NOW AVAILABLE IN ALL LEADING BOOKSTORES NATIONWIDE!!

PROLOGUE



Chismis...

Ano nga bang meron sa chismis? At bakit mabilis itong kumalat?


Ang katotohanan ay lahat tayo ay minsan na ring naniwala sa chismis.

IKAW...oo, ikaw nga! Huwag ka ng lumingon sa tabi, wala ka namang katabi.

Naranasan mo na bang maging paksa ng isang CHISMIS?


Yung tipong sobrang hindi totoo? Pero paano kung biglang magkatotoo?

Yung tipong...

Hindi mo alam na may kumakalat na—na balita tungkol sayo?

Na pinag-uusapan ka ng mga tambay sa kanto?

Na pati sa parlor ay pinag-uusapan ka rin habang nilalandi ng tambay yung baklang gumugupit?

Na hindi sinasadyang narinig yun ng isa pang customer?

Na ang customer na yun ay kumain sa karinderya tapos ikinuwento nito ang nalaman niya sa kaibigang...

nandoon at narinig naman ito ng tindera?

Tapos nung namalengke ang tindera ay ipinasa nito ang balita sa nagtitinda ng karne at nagkataon naman na ang maid nyo ay namalengke?

PAG-UWI ng MAID nyo... Ipina-ALAM ito sa DADDY mo!

At ikaw nalang ang hindi pa nakaka-alam!


Tsk Tsk Tsk... Kawawang bata.

mQ