Loving Hunter Santilian

By portiaysabel_

81.3K 546 9

He's a mess.. a complete mess. He's broken, devastated, a total wreck. He's ruthless. But I know he just want... More

Hunter Santilian
Kabanata 01
Kabanata 02
Kabanata 04
Important Announcement
Huntress Santilian

Kabanata 03

4.1K 95 1
By portiaysabel_

Eksaktong dalawang linggo na mula ng sabihin ni Hunter ang makalglag panty nitong linya na "Make me forget." Hindi niya alam kung anong pakay nito o gagamitin ba siya nitong rebound, but who cares? This was her plan anyway, ang makalapit sa puso ni Hunter. Kailangan niyang gumawa ng effort kung gusto niyang makalimot ang binata. Tumunog ang kanyang iPhone at hindi siya nagkamali si Hunter nga ang tumatawag. Excited na sinagot niya iyon.

"Where are you?" tanong nito.

"Nandito lang ako sa bahay. I was waiting to your call." Nahihiyang pag-amin niya.

Hunter chuckled on the other line.

"Let's have dinner?"

"Okay. Magbibihis lang ako."

"See ya." Anito saka binaba ang tawag.

Mabilis pa sa alas kwatrong nagtungo siya sa kanyang kwarto. Sinundan naman siya ni Maxene na ngayon ay umiinom naman ng Zagu.

"Hinay-hinay lang, Arki, ha? Ayokong masaktan ka sa huli." Paalala nito.

"Ang totoong nagmamahal nasasaktan."

Umirap ito saka ibinaba ang hawak na inumin at mabilis na kinotongan siya sa ulo.

"Nagkakaroon ka na ba ng sakit? Unti-unti ka ng nagiging tanga dahil sa pag-ibig na 'yan."

"Max, ito ang plano 'di ba? We succeed napansin na niya ako. You should be happy because I'm happy."

"Hunter will be your downfall, Arki. Be careful, mahirap mahulog sa taong hindi ka handang saluhin. Masakit ang mahulog sa sahig."

"Negatron as it's finest!" aniya. Kinuha niya ang paborito niyang wrap up dress at tinernuhan ng two inch sandals niya. Muli niyang kinulot ang dulo ng kanyang buhok.

Nang makarinig ng busina sa labas ay mabilis siyang nagpaalam sa kaibigan saka lumabas na. Naroon na si Hunter at naghihintay sa kanya. He was all smiles, nakasuot pa ito ng three piece suit.

"I'm sorry, kagagaling ko lang kasi sa meeting." Anito saka siya pinagbuksan ng pintuan.

Habang nasa byahe ay nagkukuwentuhan silang dalawa. Nakabalik na pala siya sa kompanya nila. Good thing. Mukhang nakatulong ang pag-uusap nila noon ng tatay nito. Binawi na rin ng ama nito ang public apology na hinihingi.

"Saan mo gustong kumain?" He asked.

"I'm craving for pasta."

"Okay, pasta it is."

Hunter likes to spoil her. Simula noong nag-usap sila sa downtown ay naging mas malapit ito sa kanya. Araw-araw siyang dinadalaw nito, kung minsan ay nanonood sila ng sine sa bahay. Madalas ay pupunta ito sa kanila tapos ay magluluto siya o kaya naman magro-roadtrip sila hanggang madaling araw. Walang araw na hindi sila magkasama at mukhang nasasanay na siya ro'n.

Tumigil sila sa Paprika. Pagkababa ng sasakyan ay namataan na agad niya ang pamikyar na pigura. It was...

"Jimena." Narinig niyang sabi ni Hunter. His face softened.

Hinawakan niya ang braso ni Hunter ngunit hindi iyon pinansin ng binata sa halip ay nauna itong pumasok at mabilis na lumapit sa gawi ni Jimena. Agad naman niya itong sinundan.

"Hunter, let's go." Hinawakan niya si Hunter sa braso.

"Ji, please, let's talk." Anito na hindi pinansin ang sinabi niya.

"Hunter, wala naman na tayong dapat pag-usapan pa."

"I-I just want to..."

"Hunter," hinawakan nito ang kamay ni Hunter. Napalunok naman siya sa ginawa nito. "I'm happy. Please be happy as well. I have family now. You see, i'm pregnant to my second baby." Halata ang saya sa boses ni Jimena. "Take care and be happy. That's what I want... and please do it. Be happy, live again." Tumingin ito sa kanya saka ngumiti. A genuine smile.

May isang lalaking dumating at hinalikan si Jimena sa pisngi. Maybe it was her husband. Tinapik nito si Hunter sa balikat.

"Ice..." so that was his name.

"Whoa, so is this your girlfriend?" ani Ice. Siniko naman ito ni Jimena kaya nawala ang ngiti sa labi ni Ice.

"Yes. She's my girl. Courtney," umawang ang bibig niya sa inanunsyo ni Hunter.

Ngumiti naman si Jimena saka tumayo at nakipag-beso sa kanya.

"Nice to meet you."

Ngumiti naman siya.

"Mauna na kami, ha? Naghihintay na kasi ang baby namin sa bahay. Bye, guys. See you around!"

Sinundan nila ng tingin ang mag-asawa hanggang makalabas ang mga ito sa restaurant.

"What's that?" aniya.

"What?"

"Para saan ang pagsasabi na 'girl' mo ako. Puwede naman na hindi ka magsinungaling?" inemphasize niya pa ang girl.

"We're hanging out... that's the cue, you're my girl." Anito saka siya nilampasan at umupo sa upuan malapit sa bintana.

"stop playing with me Hunter." Aniya nang makaupo.

"Why? I'm playing on you." Anito saka binuklat ang Menu.

"I'm not your girl." Matigas niyang sabi.

"Not yet, but maybe one of this days." Halata sa tono nito ang kasiguraduhan.

Napaawang ang bibig niya sa sinabi nito. Kahit broken hearted ang playboy pa rin ni gago.

Nang matapos kumain ay inihatid na ni hunter si Courtney sa apartmemnt nito. Nagpaalam si Hunter dito at muling nagmaneho palayo sa bahay na iyon. Nakita na lang niya ang sariling nasa labas ng bahay ni Jimena. Nakita niya ito habang masayang nakikipagtawanan kay Ice sa balkonahe. Naramdaman niya ang panghihinayang kung sana lang hindi siya naging gago... kung sana inayos niya una pa lang. Sana... ang daming sana pero wala na siyang magagawa. Nangyari na ang lahat at wala na siyang magagawa pa para maibalik ang mga iyon. Ang kailangan niya ay makausad. Dahil sa totoo lang ay hirap na hirap siya. Mabuti na lang at kahit paano ay nababaling ang atensyon niya kay Courtney. Hidni niya maintindihan ang sarili, sa tuwing kasama niya ito ay masaya naman siya kahit paano ay hindi niya gaanong naiisip si Jimena. Pero kapag tutulog siya at muling gigising sa umaga. Nakakaramdam pa rin siya ng kahungkagan, dahil aminin man niya o hindi.

Si Jimena pa rin ang itinitibok ng puso niya.

Nagpasya siyang umalis na sa bahay na iyon at nagtungo sa pinakamalapit na simbahan. He prayed and cried his heart out. Ngayon lang siya umiyak ng ganito, kahit noong nawala sa kanya si Jaime. Basag na basag siya at parang wala ng pag-asang mabuo pang muli. Sa tuwing magigising siya sa umaga, hindi niya mapigilan na hindi kwestyunin kung bakit pa siya nagising. Habang tumatagal mas lalo siyang nahihirapan, pero alam niyang kailangan niyang magpatuloy. Dahil baka nga tama si Courtney, mayroong darating para isalba siya at iahon sa pagkalunod niya.

Kinabukasan ay maaga siyang gumising, katulad nang dati ay muli siyang nagtungo sa bahay ni Jimena. Ito ang bumubuhay sa kanya at nagbibigay determinasyon para sa araw-araw. Nakita niyang lumabas ito at bumili ng pandesal doon sa dumadaan na naka-bike. Bahagya pa siyang natawa sa pagtawag nito ng potpot sa magtitinda. Lumabas siya ng sasakyan at nagpakita rito.

"Good Morning," bati niya. Ngumiti naman ito. Gustong-gusto niyang haplusin ang mukha nito ngunit pinagbawalan niya ang sarili.

"Hunter? Ang aga mo, a? Nag-almusal ka na ba? Pasok ka," alok nito.

Sa halip na magsalita ay mabilis na niyakap niya si Jimena. Mukhang nagulat ito dahil nahulog ang hawak nitong pandesal. Sandaling katahimiakn ang namayani sa kanilang dalawa hanggang magsalita ito.

"H-Hunter..."

"Five minutes lang, Ji, para lang may sandata ako para ipagpatuloy pa ang lahat ng 'to. Saglit lang..." he said in a very low voice.

"Hunter, stop this," kumawala siya sa yakap. Hinilot ni Jimena ang sentido niya. "I loved you with all my heart, Hunter. Nagpakatanga ako sa 'yo naging martyr. Pero lahat ng pagmamahal nawawala kapag hindi pinapahalagahan at gano'n ang nangyari sa 'tin. Napagod ako at nakahanap ng taong susuklian ang pagmamahalan ko. At alam kong gan'n rin ang mangyayari sa 'yo makakahanap ka ng taong magmamahal sa 'yo katulad ng pagmamahal mo sa kanya o baka nga mas higit pa. Hunter, sa lahat ng nangyari sa 'tin, alam kong mabuti kang tao. That's why you are deserved to be loved."

Kumawala na ang luha niya sa mata. Hinawakan ni Jimena ang kamay niya at hinaplos ang pisngi niya.

"I'm so sorry, Hunter, but please sana huli na ito. Move forward, and be happy." Anito saka pinulot ang pandesal at pumasok na sa loob ng bahay nila.

Sumakay siya sa sasakyan niya at nagmaneho kahit hindi niya alam kung saan siya pupunta. Hanggang sa namalayan na lang niyang nasa labas na siya ng apartment ni Courtney. Umupo siya sa pavement, hindi niya inintindi ang init ng araw na tumatama sa kanyang balat.

"Hunter?" si Maxene ang nakakita sa kanya. Mabilis na pumasok ito sa bahay at nang makabalik ay kasama na nito si Courtney.

"Hunter? Anong ginagawa mo dito?" nagtatakang tanong nito. Hindi pa rin siya natitinag sa kinatatayuan.

Nagtama ang mga mata nila. Yumuko ito upang magpantay sila.

"Are you okay?" bakas sa boses nito ang pag-aalala. "Hunter?" tinapik pa nito ang kanyang pisngi.

"I'm tired..." iyon lang ang tanging lumabas sa kanyang bibig. Nangunot ang noo ni Courtney sa kanya.

"Tara sa loob. Mainit dito, Hunter," hinawakan nito ang braso niya.

"Okay ka lang ba, Hunter? You look pale." Ani Maxene.

"I'm just tired."

Nang makapasok sila sa loob ng bahay ay pinaupo siya ni Courtney sa sofa. Nagtungo ito sa kusina. Isinandal niyta ang ulo niya sa sofa at pumikit. Kahit nakapikit si Jimena pa rin ang naiisip niya.

"Here," iminulat niya ang mata at nakita niyang may dalang tsaa si Courtney. "Drink this."

"Thank you."

Hinaplos nito ang buhok niya at pisngi.

"Natulog ka ba? You look so pale."

Ngumiti siya saka sumimsim sa tsaa na hawak niya.

"Nagpunta ako kay Jimena."

"What? Are you insane?"

"I just wanted to see her..."

Hinilamos ni Courtney ang mukha niya. She look pissed.

"Anong katangahan na naman ba 'yan? Paano ka makakalimot kung palagi kang bumabalik at tumitingin sa taog dapat mo nang kalimutan? Hunter, kailangan mong tulungan ang sarili mo."

"Madaling sabihin sa 'yo 'yan, Courtney, dahil hindi mo naman alam ang nararamdaman ko." Natawa naman ito sa sinabi niya.

"Believe me, I knew that fuckin feeling."

Huminga siya ng malalim.

"Alam ko ang pakiramdam ng magmahal sa taong may mahal na iba. Alam ko ang pakiramdam na gabi-gabing nagdarasal na sana ako na lang ang taong minamahal niya, na sana ako na lang... Alam ko ang pakiramdam ng magmahal sa taong hindi pa tapos magmahal ng iba." Anito na mukhang pinipigilan ang luha.

Ibinaba niya ang tasa saka tumayo. Ang akala niya ay puwede niyang kausapin ng maayos si Courtney ngunit heto naman sila at nagtatalo.

"Stop doing stupid things, Hunter. Ikaw lang ang makakatulong sa sarili mo. If you want to forget her, let go and accept everything including the fact that she's not yours anymore." 

Continue Reading

You'll Also Like

626K 3.8K 8
"Wag mong susubukang magbitaw nang salitang sa huli ikaw din ang lulunok at kakain ng mga sinabi mo.. Dahil maaring ngayon kinamumuhian mo sya, bukas...
24.1M 707K 34
She was kidnapped by the mafia prince, Lander Montenegro, at the age of five. He stole almost half of her life, so it's only fair that he repays her...
131K 3K 43
Mula ng makita ni Jazmine si Kyle, ipinangako na niya sa sarili na gagawin niya ang lahat para mapansin nito. She may be a stubborn brat pero seryoso...
22.4K 476 16
He was once hers. She exactly know how to be his girl, how it feels to be loved by him, to receive those seering stares, melting smiles and warm hugs...