My Fiancé Since Birth(Complet...

By kagome_Annah

9M 136K 7.9K

Van o Vincent? Hindi malaman ni Alex kung sino sa dalawa ang kanyang pipiliin. Si Van na fiance nya mula nan... More

My Fiancé Since Birth<3
One
Two
Three
Four
Five
Six
Seven
Eight
Nine
Ten
Eleven
Twelve
Thirteen
Fourteen
Fifteen
Sixteen
Seventeen
Nineteen
Twenty
Twenty one
Twenty two
Twenty three
Twenty Four
Twenty five
Twenty Six
Twenty Seven
Twenty Eight
Twenty Nine
Thirty
Thirty One
Thirty Two
Thirty Three
Thirty Four
Thirty Five
Thirty Six
Thirty Seven
Thirty Eight
Thirty Nine
Forty
Extra one: Confirm: Mamamatay na ako!
Extra Two: Maghiwalay na kayo!
Extra Three: Ang Parusa at Premyo
Extra Four: Average Girl
Extra Five: Tiwala
Extra Six: Game on
Extra Seven: Maghiwalay na tayo!
Extra Eight: VAN hindi excited maging daddy?
Extra Nine: Paglilihi
Pinakahuling Extra: Katapusan

Eighteen

174K 3.3K 357
By kagome_Annah

 Eighteen

Alex POV

Parang ang init ng pakiramdam ko. Iminulat ko ang aking mata at disoriented na tiningnan ko ang paligid ko. Bakit parang iba ang kwarto? Napabaling ako sa left side ko and there I saw Vincent. Naalala ko na  na nasa condo nga pala ako ni Vincent. Nanlaki ang mata ko kasi nakayakap si Vincent sa akin. Pakiramdam ko namula ang aking mga pisngi. Shocks! Nakakarami na ako ngayong araw na ito. Ako ba ang yumakap sa kanya ? Ipiniling ko ang ulo ko kasi tanda ko naglagay naman ako ng harang na unan sa pagitan namin pero bakit nasa tabi nya na ang unan?Siguro habang tulog kami hindi sinasadyang nailipat nya ang unan. Tama ! Ganoon nga siguro ang nangyari. Impossible namang gusto nya akong yakapin. Bigla akong nahiya sa naisip ko. Ang kapal ko namang mag-isip ng ganoon. Average girl lang ako kaya impossibleng magkagusto sya sa akin. Tama na nga! Ang sakit sa ulo.Hinawakan ko ang braso ni Vincent na nakayakap sa akin. Ang init kaya pala ang init ng pakiramdam ko kasi ang init nya.  Dahan-dahang inalis ko iyon sa katawan ko. Maingat ang galaw ko para hindi sya magising.

Bumangon ako at kinuha ko ang thermometer. Dahan-dahan kong inilagay sa under arm nya. Then 'yung  bimpo binasa ko at inilagay ko sa kanyang noo. 

Ting!Ting tunog yan ng thermometer. OMG! Ang taas na naman ng lagnat nya. Kaya  pala sobrang init na naman nya.  Anong klaseng bantay ako? Sinabayan ko ng tulog ang binabantayan ko kaya tumaas na naman ang lagnat.  Sisi ko sa sarili ko.

Kinabahan na ako. Ano ba ang gagawin ko ? Ang taas ng lagnat ni Vincent.  

'Yung mga  barkada nya. Tama ! Kailangang matawagan ko sila.

Kinuha ko ang iPhone ko then dial ng number ni Caden.

After ng ilang ring ...

 

"Yow! Alex bakit absent kayo ni Vincent?" bungad na tanong nya.

"Caden ang taas ng lagnat ni Vincent" nagpapanic na sabi ko sa kanya. Medyo nanginginig ang boses ko.

"Alex calm down. Huminga ka muna ng malalim"  ginawa ko naman ang sinabi nya. " Okay, nasa condo ba kayo ni Vincent?" tanong nya.

""Yes!" pasigaw na sagot ko kasi si Vincent  parang nagchichill na. Lumapit ako kay Vincent at kinumutan ko sya.

"Okay pupunta na kami dyan."






"Pakibilisan kasi nagchichill na si Vincent" natatarantang sabi ko. 

"Sige" Then ibinaba nya na. Ako naman hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.

"Vincent ano ba ang nangyayari sa 'yo?" maluhaluhang tanong ko. First time kong mag-isang mag-alaga ng may sakit kaya hindi ko alam ang gagawin sa ganitong sitwasyon.

"ASSSSShhh" sabi ni Vincent. May sinasabi sya pero hindi ko maintindihan.

Niyakap ko sya kasi sa tingin ko nagdedeliryo na sya sa taas ng lagnat nya.

"Xandra iloveyou" paulit-ulit na bigkas ni Vincent.

Napatigil ako. Sinong Xandra? Sya ba ang fiancee ni Vincent? 

"Xandra I loveyousomuch. Dito ka lang sa tabi ko" malabong sabi nya pero rinig na rinig ko. Para akong tinusok ng maliliit na aspile sa aking puso.  Ako ang kasama nya pero ibang  pangalan ng babae ang tinatawag nya.  Oo nga halos pareho kami ng pangalan pero hindi naman nya ako tinatawag na Xandra , ang tawag nya sa akin ay Alex kaya impossible ako ang sinasabihan nya ng I love you. 

Ang sakit-sakit. Naghalo na ang  sakit at takot na nararamdaman ko. Tulo na nang tulo ang aking mga luha at hindi ko mapigilan. Wala naman akong karapatan kay Vincent kasi may mahal na syang iba. Mag papakasal na sya sa ibang babae at ako may roon na ding fiance.

Dingdong!   Tunog ng doorbell. Sila Caden na siguro yun.

Pinunasan ko ang aking mga luha at inayos ko ang aking sarili. Then bumaba na ako para pagbuksan sila.

"Nasaan si Vincent?" tanong ni Matheo pagkabukas ko ng pinto.

"Sa kwarto nya" sagot ko naman.

 May pagmamadaling tumungo sila sa kwarto ni Vincent.

Chineck nila ang lagay ni Vincent. " Brod kailangan na nating dalhin si Vincent sa hospital . Ang init nya."  sabi ni Caden.

"Oo nga then salita pa ng salita. Tinatawag si Xandra"  nag-aalalang sabi naman ni Ian.

They looked at me " Ahh ehhh si Xandra ang fiancee nya" paliwanag ni Matheo. So tama nga ako sya nga ang fiancee ni Vincent. Confirmed  kaya ang puso ko na tinusok-tusok ng aspile kanina ay binagsakan na ng adobe ngayon at pakiramdam ko nagkapira-piraso na. ANG TANGA-TANGA KO BAKIT BA HINAYAAN KO ANG SARILI KONG MAHULOG  ANG LOOB KAY VINCENT!

Tumulo ang luha ko.

"Bro dalhin na natin si Vincent sa hospital umiiyak na si Alex sa pag-aalala oh" wika ni Matheo. Nakatingin sya sa akin kaya kitang-kita nya ang pagpatak ng luha ko na pinunasan ko naman kaagad. Laking pasasalamat ko na napagkamalan nya na pag-aalala ang dahilan ng pagtulo ng mga luha ko.

"Tara let's"  yaya ni Ian. Inalalayan nila si Vincent palabas ng condo habang ako ay nakasunod lang.   Pagkababa namin ay isinakay nila si Vincent sa  BMW X5 ni Ian.  Hindi ako sumabay sa kanila kasi ayaw kong iwan ang aking motorbike. Isa pa ayaw kong makita nila ang  mga luha ko kahit nakita na nila kanina. Nahihiya ako sa kanila.

Pakiramdam ko ang sama-sama ko kasi si Vincent ang may sakit tapos ako mas inaalala ko pa ang aking pusong nagkadurog-durog. Pero anong magagawa ko? Ngayon ko lang ito naramdaman at hindi ko alam kung paano ko ihahandle ang ganitong sitwasyon. Ang sakit-sakit. Habang nagpapatakbo ako ng motor ay lumuluha ako. First heartbreak ko ito.

 Nang makarating na ako sa hospital na pinagdalhan nila kay Vincent ay  dumeretso muna ako sa cr. Inayos ko ang aking sarili. Nang makita kong presentable na ako ay lumabas na ako. Huminga ako ng malalim dapat si Vincent muna ang isipin ko hindi itong pesteng nararamdaman ko. Hinanap ko sila.

Nasa ER si Vincent. Ang sabi ni Matheo ay nacheck na sya ng doctor at kinuhanan na ng dugo para ilaboratory. Sinaksakan din sya ng gamot para bumaba ang kanyang lagnat. Nasa tabi nya lang ako at hawak ang kamay ko. Yes nangmagmulat sya kanina ay hinawakan nya ang kamay ko. Siguro akala nya ako si Xandra kaya nya ako hinawakan sa kamay.

Marami ang umaasekaso kay Vincent kasi pamilya pala nina Vincent ang may-ari ng hospital na ito . Isa pa ang mga nurses nagpapapansin sa mga pogitas na kasama ko. Siguro nga kung  hindi malala ang kalagayan ni Vincent ay nagpacute na ang mga ito. But this time deadma sila sa mga girls na nagpapakita sa kanila ng interest. Nag-aalala sila kay Vincent.

After ng ilang minuto ay bumaba na ang lagnat ni Vincent  , nagbigay na ng go signal ang doctor na tumingin sa kanya na pwede na syang ilipat ng kwarto.  Dinala si Vincent sa  isang executive room at doon inantay namin ang resulta ng laboratory.

"Tito kumusta po si Vincent?" tanong ni Caden sa doctor na pumasok. Mas bagay na model ang doctor na nasa harapan ko na ngayon. Kung sakaling naging model sya  kahit ng kangkong paniguradong magkakaubusan ng supply ng kangkong sa mga  palengke at supermarket. 

"Mababa ang kanyang platelet count . Ang  diagnosis ay may dengue sya" paliwanag ng doctor na mas bagay na maging model . Mukha nga syang model pero masgwapo parin sa kanya si Vincent.  "Tatawagan ko  si Ate para malaman nya ang lagay ni Vincent."    Pagkarinig ko sa sinabi nya naisip ko na siguro Tito sya ni Vincent.  Binalik ko ang tingin ko kay Vincent , may pagkakahawig nga sila ni Doc.

Nanlumo ako sa sinabi ni Doc. May dengue si Vincent.  Ang pagkakaalam ko ay nakamamatay ang dengue. Hindi ko naisip na sa laking tao ni Vincent ay mabibiktima sya ng dengue. May  nakakabit na swero sa kanya at ang putla na kaagad ng kanyang mukha.

Nakaupo ako sa kanyang tabi ay nakahawak uli sya sa kamay ko. Parang ayaw nyang bumitaw. Siguro kumukuha sya ng lakas sa  kamay ko.

"Balik na lang ako mamaya para icheck uli sya" paalam ng tito ni Vincent after syang macheck nito.

"Sige po Tito" paalam nila. 

Tahimik kaming nagbabantay kay Vincent. Maririnig lang ang sound ng  TV na nakabukas.. Sa pagkakaalam ko  ang title ng movie ay RED 2. Maganda sana ang palabas kung hindi lang kami nag-aalala kay Vincent.  Ang mga pogitas  ay nakaupo sa sofa.

"Oh my !" maiiyak na bungad na sabi ng magandang ginang na pumasok sa pinto.  Lumapit sya sa kama ni Vincent ay niyakap si Vincent. 

"Baby ko !Hu!hu!hu!" iyak nya. Pati tuloy ako naiiyak na rin. 

"Tita! " sabi ng mga pogitas. Humalik sila sa pisngi ng ginang.

"Thank you boys sa pagdala  sa Baby dito."  Nagpupunas sya ng luhang sabi nya.

"Tita si Alex po ang nag-alaga sa kanya at ang tumawag sa amin" sabi ni Caden.  Nagulat naman ako sa sinabi nya.

Napatingin sa akin ang Mommy ni Vincent.

"Alex thank you ha." sabi nya sa akin at niyakap pa nya ako.

Nagulat ako sa pagyakap nya sa akin pero parang may kakaibang pakiramdam akong nadama sa kanya. Parang kilala ko sya . Ang gaan ng pakiramdam ko sa kanya. 'Yung pakiramdam na parang matagal ko na syang kilala. Pero hindi ko malaman kung kailan ko sya nakilala. Ang sarap sa pakiramdam na yakap nya ako. Parang si mommy lang.

"Tita okay lang po"  nahihiyang sabi ko sa kanya.

"No iha malaking bagay na inalagaan mo sya paniguradong  natutuwa sya"   nakayakap pa rin sya sa akin.

"Honey bitawan mo na si Alex . Hindi na sya makahinga sa higpit ng yakap mo" wika ng  may edad na lalaking  kakapasok lang. Kamukha nya si Vincent  sa palagay ko sya ang Daddy ni Vincent.

"Ay sorry iha" hingi ng paumanhin ng mommy ni Vincent at binitawan nya ako.

"Okay lang po Tita" kyemeng sabi ko.

"Anong sabi ni  Christian?" tanong ng mommy ni Vincent sa asawa nya.

"Kailangan daw iconfine si Vincent ng ilang araw hanggat hindi  nagiging normal ang platelet count nya." sagot naman ng daddy ni Vincent.

Umiyak na naman  ang mommy ni Vincent at agad naman itong niyakap ng daddy ni Vincent. Kitang-kita ko sa kanila ang pagmamahal nila sa isa't isa.

"Honey maggiging okay din si Vincent" pag-aalo nya sa kanyang asawa.

"Dapat lang dahil pag hindi papatayin ko sa sakal si Christian" humihikbing sabi nya.

Nagtawana  naman ang mga pogitas. Kahit ako muntikan na rin akong matawa sa sinabi ng mommy ni Vincent

" Don't worry honey pag hindi napagaling ni Christian si Vincent ipapasara natin itong hospital nyo para pulutin sa kangkongan ang kapatid mo" gatong nya pa. Medyo natawa ako sa sinabi nya,  naisip ko na masmaganda na maging model sya ng kangkong kaysa pulutin sya sa kangkongan.

Ngumiti naman ang mommy ni Vincent " talaga honey gagawin mo 'yun?" nanlalaki  pa ang mga mata ng mommy ni Vincent.  

"Yes honey" sagot naman ng daddy ni Vincent.  Nakakatuwa sila.

"Ehm! Pwede ba tigilan nyo nang mag-asawa ang  pagsasabi kung paano nyo ako pahihirapan" inis na sabi ng dictor na kakapasok lang. Narinig nya panigurado ang pinag-uusapan ng mag-asawa.

"Gagawin talaga namin iyon paghindi mo napagaling ang baby namin" seryosong banta ng mommy ni Vincent.

Napatingin ako kay Vincent. Baby? Kanina pang tinatawag na baby ng mommy nya si Vincent  Eh ang laki-laking damulag ni Vincent . Binebaby pa rin sya ng mommy nya. Ang swerte naman nya kasi halatang mahal na mahal sya ng mga magulang nya.

"Ate naman eh syempre gagaling nyang baby mo lalo na may magandang nag-aalaga" tumingin  sya sa akin. Maganda? Ako ba ang sinasabi nya. "Kaya tigilan nyo na ang pagbabanta sa buhay ko ate" hirit pa ni doc.

"Ay iha ito nga pala si Christian kapatid ko"  baling sa akin ng mommy ni Vincent . Ipakilala nya sa akin ang  doctor na Tito nga ni Vincent.

"Naku iha ang ganda mo palang talaga . Ang swerte naman ng mapapangasawa mo sa iyo" sabi pa ng tito ni Vincent. Natahimik ang lahat at nagtinginan sila .  Sa tono ng boses ng tito ni Vincent parang may alam sya tungkol sa akin.

"Eh  Alex. Sorry nakalimutang kong magpakilala sayo ako nga pala si Madeline at itong asawa ko si Sin. You can call me mommy  Mad at sa kanya naman daddy  Sin"   parangkinakabahan na sabi ng mommy ni Vincent.

"Okay lang po ba na tawagin ko kayong Mommy at Daddy?" nanlalaking matang tanong ko. Bakit gusto nilang tawagin ko silang Mommy at Daddy?  

"Oo naman iha. Kasi  inalagaan mo si Vincent."

Tama ba na tawagin ko silang mommy at daddy? Ano na lang ang sasabihin ng fiancee ni Vincent kapag nalaman nya?

"Ate labas na ako"  paalam ng tito ni Vincent. Buti na lang at sa kanya na nabaling ang pansin ng lahat.

"Balik ka  from time to time ha" habol na sabi ni Mommy. NakikiMommy na rin ako. Haba kasi pagsinabi ko pang Mommy ni Vincent eh. Tutal wala pa naman ang fiancee ni Vincent.

"Okay" then lumabas na si doc.

"Tita bibili lang po kami ng food" paalam naman ng mga pogitas.

"Sige. Bilhan nyo ng lasagna si Alex ha" bilin nya. Teka bakit alam ni Mommy na favorite ko ang lasagna? Ang weird ha.

"Alexandra" biglang napatingin ako kay Vincent .  Tinawag nya ang pangalan ko. Gising na sya.

"Alexandra asan ako?" tanong nya.

"Nasa hospital" sagot ko. Napanguso ako kasi buong pangalan ko ang binanggit nya.

"Baby kumusta na ang pakiramdam mo?" tanong ni Mommy. Napatingin naman sa kanya si Vincent.

"Mo-mommy!"  gulat na  naibulalas ni Vincent.

"Baby may dengue ka daw" sabi  ni Mommy . Naiiyak na naman sya.

" Mommy  don't cry. I will be okay soon" mahinang sabi ni Vincent. Kasi tumutulo na ang luha ni Mommy.

"Dad patigilin mo si Mommy sa pag-iyak. It's breaks my heart seeing her crying because of me" sabi ni Vincent sa Daddy nya.

Niyakap naman ni Daddy si Mommy at niyayang lumabas. 

Feel na feel ko talaga ang pagtawag sa kanilang mommy at daddy.  Pansin nyo?

Naiwan kaming dalawa ni Vincent. Natense ako. Kasi naalala ko nanaman ang pagtawag nya sa pangalang Xandra. Napabugtong hininga ako.

"Why the sad face?" tanong ni Vincent sa akin. Kahit pala may sakit itong bakulaw na ito ay malakas parin ang pakiramdam.

Ayaw kong ipahalata sa kanya na nasasaktan ako dahil sa  nalaman ko na mahal nya ang kanyang fiancee.  Pero hindi ko maiwasan eh.

"Are you okay?" tanong nya sa akin . Take note nakahawak parin sa akin ang kamay nya. Gising na sya kaya nagtataka ako kung bakit nakahawak parin sya. Alam nya na ako na ito si Alex at hindi si Xandra.

"Okay lang ako , nag-alala lang ako sa iyo"  'yun na lang ang nasabi ko. Alanganin namang sabihin ko na hindi ako okay kasi you broke my heart . Hindi ko ipapaalam sa kanya 'yon. Ayokong masaktan pagsinabi nya ng harapan na mahal nya ang kanyang fiancee . Tama na ang sakit na naramdaman ko .

"Sorry kung pinag-alala kita" napapikit ako kasi ayan na naman sya . Pinaparamdam na naman nya ang  ganito na dapat ay sa fiancee nya lang dapat gawin.

"Okay lang ako promise" sabi ko tapos marahang tumawa pa ako. Gusto kong bumitaw sa pagkakahawak nya pero ang higpit ng hawak nya sa akin. Bahala na nga. Hayaan ko na lang. Hayaan ko na lang na masaktan ako sa ngayon. Pagwala na syang sakit o pagnandito na ang fiancee nya saka na lang ako gagawa ng paraan para mawala ang sakit na nararamdaman ko.

Sana si Vincent na lang ang fiance ko.

*****************************************

Lame update ba? Inaantok na kasi ako.

Next up date uli.

Vote if you like.

Annah

:

Continue Reading

You'll Also Like

3.6M 75.4K 76
Book 2 of CIMTAG! Before reading this please read book 1 as not to create confusion :) Thank You. Copyright. 2016
176M 3.9M 68
[BAD BOY 2] You can't turn a bad girl good, but once a good girl's gone bad, she's gone forever. Yang ang motto ni Candice. Sa pagmamahalan na meron...
174K 5.3K 51
Unwanted Boyfriend, Meeting people unexpectedly. Experiencing pain, love and suffering. Every challenges shows how love and how you care about the ce...
369K 24.8K 94
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...