WHEN MISS GANGSTER MEETS HER...

By sherann0588

9.2M 75.8K 11.4K

NO SOFT COPY.. NO COMPILATION • Beauty - check! • Hotness - check! • Swag - check! • Brain - loading.... A... More

PROLOGUE
INTRODUCTION
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
Volume 1 ends here
VOLUME 1 ENDS HERE
VOLUME 1 ENDS HERE
VOLUME 1 ENDS HERE
VOLUME 1 ENDS HERE
VOLUME 1 ENDS HERE
VOLUME 1 ENDS HERE
VOLUME 1 ENDS HERE
VOLUME 1 ENDS HERE
VOLUME 1 ENDS HERE
VOLUME 1 ENDS HERE
VOLUME 1 ENDS HERE
VOLUME 1 ENDS HERE
VOLUME 1 ENDS HERE
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 22.2
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26 ---- A day in a SECRET ISLAND
CHAPTER 27 second day on HELL or PARADISE?? part 1
CHAPTER 27 second day on HELL or PARADISE? part 2
CHAPTER 28 third day isn't the last day part 1
CHAPTER 28 third day isn't the last day part 2
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31 end of third day...
CHAPTER 32 Part 1
CHAPTER 32 PART2..
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 35.2
CHAPTER 36
CHAPTER 37 part 1
CHAPTER 37 part 2
CHAPTER 38 part 1
CHAPTER 38 part 2
CHAPTER 38 PART 3
CHAPTER 38 Part 4
CHAPTER 39 part1
CHAPTER 39 Part2
CHAPTER 40 Part1
CHAPTER 40 part 2
CHAPTER 41 part1
CHAPTER 41 PART2
CHAPTER 42 part1
CHAPTER 42 PART2
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45 part1
CHAPTER 45 part 2
CHAPTER 46 part 1
Chapter 46 part 3
CHAPTER 47
CHAPTER 47 part2
CHAPTER 47 Part3
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51 part 1
CHAPTER 51 Part2
CHAPTER 52 Part 1
CHAPTER 52 Part 2
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55 FINAL CHAPTER
EPILOGUE

CHAPTER 5

150K 1.4K 98
By sherann0588

Chapter 5

"WAAAAAHHH! MGA WALANG HIYA! UWAAAAAHHHH! MAGBABAYAD KA NINE BASTOS!" Heto na naman si Aisha, nasa rooftop ng apartment ni Jin. Matapos kasi niyang manggaling sa mansion ng mga Estude ay dumiretso siya sa apartment ni Jin. Iniwan niya na ang tatay niya doon, kahit pa malayo yung mansion sa main gate ay tinakbo niya iyon, pinigilan siya ng mga guards na umalis pero ayun kawawa naman yung mga guards, bugbog sarado sa galit na galit na si Aisha.

Si Jin naman ay nakaupo sa bench at pinagmamasdan lang siya habang sumisigaw. Maya-maya ay bumaba na si Aisha sa bench at tumabi kay Jin.

"NINE BASTOS? Binastos ka ba ng siyam na lalaki kaya ka ganyan? Anong gusto mo, upakan ko?" Mayabang na saad pa ni Jin.

"Hindi, pangalan niya yun! Nung lalaking yun! Uwaaaaahh!!" T0T Napatakip pa ng mukha si Aisha sa inis. "Anong gagawin ko Jin?! Ayokong magpakasal sa lalaking yon!! Uwaaaahhh!!!" Patuloy na atungal ni Aisha. Ang totoo niyan wala naman siyang luha. Nalilibang pa nga si Jin sa kapapanood sa iyak-iyakan niya. Ang cute niya kasing magwala. Nakakatakot pero nakakalibang panoorin.

Pinagbabalibag na naman ni Aisha ang mga nakikita niyang bote sa rooftop. Wala siyang pakialam kung gaano pa kaingay ang nililikha niya. Basta ang alam niya kailangan niyang ilabas ang galit niya.

"Hahaha. Nakakatuwa ka talaga, alam mo ba? Teka, ang weird naman ng pangalan ng lalaking 'yon?" Umpisa na naman ni Jin.

"Oo, kasing weird ng ugali niya! Isa siyang PERVERT! MANYAK! ASSHOOOOLLLEEE!" Sigaw ni Aisha sa ere.

"Eh ayun naman pala eh, eh di wag kang magpakasal sa kanya. PROBLEMA ba yun?" Cool lang na sabi ni Jin sabay inom sa beer na hawak nito.

"Paano?" Hopeless si Aisha. Kahit pa ayaw niya, alam niyang talo siya kay Knight. Kaya kasi ni Knight na sanggain ang mga suntok niya eh pano kung hindi siya pumayag tapos gulpihin siya ng asshole na yun? Tsk. Paano na lang ang kutis niya? Paano na lang ang pagiging reyna niya kung magiging under siya sa isang kagaya ni Knight? Paano na ang pinapangarap niyang hari ng buhay na na kaharap niya ngayon?

"Hmm..." Nag-isip pa si Jin. Nakangiti pa siya kaya nakatingin lang si Aisha sa kanya. *0*

Nakaka-mesmerize ang mga ngiti niya.

"Sabihin mo may boyfriend ka na. Ipakilala mo sa kanila. Kumuha ka ng pwedeng magpanggap! Kaya mo na yan! Ikaw pa, cool ka di ba?" Tapos ay tumingin ito kay Aisha kaya nag-init ang mukha ng dalaga. She looked away. >__>

Pero isang brilliant idea ang pumasok sa isip niya!

"PWEEEDE... " Tatangu-tango pang sagot ni Aisha

..

..

..

KINABUKASAN...

"A.YO.KO!" Matigas na sabi ni Jin. Nasa school sila ni Aisha, hinintay niya kasi si Jin. Ngayong araw kasi ay isasapubliko na ang pagiging engaged nila ni Knight Juston Estude.

"SIGE NA! Ikaw na nga ang nagsabi na kumuha ako ng magpapanggap na boyfriend ko, di ba?!" Naiirita man si Aisha ay pinilit niyang kumalma dahil si Jin ang kaharap nya.

"Wala naman si Daddy ngayon dyan! Sige na, please!" Nagpaawa effect pa siya. Pinipilit niyang maging kaawa-awa sa paningin ni Jin.

"FINE!" Napakamot na lang si Jin. After all magpapanggap lang naman siya. Mukhang mawawalan lang naman siya ng trabaho pagkatapos nito. Magugulo ang matahimik niyang buhay. Si Aisha kasi eh! Ang hirap tiisin. Kahit pa hindi niya alam ang pinasukang gulo nito at wala siyang ka-ide ideya kung sino yung NINE BASTOS daw na yun!

Pinaharurot ni Aisha ang bigbike niya. Napakapit naman si Jin sa balikat niya. Lalo pang binilisan ni Aisha ang pagpapatakbo kaya naman sa bewang na niya napakapit si Jin. Lingid sa kaalaman ni Jin ay sinasadya iyon ni Aisha. Oo na, gusto niya si Jin, sa pagpapanggap nila ngayon pwede kayang mauwi iyon sa totohanan? Nababaliw na ata si Aisha. Kung ano-ano na ang tumatakbo sa isip niya. Nahawa na ata siya kay NINE BASTOS! Pervert na din ata ang utak niya. Naipapasa kaya ang pagiging pervert sa pamamagitan ng isang halik?

Is that some kind of an infectious disease?

Samantala, si Jin naman ay todo kapit sa bewang ni Aisha. Kanina pa siya naaalangan dito. Hindi naman sa hindi siya sanay sa mabilis na pagpapatakbo ng motor pero sadyang natutukso kasi siya dito. Maganda, cool, sexy. Tsk, sa'n ka pa? Sino ba naman ang ayaw mayakap ang ganitong nilalang?

Nawala tuloy sa konsentrasyon si Jin sa kung nasaang lupalop na sila ng mundo. Nagulat na lang siya nang huminto sila sa pamilyar na lugar. O _ O

"What the fvck!" Bulong niya sa sarili.

May ilang sumalubong na tao sa kanila. Mga gwardya iyon, ang iba ay may pasa pa. Nagtanggal ng helmet si Aisha. "Oh ano? Ano bang iinspeksyunin nyo? Wala akong dalang bomba. Bukas na lang iyon, ireregalo ko sa inyo."

"Ay ma'am, tu-tuloy na po kayo..." Nataranta naman ang mga gwardya na nagmamadaling binuksan ang main gate. Sus kaylalaki ng katawan, takot kay Aisha.

Mabuti na lang at naka-helmet si Jin. Hindi siya makapaniwala. Nandito sila sa mansion nila, ng mga ESTUDE...hindi kaya—

"Oh hey there, b*tch! Better go up here. Everyone is waiting!" Sigaw ng tao sa may veranda sa 2nd floor—si Knight.

Sinagot lang ito ni Aisha ng isang malupet na, "F*CK YOU!" Nang naka-dirty finger pa.

"F-fiancé mo?" tanong ni Jin na naka-helmet pa rin. T*ngina! Bakit naman sa dinami-dami ng tao, kuya pa niya? Oo, tama! Siya ang prodigal son na kasalukuyang nawawala. Hindi kaya palabas lang ito? Pero hindi eh. May ilang sasakyan kasi ng media ang nakaparada sa labas. Buti na lang hindi gaanong kilala si Jin ng ilang reporters. Hindi kasi siya pala-attend ng mga social gatherings noon, um-attend man siya, pormal naman ang bihis niya, yung tipong nerd tingnan? Kaya naman malaya pa rin siyang nakakapag-gala. Hindi katulad ni Knight na masyadong show off kaya kuha nito lahat ng attention ng publiko. Palibhasa takot mawalan ng mana.

"Oo. Huwag mong sabihing natatakot ka sa kanya? Tss. Tanggalin mo na kaya yang helmet mo?" sabi ni Aisha na tinuktok pa yung helmet ni Jin.

Dahan-dahan naman sa paningin ni Aisha ang pagtatanggal ng helmet ni Jin. Slow motion pa. Pwede bang i-pause para matagal-tagal?

*____*

"Tsk! Matunaw ako nyan," tuya ni Jin na nakangisi pa. Natanggal na niya ang helmet niya at naka-hood na siya. Mabuti na lang may hood ang suot niyang jacket!

Napahiya naman si Aisha. "Halika na nga..." at nagpauna nang lumakad si Aisha. Nakasunod naman sa kanya si Jin na nakayuko lang.

"Jin, ngayon lang ako makaka-attend sa mga ganitong bagay..." saglit pang huminto si Aisha na lumingon kay Jin na nakasunod sa kanya tapos ay lumakad muli.

"May media raw. Bwisit! Paano ba sumagot sa mga tanong nila? Pero sisiguraduhin kong hindi na tayo aabot doon kasi ipapakilala agad kita bilang boyfriend ko..."

HINTO.

LINGON KAY JIN.

LAKAD.

"Kaya galingan mo ang pag-arte ha. Bwisit talaga! Kinakabahan ako. Basta bahala na. Galingan mo talaga kundi patay ka sakin!"

HINTO.

LINGON KAY JIN.

LAKAD.

"Alam kong kinakabahan ka rin. Syempre malamang hindi ka rin sanay—"

HINTO.

LINGON KAY JIN.

O___O

"P*TANGINA! Nasaan si Jin?" Bulalas ni Aisha. Nawala na kasi si Jin nang muli niya itong lingunin. Nasa harapan pa naman na siya ng pinto ng mansion.

"Ma'am... bakit ganyan ang ayos nyo? Malapit na pong magsimula," sabi ng isang servant na nandoon.

"Halika na Ma'am, bibihisan ka namin..." sabi pa ng isa.

"TEKA, TEKA, sandali! May kasama ako, nakita nyo ba?" natataranta si Aisha

"Naku Ma'am, wala po. Mag-isa lang po kayo...halika na po—" hinatak siya nung servant.

Mga loko-lokong servants 'to? Anong mag-isa? Eh sino pala yung inangkas niya sa motor at kausap niya kanina? Ano yun? Multo?

"ARAY! Ma'am masakit!" Umiral naman ang pagiging alert ni Aisha kaya napilipit nya ang wrist nito nang hawakan siya sa braso.

"Ay naku, sorry, hindi kasi talaga ako pumapatol sa kapwa babae...masakit ba?" Hinawakan pa ni Aisha ang braso nung servant para ma-check kaso yung isa naman ang humatak sa kanya kaya naitulak niya ito. PATAY! Nabuwal pa yung isang babae. Naglapitan tuloy ang mga guards at ginamitan siya ng pwersa. Kaya naman hindi na niya napigilan ang sarili. Naghalo na tuloy ang balat sa tinalupan!

BOOOOOOOOOOOGS!

SQUAAAAAAAAAAAAAK!

ASDFGH!!!

CHIIIIIIIIIIKIIING!!!!

"WAG NYO SABI AKONG HAHAWAKAN!!" sigaw pa ni Aisha sa mga lalaking guards. Nai-imagine nyo ba kung anong nangyayari?

DAGUDUNG!

WOOOOOOOOOOSSSSHHHHHHHHH!

*@#%^&*)(!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

"ANONG NANGYAYARI DITO!?" Biglang lumabas si Knight. Galit ang makikita sa mukha nito habang lumalakad papalapit sa kanya. Sa tanang buhay ni Aisha, ni minsan hindi siya nakaramdam ng takot. Ngayon pa lang! Napalunok pa siya nang malapit na ito.

"You, b*tch! Don't make a scene here!" Halatang gigil na gigil at pilit na pinipigilan ni Knight ang sumigaw. "Mabuti na lang walang reporters sa area na 'to! Ayusin mo ang kilos mo!" Pagkatapos ay marahas siyang hinila nito papasok ng mansion. Sumunod naman ang mga servants. Dinala siya ni Knight sa isang kwarto. Puno iyon ng gamit pangbabae. Marahas siyang iniupo ni Knight sa isang upuan.

Ikinumpas ni Knight ang kamay niya. Pagkatapos ay awtomatikong naglapitan naman ang mga servants kay Aisha at sinimulan siyang bihisan.

Tinanggal ng dalawa ang magkabila niyang boots. Ang dalawa pa ay tinatanggal ang jacket niya.

"TEKA! SANDALI! Magbibihis ba ako?" Tanong ni Aisha na nanlalaki pa ang mata na nakatingin kay Knight.

Pinupunasan ng mga servants ang mukha at braso niya. Sinusuklay pa ng isa ang buhok niya.

"What do you think? Gusto mong lumabas sa TV ng ganyan ang itsura mo, ha?" He answered with full of sarcasm.

"TV?" O_O

"STUPID. Kaya nga may media eh." Seriously? Para saan ba ang media?

Akmang tatanggalin ng mga servants ang blouse at pantalon niya nang itinulak niya ang mga ito.

"Aray, Ma'am!" Nabuwal ang mga ito.

"Bakit po?" sabi pa ng isa. Lalo tuloy nanlaki ang mga mata ni Aisha? Mga tanga ba sila? Marunong naman magbihis mag-isa si Aisha.

"WHAT?! Gusto mo bang ako ang magbihis sayo?!" Pinipigilan na ni Knight ang sarili niyang magalit.

"Ako na! Kaya ko namang magbihis ng sarili ko! Ano bang damit ang isusuot ko?!" Mariing sabi ni Aisha. Pikon na pikon na siya!

Tinitigan siya ng masama ni Knight bago ito pumunta sa kumpol ng mga damit na naka-hanger.

"Ito!" At itinapon ni Knight ang isang dress kay Aisha. Nasalo naman niya iyon.

"PINK? Ayoko nyan!" Itinapon ni Aisha ang damit sa sahig.

Kumuha uli si Knight at muling ibinato iyon kay Aisha.

"Ayoko nyan, masyadong malalim sa dibdib!" Itinapon niya uli iyon sa sahig.

May binato uling damit si Knight.

"Backless? Ayoko!" Tinapakan pa ni Aisha iyon at sinipa.

Bumuntong hininga si Knight. Pagkatapos ay kumuha muli ng damit pero hindi na niya iyon ibinato kay Aisha. Lumapit siya kay Aisha habang-hawak ang damit, napapaatras naman si Aisha habang nakikipagtitigan kay Knight.

"Wear this...or I'll kiss you," mariing sabi ni Knight habang magkalapit na magkalapit ang mga mukha nila. Ewan, pero hindi nya magawang mag-iwas ng tingin sa lalaking kaharap. Galit na galit siya dito. Kung nakakamatay lang siguro ang titig, kanina pa sila nangingisay na dalawa sa sama ng titigan nilang dalawa. Kala mo ay may bolta-boltaheng kuryente ang namamagitan sa mga mata nila.

Kinuha ni Aisha ang damit sa kamay ni Knight. "Manonood ka ba sa pagbibihis ko?!?" Sarcastic na sabi ni Aisha.

Knight smirked and waved. Naglabasan naman ang mga servants na noon ay nasa silid.

"Ikaw, hindi ka lalabas?!" Asar na si Aisha nang hindi man lang kumilos si Knight para lumabas.

"I thought you want me to watch you?" He said grinning. "Kapag hindi kita binantayan, baka takasan mo lang ako."

"Pervert," singhal niya dito.

"You'll be my wife soon. You'll get used to it. Me watching you naked." He flashes a grin demonic smile.

Naningkit ang mga mata ni Aisha. Pakshet! English yun!

"Bwisit! Tumalikod ka pwede?!" Laking pasalamat naman ni Aisha nang tumalikod ito pero malapit pa rin ito sa kanya. Kaya naman minadali niyang magbihis. Ang kaso, zipper ang saraduhan nung dress at sa likod iyon kaya hindi niya maabot.

"Done?" Muli ay nagsalita si Knight. Humarap na ito sa kanya at napansin naman niyang pilit na inaabot ni Aisha ang zipper ng dress sa likuran nito. Napahinto naman si Aisha nang mapansin na nakaharap na ang lalaki sa kanya. Itinalikod siya nito at isinarado ang zipper ng dress sa likuran niya. Dahan-dahan at naramdaman pa niya ang pagdaplis ng daliri ni Knight sa likuran niya. Tila may maliliit na kuryente ang dumaloy doon.

"Tss, virgin..." bulong ni Knight nang matapos nitong isara ang zipper sa likuran ni Aisha. Agad din itong lumabas ng silid. Naiwang nakanganga si Aisha.

>//////<

"Everyone, please meet my future daugther-in-law, Ms. Aisha Benedict Vega." Pahayag ni Justavo Estude. Kasunod noon ay nagpalakpakan ang mga tao. Nag-aalangang ngumiti si Aisha, ang bilin sa kanya ng Daddy niya ay ngumiti lang daw siya sa media. Kung hindi alam ang sagot sa tanong ay wag na lang sumagot. Daig pa ata ang presscon ng isang pelikula sa nagaganap ngayon.

"Ms. Vega, totoo ba ang balita na buntis ka raw?" Isang baklang reporter ang nagtanong. Sinamaan ng tingin ni Aisha ang reporter sabay ngumiti.

"Kelan pa?" Walang galang na sagot niya dito.

"Nineteen ka na raw pero nasa H.S ka pa rin?" Nakakapikon lang ang tanong ng mga reporters. Kung basagin kaya niya ang mga camera ng mga ito?

"And so?" Nakangiti pa rin si Aisha ng pagkatamis-tamis.

"Gaano na kayo katagal ni Mr. Knight?" Mabilis na tanong ng isa pa.

"Two years..." si Knight na ang sumagot na mula sa ilalim ng lamesa ay mariing hinawakan ang kamay ni Aisha. "She's not pregnant and yes, nasa high school pa siya. Tinutulungan niya kasi ang Dad niya sa pagma-manage ng mga negosyo nila. She wasn't able to focus on her studies but she is catching up."

Madami pang pinagsasasabi na kasinungalingan si Knight na malamang ay scripted at napaghandaan na nang may kumalabit kay Aisha mula sa ilalim ng lamesa. Muntik na siyang mapatayo nang makitang tao iyon.

Si Jin!

Sinenyasan siya ni Jin na huwag maingay at tila may balak itong kakaiba, mula kasi sa pagkakasenyas ay ngumiti ito pagkatapos ay bumilang gamit ang daliri nya.

Isa.

Dalawa.

TATLO!

CHIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIING!

Itinaob ni Jin ang lamesa paharap sa media kaya naman nagkabasag-basag ang mga laman noon. Pagkatapos ay hinigit niya sa kamay si Aisha at sabay silang tumakbo.

TAKBO!

TAKBO!

TAKBO!

"Jin! Uwaaahh! Saan tayo pupunta!?" Tanong ni Aisha. Nakakaloka si Jin bigla na lang umeeksena! Tumatakbo sila ngayon sa hallway. Si Jin ay natatanggal-tanggal na yung hood sa ulo kaya naman sinusuportahan niya iyon gamit ang isang kamay habang ang isang kamay ay nakahawak sa kamay ni Aisha

"Hahaha. Hindi ko rin alam! Basta sumunod ka na lang!" Pasigaw na sabi ni Jin. Hinahabol sila ngayon ng mga guards.

"Aray!" Nabangga nila ang isang babae kaya nabuwal ito. It was Thalia Vega. Aisha's half sister!

Nanlaki ang mga mata nito nang mamukhaan ang kasama ni Aisha. "Jin?!"

Alam nga pala ni Thalia na assistant si Jin ng Daddy nila, at mukhang interesado ito kay Jin dahil nalaman niyang crush ito ni Aisha. Inggitera na naman. Hindi na nila pinansin si Thalia. Tumakbo uli sila at pumasok sa isang silid.

Ini-lock ni Jin ang pinto.

"Hala, patay tayo Jin...we're trapped!" Natataranta na naman si Aisha.

"Of course not!" Sabi ni Jin na kinindatan pa si Aisha. Binuksan niya ang bintana ng silid, sa ibaba ng bintana ay kita ang motor ni Aisha. Nasa third floor sila. "Kaya mo bang tumalon papunta dun sa puno?"

Sinilip iyon ni Aisha at bumungad ang ngiti sa labi niya. "Sisiw..." Ginulo-gulo ni Jin ang buhok ni Aisha.

"That's what I'm talking about! Give me the key. I'll drive!" Sabi ni Jin at ibinigay naman ni Aisha ang susi ng motor niya. Mabuti na lang at isinuot niya iyon. Nakakwintas lang kasi lagi sa kanya ang susi ng motor niya.

Naunang tumalon si Jin. Naglambitin muna ito sa puno at saka tumalon sa ibaba. Sumunod si Aisha. Naglambitin si Aisha sa puno. Sh!t naka-dress nga pala siya! Sumilip siya sa ibaba at naroon si Jin na nakatingala sa kanya! Namimilog pa ang mga mata. O_O Kaya naman bumitaw si Aisha sa puno upang makababa na, mukhang nage-enjoy kasi masyado si Jin >////< Natastas naman ang magkabilang side ng dress niya na knee length kaya parang nagkaroon ng slit sa magkabilang side.

"Ganda ng view 'no?" Sarcastic na tanong niya kay Jin. Kahit pa crush niya ito eh kelangang umayos-ayos siya. Hindi naman easy si Aisha! Namula naman si Jin.

"HOY!" Biglang sumigaw si Knight na nasa silid kung saan sila nanggaling. Tumalon din ito pababa. Napamangha pa si Aisha kaya saglit siyang natulala.

"Aisha! Sakay!" Mula sa panonood sa pagtalon ni Knight ay natauhan si Aisha at sumakay na sa bigbike.

VROOOOOOOOOOOOOM!!!!!!!!!!!!!!

"Sh*t!" Gilalas ni Knight nang humarurot ang motor! Nagmadali siyang pumunta sa Lamborgini niya at pinaharurot iyon papalabas ng mansion!

"F*CK! That b*tch! Magbabayad siya! That BASTARD stole that IDIOT girl! SH*T!" Habang nagmamaneho ay sinusuntok pa ni Knight ang manibela ng kotse niya. Gawa na rin ang side mirror noon. Kung bakit ba naman kasi nagpumilit ang Dad niya na iyon na lang ang pakasalan ni Knight! Ang dami-dami namang iba dyan! Hindi na niya nakita ang motor ni Aisha, mabilis na nawala iyon.

"Franco! Find out who that guy is!" sabi nya kay Franco nang tawagan niya ito sa telepono.

"We know already who he is, Sir!" kinakabahang saad ni Franco.

e

Continue Reading

You'll Also Like

65.1K 1.2K 75
(SLOW UPDATE) Donna Jean V. Lodivero, a lovely woman deprived of the ability to see beautiful scenery in the world. A young lady who has her unlucky...
14.5M 747K 72
He's as loyal as a dog who follows her around, but that was before she gave him up. Arkanghel, the charming high school boy who taught Sussie's young...
95.1K 4.7K 70
The Oleander Woman is a paradox of beauty and danger, her allure and strength mask a potent inner fire. Her delicate blooms and graceful form inspire...