nagsasalita sa kabilang linya, "Ano na Sandejas? Napipi ka na ba?"

"You're noisy! Wait I'm doing something."

Bumubulong bulong ako habang ginagaya ito, "You're noisy! Wait I'm doing something." "Arte!" Nilayo ko ng bahagya ang phone ko at sinusuntok suntok ang profile picture ng kumag na Sandejas na ito.

"I heard you. You blabber mouth!"

"Wo? Sapak you want!"

Nag vibrate ulit ang phone ko at may notification galing sa FB ko.

Kairo Jaxtyn Sandejas
Sent a in a relationship request

Confirm Ignore

Kinusot kusot ko pa ang mata ko at halos ilapit na ang mukha ko sa screen ng cellphone ko. Tek? Nababaliw na ba ito? Kukuyugin ako ng mga fans nito. Wala na! Pati social life ko sa internet ma I invade na! Baka bukas makalawa may mag send na ng death threats dito sa bahay!

"Hoy Sandejas ano na naman bang kabulastugan ito!" Bulyaw ko dito.

"I confirm mo na lang ang dami mo pang sinasabi."

"Wait lang naman!"

"Arte nito! Bago lang tong FB mo aa 122 lang ang friend list mo?"

"Oo mga kaklase natin yan, yung iba relatives ko at dati kong ka schoolmates." Ang totoo nyan ay dalawa ang account ko dito, ang isa'y hindi ko na binubuksan hindi mo naman kasi masesearch agad yung kasi pinaghalong pangalan namin ng ex-boyfriend ko yun. Lumungkot naman ako sa isiping iyon.

"Tahimik ka ata nerd? Did you swallow your tounge already?"

"Shut up! Bakit ba naman kasi pati dito kailangan pang umarte!"

"Kailangan yan para malaman ng buong campus and Valerie is my friend also here in Facebook."

Oo bwiset pati ang ex-bestfriend at ex-boyfriend ko malalaman ito, noong gumawa kasi ako ng bagong account in add ako ng mga ito para naman hindi ako magmukhang bitter syempre pa in accept ko ito.

"Talaga naman!"

"Rule number five!" Sigaw nito sa kabilang linya.

"Oo na! Wala naman akong choice eh! Pagkatapos kong I accept ito matutulog na ako!" Pinindot ko ang confirm button pagkatapos kong sabihin iyon. Patay na talaga ako nito! "Good nig----"

*toot*

*toot*

*toot*

Binabaan ako ng tawag nito, "Walanjo bastos!" Binato ko ang cellphone ko sa sofa malapit sa higahan ko at kasabay non ang pagpikit ng mga mata ko. Kanina pa ko inaantok, dinadaan ko lang sa paglalaro para mabilis kong makuha ang tulog ko.








KINABUKASAN...

Habang naglalakad sa hallway ng Science building ay napapansin ko ang ibang students na masama ang tingin sa akin, titingin ang mga ito sa phone nila at titignan ako ng masama tapos titingin na naman sa mga phone ng mga ito. Kanina ko pa napapansin ang mga bulungan at masasakit na salita ng ibang students sa entrance palang ng school ipinagsantabi ko lang ito.

"Girl bakit pakiramdam ko ang creepy ng mga tao ngayon?" Ani Bam sa akin at umaktong tila kinikilabutan pa ito.

Lumingon pa ako sa paligid at andyan na naman ang mga matatalim nilang tingin. Sinamaan ko din sila ng tingin! Aba! Marunong din akong umirap kala nyo!

"Ang pangit pangit naman nyan!''

" Baka na hack ang account ni Kairo!''

"Tama! Tama! Uso pa naman yan ngayon!"

"Eeewwwww the nerve of this girl ang lakas ng loob nyang akitin ang baby ko!"

Bigla akong binangga nito at napa upo sa ako sa hallway dahil doon, "Girl ok ka lang?" Tinulungan akong ni Bam dahil muntik na akong mapa upo, "What's your problem Tifanny huh?" Matapang na tanong ng kaibigan ko dito.

Tinulak nito ang kabilang balikat ko at pinagtaasan ako ng kilay, "Pagsabihan mo yan kaibigan mo masyadong feelingera! Hoy nerd umayos ayos ka lumayo layo ka sa king ko! Ambisyosa!"

Tinapik ko naman ang kamay nito na kanina pa tinatapik ang balikat ko, tinulak ko ito ng malakas dahilan para mapa upo ito, "Leave me alone Tiffany! Wala akong ginagawang masama sayo! Eh ano naman kung nerd ako? Do you want to eat the fist of this nerd!" Sabay amba ko dito ng kamao ko. Anong akala nya sa akin? Weak? Ba dina uso ang nagpapa api ngayon. Le flip hair!

Tinulungan naman sya ng dalawang kaibigan nito, sinamaan pa ako ng tingin. Tatapang tapang mahina naman pala!

Tumawa naman si Bam sa tabi ko, "Ya that's my friend!" Tinignan nya din ng masama ang mga estudyanteng nakikitsismis sa amin dahil gumawa kami ng kumusyon sa gitna ng daan, lalo tuloy kaming naging center of attention. "What? Gusto nyo ding magaya d'yan sa impaktang yan?"

"May araw ka ring nerd ka!" Sigaw ni Tifanny, halos makita na ang ugat nito sa leeg dahil sa pagsigaw nito.

"Sabihan mo lang ako kung kailan Tifanny.. Girl scout yata to." Nag high five pa kami ni Bam at pinagtawanan ito.

"Matapang ka lang dahil may kasama ka!"

"What do you want?! One on one tayo?" Tinaas ko pa ang manggas ng uniform ko at umaaktong makikipagsuntukan dito.

Nakita ko namang parang nahintatakutan ito, "Nerd na creepy!!" At humakbang ito paatras ng dalawang beses ng nakaharap sa direksyon ko. "Ano ba??? Aaarrrayyy!!!" Hinila kasi ng bagong dating na si Ayen ang buhok nito hahaha gandang grand entrance nito, late na namang dumating sa school as always.

"Sinong creepy? Huh? Tifanny?" Habang hawak-hawak parin nito ang buhok nito. Inambaan nito ng kamao ang isa sa mga kaibigan ni Tifanny, Allia yata ang pangalan nito balak kasi nitong hilahin din ang buhoy ni Ayen pero mabilis ang reflexes nito. "Gusto mo pagbuhulin ko ang buhok nyo ng witch na to?" Nakita kong umatras ito, tek war freak ang mga kaibigan ko.

"Ano ba Brickayen! Remove your hand in my hair!"

"Oh shut up! Don't English English me!" Binitawan nito ng padarag si Tifanny, "O ayan!"

"Ouch! Crazy! Mga amazona.. Ee-eeyyy stop it!" Hahawakan na naman kasi sana ni Ayen ang buhok nito, dali dali itong dumistansya dito.

"What?? Wala ka pala eh! Weak!" si Ayen at pinandilatan ang mga tao sa paligid na nakiki usi sa nangyayari. "Tanggalin ko yan mga mata nyo gusto nyo! Shooo aliiissss!!!" Pagpapalayas nito sa mga estudyateng kanina lang ay masama ang tingin sa akin, parang hangin naman ang mga ito sa bilis pa alis sa kinaroroonan namin.

"Ano? Tatayo na lang kayo dyan? Get out of our sight!" Sigaw ni Bam sa grupo ni Tifanny.

"May araw din kayo! Lalong lalo kana Cordova!" Panduduro nito habang lakad takbo ang mga ito palayo sa amin.

"Bring it on! Hihintayin kita!" sagot ko dito.

Nagtawanan kami ng mga kaibigan ko at nagtuloy-tuloy sa paglalakad. Napapailing na lang ako, pareho kami ng kurso ni Tiffany, ngunit ibang section ito nagkikita lang kami sa isang subject.

"Charlie ikaw na! Ipangalandakan pa talaga sa FB nakuuu." Ani Ayen sa akin.

Oh? Teka nga shookkkksss kaya pala.... Naalala ko na, dali-dali ko binuksan ang FB ko.

"Aligaga ka girl... Bakit ano yun?" Tanong ni Bam kay Ayen

"Itong BFF natin girl naka in a relationship sa FB! Gaaddddhhhh kay Kairo Jaxtyn Sandejas lang naman girrrllll!!!" Tili nito inilingan ko lang ito at binuksan ang Facebook account ko.

Wait????!!! 2110 notifications???? 800+ friend request? 551 messages??? "Wo! Wo! Wo! Zhè shì shénme?! (What is this?!)

Tumigil kami sa paglalakad sa hallway at nakitingin din ang mga kaibigan ko sa phone ko.

"Laaaa ano yan?" Ani Bam

"Sikat kana girl!" Si Bam

Nag sign of the cross pa si Ayen at pumikit habang magkadaop ang palad nito, "Ipagdarasal na lang kita BFF! Patay kana! Madaming fan girls ang boyfriend mo! Hindi natin kakayanin ang dami ng fan girls nito! Naku po tulungan nyo po ang kaibigan ko!" Habang nakapikit parin.

"Hahaha loka ka kayang kaya ni Charlie ang mga yan!" Sagot ni Bam at tatawa tawang nakatingin dito habang kumakain ng stick-o.

"San mo nakuha yan? Penge!" Dumukot ako sa plastic na lalagyan ng stick-o nito.

"Ako din!" Dumukot din ito, "Oo na kaya NATIN! Pero pano pag nag join force ang mga yan." Napangiti ako dito dahil sa pagdidiin nito ng salitang NATIN. Ang sweet ng kaibigan ko.

"Oo na kaya natin. Wait notification muna ang buksan mo girl." Ani Bam sa akin at pinindot ko iyon habang nakapikit ang isa kong mata.

"Tanggalin mo yan kamay mo sa screen Charlie hindi makita!"

"Heto na! Sandali!"

*Girl one commented on your relationship status.

*Girl two commented on your relationship status.

*Girl three commented on your relationship status.

*Girl four commented on your relationship status.

*Girl five commented on your relationship status.

(A/N: bahala na sa pangalan bahala na kayo sa Imagination nyo hahaha)

At madami pang puro comments sa relationship status ko kay Sandejas, lintik talagang unggoy yun. Pahamak!

"I seen mo yung comments dali!" Hindi naka paghintay ang gagong Bam at sya na ang pumindot nito.

"Hindi ka naman excited BFF ano?" At inilingan ko ito.

*Sino ba tong nerd na to? Ang pangit!

*Aawww na hack yata ang FB ni Kairo!

*No way! Kairo is mine!

*Ang panget ng girl! Valerie is more pretty!

*Gayuma na to!

Binasa ko ang reply sa comment na to.

*Sa Quiapo te! Madami don!

Tawanan ang mga kaibigan ko habang binabasa ito, "Hahaha gago!" Tawang tawang sabi ni Bam habang nakikibasa sa phone ko.

"Bwiset talagang Sandejas na yan! Dahil sakanya mawawala na ang peace of mind sa buhay ko waaahhhh!!!"

"Hahahahahahaha..." Tawa ng mga kaibigan ko.

Scroll lang ako ng scroll sa mga comments na halos puro panlalait, may nababasa naman akong meron namang masaya daw sila, kasi may pag-asa pa daw mahalin ang mga pangit na katulad nila. May mga meme pa akong nababasa waaahhhh ginawan pa ng meme ang profile ko at inedit iyon. "Magtutuos talaga kami ng Sandejas na yan!"

"Teka sroll mo pabalik!" Nagsalita si Ayen at Iniscroll ko naman pabalik, nangunot ang noo ko sa pangalan ng nasa comments section. "Ow? Lohan Cervantes."

"Boyfriend mo? Ang bilis naman? Ba may sad emoticon pa ang loko." Gigil na salita ni Bam. "I click mo may reply!"

Lohan Cervantes
*Boyfriend mo? Ang bilis naman? :(

Kairo Jaxtyn Sandejas
*So??

Lohan Cervantes
*Hindi pa ganon katagal, maaagaw pa yan.

Kairo Jaxtyn Sandejas
*Yun ay kung maaagaw.

Lohan Cervantes
*Yep! Dahil magpapaagaw.

Kairo Jaxtyn Sandejas
*Walang maaagaw dahil hindi ko hahayaang maagaw.

*dug*

*dug*

*dug*

Ano yun?? Talagang nababaliw yata pati ang puso ko. Nagmalfunction yata ang puso ko. Andaming alam nitong Sandejas nato! Haayyyyy.... Baka kasi dahil pakiramdam ko may pakialam parin sa akin si Lohan?

Oo!!! Tama! Tama!

"Kyaaahhhh wait yung buhok naaapakan mo Bam!"

Umakto ba ang Bam na akala mo may buhat buhat nga ito, "Teka sandali mabigat girlll!! Iiihhhh." Tila umiirit pa ang itsura ng mga ito sa kilig.

"Mga sira ulo! Nagpapanggap lang na sweet yan malamang!"

"Oh? Kahit na nakakakilig parin!" Si Bam

"Ipangalandakan ka ba naman sa internet world at pag awayan ng dalawang gwapong lalaki! Aba! Kahit sa Facebook lang yan nakakakilig parin! Kyaaaahhhhh!" Si Ayen.

"Katahimikan!!!" Sigaw ko sa mga ito ngunit tinawanan lang ako ng mga ito. "Anong eksena ba nitong si Lohan at nagko comments pa ng ganito? Eh meron na nga syang Shean. Tsk!" Kunot ang noo ko habang sinasabi iyon.

Pero naiinis ako at nasasaktan sa nabasa ko. Ang lakas ng loob nito, hindi ba nito alam kung gaano akong nasaktan nung lokohin ako nito tapos kung makapag react ito ng ganon ay parang walang nangyari. Wala silang anumang narinig mula sa akin pero that doesn't mean na hindi ako nasaktan. Nasaktan ako ng sobra... Ang masakit pa doon ay pinagpalit ako nito sa mismong bestfriend ko pa... I pity myself.. I feel betrayed... Hindi ko alam kung saan ako nagkulang... But I choose to let go without saying a words to them.. Kung talagang pinapahalagan ako ng bestfriend ko noong panahon na yun ay hindi ako pipiliing saktan nito pero hindi ko ito masisisi nagmahal lang naman ito.... and even Lohan... siguro ay nagkulang nga ako kaya nagmahal ito ng iba. Hindi ko sila masisisi, nagmahal lang naman sila. Who am I to not let them be happy? I don't like them to feel awkward when I'm around that's why I choose to leave.... But I feel really betrayed... I'm still hurting.. Lohan is my first love... My first boyfriend... Pinaramdam nito sa akin kung gaano ako kahalaga nung mga panahong akin pa ito... This unbearable feeling I feel in my chest right now is giving me a hard time to move on... Anong magagawa ko? Minahal ko ito at mahal na mahal ko parin ito hanggang ngayon.

Naramdaman ang pagtulo ng luha ko. Pinunasan ko ang luhang dumaloy sa pisngi ko.

"Charlie.... U-Uh are you alright?" Si Bam, rinig ko sa boses nito ang pakikisimpatya nito. Nakwento ko isang beses sakanila ang nangyari sa akin kaya aware sila, pero hindi ko kailanman siniraan sa iba ang mga taong minsang naging malapit sa buhay ko.

I feel like there's a lump na nakabara sa lalamunan ko bago ako parang hirap na sumagot dito, "I-Im o-okay a-a-ano ba... ha..ha..ha..ha..ha.." Garalgal at pilit ang tawa kong sagot sa mga ito. "N-Napuwing lang ako." Sabay pahid ko sa luhang pumatak sa mata ko.

"Lilipas din yan Charlie.." Niyakap ako ni Ayen. Kaya hindi ko na napigilan ang sarili ko at bumuhos ang luha ko. Kaya ayoko ng kino comfort ako lalo akong nadadala ng emosyon ko.

Akala ko ay okay na ako.

Akala ko lang pala.












To be continue...














Continue Reading

You'll Also Like

3.6M 97.6K 63
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...
875K 30.1K 75
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
7.6M 217K 49
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...