Akin Ka [Published under Sizz...

By asherinakenza

21.9M 253K 17.5K

Matagal nang pangarap ni Kyle ang pag-ibig ni Kei, ngunit mailap ang babaeng ilang taon na niyang sinusuyo. M... More

Akin Ka [Fin]
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Finale
Special Update #1
Special Update #2
Special Update #3
Special Update #4
Special Update #5
Special Update #6
Special Update #7

Epilogue

342K 4.5K 588
By asherinakenza

Epilogue


KEI'S P.O.V



Isang taon na ang lumipas, at dalawang taon na si Marcus at Ethan.


"Dada!Dada!!"


"Mimi!Mimi!!"


Napangiti ako sa pag uusap ng dalawang anak ko na nag uunahang tumakbo papunta sa swing.



"Careful baby..." Sabi ni Kyle habang inaalalayan akong maglakad papunta sa isang bench.



"Haay...salamat..." Hinahapo na sabi ko ng makaupo na ako. Katatapos lang kasing kuhanan ni Kyle ng mga pictures ang dalawang kambal, napakakulit, kaya bawat kilos nila may kuha ang asawa ko which is talaga namang nakakatuwa. Pero isang picture ang talagang nagustuhan ko, yun ay nung nahiga sa damuhan sila Marcus.



"Okay ka lang?"


Tumango ako... Nginitian niya ako at hinalikan sa pisngi.


"Isang buwan na lang baby... Konting tiis na lang." Sabi niya habang hinihimas ang namimilog kong tiyan, I'm eigth months pregnant, medyo natagalan ng kaunti bago nasundan sila Marcus.


Hinawakan ni Kyle ang kamay ko at marahan na hinalikan iyon, nakatuon pa rin ang mata naming dalawa sa anak namin na ngayon ay naglalaro dito sa park kasama ang dalawang Yaya nila.


"Hindi naman panaginip 'to di ba Mommy?" Biglang bulong niya, napatingin ako sakanya, ngiting ngiti ang asawa ko sa dalawang anak namin.


"Ano ka ba Kyle, magiging apat na nga ang anak natin tapos iisipin mo pang panaginip ito." Natatawang sabi ko sakanya, humarap siya sa akin at nagtama ang mata naming dalawa, nakakatuwa lang makita na hindi pa rin nagbabago ang emosyon sa mata niya, punong puno pa rin ng saya at pagmamahal ang mga ito. Bumaba ang tingin niya sa labi ko at napapikit ako ng sandali niya akong halikan, buntis na nga ako pero nanghihina pa rin ang tuhod ko sa mga halik niya sa akin.


Oo magiging apat na ang anak namin, kambal nanaman. Malapit ng maabot ni Kyle ang kota niya, apat na anak lang di ba? Haha. Nakakatuwa nga dahil isang lalaki at isang babae ngayon, medyo matagal nga bago namin nalaman kung ano ba ang kambal ngayon, kasi naman palagi silang tumatalikod kapag inuultra sound, pero kanina humarap na sila, kaya nga tuwang tuwa nanaman itong asawa ko, dahil may Prinsesa na daw siya at isang Prinsipe pa ulit.



"Pero seryoso baby...sobrang saya ko." Bulong niya at hinaplos ang tiyan ko.


"Ako rin Kyle...hindi ako nagsisisi na ikaw ang minahal ko ng ganito. Sana habang buhay na lang tayo ganito."


"Oo naman baby...kung may problema man na darating, ipangako mo sa akin na hinding hindi mo ako bibitawan. Dahil ako baby...kahit sobrang laki o bigat niyang problema na yan, asahan mong hindi kita iiwanan. Mahal na mahal kaya kita." Litanyan niya at hinalikan ang noo ko.


"Baby, anong ipapangalan natin?" Tanong ko.


"Ayos ka baby ah, tinatanong mo ulit ako. Pero kapag nagbigay naman ako hindi mo sinusunod." Natatawang sabi niya.



"Hahaha! Susundin ko na Kyle, dali na..." Ipinagpatuloy niya ang paghaplos sa tiyan ko.


"Osige baby...dahil isang babae at lalaki yan... Hmm, kailangan mala-royal baby..." Natatawa ako sa itsura ni Kyle dahil talagang ang lalim ng iniisip niya.


"How about, Prince Kyle and Princess Kei baby?" Nakangiting tanong niya.


"Hahaha! Tayong dalawa ba 'to baby?!" Natatawang tanong ko, ngumiti siya.



"Mukhang ayaw ng kambal ah, ibahin natin... Mga anak! Isang sipa nga jan kapag nagustuhan niyo yung pangalan!" Pilyong sabi niya!


"Hahaha! Parang makikinig sayo ah?"


"Malay mo naman baby...teka kung Prince Troy at Princess Monique kaya?"


Sandali kaming natahimik at nagkatitigan kaming dalawa ng sumipa ang isa sa kambal!


"Baby..." Na-aamaze pa rin si Kyle sa tuwing mararamdaman ng kanay niya ang pagsipa ng anak namin.



"Prince Troy and Princess Monique..." Bulong ko, at halos mapadiin ang hawak ko sa kamay ni Kyle dahil sa kalikutan ng dalawang anak ko sa sinapupunan ko.



"Hahaha! Gustong gusto nila ang pangalan Mommy..." Tuwang tuwa siya! Ilang sandali pa napansin naming nananakbo palapit saamin sila Ethan.



"Hahaha! Dada...dada...Mimi..." Napangiti ako, yan palang kasi ang kayang sabihin nila Marcus.


Binuhat ni Kyle ang dalawa at iniupo sa magkabilang hita niya.


"Amoy araw na kayong dalawa, masyadong masaya ang mga anak ko ah." Puna ni Kyle at hinalikan niya ang ulo ng dalawa.



"Naku sir, kapag nilalapitan namin para punasan ng pawis tinatakbuhan kami." Natatawang pagsusumbong ng isa sa mga Yaya nila Marcus...



"Aba, mukhang pilyo ang mga anak ko ah...may pinagmanahan." Bulong ko.


Tinignan ako ni Kyle.


"Anong sabi mo baby?!" Natatawang sabi niya! Umiling iling ako!


"Ikaw baby...pasalamat ka at buntis ka kundi mararamdaman mo talaga ang kapilyuhan ko mamayang gabi..." Sabi niya sabay kinindatan ako, nag init naman ang mukha ko dahil sa sinabi niya, naghagikhikan naman ang dalawang katulong na kasama namin.



"Ayos ba? Gwapo ko kasi." Sabi ni Kyle sa dalawang katulong namin.


"Napakayabang mo talaga." Natatawang sabi ko.


"Gwapo kasi ako baby... Kiss niyo nga si Daddy." Sabi ni Kyle saka tumungo para mahalikan siya sa pisngi ng dalawa, napangiti pa ako ng lumapit sa akin ang dalawang kambal at hinalikan din ako sa pisngi bago nanakbo ulit para maglaro.


Nakatingin lang ako sa asawa ko na ngiting ngiti habang pinagmamasdan ang mga anak namin, napalingon siya sa akin kaya naman nahuli niya akong titig na titig sakanya.



"Ang sarap ko bang paglihihan baby?" Pagyayabang niya! Hinampas ko siya sa braso niya!


"Tapos na akong maglihi noh!"


"Haha! Oo nga baby, ayos ka nga maglihi eh, panay ang lamutak mo sa mukha ko." Natatawang sabi niya at ipinulupot niya ang kanang braso niya sa bewang ko.



Nung naglilihi kasi ako trip na trip kong lamutakin ang mukha niya, ang gwapo kasi. Tapos yung abs niya nakakagigil haplosin! Ugh!


"Ako Mommy, wala ba akong kiss..." Bulong niya sa tenga ko, napatingin ako sakanya, at bago pa ako makapag salita inangkin na niya ang labi ko ng isang mariin at maingat na halik.


Masaya ako dahil sakanya ko ibinigay ng buong buo ang pagkatao ko, ang hindi ko lang makakalimutan na pagkakamali ko sa relasyon namin, ay nung panahong hindi ako nagtiwala sa nararamdaman niya at nararamdaman ko.


Dahil kailangan kapag nagmahal ka buong tiwala ang kaya mong ibigay sakanya, kahit nakatalikod pa siya o kahit sobrang layo pa niya. Dahil ang tiwala na yan ang magiging ugat ng pagmamahalan niyo. Asawa ko ang nagturo sa akin niyan, kaya naman sinasabi ko din sa inyo.


Isang lalaking ubod ng yabang, bilib na bilib sa sarili, gwapong gwapo sa sarili, well gwapo naman talaga siya at ang abs ang lakas makahatak ng babae... Pero ang lalaking yan ay ubod ng sweet, bait, at sobrang mapagmahal... Nag iisa lang siya...at siya ang asawa ko.


Hindi naman kailangan na perfect ang isang relasyon o ang isang tao para masabi mong siya na talaga ang para sayo, dahil ang mas importante, maramdaman mong mahal niyo at hindi niyo kayang mawalay sa isa't isa. Dahil kami, kami ng asawa ko ramdam na ramdam kong mahal namin ang isa't isa at alam kong hindi namin kakayanin na mawalay sa isa't isa.


Sana dumating ang araw na mahanap niyo rin ang taong magmamahal sa inyo ng buong buo at masabi niyo rin sa sarili niyo na siya ang Kyle Cando ng buhay ko.



"Mahal na mahal kita Kyle..."


______



KYLE'S P.O.V


"Mahal na mahal kita Kyle..." Napangiti ako sa pagitan ng halik namin ng asawa ko, takte hanggang ngayon nagwawala parin yung puso ko kahit na may mga anak na kami.


Kung dati pinapangarap ko lang siya, ngayon naman sigurado na akong akin siya.


Kung dati sinusungitan niya lang ako, ngayon naman patay na patay na sa akin ang asawa ko. Oo nga! Patay na patay na sa akin si Kei! Pero syempre kung patay na patay siya sa akin ako naman baliw na baliw sakanya.



Tinititigan ko ngayon ang napakagandang mukha ng asawa ko, tulog na tulog. Medyo mataba na ulit siya dahil nga buntis, pero hindi naman nagbago yung nararamdaman ko para sakanya, ganun pa rin eh. Kahit na ang taba niya yung puso ko nagwawala kapag nakikita ko siya.


Siguro nga kapag tinanong ako ng 'What is Love?' isa lang ang isasagot ko...yun ay ang pangalan niya.


"Daddy..." Tawag niya sa akin ng magising siya, hinalikan ko ang pisngi niya at niyakap ko siya, nagsumiksik naman siya sa dibdib ko.



"Yes Mommy?" Hinalikan ko ang ibabaw ng ulo niya, ang bango talaga ng asawa ko.


"Nagugutom na ako..." Bulong niya.



"Anong gusto mong breakfast?"


"Kiss..." Napangiti na lang ako, sabi naman sa inyo eh, patay na patay sa akin ang asawa ko. Tumingala siya sa akin at tinitigan ako.


"Kiss--" Bago pa niya matapos ang sasabihin niya inangkin ko na ang labi niya. Nakakaadik sobra, ayoko ng tigilan yung labi niya dahil sakanya lang naman ako nabaliw ng ganito, sakanya lang ako nagmahal ng sobra sobra... At sinisigurado kong siya lang ang nag iisa sa buhay at sa puso ko.


Siguro nga kabaliwan na angkinin ang isang tao na parang isang bagay, pero para sa akin kasi ang pang-aangkin kay Kei ang paraan ko para maiparamdam na mahal na mahal ko siya, na gusto ko angkinin niya rin ako kagaya ng ginagawa ko.
Hindi nga siya ang babaeng una kong nagustuhan nung bata pa ako pero siya naman ang nakapagpatibok nitong puso ko.



Kagaya ng sinabi ko noon, sisiguraduhin kong magiging akin siya, ngayon sigurado na ako na itong babaeng hinahalikan ko ngayon ay sa akin. Pinagtagpo ko ang mata naming dalawa at hinalikan ko ang noo niya bago sabihing...


"Akin ka...Kei Gonzales Cando..."

Continue Reading

You'll Also Like

72.1K 679 6
"The first time I saw you. You took all of me, especially my heart." Daniel Niccolo James Montezor Daniel Niccolo and Mikaela Tricia's first encounte...
1.7M 81.3K 83
Tired of endlessly messaging his famous vlogger crush in hopes of getting noticed, Cholo Cervantes finally gives in and installs a dating app to find...
22.8M 311K 48
#1inRomance 21/10/2021 & 17/12/2023 #1inGeneralFiction 17/12/2023 Their relationship started for all the wrong reasons--ego and money, to be precise...
924K 14K 35
Lady Taxi Driver is available in National Bookstore and Precious Pages Stores NATIONWIDE for ONLY P119.75. Please do grab a copy! Paki-tag po ako sa...