The Heartless

Oleh iamanncollins

559K 3.4K 107

ALTAMONTE SERIES: Clarke Altamonte Amanda Carlin Castillejo, secretly in love with her best friend's fiance... Lebih Banyak

The Heartless
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 4
Chapter 5
ALEXANDER'S KRYPTONITE

Chapter 3

12.6K 406 9
Oleh iamanncollins

I was walking along the field. As usual wala na naman akong kasama. Si Freya? Iniwanan na naman ako. Malamang na magkasama sila ni Clarke ngayon.

Umupo ako sa isang bench. Kinuha ko ang sandwich na pinabaon sa'kin ni mama. College na ako at pinapa baonan pa rin ako ni mama. She loves babying me, dahil nag-iisa lang ako. Hindi na kasi pwedeng magka anak pa si mama. She had undergone ovarian operation when I was in high school, dahilan na hindi na ako nasundan pa.

Kinuha ko rin ang sketch pad ko. My past time when I'm alone and bored. Dito ko ginugugol ang oras ko. Mahilig ako mag drawing ng kung ano-ano lang ang pumasok sa isip ko. I was distracted by the noise of students when the basketball team passes by.

"Oh, my gulay! Sana kahit isa man lang sa kanila maging jowa ko!" Sigaw ng isang babae. May grupo ito at marami silang tumitili.

"Ha! Asa kang bruha ka! Mag pasalon ka muna bago mangarap."

"Hmp! Ito naman, kumukontra agad!"

Napailing na lang ako saka itinutok muli ang attention sa ginagawa.

"Hi girls!" One of the member of the team.

"Gooooosh! Rinig niyo yun? Eeeeeee!"

I shook off my head, mga gwapo silang lahat pero nasa iisang lalaki lang nakapukos ang attention ko. At wala siya ngayon, marahil magkasama talaga sila ni Freya. I continue sketching and ignore the screaming around.

I've been sketching this house for 2 days already. At malapit ko nang matapos ang dream house ko. Someday, when I have my own family this is the house I wanted to build. Together with my husband and kids.

I smile in my thought. I've been thinking this for so long, maybe it's the right time to let go of my feelings for Clarke. I should have set myself free from loving him. He's not the only man in the world but I guessed I won't be able to get my heart back from him. Because he owns it without his knowledge.

They said, there's more to life than dwelling on things that wouldn't be yours. But there's no law inhibiting to love a person who doesn't sees you as someone they might want.

I'm hopeless! Kung pwede lang isigaw ang nararamdaman ko sa kanya sa field na ito ay gagawin ko. But nah! I'm not that desperate. I value my peacefulness, no hassle, no gossiping about me. Tama nang tahimik ang buhay ko sa university na 'to.

Nakita kong papasok sina Clarke at Freya. Naka basketball uniform si Clarke. So, nanuod pala si Freya. Sabagay, MVP ang boy friend niya. Hay! ano ba 'tong iniisip ko. I should be happy for both of them. Engaged na sila. They both laughing, naka kawit si Freya sa braso ni Clarke at ang mga audience sa paligid ay puno ng inggit ang mga mata, including me.

Tumungo ako at ipinagpatuloy ang ginagawa. I snapped out the unhealthy thoughts that wouldn't help in my system. Pasimple kong tiningnan ulit sina Clarke at Freya. Malayo na sila, hindi nila ako napansin dahil sobrang abala nila sa isa't-isa.

I'm the opposite of my best friend, magkabaliktad kami sa lahat ng bagay. Siya 'yung madaldal, ako ang tahimik. Sa aming dalawa siya ang madalas mapansin. Maganda siya, at taglay ang katawan na pang rampa. Samantalang ako, nakatago sa malaking salamin ang mga mata ko, naka braces at makapal ang kilay. Magkasing taas kami ni Freya, at okay naman ang cup size ko. 'Yun nga lang unnoticeable ako.

Anyway, I'm not into fame. I'm here to study. I smile when I finished my sketched. Highlights na lang ang kulang. It looks real! Satisfaction filled in my heart.

"Hi!"

Napalingon ako sa pinanggalingan ng tinig. I saw a man standing behind me. He's smiling! Geez! Gwapo. But not my type, oh, wait! Siya iyong nakatama ng bola sa noo ko noong isang araw. Hmm, ano'ng ginagawa niya kaya rito?

"Hello." Kimi kong bati, "may kailangan ka?"

He smiled again. A friendly smile. So I did, I smiled back. I don't want to be rude. Nakapamulsa siyang lumapit sa bench, umikot siya sa kabila at naupo. Dali-dali kong isinilid sa bag ang sketch pad ko. Ayokong may makakita ng ginagawa ko, lalo na't hindi ko siya kilala.

"I'm Alfred." He extended his hands to me, "a-ako..." napakamot siya ng ulo. "Ako nga pala 'yung nakatama ng bola sa'yo sa gym noong isang araw, sorry nga pala."

"Sorry hindi ako nakikipag-kamay."

Medyo awkward siyang tumawa at hinila pababa ang kamay.

"Galit ka pa ba sa 'kin?" He asked.

"Bakit naman ako magagalit sa'yo? Sabi mo nga hindi mo sinasadya 'di ba?"

"Sorry talaga, hindi ko talaga sinasadya." Napakamot siya sa ulo. Siguro kong sa ibang babae. He looks cute but for me? Walang epekto ang charms niya. I feel bad. Ang sama ko, kasi hindi man lang umipekto sa'kin ang pagpapa-cute niya. Pero parang may kakaiba sa kanya.

"Na-isturbo ba kita?"

Gusto ko sanang sagutin ng oo, pero mukhang mabait naman. Umiling na lamang ako. Hindi ako sanay makipag -usap sa iba maliban kay Freya at Clarke. And I don't know how to start a conversation with him. How I wish he noticed me that I don't want his company.

...
"BES! Sama ka sa amin."

I turned my gaze to Freya.

"Saan?"

"Sa labas, may dinner ang basketball team. Sasama ang ibang girls. Sumama kana rin."

"Ano ako, gawin niyong chaperon? 'Wag na!" Inayos ko ang mga libro ko at isinilid sa bag. Katatapos lang ng last subject namin at uwian na.

Nakakabingi ang ingay ng mga kaklase namin. Parang high school lang. Umikot ang magagandang mga mata ni Freya.

"KJ mo talaga. Chaperon agad? Marami tayong girls, kaya sige na bessy! Please, please?" She hold my arms while pleading as if it is effective to me.

"Hay, naku! Tigilan mo ako Freya. Ikaw okay lang sa'yo, kasi nandon ang fiance mo. Eh ako?" I pointed myself, " look at me? Mukha ba akong bagay isama sa grupo?"

Umingos siya sa 'kin.

"Bakit maganda ka naman, ah? Saka, huwag mo ngang i-down ang sarili mo, bes. You're pretty, kaso tinatago mo diyan sa malaking salamin mo at sa palaging naka ponytail mong buhok. Kaunting make over ka lang, bes. Magiging girl crush kana ng buong campus like me."

Ang lakas lang ng hangin ng isang 'to. I rolled my eyes ceilingward. Ayoko pa ring sumama. Mas gugustuhin ko pang magmukmok sa bahay kaysa lumabas.

"Sorry, bessy. It won't work. Hindi pa rin ako, sa.sa.ma. sa.inyo, the end. Ciao! Enjoy the dinner, bes!" Tumakbo ako palabas na tumatawa habang siya ay iiling-iling. Ngunit napahinto ako malapit sa pinto nang makita si Clarke na nakatayo roon kasama ang teammates.

Sandaling nagkatitigan kami. Kimi akong ngumiti, tumango naman siya sa 'kin. Tumungo ako at pinagpatuloy ang paglabas. Binaliwala ko ang mapanuyang tingin ng teammates niya sa 'kin.

I'm not geek. Hindi naman ako manang manamit. I just love wearing round glasses and braces. Parang si Betty Lafea. Malayo na ang agwat ko sa kanila ngunit rinig ko ang pag-uusap at tawanan nila.

Mga lalaki nga, laitero naman! Pagkalabas ng university ay pumara na ako ng taxi diretso sa bahay. This is how my day end in university.

...
Pagkapasok ko nabungaran ko sina mama at papa. May bisita? Napahinto ako sa paghakbang nang mapagsino sila. Sabay natuon ang mga mata nila sa 'kin. Si mama ay tumayo at sinalubong ako.

"Ang aga mo ngayon."

"Maagang natapos ang klase ko, 'Ma."

Lumapit ako sa mga bisita at nagmano isa-isa. Mga magulang ni Clarke ang bisita namin.

"Kay gandang bata. Ilang taon ka na, iha?" Mama ni Clarke.

Ngumiti ako. "Salamat po. 18 na po ako."

"Naku, bagay na bagay kayo ng binata naming si Clarke." Singit ng papa ni Clarke na sinang-ayunan naman ng asawa nito.

Kimi akong ngumiti. Bumaling ako kay papa at naupo sa tabi niya. Papa knows everything about me. Inakbayan niya ako, si mama ay naupo rin sa tabi namin.

"Bagay nga ang mga bata, kumpare."

Lihim kong siniko si papa. Alam naman niya ang lagay namin ni Clarke, pero heto siya't ginagatungan pa ang nais iparating ng mag-asawa.

"Naku, maghahanda na muna ako ng hapunan natin. Dito na kayo maghapunan, mare, pare." Tumayo si mama at pumasok sa kusina.

"So, kamusta kayo ni Clarke, iha? Nagkakasama rin ba kayo sa loob ng campus?" Ang papa ni Clarke.

"Madalang lang, ho. Ahead kasi si Clarke sa 'kin, saka 'yung girlfriend niya ang madalas niyang kasama."

Nakita ko kung paano nangunot ang noo nilang mag-asawa at nagkatitigan pa.

"Girlfriend? May girlfriend si Clarke? Abay, ang batang iyon. Hindi man lang sinabi sa amin." Wika ng papa ni Clarke.

"Sorry po ang daldal ko. Baka magalit si Clarke at nasabi ko sa inyo 'to."

"Naku, huwag kang mag-alala, iha. Ikaw ang gusto naming maging manugang at hindi ang kung sino man."

Naalarma ako sa pagkasabi ng papa ni Clarke, may pinalidad iyon. Ayoko pa naman ng away. Baka parehong magalit ang dalawa sa 'kin kapag nalaman nila na ako ang nagsabi.

"A-ah... tito, mga bata pa naman po kami, natural lang naman na magka-girlfriend si Clarke."

"Tama ang anak ko, kumpare. Hayaan niyo na muna ang binata niyo. Total, may isang taon pa si Carlin sa kolihiyo. At si Clarke, magtatapos na. Saka na natin pag-usapan ang tungkol sa kanila kapag nakatapos na itong anak ko."

Kumabog ang dibdib ko. Ibig sabihin ipinagkasundo kami ng mga magulang namin? And how come na hind alam ng mga magulang ni Clarke ang tungkol kay Freya? Engaged na sila, ngunit walang alam sina tita at tito. Oh, my! May bahagi ng puso ko na masaya at mayroon ding malungkot. I want to be loved by him pero sana iyong kusang pagmamahal. Ayoko manlimos!

Mahaba-habang pag-uusap ang namagitan sa mga magulang namin. Hindi ko alam kung ano ang pinag-usapan nila dahil pagkatapos maghapunan ay bumalik na ako sa aking silid. Hinayaan ko sila na mag-usap. Hinarap ko na lamang ang laptop ko.

I viewed Freya's account, my new uploaded photos siya. I mean marami sila at nagkakasayahan. May mga stolen shot din nila ni Clarke na sobrang sweet. Parang pinipiga ang puso ko, pero ano nga ba ang magagawa ng lihim na pagmamahal ko kay Clarke? Wala. As in wala.

I wipe my tears away. Bakit ba ako nasasaktan gayong wala naman silang ginagawa sa'kin? Pinapahirapan ko lang ang sarili ko. Pareho silang in a relationship at engaged na ang nakalagay. I closed my laptop bago pa muling tumulo ang mga luha ko.

Tumihaya ako sa kama. I removed my eye glass. Inabot ng kamay ko ang maliit na salamin sa loob ng drawer sa gilid ng bedside table ko. I look at myself... sino nga naman ang magkakagusto sa kagaya ko? Aside sa makapal na kilay ko, ang pangit siguro ng braces ko. Saka ang malaking bilog na salamin ko. Makinis din naman ako, matangos ang ilong. Gusto ko kapag nagkagusto sa'kin si Clarke ay sa ganito kong hitsura hindi dahil sa binago ko ang sarili ko.

Ayokong mahalin niya dahil sa nagbago o naging maganda ako. Gusto kong mahalin niya ang lahat ng kapangitan ko. Kung ano at sino ako. Pero asa pa ako! Matigas lang talaga 'tong ulo ko.

Ibinalik ko ang salamin. Kinuha ko ang phone ko, I have his photo in my phone pero nakatago at stolen shot iyon. Mahirap nang mahuli. I am silently obsessed with him. But I know how to distance myself. Mayroon pa akong delecadeza.

"Why can't I get you out of mind? Hindi ko ginustong mahalin ka, kung pwede lang palitan ang puso ko para pain free na ako ay gagawin ko. Ang hirap mong abutin, kasi komplikado.
So here I am, have to be contented looking at you from a distance."

This is how painful to love your best friend's boyfriend. Painful as knife. It stabs you unconsciously.

TBC

Lanjutkan Membaca

Kamu Akan Menyukai Ini

1.7M 68.5K 60
It all started with a facial hit by the outside spiker Roen Alejo to the rookie libero Kai Reyes.
4.8M 317K 73
He is trouble incarnate. While she's a studious, well-mannered student, he's a delinquent who gets tangled up in all sorts of problems. They are comp...
110K 3.8K 15
[PROFESSOR SERIES II] Astrea Zaire Luceria thought she was incapable of loving someone. But the moment she laid her eyes on a certain Art Professor...
2.3M 149K 52
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...