Heartless (Published under Si...

By jonaxx

117M 2.8M 1.5M

Elevators. Airplanes. Palaman ng Sandwich. Yung feeling na papunta ka pa lang at excited ka pa lang sa pupunt... More

Heartless
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59
Kabanata 60
Wakas
Heartless is Published Under Sizzle
Notes
Kabanata 39

Kabanata 13

1.6M 43.5K 13.4K
By jonaxx

Kabanata 13

Darn Perfect

Nabunutan ako ng tinik sa reporting. Noong pina-report na kami, nagkaroon din ako ng pagkakataong magsalita sa harapan at sumagot sa mga tanong ng mga kaklase ko. Hindi naman naging halata na wala ako lagi sa mga brainstorming o sa paghahanda sa reporting.

Mabuti na lang talaga at naligtas ako doon.

Sa sumunod na mga araw, mas dumami ang mga ginagawa ko. Kinailangan kong gumawa ng research paper, mag handa sa panibagong reporting sa isang major subject, umattend ng meeting para sa up coming school festival at iba pa. I swear, hindi ako makaka survive kung walang nag aalarm sakin. Araw-araw din akong tinatawagan ni Rozen at ginigising.

*I never knew

I never knew that everything was falling through

That everyone I knew was waiting on a queue

To turn and run when all I needed was the truth*

Nagiging theme song ko na ang ring tone na naka assign kay Rozen. Siya mismo ang naglagay niyan sa cellphone ko kasi pag yung ringtone ko daw kay Noah, hindi ako magigising dahil masyadong malumanay. Itong Over My Head naman ng The Fray ay maingay kaya lagi akong naaalimpungatan.

*Let's rearrange

I wish you were a stranger I could disengage*

"Hello..." Kinusot ko ang mata ko.

"Good morning, babe. Gising na. May meeting ka ngayon, diba?"

"Hmmm... Oo."

Tuwing gumigising ako ng maaga, lagi akong naiiyak. Gusto ko pa kasing matulog.

"Coreen Samantha." Aniya nang natahimik na ako kasi umidlip ulit.

"Oo!" Galit kong utas.

Tumawa siya, "Gising na po, sungit! Umaga na!"

"Oo, eto na..." Tumayo ako ng dahan-dahan. "Maliligo na muna ako." Sabi ko.

"Okay... Kumain ka rin, ah? Susunduin kita."

"HA?" Dumilat ng pagkalaki-laki ang mga mata ko.

"Ganyan talaga pag boyfriend mo ako, Coreen. Papunta na ako kaya maghanda ka na."

Binabaan ako ng tawag ni Rozen kaya wala akong nagawa kundi maghanda sa pagdating niya. Pagkatapos kong mag handa ay bumaba na agad ako. Mabilis akong bumaba sa stairs. Paglingon ko naman sa sala ay nakita kong nandoon na siya, nakasalikop ang mga daliri habang tinitignan akong pababa sa hagdanan. Kaharap niya si daddy na nagbabasa ng dyaryo.

"Oh, heto na pala si Coreen." Nakangiting sinabi ni dad.

"Dad. Good morning!" Sabi ko sabay halik sa pisngi niya.

"Oh. Hindi na pala kita ida-drop sa school mo kasi dinaanan ka na ni Rozen dito.”

“Ah... Yes, po.” Sinulyapan ko si Rozen na hanggang ngayon ay pinagmamasdan parin akong mabuti.

Inirapan ko siya at nakita ko ang kaonting ngisi sa labi.

“Alis na po kami.” Sabi ko sabay pasada ng daliri sa mga buhok ko.

“Hindi ka pa kumakain, ah? Kumain ka muna.” Ani Rozen.

“Oo nga!” Nilingon ako ni daddy at binaba ang dyaryo. “Kumain ka muna, Coreen. Buti pa itong si Rozen ay naaalala ang mga dapat mong gawin tsaka concern pa sayo. Ikaw sa sarili mo parang walang pakealam. Oh, Rozen, samahan mo na rin yang si Coreen. Ang aga niyo ata ngayon.” Tumayo si dad at tinawag pa kami ni Rozen.

“Lika na, Coreen.” Ngumisi si Rozen sakin.

Kasabay ng pagngisi niya ay ang pag kinang ng earring niya. Sinimangutan ko na agad.

“Coreen, sige na. Dito na kayo sa mesa. Mag hahanda lang ako. Mamaya pa ako papasok sa opisina.” Sigaw ni papa nang papunta na sa kwarto nila.

“Opo.” Sabi ko at dumiretso na sa dining room.

Sumunod naman ang halimaw sa akin. Nakakairita ang ngisi niya habang sumusunod sakin. Ako naman, pinilit na ipabusangot ang mukha para lang ipakita sa kanya ang pagkakabadtrip ko.

Tumabi siya sakin sa mesa.

“Ba’t ka pa kasi pumunta dito?” Tanong ko.

“Kasi alam kong di karin talaga magigising kung di ako magpakita. Kaya heto... I can do this everyday, you know.” Aniya.

Kumuha ako ng bacon sa mesa. Kumuha rin siya ng kanya. Agad na akong kumain at hinayaan siyang kumain na rin sa tabi ko.

“Oh, Rozen, nandito ka pala.” Nakangising sambit ni mommy nang napadpad sa hapag.

“Opo, tita.” Tumayo si Rozen at hinalikan si mommy sa pisngi.

Umirap na lang ako sa kawalan. At home na at home lang ang feeling ng isang ito.

“Sinusundo ko si Coreen para sabay na kami sa school.” Ngumisi siya.

“Ganun ba?” Tinignan ako ni mommy.

Kinunot ko ang noo ko.

“Oh? Ba’t ganyan mukha mo? Pasalamat ka kay Rozen at nandito siya. Hindi yang ganyan, Coreen.” Umiling si mommy.

“Thanks.” Sabi ko ng wala sa sarili.

Mas lalong umiling si mommy, “Sya, sige kumain muna kayo at maliligo muna ako. Mag ingat kayo ah? Rozen...” Tinapik ni mommy ang balikat ni Rozen. “Salamat.”

“Walang anuman, tita.” Aniya.

Tumango si mommy at umalis na.

“Ano ba talagang plano mo?” Utas ko nang nawala na si mommy at kaming dalawa na lang ang nasa mesa.

“Bakit?” Nangingiti niyang tanong.

“Anong gusto mong mangyari? Alam ng pamilya ko na gusto ko si Noah. At ngayong nagpapakita kang bigla dito sa bahay baka anong isipin nila!” Sabi ko.

Nagkibit-balikat sila, “Anong inaalala mo? Na baka iniisip nilang may gusto ako sayo, ganun, Coreen?” Nakangisi niyang sinabi.

“Oo!” Uminit ang pisngi ko. Hindi ko alam kung bakit.

“So what? That’s the truth, anyway.” Malakas niyang utas.

Humugot ako ng malalim na hininga para sana banatan siya pero imbis na mabanatan siya ay naubo pa ako. May ilang kanin atang pumasok sa lungs ko kaya heto at panay ang ubo ko.

Nanlaki ang mga mata niya. Tumayo siya agad at kumuha ng tubig.

Hindi matigil-tigil ang pag ubo ko. Inabot niya sakin ang tubig kaya agad ko rin itong tinanggap at uminom. Hinaplos niya ang likod ko habang iniinom ko.

“Lintek ka talaga! Walang hiya ka!” Inatake ko siya gamit ang tinidor ko.

Umilag siya at tumawa.

“Sabi na eh. Ayan, nakakarma ka. Wa’g ka kasing umangal.”

Kaya ayun, halos mapatay ko na talaga siya sa sobrang inis. Panay ang takbo niya habang hinahabol ko siya ng tinidor.

“Ano bang ikinagagalit mo doon?” Tanong niya nang nakangisi at nakapamaywang sa likod ng sofa.

Nasa harapan ako ng sofa at halos yumuko na sa paghingal dahil sa kakahabol sa kanya. Siya naman ay no sweat sa paghahabulang ginawa namin. Darn. Ilang rounds kaya ng jogging ang nagagawa niya. Medyo matagal ata kaming naghabulan dito ah?

Hindi ko na kayang habulin siya kaya tumungtong na ako sa sofa at inabot na siya gamit ang mga kamay ko.

Nakita kong naglaro ulit ang ngiti sa labi niya. Nanunuya pa siyang inilapit ang katawan niya pero umiilag din tuwing tinututukan ko na ng tinidor.

Kinagat niya ang labi niya at mas lalong lumaki ang ngisi. Itinaas ko ang tinidor para saksakin siya pero hinawakan niya ang pulso kong nakataas.

“ARGGHH!” Sigaw ko at tinangkang pumiglas sa pagkakahawak niya pero hindi ko nagawa.

Sobrang lakas niya. Hindi man lang natinag ang kamay niyang nasa pulso ko.

“Tama na, Coreen. Game over.”

Inilapit niya ang mukha niya sakin at hinipan ang buhok kong magulo. Napapikit ako sa pag hihip niya. Hindi ko kayang hindi pansinin ang bango ng hininga niya.

“Lika na... Papasok pa tayo. May meeting ka pa.” Aniya saka binaba ang kamay kong ngayon ay kalmado na.

Nalusaw ang inis ko. Ni hindi ko na maalala kung bakit ko siya hinahabol ng tinidor. Have I gone mad? Nahirapan akong i-recall ang mga nangyari at bakit kami humantong sa ganoong sitwasyon.

Pagkatapos kong mag toothbrush ay umalis na kami. Panay na naman ang talak niya habang ako ay inaalala parin kung bakit ko siya hinahabol ng tinidor.

“Pag dating mo ng school, diretso ka sa library. Ako naman, may pasok kaya text na lang muna tayo. Okay?”

Hinarap niya ako pero nakatunganga parin ako sa kawalan.

“Coreen!?”

Napatalon ako nang sinakmal niya ako. Naaninag ko agad ang ngisi niya. Ang perpekto niyang mukha. Tumindig ang balahibo ko at hinayaan kong ang sarili kong pagmasdan siyang mabuti.

Ang mga mata niyang pure evil lang ang nakikita kong expresyon. Ang buhok na mukhang effortless na nakatayo at magulo pero may arte, ang panga na madalas kumuyom at nagbibigay sakin ng ideya kung anong nararamdaman niya, ang ilong na matangos at ang labing pula... he is darn perfect. Kahit ang mga kilay niya’y madalas naka kunot o di kaya’y nakataas... now I understand why Kristen and all the other girls fell for him. Hindi lang siya puro mukha, may humor at may substance pa.

Kinagat niya ang labi niya at tinaas ang kilay.

Kumurap-kurap ako. I know that expression.

Tinulak ko agad siya.

“Let’s go!” Nag iwas ako ng tingin sakay binuksan ang pintuan ng flashy niyang sasakyan.

HUmalakhak siya, “Yeah, alright, babe.”

Hinaplos niya ang pisngi ko. Agad kong binigwasan ang kamay niya at matalim siyang tinignan pagkatapos.

Tumawa lang siya sa ginawa ko.

“Damn!” At umiling bago umikot at pumasok.

Maingay parin siya habang nag da-drive. Ako naman, palaging tulala sa labas.

“Mamaya, itext mo ako. Marunong ka bang mag text nang di nalalaman ng professor? Ah! Wa’g mo na lang akong itext mamaya kunin pa yung cellphone mo at mapagalitan ka pa.” Aniya.

Umirap na lang ako. Crazy boy!

“Of course, alam ko kung paano!” Sabi ko.

Nang nakarating kami sa school ay dumiretso na ako sa library. Mabuti naman at ngayon ay nakatulong na ako sa pag bi-brainstorming.

“So... May kanya kanya na tayong i-re-research para sa reporting. Kanya kanya na lang din siguro tayo ng powerpoint.” Sabi ng isang member.

“Oo. Mas gusto ko kanya-kanya.” Singit ko.

Tumango sila. “Tutal medyo separate naman yung topics.”

Tumango rin ako. “O sige na, may pasok pa ako.”

Sabay-sabay kaming nagtayuan. Niligpit ko na ang mga gamit ko. Ganun din sila.

“Sige, mauna na ako. Baka malate.” Sabi ko at nag paalam na sa kanila.

Pagkalabas ko ng library ay agad akong may hinanap. Lumingon-lingon ako na para bang may hinihintay... sino?

“Nasan si Rozen?” Tanong ko sa sarili ko.

Pinilig ko ang ulo ko nang narealize na... Oo nga pala... may pasok siya.

Continue Reading

You'll Also Like

26.2M 1.2M 43
Josefa Hanabella Valiente is the ugly girl of Altagracia. She is often bullied because of her ugly looks. Binansagan siyang ng maraming pangit na pan...
148K 8.3K 23
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
1.4K 60 5
Isang malaking pagdiriwang ng mga Pilipinong Wattpadder ang hatid sa inyo ng AmbassadorsPH, WattpadRomancePH, WattpadFanFicPH, at WattpadFantasyPH! ...
64.2M 1.3M 54
If you hate something, would you change it? And if you change it, will you like it? Hindi alam ni Charity kung bakit ayaw na ayaw sa kanya ni Jayden...