Chelsea POV
Umaga.
Pasok na ulit.
As usual, si Adrian kasabay ko papasok.
Nga pala, medyo masakit yung mata ko dahil sa pag-iyak kagabi.
Hindi ko pa rin kasi makalimutan yung sinabi ni Kyle na hindi na nya ako mahal. At yung pagtatanggol nya kay Mandy kagabi. Ang sakit lang talaga.
Kaya nga kagabi rin, nag-decide na'ko na itigil na yung pagmamahal ko kay Kyle. Wala na'kong pakialam kung hindi na nya malaman ang totoo. Masyado ng masakit.
Para san pa kung malalaman nya? Eh hindi na naman nya ako mahal. Sigurado ako? Kung malaman man nya yun, maaawa nalang sya sakin. Ayoko ng ganun.
Mula ngayon, manhid na'ko. Napag-isip-isip ko ng kalimutan na si Kyle. Masasaktan lang kasi ako.
Mula ngayon, wala na akong pakialam sa mga mangyayari sa paligid ko. Manhid nga eh.
Si Kyle? Titiisin ko na sya. Papakatatag nako. Hangga't maaari, ayoko na syang makaharap man lang. Mas mabuting ituon ko nalang ang pansin ko sa iba. Mas maraming nagmamahal at nagtitiwala sakin.
Tenenenenen!
I looked at my phone.
From: Hub
Morning hub. Hindi kita maisasabay ngayon pero nasabihan ko na naman si James sa isabay ka. I have something to do. Take care.
Si James pala kasabay ko papasok. Ready na'ko for school.
I'm Chelsea version 2.0
No more heartaches. No more KYLE.
Sorry, pero suko na'ko. Pagod na'kong mahalin si Kyle. Sobra.
♡
Kyle POV
Andito na'ko sa tambayan. Inagahan ko pumasok dahil may usapan kami ni Adrian.
Bumukas yung pinto at pumasok si Adrian. May mga dala pang folder, laptop at camera. Wow ha. Anong meron?
"Kyle."
"Anong pag-uusapan natin?"
I saw him sigh then looked at me seriously. Saka siya lumapit dito sa may couch. Pinatong nya yung folders sa center table.
"Ano ang mga yan?" Tanong ko.
"Basta tingnan mo nalang."
I looked at the folder.
Pictures.
Si nobody kasama si Mandy sa parang restaurant.
May picture din nung lalaki na nasa picture kasama si nobody.
"Ano naman 'to?"
"Walang kasalanan si Chelsea. We investigated it one year ago. At nalaman namin na set-up ang nangyari."
"Wala na akong pakialam dyan. Ayoko ng makarinig ng tungkol kay nobody. Pwede? Hindi nyo na sya kailangang ipagtanggol." Sabi ko. Alam kong ginagawa lang nila 'to dahil mahal nila si nobody.
"Makinig kalang Kyle. Pagkatapos ko, hinding hindi na kita papakialaman pa tungkol kay Chelsea."
Mukhang seryoso si Adrian kaya hinayaan ko nalang siya.
"Kyle sinet-up ni Mandy si Chelsea. Nung araw na yun tinawagan sya ni Mandy na makipagkita sa kaniya kasi gustong mag-apologize ng personal. Ito namang si Chelsea, um-oo dahil mabait siya. Sasabihin sana sayo yun ni Chelsea pero pinigilan sya ni Mandy. Wag daw dahil baka magalit ka. Kaya hindi sinabi ni Chelsea. Nung makarating sya sa restaurant, may ininom daw sya dun na juice at nakaramdam sya ng hilo and then di na nya alam sunod na nangyari. Nagising nalang siya na nasa hospital kasama si Mandy."
"Yan ba yung kwento nya? Naniwala naman kayo?" Sarkastiko kong sabi.
"Oo kwento niya. Pero nagpa-imbestga pa din ako. Alam mo kung ano ang nalaman ko? Nagsasabi ng totoo si Chelsea."
"Hindi ako naniniwala sa kaniya." Pagmamtigas ko. Masyado na kaming nililinlang ng babaeng yun. Pati sina Adrian na-brain-wash nya yata.
"I have proofs na totoo lahat ng sinabi ni Chelsea."
"Then show me." Sabi ko.
May kung anong pinindot siya sa dala niyang laptop at may isinaksak na USB.
He played a video. May date pa nga sa video at yun ay one year ago.
"CCTV footage yan sa restaurant kung saan nagkita sina Chelsea at Mandy. Panoorin mong mabuti kung anong mangyayari para maliwanagan ka."
Tinutok ko ang pansin sa sinabi nyang CCTV footage daw. Nakita kong nasa restaurant si Mandy. May in-order nyang dalawang juice pagkatapos ay parang may inilagay siyang gamot sa isang juice na nasa harapan niya. Then one minute, dumating si nobody. Umupo sa tapat ni Mandy.
May pinag-uusapan sila pero walang volume yung CCTV footage. Then, iniinom na ni nobody ang juice at..
Shit. Nawalan ng malay si nobody? Maya-maya dumating na lalaki.
Binuhat si nobody at umalis ng restaurant kasama si Mandy.
Shit. Shit. Shit.
"Naniniwala ka na ba Kyle? Set-up ang lahat. May isa pang CCTV footage, sa hospital kung saan nagising si nobody."
He played again the video.
And I saw the man carrying nobody sa isang room kasunod si Mandy. Yun lang yung video tapos na.
Parang biglang may kung anong sumabog sa puso ko.
Lahat ng itsura ni nobody nung pagsalitaan ko siya ng masama at iniwan ko siya one year ago, nagpa-flashback sa isip ko.
"Ngayon Kyle, naniniwala ka naba? May papakita akong video." Sai ni Adrian saka kinalikot yung digicam nya.
Inabot nya sakin at nakita ko, nasa video yung lalaking kasama ni nobody nun sa picture.
Nag-play na yung video.
"Hi. I'm Philip. Close friend ni Mandy Aguilar. I felt sorry for Chelsea. Hindi ko ginusto yung nangyari. Pero hindi na kinakaya ng konsensya ko. Lahat ng nangyari, set-up lang na kagagawan ni Mandy. She's so desperate to get what he wants kaya pati ibang tao kailangan niyang sirain. Yung picture namin ni Chelsea. It was all an act. Walang nangyari samin at lalong wala kaming relasyon. We didn't know each other. Pakisabi nalang kay Chelsea, sorry."
Dun natapos yung video.
Nanginginig ako sa galit. Galit kay Mandy. Sa isang taon sa korea, may kasama pala akong masamang tao.
Na pinaniwalaan ko.
Na pinagtanggol ko.
Na pinakisamahan ko ng maayos.
How could she do this to nobody?
Naiiyak ako sa galit. Naiiyak ako dahil ngayon ko nalaman na nasaktan ko si nobody. Hindi ako naniwala sa explanation nya. Siya pa yung sinabihan kong sinungaling at masama.
Damn it!
Napasuntok ako sa mesa.
"Ngayong alam mo na lahat Kyle. Mapapanatag na din ako. Gusto ko lang talaga linisin ang pangalan ni Chelsea dahil hindi niya deserve na masaktan ng ganun. Honestly, galit ako sayo dahil sa ginawa mo kay Chelsea. Ngayon, hindi mo na naman siya mahal diba? Sinabi mo yun kagabi na nagpa-iyak ulit kay Chelsea. Wag mo na syang lalapitan pa Kyle dahil ako ang makakalaban mo. Hinding-hindi ko hahayaan na masaktan sya ulit." Nakita ko yung galit sa mga mata ni Adrian.
Mahal ko si nobody. Mahal na mahal ko siya. Lalo na ngayon, wala akong gustong mangyari kundi ang makita siya. Gusto ko siyang yakapin, halikan, lahat! Gusto kong alisin yung sakit na pinaramdam ko dati sa kaniya.
Damn it!
"Aalis na ako Kyle. Inuulit ko, wag na wag mo ng lalapitan pa si Chelsea." Sabi nya saka naglakad na palabas ng tambayan pero bago pa man sya tuluyang makalabas.
"Kayo na ba ni nobody?"
"Oo." He said then walked away.
Tangina. Ang sakit.
Hindi ko mapapatawad si Mandy. Hindi ko siya mapapatawad. Damn.
Nanginginig na talaga ako sa galit. Pinagbawalan na'ko ni Adrian na lapitan si nobody, pero walang makakapigil sakin. Gagawin ko lahat makalapit lang sa kaniya.
I will apologize to her. Mag-so-sorry ako sa ginawa kong pang-iiwan sa kaniya dahil sa isang kasinungalingan.
Alam ko na ngayon kung gaano kalaki ang kasalanan ko. Damn it! Bakit hindi ko siya pinaniwalaan dati? Edi sana pala, masaya pa kami hanggang ngayon?
Edi sana kami pa din sa halip na sila ni Adrian?
Fuck it.
I picked up my phone and dialled Mandy's number.
[Honey, napatawag ka.]
"Mag-usap tayo. Pumunta ka sa mansyon ngayon na."
Pinatay ko na agad ang tawag.
Uuwi muna ako. Si Mandy muna. Bago ko ayusin ang lahat kay nobody.
DAMN IT !
♡
Chelsea POV
Dito kami sa room nina Janna. Nagtatawanan. Lakas kasi makapick-up line si James eh. Ang adik lang.
"Eto pa, eto pa. Chelsea, tae ka ba?"
"Oh, bakit?" Sagot ko.
"Hindi kasi kita kayang paglaruan. Boom!"
Kami ni Janna di mapigilang tumawa. Mas nakakatuwa expression ng mukha ni James eh.
"Eto, tae ka ba?" Inulit ko tanong ni James.
"Bakit Chelsea? Hindi mo din ba ako kayang paglaruan?"
"Kasi ang baho mo eh."
Tumawa ulit kami ni Janna.
"Mabaho ba talaga ako?" Nagtatampong tanong ni James.
"Joke lang yun. 'To naman." Alo ko sa kaniya then pinched his cheek. Ang cute nyang si James talaga eh. Hehe. Sanay na yan sakin.
I sighed. Pasalamat nalang ako na may mga kaibigan ako na handa akong pasayahin. Nagayong nag-decide na'ko na kalimutan na yung pagmamahal ko kay Kyle, hindi na'ko mag-iisip pa ng kung anu-ano. Dapat na'kong maging masaya ngayon.
Kanina na-kwento ko kay Janna yung desisyon ko and she's happy for me. Dapat lang daw para di na ko masaktan. So tama ako. Manhid na'ko starting today.
Napatingin ako sa pinto ng dumating si Adrian. Hanla? Nakasimangot?
Pag-upo niya sa tabi ko, "Okay kalang hub?" Tanong ko.
He kissed me on my cheeks and smiled. "Okay lang ako. Ikaw? Okay ka naba hub?"
Tumango ako habang nakangiti. "Oo! Nag-decide na'ko hub. Tinapos ko na yung kahibangan ko kay Kyle."
"Good." Adrian said.
Mukha talaga siyang hindi okay.
Maya-maya dumating na din yung prof at nag-start na ang klase.
♡
Kyle POV
Nakauwi nako dito sa mansyon at hinihintay nalang si Mandy. Di na'ko mapakali.
"Honey! May surprise date ba tayo? First day ko sana sa SWU ngayon---"
*PAAKKKK*
Hindi ko na napigilan ang sarili ko. I remembered the time that I slapped nobody. I slapped her without reasons. Fuck!
"K-Kyle.."
"Naniwala ako sayo! Nakinig ako sayo! Pinakisamahan kita ng maayos Mandy! Pero anong ginawa mo ha? Ha? Shit lang Mandy. Sinet-up mo si Chelsea one year ago!"
Galit na galit na'ko.
"No Kyle. Hindi yan totoo." Umiiyak na si Mandy pero wala akong pakialam.
"No need to lie. I have proofs kaya tama na Mandy. Nasaktan ko si Chelsea ng dahil sayo! Tangina lang dahil mahal na mahal ko ang babaeng yun! Tiniis ko siya dahil sa kasinungalingang ginawa mo! Damn it Mandy!"
Hinawakan nya 'ko sa braso. "Please Kyle nagawa ko lang yun dahil mahal kita. I wanted you to come back to me."
"Cut it out Mandy. Umalis ka na sa harap ko hangga't nakakapagpigil pa'ko. Hindi ko alam ang magagawa ko Mandy. Umalis ka na at wag na wag ka ng lalapit sakin. Lalong-lalo na kay Chelsea. Makita ko lang na lumapit ka sa kaniya, ako makakalaban mo. Tandaan mo yan! Now, get out of my life!"
"Kyle.."
"I said get out!"
Nagtatakbo na si Mandy paalis sa harap ko. Napaupo ako at nasabunutan ko sarili ko. Frustrated na frustrated na'ko.
Hindi ako naniwala kay nobody. Hindi ko siya pinagkatiwalaan.
Nagsisisi ako. Pero huli na dahil sila na ni Adrian. Kaya ba nung sa truth or dare, sinabi nyang ako ang first love nya?
Kaya ba makahulugan yung mga tanong nya kay Mandy?
Damn it! Kung noon, wala akong pakialam sa presensya ni nobody dahil nga galit ako sa kaniya, ngayon diko alam gagawin. Ang daming tumatakbo sa isip ko. Gusto ko siyang makausap. Gusto kong mag-sorry. Gusto ko siyang halikan. Gusto ko siyang yakapin. Gusto ko ulit syang makasama at makatawanan.
Damn it. I really missed her.
I suddenly felt the tears falling from my eyes. Nasasaktan ako dahil isang taon kong hinayaang masaktan si nobody.
Kasalanan ko lahat.
Pinagbawalan man ako ni Adrian, hindi nya ako matitinag. I will do everything, mapatawad lang ako ni nobody.
Alam kong mahal pa din nya ako. Alam ko yun.
Hindi nya ako matitiis. Alam ko.
Mahal na mahal ko si nobody.
♡
Chelsea POV
Grabe. Tapos na din klase sa wakas.
"Hub, magkikita kami ni Lance. Problemado eh." Sabi ni Adrian.
"Sige lang hub. Diretso naman ako sa condo kasi dami rin assignments." I said.
"Sa'kin kana lang ulit sumabay MyLoves." Aya ni James.
"Sige. Best, bye. Ingat. Mauna na kami ni James." Paalam ko kay Janna.
"Wait lang hub."
Kumunot-noo ko. "Bakit hub?"
"Take care."
Sweet talaga ni Adrian. "Okay. Ikaw din. Bye."
Sumakay na kami ni James sa kotse nya. Then he started the engine.
"MyLoves I love you."
"James naman eh."
"He-he. Sinusubukan ko lang. Sabi mo kagabi may pag-asa na'ko sayo. Ha-ha!"
I pinched his cheeks. "Ang cute mo talaga."
"Sana ma-in-love ka sa ka-cute-an ko." Natatawang sabi ni James habang nakatutok yung tingin sa daan.
"Oo nalang James."
"YES!!"
Parang timang talaga 'tong si James.
Nakarating na kami dito sa building namin. Napansin ko may hindi pamilyar na kotse na nakaparada sa parking.
Syempre sa tagal ko dito, saulado ko na din mga kotse dito sa parking.
Sabay kaming naglakad ni James paakyat sa unit namin. "Dito na'ko. Thanks sa pagsasabay sakin James."
"Wala yun MyLoves. Ingat ka at wag kang pakapagod sa paggawa ng assignments."
Ang sweet din ni James. Bakit kasi di nalang sila ang minahal ko. Yung walang puso pa ang minahal ko. "Yup. Thanks James."
"Ah... MyLoves."
"Hmm?"
"Pakopya na din ng assignment mamaya ha. Bye."
Parang ewan si James. Napangiti nalang ako at pumasok na sa unit ko.
Sumandal ako sa couch ko. Grabe. Madalas na talagang nananakit 'tong batok ko. Masyado na yata akong natututok sa pag-aaral.
Maya-maya narinig kong bumukas yung pinto ng unit ko. Hindi nako kinabahan. Alam ko naman na kung sino yung mahilig pumasok sa unit ko ng walang paalam.
"Hub nagkita na kayo ni Lance?"
Sabi ko habang nakasandal pa din at hindi tumitingin sa may pintuan. Aba hindi nasagot si hub. "Hub, masakit na naman batok ko.." Paawa effect pa'ko.
Ganito na talaga kami. Sweet sa isa't isa. Kaya nga more than bestfriend but not boyfriend.
"Hub.." Tawag ko ulit.
Di ba naman nasagot.
"Nobody..."
Isang tao lang ang tumatawag sakin niyan. At ang boses na yun, sauladong-saulado ko.
Napatayo ako at tiningnan kung sino ang nasa may pinto.
May multo!!!!
Joke lang.
Si Kyle andito.
Bakit sya nandito? Aawayin ako ulit dahil kay Mandy? Ayos lang. Manhid na naman ako.
"Can we talk?"
Dapat ko ba syang kausapin? Dapat na kaming mag-usap ng kaming dalawa lang? After one year ngayon ko lang nakaharap si kyle ng kalmado at malambot ang expression ng mukha.
Himala. Ano nakain nyan.
Isa pa, hindi na'ko mahal nyan eh. Bakit pa sya andito?
Pakatatag ka Chelsea. He hurts you badly kaya wag na wag kang madadala sa kaniya.
Manhid na'ko..
Manhid na'ko..
Manhid na'ko..
Manhid na'ko..
"Anong pag-uusapan natin? Busy kasi ako." Seryosong sabi ko.
Kahit miss na miss ko na siya. Kahit gusto ko siyang yakapin ngayon, pinipigilan ko ang sarili ko dahil masasaktan lang ako. Galit ako kay Kyle. Galit na galit ako sa kaniya dahil sinasaktan nya ako.
"About us."
I paused for a moment. About us?
What about us?
Shit lang.
Wala ng 'US'.