Boyfriend Corp. Book 3 : Afte...

By iamKitin

8.7M 218K 122K

Alexa Delos Reyes lost the 'happily ever after' she naively thought she would share with Lance Zamora forever... More

Author's Note
Prologue
TEASERS
Chapter 1 | Skip and fast forward »
Chapter 2 | News Flash
Chapter 3 | The Boyfriend
Chapter 4 | We Both Know That's Not True
Chapter 5 | I Need Your Sofa
Chapter 6 | Type Mo, Type Niya Din
Chapter 7 | TGWSGSHA
Chapter 9 | Sapphire Blu
Chapter 10 | There Was Never
Chapter 11 | Takipsilim
Chapter 12 | Oops!
Chapter 13 | He Was, Wasn't
Chapter 14 | Mind Games
Chapter 15 | Bakit?
Chapter 16 | Selfish Daughter
Chapter 17 | Questions
Chapter 18 | FB #1
Chapter 19 | Just Another Day
Chapter 20 | The EX of the EX
Chapter 21 | Pretentious
Chapter 22 | Knots and Promises
Chapter 23 | Madaling Araw
Chapter 24 | Cafuné
Chapter 25 | Dandelion
Chapter 26 | Year 1
Chapter 27 | How?
Chapter 28 | Madaling Araw Part 2
Chapter 29 | I
Chapter 30 | Year 2 Part 1
Chapter 31 | Year 2 Part 2
Chapter 32 | Two Choices
Chapter 33 | I Like You, Alexa
Chapter 34 | Opo, Hindi Po
Chapter 35 | Year 3
Chapter 36 | Blaming Games
Chapter 37 | Lonely
Chapter 38 | Year 4
Chapter 39 | Alexa Gabrielle
Chapter 40 | Year 5
Chapter 41 | Part of New Okay
Chapter 42 | Hues of Blues
Chapter 43 | Lumingon Ka
Chapter 44 | Two Wishes
Chapter 45 | 80%
Chapter 46 | Hello
Chapter 47 | Tell Me More
Chapter 48 | Set-
Chapter 49 | Befall Part 1
Chapter 49 | Befall Part 2
Chapter 49 | Befall Part 3
Chapte 49 | Befall Part 4
Chapter 49 | Befall Part 5
Chapter 49 | Befall Part 6
Chapter 49 | What Befell
Chapter 50 | I Loved You
Chapter 51 | Why We Didn't Work Out
Last | What If There Is No End
After After 1 : I'm Here
After After 2 : Us Two

Chapter 8 | Rambutan

144K 4.6K 1.7K
By iamKitin


Chapter 8 | Rambutan


Lampas isang linggo na rin ang nakakalipas simula nang mag-stay ako sa apartment ni Dominique. Ayos naman kahit halos hapunan na kami nagkikita dahil sa trabaho. Inihahatid niya ako sa Art Stuff kapag maluwag ang schedule niya sa firm o kaya naman susunduin ko siya kapag mas maaga ang out ko sa kanya. We usually eat outside. Wala masyadong gamit sa apartment ni Dominique kaya hindi rin ako makakapagluto.


Marcus will tag along sometimes. Pakiramdam ko binabawasan ko ang oras nila sa isa't isa simula nang mag-stay ako sa apartment pero noong nagbusy-busihan ko 'yun, sila na rin ang nag-insist.


"We'll practically be spending our time everyday sooner. We. Need. To. Catch. Up." She always reminded me kaya nilubos-lubos ko na. Okay lang din naman kay Marcus. But he did tease me that he lost the privilege to sleep with Dominique.


I did miss my best friend. Awkward dahil naging obligasyon na ang pagtawag ko sa kanya ng bebs at aasarin niya ako tuwing Dominique o Dom ang itatawag ko sa kanya. Nakakailang kasi. Pero ayun nga, siya pa rin masusunod—though it's really an excuse since I want to be comfortable with her again.


Sinabi ko sa kanya ang nangyari dati, hindi lahat pero sinabi ko ang mga dapat niyang malaman. Natakot ako nang simulan ko, nang dahan-dahanin kong mag-open up sa kanya. Akala ko iiyak ako dahil matagal na rin mula nang mangyari ang lahat. But instead, she cried on my behalf. It was good and bad at the same time knowing that she got mad and sad. Naintindihan niya kasi. Still, nagtatampo siya dahil sa nagawa ko pero naiintindihan niya rin. Sasabihin niyang okay lang, magiging okay lang ang lahat at nandyan lang siya para sa 'kin. Yes, thankful ako dahil kahit papaano, okay na. But...


Still, I didn't cry. I was expecting to but I didn't and it felt weird.


Akala ko magiging stable na ang lahat since I'm working out with my best friend at medyo okay na rin kami tuwing mag-uusap kami about the upcoming wedding pero may binalita sa 'kin si Dominique noong isang araw. Katatawag ko lang kay Papa para alamin kung kailan ang sunod na flight ni Mama at mas namroblema lang ako.


"Hindi naman kasi problema 'yang pinoproblema mo, e," sabi ni Dominique pagkababa ko telepono. Kumakain kami ngayon ng umagahan at mukhang may free ride na naman ako ngayong umaga. "When was the last time you talked to Tita?" I shrugged. Hindi ko na kasi talaga maaalala. "Naging close na kayo ni Tita at naging matagal bago kayo nagkaroon ng actual bonding. At alam kong alam mong iba ang iniisip ni Tita d'yan sa mga what ifs mo. You and tita are better than that."


"It's just that... it doesn't feel right being okay with her after what happe—"


"Then say sorry!"


"I did." Napasimangot ako. Hindi ko lang alam kung bakit ganito pa rin. "Let's just not talk about this. I'll make this work. Wag lang ngayon."


"E anong plano mo?"


Last month na ngayon ng renta sa apartment ni Dominique. Matagal ng plano 'to at kay na Marcus na siya mag-stay. Maghahanap na sila ng mas suitable place para sa kanilang dalawa. At para sa sabit na tulad ko, nakakahiyang sumama ako kay Dominique para makitira kay ng Marcus. Alam kong mago-offer si Marcus dahil best friend ako ng fiancée niya—but let's be real, we all know that he doesn't want me to be there.


Alex and Russ are my next options—well, there's Princess too pero hindi pa kami nag-uusap. It's weird coming over, makipag-ayos sa kanya at makitira. Parang nakipag-ayos lang ako para may matirhan ako... at ayoko n'on. Alam kong papayag siya dahil mababait ang kaibigan ko pero mas tumaas ata ang hiya at pride ko sa nakaraang tatlong taon.


Magtatanong daw si Dominique kung pwede ipa-extend ang contract ng kahit isa o dalawang buwan kung wala pa namang nakakakuha ng space at kay Marcus kung may available na unit sa kanila. Pero pinaalala niya na hindi siya makakatulong sa renta dahil kailangan din nila. At ayun talaga ang pinakaproblema ko.


Alam kong mali ang ginagawa kong pag-uwi uwi sa Quezon tuwing wala si Mama sa Pilipinas kaya nag-offer ako na makikihati sa renta ni Dominique pero hindi na pwede. Hassle na rin na galing akong Quezon at magtatravel ako papuntang Batangas, including the fact na wala na rin akong sariling sasakyan. Getting a place is easy; paying for it is the tricky part. Baka kasi mapunta na lang lahat sa renta ang sweldo ko.


Pero bahala na.


Hindi ko rin alam, e.


Dumiretso na kami sa trabaho ni Dominique pagkatapos naming kumain. Tadtad ako ng trabaho kaya kahit papano nawala sa isip ko ang mga problema ko sa buhay. Sinisimulan na rin namin ni Matt ang project ni Lean at tinatarget naming makapagsimula ng maaga dahil mapapaaga daw ang tapos ng construction ng building.


I was busy editing some files when I got a call from the lobby na may bisita daw ako. I wasn't expecting anyone kaya nakakapagtaka kung sinong maghahanap sa 'kin sa kalagitnaan ng araw. Even Matt is confused when I passed by his cubicle. He mouthed, "Milagro! Nagka-social life!"


Ang gago lang.


"Alexa!"


Napakunot ang noo ko ng marinig ko ang first name ko. Tumingin ako sa paligid, making sure na ako nga lang ang nage-exist na Alexa sa paligid sa mga oras na 'yon. Tinawag niya ako ulit, tumango siya at pinalapit ako nang tumingin ako sa kanya. He casually offered the chair in front of him nang makalapit ako.


"Excuse me?" Pero imbes na mawala ang tanong sa isip ko ay nginitian niya lang ako. "Do I know—"


"Gwapo mong ex!"


"Excuse you." Pero mas lumapad ang ngiti niya na parang hindi man lang siya naging aware sa sinabi ko.


"Hindi mo talaga ako maalala? I'm Jun." he offered his hand. Jun? Sinong Jun? "Mall. Security." Sabi niya, filling the questions in my head. "Yung poser."


"Ah! Yung boyfriend ko daw."


"Exactly—"


"Guard!!"


"Hey, hey, hey!" Bigla siyang tumayo at hinawakan ako sa braso ng nagtangka na naman akong sumigaw. "Hindi ako manggugulo, promise! Gusto lang talaga kitang kausapin."


Inagaw ko pabalik ang mga braso ko at gumawa ng distansya sa 'ming dalawa. Itinaas niya ang dalawa niyang kamay nang ma-realize niyang ayoko siyang malapit sa 'kin—more so, ang mahawakan niya. Bumalik na siya sa upuan niya pero tumanggi ako nang paupuin niya ako. Naninigurado lang na mabilis akong makakatakbo in case na may gagawin siyang masama.


"Look, gusto ko lang mag-sorry."


"Apology accepted, you may go." Paalis na sana ako pero natigilan ako nang tumayo na naman siya at nagtangkang hawakan ko. Bigla niyang itinaas ang kamay niya at bumalik sa pagkakaupo.


"Hindi ako nakapag-sorry sa 'yo nang ayos. Alam kong may bad impression na ako sa 'yo pero gusto ko talaga magkaroon tayo ng formality about sa nangyari." Napabuntong-hininga siya na para bang may naalala siya bigla. "Nagkandaleche-leche na rin kasi, eh." Nagaalinlangan siyang tumingin sa 'kin at tinuro niya ulit yung upuan sa harap niya. "Nasa open space tayo. Nasa teritoryo mo ako. Safe ka dito, Alexa."


"Don't call me Alexa."


"Anong itatawag ko sa 'yo? Ayun lang naman ang alam kong pangalan mo, eh."


Kahit nagdadalawang isip, umupo na rin ako. Mukhang sincere naman siya sa sinabi niya at na-realize ko na nasa Art Stuff nga kami at kung may gawin man siya, alam naming pareho kung anong mangyayari sa kanya.


"Call me Gab, instead." Tumango siya at ngumiti sa 'kin. "Go on. Papakinggan kita."


Kwinento niya sa 'kin kung paano sila nagkakilala ni Alexa Delos Reyes sa Facebook. Hindi pa daw masyadong kilala 'yung account kaya madali ang communication nilang dalawa. Sinabi niya agad ang intention niya noong medyo nagiging close na sila. Oo, nawiwirdohan daw siya minsan sa mga updates ng poser ko sa account niya pero mas nagfocus siya kapag silang dalawa lang daw ang nag-uusap. Hanggang naging sila.


"Nag-away na kami noong pahuli. Hindi lang dahil marami ng nagpapansin sa kanyang mga lalaki pero dahil nagiging demanding na ako. Syempre, gusto ko na siyang makita personally."


"Hindi ka man lang nagduda na hindi siya yung nasa picture?"


"Nagduda kaya siguro pinilit ko siya lalo. Ang excuse niya kasi sa 'kin malayo siya habang nasa Cavite ako. Ayaw niya daw mag-effort ako para lang mapuntahan siya dahil alam niyang gipit din ako ngayon pero nag-insist pa rin ako."


Sa Cavite siya nakatira pero nakahanap siya ng trabaho dito sa Batangas. Tuloy-tuloy pa rin ang away nilang dalawa kasi kahit video call ayaw siyang pagbigyan. Doon na siya lalong nagduda hanggang sa inamin na niyang may doubt s'ya na poser ang girlfriend niya.


"Hindi ko na siya makausap ng matino."


"Poser nga kasi siya." Hindi ko napigilang mapailing at mapairap sa kanya. Ang bullshit naman kasi.


"May tiwala kasi ako sa kanya. Para kasing totoo." Iyon ang pangit sa online kaya sinukuan ko rin ang social medias. Para kasing pinipilit gawing totoo ng mga netizens ang mga bagay na hindi naman. "Masama mang pakinggan pero minahal ko na e."


"Malas mo lang."


"Kaya sobra noong bigla kitang nakita sa mall. Hindi ko inaasahan na makikita kita dito sa Batangas. Akala ko may sabit... kung anu-ano nang pumasok sa utak ko hanggang sa hindi ko na nakontrol." Napasimangot siya na para bang inaalala ang nangyari dati. "Akala ko niloloko niya ako dahil may ibang lalaki... ibang panloloko pala."


Aaminin ko nakaramdam ko ang awa. Sino bang hindi? Halatang sincere siya sa nararamdaman niya doon sa nakakausap niya sa Facebook. Gusto ko mang magalit sa ginawa niya noon pero tama ang sinabi ni Matt, may reason siya. Nadala nga lang ng katangahan.


"Sorry ha? Pati na rin dun sa kasama mo." Tumango ako dahil hindi ko rin naman alam ang sasabihin. "Nanggulo nga pala ako dun sa Facebook niya! Pinost ko yung picture nating dalawa pero bigla niya akong blinock."


"Bakit? Ine-expect mong magiging lovers ulit kayo matapos mong ibuking na hindi siya yung nasa picture?" Biro ko sa kanya.


"Hindi." Bigla niya akong tinitigan. "Sa 'ting dalawa, ine-expect ko."


"Gago ka ba? Gusto mo bang ipa-blotter kita?"


"Joke! Joke nga kasi! Seryoso mo naman sa buhay!" Pero inirapan ko lang siya. "Ayun nga, kaya ako nandito para mag-sorry at para makabawi na rin."


"Makabawi?"


"Baka kailangan mo ng tulong. Pampalubag loob na rin para sa sarili ko. Alam ko kasing hindi ako makakampante ng hindi nakakabawi sa 'yo." Iniisip ko kung modus lang ba niya 'to pero matapos ng sabihin niya sa 'kin, hindi ko maiwasang magtiwala kahit papano sa kanya. "Kahit ano basta kaya ko. Wag lang pera kasi medyo wala din."


"Murang apartment. Kailangan ko ng matitirhan."


"Bed spacer lang ako ngayon pero ipaghahanap kita." Natuwa siya dahil mukhang inaasahan niyang mahihirapan siya sa tulong na inooffer niya. "Edi ibig sabihin kailangan kong kunin number mo?"


"Ha? Hindi na kaila—"


"Para mabilis kitang mababalitaan!"


"Wag na lang!"


"E pupunta pa ako dito?" May point siya at nakakahiya kung ilang beses siyang pupunta dito para lang sabihan ako kung may nakita siya. Kaya sa huli, ibinigay ko na rin. "Sabi ko sa 'yo, e. Nag-eexpect ako para sa ating dalawa."


"Tatawag na talaga ako ng security." Babala ko sa kanya pero tinawanan lang ako ng mokong.


Sabay na kaming lumabas ng lounge at inihatid ko siya palabas ng Art Stuff nang may mahagip ang mga mata ko sa may 'di kalayuan. May sinasabi pa si Jun tungkol sa pagbe-bed space at kung okay lang daw ba ako dun dahil marami daw libre sa malapit sa kanila pero maraming ibang tanong na agad ang tumatakbo sa utak ko.


"Pag-iisipan ko," ayun na lang ang nasagot ko.


Nagpaalam na si Jun sa 'kin na mukhang satisfied naman sa pagpunta dito sa Art Stuff. Hindi agad ako pumasok sa loob ng building dahil papalapit ng papalapit siya kung nasaan ako. Gusto ko sanang isipin na hindi ako ang ipinunta niya rito pero hindi niya rin inaalis ang tingin niya sa 'kin.


Papalapit siya ng papalapit.


Bakit siya nandito?


"Alexa!" Nagulat ako nang makita ko na naman si Jun sa tabi ko. "Nakalimutan kong ibigay."


"Ano 'to? Lalasunin mo 'ko?" Napataas ang kilay ko nang pabiro niya akong hampasin sa braso.


Kumuha siya ng isang pirasong rambutan sa supot na binigay niya sa 'kin at kinain 'yon. "Bati na tayo ha?"


Tumango ako at nagpaalam na siya ulit. Sinubukan kong si Jun ang tingnan para may palusot ako na hindi ko sinisigurado na ako talaga ang ipinunta niya dito. Pero hindi. Tumigil siya mismo sa tapat ko habang nakatingin sa supot na hawak-hawak ko.


"Hey." Alam kong malapit na siya sa 'kin at anytime ay tatawagin na niya ako pero tila nagulat pa rin ako nang batiin niya ako. "Pwede ba tayong mag-usap?"


Anong meron ngayon?


"Bakit?"


"Gusto ko lang mag-sorry."


Para sa ginawa mo three years ago o dahil naging asshole ka last week?


Leche, umayos ka Gab.


Ano bang meron at mukhang lahat ata gustong mag-sorry sa 'kin.


Mukha na ba akong kaawa-awa?


Hay naku.


"Para saan?"


"Sa lahat? Yung nangyari kay na Alex last week at yung nangyari...dati." Nagaalangan siyang sumagot sa 'kin na parang tinatansya niya kung anong isasagot ko pabalik sa kanya. "Gusto mo bang mag-usap?"


"Kailangan ba nating mag-usap?"


"Hindi ko alam." Napailing siya hindi dahil hindi niya talaga alam kung hindi dahil nafu-frustrate siya sa mga sagot ko. "Baka kailangan o gusto mo ng closure... or in case you want to be friends?"


"But I don't want to be friends with you, Lance."


"Me neither."


Nagtama ang mga mata naming dalawa.


"So kailangan pa ba nating mag-usap?"


Umiling siya.


Tumango ako at pabalik na sana sa loob ng tawagin niya ako ulit.


"Wait, maybe we do. I..." nagtaka ako sa tono ng boses niya. Halata ang inis niya pero pinipilit niyang maging kalmado. "I... I missed talking to you, Alexa."


Alexa.


"Hindi ako ang gusto mong makausap. Siya ang namimiss mong makausap."


"Is she coming back?"


"I don't think so."


Ngumiti siya at bumuntong-hininga. Tumango-tango siya na akala mo ay naiintindihan nga niya lahat. I got to admit that seeing how frustrated he was right now pleased me.


"By the way, just plain curiosity, sino 'yon?" Mabilis nagbago ang expression ng mukha niya. "I don't recognize him. He even called you Alexa."


"Si Jun? Boyfriend ko daw."


"Jun?"


"Bakit?" tumingin ako sa supot na hawak ko. "Gusto mong rambutan?"


Pero hindi na umimik si Lance.


Tiningnan niya lang ako at mabilis na umiling.


Hindi na siya nagsalita.


At naglakad na siya palayo.

Continue Reading

You'll Also Like

6.3K 262 14
You'll never know when will your happiness lasts. So savor the moment before it fades like a smoke. MAIN CHARACTERS: Vera Hernandez Levon Keith Ferr...
7.3M 181K 27
Unable to move on from the break up, girly and sassy Mika goes through the hoops and pretends to be a boy just to win her ex-boyfriend back. But when...
1.5M 101K 33
When an unlikely group comprising of a photographer, writer, musician, artist, and poet band together for a documentary film project, anything can ha...
1.7M 78.6K 43
No plot twists or whirlwind romance like in the books. Such is the fate of a side character like Mimi, who neither has a face, body, brains nor backg...