Owning The Heiress (Completed...

By Gazchela_Aerienne

921K 20.5K 1.5K

She's hot and sexy. Seductive. Insanely beautiful... She is a sultry. Handang magpaligaya at lumigaya. But wi... More

PROLOGUE-Edited1
CHAPTER 2-Edited1
Chapter 3-Medyo SPG--Edited
Chapter 4-Edited
Chapter 5-Edited
Chapter 6-Edited
Chapter 7- (Part 1)
Chapter 7 (Part2)
Chapter 8-Edited
Chapter 9-Edited
Chapter 10-Rated SPG-Edited
Chapter 11- Rated SPG
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15-SPG
Chapter 16-SPG
Chapter 17
Chapter 18-Alarming SPG...
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23.
Chapter 24-SPG
Chapter 25-SPG
Chapter 26
Chapter 27-SPG
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32-SPG
Chapter 33

CHAPTER 1-Edited1

39K 641 14
By Gazchela_Aerienne

Cover credits to Jhen Zabala...



"WHAT THE hell was wrong with you, hija?!" mahina ngunit mariing tanong ng ina ni Chyna.

Kasalukuyan silang nasa 35th year wedding anniversary ng mag-asawang Bachelor. A family friend. Matagal nang magkaibigan ang mga pamilya nila, ang mga Speckhart at Bachelor na parehong nasa peak of success ang mga business empire.

Chyna, being the only princess of Aldeguer-Speckhart family would always get what she wanted. Pero hindi sa mga ganitong sitwasyon. Kung ayaw niyang maputol ang maalwan at masarap na pamumuhay gamit ang salapi at kapangyarihan ng kanyang pamilya ay kailangan niyang humarap at paluguran ang mga taong kabilang sa society na kinaroroonan niya—ayon sa nais ng kanyang mga magulang.

Hindi siya nagtatrabaho. Ayaw niyang magtrabaho. Mayaman na ang pamilya niya. Bakit pa siya magpapakakuba sa paghahanapbuhay kung kaya namang suportahan ng kayamanan nila ang buong buhay niya—sa maalwang pamumuhay?

Apat silang magkakapatid at nag-iisa siyang babae. Ang tatlong mga barako niyang kapatid ay kanya-kanya ng negosyong pinapatakbo. And surely, ang mapupunta sa kanya ay ang food corporation na inaasikaso pa ring mag-isa ng kanyang ama. She was pampered by her father. Hinahayaan lang siya nitong mag-enjoy sa buhay dahil alam raw nitong magsasawa din siya sa lime light at matatagpuan nalang ang sarili na nakikialam na sa isa sa mga negosyo na meron ang kanilang pamilya.

And she doubts it. Hindi gustong bulukin ng dalaga ang sarili sa apat na sulok ng opisina, kaulayaw ang computer at mga papeles. Hindi niya gustong maging tulad ng ina at ama na wala nang panahon para sa pamilya dahil walang ibang iniintindi kundi pera at negosyo. Ni wala ang mga itong kaide-ideya sa mga pinaggagagawa niya.

At sinong magsasawa sa mga parties and vacation escapades? Sinong magsasawaang mag-shopping galore? Sinong magsasawang gumastos ng walang patumangga? Suki siya ng airport sa mga nakaraang buwan dahil sa mga out of the countries vacation niya.

Nah! Imposibleng magsawa siya sa ganoong buhay. She could travel the world anytime she wanted.

Halos humalakhak si Chyna kapag bigla nalang kakastiguhin ng ama at ina sa kung saan na naman nagpunta. Pero nagsawa na din ang mga ito sa pangangastigo sa kanya at hinayaan nalang siya. Kung kailan naman hinayaan na siya ay saka naman siya huminto at lumipat ng bagong pagkakaabalahan. At iyon ay ang bar hopping and parties.

She was wild and free!

Hindi siya hihinto hanggang hindi nakukuha ang full attention ng mga magulang niya at pakinggan ang kanyang mga sentimyento.

But for now, she needs to be submissive.

Again.

Kamuntik mag-freeze ang mga bank accounts niya dahil two weeks ago lang ay naibangga niya ang bagong-bagong convertible sports car habang nagmamaneho siya ng lasing. Kung hindi siya magpapakabait ay baka hindi na niya maipagpatuloy ang mga ginagawang pagwawala.

"The party was so boring!" Hindi napigilang sambit ng dalaga sa ina,

Na kulang nalang ay kaladkadin siya palapit sa mga business colleagues ng kanyang ama para ipakilala bilang heiress ng Speckhart Foods Corp. o SFC.

Aware si Chyna sa mga humahangang tingin ng mga naroroon, lalo na mula sa mga kalalakihan. At hindi naman niya masisisi ang mga ito.

Pero hindi niya ma-enjoy ang atensyon.

"Oh, shut up! May makarinig sayo! At ano ba ang masaya na party para sayo? Iyong maingay at may malilikot na ilaw? Yung may mga mahaharot na sayawan?" Yes, they know. Alam ng mga ito ang mga bar escapades niya pero hinahayaan lang siya. Na para bang sinasabing gawin niya ang gusto niyang gawin. "This is more pleasing and formal."

Yeah. Formal that it bored her to death.

Hindi nalang pinatulan ni Chyna ang sinabi ng ina. Of course the party should be formal. Maski ang mga tugtugin ay nakakapangilabot sa kanya. Not that she hates old songs. Marami rin naman siyang old songs na nagugustuhan. Pero hindi lang talaga siya natutuwa sa mga formal occasions na tulad nito.

Pangiti-ngiti nalang ang dalaga sa mga taong ipinakilala sa kanya ng mga magulang na wala nang ginawa kundi purihin ang anyo niya.

Nagtatawanan na ang mga ito over something na hindi niya maunawaan. O talagang wala siyang pakialam.

She wanted to get out from here, fast!

Nawalan ng pakialam si Chyna sa sinasabi ng mga magulang nang matanaw niya ang kaibigang si Loridee. Ang bunso ng mga Bachelor. They were best friends for time immemorial. Maigi nalang at may makakausap na siyang matino.

Nagpaalam siya sa ina na hindi na nakatutol dahil mabilis na siyang tumalilis mula sa mga ito.

"Hey, girl!" Masiglang bati ni Loridee. Nanlaki pa ang mga mata nito pagkakakita sa suot niya. "Himalang pinayagan ka ni Tita na magsuot ng ganyan?"

Hinagod ni Chyna ang sarili. "What is wrong with what I am wearing? Aint I'm hot?"

Red fine silk tube dress na mid-thigh length ang suot niya na may eleganteng detalye sa gilid. Hakab na hakab iyon mula sa dibdib hanggang bewang at pabuka naman sa paibabang bahagi. Tinernuhan niya iyon ng simple pero elegante ring choker. Sa magkabilang tenga ang pares ng one carat each na diamond stud earrings. Calvin Klein wristwatch at thin chain bracelet.

Ang magaganda at mahahabang binti ng dalaga ay lalong na-emphasize ng suot na three-inches high-heeled stilettos.

"Yun na nga mismo, apple pie! You are such a sultry sa suot mo."

Hindi na bago sa kanya ang bagay na iyon dahil parating ganoon ang bansag sa kanya ng mga nakikilala at nakakasalamuha.The sultry heiress. Na himalang hindi pa nakakarating sa mga magulang niya. She was falsely accussed of some people pero wala siyang pakialam sa iniisip ng iba. Gagawin niya ang gusto niyang gawin.

"And knowing Tita, she wouldn't allow you to wear that in this kind of occasion." Dagdag pa nito.

Well, tama naman si Loridee. Pinagtaluhan nilang mag-ina ang suot niyang iyon ng napakatagal. Pero dahil hindi rin naman siya paaawat, at sinabing hindi siya sasama sa party kung hindi iyon ang suot niya, idagdag pang naroon ang Daddy niya bilang back up ay napapapayag rin niya ang ina.

'Ganyan na talaga ang mga kabataan ngayon, darling.' Sambit ng kanyang ama na inakbayan ang asawa. Sumilip sa relos at binalingan sila. 'Late na tayo. Kailangan ko pang makausap rin si Mr. Hendrick. Naroroon rin siya sa party ngayon. At baka mawalan na ako ng pagkakataon kapag naharang na siya ng ibang competitors—'

'But Emmanuel! Look what she's wearing? Baka sabihin naman ng mga makakakita, sa yaman nating ito ay kinakapos ng tela ang unica hija natin?'

'Next time ay bibili tayo ng isang rolyong silk para kay Chyna. Pero sa ngayon, umalis na tayo at late na talaga tayo.'

Wala ding nagawa ang pagpoprotesta ng ina dahil gahol na sila sa oras. Sinadya niyang magtagal sa pagbaba para magahol sila sa oras at hindi na siya pagbihisin ng ina.

Her mother was such a conservative woman. O kaya ganito ay dahil nag-iisa siyang babae at parang Barbie doll nito na ito ang nagbibihis sa kanya. But when Chyna stepped into the age when she can chose and dress herself ay hindi na siya mapasunod ng ginang.

"Well, tranchè, you know me. Magagawan ko ng paraan kapag ginusto ko."

Endearment nila ni Loridee sa isa't-isa ang mga paborito nilang dessert since when they were seven years old.

Loridee called her her favourite, apple pie, while she called her tranchè... tranchè de tout, which in French means 'slice of any'. Loridee is her slice of every dessert she loves. Ganoon katamis ang kanilang pagkakaibigan.

"Yeah." Tumatangong tugon ng kaibigan. "Pero hanggang ngayon ay hindi pa din ako sanay sa pagbabago mo." Makahulugang tinitigan siya ng kaibigan. She knew why.

She was once submissive. Hindi man sa lahat ng bagay, pero minsan sa kanyang buhay ay naging masunurin din siyang anak.

Noon iyon.

Noong hindi pa niya pinalalaya ang halimaw na matagal niyang itinago sa loob ng kanyang pagkatao.

And she admits she owe it to someone who gave her bittersweet memories. Kung dati ay nagagalit siya sa taong iyon, ngayon ay nais niya itong pasalamatan.

Sometimes, letting out the worldly monster inside you was a great thing that would ever happen to a person. You are as if freeing your otherself. At wala siyang pinagsisisihan kung nagbagong tao man siya ngayon. Sawang-sawa na din naman siyang maging tame at submissive.

"Nasaan nga pala si Kuya Ax?" Naitanong bigla ni Chyna upang mailayo ang topic of conversation nila.

Matagal na din silang hindi nagkikita ng panganay ng mga Bachelor. Sa walong magkakapatid na si Loridee lang ang babae, tanging ang panganay at bunso ang naging malapit sa kanya. Well, ang ilan ay nakilala at nakaharap na din niya. Ang iba pa ay nakakalat sa iba't-ibang sulok ng daigdig para pamunuan ang iba pang negosyo sa ilalim ng Bachelor Group of Companies

Axyl was like her big brothers. Parang nakatatandang kapatid din ang turing niya rito. Bukod pa sa kaibigan din si Axyl ng mga Kuya niya. While Loridee, as the youngest, madali silang nag-click dahil pareho silang prinsesa. Ang pagkakaiba nga lang nila ngayon, mabilis na sinusunod nito ang utos ng mga magulang habang siya ay hindi.

But despite of the difference ay hindi iyon naging hadlang para maging matalik na magkaibigan sila. Besides, their families were friends too.

"Ah. Ayon, nagha-hybernate sa Europe. Nagagalit na nga si Papa dahil lagi siyang laman ng tabloid dahil sa pagiging pasaway niya." Nakasimangot na sambit ng kaibigan.

"Hindi siya a-attend ng anniversary party?"

"You know him, apple pie. Once na nagdesisyon siya ay wala nang makakapagpasunod pa sa kanya."

"Oh..." Nasambit nalang ni Chyna.

She knew him. At alam na rin niya ang dahilan ng pagha-hybernate ni Axyl. Isang babae. Si Bunny. Minsan ay gusto niyang mainis sa babaeng minamahal ni Axyl. Sobra-sobra itong magmahal tapos ay ano?

Nah! But who was she to judge? Side lang ni Axyl ang alam niya. Naniniwala siyang parating may dalawang mukha ang isang pangyayari.

"Mahirap talaga kapag nai-inlove e 'no? Dapat kasi, fling-fling lang." Natatawang dagdag pa niya.

"Graduate na siya sa fling thingy na iyan. Ikaw? Kelan mo balak gumraduate, babae ka?"

Tumawa siya sa eksaherasyon ng kaibigan. Kilala siya nito higit kanino man. Kaya hindi niya pwedeng itanggi ang sarili.

"E ikaw? Kailan ka magmo-move on sa ex mo? For sure, tigang na tigang ka na. Magpalit ka na nga ng love interest."

"Luka-luka!" Natatawang singhal nito sa kanya.

She was glad to know that her bestfriend can smile and laugh now. Kung may ilang buwan din itong nagmukmok at kahit anong pag-aaya niyang lumabas ito ay hindi niya mapilit.

Sa huli ay sinasamahan nalang niya itong mag-movie marathon para aliwin ang nasawing puso.

Kaya nga ba ayaw niyang nadadawit ang puso sa pakikipagrelasyon. Ayaw niyang maging alipin ng pakiramdam na iyon. Ayaw niyang masaktan tulad ng mga kaibigang napakalapit sa kanyang puso.

She hates complication that is why she never entered into serious relationships. Masaya naman na siyang makipag-fling at magpaligaya ng mga manyak na ka-fling.

Naalala na naman niya si Chace. Ang gwapong si Chace...

"Hey, wait apple pie. Tinatawag ako ni Papa. Enjoy the party, okay?"

Mabilis na tumalilis si Loridee at nagkukumahog na lumapit sa sumesenyas na ama. Siya naman ay iniikot ang mga paningin sa paligid.

Malapit na talaga siyang malagutan ng hininga sa loob ng ballroom. Lalo na nang magsimulang magsalita ang host ng party.

At bago pa siya muling makaladkad ng mga magulang ay lumabas na siya roon. Dumeretso siya sa roof top ng building ng Bachelor's Hotel. Doon nalang siya magpapalipas nang oras hanggang magpasya na ang kanyang mga magulang na umuwi na sila.

"Eeer! Dapat ay nasa bar ako ngayon at nakikipagharutan kay Chace!" Naiinis na reklamo niya sa sarili.

She admits Chace captured her. Kaiba kasi ito sa mga ka-fling niya. Hindi demanding at hindi selfish pagdating sa sekswal na aktibidades. Unlike her recent flings na mas madalas ay siya ang nagpapaligaya.

Kaya nga hindi niya maramdaman sa mga iyon na isuko ang kanyang hiyas. Hanggang touching at teasing lang sila.

But with Chace, she considered him with finger fucking. She wants him to do that deed to her.

And also that there was something in his kiss. The feeling he was igniting her. Parang pamilyar na di niya mawari. At hindi niya iyon maramdaman sa mga ka-fling.

Hindi siya ganoon kahanda na ibigay ang kanyang sarili sa kahit na sino. Though some men knew she was a teased. And she doesn't even care what others might think about her.

Tulad ng wala rin ang mga itong pakialam sa iniisip niya.

t

A/N:

Malapit nang lumabas ang hombre!

Continue Reading

You'll Also Like

2.6K 537 57
Their paths crossed so many times that she can't count. What if once again their paths managed to tangle on each other messing the red string on thei...
35.1K 2.1K 18
"I don't deserve anyone's love. I don't deserve to smile. I'm weak," Junkyu muttered with a shaky breath. Tears stained his cheeks. His sweaty palms...
2.2K 68 8
A short fic showing how Sound won Win's heart and made his heart beat fast when Win said he'd "try". For the readers who are new to this story, this...
1.4M 53.4K 72
She was one of the most talented cadets the regiment has ever seen. So it came quite a shock to them when they heard that she was planning to join th...