After one year..
Chelsea POV
"Bagay na bagay sa'yo yang wedding gown Chelsea!" Nakangiting sabi ni Janna.
"Talaga?" Kasi naman baka hindi bagay.
Tumango pa si Janna habang nakangiti. "I promise. Nasaan na ba yung groom mo?" Tanong nya.
"Andun pa sa fitting room." Sagot ko.
Andun pa kasi si Adrian sa fitting room habang sinusuot yung kanyang white tuxedo.
Maya-maya ay lumabas na din si Adrian. Ang gwapo niya sa suot na tuxedo. Grabe. Makalaglag panty talaga ang ka-gwapuhan ng hub ko.
"Ay bongga Adrian, bagay na bagay sa'yo ah." Puri ni Janna.
"Ako pa ba?" Sabi ni Adrian saka humarap sakin. "Ayos ba hub?"
I showed him my two thumbs up. "Superb!"
"Ready na ba?"
Ayan na si baklitang manager. Start na pala ng pictorial. "Janna, wait for us nalang ha? Sandali lang naman 'to." Sabi ko.
"No need to say it okay? Go na. Baka ma-highblood pa si Manager nyo."
"Okay." Sagot ko. Inalalayan ako ni Adrian papunta sa pictorial area.
Oo nga pala. Marami ng nangyari sa loob ng isang taon. Dito ako mas naging matapang dahil na rin sa tulong ni Janna.
Nung iwan ako ni Kyle one year ago, wala akong ginawa kundi ang magmukmok. School, condo lang ang routine ko. Namayat nga daw ako nun.
Pero one day, pinilit ako ni Janna na tumambay sa mansyon nila and poof! Kung anu-ano ginawa nya sakin. Tinuruan din nya ko mag-ayos at mag-make-up.
Sabi kasi nya, mas makakabuti kung libangin ko muna ang sarili ko habang naghihintay kay Kyle. Pumayag naman ako hanggang sa hindi ko na pala namamalayan na natuto na'ko mag-ayos. Pati sa pananamit, nag-iba na rin ang taste ko. Mula nga noon, ang dami ng nanliligaw sakin. Pero syempre, on-guard sina Adrian at James.
Wala naman akong pinagsisihan sa mga pagbabago sa'kin. Isa pa, pinangaralan na ako ni Janna. She told me na pagbalik ni Kyle, wag na wag akong magmakaawa which is yun talaga dapat gagawin ko kasi mahal na mahal ko si Kyle.
Sabi ni Janna, ipakita ko daw kay Kyle kung anu yung binalewala niya. Kumbaga, para magsisi siya sa ginawa niya sa'kin. Na malaking kawalan ako sa kaniya.
Hindi ko nga alam kung makakaya ko. Kasi baka mamaya pag nakaharap ko na si Kyle, diko na mapigilang magmakaawa sa kaniya na balikan ako.
Pero sabi nga ulit ni Janna, sigurado naman daw na susuyuin ako ni Kyle once na malaman na niya yung totoo. At dapat daw magmatigas ako. Ipakita ko daw na kunwari wala na akong pakialam sa kaniya. Na wala na akong nararamdaman. Hayaan ko daw siyang magdusa bilang kabayaran sa pagdudusa na naranasan ko.
Ewan ko lang kung masusunod ko yung sinabi ni Janna.
Oo nga pala. Hindi ko rin pala expected. Model na'ko! Pati si Adrian. Mula kasi ng matuto akong mag-ayos at manamit ng maganda, may nakapansin na yata ng beauty ko.
May baklitang manager na kumuha samin ni Adrian. Nagmo-model kami ng kung anu-anong damit. Tulad ngayon, wedding yung theme kaya yun ang mino-model namin ngayon.
Akala nyo ikakasal na'ko 'no?
Sa loob ng one year, si Adrian ang lalaking nag-alaga sakin at nagparamdam ng pagmamahal. Hindi kami. Wala kaming relasyon pero super close na kami. Parang M.U ganun. More than bestfriends. Sanay na sanay na nga ako sa presensya niya. Daig pa nga namin mag-jowa. Kasi naman may tawagan kami. Si Adrian may gusto nyan. Hub yung tawagan namin.
Akala nyo kami na ni Adrian 'no? Syempre hindi. Si Kyle pa din laman ng puso ko. Kinakabahan na nga ako sa pagbabalik niya.
Hindi ko alam kung handa na'ko. Hindi ko alam kung mapapanindigan ko yung sinabi sakin ni Janna na dapat kong gawin.
Kaya ko kayang magpanggap na hindi ko na siya mahal? Kaya ko kayang magpanggap na wala na akong pakialam sa kaniya? Ewan.
♡
Kyle POV
Malapit ng lumapag ang airplane sa NAIA Terminal.
After one year, nakabalik na ako dito sa Pilipinas. Ni wala akong balita sa lahat. Sinadya ko talagang alisin ang communication kahit sa tigers. Ayoko kasing magkaroon muna ng connection sa kanila.
"Honey, may susundo ba sa'tin?"
Si Mandy nga pala kasama ko pauwi. Siya yung nakasama ko sa Korea. Hindi ko nga akalaing accidentally ay andun din siya.
Hindi naman kami. Walang kami. There is one girl who still in my heart. Feeling lang nitong si Mandy. Hinahayaan ko nalang sya sa ka-desperadahan nya.
Bigla akong napaisip. Kumusta na kaya sila? Si nobody, sila na ba nung lalaking kasama niya sa picture? Lumantad na ba sila? Galit pa din ako sa kaniya pero mahal ko pa din sya.
Ayoko nalang na magpakatanga sa kaniya ngayon.
"Honey?"
"Could you please shut up?" Saway ko kay Mandy. Nagmumuni-muni ako e.
Ganito kami. Lagi ko siyang nasisigawan pero balewala lang sa kaniya. Maka-asta talaga akala mo girlfriend ko siya. She even tweet it. Na kami na daw. Tch.
It's a big day. Nasabihan ko na naman ang tigers. At mamayang gabi, may welcome party ako sa mansyon. Invited naman silang lahat. Lahat. Kasama si nobody.
Anong masama?
Mahal na mahal ko pa din ang babaeng yun. Pero hindi ko na sya kayang balikan dahil sa ginawa nya saking panloloko. I'm a better man now. Ibang-iba na'ko.
♡
Chelsea POV
Natapos na din yung pictorial.
Aish. Kasi naman. Ito na nga lang sideline ko para magkapera. 2nd year palang kami sa SWU. Dalawang taon pa bago ako maka-graduate kaya kailangan kong mag-sideline kahit papano.
Doon pa rin pala ako nakatira sa condo unit na bigay ni Adrian. Nakakatawa lang kasi laging andun sina James, Adrian at Janna. Minsan nga dun na sila natutulog. They are really the best circle of friends.
Maswerte ako dahil andyan sila sa tabi ko. Sila yung nagsilbing sandalan ko nung time na down na down ako.
"Hub. Tara kain." Yaya ni Adrian. Langya. Hinalikan pa'ko sa pisngi. Wala. Sanay na'ko sa ka-sweet-an ni Adrian.
Kung hindi ko lang mahal na mahal si Kyle, malamang si Adrian na ang boyfriend ko ngayon.
Ang bait na, ang sweet pa at maalaga. At higit sa lahat, naniniwala siya sakin. Unlike Kyle. He didn't trust me at all.
"Sige. Tara Janna." Sabi ko.
Sabay-sabay kaming lumabas. Naka-akbay pa sakin si Adrian. Parang boyfriend diba.
"Saan tayo kakain hub?" Tanong ko.
"Sa Max's. Andun na si James eh. Naghihintay." Sagot nya.
"Hm, okay."
Maya-maya ay nakarating din kami sa Max's. Andun nga si James.
"Myloves!" Sigaw nya sakin.
Isa pa yang si James. Naiinggit daw siya dahil may tawagan kami ni Adrian kahit di naman kami. Kaya ayun gumaya. Myloves tawag sakin. Nakakatuwa sila.
Baka iniisip niyo malandi ako. Hindi po. Talagang close nalang kami ngayon. Best of friends.
Si Kyle lang naman nag-iisip na malandi ako.
Hay naaalala ko na naman.
Naupo na kami sa pang-apatan na mesa. Then we take our order.
Kriinnnnnnggg..
Tumunog yung iphone ni Adrian.
"Yes? Okay sige sige. Seven pm."
Nang matapos yung tawag ni Adrian, humarap siya sakin.
"He's back."
He's back..
He's back..
He's back..
He's back..
Paulit-ulit siya sa isip ko. He's back?
What to do? Eto na naman yung kaba ko.
"Remember what I've told you Chelsea?" Tanong ni Janna.
Tumango ako. "Yup."
"Panindigan mo yun. You're brave okay? Pigilan mo ang sarili mo. Wag na wag kang magpapakita kay Kyle ng kahinaan mo. Okay? Mas madali mo siyang mapapa-in-love ulit sayo 'pag kahit papano ay papakipot ka."
Sabi kasi nina Adrian, pagdating na pagdating ni Kyle, sasabihin nila yung totoo at ipapakita yung mga nakuha nilang ebidensya na set-up lang ang nangyari sakin nun. Hindi naman agad ako umaasa na pag nalaman an ang totoo ay agad-agad, babalikan niya 'ko. I know na marami ring nangyari sa isang taong pamamalagi niya sa korea. Baka nga may iba na yun. Aish.
Tumango ulit ako. "Okay. Fighting!"
"FIGHTING!!"