One Shot Collections :)

Od mizshue_lovesyou

546 8 1

Different stories of Love. Více

One Shot Collections :)
Kwentong Wattpad Turns into Reality

Paano MagMOVE ON?

81 4 1
Od mizshue_lovesyou

Move on? Ang hirap naman nun. Pano ba yun? Turuan nyo naman ako!!

"Aray naman Ken!" asik ko dito. Batukan daw ba ako? Hay.

"Laki ng problema mo eh. Nang mabawasan naman." nakangisi pang sagot nito.

"Tse." inirapan ko nalang ito. Kainis e, nag-iemote pa kaya ako.

Maya-maya pa naramdaman kong inakbayan ako nito.

"Kung may problema ka, sabihin mo lang. Resbakan natin yung problema mo with matching punch pa na pangwrestling!!" inalis nito ang pagkakaakbay sa akin at sumuntok sa hangin.

Natawa nalang ako sa ginawa nito. Parang bata talaga kahit kailan.

"Tinatawa tawa mo diyan? Nasaan na yung power hug ko? Naknock out ko oh!"

"Tse." inirapan ko nalang ulit ito. HAHAH.

"Kung may problema ka-"

"Sabihin ko sayo ng maresbakan mo?" putol ko dito.

Amused lang itong nakatingin sa akin.

"Tse wag na no. Baka maknockout mo ulit eh. Kawawa naman." aniko at naghanda ng tumakbo dahil sa nagbabadyang panganib ng daliri nitong mangingiliti.

"Ah ganun?" lumapit na ito sa akin pero nakalayo agad ako.

"Uy wag kang madaya! Lagot ka sakin pag nahuli kita!" sigaw nito habang hinahabol ako sa pagtakbo.

"Sige habulin mo ako! Habol dali!" pang-aasar ko pa dito. Tumakbo lang ako at hindi na ito nilingon pa.

"Hahaha. Hindi mo ako mahahabol!" tawa lang ako ng tawa at nagsasalita ng parang ewan. Mga ilang metro na din ang natakbo ko ng makaramdam ako ng pagod.

Huminto muna ako sa tapat ng isang wood bench dito. Tapos paglingon ko sa likod ko, WTF!!

Kita ko ang pang-asar na pambebelat nito. Kainis! Naisahan ako!

"Ano pagod ka na ba?! Balik ka na dito para malaman natin kung physically fit ka ba talaga!?" sigaw nito at humalakhak pa ng bongga.

"KEN!!!" naningkit na yung mabibilog kong mata at sinugod ito pabalik.

Pinaghahampas ko ito ng makalapit ako dito.

"Ang bad mo!!" patuloy pa din ako sa paghampas dito samantalang wala pa din itong tigil sa paghalakhak.

"Stop it Chachoy!" anito sa pagitan ng pagtawa.

"Grr! Don't dare call me Chachoy! Its Chara!" 

Lakas talaga mang-asar ng lalaking to.

"Bakit cute naman ah. Chachoy!"

"Sabing Chara eh!" ngumuso na ako na parang bata. Eto ang kahinaan ng bestfriend kong ito e. HAHA.

"Eh wala na. Nagpacute na si CHACHOY. CHArang baCHOY."

"Hahaha. Funny!" naningkit ulit mata kong maganda.

"Suko na po." itinaas nito ang magkabilang kamay, astang sumusuko talaga e.

Nakalimutan kong sabihin na nandito nga pala kami sa park. Nagpapahangin lang talaga kami. Hehe

Naupo kami sa isang wood bench. At kinain yung baon naming chips.

"Ano ba iniisip mo kanina?" basag ni Ken sa katahimikan.

Sumubo muna ako ng nova bago ako sumagot sa tanong nito.

"Iniisip ko lang kung paano ba magmove on." tapos ngumuya ulit ako ng nova.

Napalingon ako dito ng marinig kong umubo ubo ito.

"Oh anong nangyari sayo?" hinawak hawakan ko ito sa likod nito habang patuloy ito sa pagdibdib sa sarili habang umuubo.

"Move on ika mo?" anito sa pagitan ng pag-ubo at narinig ko na naman ang pang-asar nitong hagikhik.

"Oo. Anong nakakatawa dun?" tanong ko dito.

"Nakakatawa talaga yun Chacho- I mean Chara. Kaya nga ko nabilaukan eh."

"Bakit ka tumatawa e hindi naman ako nagbibiro." seryosong sabi ko.

Natigil ito sa pagtawa at tumingin sa akin ng seryoso.

"Don't tell me break na kayo ng boyfriend mo. At kailan ka pa nagkaboyfriend ha Chara Mae? Nagsisikreto ka na sa akin?" seryosong sabi nito na ikinaalarma ng puso ko.

"H-ha. D-di naman ako n-nagsisikreto s-sayo ah!" depensa ko dito.

"Then what do you think your doing ha?"

"Chill Kenjo. I'm not lying to you. Swear to God."

"Then what do you mean by that?

Do I need to say my reason? I am not prepared.

"Do I need to say it?" I asked him.

"Bahala ka nga!" anito at tumayo na.

"Hey. Pwede bumwelo? Saka problema mo ba?" hinawakan ko ito sa t-shirt nito.

"Malaki." cold na pagkakasabi nito.

Hindi ko nakikita ang mukha nito pero ramdam kong blangko ang ekspresyon nito.

"Panong malaki?" I dare to ask him this.

"Manhid ka ba talaga?" ayun ang sagot nito.

Mas naging abnormal tuloy ang tibok ng puso ko.

"I have to go." anito.

Tinanggal nito ang pagkakahawak ko sa tshirt nito at nagsimula ng maglakad.

"See? How can I move on kung lagi kitang nakikita ha? Akala mo kasi madaling magpanggap na kaibigan lang sa taong mahal mo na e. How can I move from friendship to relationship with you if I know from the start that its only friendship on your part?" sigaw ko dito. Nagpatuloy lang ito sa paglakad.

"Akala mo kasi madali eh. Palibhasa wala lang sayo." napapaiyak ng sabi ko.

"Sige maglakad ka pa palayo! Patunayan mo pa sa akin na wala lang ako sayo! Ganyan ka naman eh, ginagawa mo lang akong katuwaan mo, libangan mo!" natuluyan na ako sa pag-iyak.

"Palibhasa hindi mo alam yung pakiramdam na kipkipin yung salitang Mahal Kita kapag nagkakasama tayo eh!" sigaw ko pa din dito.

Wala na palayo na talaga siya ng palayo. Napayuko nalang ako at humagulgol.

Maya maya may nag-abot sa akin ng panyo.

"Oh. Punasan mo yang mukha mo. Lalo kang nagiging Chachoy e."

Ang boses na iyon. Tinignan ko yung taong nagmamay-ari ng boses na iyon.

"Bumalik ka?"

"Ano akala mo, iiwan kita dito ng basta basta? Matapos mong umiyak ng ganyan at amining mahal mo DIN ako, saka kita iiwan dito? Ano ako bale?" paliwanag ni Ken.

"A-akala ko-" napaiyak ulit ako at niyakap ito.

"Sshhh. Wag ka ng umiyak. Hindi naman kita iniwan e. Kinuha ko lang yung panyo dun sa bike ko e." pang-aalo nito sa akin sa pagitan ng aming yakap.

"Tse." umirap ako kahit alam kong hindi nito iyon nakita.

"Ang manhid mo talaga Chara Mae." maya maya pang sabi nito.

"Ha?" takang sambit ko.

Hinawakan ako nito sa magkabila kong balikat at nakipagtitigan sa akin.

Hinalikan akong bigla nito sa labi ko. Smack ata ang tawag dun. Pasensya na inosente kasi ako e.

"Sorry kung hindi ako nagpaalam sa kiss na iyon." anito at hinalikan ulit ako.

"Hmn laki naman ng mata mo. Uy namumula na." tapos pumikit ito at hinalikan ulit ako.

Grabe nawiwindang ako e. Halata ba?

"H-hey. W-what do you think your doing ha?" I finally found my voice.

"3 kisses for those 3 words." anito ng nakangiti na ikinakunot ng noo ko.

"I for the 1st word, Love for the 2nd word, and You for the 3rd word. In short, I LOVE YOU." maramdaming pahayag nito.

Tama ba ako ng rinig?

"Yea you heard it right." sagot nito.

Napalakas ata pagkakasabi ko nun. Akala ko sa isip ko lang eh.

"And I kissed you for you to feel it. Manhid mo kasi eh." anito at pinisil ang tungki ng ilong ko.

"Aray!" reklamo ko.

"And you may now start to move on Chachoy. To move from friendship to relationship with me. I LOVE YOU!" mapagmahal na pagkakasabi nito and hugs me.

"Oh whatever you call me. I love you too Kenok!" I hug him even tighter.

"Kenok?" takang tanong nito.

"Yup. KENOK, short for KENjong maNOK." aniko at humalakhak.

Tawanan lang kami at halatang masaya sa naging resulta ng araw na ito.

Hay sa wakas, nakabawi din ako kay KENOK.

Bakit nga ba Kenok? Mahilig kasi siya sa Manok. Hehehe!

*THE END*

Pokračovat ve čtení

Mohlo by se ti líbit

95.9K 4.1K 2
a one-shot story from your favorite band in pursuing our freedom- anagapesism. alluringli ©2022
24.7K 64 7
This is a work of fiction. Not suitable for young readers below 18. Read at your own risk and please do not report🔞
1.4M 32.5K 29
Luke and Aviona - A romance that blosssomed in a society where a governor cannot love the daughter of a prostitute. R18 Adult content
348K 8.4K 16
She is a well-known actress. She knows how to act, and to fake her emotions, even her civil status. Who would have thought that she is already marrie...